Print

Daniel 11: Ang Sutil na Hari ay ang Pransya!

Isang maingat, berso sa bersong pag-aaral ng Daniel 11:36-40 ay ipinapakita nang may
100% katiyakan na ang “Sutil na Hari” ay ang Pransya!

“At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban; at siya'y magmamalaki, at magpapakataas ng higit kay sa bawa't dios, at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios; at siya'y giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap; sapagka't ang ipinasiya ay gagawin.

“Wawaling bahala niya ang mga dios ng kaniyang mga magulang, o ang nasa man sa mga babae, o pakukundanganan man ang sinomang dios; sapagka't siya'y magmamalaki sa lahat.

“Kundi bilang kahalili ay pararangalan niya ang dios ng mga katibayan; at isang dios na hindi nakilala ng kaniyang mga magulang ay kaniyang pararangalan ng ginto, at pilak, at ng mga mahalagang bato at ng mga maligayang bagay.

“At siya'y magbabagsak ng mga matibay na kuta sa tulong ng ibang dios; sinomang kumilala sa kaniya, mananagana sa kaluwalhatian; at pagpupunuin niya sila sa marami, at kaniyang babahagihin ang lupa sa halaga.

“At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya [ang Sutil na Hari na nailarawan sa mga naunang berso] ang hari sa timugan; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya [ang Sutil na Hari] na gaya ng isang ipoipo, na may mga karo, at may mga mangangabayo, at may maraming sasakyan; at kaniyang [ang Hari ng Hilagaan] papasukin ang mga lupain, at aabot at lalagpas.” (Daniel 11:36-40, ADB)

Ang Daniel 11 ay puno ng mga paglalarawan ng isang napakahabang salungatan sa pagitan ng isang tao o isang bagay na tinukoy bilang Hari ng Hilagaan, at isa pang entidad na tinatawag na Hari ng Timugan. Maraming mga mag-aaral ng Bibliya ay ipinalagay na ang mga ito lamang ay ang dalawang naglalabang pangkatin na sinabi sa kabanata.

Ang maingat na pag-aaral ng buong kabanata, gayunman, ay ipinapakita ang ikatlong panig. Para panatilihin ang iba’t ibang mga manlalaro nang tuwid, tinutukoy namin ang ikatlong katunggaling ito bilang “Sutil na Hari.” Ang mga kinikilalang palatandaan na inilista ni Daniel ay ipinapakita na ang Sutil na Hari ay ang rebolusyonaryong Pransya bago at sa ilalim ng pamumuno ni Napaleon Bonaparte.

DANIEL 11:36

“At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban; at siya'y magmamalaki, at magpapakataas ng higit kay sa bawa't dios, at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios; at siya'y giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap; sapagka't ang ipinasiya ay gagawin.”

AYON SA KANIYANG KALOOBAN

Ang parirala na inaangkin ang hari na “gagawa ayon sa kaniyang kalooban” ay ginamit nang tatlong beses sa Daniel 11. Ang una ay makikita sa berso 3: “At isang makapangyarihang hari ay tatayo, na magpupuno na may malaking kapangyarihan, at gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban.” Tinutukoy nito si Alexander ang Dakila. Ang ikalawang beses na ito’y nagamit ay nasa berso 16 na tumukoy kay Julius Caesar: “Nguni't ang dumarating laban sa kaniya, ay gagawa ng ayon sa sariling kalooban, at walang tatayo sa harap niya; at siya'y tatayo sa maluwalhating lupain, at sasa kaniyang kamay ang paglipol.”

Sina Alexander ang Dakila at Julius Caesar ay parehong mananakop na kapangyarihang pulitikal. Kapwa sila nagsikap ng pangingibabaw sa mga kalabang kapangyarihang pulitikal. Para maging alinsunod, kapag ang Sutil na Hari ay gumawa “ayon sa kaniyang kalooban,” siya ay, gayon din, isang nangingibabaw na kapangyarihan na binago ang pulitikal na tanawin. Ito ang tiyak na ginawa ng Pransya.

MAGPAPAKATAAS NG HIGIT KAY SA BAWA’T DIOS

Pinatay ng Pransya ang hari nito at binuwag ang monarkiya nito, na matagal nang inusig ang mga mamamayan nito sa ilalim ng impluwensya ng kapapahan. Ang bagong pamahalaan, ang Republikang Pranses, ay tunay na nagmalaki at nagpakataas nang higit kaysa sa bawat diyos. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang ateismo ay naging isang naghaharing impluwensya sa lahat ng mga antas at mga iskolar, direktang binakas ito sa panglipunan at pangrelihiyong kaguluhan kasunod ng Rebolusyong Pranses.

Ang Rebolusyong Pranses (1789-94) ay nais na baguhin nang tuluyan ang kapangyarihan ng relasyon sa pagitan ng paniniwala at hindi paniniwala sa Europa: kung saan sa harap ng ateismo ay naging ‘mapagmataas’, tinalakay sa mga karihan at mga salon ng Paris, dahil dito, ito mismo ay bababa sa mga tao. Isang matinding kawalan ng pananampalataya ang naging isang tunay na kadahilanang pulitikal sa pampublikong buhay, sapagkat ang panahon ng antiklerikong ‘dekristyanisasyon’ kasunod ng rebolusyon ay nais ipakita. Ang salpok ng Rebolusyong Pranses sa pagpukaw sa mga tao na ilagay ang mga ideyang kalapastanganan sa relihiyon ng Kaliwanagan tungo sa pagsasanay ay ibig na palawigin mula Pransya hanggang sa ibang bansang Europeo, at hanggang sa mga kolonyang Amerika ...1

Ang Rebolusyong Pranses ay kinuha ang ateismo sa mga masa. Ang mga malalayong narating na epekto ng ateismo sa mundo ngayon ay maaaring balikan kung kailan ang Pransya, ang Sutil na Hari, ay ipinagmalaki ang sarili at nagpakataas nang higit kaysa sa bawat diyos, nagsasalita laban kay Yahuwah sa pamamagitan ng pagtanggi sa Kanyang pag-iral.

DANIEL 11:37

“Wawaling bahala niya ang mga dios ng kaniyang mga magulang, o ang nasa man sa mga babae, o pakukundanganan man ang sinomang dios; sapagka't siya'y magmamalaki sa lahat.”

IWAWALANG BAHALA NIYA ANG MGA DIYOS NG KANYANG MGA MAGULANG

Sa pagsisimula ng Rebolusyong Pranses noong 1789, ang Romano Katolisismo ay ang pang-estadong relihiyon. Ang Sutil na Hari, gayunman, ay nagpakita ng kawalang-bahala para sa “Diyos ng kanyang mga magulang.”

Noong Oktubre 1793, ang pampublikong pagsamba ay ipinagbawal at sa sumunod na ilang buwan, ang lahat ng mga nakikitang tanda ng Kristyanismo ay tinanggal, isang polisiya ang itinuloy na may partikular na sigasig ng mga rebolusyonaryong hukbo na sabik sa paghihiganti sa institusyon na nagkupkop ng napakaraming kontra-rebolusyonaryo. Ang mga kampana ng simbahan ay ibinaba at tinunaw, malamang para matulungan ang pandigmaang pagsisikap, ang mga krus ay kinuha mula sa mga simbahan at mga libingan, at ang mga istatwa, mga relihika at mga gawa ng sining ay kinumpiska at ang iba’y winasak. ... Noong Nobyembre 23, 1793, ang mga simbahan ay isinara, at ginawang mga bodega, industriyal na mga pagawaan o maging mga kuwadra. Ang mga kalsada at ibang mga pampublikong lugar na nagdadala ng mga pangalan ng mga santo ay binigyan ng bago, madalas pampaksang-Republikang mga pangalan, at ang oras mismo ay ginawa uli para isulong ang pagtakwil sa Kristyanong nakaraan ng Pransya.2

WALANG PAGSASAALANG-ALANG SA ANUMANG DIYOS

Ang Simbahang Katoliko ay palaging ipinahayag na ang tanda ng kanyang kapangyarihan ay ang gawa ng pagbabago ng araw ng pagsamba mula sa Sabbath hanggang sa araw ng Linggo. Ang Sutil na Hari ay may mabuting kamalayan at tumungo pa nang mas malayo sapagkat gumawa ng ganap na bagong kalendaryo para lumayo mula sa Kristyanismo. Ang kalendaryong Republikang Pranses ay mayroong 10-araw na sanlinggo, kaya ang “araw ng Linggo” ay hindi umiiral sa bagong paraan ng pagpapanatili ng oras ng Sutil na Hari. Si Pierre Sylvain Maréchal, ang unang nagmungkahi ng pagbabago ng kalendaryo, ipinahayag: “ang kalendaryo ng Republikang Pranses . . . ay hindi dapat maging katulad sa anumang respeto sa opisyal na mga taunan ng apostoliko at Romanong Simbahan.”3

“Ang reporma sa kalendaryong Pranses ay isang tangka na idi-Kristyanismo ang kalendaryo, sa pagpapanatili sa hayagang layunin ng Rebolusyon ng pagtataguyod ng Katuwiran bilang oposisyon sa Relihiyon.”4

Ang buo at ganap na pag-iwas ng Pransya sa Kristyanong pamana nito ay nagpapatunay na ito ang Sutil na Hari na walang pagsasaalang-alang sa Diyos ng kanyang mga magulang.

Ang Pransya ay ang natatanging bansa sa buong mundo tungkol sa kung saan ang lehitimong talaan ay nabuhay, bilang isang bansa, itinaas ang kanyang kamay sa bukas na rebelyon laban sa May-akda ng sanlibutan. Napakaraming lapastangan, napakaraming hindi mananampalataya, na mayroon, at nagpatuloy, sa Inglatera, Alemanya, Espanya, at saanman; ngunit ang Pransya ay nakatayo sa kasaysayan ng daigdig bilang iisang estado na, sa utos ng kanyang Pambatasang Kapulungan (Legislative Assembly), ay ipinahayag na walang Diyos, at kung saan ang buong populasyon ng kabisera, at ang malawak na mayorya saanman, mga babae at mga lalaki, nagsasayaw at umaawit nang may kagalakan sa pagtanggap sa anunsyo.5

WALANG PAGSASAALANG-ALANG SA NASA MAN SA MGA BABAE

Ang pagtanggi ng Pransya sa Kristyanismo ay humantong sa isa pang gawa na nagpakilala rito bilang Sutil na Hari na walang pagsasaalang-alang sa “nasa ng mga babae.”

Ilan sa mga mag-aaral ng Bibliya ay ipinahiwatig na ang pariralang ito ay tinutukoy ang mga paring walang asawa. Ang mga ulo ng balita lamang ng mga nakalipas na taon ay pinabulaanan ang anumang angkin ng makaparing kadalisayan. Dagdag pa, bawat ilang taon, isa pang ulo ng balita ay inulit ang kwento ng mongha na nagbigay ng kapanganakan, nagpapaupa ng paniniwala sa maraming mga usap-usapan ng mga kalansay ng bata na nakitang nakabaon malapit sa mga kumbento gayon din ang ibang mga dokumentadong kaso ng daan-daang kalansay na nakita malapit sa mga tahanan para sa mga walang asawang ina na pinapatakbo ng mga Katolikong madre. Malinaw, ang mga paring Katoliko ay walang monopolyo sa sekswal na kadalisayan dahil lamang kumukuha sila ng panunumpa ng buhay na walang asawa. Dahil dito, ang walang pagsasaalang-alang sa “nasa ng mga babae” ay hindi maaaring tumukoy sa Simbahang Katoliko.

Isang palatandaan kung paano ipaliwanag ang pariralang ito ay makikita sa Sulat ni Pablo para sa mga Taga Roma: “Ganoon din ang mga lalaki: iniwan nila ang likas na pakikipagtalik sa mga babae, at sa kapwa lalaki nag-alab ang kanilang pagnanasa. Gumagawa sila ng kahalayan sa isa't isa, kaya't sila'y tumatanggap ng parusang nararapat sa kanilang masasamang gawa.” (Roma 1:27, FSV)

Narito, muli, nakapiling ng Pransya ang kinilalang katangiang ito.

Bago ang Rebolusyong Pranses, ang sodomya ay isang pangunahing krimen sa ilalim ng maharlikang lehislasyon. Ang kaparusahan ay susunugin sa istaka. ... Ang National Constituent Assembly ay binuwag ang batas laban sa sodomya noong binago nito ang batas ukol sa krimeng Pranses noong 1791 at inalis ang iba’t ibang pagkakasalang napukaw sa relihiyon, gaya ng kalapastanganan sa Diyos; ... ‘ang Rebolusyonaryo at panahong Napoleoniko ay isang panahon ng kaukulang kalayaan’ at binuksan ang modernong kapanahunan ng ligal na pagpaparaya para sa homosekswalidad sa Europa. Ang mga Napoleonikong pananakop ay ipinataw ang mga tuntunin ng Kodigong Penal ni Napoleon (kabilang ang dekrimenisasyon ng homosekswalidad) sa marami pang iba’t ibang bahagi ng Europa....6

Naging kilala ang Pransya sa kahalayan nito. Sa kauna-unahang pagkakataon sa isang Kristyanong bansa, ang homosekswalidad ay ginawang ligal.

Malamang ito’y hindi na kagulat-gulat, na ang demokratikong liberal na rebolusyong ito ay pinasimulan din ang pagbuwag sa sekswal na pagsang-ayon sa kaugalian, nagpapahintulot ng mas malaking kalayaang pang-indibidwal, at pagsipi ng estado mula sa regulasyon ng homosekswalidad. Sa pagdating ng ligal na kodigong Napoleoniko, ang sodomya ay naglaho mula sa batas ukol sa krimen, at sapagkat si Napoleon na tumatangay sa Europa ay nagpapalayas sa mga tagapagtaguyod ng dating order, iniwan niya ang mga bagong tagabuo ng bansa sa kanyang bakas na nagtatag ng mga sistemang ligal nang walang kategorya ng sodomya.7

Tunay nga, ang Pransya bilang Sutil na Hari ay walang pagsasaalang-alang sa nasa ng mga kababaihan.

Daniel 11:38

“Kundi bilang kahalili ay pararangalan niya ang dios ng mga katibayan; at isang dios na hindi nakilala ng kaniyang mga magulang ay kaniyang pararangalan ng ginto, at pilak, at ng mga mahalagang bato at ng mga maligayang bagay.”

PARARANGALAN NIYA ANG DIYOS NG MGA KATIBAYAN

Ang pangalan ni Napaleon ay dumating sa buong kasaysayan na kasingkahulugan gaya kina Alexander ang Dakila, Hitler, at iba pang mananakop na gutom sa kapangyarihan. Sa katunayan, ang kanya mismong pangalan ay ginamit na itinalaga ang mga sagupaang pangmilitar kung saan isinangkot niya ang Pransya. “Ang mga Digmaang Napoleoniko ay isang serye ng mga sagupaang nilabanan sa pagitan ng Pransya sa ilalim ng pamumuno ni Napoleon Bonaparte at isang bilang mga Europeong bansa sa pagitan ng mga taong 1799 at 1815.”8

Noong ang isang miron ay nagkomento: “Tayo’y magwawagi dahil ang Diyos ay nasa ating panig,” Tanyag at mapagmataas na ipinahayag ni Napoleon: “Ang Diyos ay nasa –panig ng mga malalaking batalyon.” Ang Pransya, gayong nahulaan, ay pinarangalan ang “Diyos ng mga Katibayan.”

ISANG DIYOS NA HINDI NAKILALA NG KANYANG MGA MAGULANG

Ang Pransya ay tanyag na pinarangalan ang “isang diyos na hindi nakilala ng kaniyang mga magulang.” Ang mga mananalaysay ay napatunayan na ang mga santo ng Simbahang Katoliko ay mga Griyego at mga Romanong diyos lamang, muling pinangalanan ng mga Kristyanong pangalan. “Dahil ang mga inilipat mula sa paganismo ay nag-aatubili na humiwalay sa kanilang ‘mga diyos’- maliban kung maaari silang makahanap ng ilang kasiya-siyang katapat sa Kristyanismo – ang mga diyos at mga diyosa ay muling pinangalanan at tinawag na ‘mga santo’.”9 Ang “mga titulo” na ginamit ng mga pagano ay inilipat sa Kristyanismo. Ang pagpangalan ng “Reyna ng Langit” na malawak na ginamit kay Maria sa katunayan, ay unang ginamit, mas maaga nang ilang siglo para sa masamang reyna, si Semeramus, gayon din sa ibang mga paganong diyosa.

Noong tinanggal ng Pransya ang Romano Katolisismo, hindi lamang nito tinanggihan si Yahuwah, kundi ang mga Katolikong santo/diyos na kilala sa loob ng ilang henerasyon. “Ang mundo sa kauna-unahang pagkakataon ay nakarinig ng isang pagtitipon ng mga tao, isinilang at edukado sa sibilisasyon, at ipinalagay ang karapatan na mamahala ng isa sa pinaka-natatangi sa mga bansang Europeo, itinataas ang kanilang nagkakaisang tinig na tanggihan ang pinakataimtim na patotoo na tinatanggap ng kaluluwa ng tao, at nagkakaisang tigilan ang paniniwala at pagsamba ng isang Diyos.”10

Sa halip, ang Pransya ay nagtaas ng isang diyosa. Isang artista ang dinala sa prusisyon tungo sa Katedral ng Notre-Dame kung saan siya ay kinoronahang Diyosa ng Katuwiran. Ang Notre-Dame mismo ay muling pinangalanan na “Templo sa Diyosang Katuwiran.”11 Sa bawat partikular ng bersong ito, ang Pransya ay tinupad ang paglalarawan ng Sutil na Hari.

PARARANGALAN NG GINTO, AT PILAK,
AT NG MGA MAHALAGANG BATO AT NG MGA MALIGAYANG BAGAY

Si Napoleon, gaya ng bawat kapangyarihang mananakop bago at matapos, ay nagpayaman sa Pransya sa gastos ng mga bansang tinalo niya. Ang Museo ng Louvre sa Paris ay kilala sa buong mundo sa koleksyon ng mga sining at mga pangkulturang artepakto nito. Kasunod ng Rebolusyong Pranses, ang pamahalaan ay isinabansa ang Louvre, isang matandang palasyo, bilang isang lugar para “itipon ang mga monumento sa mga agham at mga sining.” Dalawang taon ang lumipas, ang pamahalaan ay binuksan ang Museong Sentral ng Sining. Ngunit ito’y sa ilalim ni Napoleon na ang Louvre ay dumating tungo rito bilang isang koleksyon ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato at mga maliligayang bagay.

1798-1815: Ang panghinaharap na Napoleon I ay “pinayaman” ang mga koleksyon sa Louvre sa pamamagitan ng mga samsam na nakuha sa panahon ng kanyang pananakop sa ibang bansa, at lalo na mula sa Italya. Ang museo ay muling pinangalanang Musée Napoleon noong 1803 at isang busto ng emperador ang inilagay sa pasukan. Noong 1806, ang mga arkitekto ng Emperador, sina Percier at Fontaine ay nagtayo ng isang maliit na “Arc de Triomphe” sa gitnang pabilyon ng Tuileries sa pagdiriwang ng pangmilitar na pananakop ng Pransya. Ang arko ay unang mayroong apat na antigong tanso na mga kabayo na kinuha mula sa Basilika ni San Marcos sa Italya: ang mga ito’y naibalik sa Italya noong 1815 nang bumagsak ang Unang Imperyo. Sa panahong ito, ang Louvre ay mahalagang pinalawak para isama ang marami ng mga bagwis nito na umiiral pa rin hanggang ngayon, kabilang ang Cour Carré at ang Grande Galerie.12

Ang Rebolusyong Pranses ay halos nagbangkarote sa Pransya. Gayunman, “ang Pambansang Pagtitipon ay ipinag-utos na ang Louvre ay dapat gamitin na isang museo para ipakita ang mga obra maestra ng bansa.”13 Ang kahalagahan nito ay makikita sa katunayan na isa sa mga pangunahing nag-aambag na dahilan ng Rebolusyong Pranses ay ang hinagpis ng Simbahang Katoliko at ang kayamanan nito, na “bumuo ng isang nakikitang paalala ng paghahari ng Simbahan sa lipunang Pranses.”14

Ang oposisyon sa Simbahang Katoliko ay mahalaga sa mga dahilan ng Rebolusyong Pranses, at ang antiklerikong ito ay pinagtibay tungo sa opisyal na polisiya ng pamahalaan noong 1792 matapos ideklara ang Unang Republikang Pranses. Karamihan sa mga dekristyanisasyon ng Pransya ay nag-udyok ng mga pagkabahalang pulitikal at pangkabuhayan, ngunit ang mga pilosopikong alternatibo sa Simbahan ay unti-unti ring umunlad.15

Habang ang mga rebolusyonaryo ay nakakuha ng kapangyarihan, isinabansa nila ang lahat ng mga pag-aari ng Simbahan.

Noong Nobyembre 2, 1789, ang bagong Pambansang Pagtitipon ng Pransya, kilala bilang Constituent Assembly, ay nagpasa ng isang utos na naglagay sa lahat ng mga pag-aari ng Simbahan ‘sa disposisyon ng bansa’. Si Talleyrand, ang obispo ng Autun at isa sa kakaunting kleriko na nagtaguyod ng hakbang, ay nagpaliwanag na ang lahat ng pag-aari ng Simbahan na may karapatang nabibilang sa bansa at pagbalik nito, sa pagtutulungan na dalhin ang isang mas magandang lipunan, ay dapat na ituring bilang isang ‘pangrelihiyong gawa’.16

Ito ay isang ugoy ng pendulum palayo mula sa Kristyanismo na nagsimula ng “de-Kristyanisasyon ng Pransya.” Ang pahampas na ito ay humantong, gaya ng naunang pahayag, sa pagsugpo ng Kristyanismo at ang pagkokorona sa Diyosa ng Katuwiran. Dagdag pa, isang “Kulto ng Katuwiran” ang sandaling itinatag. “Ang layunin nito ay ang pagkasakdal ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakamit ng Katotohanan at Kalayaan, at ang naggagabay na alituntunin ng layuning ito ay ang kasanayan ng pantaong kagawaran ng Katuwiran.”17

Noong ang Louvre ay unang binuksan, ang likhang sining ay mga pangunahing bagay na kinumpiska mula sa Simbahang Katoliko at mga maharlikang pamilya o ninakaw mula sa mga aristokratong pamilya na umalis sa Pransya. Ang mga pananakop ni Napoleon ay nagpayaman sa kaha ng Pransya gayong hinalay niya ang Europeong kontinente ng mga kayamanan nito. Ang museo at mga tuntunin ng Pransya ay isang simbyotikong relasyon, bawat isa’y napapakinabangan ang iba. Ang kayamanan ng mga dating mapang-api ng bansa, ngayon ay nasa harap na ng publiko, na sama-samang “nag-aari” nito, ay nagsasalungguhit sa mapagmataas na paniniwala ng Pransya sa kanyang kataasan sa ilalim ng pamumuno ng Katuwiran, kumpara sa kahirapang pinagtiisan ng mga madla noong pinamunuan ng mga Katolikong monarka.



Louvre. Mula kay King of Hearts – Sariling gawa, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=10714459

Kaya, ang “ginto, pilak, mga mahahalagang bato at mga maliligayang bagay” ay ginamit para itaguyod at palaganapin ang mga Rebolusyonaryong konsepto ng humanismo at ateismo. Ito ay isang propagandang kampanya para kumbinsihin ang populasyon na ang Katuwiran ay nakakataas sa Kristyanong Diyos.

DANIEL 11:39

“At siya'y magbabagsak ng mga matibay na kuta sa tulong ng ibang dios; sinomang kumilala sa kaniya, mananagana sa kaluwalhatian; at pagpupunuin niya sila sa marami, at kaniyang babahagihin ang lupa sa halaga.”

BABAHAGIHIN ANG LUPA SA HALAGA

Ang salitang “at” rito ay nangangahulugan na: “Sa paraang ipinahiwatig.” Kaya ang bersong ito ay ibinuod ang mga gawa ng Sutil na Hari. Ngunit ito’y nagpatuloy na magdagdag ng isa pang kinikilalang katangian: ang Sutil na Hari ay “babahagihin ang lupa sa halaga.” Ito ang eksaktong nangyari sa Pransya. Ang Rebolusyong Pranses ay mayroong mapaminsalang salpok sa ekonomiya. Ang pagpintog ay lubos na tumaas. Ang mga kubyertos ay tinunaw at ginawang mga barya. Isang bilang ng mga panukat ang sinubukan para patatagin ang ekonomiya na may iba’t ibang antas ng tagumpay. Ang bersong ito ay hinulaan sa partikular ang pagbenta ng kinumpiskang lupain:

Ang Kapulungan ay nilayon ang mga polisiyang pang-ekonomiya nito sa pagpapalaya ng kapitalistikong pangangalakal. Sinigurado nito ang kabayaran sa mga ilustradong may-ari ng bono ng mga problema ng pamahalaan at tinustusan ang polisiyang ito sa pagbebenta ng mga lupain, kinumpiska mula sa simbahan at mula sa mga maharlika na tinakasan ang bansa. Ibinenta sa mga ilustradong mananapalaran nang lubos ang bagong pampublikong lupain na ito; kakaunti lamang ang nakamit ng mga pesante.18

Narito, gaya ng bawat ibang partikular ng propesiya, ang Pransya ay napatunayan na Sutil na Hari.

DANIEL 11:40

“At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya [ang Sutil na Hari] ang hari sa timugan; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya [ang Sutil na Hari] na gaya ng isang ipoipo, na may mga karo, at may mga mangangabayo, at may maraming sasakyan; at kaniyang [ang Hari ng Hilagaan] papasukin ang mga lupain, at aabot at lalagpas.”

PAKIKIPAGKAALIT SA SUTIL NA HARI

Ang berso 40 ay ipinapakita ang parehong Hari ng Hilagaan at Hari ng Timugan ay nagsama-sama sa ikatlong manlalaro: ang Sutil na Hari na inilarawan sa mga naunang berso. Kinukumpirma nito ang pagkakakilanlan ng Pransya bilang Sutil na Hari. Ang Hari ng Timugan (Egipto) ay “makikipagkaalit” sa Pransya noong ang namumunong partido ay pinutol ang pangangalakal ng Egipto sa Pransya. Ang mga mananalaysay ay ipinunto ang pagkaputol na ito ng kalakalan bilang isang pangunahing umudyok na dahilan sa likod ng pangmilitar na tugon ng Pransya. “Isa sa mga dahilan ng paglusob ng mga Pranses ay ang aktwal na pagkasira ng kalakalang Pranses sa Egipto ng mga taong 1790s.”19 Sa mismong panahon na nahulaan, noong 1798, nilusob ni Napaleon ang Egipto.

ANG HARI NG HILAGAAN AY TUTUGON GAYA NG IPOIPO

Ang paggamit ng dahas ng Pransya bilang tugon sa “pakikipagkaalit” ng Egipto ay may napakalayong narating, hindi sinasadyang mga kahihinatnan. Ang Egipto sa panahong iyon ay pinamunuan ng mga Mamluks na nagrebelde laban sa pang-aabuso ng Imperyong Ottoman. Ipinalagay ng Pransya na ang Imperyong Ottoman ay hahayaan lang ang presensyang Pranses na naging isang tinik sa panig ng Imperyong Ottoman.

Ang Pransya ay tradisyonal na kaalyado ng Imperyong Ottoman, at kahit na sa sandaling ito ay walang intensyon na sirain ito. Ang plano ng mga Pranses ay umasa nang mabigat sa mga Ottomans na manatili kahit na neutral, kailangan sa kanilang poot sa mga Mamluks ... na nagpalala ng tindi ng kanilang galit sa paglusob ng mga Pranses sa ano pa ring opisyal na probinsya ng Ottoman.20

Ang aksyong militar na ito ng Sutil na Hari/Pransya dahil dito, ay humantong sa Hari ng Hilagaan (ang Imperyong Ottoman) na pumasok sa mga bansa na hinulaan ni Daniel, 2,000 taon ang nakalipas. Sa huli, sa isang kumplikadong tanikala ng mga pangyayari, ito ay responsable rin sa partikular sa Pagpatay sa Lahing Asiryan21 (1915-1918). Kakaunti lamang ang nakakaalam ng kasamaang ito ngayon, ngunit iba’t ibang mga pinagkukunan ay inaangkin mula 275,000 hanggang 750,000 Asiryang Kristyano ang nawalan ng kanilang mga buhay dahil “etnikong paglilinis” ng Imperyong Ottoman. Hindi lamang ito ang nag-iisang pagpatay sa lahi na ginawa ng Imperyong Ottoman. Ang paglusob ng Sutil na Hari sa Egipto ay maaaring itatag bilang panimulang punto para sa mga tensyon na humantong sa parehong Pagpatay sa Lahing Armenian22 (1915-1918) at Pagpatay sa Lahing Griyego23 (1914-1923). Hanggang 3 milyong Kristyano ang namatay sa dalawang kagimbal-gimbal na krimen na ito laban sa sangkatauhan. (Para mabasa ang isang pagpapaliwanag ng mga aksyon ng Hari ng Hilagaan, i-click rito.)

ANG PRANSYA AY ANG SUTIL NA HARI!

Walang pinakamagaang pagdududa na ang Pransya ay naaangkop sa bawat partikular na ibinigay sa propesiya para kilalanin ang Sutil na Hari. Ang banal na pagkaunawa ay ibinigay ang impormasyon kay Daniel para itala at panatilihin ito para sa huling henerasyon.

Ang pagkakaunawang ito ay sukdulan ang kahalagahan sa bawat isang nabubuhay ngayon, dahil ang mga huling berso ng Daniel 11, naunawaan nang tama, ay ipinapakita na ang pagwawakas ng probasyon ay malapit, malapit na malapit na. Malamang, ilang buwan na lang sa mga hinirang, na binigyan ng mas maraming liwanag.

 


Nauugnay na Nilalaman:


1 https://www.mmfase.com/18th-century.html

2 https://www.historytoday.com/gemma-betros/french-revolution-and-catholic-church, binigyang-diin.

3 George B. Andrews, “Making the Revolutionary Calendar,” American Historical Review, 36, (1931), p. 525.

4 https://4angelspublications.com/articles/French_Calendar_Reform.pdf

5 Blackwood’s Magazine, Nobyembre 1870, binigyang-diin.

6 https://en.wikipedia.org/wiki/Jean_Jacques_R%C3%A9gis_de_Cambac%C3%A9r%C3%A8s, binigyang-diin.

7 https://law.jrank.org/pages/1336/Homosexuality-Crime-Modernity.html, binigyang-diin.

8 https://www.historyofwar.org/articles/wars_napoleonic.html

9 Ralph Edward Woodrow, Babylon Mystery Religion: Ancient & Modern.

10 Sir Walter Scott, Life of Napoleon, Vol. 1, p. 124.

11 https://www.napoleon.org/en/magazine/places/cathedral-of-notre-dame-in-paris/

12 https://goparis.about.com/od/parismuseums/a/louvre-museum-history.htm, binigyang-diin.

13 https://en.wikipedia.org/wiki/Louvre

14 https://www.historytoday.com/gemma-betros/french-revolution-and-catholic-church

15 https://en.wikipedia.org/wiki/Cult_of_Reason, binigyang-diin.

16 Ibid.

17 Ibid.

18 https://history-world.org/french_revolution1.htm

19 https://www.historyofwar.org/articles/wars_french_egypt.html

20 https://www.historyofwar.org/articles/wars_french_egypt.html

21 https://i-cias.com/e.o/assyrian_gc.htm

22 https://study.com/academy/lesson/the-1915-armenian-genocide-history-causes.html

23 https://www.causes.com/causes/539208-demand/updates/596106-the-greek-pontian-genocide-by-turks-19-may-1919