Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Isa sa mga pinakamahalaga ngunit madalas nakakaligtaang kaganapan sa Kristyanong kasaysayan ay ang mga kaganapang nakapaloob sa taong 70 AD. Hindi madalas talakayin sa mga sermon o pang-araw-araw na Kristyanong pag-uusap, nagmarka ang 70 AD ng isang punto ng pagliko, at ang kabiguan na maunawaan ang kahalagahan nito ay maaaring humantong sa maling pagpapaliwanag ng mga napakahalagang kasulatan, iniiwan ang marami na matisod sa mga huwad na pagtuturo.
Kaya anong tiyakang nangyari noong 70 AD? Upang ganap na maunawaan ang kahalagahan ng AD sa kasaysayan ng Iglesya, dapat nating siyasatin ang sukdulang layunin at plano ni Yahuwah.
At sila’y binasbasan ni Yahuwah, at sa kanila’y sinabi ni Yahuwah, Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin… Genesis 1:28, ADB
Ninais ni Yahuwah sina Adan, Eba, at kanilang mga inapo na kalatan ang lupa ng makadiyos na bayan na masisiyahan sa isang matalik na relasyon kasama si Yahuwah at magkasamang gagawa upang pamahalaan at paunlarin ang lupa.
|
Ninais ni Yahuwah sina Adan, Eba, at kanilang mga inapo na kalatan ang lupa ng makadiyos na bayan na masisiyahan sa isang matalik na relasyon kasama si Yahuwah at magkasamang gagawa upang pamahalaan at paunlarin ang lupa. Si Yahuwah ay isang Diyos ng mga relasyon. Ang pagpapaunlad ng lupa ay isang magalak na proyekto ng pangkat ng pamilya.
Nalalaman natin, gayunman, na pinili ni Adan na buksan ang pintuan para sa kasalanan na pumasok sa sanlibutan, at ang kanser nito ay agad nahawaan ang lahat. Subalit hindi binabago ni Yahuwah ang Kanyang mga orihinal na layunin at ninanais. Sinimulan Niya ang gawa ng pagtutubos… dinadala ang sangkatauhan pabalik sa isang lugar kung saan maaari nilang tamasahin ang sakdal na pag-iisa sa Kanya.
“At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.” Genesis 3:15, ADB
Sa mismong paghuhukom ng Bumagsak, nangako si Yahuwah ng isang Binhi, na dudurog sa ulo ng ahas. Inihahanda ang sanlibutan upang tanggapin si Kristo Yahushua para wasakin ang Diyablo ay magtatagal ng humigit-kumulang 4,000 taon.
Sa isang serye ng mga progresibong hakbang, nagtakda si Yahuwah ng sistema ng Lumang Tipan [na sangkot ang anim na mahahalagang tipan]. Ito ay kung saan ang ilan sa mga tao ay nalito. Naniniwala sila na ang pisikal na bansang Israel ay ang layunin ng mga gawa ni Yahuwah. Hindi ito totoo. Ang pag-ibig at plano ni Yahuwah ay palaging para sa sanlibutan.
“At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagkat sinunod mo ang aking tinig.” Genesis 22:18, ADB [Tingnan rin ang Genesis 12:3, 18:18, 26:4, 28:14]
Siya ay pinarangalan na pangunahan ang pamilya/bansa sa pamamagitan nito ay darating si Kristo Yahushua, ngunit ang panghuling layunin ay palaging lahat ng mga bansa.
|
Nag-iwan si Yahuwah kay Abraham ng walang pagdududa na siya ay magiging instrumento ng pagpapala sa lahat ng mga bansa. Siya ay pinarangalan na pangunahan ang pamilya/bansa sa pamamagitan nito ay darating si Kristo Yahushua, ngunit ang panghuling layunin ay palaging lahat ng mga bansa. Ang bansang Israel ay ang pamamaraan o ‘bahay-bata’ kung saan si Kristo Yahushua ay ihahatid tungo sa sanlibutan, ngunit ang layunin ay para magdala ng pagtubos sa sanlibutan, kabilang ang bansang Hudyo.
“Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at magsisipanumbalik kay Yahuwah: at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo. Sapagkat ang kaharian ay kay Yahuwah: at Siya ang puno sa mga bansa.” Awit 22:27-28, ADB
Sapagkat ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ni Yahuwah, gaya ng pagtakip ng tubig sa dagat.” Habacuc 2:14, ADB
“At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Diyos sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao’y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputol-putulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao’y lalagi magpakailan man.” Daniel 2:44, ADB
Ang Tolda/Tabernakulo/Templo, mga pag-aalay, at iba pang ritwal ng Lumang Tipan ay hindi nilayon na permanente. Hinanda nila ang landas para kay Yahushua na dumating at itatag ang Bagong Tipan, na ang panghuling layunin sa lahat ng panahon. Habang paminsan-minsan ang mga salitang “walang hanggan” at “palagian” ay inilalarawan ang ilang aspeto ng Lumang Tipan, ito’y totoo sa katuparan, hindi palagian ang tipiko o anino.
“Ang paglilingkod nila ay anyo at anino lamang ng mga bagay na makalangit;
tulad din noon nang bigyan ng tagubilin si Moises nang malapit na niyang itayo ang tabernakulo, ‘Tiyakin mo na gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita sa iyo sa bundok.’ Subalit ang paglilingkod na tinanggap ni Kristo ay higit na marangal, yamang siya’y tagapamagitan para sa isang higit na mabuting tipan, na nakabatay sa higit na mabubuting pangako.” Hebreo 8:5-6, FSV
Malapit na tayo sa ating katanungan tungkol sa kung mahalaga ang 70 AD.
Ang panahon ng paglilipat na ito ay tumagal ng 40 taon, mula sa muling pagkabuhay ni Yahushua noong 30 AD hanggang sa pagkawasak ng Templo noong 70 AD.
|
Kailan itinatag ang Bagong Tipan, at kailan nagwakas ang Lumang Tipan? Ang Bagong Tipan/Kaharian ni Yahuwah ay itinatag sa kamatayan, muling pagkabuhay at pag-akyat ni Kristo Yahushua. Ito’y pinalakas sa Pentecostes. Espiritwal at opisyal, ang Lumang Tipan ay nagwakas noong si Kristo ay bumangon mula sa mga patay. Habang, mula sa ating mataas na punto sa kasaysayan, madaling sabihin na ito ang eksaktong panahon ng kaganapan, sa praktikal na aplikasyon, kailangan ng isang panahon ng paglilipat gayong ang Bagong Tipan ay ipinapatupad at ang sistema ng Lumang Tipan ng mga ritwal at pag-aalay ay ipinapatigil. Ang panahon ng paglilipat na ito ay tumagal ng 40 taon, mula sa muling pagkabuhay ni Yahushua noong 30 AD hanggang sa pagkawasak ng Templo noong 70 AD.
Mula rito, maaari nating makita si Yahushua na namuhay sa ilalim ng sistema ng Lumang Tipan, at ang Mga Gawa at mga sulat ng Bagong Tipan ay isinulat sa panahon ng paglilipat. Isaalang-alang kung gaano karaming sipi sa mga propeta ng Lumang Tipan ang isinulat upang balaan ang bayan ng Israel tungkol sa Babilonyang pagkakabihag. Magiging kakaiba kung ang mga tao na nagsusulat sa panahon ng paglilipat ay hindi naglalaan ng maraming oras ng babala tungkol sa mas dakilang pagkawasak na paparating sa taong 70 AD. At ginawa nila. Kapag nalalaman mo ang hinahanap mo, maaari mong masumpungan ang maraming sanggunian at babala sa nalalapit na paghuhukom at pagbubuhos ng poot ni Yahuwah noong unang siglo.
Tandaan: Para maging mas malinaw, ang Bibliya ay nagtuturo [at ang Iglesya na patuloy na pinaniniwalaan] ang pisikal, nakikitang pagbabalik ni Kristo Yahushua sa pagwawakas ng panahon ng Bagong Tipan. Gayunman, marami sa Kasulatan na inangkop sa Ikalawang Pisikal na Pagdating sa ating mga modernong pagpapaliwanag ay mga aktwal na sanggunian sa Paparating na Paghuhukom ni Kristo noong 66-70 AD. Halimbawa, ang buong Aklat ng Pahayag ay pinaligiran ng isang diwa ng pagmamadali [agaran, malapit na, darating na, huwag tatakan, atbp.], na hindi kinakailangan at mapanlinlang KUNG ang mga kaganapan na hinuhulaan nito ay nasa malayong hinaharap para sa mga orihinal nitong mambabasa.
Noong 70 AD, ang bansang Hudyo, Jerusalem at ang Templo ay ganap na nawasak.
Isaalang-alang:
Noong pinunit ni Yahuwah ang tabing ng templo mula sa itaas hanggang sa ibaba sa kamatayan ni Kristo [Mateo 27:51], ipinakita nito na ang Luma ay nagwakas na sa pagsasaalang ni Yahuwah, at isang bagong landas tungo sa Kanyang presensya ay ginawa.
|
Ang tunay at matapat na Israel – madalas tinukoy bilang ‘nalalabi’ sa Lumang Tipan – ay namulaklak upang isama ang mga tao mula sa lahat ng mga bansa, sapagkat ito ang sukdulang layunin ni Yahuwah.
|
Ang isang pagkakaunawa ng mga kaganapan ng 70 AD at ang kanilang espiritwal at pisikal na mga implikasyon ay kinakailangan upang maunawaan ang ilan sa mga dili kaya’y nakakalito o maling pag-angkop ng mga berso ng Bibliya sa Bagong Tipan. Oo, si Yahushua ay magbabalik sa katapusan ng panahon nang pisikal at nakikita, ngunit hindi lahat ng bahagi ng Kasulatan ay karaniwang inangkop sa kaganapang iyon ay aktwal na tungkol sa Muling Pagdating.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Glenn Davis.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC