Print

Ang Abo ni Servetus ay Sumisigaw Laban Kay John Calvin

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Ang Abo ni Servetus Ay Sumisigaw Laban Kay John Calvin

Ang artikulong ito ay nakikitungo sa isang hindi gaanong nalalaman ngunit napakahalagang bahagi sa kasaysayan ng simbahan mula sa panahon ng Repormasyon. Ang impormasyong ito ay lubos na itinago mula sa publiko sa ating panahon kaya kakaunting tao lamang ang nakakaalam ng mga nakakagulantang na mga katunayang ito. Kailangang patunugin ang mga pito. Ihanda ang iyong sarili para sa isang sindak.

Noong Oktubre 27, 1553, si John Calvin, ang tagapagtatag ng Calvinismo, ay dinakip si Michael Servetus, isang Kastilang doktor, sinunog sa istaka sa labas ng Geneva para sa kanyang mga doktrinal na ereheyo.1 Si John Calvin, ang pinagmulan ng sikat na doktrina na “minsang ligtas, palaging ligtas” (nalalaman sa ilang kabilugan bilang “ang pagpapakasakit ng mga hinirang”) ay nilabag ang sigaw ng Repormasyon — “sola Scriptura” — sa pagpatay sa isang doktrinal na “erehe” nang walang maka-Kasulatang pagkamakatarungan. Ang pagpatay kay Servetus ay isang bagay na matagal nang pinagplanuhan ni Calvin bago pa mahuli si Servetus. Isinulat ni Calvin sa kanyang kaibigan na si Farel noong Pebrero 13, 1546 (pitong taon bago ang pagkakadakip kay Servetus). Tumungo siya sa talaan at sinabing: “Kung siya [Servetus] ay tumungo ng Geneva, hindi ko siya hahayaang makalabas nang buhay kung ang aking kapangyarihan ay may bigat.”2 Maliwanag, sa araw na iyon, ang kapangyarihan ni Calvin sa Geneva, Switzerland ay sukdulan ang “bigat.” Ito ay kung bakit tinukoy ng ilan ang Geneva bilang “Roma ng Protestantismo”3 at kay Calvin bilang Protestanteng “Santo Papa ng Geneva.”4

Sa panahon ng paglilitis kay Servetus, isinulat ni Calvin: “Umaasa ako na ang hatol ay bitay.”5 Lahat ng ito’y ipinapahayag ang panig ni John Calvin na hindi kilala at para bagang kawili-wili, upang sabihin nang maikli! Syempre, mayroon siyang pinahaba, handang pumatay na poot sa kanyang puso at kusang-loob na lalabagin ang Kasulatan upang ilagay ang iba sa kamatayan at sa isang pinakamabagsik na paraan. Bagama’t pumayag si Calvin sa pakiusap ni Servetus na pugutan [naisip na mas mabuti kaysa sunugin nang buhay], sumang-ayon siya sa paraan ng pagbitay. Ngunit bakit si Calvin ay may hiling na kamatayan kay Servetus? “Upang sagipin si Servetus mula sa kanyang mga ereheyo, tumugon si Calvin sa pinakabagong edisyon ng kanyang Institutes of the Christian Religion, na agad binalik nang may mapanlait na komento sa gilid. Sa kabila ng mga panawagan ni Servetus, si Calvin, na nagpaunlad ng isang matinding kapootan kay Servetus sa panahon ng kanilang lihaman, ay tumangging ibalik ang anuman sa mga nakakainsultong materyal.”6

“Nahatulan ng erehya ng mga Katolikong awtoridad, natakasan ni Servetus ang kamatayan sa isang pagtakas mula sa bilangguan. Patungong Italya, hindi mawaring tumigil si Servetus sa Geneva, kung saan siya tinuligsa ni Calvin at mga Repormista. Dinakip siya sa araw matapos ang kanyang pagdating, hinatulan bilang isang erehe noong tumanggi siyang bawiin ang ipinahayag, at sinunog nang buhay noong 1553 nang may walang imik na pagpapatibay ni Calvin.”7

“Sa kurso ng kanyang pagtakas mula sa Vienne, tumigil si Servetus sa Geneva at gumawa ng pagkakamali sa pagdalo sa isang sermon ni Calvin. Nakilala siya at inaresto matapos ang paglilingkod.”8 “Ipinaaresto siya [si Servetus] ni Calvin bilang isang erehe, hinatulan at sinunog hanggang mamatay.”9

Mula sa panahon na ipinadakip siya ni Calvin noong Agosto 14th hanggang sa paghatol sa kanya, nilaan ni Servetus ang kanyang mga nalalabing araw “sa isang mabangis na piitan nang walang liwanag o init, kakaunting pagkain, at walang pasilidad ng kalinisan.”10

Tandaan na ang mga responsable sa pagsunog kay Servetus sa Geneva ay naglagay ng kalahating-berdeng kahoy sa paligid ng mga paa ng biktima at isang korona na kinalatan ng asupre sa kanyang ulo. Tumagal ng mahigit 30 minuto para mailarawan siyang wala nang buhay sa ganoong siklab ng apoy, habang ang mga tao sa Geneva na nakatayo sa paligid upang panoorin siyang nagdurusa at dahan-dahang namamatay! Bago ito nangyari, ang talaan ay nagpapakita ng mga sumusunod:

“Naglakad si Farel malapit sa pinaparusahang tao, at patuloy sa isang walang humpay na pananalita, sa ganap na walang pakiramdam sa anong maaaring nararamdaman ni Servetus. Tanging nasa isipan niya ay kikilan mula sa bilanggo ang isang pagkilala ng kanyang teolohikong kamalian — isang nakagugulantang na halimbawa ng walang kaluluwang lunas sa kaluluwa. Matapos ang ilang minuto nito, tumigil na si Servetus na gumawa ng anumang tugon at tahimik na nanalangin para sa kanyang sarili. Noong sila’y dumating sa lugar ng pagbibitay, inanunsyo ni Farel sa nanonood na madla: ‘Ngayo’y nakikita ninyo kung ano ang kapangyarihang taglay ni Satanas kapag may isang tao na nasa ilalim ng kapangyarihan niya. Ang taong ito ay isang iskolar ng karangalan, at siya malamang ay kumikilos nang tama. Ngunit ngayo’y ganap nang siyang taglay ni Satanas, ika’y maaaring ariin din niya, ika’y mahuhulog sa kanyang mga patibong.’ [Mabuting sinabi ni Yahushua, “Dumarating na nga ang oras na ang mga papatay sa inyo ay mag-iisip na ginagawa nila ito bilang paglilingkod kay Yahuwah.”]

sinunog nang buhay si michael servetus sa istaka“Noong ang berdugo ay sinumulan na ang kanyang gawa, bumulong si Servetus nang may nanginginig na tinig: ‘O Yahuwah, O Yahuwah!’ Ang naabalang Farel ay biglang pumutok sa kanya: ‘Wala ka na bang ibang sasabihin?’ Sa sandaling ito, tumugon si Servetus: ‘Ano pa bang gagawin ko, kundi magsalita kay Yahuwah!’ Pagkatapos siya’y binuhat sa silab at nakagapos sa istaka. Isang korona na kinalatan ng asupre ay inilagay sa kanyang ulo. Nang lumiyab ang pangningas, isang malagos na sigaw ng katakutan ang sumiklab mula sa kanya. ‘Awa, awa!’ sigaw niya. Sa loob ng mahigit kalahating oras, ang kagimbal-gimbal na paghihingalo ay nagpatuloy, sapagkat ang silab ay gawa sa kahalating berdeng kahoy, na dahan-dahang nasusunog. ‘Yahushua, Anak ng Walang Hanggang Yahuwah, maawa ka sa akin,’ ang pinahirapang tao ay sumigaw sa gitna ng apoy.”11

Bagama’t tayo ay may kaparehong sigaw mula sa binago, nagsisising magnanakaw sa krus (Lucas 23:42-43, Lucas 18:13) at sinasabi ng Kasulatan, “Sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas” (Mga Gawa 2:21; Roma 10:13), patuloy pa ring ipinalagay ni Farel si Servetus na isang taong napahamak sa katapusan ng kanyang buhay: “Naitala ni Farel na si Servetus ay maaaring naligtas sa pagpalit ng posisyon ng pang-uri at inaamin si Kristo bilang Walang Hanggang Anak sa halip na Anak ng Walang Hanggang Yahuwah.”12

“Kaya ipinapatay ni Calvin ang kanyang kaaway, at wala nang maipapahiwatig na siya ay nagsisi sa kanyang krimen. Ang sumunod na taon ay naglathala siya ng isang pagtanggol kung saan ang mga karagdagang insulto ay ibinunton sa kanyang mga dating kaaway sa pinakamapaghiganti at walang pasubaling wika.”13

Gaya ng pagsunog ng mga Katoliko kay John Hus14 sa istaka dahil sa doktrina, si John Calvin, ang Protestante, gayundin ay ipinasunog si Michael Servetus sa istaka. Ngunit doktrina lang ba ang isyu? Mayroon pa bang ibang dahilan, isang pulitikal na dahilan?

“Bilang isang ‘sutil na erehe,’ ang lahat ng kanyang pag-aari ay kinumpiska nang walang linggal. Masama ang trato sa kanya sa piitan. Maliwanag, dahil dito, na si Servetus ay walang pakundangan at mapanlait sa kanyang paghaharap kay Calvin. Sa kasamaang-palad sa kanya, sa panahong ito na lumalaban si Calvin upang mapanatili ang kanyang humihinang kapangyarihan sa Geneva. Ang mga kalaban ni Calvin ay ginamit si Servetus bilang isang dahilan para sa pag-atake ng teokratikong pamahalaan ng mga repormador ng Geneva. Ito’y naging isang bagay ng prestihiyo — ang palaging masakit na punto para sa anumang rehimeng diktatoryal — sapagkat si Calvin ay iginiit ang kanyang kapangyarihan sa kaparaanang ito. Siya ay napilitang itulak ang kaparusahan ni Servetus sa lahat ng paraan sa kanyang kautusan.”15

Sapat nang mapanuya, ang pagbitay kay Servetus ay hindi talaga pinalakas ang kapangyarihan ng Repormasyon sa Geneva. Bagkos, dahil ipinahiwatig ni Fritz Barth, ito’y ‘lubhang nakompromiso ang Calvinismo at inilagay sa mga kamay ng mga Katoliko, sa mga taong ito nais ipakita ni Calvin ang kanyang Kristyanong paniniwala, ang mismong pinakamahusay na sandata para sa persekusyon ng mga Huguenots, na walang iba kundi mga erehe sa kanilang mga mata.’ Ang pamamaraan laban kay Servetus ay nagsilbing modelo ng isang Protestanteng paglilitis laban sa isang erehe…Ito’y walang pinagkaiba mula sa mga pamamaraan ng medyebal na Ingkisisyon…Ang matagumpay na Repormasyon din, ay walang kakayahan na labanan ang mga tukso ng kapangyarihan.”16

Posible ba para sa isang tao gaya ni John Calvin na maging isang “dakilang teologo” at sa kaparehong panahon ay kumikilos sa kasisi-sising paraan na ito at matapos nito ay magpapakita ng walang pagsisisi? Minamahal na mambabasa, may puso ka ba na maaari, gaya ni John Calvin, magsunog ng ibang tao sa istaka? Umaayon ka ba sa brutal na pagpatay na ito?

tutang Golden RetrieverIlarawan natin ito sa ibang paraan. Kunwari, isang tao mula sa iyong kongregasyon na may reputasyon sa pagiging isang espiritwal na lider na nahuli ang aso ng iyong kapitbahay, ikinadena sa isang istaka, pagkatapos ay gumamit ng isang maliit na dami ng berdeng pampasindi upang dahan-dahang sunugin ang aso sa kamatayan. Ano ang maiisip mo sa ganoong tao, lalo na kung matapos niyang gawin iyon ay walang maipakitang pagsisisi? Nais mo ba siya na magpaliwanag ng Bibliya para sa iyo? Mas malala para kay John Calvin, isang tao, hindi tulad sa isang aso, ay nilikha sa larawan ni Yahuwah! Gustuhin mo man o hindi, maaari lamang natin pagtibayin mula sa ebidensyang ito na ang puso ni John Calvin ay pinadilim, at hindi napaliwanagan, bilang isang resulta ng kanyang nakamamatay na poot kay Servetus. Sa kabutihang-palad, si Calvin ay espiritwal na bulag sa poot na ito at dahil dito, espiritwal na nahadlangan mula sa tamang pagpapaliwanag ng salita ng patotoo.17 Sa kasamaang-palad, na napakalinaw na kaso, mismong si John Calvin ay napahamak, ayon sa Kasulatan:

“Ngunit para sa mga duwag, sa mga hindi sumasampalataya, sa mga karumal-dumal, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa mga sinungaling, ang kalalagyan nila ay sa lawa na nagliliyab sa apoy at asupre; ito ang ikalawang kamatayan” (Pahayag 21:8).

“Sa pamamagitan nito, natitiyak nating kilala natin siya, kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang sinumang nagsasabing, ‘Kilala ko si Yahuwah,’ subalit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay isang sinungaling; wala sa taong iyon ang katotohanan” (1 Juan 2:3-4).

“At alam ninyo na walang mamamatay-tao ang may [nananatili, nagpapatuloy na] buhay na walang hanggan” (1 Juan 3:15).

Ang Griyego ay nagdagdag ng isang mahalagang salita sa 1 Juan 3:15 na minsang tinatanggal sa mga pagsasalin sa Ingles. Ang salitang iyon ay “nagpapatuloy” o “nananatili” at ipinapahayag na ang mga mamamatay-tao ay walang buhay na walang hanggan na nagpapatuloy sa kanila.

Minamahal na mambabasa, sapagkat ang mga mamamatay-tao ay hindi ligtas at si John Calvin ay isang mamamatay-tao, dahil dito, si Calvin ay hindi ligtas! Dagdag pa, dahil ang mga napahamak ay pinadilim sa kanilang espiritwal na pagkakaunawa (Efeso 4:18) at si Calvin ay napahamak batay sa Kasulatan, dahil ba dito’y si Calvin ay pinadilim sa kanyang espiritwal na pagkakaunawa? Sinabi ni Yahushua na maaari nating “makilala” ang mga tao sa kanilang bunga (Mateo 12:33) — si John Calvin man o sinumang tao! Kahalintulad nito, isinulat ni Apostol Juan:

“Sa ganitong paraan mahahayag ang pagkakaiba ng mga anak ng Diyos sa mga anak ng diyablo: ang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Diyos, gayundin ang hindi umiibig sa kanyang kapatid” (1 Juan 3:10).

Maaari mo bang sabihin na ginawa ni Calvin ang “katuwiran” tungkol kay Servetus? Kung hindi, hindi ba nito ginagawa siyang “anak ng Diyablo” ayon sa bersong ito at iba pang nasipi? Bagama’t ang ilan ay magagalit at magmamalaki sa konklusyong ito, maaari ba tayong dumating nang maka-Kasulatan sa sinuman?

Walang ibang ebidensya ang kailangan upang tunay na masuri ang espiritwal na estado ni Calvin. Gayunman, dalawa pang tao ang dapat na banggitin:

“Dalawa pang episodyo tungkol kay Jacques Gruet at Jerome Bolsec. Si Gruet, na itinuring ni Calvin na isang Libertine, ay may mga isinulat na kritikal sa Konsistori at, mas maselan, nagpetisyon sa Katolikong hari ng Pransya na makialam sa pulitikal at pangrelihiyong kaganapan sa Geneva. Sa pagsang-ayon ni Calvin, siya ay pinugutan dahil sa pagtataksil sa bayan. Hayagang hinamon ni Bolsec ang pagtuturo ni Calvin sa katalagahan, isang doktrina na nadiskubreng moral na masama ni Bolsec kasama ang maraming iba pa. Pinalayas mula sa siyudad noong 1551, iginanti niya ang kanyang sarili noong 1577 sa paglathala ng isang talambuhay ni Calvin na nag-akusa sa kanya ng kasakiman, maling pamamahala sa pinansyal, at sekswal na pagkaligalig.”18

Paano dapat haharapin ang isang erehe o sinumang huwad na guro, iyon ay, kung ang isa’y kusang-loob na susunod sa mga Biblikal na pamantayan? Nagsulat si Pablo kay Tito at hinawakan ang mismong isyu na ito, na unang nagsisimula bilang isang kwalipikasyon para sa pagiging ama sa simbahan:

“Dapat na matibay ang kanyang paninindigan sa mga pagkakatiwalaang aral na natutuhan niya, upang maipangaral niya ang wastong aral sa iba at masaway ang mga sumasalungat dito. Sapagkat marami ang ayaw magpasakop, mapagsalita ng walang kabuluhan, at mga mandaraya, lalung-lalo na ang mga nasa panig ng pagtutuli. Kailangan na silang patahimikin sapagkat winawasak nila ang mga sambahayan sa pagtuturo ng mga bagay na di dapat ituro para lang sa pansariling pakinabang” (Tito 1:9-11).

Malinaw, dahil dito, ang isang huwad na guro ay dapat na “patahimikin,” hindi sa pagpatay sa kanya, gaya ng ginawa ng tagapagtatag ng Calvinismo, kundi pabulaanan siya gamit ang Kasulatan. Ito ang tunay na Kristyanong pamamaraan. [Dapat rin tandaan ng mga mambabasa na si Calvin ay isang erehe din bilang isa na sumunog ng may hawak ng Patotoo tungkol kay Yahuwah sa istaka!]

Kung ang halimabawa ni Calvin ay ang batayan, ang susunod na sandaling na papasok sa ating mga tahanan ang mga Saksi ni Jehovah o misyonaryong Mormon, dapat natin silang pisikal na magapi, igapos sila sa istaka, at gumawa ng mga taong kandila sa kanila. Naiisip mo ba ang isang itinuturing na Kristyano ay ginagawa ito, mas mababa ang isang ipinapalagay na teologo? Kapag nagawa, ipipilit mo ba ang iyong sarili na maniwala sa ganoong tao na tunay na ligtas at kumakapit sa kanyang mga natatanging aral?

Isa pa, ang mga huwad na guro ay dapat lantarang pangalanan gaya ni Pablo na lantarang pinangalanan sina Himeneo at Fileto na sumisira ng pananalig ng ilan sa mga Kristyanong nalalaman ni Pablo: “Ang mga salita ng mga gumagawa nito’y gaya ng kanser na kumakalat sa katawan. Kasama sa mga ito sina Himeneo at Fileto. Lumihis sila sa katotohanan at sinasabing ang muling pagkabuhay ay naganap na. Sinisira nila ang pananampalataya ng iba” (2 Timoteo 2:17-18).

john calvinBakit lubos na nilabag ni Calvin ang mga maka-Kasulatang pamatayang ito? Sapagkat ang pinukaw ng banal na espiritung mga direktiba (at halimbawa) ni Pablo tungkol sa kung paano haharapin ang isang erehe ay ganap na sinalungat ni Calvin, hindi ba ligtas na ipalagay na si Calvin ay pinamamahalaan ng isang naiibang espiritu sa halip na taglay ni Pablo? Dagdag pa, bakit ang mga katunayang ito tungkol sa buhay ni John Calvin ay bihirang nababanggit sa ating panahon? Ang kasagutan sa huling tanong na ito ay halata na. Ang mga ito’y isang kahihiyan at pagpapabulaan ng mga Calvinista na mapagmalaking tinutukoy ang kanilang sarili sa kanyang pangalan! Dahil sila’y ebanghelikong mayorya at nasa kanilang kapangyarihan at impluwensya na pinakadakilang ugoy sa anong ipinalaganap sa ating lupain at maging sa buong mundo, ang impormasyong ito tungkol sa kanyang tagapagtatag ay madalang, kung sakali, maririnig. Maraming tao na ngayon ang natuto ng mga kagulat-gulat na katunayan tungkol sa tagapagtatag ng Calvinismo habang binabasa nila sa kauna-unahang pagkakataon!

“Walang pangyayari ang higit na maimpluwensyang paghatol ng kasaysayan kay Calvin kaysa sa papel na ginampanan niya sa pagdakip at pagbitay sa Kastilang doktor at baguhang teologo na si Michael Servetus noong 1553. Ang pangyayari lamang na ito ay natabunan ang lahat ng nakamit ni Calvin at patuloy na kahihiyan sa kanyang mga modernong tagahanga.”19

Tatlong mahahalagang katanungan ang nananatili: (1) Maaari bang bigyan ng katuwiran ng Kasulatan si John Calvin sa pagpatay kay Michael Servetus? (2) Ang isang nakamamatay na poot, ayon sa Kasulatan, ay makakaya bang gawaran ng tulong ang isang espiritwal na may kapansanan na tumpak na ipaliwanag ang Kasulatan? (3) Maaari bang maligtas ang isang mamamatay-tao ayon sa Pahayag 21:8?

Lahat ng mga kasagutang ito ay may kaugnayan sa kredibilidad ng sikat na “pagpapakasakit ng mga hinirang” na doktrina ni Calvin, bukod sa iba pa. Nakalulungkot, ang bersyon ni Calvin ng Kristyanismo ay laganap na pananaw sa ating lupain, ngunit ang kanya bang pananaw ay maka-Kasulatan? Upang sagutin sa pagsang-ayon ay para sabihin na ang dalawahang katalagahan ni Calvin ay totoo, iyon ay, ang ilan ay itinalaga na sa Langit [ang Langit sa Bibliya ay hindi nabanggit na destinasyon ng mga naligtas] at ang iba’y itinalaga na sa Impyerno nang walang kalayaang pumili sa kanyang bahagi!20 Lalabagin nito ang maraming Kasulatan, lalo na ang 2 Pedro 3:9: “Hindi nagpapabaya ang Panginoon tungkol sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng iba. Pinagtitiisan lamang kayo ng Panginoon kaya hindi muna niya ginagawa ang ayon sa kanyang pangako. Binibigyan pa niya ng pagkakataon ang lahat na magsisi sapagkat ayaw niyang mapahamak ang sinuman.”

ServetusDagdag pa, ang pagtuturo ni Calvin ay ipinahayag ang gawa ni Yahushua sa krus na hindi walang hanggan, sapagkat ayon sa pagtuturong iyon, hindi dinanak ang kanyang dugo para sa bawat tao, kundi para lamang sa mga hinirang — iyong mga itinalaga nang ligtas. Ito ay malinaw na pinabulaanan sa 1 Juan 2:2: “Siya ang inialay bilang kabayaran sa ating mga kasalanan, hindi lamang sa ating mga kasalanan kundi maging ng buong sanlibutan.”

Isa pa, ang kanyang “pagpapakasakit ng mga hinirang” na doktrina ay igigiit na ang kapangyarihan ni Yahuwah ay pananatilihin ang naligtas na tao na palaging ligtas, sa kabila ng mga mabibigat na kasalanang ginawa nila matapos ang pagbabagong-buhay at/o anumang doktrinal na ereheyo na yayakapin, kaya nilalabag ang maraming halimbawa sa Kasulatan at mga babala na magpapatotoo ng kabaligtaran!

Dapat na malinaw, mula sa tagapagtatag hanggang sa atin ngayon, ang “pagpapakasakit ng mga hinirang” na doktrina (pinaka-karaniwang tinatawag bilang “misang ligtas, palaging ligtas”) na madalas isang “lisensya para sa pagiging imortal” ay itinuro sa ilalim ng bandila ng kagandahang-loob (tingnan ang Judas 3, 4). Habang ang sariling teolohiya ni Calvin ay pinahintulutan ang kanyang mga aksyon laban kay Servetus, marami sa ating panahon ay sekswal na imoral, sinungaling, lasinggero, puno ng kasakiman, atbp., habang itinuturo nila ang kaligtasan. Ito ay isang pagsasanga ng binaluktot na mensahe ng kagandahang-loob ni Calvin — isang pagtuturo na “gaya ng kanser na kumakalat sa katawan” mula sa isang tao na maaaring hayagang sunugin ang iba sa kamatayan at para sa nalalabing 10 taon at pitong buwan ng kanyang buhay, hindi kailanman nagsisi sa kanyang krimen.

“Ang mga abo ni Servetus ay sisigaw laban sa kanya [Calvin] habang ang mga pangalan ng dalawang tao na ito ay nalalaman sa buong mundo.”21


1 “Sa dalawang bilang lamang, kapuna-puna, pinarusahan si Servetus — pinangalanan, anti-Trinitaryanismo at anti-bautismo sa sanggol” (Roland H. Bainton, Hunted Heretic, The Beacon Press, 1953, p. 207). Komento: Tungkol sa kanyang pagtanggi sa bautismo ng sanggol, sinabi ni Servetus, “Ito ay isang imbensyon ng Diyablo, isang makademonyong kaliluhan para sa pagkawasak ng lahat ng Kristyanismo” (Ibid., p. 186.) Maraming Kristyano ng ating panahon ang maaari lamang magbigay ng isang tapat na “Amen” sa pahayag na ito na ginawa tungkol sa bautismo sa sanggol. Gayunman, ito ay kung bakit, sa bahagi, si Servetus ay pinarusahan ng kamatayan ng mga Calvinista!

2 Schaff-Herzog Encyclopedia of Religious Knowledge, Baker Book House, 1950, p. 371.

3 The Wycliffe Biographical Dictionary of the Church, Moody Press, 1982, p. 73.

4 Stephen Hole Fritchman, Men of Liberty, muling nilabas ng Kennikat Press, Inc., 1968, p. 8.

5 Walter Nigg, The Heretics, Alfred A. Knopf, 1962, p. 328.

6 Who's Who In Church History, Fleming H. Revell Company, 1969, p. 252.

7 Steven Ozment, The Age Of Reformation 1250-1550, Yale University Press, 1980, p. 370.

8 The Heretics, p. 326.

9 The Wycliffe Biographical Dictionary of the Church, p. 366.

10 John F. Fulton, Michael Servetus Humanist and Martyr, Herbert Reichner, 1953, p. 35.

11 The Heretics, p. 327.

12 Hunted Heretic, p. 214. Komento: Wala saanman sa Bibliya makikita natin itong ayos ng pagbibigay-diin para sa kaligtasan ng isa. Ang nag-aagaw-buhay na magnanakaw, ang Filipong tagapiit at si Cornelius ay naligtas lahat ng isang pinakabatayang pagtitiwala-pagsukong pananalig kay Yahushua.

13 Michael Servetus Humanist and Martyr, p. 36.

14 Inatake ni John Hus ang iba’t ibang Katolikong ereheyo gaya ng transubstantiation, pagkamasunurin sa Papa, paniniwala sa mga santo, bisa ng kapatawaran sa kaparian, walang kondisyon na pagsunod sa makalupang lider at simonya. Ginawa rin ni Hus ang Banal na Kasulatan na tanging tuntunin sa mga bagay ng relihiyon at pananampalataya. Tingnan ang The Wycliffe Biographical Dictionary of the Church, p. 201.

15 The Heretics, p. 326.


16 Ibid., pp. 328, 329.


17 Halimbawa, sa malinaw na kabaligtaran sa kahulugan na ibinigay ni Yahushua ang talinghaga ng mga damo sa bukirin (Mateo 13:24-43) kung saan sinabi sa atin ng Panginoon na “ang bukirin ay ang sanlibutan” (berso 38), itinuro ni John Calvin “ang bukirin ay ang simbahan.” Tingnan ang berso sa bersong komentaryo ni Calvin sa ebanghelyo ni Mateo.

18 The Age of Reformation 1250-1550, pp. 368,369. Ang aklat ni Bolsec kung saan siningil niya si Calvin ay sinipi bilang Histoire de la vie, moeurs, actes, doctrine, constance et mort de Jean Calvin,. pub. a Lyon en 1577, ed. M. Louis-Francois Chastel (Lyon, 1875).

19 Ibid., p. 369.

20 Si Augustine ng Hippo, ang Katolikong teologo, ay isang mas maagang tagapagtaguyod ng katalagahan na pinagkuhanan ni John Calvin ng mga ideya.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Dan Corner.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC