Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Sa paghihirap, taimtim na nakiusap si Yahushua kay Yahuwah hanggang sa punto na ang kanyang pawis ay naging gaya ng pagdanak ng dugo. Gayunman, naghandog siya ng isang panalangin ng pagpapasakop:
Hindi nais ni Yahushua na mamatay. Ang kanyang kalooban ay para mabuhay. Ngunit ang kalooban ni Yahuwah ang nanaig.
|
Lucas 22:41-42 At humiwalay siya sa kanila nang di-kalayuan, at doo’y lumuhod at nanalangin. “Ama,” wika niya, “kung mamarapatin mo, alisin mo sa akin ang kopang ito. Gayunpaman, huwag ang aking kalooban kundi ang sa Iyo ang masunod.
Hindi nais ni Yahushua na mamatay. Ang kanyang kalooban ay para mabuhay. Ngunit ang kalooban ni Yahuwah ang nanaig.
Ang salaysay ng Hardin ng Getsemani ay lubos na pamilyar kaya bigo natin na matanto ang mga bunga ng pahayag ni Yahushua. “Huwag ang aking kalooban kundi ang sa Iyo ang masunod” ay nangangahulugan sina Yahushua at Yahuwah ang Ama ay may dalawang magkaibang kalooban. Hayaan itong itanim. Anong nais ni Yahuwah, ayaw ni Yahushua. Ang mga magkasalungat na kalooban na ito ay nagpapakita ng tunay na problema para sa doktrina ng Trinidad. Kung si Yahushua ay si Yahuwah, paano siya may isang kalooban na salungat kay Yahuwah? Sa ibang salita, kung ang Diyos Anak at ang Diyos Ama ay iisa ang esensya, na ipinapahayag ng orthodoxy, paano sila nagkaroon ng magkaibang pagnanais? Kung sila’y tunay na “isa” na iginigiit ng mga Trinitaryan, paano ang kanilang mga kalooban ay hati?
Ang Hardin ng Getsemani ay hindi lamang ang tanging pagkakataon na si Yahushua ay nagpaliban sa kalooban ng Ama. Ang kanilang relasyon ay nailarawan sa patuloy na pagpapasakop ni Yahushua:
Juan 5:30 “Hindi ako gumagawa nang ayon sa aking sariling kapangyarihan. Humahatol ako ayon sa naririnig ko. At ang hatol ko ay makatarungan, sapagkat hindi ko hangad ang sariling kalooban kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
Kung si Yahushua ay Diyos, aasahan natin na ang kanyang kalooban ay magiging pareho sa kalooban ng Diyos na nagsugo sa kanya. Ngunit sa siping ito ay may isang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng dalawa.
Ang mismong misyon ni Yahushua sa buhay ay upang gawin, hindi ang kanyang kalooban, kundi ang kalooban ni Yahuwah.
|
Ang mismong misyon ni Yahushua sa buhay ay upang gawin, hindi ang kanyang kalooban, kundi ang kalooban ni Yahuwah.
Juan 6:37-38 “Ang lahat ng ibinibigay ng Ama sa akin ay lalapit sa akin, at ang lumalapit sa akin ay hinding-hindi ko itataboy. 38 Bumaba ako mula sa langit hindi upang gawin ang nais ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.”
Ang may-akda ng mga Hebreo ay gumagawa ng kaparehong punto: ang Mesias ay pumarito upang gawin ang kalooban ni Yahuwah:1
Hebreo 10:7 “Kaya’t sinabi ko, ‘Masdan mo, O Diyos, ako’y dumating upang gawin ang iyong kalooban, gaya ng sinasaad tungkol sa akin, sa balumbon ng Kasulatan.’”
Ipinapahayag ni Yahushua ang katotohanang ito sa isa pang paraan. Bilang ahente ni Yahuwah, ang pagkain ni Yahushua ay upang gawin ang kalooban ng Ama at para mapatupad ang Kanyang gawa.
Juan 4:31-34 Samantala, pinilit siya ng mga alagad niya at sinabi, “Rabbi, kumain po kayo.” 32 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Mayroon akong pagkaing hindi ninyo alam.” 33 Kaya’t sinabi ng mga alagad sa isa’t isa, “Wala namang nagdala sa kanya ng pagkain, hindi ba?” 34 Sinabi ni Yahushua sa kanila, “Ang pagkain ko’y gawin ang kalooban niya na nagsugo sa akin, at tuparin ang kanyang gawain.”
Pansinin na si Yahushua ay hindi sinasabi na “aming kalooban” o “aming gawa,” na aasahan natin na sasabihin niya kung siya ay isang kasapi ng isang tatluhang Diyos. Tandaan rin na si Yahushua ay hindi ito isinugo ng kanyang sarili kundi ng iba. Kung si Yahushua ay si Yahuwah, hindi ba siya darating sa sarili niyang kasunduan?
Tungkol sa kaligtasan, nagsalita si Yahushua nito sa mga tuntunin ng kalooban ng kanyang Ama:
Juan 6:40 “Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawat tumitingin sa Anak at sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw.”2
Dagdag pa, ang pagpasok tungo sa kaharian ay nagmumula sa pagsunod sa kalooban ng Ama. Walang banggit ng kalooban ni Yahushua o ng Espiritu Santo:
Mateo 7:21 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng ‘Panginoon, Panginoon’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang nagsasagawa ng kagustuhan ng aking Amang nasa langit.”
Tayo’y itinuring na “pamilya” ni Yahushua kung gagawin natin ang kalooban, hindi ng Trinidad, kundi ng Ama.
|
Bilang karagdagan, tayo’y itinuring na “pamilya” ni Yahushua kung gagawin natin ang kalooban, hindi ng Trinidad, kundi ng Ama:
Mateo 12:50 “Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng aking Ama sa langit, siya ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae, at ina.”
Ang kaligtasan ng mga bata ay sinabi na ang kalooban ni Yahuwah ang Ama. Hindi naman sa hindi nais ito ni Yahushua, ngunit ibinibigay niya ang kredito sa Ama sa kagustuhang ito:
Mateo 18:14 “Gayundin naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.”
Maging ang apostol na si Pablo ay binalangkas ang kaligtasan bilang kalooban ni Yahuwah, ang Ama:3
Galacia 1:3-5 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula kay Yahuwah na ating Ama, at mula sa ating Panginoong Kristo Yahushua, 4 siya na ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama ay nag-alay ng kanyang sarili dahil sa ating mga kasalanan upang tayo’y palayain mula sa kasamaang naghahari sa kasalukuyang panahon. 5 Sa Diyos ang kaluwalhatian magpakailanman! Amen.
Ilan ay maaaring magdahilan na ang kalooban ni Yahushua ay naiba mula kay Yahuwah habang siya ay nasa tinatawag na estadong tao, kumikilos sa kanyang pantaong kalikasan. Ang problema sa teoryang ito ay hindi pinatunayan ng Kasulatan. Hindi kailanman sinabi sa atin na si Yahushua ay mayroong dalawang kalikasan o dalawang kalooban. Maging ang isang tanyag na Trinitaryan na tagapagtanggol ay tinatanggap ang puntong ito:
Ang Bibliya ay hindi tahasang ipinapahayag ang katanungan kung si Kristo Yahushua ay mayroong dalawang kalikasan o isa lamang.4
Ang dahilan kaya ang Bibliya ay hindi ipinapahayag ito ay sapagkat ang konsepto ng tinatawag na dalawahang kalikasan ni Yahushua (hipostatik na pag-iisa) ay hindi umunlad hanggang ikaapat na siglo.
|
Ang dahilan kaya ang Bibliya ay hindi ipinapahayag ito ay sapagkat ang konsepto ng tinatawag na dalawahang kalikasan ni Yahushua (hipostatik na pag-iisa) ay hindi umunlad hanggang ikaapat na siglo. Dagdag pa, ito’y hindi ipinahayag na “orthodoxy” ng mga Ama ng Simbahan hanggang ikalimang siglo.5 Ang teorya ay isang resulta ng mga pagsisikap ng mga Ama ng Simbahan na resolbahin ang mga suliranin na lumitaw noong naisip na si Yahushua ay parehong si Yahuwah at isang tao. Mga problema gaya ng: kung si Yahushua ay si Yahuwah, bakit mayroon siyang naiibang kalooban mula kay Yahuwah ang Ama? Paano maaaring mamatay si Yahushua kung si Yahuwah ay imortal? Paano si Yahushua ay si Yahuwah kung hindi niya nalalamang panahon ng kanyang muling pagdating? At iba pa. Ang kanilang solusyon sa palaisipang ito? Si Yahushua ay dapat na may dalawahang kalikasan sa kabila ng katunayan na ang Bibliya ay hindi kailanman itinuturo ito.
Ang mas mabuting kasagutan, at isang Biblikal, kung bakit ang kalooban ni Yahushua ay naiiba mula kay Yahuwah ay dahil si Yahushua ay hindi si Yahuwah. Sa halip, siya ang taong Mesias na isinugo ni Yahuwah upang tubusin ang isang bumagsak na sanlibutan:
Mga Gawa 2:22-24 “Mga lalaking taga-Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Yahushua na taga-Nazaret ay isang [taong] lalaking pinagtibay ni Yahuwah sa inyo sa pamamagitan ng mga himala at mga kamangha-manghang gawa at mga tanda. Ang mga ito ay ginawa ni Yahuwah sa inyong kalagitnaan sa pamamagitan niya, katulad ng inyong pagkaalam. 23 Siya rin na ibinigay ng napagpasiyahang-layunin at kaalamang una ni Yahuwah ay inyong dinakip. Sa pamamagitan ng iyong mga kamay na walang kinikilalang kautusan ni Yahuwah ay ipinako ninyo siya sa krus at pinatay. 24 Siya ang ibinangon ni Yahuwah sa pagkakalag ng matinding hirap ng kamatayan sapagkat hindi siya maaring pigilin ng kamatayan.”
Ito ang patuloy na mensahe sa buong Kasulatan at ipinapakita nito ang kagandahan at himala ng sakripisyo ni Yahushua. Tinanggihan niya ang sarili niyang kalooban at mapagpakumbabang nagpasakop sa kalooban ng kanyang Diyos at Ama. Sa kadahilanang ito, lubusang itinaas siya ni Yahuwah sa Kanyang kanang kamay at ibinigay sa kanya ang pinakamataas na pangalan. Balang-araw, ang bawat tuhod ay luluhod at ipapahayag na si Kristo Yahushua ay Panginoon,6 sa ikaluluwalhati ni Yahuwah ang Ama.7
1 Ang may-akda ng mga Hebreo ay nagsisipi ng Awit 40:6-8.
2 Pinagkalooban ni Yahuwah si Yahushua ng kakayahan na muling bumuhay ng patay – Juan 5:26-27, atbp.
3 Si Yahuwah ay ang Ama: Juan 8:41; 8:54; 1 Cor. 8:6, atbp.
4 “Does Jesus Have Two Natures?” Got Questions.org, nakuha noong 6-27-19
5 Konseho ng Chalcedon, 451 AD.
6 Itinalaga ni Yahuwah si Yahushua na parehong Panginoon at Kristo – Mga Gawa 2:36.
7 Filipos 2:9-11.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/not-my-will-but-yours-be-done/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC