Print

Ang Amilenyal Na Pananaw Ng Paggagapos Kay Satanas

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Ang Amilenyal Na Pananaw Ng Paggagapos Kay Satanas

Aming inililipat ang diskurso na ito sa Pahayag 20:1-6, pangunahing nakatuon sa “paggagapos kay Satanas” sa loob ng isang libong taon. Una, dalawang punto ng pagpapaliwanag para sa titulo ng lekturang ito:

Ang soteryolohikal na gawa ni Kristo kung saan winasak niya ang gawa ng diyablo at iginapos siya ay dapat na paksa ng kagalakan para sa sinumang taimtim na Kristyanong nananalig sa Bibliya.

1. Hindi ko inaangkin sa pamagat na ito na sa amilenyalistang pananaw lamang kasalukuyang nakagapos ang diyablo. Ang soteryolohikal na gawa ni Kristo kung saan winasak niya ang gawa ng diyablo at iginapos siya ay dapat na paksa ng kagalakan para sa sinumang taimtim na Kristyanong nananalig sa Bibliya. Sa halip, ang salitang amilenyal rito ay nangahulugan na bigyang-diin ang simbolikong pagpapaliwanag na ibinigay ko sa Pahayag 20 sa kabuuan at ang paggagapos kay Satanas sa partikular. Bilang isang amilenyalista, tinitingnan ko ang sanggunian ng Pahayag 20 sa isang libong taon bilang isang simbolikong bilang sa halip na literal na panahon ng isang libong taon (Kaya, ‘a’-milenyalista, nangangahulugan na “walang milenyo”), at ang paggagapos kay Satanas sa loob ng isang libong taon na iyon ay isang simbolikong sanggunian rin.

2. Gayunman, ang ganoong simbolikong pagpapaliwanag ng isang libong taon sa Pahayag 20 ay HINDI nangangahulugan na tinitingnan ko ang Pahayag 20 na walang laman na kahalagahan o tanggihan ang katunayan na ang isang libong taon ay nilayon na ipahiwatig. Ang isang libong taon ay sumasagisag sa isang bagay ng sukdulang kahalagahan para sa lahat ng mga Kristyano, ibig sabihin, ang kasalukuyang paghahari ni Haring Yahushua sa lahat ng kanyang mga kaaway. Malamang ang isang mas mabuting salita maliban sa ‘amilenyalismo’ (na sa pribatibong ‘a’ ay maaaring magpahiwatig sa ilan na hindi tayo naniniwala sa anuman bagay tungkol sa milenyo) na magiging anong tinawag ni Jay Adams na “natantong milenyalismo,” iyon ay, ang pananaw na tayo ay nasa isang libong taon ng Pahayag 20 ngayon at walang isang literal na milenyo na darating bago ang Huling Paghuhukom – tiyakan dahil walang ganoong literal na milenyo ang kailangan: si Kristo ay naghahari na kasama ang kanyang mga hinirang at si Satanas ay nakagapos na!

Ito, pagkatapos, ay isang mabuting balita. Ang kasalukuyan at panghinaharap na tagumpay ng kaharian ni Kristo ay sinugurado na ngayon. Bakit? Dahil si Satanas ay isang talunang kaaway, sinalakay ni Kristo at iginapos, sapagkat ginagawang malinaw ng Pahayag 20:2. Ngunit ang ilan ay tatanggi sa aking paniniwala na si Satanas ay nakagapos na at ang milenyo ay nagsimula na. Nasa isipan ko ang premilenyal na dispensasyonalista na naniniwala na ang tanging muling pagdating ni Kristo ay magpapahatid sa milenyo ng Pahayag 20:1-9. Sa kanilang pananaw, dapat muling bumalik si Kristo sa lupa para igapos si Satanas. Pagkatapos ang paghahari ng kaharian ni Kristo sa lupa sa loob ng isang libong taon ay magsisimula, at ‘hindi na makapalinlang’ ng mga bansa (Pahayag 20:3). Hanggang sa pagbabalik ni Kristo, aktibong nanlilinlang si Satanas ng mga bansa, hinahadlangan ang ebanghelyo at nananalasa ng simbahan upang maiwasan ang paghahari ni Haring Yahushua na matupad sa lupa. Ngunit matapos ang pagbabalik ni Kristo, maghahari siya kasama ang kanyang mga hinirang mula sa Jerusalem sa loob ng isang libong taon (Pahayag 20:4-9). Ang mga tagapagtaguyod ng pananaw na ito ay, dahil dito, tinawag na mga premilenyalista dahil naniniwala sila na ang Muling Pagdating ni Kristo ay dapat na maganap bago ang paggagapos kay Satanas, ang kaharian ni Yahuwah ay itinatag, at ang milenyo ay pinasinayaan.

Ang kasalukuyan at panghinaharap na tagumpay ng kaharian ni Kristo ay sinugurado na ngayon. Bakit? Dahil si Satanas ay isang talunang kaaway, sinalakay ni Kristo at iginapos, sapagkat ginagawang malinaw ng Pahayag 20:2.

Ngayon, maraming komento ay dumating sa kaisipan tungkol sa ideyang ito na tanging ang muling pagdating ni Kristo ay epektibong maggagapos kay Satanas at magdadala ng kaharian sa lupa. Subalit nais ko ang lahat na isipin kung paano ang premilenyalistang dispensasyonalistang pananaw ay inilalarawan ang kaharian ni Yahuwah sa lupa na hindi umiiral ngayon. Ang mga tagasunod ng pananaw na ito ay sinasabi na ang mga bansa sa Pahayag 20:3 ay lubos na nalinlang at Satanikal na walang kakayahan kaya imposible para sa kaharian ni Yahuwah na itatag sa lupa sa panahong ito. Para sa kanila, ang kaharian ay isang panghinaharap na pag-asa kung saan ang simbahan ng kasalukuyan ay hindi isang bahagi! Sa katunayan, ayon sa mga dispensasyonalistang ito, ang paghihiwalay ng simbahan ng kasalukuyan at panghinaharap na kaharian ay ganap na ganap na kaya hinati nila ang Bibliya sa dalawang aklat: ang Aklat ng Kaharian at ang Aklat ng simbahan, na may isang naiibang ebanghelyo sa bawat kapanahunang ito: ang ebanghelyo ng malayang kagandahang-loob na itinuturo ng simbahan ngayon at ang ebanghelyo ng kaharian na ituturo matapos ang pagbabalik ni Kristo at ang simula ng milenyong kaharian.

Ngunit sa ngayon, ang kaharian ni Yahuwah at ang mabuting balita ng pagdating nito sa lupa ay hindi umiiral. Matapos lamang ang Simbahan ay kinuha patungo sa langit at si Satanas ay iginapos sa walang hanggang kalaliman ang Hentil na sanlibutan ay magkakaroon ng hindi mapipigilang pagkakataon na malaman ang ganap na makalupang paghahari ni Kristo sa kanilang mga buhay. Ito ay magiging kahanga-hangang pagbabagong-loob ng Hentil na sanlibutan, ang “ikapitong dispensasyon,” ang “kahariang dispensasyon,” kung kailan si Kristo ay makakamit ang kaharian na ipinagtipan kay David at matagumpay na ihahatid ito sa lupa sa kauna-unahang pagkakataon. Pagkatapos lamang ang mga propesiya ng Lumang Tipan tungkol sa pagdating ng kaharian ay matutupad.

Huminto at kunin ito. Narito ang mga tao, sa katunayan, maraming Amerikanong Kristyano, na tunay na naniniwala na si Satanas ay dapat na igapos sa isang panghinaharap na pagbabalik ni Kristo bago ang mga pangako ng kaharian sa lupa ay maaaring matupad at bago ang ebanghelyo ay tunay na magiging epektibo sa pagbabagong-loob ng mga bansa. Hanggang noon, ang mga bansa na lubos na nalinlang na nagpatotoo ng paghahari ni Kristo sa lupa ay magiging kakarampot sapagkat ang lipunan ay lalong magiging masama. Ang kamag-anak gaya ng aking minamahal na lola, malupit na tinatapos na ang “malapit na ang katapusan,” naghahangad na tumakas mula sa mga suliranin ng sanlibutan sa pag-asa na ang rapture ay malapit nang maganap. Nakikita mo, walang pag-asa sa pananaw na ito para sa mga bansa na hindi na malilinlang pa, sapagkat ang ebanghelyo ay dapat na may pandaigdigang tagumpay, progreso, at paglago ngayon.

Subalit ito’y lumalala pa: kahit papaano ang ilan sa mga dispensasyonalista ay naiisip na si Kristo ay talagang tinangka na dalhin ang kaharian ni Yahuwah sa lupa sa kanyang unang pagdating ngunit hindi maitatag ito sa harap ng pagsuway at kasalanan ng tao. Ayon sa premilenyal na dispensasyonalista na si Dave Hunt, sinipi ni Bruce Barron sa kanyang aklat na Heaven on Earth, si Yahuwah ay may isang “masinsinang pagbabago ng mga plano” matapos si Yahushua ay hindi mapagtagumpayan ang antagonismo ng mga Hudyo. Ayon kay Barron, inaangkin ni Hunt, “Unang dumating si Yahushua sa lupa sa Pagkakatawang-tao upang pasinayaan ang kaharian ni Yahuwah ngunit, noong tinanggihan ng mga Hudyo, ay pinakitid ang adyenda at tinawagan ang simbahan sa halip.” Matapos nito’y nakakabiglang tinatapos ni Barron, kinukuha ang kanyang pahiwatig mula kay Dave Hunt: “Ang mga dispensasyonalista ay ipinalagay na ang pagsuway ng sangkatauhan ay maaaring magdulot kay Yahuwah na gumawa ng mga dakilang pagsasaayos sa kalagitnaan ng kurso.”

Ngayon, bukod sa mga mabibigat na teolohikal na suliranin na ang ganoong isang ‘bukas’ na pananaw na inaanyayahan si Yahuwah, mayroong makitid na katanungan kung tunay nga na ang pagtingin ni Kristo sa kanyang inagurasyon ng kaharian ni Yahuwah na isang kabiguan at kung itinuring niya na ang pagtawag sa simbahan bilang isang panaklong na huling naisip o ‘plano B’? Ano ang pananaw ni Yahushua ng kanyang kasalukuyang makaharing pamumuno sa mga bansa?

“Naibigay na sa akin ang lahat ng awtoridad.” Narito, inaangkin ni Kristo ang legal na karapatan, abilidad, at kapangyarihan na gawin na ninanais niya sa langit at sa lupa.

Bilang kasagutan sa mga katanungang iyon, kunin ang pananaw ni Yahushua ng kasalukuyang estado ng kaharian noong siya ay nagsasalita sa kanyang simbahan sa Dakilang Komisyon sa Mateo 28:18-20: “Naibigay na sa akin ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa. Kaya’t sa inyong paghayo ay gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na binabautismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu, at tinuturuan silang gumanap sa lahat ng mga bagay na ipinagbilin ko sa inyo. At tandaan ninyo, ako’y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.” Pansinin lalo na ang lawak ng awtoridad kung saan ibinabatay ni Kristo ang kanyang Dakilang Komisyon sa angkin sa Mateo 28:18, “Naibigay na sa akin ang lahat ng awtoridad.” Narito, inaangkin ni Kristo ang legal na karapatan, abilidad, at kapangyarihan na gawin na ninanais niya sa langit at sa lupa. Ang awtoridad ay para sa kanya na gawin kung ano ang ninanais niya. Ano, naman, ang nais niyang gawin sa Mateo 28:19-20? Nais niya ang mga bansa na maging alagad at “tinuturuan silang gumanap sa lahat ng mga bagay na ipinagbilin ko sa inyo.” Pahihintulutan niya ba ang diyablo, na magpatuloy na linlangin ang mga bansa at dahil dito’y hadlangan ang kanyang ninanais para sa pagiging alagad niya at pagsasama ng mga bansa tungo sa kanyang ekklesia?

Dagdag pa, si Yahuwah ang Ama ay lumilitaw na determinado gaya ng Kanyang Anak na makita ang paghahari sa Kanyang kaharian at ang paggagapos kay Satanas ay matanto dito sa lupa at ngayon na. Isaalang-alang, halimbawa, ang Awit 2:7 at 8, ipinaliwanag bilang paglalarawan ng tagumpay sa muling pagkabuhay ni Kristo sa Mga Gawa 13:30-33. Si Kristo ay ipinahayag sa madla na Anak ni Yahuwah sa muling pagkabuhay. Ano ang nilalayon ni Yahuwah ang Ama na gawin para sa Anak sapagkat siya ay bumangon mula sa kamatayan, matagumpay laban sa kanyang mga kaaway? Ang kasagutan ay matatagpuan sa Awit 2:8: “Hilingin mo sa akin ang mga bansa sa buong mundo, at ibibigay ko ito sa iyo bilang mana mo.”

Kailan kinuha ng Anak ang kanyang pagkakataon na gumawa ng pakiusap na ito na mamuno sa lahat ng mga bansa? Tunay nga, sa kanyang pag-akyat, 40 araw matapos ang kanyang muling pagkabuhay. Natatandaan mo pa kung anong sinasabi ni Kristo sa simbahan habang siya ay naghahanda sa pag-akyat, umaalingawngaw ang wika ng awtoridad at kapangyarihan sa Dakilang Komisyon? “Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu sa inyo, bibigyan niya kayo ng kapangyarihan. At ipapahayag ninyo ang mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa buong mundo.” (Mga Gawa 1:8) Matapos ang Pentecostes, ang pangako ng kapangyarihan para sa simbahan ay natupad, noong ang Banal na Espiritu ay ibinuhos ni Kristo mula sa kanyang itinaas na kaluwalhatian sa langit (Mga Gawa 2:33).

Paano, dahil dito, nagawang ipaliwanag ng Ekklesia ang pagbibigay ng Espiritu sa Pentecostes? Itinuring ba nila ang sarili bilang isa lamang panaklong, nasa panahong ililigtas ang sarili, naghihintay para sa rapture, naghihintay para sa tunay na pagdating ng kaharian ni Yahuwah matapos ang muling pagdating ni Kristo? Maliwanag na hindi, sapagkat sa Mga Gawa 4:24-29 ang simbahan ay nagsisipi ng kaparehong Awit tungkol kay Kristo na magmamana ng mga bansa, ipinapaliwanag ang kanilang pagpupunyagi sa mga tuntunin ng Awit na iyon, at nananalangin para sa katapangan para magpatotoo sa mga taong ipinagkaloob kay Kristo bilang kanyang mana, matatagpuan man sila sa “Jerusalem, Judea, at hanggang sa buong mundo”! Ang maagang simbahan ay hindi sumang-ayon sa paninindigan ni Dave Hunt na si Yahuwah ay kailangan baguhin ang Kanyang mga plano at ipagpaliban ang Kanyang Davidiko, Mesianikong mga pangako ng makalupang pamumuno hanggang sa milenyo. Sila’y nagsasalita na parang ang mga salita ni Yahuwah mula sa bibig ni David sa Awit 2 ay natutupad na sa kinalalagyan nila!

Paano, dahil dito, nagawang ipaliwanag ng Ekklesia ang pagbibigay ng Espiritu sa Pentecostes? Itinuring ba nila ang sarili bilang isa lamang panaklong, nasa panahong ililigtas ang sarili, naghihintay para sa rapture, naghihintay para sa tunay na pagdating ng kaharian ni Yahuwah matapos ang muling pagdating ni Kristo?

Ngunit patuloy pa rin akong nakakarinig ng nagdududang tinig ng pag-aalala. “Ano naman ang paggagapos kay Satanas? Hindi ba siya isang umaatungal na leon at naghahanap ng maaari niya lapain at lamunin? Hindi ba ang pag-ugoy ni Satanas sa sanlibutan, nagpapakita ng paglitaw ng lahat ng klaseng kasamaan sa ating lugar, patunay na si Yahushua ay hindi mapagtagumpayan ang pagsuway ng bansang Israel at ang Satanikong pagkabulag ng mga bansa at dahil dito’y ipinasok ang panahon ng simbahan bilang isang agwat habang ang plano para sa kaharian ay ‘isinantabi’? Patuloy na lumilitaw na si Yahuwah ay kailangang baguhin ang Kanyang plano mula sa panimula, propetikong inagurasyon ng kaharian ni David tungo sa pagtitipon lamang ng iilang binagong-loob tungo sa isang pansamantalang institusyon na tinawag na simbahan.” (Dagdag pa, upang gawin ang potensyal na pagsalungat na ito na mas malakas, maaari nating dagdagan na marami ang nagtuturing sa paggagapos kay Satanas sa Pahayag 20:2-3 na lubos na naiiba sa kawakasan nito sa anumang maagang pagkatalo ni Satanas na nabanggit sa kasulatan dahil sinasabi nito na si Satanas ay “itinapon siya sa walang hanggang kalaliman.”) “Iyon,” maraming premilenyalista ang magsasabi, “ay hindi pa nagaganap.”

Ngunit natatanto mo ba na mismong si Yahushua ay tiningnan si Satanas na tiyak na nakagapos sa pagdating ng kaharian ni Yahuwah sa mga tao sa panahon ng kanyang paglilingkod? Tingnan kung paano nangangatuwiran si Yahushua sa kanyang mga kaaway sa Mateo 12:28-29: “Ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu ni Yahuwah ay nagpapalayas ako ng mga demonyo, kung gayon, dumating na sa inyo ang kaharian ni Yahuwah. O paano ba mapapasok at mapagnanakawan ng sinuman ang bahay ng isang malakas na tao?”

Narito, nakikipagtalo si Kristo Yahushua na ang kanyang kapangyarihan sa demonikong mundo, malayong-malayo mula sa patunay ng kanyang pakikipag-alyansa kay Satanas, ay patotoo ng pagkatalo ni Satanas. Siya ay nagpapahayag na naggapos siya ng isang malakas na tao. Oo, para makatiyak, kinikilala ni Kristo na si Satanas ay patuloy na may isang organisadong kaharian, na “tatayo” ayon sa Mateo 12:26. Wala sa sinasabi ni Yahushua ang nagpapahiwatig na si Satanas mula ngayon ay magiging hindi aktibo sa sanlibutang ito. Ngunit siya ay nakagapos at natalo sa abot na hindi niya mapipigilan ang pagdating o pagsulong ng kaharian ni Yahuwah. “Dumating na ang kaharian.” Ang patotoo nito, ipinupunto ni Yahushua, ay hindi mapipigilan ni Satanas ang pagpapalaya sa mga naunang nasa ilalim ng kanyang paghahari.

Kaya, oo, kinikilala ni Yahushua na ang kaharian ni Satanas ay patuloy na “tatayo.” At tayo’y magkakasundo sa mga nagsasabi na may mga bahagi ng maluwalhating tagumpay ni Kristo sa lahat ng kanyang mga kaaway na naghihintay ng muling pagdating. Ngunit hindi ako naniniwala na ang ganoong katuparan ay isinasama ang paggagapos kay Satanas sa Pahayag 20:2-3.

Kaya, oo, sina Yahushua, Pablo, at Judas ay kinilala na mayroong isang panahon kung kailan ang tagumpay ni Kristo ay ganap na matutupad, at ang aktibidad ni Satanas ay tuluyang matitigil. Si Satanas mismo ay ihahagis sa “lawa ng apoy” (Pahayag 20:10). Ngunit maging sa ngayon, siya ay nakagapos at walang kakayahan na pigilan ang pagdating at pagsulong ng kaharian. Iyon ang dakilang Kristyanong pag-asa para sa bawat mananampalataya, siya man ay isang post-milenyal, amilenyal, o klasikong premilenyal.

Ngayon, bago ang pagbubuod ng lekturang ito, hayaan akong magbigay ng dalawang panghuling salita ng aplikasyon:

Tiyakan dahil si Satanas ay nakagapos at ang kaharian ay darating, huwag matakot sa paglilingkod para sa ebanghelyo saan ka man ilalagay ni Yahuwah.

1. Tiyakan dahil si Satanas ay nakagapos at ang kaharian ay darating, huwag matakot sa paglilingkod para sa ebanghelyo saan ka man ilalagay ni Yahuwah. Walang lugar na mapanglaw, masama, mabigat o matrabaho para sa simbahan upang angkinin bilang kinalalagyan nito sa ngalan ni Yahushua. Ang bawat pulgada kwadrado ay nabibilang na kay Haring Yahushua.

2. Sapagkat si Satanas ay nakagapos, siya ay mas mapanganib na kaaway kaysa noong una para sa mga walang kamalayan ng kanyang mga panlalang. . . . Ngayon siya ay lumalaban bilang isang sugatang hayop na ang kabangisan ay mas mapanganib nang tiyakan dahil nalalaman niya na kaunting panahon na lang ang kanyang nalalabi! Ang ganoong kaisipan ay dapat na magpapasiklab ng anumang pagtatagumpay sa ating mga puso, gumagawa “upang hindi tayo madaya ni Satanas” (2 Corinto 2:11) at makatotohanan tungkol sa pagsisikap na kailangan upang angkinin ang sanlibutang ito para kay Kristo. Ang aktibidad ng pagpupunas na ngayo’y ipinaratang sa atin bilang matagumpay na simbahan ay para isagawa ang parehong mahalagang paraan sa tagumpay na napagtagumpayan ni Kristo: sa pamamagitan ng paghihirap, sa dugo ng mga martir, sa pagpapakita ng simbahan ng kanyang pagkakahawig kay Kristo sa pagdadala ng kanyang krus – ang mga ito’y paraan kung saan ang tagumpay ay nakamit. Sapagkat sinabi mismo ni Yahushua, “Kung kinapopootan kayo ng sanlibutan, dapat ninyong malaman na ako muna ang kinapootan nito bago kayo. Tandaan ninyo ang salitang sinabi ko sa inyo: ‘Walang aliping mas dakila kaysa kanyang panginoon.’ Kung ako ay pinahirapan nila, pahihirapan din nila kayo. Kung sinunod nila ang salita ko, susunod din sila sa salita ninyo” (Juan 15:18, 20).

Upang magbuod, makinig sa mga salitang ito mula sa dalawang Eskoses na nagagalak sa mabunga ngunit magastos na mga taon ng paglilingkod sa kaharian: una, ang mga salita tungkol sa kabayaran ng tagumpay na ito mula sa aking minamahal na Pastor sa seminaryo, ang yumao nang si William Still: “Bilang mga Kristyano na nagtagumpay sa sanlibutang ito sa pamamagitan ni Kristo Yahushua, pinagkalooban tayo ng intelihensya mula [kay Yahuwah] sa bilang paggalang sa sanlibutan na tinitirahan natin, sa batayan ng tagumpay ni Kristo na ibinigay sa atin, natatanaw natin na ang tagumpay ay ginawa sa ating mga kalagayan. Ito’y hindi palaging nangangahulugan na maaari nating kunin ang kaaway sa ‘likod ng leeg’ at palayasin siya. Iyon ay hindi kung paano kay [Yahushua]: ginawa niya sa Tukso sa ilang, ngunit hindi sa krus. Tumungo siya sa kamatayan at nagwagi sa pagkatalo ng kamatayan. Maaari tayong mamatay ng maraming kamatayan, ngunit mapagtatagumpayan natin ang mga ito sa mga muling pagkabuhay sa kaligtasan at pagkamabunga, na hahantong sa pananalig na tumatanggi sa pagkatalo, maging sa kamatayan!”

mga-kadenang-bakal

Makinig sa wakas kay Sinclair Ferguson, na nagbubuod ng matagumpay na bunga ni Kristo ng kasalukuyang inagurasyon ng kanyang kaharian at kanyang kasalukuyang paggagapos kay Satanas sa sumusunod:

1. Ang kaharian [ni Yahuwah] ay naririto ngayon. Mamuhay rito (kahit na ang mga bagay ay hindi nagiging mabuti).

2. Ang panahon upang maabot ang mga bansa ay ngayon dahil ang panlilinlang sa mga bansa ay natanggal. Tumungo rito.

3. Si Kristo ay nagbayad ng kamatayan para sa sanlibutang ito. Dahil dito, mabuhay para sa kanya.

Anumang eskatolohikal na pananaw na hindi sumunod sa tatlong pangunahing punto na ito ay napakababa. Nawa’y bigyan tayo ni Yahuwah ng kagandahang-loob na mabuhay sa kaharian ni Yahuwah ngayon, tumungo sa mga bansa kasama ang Ebanghelyo ngayon, at kusang-loob na “mamatay nang maraming kamatayan” upang maglingkod kay Kristo nang buong buhay natin ngayon.

silweta-ng-tao-sa-paglubog-ng-araw


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Rev. Carl A. P. Durham.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC