Print

Ang Dakilang Kristyanong Pag-asa: Ang Muling Pagkabuhay

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

muling pagkabuhay

Sa kanyang patuloy na pagtuturo, sapagkat ipinakita sa 1 Corinto 15 at sinundan sa Tesalonica, malinaw na tinukoy ni Pablo ang muling pagkabuhay mula sa libingan bilang sukdulan at tanging pinagkukunan ng pag-asa at kaginhawaan para sa bawat hinirang sa lahat ng panahon. Sa isang panahon na Araw ng Muling Pagkabuhay sa hinaharap para sa mga sumasampalataya, ang Panginoong Kristo Yahushua ay bababa mula sa langit. Ang mga namatay kay Kristo ay bubuhayin at “mahahayag ding kasama niya sa kaluwalhatian” (Colosas 3:4). At sa kaparehong panahon ang lahat ng nabubuhay pang Kristyano ay titipunin sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid (1 Tesalonica 4:13-18). “Sa isang saglit, sa isang kisap-mata,” ang katawan ng bawat taong nakipagtipan ay papalitan ng isang walang pagkabulok. Sila’y ilalagay sa pagiging imortal, sa pamamagitan ng pagtataas bilang espiritwal, makapangyarihan, maluwalhati, at makalangit na mga tao (1 Corinto 15:42-44, 51-54).

Ang mga kahanga-hangang kaganapan na ito ay magaganap “sa kanyang pagdating” (1 Tesalonica 5:23; 1 Corinto 15:23), “sa pagpapakita sa takdang panahon” (1 Timoteo 6:14-15), sa “huling araw” (Juan 6:40) kung kailan mayroong “pagbangon tungo sa buhay” (Juan 5:29). “Naghihintay tayo para sa kanya” (Filipos 3:20) upang “maipahayag ang ating Panginoong Kristo Yahushua” (1 Pedro 1:5, 7, 13; Roma 8:18-19; 1 Corinto 1:7), sa kanyang “pagpapakita” (1 Timoteo 6:14; Tito 2:13; 1 Juan 3:2-3), sa kanyang pagdating (parousia) sa kaluwalhatian upang itatag ang kanyang Kaharian sa lupa.

Ang mga matatapat ay “magiging katulad niya …sa kanyang pagdating” at makikita si Kristo “sa kanyang tunay na kalikasan” (1 Juan 2:28; 3:2). Magsasalita si Juan nang labag sa tuntunin sa pagmimithi na makita si Kristo “sa kanyang tunay na kalikasan” kapag siya’y bumalik sa hinaharap, kung ang namatay na matapat ay nalalaman lang siya sa langit bago pa ang kanyang pagdating sa hinaharap. Ang mga hinirang ay magiging kagaya ni Kristo lamang kapag nakamit nila ang maluwalhating katawan “sa huling trumpeta” sa Araw ng Muling Pagkabuhay (Filipos 3:20-21; 1 Corinto 15:50-55). Lahat ng hindi naging “katulad ni Kristo” ay hindi matatamo ang kaharian (tingnan ang berso 50). Dahil dito, walang sinuman ang maaaring makapasok sa “langit” sa panahon ng kamatayan kundi dapat maghintay ng pagpasok tungo sa Kaharian sa hinaharap kung kailan si Kristo ay lilitaw sa maluwalhating Araw na iyon. At sa kauna-unahang pagkakataon, ang lahat ng naligtas sa lahat ng panahon ay ihahanda ang kanilang mga mata kay Yahushua, hindi bago nito.

Ang tanyag na iskema ay sinanay at inulit sa mga paglilingkod sa libing ay pinaka nakakalinlang. Pinapahina nito ang isang biblikal na pagkakaunawa ng banal na palatuntunan, na hinihimok ng Bibliya sa atin na paniwalaan!

nalitong kristyano

Tunay ngang saliwa ay ang senaryo ng Araw ng Muling Pagkabuhay ng tradisyon, kung saan ang mga “kaluluwa” ng mga matuwid diumano’y bababa kasama ni Yahushua mula sa langit at kasabay nito ang mga makalupang katawan ay babangon mula sa kanilang mga libingan. Sa isang tanyag na iskema na ang mga “kaluluwa” ay dapat na magpatuloy sa kanya, kaya sila’y maaaring muling makapasok sa kanilang mga puntod bago bumangon at lumabas sa mga ito! Obligado ang tradisyon na sabihin sa atin nang tiyakan kung paano ito magaganap. Pagkatapos ay pinapalakas ito sa bawat posibleng paraan, sa pasalita, tanyag at pormal, at sa pagsulat.

Sa halip at sa ganap na kabaligtaran, itinakda ni Pablo ang mga mananampalataya sa Tesalonica sa kagaanan tungkol sa kanilang mahal na pag-alis sa pagsulat sa Araw ng Muling Pagkabuhay sa hinaharap ang Panginoong Kristo Yahushua lamang ay “bababa mula sa langit nang may malakas na tinig at ang mga namatay nang sumasampalataya ay muling bubuhayin mula sa kanilang libingan upang makapiling ang Panginoon sa himpapawid” (1 Tesalonica 4:16-17). Nais ni Pablo na palakasin “ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga aral na ito” (berso 18).

Noong sinalita ni Yahushua ang mga kondisyon sa Kaharian (Lucas 20:34-36), inilarawan niya kung anong mananaig “sa panahon ng muling pagkabuhay” (Mateo 22:30) sa mga anak (mga produkto) ng muling pagkabuhay. Kung ang kamatayan ay kinuha ang mga hinirang patungong “langit” gaya ng inakala, bakit sila tinawag ng Panginoon na “mga anak ng muling pagkabuhay”? Ito sa kabuuan ay walang saysay kung ang bigat ng muling pagkabuhay at paghuhukom ay walang iba kundi isang maiksing patlang matapos ang isang naunang “makalangit” na pag-iral nang walang katawan.

Ang tanyag na pananaw ng kamatayan, paghuhukom, gantimpala at muling pagkabuhay ay lumilitaw na kaguluhan nang walang pag-asa kung ikukumpara sa malinaw na mga teksto ng Kasulatan.

Ang kabayaran para sa mga kabutihan ay iginawad sa “muling pagkabuhay ng mga matuwid” (Lucas 14:14), at sa pagdating ni Kristo sa hinaharap. Anong pabor ang maaaring igawad kung ang mga hinirang ay nagsasaya na sa “langit” sa loob ng napakaraming siglo bago ang Araw ng Muling Pagkabuhay? Umasa si Pablo na makamit ang muling pagkabuhay (Mga Gawa 23:6; 24:15; Filipos 3:11). Ang pahayag na ito ay mali kung, sa kamatayan, ang apostol ay ginawaran na ng “langit” at makakasama si Kristo dito bago ang Araw ng Muling Pagkabuhay.

Matapos umakyat si Yahushua mula sa lupa (Mga Gawa 1:11), mayroong dalawang anghel na nagtiyak ng atensyon ng mga apostol sa katunayan na siya ay babalik muli tulad ng pag-alis niya. (Ang angkin ng Saksi ni Jehovah na ang muling pagdating ay naganap noong 1914 ay maliwanag na mali.) Ang paggising ng ating Panginoon sa mga hinirang mula sa libingan sa kanyang pagbabalik sa hinaharap ay ang pag-asa at nakakaaliw na kaginhawaan ng lahat ng mga hinirang sa lahat ng panahon. Ngunit ang pangyayaring ito ay hinadlangan at diniskaril ng paggigiit ng tradisyon sa panunuluyan ng mga matatapat kasama si Yahushua sa langit sa panahon ng agwat sa pagitan ng kamatayan at Araw ng Muling Pagkabuhay. Ang tanyag na iskema ay magulo. Gayunman, marami ang hindi naiisip ito.

Sa pagtatapos ng kanyang paglilingkod, sinabi ni Yahushua na maghahanda siya ng isang panghinaharap na lugar para sa mga alagad (Juan 14:2; sinipi ang Awit 115:16). Maaga, sinabi niya sa kanila, “Hindi kayo makararating sa pupuntahan ko” (Juan 13:33). Pinalambot niya ang pahayag na ito sa pagtitiyak sa kanila na babalik siya at “isasama ko kayo sa aking sarili, upang kung nasaan ako, naroon din kayo” (Juan 14:3). Malinaw, ang mga alagad ay hindi maaaring dumating kay Yahushua. Sa halip, siya ang darating sa kanila sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Ano ang punto ng kanyang pagbabalik sa lupa kung ang mga hinirang ay taglay na ang isang makalangit na tirahan nang agaran sa panahon ng kamatayan? Imposible para kay Yahushua na “isama sila para sa kanyang sarili” sa isang lugar kung saan nandoon na siya kasama nila! Paano nalulugod si Yahushua sa isang iskema, na ginagawa ang Bagong Tipan na nakalilito at hindi naaayon?

Walang dahilan para kay Kristo bilang may hawak ng mga susi ng kamatayan at Hades (Pahayag 1:18) upang tiyakin kay Juan at sa mga mambabasa ng aklat ng Pahayag ang katunayang iyon, kung ang mga namatay na matutuwid ay hindi na maiisip ang kanilang sarili sa muling pagkabuhay mula sa Hades—magaganap sa pagbabalik ni Kristo, at tanging iyon lamang. Mayroon lamang isang paraan para makalabas ng kamatayan at iyon ay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng buong tao. Hindi nakakapagtaka na sina David at Yahushua ay sinalita ang “pagkatulog sa kamatayan” (Awit 13:3; Juan 11:11, 14). Ito ang tunay na panahon sa pagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay. Ang pagtulog ay isang kondisyon ng walang kamalayan. Gaano katindi ang pinsalang dulot ng Platonikong pilosopiya sa pananampalataya sa Bibliya? Sina Plato at Yahushua ay hindi dapat pagsamahin.

Ang pakikipagsapalaran para sa pagiging imortal, magpakailanman na walang kamatayan, buhay na hindi nasisira, ang dapat na unang prayoridad para sa ating lahat bilang marupok at mortal! Isinulat ni Pablo ang Kristyanong pananalig sa mga magagandang salitang ito. Ang buong punto ng paniniwala sa Ebanghelyo ay si Yahuwah ay magbibigay ng buhay na walang hanggan “sa mga taong nagtitiyaga sa paggawa ng mabuti, naghahanap ng karangalan, kadakilaan at ng kawalang kamatayan” (Roma 2:7).

Dapat natin hangarin ang pagiging imortal na ipinakita sa Ebanghelyo (2 Timoteo 1:10) at ipagkakaloob sa mga nananatili hanggang sa katapusan (Mateo 24:13; Roma 13:11). Tayo’y naghihintay sa kaloob ng pagiging imortal na ibibigay lamang sa pagbabalik ni Yahushua, bagama’t ito’y matitikman sa pag-asa sa pamamagitan ng espiritu ni Yahuwah, ngayon sa buhay na ito.

muling pagdating


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Stan Paher.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC