Print

Sambahin Ang Ama

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

sambahin-ang-ama

Ang modernong orthodoxy ay iginigiit na si Yahushua ay dapat na sambahin bilang Diyos. Isang kabiguan na gawin ito ay awtomatikong diskwalipikado sa iyo mula sa pagiging isang Kristyano, sinasabi ng pangunahing Kristyanismo. Isang ebanghelista ay kamakailan lang ipinaliwanag ang madalas ulit-ulitin na mantra:

Ngunit kung ang mga tao ay nakakaligtaan ang realidad na . . . [si Yahushua] ay higit pa sa isang propeta—na siya ay aktwal na bahagi ng Trinidad, at dahil dito’y Diyos—pagkatapos sila’y hindi mga tunay na Kristyano. Hindi mo maaaring sabihin na ika’y isang Kristyano at hindi sumasamba sa Diyos. Hindi ito gumagana sa paraang iyon.1

Hindi tayo kailanman sinabihan na dapat nating sambahin si Yahushua bilang Diyos o iyong kabiguan na gawin ay magreresulta sa walang hanggang kapahamakan. Sa halip, ang doktrina, na unang isinaayos sa Kredong Athanasian, ay tumagal ng ilang daang taon ang pag-unlad matapos ang pag-akyat ni Yahushua.

Habang marami ang sumasang-ayon sa pagtatasa ng ebanghelista na ito, ang Bibliya ay hindi. Karamihan sa mga Kristyano ay hindi nalalaman na itong tinatawag na hindi mapag-uusapan na pangunahing kailangan para sa pagiging Kristyano, mismo para sa kaligtasan, ay hindi lumilitaw sa Kasulatan. Hindi tayo kailanman sinabihan na dapat nating sambahin si Yahushua bilang Diyos o iyong kabiguan na gawin ay magreresulta sa walang hanggang kapahamakan. Sa halip, ang doktrina, na unang isinaayos sa Kredong Athanasian, ay tumagal ng ilang daang taon ang pag-unlad matapos ang pag-akyat ni Yahushua. Sa halip na tumingin sa mga matapos ang Biblikal na pinagkukunan para sa pagtuturo tungkol sa pagsamba sa Diyos, dapat tayong tumingin sa Kasulatan. Mabuti na lang, naipahayag ni Yahushua ang isang pagtuturo sa ebanghelyo ni Juan na nagtitiyak nang tumpakan kung sino ang sasambahin natin bilang Diyos.

Sino Ang Sinasabi Ni Yahushua Na Dapat Makatanggap Ng Pagsamba Sa Diyos?

Noong si Yahushua at kanyang mga alagad ay nasa landas patungo sa Galilee, dumaan sila sa Samaria at tumigil sa labas ng siyudad ng Sicar. Nagpahinga si Yahushua sa tabi ng balon ni Jacob habang ang kanyang mga alagad ay tumungo sa siyudad upang bumili ng pagkain. Noong ang isang babae ay dumating sa balon upang kumuha ng tubig, sinabi ni Yahushua sa kanya, “Pahingi nga ng inumin.”

Juan 4:9-15 Sinabi ng Samaritana sa kanya, “Ikaw ay isang Hudyo, bakit ka humihingi ng tubig sa akin na isang Samaritana?” (Dahil ang mga Hudyo ay hindi nakikitungo sa mga Samaritano.) 10 Sumagot si Yahushua sa kanya, “Kung alam mo lamang ang kaloob ni Yahuwah at kung sino itong nagsasabi sa iyo, ‘Pahingi ng inumin,’ ikaw pa ang hihingi sa kanya, at bibigyan ka niya ng tubig ng buhay.” 11 Sinabi ng babae sa kanya, “Ginoo, wala kang pansalok ng tubig, at malalim ang balon; saan ka kukuha ng tubig ng buhay? 12 Mas dakila ka pa ba kaysa ama naming si Jacob na nagbigay ng balon sa amin, at siya mismo’y uminom mula rito, pati na rin ang kanyang mga anak at mga hayop?” 13 Sumagot si Yahushua sa kanya, “Ang sinumang uminom sa tubig na ito’y muling mauuhaw, 14 subalit, ang iinom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na kailanman mauuhaw. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging bukal ng tubig sa kanya patungo sa buhay na walang hanggan.” 15 Sinabi ng babae sa kanya, “Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito nang hindi na ako mauhaw at hindi na rin pumarito para mag-igib.”

Pagkatapos ay sanay na ipinakita ni Yahushua ang pangangailangan ng babae para sa nabubuhay na tubig:

Juan 4:16-18 Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Humayo ka at tawagin mo ang iyong asawa at bumalik ka rito.” 17 Sumagot ang babae, “Wala akong asawa.” Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Tama ka sa iyong sinabing wala kang asawa, 18 dahil nagkaroon ka na ng limang asawa, at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Totoo nga ang sinabi mo.”

Tumugon ang babae sa kanyang sariling rebelayon tungkol kay Yahushua at isang komento tungkol sa pagsamba:

Juan 4:19-22 Sinabi ng babae sa kanya, “Ginoo, sa tingin ko’y isa kang propeta. 20 Sumamba sa bundok na ito ang aming mga ninuno; ngunit kayong mga Hudyo’y nagsasabing sa Jerusalem dapat sumamba.” 21 Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Ginang, maniwala ka sa akin, na darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama hindi sa bundok na ito, ni sa Jerusalem. 22 Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nakikilala; kilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay mula sa mga Hudyo.

Hindi lamang si Yahushua ay isang propeta, siya ang propeta na ipinangako ni Yahuwah kay Moises na isusugo.

Tama ang babae. Hindi lamang si Yahushua ay isang propeta, siya ang propeta na ipinangako ni Yahuwah kay Moises na isusugo. At buhat nang ang Hudyong propeta ay nagagawang ipakita ang mga nakatagong bagay, pinalaki niya ang tunggalian na umiral sa pagitan ng mga Samaritano at mga Hudyo tungkol sa anong templo ang pinabanal ni Yahuwah para sa pagsamba. Bilang isang monoteistikong Samaritano, naniwala siya na sinamba si Yahuwah sa Bundok Gerizim, kabaligtaran sa mga Hudyo, na sinamba si Yahuwah sa Bundok Sion sa Jerusalem. Bilang bahagi ng kanyang tugon sa komento ng babae tungkol sa saan sila sumasamba, tiniyak ni Yahushua kung sino ang sinasamba. Ito ang aspeto ng pagtuturo ng Yahushua na madalas nakakaligtaan ng mga Trinitaryan:

Juan 4:23-24 “Ngunit ang oras ay dumarating, at ngayon na nga, kung saan ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat ganito ang hinahanap ng Ama na sasamba sa Kanya. 24 “Si Yahuwah ay espiritu, at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.”

Pansinin na ginamit ni Yahushua ang mga terminong Ama at Yahuwah nang salitan, isang bagay na kinumpirma sa pamamagitan ng paggamit ng isahang panlalaking panghalip. Ayon kay Yahushua, si Yahuwah ang Ama na sasambahin. Walang banggit si Yahushua ng Anak o ng Espiritu Santo na karapat-dapat ng pagtanggap ng pagsamba sa Diyos. Sa halip, ang diin ay nasa Ama lamang bilang Diyos na dapat sambahin sa espiritu at katotohanan.

At bukod pa rito, ipinunto ni Yahushua na ang Ama ay naghahangad ng mga tunay na mananamba. Muli, walang banggit si Yahushua na siya o ang Espiritu Santo ay naghahangad ng mga mananamba. Kabaligtaran, ang Ama ay ang tanging katauhan sa kategorya ng “Diyos.” Siya lamang ang sinasamba at ang nag-iisa na naghahangad ng mga mananamba.

Si Yahushua Ay Ang Mesias

Sa halip na pagiging Yahuwah, malinaw na tinutukoy ni Yahushua ang sarili niya bilang ang ipinangakong Mesias, iyon ay, ang Kristo:

Juan 4:25-26 Sinabi ng babae sa kanya, “Alam kong darating ang Mesias, siya na tinatawag na Kristo; sa pagdating niya, ipaliliwanag niya sa amin ang lahat ng bagay.” 26 Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Ako mismong nagsasalita sa iyo ang tinutukoy mo.”

At noong ang babae ay bumalik sa siyudad upang iulat ang nakatagpo niya sa balon, naunawaan rin nila si Yahushua na ang Kristo.

At noong ang babae ay bumalik sa siyudad upang iulat ang nakatagpo niya sa balon, naunawaan rin nila si Yahushua na ang Kristo:

Juan 4:28-30 at 39-42 Pagkatapos ay iniwan ng babae ang kanyang sisidlan ng tubig at umalis papuntang lungsod, at sinabi niya sa mga tao, 29 “Halikayo, tingnan ninyo ang taong nagsabi sa akin ng lahat ng ginawa ko. Siya na nga kaya ang Kristo?” 30 Kaya’t sila’y lumabas ng lungsod at nagpunta kay Yahushua. 39 Maraming taga-Samaria mula sa lungsod na iyon ang sumampalataya kay Yahushua dahil sa patotoong ito ng babae: “Sinabi niya ang lahat ng ginawa ko.” 40 Kaya noong pumunta sa kanya ang mga taga-Samaria, hiniling nila kay Yahushua na manatili sa kanila. Dalawang araw siyang nanatili roon. 41 At marami pa ang sumampalataya dahil sa salita ni Yahushua. 42 Sinabi nila sa babae, “Hindi na dahil sa mga salita mo kung bakit kami sumasampalataya, sapagkat kami mismo ang nakarinig sa kanya. Nalalaman naming siya nga ang Tagapagligtas ng sanlibutan.”

Ano ang pinaniwalaan ng napakaraming mamamayan ng Sicar tungkol kay Yahushua? Na dapat siyang sambahin bilang Diyos kung nais nilang maging mga Kristyano? Hindi! Sila’y sumampalataya sa anong sinabi ni Yahushua tungkol sa kanyang sarili, na siya ang Kristo. Naunawaan nila na siya ang isang isinugo na maging Tagapagligtas ng sanlibutan.2

Ang Ama Ay Ang Tanging Tunay Na Diyos

Huli, sa kaparehong ebanghelyo, pinagtibay ni Yahushua ang mga patotoo na ibinahagi niya sa babae sa tabi ng balon.

Juan 17:1-3 Matapos sabihin ni Yahushua ang mga ito, tumingala siya sa langit at sinabi, “Ama, dumating na ang oras, luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang luwalhatiin ka ng Anak, 2 kung paanong binigyan mo siya ng kapangyarihan sa lahat ng tao, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kanya. 3 At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.

Sinabi ni Yahushua na ang Ama ay ang tanging tunay na Diyos, habang siya ang Kristo, ang isa na isinugo ng tanging tunay na Diyos. Ito lamang na tanging tunay na Diyos ay ang Diyos na sinabi ni Yahushua na sasambahin sa espiritu at katotohanan. Tiyakan, ang patotoo ni Yahushua ay nagdadala ng mas maraming kapangyarihan kaysa sa mga kredo na tumagal ng apat na siglo upang umunlad!

Ang Tubig Ng Walang Hanggang Buhay

Mababasa rin natin sa mga sipi sa Juan 17 na ibinigay ni Yahuwah kay Yahushua ang kapangyarihan upang iabot ang walang hanggang buhay sa lahat na ibinigay sa kanya ng Ama. Ang kapangyarihang ito ay hindi likas na nabibilang kay Yahushua; sa halip, ito’y itinalaga sa kanya ni Yahuwah. Hindi nakapagtataka na sinabi ni Yahushua sa babae sa tabi ng balon na ipagkakaloob sa kanya ang tubig mula sa balon ng walang hanggang buhay kung makiusap siya. Ayon kay Yahushua, ang kaloob ng walang hanggang buhay ay nagmumula kay Yahuwah, ang Ama, sa pamamagitan ng Kanyang tagapamagitan, ang Mesias, para sa lahat ng sumasampalataya.

Ayon kay Yahushua, ang kaloob ng walang hanggang buhay ay nagmumula kay Yahuwah, ang Ama, sa pamamagitan ng Kanyang tagapamagitan, ang Mesias, para sa lahat ng sumasampalataya.

Kung si Yahushua ay Diyos, ang kanyang kabiguan na isama ang kanyang sarili at ang Espiritu sa kanyang tugon tungkol sa tunay na pagsamba ay nakaliligaw, kung hindi isang tahasang kasinungalingan. Subalit si Yahushua ay walang kasalanan, kaya nalalaman natin na hindi siya nagbigay ng maling impormasyon, nagligaw, nandaya, o nagsinungaling sa babae. Hindi isinama ni Yahushua ang sarili niya bilang isa na dapat makatanggap ng pagsamba sa Diyos dahil siya ay hindi Diyos, kundi ang taong Mesias na isinugo ni Yahuwah.

Ang pagtuturo ni Yahushua sa kabanata 4 ng Juan at ang kanyang panalangin sa Juan 17 ay pinarupok ang modernong orthodoxy na naggigiit na si Yahushua ay dapat sambahin bilang Yahuwah at kailangan mong maniwala sa Trinidad upang ituring na isang tagasunod ni Kristo at kaya makakamit ang walang hanggang buhay. Tunay nga, sapagkat sinabi ni Yahushua, ang oras ay dumating na para sa atin upang sambahin ang Ama:

Juan 4:23-24 “Ngunit ang oras ay dumarating, at ngayon na nga, kung saan ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat ganito ang hinahanap ng Ama na sasamba sa Kanya. 24Si Yahuwah ay espiritu, at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.”


1 Si Kendra Semmen ay sinisipi si Chris Mikkelson, Evangelist: You Can’t Say You’re Christian if You Don’t Worship Yahushua, Charisma News, 12-13-19, nakuha noong 5-13-21, https://www.charismanews.com/culture/79193-evangelist-you-can-t-say-you-re-christian-if-you-don-t-worship-Yahushua

2 Isaias 49:6; Mateo 1:21; Lucas 2:11; Juan 1:29; Mga Gawa 5:31; 13:23, etc.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/worship-the-father/

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC