Print

Mateo 24: Dobleng Katuparan Ay Hindi Posible

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Sa isang naunang post, ibinahagi ko ang argumento ni J. Stuart Russell laban sa ikalawang katuparan sa Olibong Diskurso (Mateo 24-25, Marcos 13, at Lucas 21). Nakipagtalo si Russell (bueno, sa aking opinyon) na hindi rin sa mga sariling salita ni Yahushua at hindi rin sa mga salita ng anumang ibang may-akda ng Bagong Tipan ang anumang pagtuturo ay lumilitaw na nagtataguyod ng “isang dalawahang sanggunian sa mga hula ni Yahushua tungkol sa wakas.”

Isang artikulo ang isinulat noong 2004 ni Michael Fenemore ang tumungo sa mas detalyado kung bakit ang ideya ng dobleng katuparan ay hindi gumagana pagdating sa mga tanyag na salita ni Yahushua sa Mateo 24:

Mateo 24: Dobleng Katuparan Ay Hindi Posible

Ilan sa mga tagapagturo ng propesiya, habang kinikilala ang isang katuparan ng Mateo 24 noong unang siglo, humula ng isang panghinaharap na katuparan, ngunit sa panahong ito, may mga pandaigdigang implikasyon… Maaari tayong magtaka kung iyong mga nagtataguyod ng teorya ng dobleng katuparan ay sinubukan ito sa pagbabasa ng teksto maging minsan. Paano ito maaaring matupad nang dalawang beses?

At ang ebanghelyong ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong daigdig bilang patotoo sa lahat ng mga bansa. Pagkatapos ay darating ang wakas (Mateo 24:14).

Ang “dakilang komisyon” ba ay dalawang beses matutupad? “Ang wakas” ba ay dumarating nang dalawang beses? Kung ito nga, ang nauna ay hindi ang wakas.

Ang isang modernong ikalawang katuparan ay madalas ipinakita bilang isang pandaigdigang sakuna, ngunit pansinin ang berso 20: “…ipanalangin ninyo na ang pagtakas ninyo ay hindi matapat sa taglamig o sa araw ng Sabbath.” Anong kaugnayan nito sa kasalukuyan? . . . Noon sa sinaunang panahon, ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem ay isinara sa araw ng Sabbath, para maiwasan ang pagtakas (Nehemias 13:19, 22; Jeremias 17:21, 24). Gayunman, hindi ito isang problema para sa sinuman ngayon. Karamihan sa mga Kristyano ay marahil nabubuhay sa buong buhay nila nang hindi nananalangin na ang kanilang “pagtakas” ay hindi magaganap sa Sabbath. Ang talaan ni Marcos ay nagdagdag nito: “Mag-ingat kayo! Dadalhin kayo sa mga hukuman at hahampasin sa mga sinagoga” (Marcos 13:9). Paano ito matutupad nang pandaigdigan sa ating panahon? Ang kasalukuyang Sanhedrin ay walang hurisdiksyon sa labas ng Israel. Mayroon marahil na kakaunting Kristyano sa buong mundo, kung anuman, na mag-aalala na “hahampasin sa mga sinagoga.”

Magkakaroon ba ng dalawang “matinding” kapighatian? “Sapagkat sa panahong iyon ay magkakaroon ng matinding kapighatiang hindi pa nangyari mula sa pasimula ng sanlibutan hanggang ngayon, at hindi na kailanman mangyayari pa” (Mateo 24:21). Sapagkat ang paghihirap na ito ay “hindi na kailanman mangyayari pa,” paano ito maaaring matupad nang dalawang beses? Ang ilan ay maaaring magprotesta na ang ganoong wika ay hayperboliko; hindi nito nilayon na kunin nang literal. Malamang totoo iyon. Ngunit pagkatapos, ang kaparehong mga tao ay dapat na maunawaan na ang nalalabi ng Mateo 24 ay puspos ng kaparehong hayperbolikong istilo ng Lumang Tipan. Hindi na sila dapat mangailangan ng ikalawang katuparan dahil ang ilan sa mga kaganapan ay hindi naganap nang tumpakan gayong inilarawan ni Yahushua ang mga ito.

Hindi kailanman sinabi ni Yahushua na ang Mateo 24 ay matutupad nang dalawang beses, at walang tuntunin saanman sa Bibliya na nagsasabi na ang propesiya ay dapat na ipaliwanag sa paraang ito. Ang dobleng katuparan na konsepto ay isa lamang hindi mapapanatiling katha sa desperasyon. Ito marahil ay itinuring na kinakailangan dahil ang mga tagasunod nito ay inaasahan ang literal na katuparan ng mga lubhang matalinghaga, kosmikong prediksyon sa Mateo 24 at iba pa, na hindi naganap (at hindi kailanman). Sa ilang kaso, makikita natin ang uri at anti-tipiko sa kasulatan. Halimbawa, ang Israelitang pagsamba sa ilalim ng Lumang Tipan ay isang uri o “anino” ng mga bagay na darating sa ilalim ng Bagong Tipan (Colosas 2:16-17). Gayunman, ang Bagong Tipan ay hindi lumilikha ng mas marami pang anino para sa mas dakilang katuparan sa huli. Narito ang isa pang halimbawa ng biblikal na tipolohiya:

Ang Sodoma, Egipto, at Babilonya ay marahil ang tatlong pinaka kapoot-poot na mga pangalan ng lugar mula sa nakaraan ng Israel. Hanggang sa panahong ito, ang Sodoma ay sumisimbulo sa sekswal na kabuktutan (sodomiya). Ang Egipto at Babilonya ay kumakatawan sa kasalanan at pagkabilanggo. Gayunman, sa unang siglo, ang mga kasalanan ng bayan ni Yahuwah, ang mga Hudyo, ay naging lubos na nakapanlulumo kaya sa Pahayag, tinawag niya ang Jerusalem sa lahat ng tatlong pangalan: “…malaking lungsod, na sa pananalitang espirituwal ay Sodoma at Egipto, kung saan ang kanilang Panginoon ay ipinako sa krus” (Pahayag 11:8); “TANYAG NA BABILONYA, INA NG MAHAHALAY NA BABAE AT NG MGA KALASWAAN NG DAIGDIG” (Pahayag 17:5). Tingnan ang Isaias 1:21. Posible ito, kung hindi marahil, nilayon ni Yahushua na kunin ang pagtutulad sa Babilonya noong inilarawan niya ang pagkawasak ng Jerusalem sa Mateo 24:

magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag (Mateo 24:29)

Ang kaparehong proklamasyon ay ginawa laban sa Babilonya ng Lumang Tipan:

Ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag. (Isaias 13:10)

Ang Jerusalem ay naging anti-tipiko ng Babilonya. Ang pagkawasak ng Jerusalem ay naging anti-tipiko ng pagkawasak ng Babilonya.

Natupad ang lahat ng ito. Wala nang ikatlong katuparan. Ang pagkawasak sa Mateo 24 ay hindi isang uri ng isang bagay sa hinaharap; ito’y anti-tipiko ng isang bagay mula sa nakaraan. Ang Bagong Tipan ay hindi lumilikha ng mga bagong uri na nangangailangan ng mga panghinaharap na anti-tipiko. Ilan ay maaaring isaalang-alang ang mga tipiko at mga anti-tipiko na dobleng katuparan. Patuloy, kung ang isang tuntunin ng dobleng katuparan ay dapat na iangkop sa lahat ng mga biblikal na prediksyon nang walang pagbubukod, dapat ay mayroon tayong aasahan na dalawang Mesias, dalawang pagpako sa krus, dalawang paghuhukom, dalawang kaharian, atbp. Ito’y nagiging katawa-tawa.

Kasagutan: Iyong mga nagtataguyod ng batas ng dalawang sanggunian ay hindi maaaring maipapakita kung saan ang “kautusan” na ito ay nabanggit sa Bibliya. Ito ay isang kautusan dahil sinasabi nila na ito ay batas, hindi dahil ng anumang biblikal na direktiba.

Maraming maimpluwensyang tagapagturo ng Bibliya ay naglaan ng kaunting oras sa pagsusuri ng dobleng katuparan na ideya bago ito ituro sa mga Kristyano. Nakagawian nilang hinuhulaan ang mga kaganapan na natupad na sa matagal na nakalipas. Halimbawa, ilan sa mga propesiya ay nangailangan ng isang Imperyong Romano, ngunit dahil ito’y hindi na umiiral — at tumatagal na sa loob ng mahigit 1,500 taon — nahulaan nila ang “muling binuhay” na isa. Gayunman, kung isusuko nila ang kanilang pangangailangan ng literal na katuparan (mga bituing bumagsak mula sa langit, atbp.) at ganap na tanggapin ang una at mga tanging katuparan ng mga propesiya ng Bagong Tipan, wala nang pangangailangan para sa anumang marupok na mga teorya ng dobleng katuparan, at ang mga mapagkakatiwalaang Kristyano ay maaaring maging ligtas mula sa napakaraming walang saysay na spekulasyon.

Pagsalungat

Pagsalungat: Si Pastor John Hagee ay sinasabi na ang dobleng katuparan na modelo ay dapat na ipaliwanag ang propesiya dahil sa “batas ng dobleng sanggunian” (John Hagee, From Daniel To Doomsday [Nashville: Thomas Nelson, Inc, 1999], 181).

Kasagutan: Iyong mga nagtataguyod ng batas ng dalawang sanggunian ay hindi maaaring maipapakita kung saan ang “kautusan” na ito ay nabanggit sa Bibliya. Ito ay isang kautusan dahil sinasabi nila na ito ay batas, hindi dahil ng anumang biblikal na direktiba.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Adam Maarschalk.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC