Print

10 Dahilan Upang Maniwala Na Ang Aklat Ng Pahayag Ay Isinulat Bago Ang 70 AD

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

10 Dahilan Upang Maniwala Na Ang Aklat Ng Pahayag Ay Isinulat Bago Ang 70 AD

Matapos ang aking kamakailang artikulo sa Tanda ng Halimaw, tinanong ako ng ilang katanungan. Isa sa mga ito ay tungkol sa petsa ng pagsulat ng Pahayag ayon kay Juan. Ang artikulong ito ay matatangka na ipahayag ang katanungang iyon at gumawa ng isang kaso para sa mas maagang petsa, bago ang pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD, sa halip na sa huling petsa sa ilalim ni Emperador Domitian.

Bakit ito mahalaga? Bueno, mahalaga ito dahil kung ang Pahayag ay tungkol sa pagdating ng pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD, pagkatapos ang kaso ay maaaring magawa (na nagawa ko) na ang sulat ay isinulat upang balaan ang mga Kristyano ng Unang Siglo ng pangyayaring iyon at upang tukuyin ang Halimaw (si Nero) at upang magbigay ng propetikong konteksto para sa anong magaganap.

Kung, gayunman, maaari nitong ipakita na si Juan ay isinulat ang Pahayag matapos ang pagbagsak ng Jerusalem, pagkatapos ito’y dapat na isang babala para sa mga Kristyano sa hinaharap tungkol sa mga pangyayari na hindi pa nagaganap.

Ang sampung dahilan sa ibaba ay kinuha nang halos ganap mula sa artikulo ng Raptureless blog na nakadugtong sa ibabaw, ngunit ang aking mga tala at mga komento ay matatagpuan sa ibaba ng bawat isa.

Ang Oposisyon


Isla ng Patmos

Bago ko ibahagi ang aking mga dahilan para sa pag-aangkin ng mas maagang petsa, ating siyasatin kung bakit ang ilan ay pinaniwalaan na ito’y isinulat matapos ang pamumuno ni Nero muna dahil mayroong naglalaban na patotoo tungkol sa kung kailan ay Juan ay ipinatapon sa isla ng Patmos (kung saan niya isinulat ang Pahayag). Ilan ay nagsabi na siya ay ipinatapos rito ni Domitian (na dumating matapos si Nero) at nasa isla sa pagitan ng 81 AD at 96 AD. Gayunman, maraming makasaysayang dokumento na sumasalungat sa angkin na iyon at sinasabi na si Juan ay ipinatapon sa panahon ng pamumuno ni Nero (bago ang 70 AD).

Ang pinakamatatag na ebidensya para sa isang huling petsa ay nagmumula kay Irenaeus (120-202 AD), na inangkin na si Juan ay isinulat ang kanyang Pahayag sa ilalim ng pamumuno ni Domitian. Gayunman, si Irenaeus ay mayroong isang masagwang talaan para sa makasaysayang katumpakan. Halimbawa, itinala niya rin na ang paglilingkod ni Yahushua ay tumagal ng 20 taon at siya ay ipinako sa krus sa edad na 50. Walang sinuman ang kumukuha ng angkin na iyon nang taimtim, kaya marahil ay hindi natin dapat kunin ang kanyang salita para sa petsa ng Aklat ni Pahayag ni Juan.

Narito ang 10 dahilan na maaari nating tiwalang tanggapin ang maagang petsa ng Pahayag sa halip na ang huling petsa.

Dahilan 1: Tinutukoy Ni Juan Si Nero Bilang Ang Kasalukuyang Emperador.

Sa Pahayag 17:10, sinasabi ni Juan, “At lima sa kanila ay bumagsak na, ang isa’y buhay pa, ang isa ay hindi pa dumarating; at sa kanyang pagdating, sandali lang siyang mananatili.

Narito, si Juan ay nagtatangka na kilalanin ang kahulugan ng halimaw na may pitong ulo. Sinasabi niya na ang pitong ulo ay ang pitong hari ng naunang lima na namatay, at ang ikaanim na nabubuhay pa. Kung sisimulan natin kay Julius Caesar (ang unang Emperador ng Roma) at magsimulang magbilang, matatagpuan natin na ang ikaanim na Caesar – ang isa na kasalukuyang namumuno – ay si Nero.

May magiging mas malinaw pa doon?

Si Juan mismo ay sinasabi sa atin na ang pinuno ng Imperyong Romano sa panahong iyon na isinusulat niya ang kanyang Pahayag ay ang ikaanim na Caesar, at iyon ay walang iba kundi si Nero.

Dahilan 2: Ang Syriac Na Bagong Tipan.

Isa sa mga pinakamatandang nalalamang mga dokumento ng Bagong Tipan ay mula sa ikalawang siglo, tinawag na Ang Syriac o ang Peshitto. Sa maagang bersyon nito, kung tutungo ka sa Aklat ng Pahayag, makikita mo ito sa pahina ng pamagat:

“Muli, ang pahayag ay nasa banal na si Juan ang Ebanghelista mula kay Yahuwah noong siya ay nasa isla ng Patmos, kung saan siya ipinatapon ng Emperador Nero.”

Buhat nang namuno si Nero sa Roma mula 54 AD hanggang 68 AD, isinulat ni Juan ang kanyang Pahayag sa panahong ito.

Dahilan 3: Pag-Uusig Ng Mga Hudyo Sa Mga Kristyano.

Ang Bagong Tipan ay ipinapakita na, halos mula sa simula, ang mga namumunong Hudyo ay inusig ang maagang iglesya. Si Pablo, ang Apostol, ay mismong isang kasapi ng pangkat na tumungo upang arestuhin at ligaligin ang mga sumunod kay Yahushua bilang Mesias. Ang pag-uusig na ito ng mga Hudyo ay nagpatuloy at tumindi hanggang ang isang bagay ay naganap: Ang Templo ng mga Hudyo ay nawasak, ang Jerusalem ay sinalanta, at ang sistema ng relihiyon ng mga Hudyo ay epektibong nabuwag.

Sapagkat si Juan ay tinutukoy ang pag-uusig ng mga Hudyo sa Pahayag bilang isang bagay na patuloy na pinagtitiisan ng mga Kristyano sa panahon ng kanyang pagsusulat, ibig sabihin nito na ang Templo ay nananatiling nakatayo. Dahil dito, maaari nating bigyan ng petsa ang kanyang Pahayag na isinulat bago ang 70 AD.

Dahilan 4: Ang Mga Hudaiser Sa Loob Ng Iglesya.

Ayon sa sulat ni Juan, ang mga Hudaiser ay lubos na aktibo sa panahon ng kanyang pagsusulat.

“Alam ko ang iyong pagdurusa at ang iyong pagiging dukha, bagaman ikaw ay mayaman. Alam ko ang paninira sa iyo ng mga nagsasabing sila ay mga Hudyo ngunit hindi naman, kundi isang sinagoga ni Satanas.” (Pahayag 2:9)

“Tingnan mo ang mga kabilang sa sinagoga ni Satanas na nagsasabing sila'y mga Hudyo ngunit hindi naman, at nagsisinungaling lamang—papupuntahin ko sila sa inyo at pasasambahin sa inyong paanan, at malalaman nilang ikaw ang aking minahal.” (Pahayag 3:9)

Hindi ito magiging isang isyu kung ang Templo ng Jerusalem ay nawasak noong si Juan ay isinulat ang kanyang Pahayag.

Dagdag pa, noong ang mga sulat ni Pablo laban sa mga Hudaiser (Galacia, Roma, at Efeso) ay inilathala at ipinamahagi sa buong maagang iglesya (isang bagay na maaari nating ipalagay na dumating matapos ang sulat ng Pahayag ni Juan), ang aktibidad na ito ay hindi magiging madali na kunsintihin.

Kaya matapos ang mga sulat ni Pablo na nagtutuligsa sa mga Hudaiser, ito’y hindi magiging isang isyu. Ang katunayan na ipinapahayag ni Juan ang suliranin ay nangangahulugan na ang mga sulat ni Pablo ay hindi pa isinulat at ipinamahagi. Dahil dito, ang Pahayag ay isinulat bago ang Galacia, Roma, at Efeso, na nangangahulugan na ito ay bago ang 70 AD.

Dahilan 5: Ang Pag-Iral Ng Jerusalem At Ang Templo.

Sa Kabanata 11 ng Pahayag, sinabi kay Juan na “Tumayo ka at sukatin mo ang templo ni Yahuwah, at ang dambana, pati ang mga sumasamba doon.” (berso 1)

Kung ang Templo ay nawasak, hindi maaaring magawa ito ni Juan. Dahil dito, ang Pahayag ni Juan ay marahil na isinulat bago ang pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD.

Dahilan 6: Mga Kaganapan Na Darating Nang “Dagli” At “Malapit Na.”

Sa buong aklat ng Pahayag, nagpapatuloy si Juan na magbigay ng paalala sa kanyang mga mambabasa na ang mga kaganapan na ibinababala niya sa kanyang sulat ay darating sa katuparan nang “dagli,” “malapit na,” o “agaran.” Kung ibig niyang sabihin na ang mga kaganapang ito ay magaganap nang mahigit 2,000 taon ang nakalipas, tunay na maaari niyang sabihin. Ngunit hindi niya sinabi.

“Ang Pahayag ni Kristo Yahushua na ibinigay sa kanya ni Yahushua upang ipakita sa kanyang mga lingkod kung ano ang malapit nang maganap…” (Pahayag 1:1)

“Pinagpala ang bumabasa ng mga salita ng propesiyang ito sa mga tao, at ang mga nakikinig at tumutupad ng mga bagay na nakasulat dito, sapagkat malapit na ang takdang panahon.” (Pahayag 1:3)

“At sinabi pa niya sa akin, “Huwag mong takpan ng tatak ang mga salita ng propesiya ng aklat na ito, sapagkat ang panahon ay malapit na.” (Pahayag 22:10)

“Ang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsasabi, “Oo, malapit na akong dumating.” Amen. Dumating ka nawa, Panginoong Yahushua!” (Pahayag 22:20)

Dahilan 7: Nakita Si Kristo Ng “Mga Sumaksak Sa Kanya”.

Upang ipaliwanag ang dahilang ito (at ang sanggunian sa ibabaw mula sa Pahayag 22:20), kinakailangan na unang bigyang-kahulugan kung ano ang ibig sabihin ng “Pagdating” ni Yahushua, sa halip na ang “Pagbabalik ni Kristo” sa Katapusan ng Sanlibutan.

May mga ilang sanggunian sa buong Bibliya tungkol sa mga kaganapan ng paghuhukom bilang “ang pagdating ni Yahuwah.” Halimbawa, sa Lumang Tipan, matatagpuan natin ang mga propesiya tungkol sa paghuhukom ni Yahuwah laban sa mga tiyak na bansa na nagpahayag sa paraang ito:

“Narito, ang PANGINOON ay nakasakay sa isang matuling alapaap, at napasasa Egipto: at ang mga diyus-diyosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon.” (Isaias 19:1)

Sumakay ba si Yahuwah sa isang ulap at inatake ang Egipto? Hindi. Gayunman, ang hukbong Asiryan ay inatake ang Egipto sa katuparan ng propesiyang ito mga humigit-kumulang ikapitong siglo BC.

Ito ay ang kaparehong paraan na sinasabi ni Yahushua na “dumarating na nasa ibabaw ng mga ulap” upang maghatid ng paghahatol laban sa Jerusalem dahil sa hindi pagtanggap sa kanya at sa kanyang ebanghelyo. Halimbawa, sinasabi ni Yahushua sa Kataas-taasang Pari na personal niyang makikita si Yahushua na dumarating sa ibabaw ng kaulapan nang may kapangyarihan:

“Sinabi ni Yahushua sa kanya, ‘Kayo na ang nagsabi niyan, ngunit sinasabi ko sa inyo, pagkatapos nito ay makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at dumarating na nasa ibabaw ng mga ulap ng himpapawid.’” (Mateo 26:64)

Ang pangakong ito ay ginawa sa isang tiyak na tao, si Caifas, ang Kataas-taasang Pari: “Makikita ninyo ang Anak ng Tao…dumarating na nasa ibabaw ng mga ulap ng himpapawid.”

Nahulaan rin ni Yahushua sa panahon ng kanyang Propesiyang Olivet (na tungkol sa pagkawasak ng Templo) ang sumusunod:

“Pagkatapos ay lilitaw sa langit ang palatandaan ng Anak ng Tao, at magluluksa ang lahat ng mga lipi sa lupa. Makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa ibabaw ng mga ulap sa himpapawid, taglay ang kapangyarihan at maringal na kaluwalhatian.” (Mateo 24:30)

Kaya sa pagsasabi ng lahat ng iyon, tingnan natin ang anong sinasabi ni Juan sa Pahayag:

“TINGNAN NINYO! DUMARATING SIYANG NASA MGA ULAP; makikita siya ng bawat mata, maging ng mga sumaksak sa kanya, at tatangis dahil sa kanya ang lahat ng lipi sa daigdig. Mangyari nawa. Amen.” (Pahayag 1:7)

Narito, sinasabi ni Juan na ang mga parehong tao na nagpako kay Kristo ay makikita siya na “dumarating sa mga ulap,” na hindi lamang pumapanig sa mga salita ni Yahushua kundi nagpupunto rin sa isang paparating na paghuhukom laban sa Jerusalem sa pamamagitan ng pariralang “dumarating siyang nasa mga ulap” bilang isang sanggunian sa sipi ng Lumang Tipan sa ibabaw.

Para sa talaan, ang “mga sumaksak sa kanya” ay hindi na buhay noong 96 AD kapag ang ilan ay naniniwala na si Juan ay isinulat ang Aklat ng Pahayag. Paano natin malalaman ito? Sapagkat sila’y namatay noong 70 AD noong ang mga Romano ay winasak ang Jerusalem. Dahil dito, iyong “mga sumaksak sa kanya” ay nabubuhay pa bago ang 70 AD, at ibig sabihin na si Juan ay isinulat ang kanyang Pahayag noong sila’y patuloy na nabubuhay.

Dahilan 8: Ang Kondisyon Ni Juan Noong 96 AD.

Nalalaman natin mula sa mga kasulatan ni Jerome (isang maagang Ama ng Simbahan) na si Juan ang Apostol ay nakita noong 96 AD at siya’y medyo mahina na, sinasabi:

“…siya’y may dala-dala nang kahirapan sa simbahan at maaaring magsalita ng kakaunting salita sa mga tao.”

Gayunman, kung babasahin natin ang Pahayag 10:11, sinasabi ni Juan:

“Kailangang magpahayag (akong) muli ng propesiya tungkol sa maraming bansa, mga lahi, mga wika, at mga hari.”

Kung si Juan ay isinulat ang Pahayag noong 96 AD, noong mayroon tayong isang saksi na nagsasabi na siya’y halos hindi na makalakad o maging makapagsalita sa panahong iyon, paano maaaring magpatuloy si Juan na magsalita sa sinuman sa kondisyong iyon?

Sinabi kay Juan na “huwag mong takpan ng tatak ang mga salita ng propesiya.” Bakit? Dahil sinasabihin siya ng kanyang propesiya na “sapagkat ang panahon ay malapit na.” (Tingnan ang Pahayag 22:10).

Gayunman, kung si Juan ay isinulat ang Pahayag noong 70 AD, marami pang taon ng buhay ang nalalabi upang magsalita sa maraming bansa at mga hari tungkol sa Ebanghelyo ni Yahushua bago ang taong 96 AD.

Dahilan 9: Ang Propesiya Ni Daniel.

Noong ang anghel ni Yahuwah ay ibinigay kay Propeta Daniel ang kanyang propesiya, sinabi sa kanya ng anghel na “isara mo muna ang aklat na ito. Habang hindi pa ito ipinapahayag…” (Tingnan ang Daniel 12:4). Ngunit ang mga bagay na isinulat niya ay mga humigit-kumulang 483 taon pa. Subalit sinabi kay Juan na “huwag mong takpan ng tatak ang mga salita ng propesiya.” Bakit? Dahil sinasabihin siya ng kanyang propesiya na “sapagkat ang panahon ay malapit na.” (Tingnan ang Pahayag 22:10).

Kung ang mga kaganapan sa propesiya ni Juan ay ilang taon lamang ang agwat (10 o 20 taon), lahat ito’y magkakaroon ng saysay. Gayunman, kung ang propesiya ni Daniel ay isinara dahil “hindi pa ito ipinapahayag” (483 taon), walang saysay na ang propesiya ni Juan ay HINDI isinara “sapagkat ang panahon ay malapit na” mahigit 2,000 taon ang nakalipas?!

Sa kadahilanang ito, naniniwala ako na ang Aklat ng Pahayag ni Juan ay isinulat bago ang pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD.

Dahilan 10: Pitong Iglesya Lamang?

Ang sulat ni Juan ay nagsisimula sa mga tiyakang mensahe mula kay Yahushua para sa Pitong Iglesya sa Asya Minor. Kung ang Pahayag ni Juan ay isinulat matapos ang 70 AD, katulad ng 96 AD, gaya ng ipinapahiwatig ng iba, marami at marami pang simbahan sa rehiyong iyon kaysa sa pito lamang.


Mapa ng Asya Minor1

BILANG PAGWAWAKAS

Ito ang sampung pinakamahuhusay na dahilan para sa pagtanggap sa maagang petsa para sa kasulatan ng Aklat ng Pahayag ni Juan at para sa pagpapaliwanag ng mga kaganapan na matatagpuan sa sulat na ito na natupad sa pagkawasak ng Jerusalem sa kamay ng mga Romano noong 70 AD.


Ito ay isang hindi-WLC ni Keith Giles.

1 – Mapa ng Asya Minor mula sa https://bible-history.com/maps/map-new-testament-asia-cities

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC