Print

Daniel 11: Ang “Hari ng Timugan” ay ang Egipto!

Isang maingat na pag-aaral ng Daniel 11 ay ipinapakita nang may 100% kasiguraduhan
na ang “Hari ng Timugan” ay, at palagi, ang Egipto!

Ang manuskritong Voynich ay, walang pagdududa, isang natatanging aklat. Batay sa pisikal na anyo nito, ito ay isang obra ng sining. Magagandang ilustrasyon sa isang salpok ng mga berde, mga kayumanggi, mga dilaw, mga asul, at mga pula na nagpapalamuti sa halos lahat ng pahina. Ang botanikong larawan ay detalyado; ang mga astrolohikong talangguhit at mga astronomikong larawan, maselan; ang sulat-kamay na teksto, umaagos at kaaya-aya. Ito ay nalalaman na nabibilang sa Banal na Romanong Emperador, Rudolph II ng Alemanya (1576-1612), ngunit ang carbon dating ay inilagay ang edad nito na mas maaga gaya ng mga taong 1400s.

Ang manuskritong Voynich kasama ang isa ng marami nitong hindi pa nakikilalang klase ng halaman

Ang manuskritong Voynich kasama ang isa ng marami nitong hindi pa nakikilalang klase ng halaman.

(Image: http://top-documentary.com/wp-content/uploads/2012/01/f50r.jpg)

Subalit, sa isang modernong mundo kung saan ang teknolohiya ay nagbigay ng mga kasagutan sa napakaraming pinag-isipang mga hiwaga, ang manuskritong Voynich ay nanatiling isang hindi nalutas na misteryo. Walang nakakaalam kung saan ito nanggaling o sino ang nagsulat nito. Isang daan at labing-tatlo ng mga botanikong larawan ay mga hindi kilalang klase ng halaman. Isang byolohikong bahagi ay kakaiba, nagpapahiwatig sa hindi kilalang teknolohiya sapagkat ipinapakita nito ang katawan ng tao na nakalubog sa isang uri ng likido na may kaugnayan sa isang masalimuot na pagpapakita ng magkakabit na mga tubo.

Malamang ang pinakamahiwaga sa lahat ay ang katunayan na walang nakakaalam kung ano ang sinasabi ng aklat! Ito ay nakasulat sa isang hindi kilalang wika. Walang bigat ng pagsisikap, mga oras, o isang software ng komputer ang may kakayahan na maunawaan ang detalyadong lihim na palahudyatan kung saan ito isinulat, nagdidikta sa ilan na magtanong kung ito ay isang detalyadong salamangka. Walang Batong Rosetta ang natuklasan na makakapagbigay ng susi para buksan ang mga lihim ng manuskritong Voynich.

Ang Kasulatan ay mayroon din na isang hindi maunawaang sipi. Sa napakaraming mga propesiyang naitala para sa huling henerasyon, ang Daniel 11 ay regular na hindi maunawaan. Bihira sa mga propesiya na ito’y hindi gumagamit ng mga simbulo. Wala dapat pagdududa kung ano ang tungkol sa propesiyang ito at kapag ito ay naganap sapagkat ang katapusan—tinutukoy kung kailan magaganap ang pagsasara ng probasyon—ay napakahalaga. Isinantabi ang lahat ng simbolikong wika, ang anghel ay tumungo sa punto nang tuwid at binalangkas ang mahigit 2,000 taon ng kasaysayan.

Ang mga mag-aaral ng Bibliya ay matagal nang nagtaka at bigo sa kahulugan ng kabanatang ito, sa kabila ng kakulangan ng mga simbulo nito. Ang mga sanggunian sa isang papagkuruing “Hari ng Hilagaan” at isang kapwa mahirap na “Hari ng Timugan” ay humantong sa iba’t-ibang pagpapaliwanag na nagpapahiwatig kung sino ang mga ito. Ang pagtukoy sa mga haring ito ay ang susi para mabuksan ang kahulugan ng kabanatang ito.

Hindi gaya ng manuskirtong Voynich, gayunman, ang Daniel 11 ay mayroong susi at ang susi ay heograpiya.

Heograpiya ang Susi

Si Daniel ay palagi at kailanman, sa kanyang puso ng mga puso, isang Israelita. Naitala ng Kasulatan na binubuksan niya ang bintana at nanalangin tungo sa Jerusalem, tatlong beses bawat araw. Bilang isang matanda, ilang dekada matapos siyang dakpin mula sa kanyang tinubuang-bayan, patuloy niya itong tinukoy bilang “maluwalhating lupain.”

Ang “Hari ng Hilagaan” at ang “Hari ng Timugan” na paulit-ulit na isinangguni sa Daniel 11, ay dapat maunawaan na may kaugnayan sa lupain ng Israel.

Ano o sino ang nasa timog ng Israel? Ang sagot ay madali at hindi nagbabago. Ang Egipto ay nasa timog ng Israel.

Ano at sino ang nasa hilaga ng Israel? Ang lupain na direkta sa hilaga ng Israel ay Sirya. Gayunman, anong nagdudulot ng pagkalito sa maraming tao ay ang pulitikal na kapangyarihan na kumokontrol sa heograpikong lugar ay nababago sa panahon. Dahil dito, ang Hari ng Hilagaan ay alinmang pulitikal na entidad na may kontrol sa Sirya sa anumang ibinigay na panahon. Kapag ito ay naunawaan, ang Daniel 11 ay maaaring ikumpara sa kasaysayan at ang propesiya ay nagiging malinaw.

Alexander ang Dakila

Ang propesiya ay ang kasaysayan na isinulat nang maaga. Sa propesiya ng Daniel 11, ang anghel ay nagsimulang maghayag: “At ngayo'y aking ipatatalastas sa iyo ang katotohanan. Narito, tatayo pa ang tatlong hari sa Persia; at ang ikaapat ay magiging totoong mayaman kay sa kanilang lahat: at pagka siya'y lumakas sa kaniyang mga yaman, ay kaniyang kikilusin ang lahat laban sa kaharian ng Grecia. At isang makapangyarihang hari ay tatayo, na magpupuno na may malaking kapangyarihan, at gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban.” (Daniel 11:2-3, ADB)

Mula sa panahon ni Daniel, mayroon pang apat na hari ang mamumuno sa Imperyong Persyano, ang panghuli, ang pinakamayaman sa lahat. Siya ay tanyag para sa pagpapakilos ng gulo kasama ang Gresya. Kinumpirma ng kasaysayan na ang ikaapat na haring Persyano mula sa panahong ang propesiya’y ibinigay ay si Xerxes I, ang anak ni Darius Hystaspes. Siya ay isang napakayamang monarka at ginamit niya ang kayamanang iyon laban sa mga Griyego. Habang siya ay nagwagi sa Labanan sa Thermopylæ, siya ay natalo sa Labanan sa Salamis. Sa huli, lahat ng isinakatuparan na gawin ni Xerxes I ay “kikilusin ang lahat laban sa kaharian ng Grecia” alinsunod sa tiyak na salita ng propesiya.

Ang susunod na berso ay ipinunto si Alexander ang Dakila at inilatag ang pundasyon para pagtukoy sa Hari ng Hilagaan at Hari ng Timugan: “At pagka tatayo siya ay magigiba ang kaniyang kaharian, at mababahagi sa apat na hangin ng langit, nguni't hindi sa kaniyang anak, ni ayon man sa kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinagpuno; sapagka't ang kaniyang kaharian ay mabubunot para sa mga iba bukod sa mga ito.” (Daniel 11:4, ADB)

Si Alexander ang Dakila ay 32 taong gulang lamang noong namatay. Bagama’t ang kanyang asawa ay nagdadalang-tao sa panahong iyon, wala siyang buhay na tagapagmana. Ang kanyang malawak na imperyo ay nahati sa kanyang apat na heneral. Ang mga ito, dahil dito, ay naglaban-laban sa isa’t isa para makakuha ng marami pang teritoryo at kapangyarihan.

Masaklaw na sabihin, ang sumusunod ay isang listahan ng mga heneral at mga teritoryo na nakuha nila.

ang nahating imperyo ni Alexander ang Dakila

Ang malawak na imperyo ni Alexander ang Dakila ay nahati sa pagitan ng kanyang
apat na heneral matapos ang kanyang kamatayan.

Sa isang punto ng panahon, ilan sa bahagi ng imperyo ni Alexander ay nasa kontrol ni Antigones, isang rehente na sinubukang pagkaisahin ang imperyo. Ang rehiyong ito, gayunman, sa huli, ay napunta sa apat na heneral. Ang apat na bahaging sangay ng imperyo ay sinundan ng iba’t ibang digmaan at mga labanan sa loob ng susunod na 20 taon. Karamihan sa mga bangayang ito ay sa tatlong heneral sa hilaga, silangan at kanluran ng Israel: sina Lysimachus, Cassander, at Seleucus. Nasakop ni Lysimachus ang teritoryo ni Cassander, para lamang idagdag ni Seleucus ang lahat mula kay Lysimachus. Sa huli, tanging sina Seleucus sa hilaga, at Ptolemy sa timog, ang nalalabi sa orihinal na apat na sangay.

Ptolemy I Sotor

Napatunayan na si Ptolemy ang pinakamalakas sa apat na heneral ni Alexander. “Si Ptolemy, na kilala mismo bilang isang maingat at mapagkakatiwalaang kumander ng tropa sa ilalim ni Alexander, ay napatunayan rin na isang pulitiko ng hindi pangkaraniwang diplomatiko at estratehikong kakayahan sa mahabang serye ng pakikibaka sa trono na sumiklab matapos ang kamatayan ni Alexander noong 323 BC.”2 Sa katunayan, si Ptolemy ay kinilala ang imposibilidad ng pagpapanatili ng pagkakaisa sa imperyo ni Alexander. Nasa kanyang mungkahi na ang imperyo ay hatiin sa pagitan ng apat na heneral.

Si Ptolemy ay may kakayahan na suriin ang magulong internasyonal na kalagayan ng panahon matapos si Alexander, na naglarawan sa patuloy na digmaan na may palipat-lipat na mga alyansa at mga koalisyon, sa tunay na pulitikal na takda. Manindigan sa isang pangunahing pandepensang banyangang polisiya, iniligtas niya ang Egipto laban sa mga panlabas na kaaway at pinalawak ito sa paraan ng direktang pagkontrol ng mga pag-aaring banyaga at mga hegemonyang administrasyon. Hindi niya, gayunman, pinabayaan na ilaan ang atensyon sa panloob na organisasyon ng bansa at para magbigay para sa isang tagapagmana.3

Sa kabila ng katunayan na si Ptolemy ay isa sa mga heneral sa ilalim ni Alexander na sumakop sa Egipto, ang kanyang matalinong pamumuno ay ginawa siyang katanggap-tanggap sa mga taga Egipto na nagtaas sa kanya sa isang mala-diyos na estado matapos ang kanyang kamatayan. Ang Egipto ay naging makapangyarihang Hari ng Timugan sa ilalim ng dating heneral na ito.

Ang makapangyarihang dinastiya Ptolemaic na itinatag niya, “ay naghari nang mas matagal kaysa sa ibang dinastiya na itinatag sa lupain ng Imperyong Alexandrian at sumuko lang sa mga Romano noong 30 BC.”4 Kahit na matapos ang Egipto ay nasa ilalim na ng kontrol ng Roma, ang lugar na iyon ay nanatili na Hari ng Timugan dahil ito ay nasa timog ng Palestino.

Pakikipagkaalit sa Sutil na Hari

Ang Sphinx, Egipto sa isang gabing kalangitan na may mga bituinWalang anumang magaan na pagdududa na ang Egipto ay ang Hari ng Timugan. Ang unang bahagi ng Daniel 11 ay isang malinaw, tapat na pagsasalaysay ng mga makasaysayang pangyayari na nahulaan bago pa ang mga ito maganap. Ang mga ito’y bumakas nang may talulikas na katumpakan ang mga aksyon ng Hari ng Timugan, ang Egipto, tungo sa mga siglo. Bawat iisang berso ay napatunayan sa makasaysayang dokumentasyon. Ang buong saksak ng propesiyang ito ay para ipunto kung kailan magwawakas ang probasyon. Ang mga kalagitnaang berso ay pinahintulutan ang modernong mag-aaral ng Bibliya na malaman para sa katiyakan na ang Hari ng Timugan ay ang Egipto sapagkat napatunayan ng kasaysayan.

Ang kasukdulan ng mga aksyon ng Hari ng Timugan ay naganap sa papalapit na wakas ng Daniel 11 at, sa katunayan, ang huling beses na nabanggit ang Hari ng Hilagaan: “At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan.” (Daniel 11:40, ADB)

Sa loob ng maraming siglo, iba’t ibang panlabas na mga namumuno, gaya sa mga ibang lugar ng imperyo ni Alexander, ay sumakop sa Egipto. Ang Dinastiyang Mamluk ay nakuha ang kontrol noong 1250. Ang mga Mamluks ay mga aliping sundalo na naging makapangyarihan sa Gitnang Panahon. Pinalayas nila sa Gitnang Silangan ang huli ng mga Europeong krusada at pinaalis ang mga Mongols mula sa Sirya at Palestino. Nakuha nila ang pasasalamat ng lahat ng mga Muslim na itinuturing ang mga Mamluks bilang mga tagapagligtas ng kanilang relihiyon at kultura.

Para patatagin ang kanilang posisyon sa Islamikong mundo, ang mga Mamluks ay binuhay muli ang caliphate, na winasak ng mga Mongols noong 1258, at itinalaga ang isang caliph sa ilalim ng kanilang pagmamatyag sa Cairo. Ang kanilang pagtataguyod ng mga namumuno sa mga banal na siyudad ng Arabia, Mecca at Medina, ay pinagsisilbihan ang kaparehong layunin. Ang mga kamangha-manghang tagumpay sa digmaan at diplomasiya ay pinalakas ng suporta ng mga Mamluks sa mga industriya at sining gayon din sa kanilang pagpapanumbalik sa Egipto bilang pangunahing ruta ng kalakalan at paghahatid sa pagitan ng Silangan at Mediteraneo.5

Ang Imperyong Ottoman ay nakuha ang kontrol ng Egipto noong maagang 1500s. Sa 1790s, gayunman, ang mga Mamluks ay nabawing muli ang karamihan ng kanilang dating kapangyarihan, bagama’t ang Egipto ay patuloy na itinuturing na bahagi ng Imperyong Ottoman. Habang ang mga Mamluks ay orihinal na responsable para sa pagtatatag ng pangunahing ruta ng pangangalakal na nagdurugtong ng Silangan sa Europa, ang mga huling taon ng pamumunong Mamluk ay napuno ng panloob na labanan na sumira sa ruta ng pangangalakal.

“Ang mga huling taon ng Mamluk ay mapaminsala para sa Egipto. Ang patuloy na panloob na labanan kasama ang mapangahas na pagbubuwis, ay sumira sa pangangalakal ng Egipto. Isa sa mga dahilan ng paglusob ng mga Pranses ay ang aktwal na pagkasira ng kalakalan ng Pranses sa Egipto ng mga taong 1790s.”6

Sapagkat naipakita saanman, ang Pransya ay ang “sutil na hari” na nailarawan sa Daniel 11:36-40. Ang pagkabuwag ng kalakalan ng mga taga-Egipto sa Pransya ay ang Hari ng Timugan (Egipto) “ay makikipagkaalit” sa Sutil na Hari (Pransya). Ito ay hindi isang bukas na pakikidigma. Ito lamang ay simpleng pakikipagkaalit sa Pransya.

Noong 1798, ang Pransya ay nilusob ang Egipto—ang mismong taon kung saan ang “panahon ng kawakasan” ay nagsimula!

Ang orihinal na plano ng mga Pranses ay walang duda na angkinin ang Egipto bilang isang kolonya. Ang mga Pranses ay inasahan ang populasyon ng Egipto, nagdurusa sa ilalim ng mga Mamluks, ay sasalubungin sila bilang mga tagapagpalaya, habang ang mga Ottoman ay maaari kahit man lang tiisin ang mga Pranses bilang kabayaran sa pagpapaalis ng kanilang labis na malayang saklaw. Ang Egipto ay para pakinabangan mula sa mga pag-unlad na ginawang posible ng rebolusyon, ang pamahalaan ay ginawang moderno, ang mga bagong institusyon ay nalikha at ang mga dati ay itinabi, gaya ng nangyari sa Pransya.

Ang papel ng mga Ottoman ay nakakalito. Ang Pransya ay tradisyonal na kaalyado ng Imperyong Ottoman, at kahit na sa sandaling ito walang intensyon na sirain ito. Ang plano ng mga Pranses ay umasa nang mabigat sa mga Ottoman na manatili kahit na neutral, kailangan sa kanilang poot sa mga Mamluks (naipakita noong 1786) sumobra ang tindi ng kanilang galit sa paglusob ng mga Pranses ng ano pa rin ang opisyal na probinsya ng Ottoman.7

Ang plano ay tumungo nang kakila-kilabot na mali.

Gaya ng Isang Ipoipo

At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya na gaya ng isang ipoipo, na may mga karo, at may mga mangangabayo, at may maraming sasakyan; at kaniyang papasukin ang mga lupain, at aabot at lalagpas. (Daniel 11:40, ADB)

Labanan sa Nilo

Ang presensya ng mga Briton sa Egipto kasunod ng paglusob ng Pransya,
ay nag-udyok ng isang muling pagkakahanay ng mga internasyonal na alyansa na nag-impluwensya sa napakalaking tugon ng Hari ng Hilagaan at humantong,
sa huli, sa kawalan ng milyun-milyong buhay.

(Image: http://www.woodenwalls.co.uk/NileBattle.jpg)

Ang mga Briton, sa kanilang umiiral na pagsisikap na bawasan ang mga ambisyon ng mga Pranses, hinabol ang mga Pranses sa Mediteraneo. Noong Agosto 1, 1798, ang Briton na admiral, si Horatio Nelson, ay nakita ang plotang Pranses na nagpupugal sa Alexandria, Egipto. “Ang labanan ng Nilo ay isa sa pinakamapanirang pandagat na tagumpay na nakita kailanman. Walang nalipol na barko sa mga Briton, habang dalawa na lamang sa orihinal na 13 barko ng mga Pranses ang nakatakas. Si Napoleon sa panahong iyon ay pinutol na mula sa Pransya.”8

Anumang totoong pagkakataon na ang Imperyong Ottoman ay tatanggapin ang pananakop ng mga Pranses ay nagwakas matapos wasakin ni Nelson ang armada ng mga Pranses sa Labanan ng Nilo ... Ang diplomasyang Briton sa Istanbul ay may kakayahan nang mamatnubay sa Imperyo tungo sa tahas na oposisyon, at noong Setyembre 9, 1798 ang Imperyong Ottoman ay nagdeklara ng digmaan sa Pransya (maaga noong 1799, ang mga Ruso ay sumama sa mga Briton at Turko, binuo ang Ikalawang Koalisyon) Haharapin na ni Napoleon ang tunay na panganib ng pagsalakay sa lupa at sa dagat. Dalawang hukbong Ottoman ang sangkot sa pagsalakay. Ang hukbo ng Damascus ay susulong sa Sirya at Palestino at atakihin ang Egipto sa pagdaan sa Sinai. Isang pang hukbo, na binuo sa Rhodes, kasama ng Royal Navy, ay lalapag malapit sa Nilo. Ang mga Pranses ay mapapaligiran at mahihigitan sa bilang.9

Ang tugon ng mga Ottomans ay ganap na sumira sa mga planong Pranses at mga pagpapalagay ng madaling pananakop. Bilang resulta ng paglusob ng Sutil na Hari sa Egipto, bago, naiibang mga alyansa ang nabuo. “Ang ekspedisyong Pranses sa huli ay hinatak si [Sultanong Ottoman] Selim tungo sa pakikipag-alyansa sa Britanya at Rusya, dahil dito kung saan ang mga Pranses ay pinalayas.”10 Sa bago, pampulitikal na kapaligirang ito, ang Rusya at Persya ay nagsimulang kunin ang mga lupaing tradisyonal na nabibilang sa Imperyong Ottoman. Ito, dahil dito, ay nagpalakas ng matinding poot sa mga Turkong Ottoman at sa mas malaking bahagi ay responsable para sa kagimbal-gimbal na mga pagpatay ng mga lahi na ginawa ng mga Turko laban sa mga Armenyo, mga Griyego at mga Asiryang Kristyano sa panahon at kasunod ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Wala Nang Oras

Ang pagsasara ng probasyon ay ang pinakataimtim na pangyayari simula noong Kalbaryo. Sa panahong iyon, ang bawat isa ay ginawa na ang kanyang pasya, para sa walang hanggang buhay, o kahihiyan, at walang hanggang kamatayan.

Ang pagsasara ng probasyon ay ang pinakataimtim na pangyayari simula noong Kalbaryo. Sa panahong iyon, ang bawat isa ay ginawa na ang kanyang pasya, para sa walang hanggang buhay, o kahihiyan, at walang hanggang kamatayan. Kabilang sa mga pangwakas na mga salita ng Kasulatan ay naitala sa isang paglalarawan ng pangyayaring iyon, ay ang taimtim na babala na kung gaano ito kalapit nang maganap bago ang Muling Pagdating ni Yahushua:

Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito; sapagka't malapit na ang panahon.

Ang liko, ay magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa.

Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa. (Pahayag 22:10-12, ADB)

Walang maaaring pagkaantala sa paghahanda. Ang probasyon ay napakalapit nang magsara, ngunit ito’y unang nagsasara sa mga mayroong pinakamaraming liwanag. Ngayon na ang panahon na madasaling hanapin ang iyong puso. Kumakapit ka pa rin ba sa anumang nalalamang mga pagkakasala? Tinanggihan mo ba ang anumang sumulong na liwanag, na ang huling ulan, ibinigay para ihanda ka sa pagsasara ng probasyon?

Maging handa, humanda, humanda. Mayroon ka dapat na dakilang paghahanda kaysa sa taglay mo ngayon, sapagkat ang araw ng Panginoon ay paparating na, malupit na may poot at marahas na galit, upang ilatag ang lupain sa pagguho at lipulin ang mga makasalanan sa mga lugar na ito. Isakripisyo ang lahat kay Yahuwah11. Ibaba ang lahat sa Kanyang altar—sarili, pag-aari, at lahat, isang nabubuhay na handog. Kailangan ng lahat para makapasok sa kaluwalhatian. Ibagsak para sa iyong sarili ang kayamanan ng Langit, kung saan walang makakanakaw o walang kalawang na sisira. Ikaw ay dapat na maging kabahagi ng mga paghihirap ni Yahushua rito kapag ikaw ay magiging kabahagi kasama Niya ng Kanyang kaluwalhatian mula ngayon.12

Ang gawa ng kaligtasan ay hindi larong pambata, pigilan sa kaloob o hayaan sa kagustuhan. Ito ay ang matatag na layunin, ang walang kapagurang pagsisikap, kaya makakamtan ang tagumpay sa huli. Siya na nagtiis hanggang sa katapusan ay maliligtas. Sila na matiyagang nagpapatuloy sa paggawa ng kabutihan ay mayroong walang hanggang buhay at imortal na gantimpala.13

Ngayon ang araw ng kaligtasan. Gawin ang matalinong pasya na sundan ang katotohanan saanman ito patungo. Sumuko nang ganap sa Tagapagligtas at Siya mismo ay gagawin kang handa.


Nauugnay na Nilalaman:


1 https://www.britannica.com/biography/Lysimachus

2 https://www.britannica.com/biography/Ptolemy-I-Soter

3 Ibid.

4 Ibid.

5 https://www.britannica.com/topic/Mamluk, binigyang-diin.

6 https://www.historyofwar.org/articles/wars_french_egypt.html

7 Ibid.

8 Ibid.

9 Ibid.

10 https://www.britannica.com/place/Ottoman-Empire/The-decline-of-the-Ottoman-Empire-1566-1807#ref482150

11 Ang mga sagradong pangalan ay ibinigay sa siping ito sa lugar ng mga paganong titulo.

12 E. G. White, The Faith I Live By, p. 359.

13 E. G. White, Our Father Cares, p. 88.