Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Sa aking aklat na Kingdom Come: The Amillennial Alternative, pinagtitibay ko sa paglalarawan ng ano ang tinatawag ko na isang pinagsama-samang kaso para sa amilenyalismo. Ang “pinagsamang-samang kaso” na ito ay isinasangkot ang 30 dahilan kung bakit ang amilenyalismo ay ang pinakamatibay, kapani-paniwala, at biblikal sa lahat ng eskatolohikong sistema. Sa artikulong ito, ipapahayag ko ang 30 dahilang iyon.
(1) Ang amilenyalismo ang may mga pinakamahuhusay na talaan para sa maraming teksto kung saan ang propetikong pag-asa ng Israel sa Lumang Tipan ay inilarawan na natupad na sa katauhan at gawa ni Kristo Yahushua at ang sumasampalatayang nalalabi, ang kanyang katawan, ang Ekklesia. Salungat sa lahat ng mga anyo ng dispensasyonalismo at karamihan ng premilenyalismo, ang katuparan ng mga pangako sa Lumang Tipan ay hindi matatagpuan sa pagpapanumbalik ng pambansa, etnikong Israel, sa isang literal na 1,000 taon ng makalupang kaharian, kundi sa Hari mismo at sa kanyang bayan ng bagong tipan, ang Ekklesia, ang matapat na Israel ni Yahuwah. “Nangako si Yahuwah kay Abraham at sa kanyang binhi. . . . at ito’y si Kristo Yahushua. . . . At kung kayo’y nakipag-isa kay Kristo Yahushua, kayo’y kabilang na sa lahi ni Abraham at mga tagapagmana ayon sa pangako ni Yahuwah” (Galacia 3:16, 29).
(2) Ang amilenyalismo ang may mga pinakamahuhusay na talaan kung paano ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagsalita tungkol sa hinaharap sa mga tuntunin ng mga larawan at mga konsepto na hiniram mula sa panlipunan at kultural na mundo kung saan sila at kanilang mga mambabasa ay pamilyar. Sa ibang salita, sila’y nakikipag-ugnayan ukol sa realistikong panghinaharap na kaluwalhatian ng mga eskatolohikong layunin ni Yahuwah sa hayperboliko o pinalabis na mga termino ng isang ulirang kasalukuyan. Ang realistikong panghinaharap na kaluwalhatian ay matutupad, hindi sa isang medyo gintong panahon na namamagitan sa muling pagdating ni Kristo at ang walang hanggang estado, kundi sa huli lamang, sa isang Bagong Lupa kung saan ang mga matutuwid ay nananahan.
(3) Ang amilenyalismo ang may mga pinakamahuhusay na talaan para sa presensya ng tipolohiya sa Kasulatan, ayon sa mga tauhan, mga kaganapan at mga institusyon ng Lumang Tipan na nakakita ng isang mas malalim, pinatinding ekspresyon at katuparan sa anti-tipiko. Ito’y lalong nakita sa paraan kung paano inilarawan si Yahushua bilang anti-tipikong katuparan sa maraming tipo at anino sa Lumang Tipan.
(4) Kapang ang Lumang Tipan ay nagsasalita ng katuparan ng pagpapanibago ng paglikha ni Yahuwah, ito’y walang nalalaman na isang panahon ng 1,000 taon na nagdaan sa walang hanggang estado. Sa halip, ito’y nakatuon sa Bagong Langit at Bagong Lupa (Isaias 65:17-22; 66:22), naaalinsunod sa anong nababasa rin natin sa Bagong Tipan (Pahayag 21-22). Ito, syempre, ay tiyakan kung ano ang pangangatuwiran ng amilenyalismo.
(5) Ang amilenyalismo ay nagbibigay ng isang nakatataas at mas matibay na pagpapaliwanag ng propesiya ng pitumpung sanlinggo ng Daniel 9, na nakita natin ay dinisenyo upang pumukaw ng isang teolohikong larawan, pinangalanan, na sa katauhan at gawa ni Yahushua, si Yahuwah ay gagawa upang magdulot ng panghuling jubileo ng nagtutubos na kasaysayan. Ang balangkas ng 10 jubileo (iyon ay ang 490 taon o 70 sanlinggo) ay simboliko ng banal na gawa ng pagtutubos, sa pagwawakas nito, ang walang hanggan at ang sakdal na jubileo ay lilitaw: ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa.
(6) Natatagpuan ko rin ang amilenyalismo ay isang nakatataas na pamamaraan para maunawaan ang nagtutubos na kasaysayan hanggang ngayon gayong ito lamang ang naaayon sa patotoo ng Bagong Tipan tungkol sa pagwawakas ng pisikal na kamatayan sa panahon ng Muling Pagdating ni Kristo. Ang premilenyalismo ay kinapos doon sapagkat ito’y nangangailangang isama ang pagpapatuloy ng kamatayan nang lagpas sa pagbabalik ni Kristo, lagpas sa punto kapag ang kamatayan ay “nilamon ng tagumpay magpakailanman” (Isaias 25:7-9; 1 Corinto 15:52). Malinaw si Pablo at sa punto sa pagpapahayag sa atin na ang pagwawakas ng lahat ng pisikal na paghihirap at mortalidad ng tao ay nagaganap sa panahon ng pagbabalik ni Kristo Yahushua at muling pagkabuhay ng katawan. Sa panahong iyon, sinasabi ni Pablo, ang Isaias 25:7-9 ay matutupad. Sa Muling Pagdating ni Kristo, sinasabi ng apostol, “Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.” Walang pisikal na kamatayan ang maaaring maganap matapos ang Muling Pagdating. Kung maaari, mali si Pablo sa pagsasalita na ang kamatayan ay nilamon ng pagtatagumpay, sa katuparan ng Isaias 25, sa sandali ng Muling Pagdating.
(7) Isa pang paninindigan ng amilenyalismo ay matatagpuan sa katuparan ng Isaias 25:8, kung saan sinabi sa atin ni Yahuwah na isang araw ay “papahirin ang mga luha,” isang propesiya na ayon sa Pahayag 21:1-4 ay dumarating sa katuparan kapag ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa ay nilikha. Anong gumagawa nito na isang argumento para sa amilenyalismo ay sinasabi ni Pablo na ang Isaias 25:7-9 ay matutupad sa panahon ng Muling Pagdating (1 Corinto 15:50-55). Ang punto lamang, ay ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa ay “darating” kapag si Kristo Yahushua ay darating rin, sa pagwawakas ng kasaysayan, hindi pagkalipas ng 1,000 taon.
(8) Isang konektadong punto ay ang amilenyalismo lamang ang naaalinsunod sa pagtuturo sa Bagong Tipan na ang likas na paglikha ay ihahatid mula sa sumpa at karanasan ng “katubusan” nito, nauugnay sa “pagtubos” sa ating mga katawan, sa panahon ng Muling Pagdating ni Kristo (Roma 8:18-23). Muling nabigo ang premilenyalismo hanggang ngayon sapagkat ito’y nangangailangan na ang lupa ay patuloy na masasalanta ng digmaan, kasalanan at kamatayan. Ang mga premilenyalista ay dapat kailangang maniwala na ang pagpapanibago ng likas na paglikha at ang nilalang nito na pinalaya mula sa pagkakabilanggo sa kasamaan ay hindi nagaganap, kahit papaano sa ekspresyon ng katuparan nito, hanggang 1,000 taon na sumusunod sa pagbabalik ni Kristo.
(9) Ang amilenyalismo ay mas naaalinsunod sa pagtuturo sa Bagong Tipan (2 Pedro 3:8-13) na ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa ay pinasiyanaan sa panahon ng muling pagdating ni Kristo, hindi 1,000 taon pagkatapos noon. Ang mga mananampalataya sa kasalukuyang panahon ay “naghihintay tayo sa pagdating ng pangako ni Yahuwah,” na sinasabing nila “ang bagong langit at ang bagong lupa na kung saan tinatahanan ng katuwiran” (2 Pedro 3:12-13). Ito ang tampulan ng ating mga inaasahan, hindi ang panahon ng 1,000 taon sa loob ng kasaysayan kung kailan ang mga hindi matutuwid ay ang nananahan.
(10) Ang amilenyalismo ay nakatataas sa premilenyalismo hanggang ngayon sapagkat ang huling pananaw ay nangangailangan na ang isa ay naniniwala na ang mga hindi sumasampalataya ay patuloy na may pagkakataon na dumating sa nagliligtas na pananalig kay Kristo sa loob ng 1,000 taon na kasunod ng kanyang pagbabalik. Ang amilenyalismo lamang ay ang nagpapatibay ng patotoo ng Bagong Tipan na ang lahat ng pag-asa para sa kaligtasan ay nagwawakas sa Muling Pagdating ni Kristo Yahushua. Ang pagkakataon para sa walang hanggang buhay ay ngayon, sa kasalukuyang panahon ng simbahan, bago dumating si Kristo, hindi sa huli, sa ilang panahon ng milenyo, matapos dumating si Kristo.
(11) Ang amilenyalismo lamang ang naaayon sa pagtuturo sa Bagong Tipan na ang muling pagkabuhay ng mga hindi sumasampalataya ay magaganap sa panahon ng Muling Pagdating ni Kristo, hindi sa lumipas na 1,000 taon kasunod ng isang makalupang milenyong paghahari. Kaya dahil dito, ang amilenyalismo ay mas malinaw na talaan para sa Juan 5:28-29 kung saan ipinahayag ni Yahushua na “isang oras” ang paparating kung kailan mayroong isang iisa at pangkalahatang muling pagkabuhay ng mga katawan ng parehong sumasampalataya at hindi. Ang premilenyalismo ay dapat magpalagay ng isang puwang ng 1,000 taon sa pagitan ng dalawa.
(12) Tungkol sa naunang punto na ang premilenyalismo ay kinakailangang isama ang paniniwala na ang mga hindi sumasampalataya ay hindi tuluyang hahatulan na magdusa ng walang hanggang kaparusahan hanggang hindi bababa sa 1,000 taon kasunod ng pagbabalik ni Kristo. Subalit ang 2 Tesalonica 1:5-10 ay iginigiit na iyong mga “hindi kumikilala kay Yahuwah” at “hindi sumusunod sa ebanghelyo ng ating Panginoong Yahushua. Ang parusang igagawad sa kanila'y walang-hanggang kapahamakan, at ihihiwalay sila sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. Mangyayari ito sa araw ng kanyang [Kristo Yahushua] pagdating upang tanggapin ang mga papuri mula sa kanyang mga banal at tanggapin ang mga parangal ng lahat ng mga nananalig sa kanya” (2 Tesalonica 1:8-10a; binigyang-diin; tingnan rin ang Mateo 25:31-46).
(13) Ang amilenyalismo lamang ang maaaring magtala para sa deklarasyon ni Pablo na “ang laman at dugo ay hindi magmamana ng kaharian ni Yahuwah” (1 Corinto 15:50-57). Ang premilenyalismo ay muling bigo dahil ito’y nagpapalagay ng pag-iral, sa isang inakalang matapos ang parousia na makalupang milenyal na paghahari, ng parehong sumasampalataya at hindi na nananatili sa kanilang likas, “laman at dugo” na mga katawan.
(14) Ang pagiging higit ng amilenyalismo sa premilenyalismo ay nakita rin sa katunayan na ang nauna, hindi katulad ng nahuli, ay hindi kailangang lutasin ang problema ng anong nagyayari sa mga mananampalataya na nakaranas ng pisikal na kamatayan sa kurso ng sinasabing makalupang milenyal na paghahari. Ang amilenyalismo ay hindi ipinapalagay ang hindi tiyakan (kung hindi kakaiba) na senaryo kung saan mayroong libu-libong indibidwal na muling pagkabuhay na nagaganap kasunod ng pagbabalik ni Kristo, o, dapat iyong tanggihan, ang nosyon na iyong mga namatay para kay Kristo kahit papaano’y umiiral sa isang hindi materyal na estado sa ilang hindi matukoy na kalapitan sa kanilang Tagapagligtas habang siya at iyong mga mananampalataya na muling nabuhay ay namuhay at naghahari sa lupa. Ito ba ang tunay na kaso na ang Bibliya ay nagtuturo ng isang makalupang paghahari ni Kristo na potensyal na daan-daang libo (milyon?) ng pisikal na patay na mga mananampalataya ang umaaligid sa mga kanyang presensya, humahalo nang kakaiba sa mga pisikal na nabubuhay na hindi muling nabubuong tao, kasama ang mga pisikal na buhay ngunit hindi niluwalhating muling binuong tao, at kasama pa ang mga muling binuhay at niluwalhating tao? Sapagkat itinala sa ibabaw, para sa mga premilenyalista, ang alternatibo ay para maggiit, nang wala ang pinakamaliit na pahiwatig sa Kasulatan, na ang hindi mapahayag na dami ng mga indibidwal na muling pagkabuhay ng mga katawan ay nagaganap sa panahon ng milenyo gayong ang mga mananampalataya ay pisikal na namamatay, isa-isa.
(15) Ang amilenyalismo ay mas naaalinsunod kaysa sa anumang ibang pananaw sa pagtuturo sa Bagong Tipan na ang nahulaang pagpapanumbalik ng Israel ay natupad sa Ekklesia, ang tunay na Israel ni Yahuwah (Naiisip ko ang mga ganoong teksto sa Mateo 8:10-12; 24:31; Roma 9:25-26; Pahayag 2:17; 3:9; 7:15; at 21:14). Bagama’t maraming makasaysayang premilenyalista ang nanindigan sa patotoong ito, sila’y matigas pa rin sa pagbibigay ng isang matibay na pagpapaliwanag o katuwiran kung bakit magkakaroon ng isang matapos ang parousia na milenyong kaharian.
(16) Isang maingat na pagbabasa ng Mga Gawa 15 ay pinalalakas rin ang patotoo ng amilenyalismo. Sa tekstong ito, makikita natin na ang muling pagtatayo ng tolda ni David ay hindi tinutukoy ang isang pagpapanumbalik ng etniko o pambansang Israel sa isang matapos ang parousia na milenyal na daigdig, ngunit sa halip ay ang muling pagkabuhay at pagtataas kay Yahushua tungo sa trono ni David at ang pagtitipon ng mga nabubuhay na kaluluwa, sa kasalukuyang panahon ng simbahan, mula sa mga Hentil.
(17) Gumagawa ang amilenyalismo ng pinakamahusay na saysay sa Hebreo 11. Naririto sila Abraham, Isaac at Jacob ay sinabi na nagpapakatatag sa pananalig, “Ipinahayag nila na sila’y pawang mga dayuhan at manlalakbay sa ibabaw ng lupa” (Hebreo 11:13), sa lahat ng oras sila’y tumatanaw sa “lungsod na may mga saligan, isang lungsod na ang nagplano at nagtayo ay si Yahuwah” (11:10; ikumpara sa 11:16). Ang siyudad na iyon ay, syempre, ang Bagong Jerusalem. Sila’y namuhay sa pag-asa na ang pangako ay matutupad sa “isang mabuting bayan, iyon ay, isang makalangit na bayan”, na nararapat na isang sanggunian sa Bagong Lupa. Malinaw, dahil dito, maging si Abraham at kanyang mga kapwa patnyarka ay naunawaan na ang pangako ng Lumang Tipan ng isang lupain ay hindi matutupad sa isang makalupang teritoryo na ito kundi sa Bagong Lupa, ang “makalangit” na bayan na inihanda ni Yahuwah para sa kanila.
(18) Ang amilenyalismo ay gumagawa rin ng mas maraming saysay sa istruktura ng aklat ng Pahayag. Narito’y matatagpuan natin ang tuntunin ng muling pagsuko, o progresibong paralelismo, kung kailan ang kaparehong panahon (ang panahon ng simbahan, sumasaklaw sa dalawang pagdating ni Kristo) ay inilarawan mula sa naiiba ngunit pantulong na mga pananaw. Kung ang tuntunin ng muling pagsuko ay naaangkop rito, na pinaniniwalaan ko, karamihan sa mga katuwiran para sa pagbabasa ng Pahayag sa isang mahigpit na panghinaharap na paraan ay pinahina. Mismo, kung ang tuntuning ito ay totoo, ang Pahayag 20:1-10 ay dapat na ipaliwanag bilang isang muling pagsuko ng kasalukuyang panahon ng simbahan sa halip na sumusunod sa makasaysayang pagkakasunod-sunod sa muling pagdating ni Kristo na inilarawan sa Pahayag 19.
(19) Ang amilenyalismo ay gumagawa rin ng pinakamaraming saysay sa literaryong kategorya ng Pahayag at ang lubos na simbolikong kalikasan ng wika sa kabanata 20. Ang premilenyal na tangka upang basahin ang siping ito sa isang literal na paraan ay naghahasik ng lagim sa isang halatang matalinghagang paglalarawan ng pagkakagapos kay Satanas.
(20) Ang amilenyalismo ay mas angkop upang ipaliwanag ang paghihigpit na inilagay kay Satanas sa Pahayag 20:1-3. Salungat sa mga angkin ng premilenyalismo, ang pagkakagapos kay Satanas ay hindi pangkalahatan, parang sa panahon ng “1,000 taon” ay pinigilan siya mula sa paggawa ng anumang bagay. Sa halip, pinigilan siya mula sa pamamalagi ng espiritwal na pagkabulag ng mga bayan at nagpapanatili sa kanila sa kadiliman sa ebanghelyo. Siya ay pinigilan din mula sa pagpukaw ng isang maagang pandaigdigang pagsalakay sa simbahan na nalalaman natin bilang labanan sa Armageddon.
(21) Ang amilenyalismo lamang ang maaaring magtala kung bakit si Satanas ay dapat na igapos sa una pa lang. Ayon sa premilenyalismo, si Satanas umano ay pinigilan mula sa panlilinlang sa mga mismong bayan na sa pagwawakas ng Pahayag 19 ay tinalo at winasak na sa pagbabalik ni Kristo. Sa ibang salita, walang saysay na salitain ang pagtatanggol sa mga bayan mula sa panlilinlang ni Satanas sa 20:1-3 matapos silang malinlang ni Satanas (16:13-16; ikumpara sa 19:19-20) at wasakin ni Kristo sa kanyang pagbabalik (19:11-21; ikumpara sa 16:15a, 19).
(22) Ang amilenyal na pagbabasa ng Pahayag lamang ay gumagawa ng saysay ng halatang kabalalay sa pagitan ng digmaan ng Pahayag 16, 19, at 20. Ang pagkahilera na ito ay pinalakas noong itinala natin na ang larawan sa Ezekiel 39 na naugnay sa Gog at Magog ay ginamit upang ilarawan ang parehong labanan sa Pahayag 19:17-21 at ang labanan sa Pahayag 20:7-10. Malinaw, ang mga ito’y iisa at magkaparehong labanan, nalalaman bilang Armageddon, na tumutupad sa pagkatalo ng mga kalaban ni Yahuwah sa panahon ng Muling Pagdating ni Kristo. Malinaw ang mga ito na hindi dalawang magkaibang labanan na hiniwalay ng 1,000 taon ng milenyal na kasaysayan. Lahat ng ito’y kinumpirma sa sanggunian sa “makidigma” (ton polemon) na ginamit sa lahat ng tatlong teksto (Pahayag 16:14; 19:19; 20:8). Sa katunayan, sa 16:14 at 20:8, ang kaparehong pinahabang parirala “upang tipunin sila para sa pakikipaglaban” (sunagagein autous eis ton polemon) ay ginamit.
(23) Ang amilenyalismo ay pinakamahusay na ipinapaliwanag ang Hebreo 12:26-28 kung saan mayroon lamang isang paparating na kosmikong pagkalusaw (nauugnay sa muling pagdating ni Kristo, ang paghuhukom sa mga bayan, at ang paglikha ng Bagong Langit at Bagong Lupa), hindi dalawa (gayong kinailangan ng premilenyalismo; isa sa panahon ng muling pagdating at isa pa sa pagwawakas ng milenyal na kaharian).
(24) Ang amilenyalismo ay gumagawa ng mas maraming saysay sa simbolikong kalikasan ng bilang na “1,000” sa Pahayag 20. Sa ibang teksto ang “isang libo” ay bihira kung ibig sabihin na kukunin sa aritmetikang katumpakan. Ito ay totoo kung ang konteksto ay hindi pansamantala (Awit 50:10; Awit ni Solomon 4:4; Josue 23:10; Isaias 60:22; Deuteronomio 1:11; Job 9:3; Mangangaral 7:28), kung saan ang kaso ng paggamit ay palaging matalinghaga, mismong hayperboliko, o pansamantala (Deuteronomio 7:9; 1 Paralipomeno 16:15; Awit 84:10; 90:4; 105:8; 2 Pedro 3:8).
(25) Ang amilenyalismo ay kinikilala ang halatang pagkaagapay sa pagitan ng Pahayag 20:1-6 at Pahayag 6:9-11. Ang panghuling teksto ay walang alinlangang inilalarawan ang karanasan ng mga martir na pinugutan ng ulo dahil sa salita ng kanilang patotoo sa ngalan ni Kristo. Kaya ganon din, ang Pahayag 20 ay inilalarawan ang karanasan ng mga “kaluluwa” na pinugutan sa ngalan ng kanilang patotoo tungkol kay Kristo. Ilagay lamang, ang kabisaan ng amilenyalismo ay nakita sa pagkilala nito na sa parehong teksto ang nasa pagitan na estado ang malinaw na inilarawan.
(26) Ang amilenyalismo lamang ang gumagawa ng katarungan sa halatang pagkakatulad sa pagitan ng Pahayag 20:1-6 at Pahayag 2:10-11. Ang huli ay isang pampatibay-loob na ibinigay sa mga inaasahang martir. Sila’y magiging matapat hanggang kamatayan at si Kristo ay ipagkakaloob sa kanila ang “korona ng buhay.” Katulad nito, sa Pahayag 20, iyong mga namatay sa ngalan ng kanilang patotoo ay gagantimpalaan ng “buhay” kasama ang kanilang Panginoon sa estado ng pamamagitan. Ang pagpapalakas ng pagkakatulad na ito ay matatagpuan sa katunayan na dito lamang sa kabanata 2 at muli sa kabanata 20 ay sanggunian na ginawa sa “ikalawang kamatayan,” kung saan ang mga matatapat na martir ay pinangakuan ng pagkapalaya.
(27) Nauugnay sa ibabaw ay ang katunayan na sa Pahayag 3:21, iyong mga masigasig sa ilalim ng pag-uusig at “lumipig” o “nagtagumpay” ay sinabi na umupo at maghahari kasama si Kristo sa tronong ito. Ito ang tiyakan na anong sinabi sa mga martir sa Pahayag 20. Sila’y darating sa buhay at maghahari kasama ni Kristo sa loob ng isang libong taon.
(28) Ang amilenyalismo lamang ay nagtatala para sa paggamit ng salita “trono” o “luklukan” sa Pahayag 20:4. Ang salitang ito, pareho sa Pahayag at saanman sa Bagong Tipan, ay alinsunurang tinutukoy ang mga makalangit na trono, hindi ang mga makalupa. Ang mga luklukang ito sa estado ng pamamagitan kung saan ang mga matatapat na martir ay nakaupo at kasamang namumuno ng kanilang Panginoon at Tagapagligtas, si Haring Yahushua.
(29) Ang amilenyalismo lamang ay ipinapaliwanag ang kahalagahan ng ordinal na “una” bilang isang panturing sa “muling pagkabuhay.” Ang mas malapit na pag-aaral ay ipinapakita na anumang una o dati na nauukol sa kasalukuyang mundo, sinasabi, para sa mundo na lumilipas, pansamantala, at hindi ganap. Pasalungat, ano pa man ang ikalawa o bago na nauukol sa panghinaharap na mundo, para sa mundo na permanente, ganap, at nauugnay sa walang hanggang katuparan ng lahat ng bagay. Ang terminong una dahil dito ay hindi isang ordinal sa isang proseso ng pagbibilang mga bagay na magkapareho sa uri. Sa halip, kailan man ginamit ang una na nauugnay sa ikalawa o bago, ang ideya ay isang kahusayan na kabaligtaran (hindi lamang isang numerikong pagkakasunod). Upang maging una ay para maugnay sa kasalukuyan, pansamantala, lumilipas na mundo. Ano pa man ang una ay hindi nakikilahok sa kalidad ng kawakasan at pamamalagi na natatangi sa panahon na paparating. Kaya ang “unang muling pagkabuhay” ay paglalarawan ng buhay bago sa katuparan, na sinasabi, buhay sa estado ng pamamagitan.
(30) Panghuli, ang hermenutikong tuntunin na nalalaman bilang Analohiya ng Pananalig ay pinakamahusay na pinarangalan sa loob ng isang sistemang amilenyal. Kapag tinanong para sa isang hayagan at walang alinlangang biblikal na pagpapatibay ng isang matapos ang parousia na milenyal na kaharian, ang mga premilenyalista ay tipikal na ipinupunto ang Pahayag 20, at tanging Pahayag 20 lamang. Ngunit nakita natin, ang Pahayag 20 ay hindi hayagan at hindi walang alinlangan sa pagtuturo ng isang makalupang milenyal na kaharian. Dagdag pa, walang iisang sipi sa isang inamin na simboliko at pahambing na mahirap na konteksto ang dapat pahintulutan na baligtarin (o paratangan) ang saksi ng isang pagkarami-rami ng mga sipi sa isang inamin na mga didaktiko at pahambing na tapat na konteksto. Upang ilagay ang kaparehong punto sa anyo ng isang katanungan: Ang mga pahayag ba ng ibang aklat ng Bagong Tipan tungkol sa pangwakas na kronolohiya ay kinakailangan at makatuwirang hinahadlangan ang nosyon ng isang matapos ang parousia na panahon ng milenyo sa Pahayag 20? Ako’y nakumbinsi na dapat itong sagutin nang matibay.
Ang aking paninindigan ay hindi na ang mga sipi sa Pauline, Johannine, at Petrine corpus ay kinaltasan ang sanggunian sa isang matapos ang Parousia na panahon ng milenyo. Kung iyon ang kaso, maiisip na maaari nating itugma ang Pahayag 20 sa kanila, gumagawa ng puwang, gaya noon, para sa una sa huli. Ngunit ang mga teksto ay hindi sa pagsasama-samahin sa nosyon ng isang panghinaharap na milenyal na kaharian. Ang mga siping ito ay malinaw na lumilitaw na makatuwiran upang hadlangan ang pag-iral ng ganoong kaharian. Ang aking argumento sa buong Pagdating ng Kaharian ay iyon na isang premilenyal na pagpapaliwanag ng Pahayag 20 sa katunayan ay sumasalungat sa mga malilinaw na paninindigan sa mga ganoong teksto gaya ng Juan 5, 1 Corinto 15, Roman 8, 2 Tesalonica 1, Hebreo 11, at 2 Pedro 3.
Sa halip na binabasa ang mga tekstong ito sa pamamagitan ng parilya ng Pahayag 20, ang huli ay dapat na basahin sa malinaw na liwanag ng una. Ang mahusay na hermenutikong pamamaran ay tatawag sa atin na ipaliwanag ang iisa at ikinubli sa liwanag ng maramihan at hayagan. Upang gawin ang nalalabi ng Bagong Tipan (hindi banggitin ang Lumang Tipan) na yumuko sa batayan ng isang teksto sa karamihan sa kontrobersyal, simboliko, at sa pinagkasunduan ng mga iskolar ang pinakamahirap na aklat sa Bibliya, ay para bagang kapuri-puring hermenutikong pamamaraan. Tayo’y hindi pahihintulutan ang iisang apokaliptong buntot na manukso sa buong kasulatang aso! Hindi natin dapat pwersahin ang buong Kasulatan na sumayaw sa tugtog ng Pahayag 20.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Sam Storms.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC