|
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |

Noong ipinakita ni Yahuwah ang Kanyang sarili kay Moises sa nasusunog na palumpong, tinukoy Niya ang Kanyang sarili bilang Diyos ng iyong mga ama,1 mas tiyakan, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob:
Exodo 3:6 Bukod dito ay sinabi, “Ako ang Diyos ng iyong ama ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.” At si Moises nga ay nagtakip ng kaniyang mukha; sapagkat siya’y natakot na tumingin kay Yahuwah.
Sa huli’y iniugnay ni Moises na si Yahuwah ay nagpakita ng mga himala kaya ang mga Israelita ay maaaring makilala na walang ibang Diyos maliban kay Yahuwah:
Deuteronomio 4:35 “Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na si Yahuwah ay Siyang Diyos; wala nang iba liban sa Kaniya.
Dinggin mo nga, Oh Israel, at iyong isagawa upang ikabuti mo, at upang kayo’y dumaming maigi, na gaya ng ipinangako sa iyo ni Yahuwah, ng Diyos ng iyong mga magulang, sa lupaing binubukalan ng gatas at pulot. 4 Dinggin mo, Oh Israel: si Yahuwah nating Diyos ay isang Yahuwah: 5 At iyong iibigin si Yahuwah mong Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas. (Deuteronomio 6:3-5)
|
Inutos ni Yahuwah kay Moises na ituro sa mga Israelita ang lahat ng Kanyang mga kautusan, mga batas, at mga hatol kaya maaaring makabuti para sa kanila sa Lupang Pangako.2 Pangunahin sa mga kautusan ay iibigin nila ang isang Diyos, iyon ay, ang Diyos ng kanilang mga magulang:
Deuteronomio 6:3-5 “Dinggin mo nga, Oh Israel, at iyong isagawa upang ikabuti mo, at upang kayo’y dumaming maigi, na gaya ng ipinangako sa iyo ni Yahuwah, ng Diyos ng iyong mga magulang, sa lupaing binubukalan ng gatas at pulot. 4 Dinggin mo, Oh Israel: si Yahuwah nating Diyos ay isang Yahuwah: 5 At iyong iibigin si Yahuwah mong Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.
Sa buong sinaunang panahon, ang mga Israelita ay naunawaan ang simpleng ma-kredo na pahayag na ito: si Yahuwah ay isa, at wala nang iba. Ang panalangin ni Haring Ezechias ay nagpapakita ng halimbawa ng pagkakaunawa na ito:
2 Mga Hari 19:19 “Ngayon nga, Oh Yahuwah naming Diyos, iligtas mo kami, isinasamo ko sa iyo sa kaniyang kamay, upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa na ikaw ang Panginoong Yahuwah na Diyos, ikaw lamang.”
Maraming siglo ang lumipas, pinagtibay ni Yahushua ang kredo ng isang Diyos na ito at sinabi na para ibigin at sundin ang iisang Diyos ay ang pinakadakilang kautusan.
Marcos 12:28-30 At lumapit ang isa sa mga eskriba, at nakarinig ng kanilang pagtatalo, at palibhasa'y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila, ay tinanong siya, Ano baga ang pangulong utos sa lahat? 29 Sumagot si Yahushua, Ang pangulo ay, PAKINGGAN MO, OH ISRAEL; SI YAHUWAH NATING DIYOS, SI YAHUWAH AY IISA: 30 AT IIBIGIN MO SI YAHUWAH MONG DIYOS NG BUONG PUSO MO, AT NG BUONG KALULUWA MO, AT NG BUONG PAGIISIP MO, AT NG BUONG LAKAS MO.
Si Pedro, matapos niyang pagalingin ang lalaki sa Pintuang Maganda, ay itinuro sa madla na tinipon niya na ang Diyos ng ating mga magulang ay niluwalhati ang Kanyang Lingkod, si Yahushua:
Mga Gawa 3:13 “Ang Diyos ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, ang Diyos ng ating mga magulang, ay niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Yahushua; na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya’y pawalan.” Ipinapakilala ni Pedro ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Jacob bilang Isa na maliban kay Yahushua. Tunay nga, si Yahushua ay hindi si Yahuwah kundi ang lingkod ni Yahuwah.
Kasunod nito, noong si Pedro ay lumitaw sa harap ng mataas na kaparian at Konseho ng Sanhedrin, siya at ang iba pang apostol ay muling tinukoy si Yahushua bilang isa na iba sa Diyos ng ating mga magulang:
Para kay Pedro at sa ibang apostol, si Yahushua ay hindi ang Diyos ng ating mga magulang, kundi ang isa na ibinangon ng Diyos ng ating mga magulang mula sa kamatayan at itinaas sa Kanyang kanang kamay.
|
Mga Gawa 5:29-31 Datapuwa’t nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima kay Yahuwah bago sa mga tao. 30 Ibinangon ng Diyos ng ating mga magulang si Yahushua, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy. 31 Siya’y pinadakila ni Yahuwah ng Kaniyang kanang kamay upang maging Prinsipe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan.
Para kay Pedro at sa ibang apostol, si Yahushua ay hindi ang Diyos ng ating mga magulang, kundi ang isa na ibinangon ng Diyos ng ating mga magulang mula sa kamatayan at itinaas sa Kanyang kanang kamay.
Maraming taon ang lumipas, ang apostol na si Pablo (Saulo) ay isinalaysay ang panahon noong si Ananias ay dumating sa kanya upang pagalingin siya at ibigay ang isang banal na mensahe:
Mga Gawa 22:12-15 At isang Ananias, lalaking masipag sa kabanalan ayon sa kautusan, na may mabuting katunayan ng lahat ng mga Hudyong nagsisitahan doon, 13 Ay lumapit sa akin, at natatayo sa tabi ko ay nagsabi sa akin, Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin. At nang oras ding yao’y tumingin ako sa kaniya. 14 At sinabi niya, Ang Diyos ng ating mga magulang ay itinalaga ka upang mapagkilala mo ang kaniyang kalooban, at makita mo ang Banal, at marinig mo ang isang tinig mula sa kaniyang bibig. 15 Sapagkat magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa mga bagay na iyong nakita at narinig.
Ang Diyos ng ating mga magulang ay tinukoy na si Pablo (Saulo) ay nakikita at naririnig ang Banal, iyon ay, ang Mesias.3 Siya ay isang saksi ng muling nabuhay na Kristo, hindi isang saksi ni Yahuwah.
Alin sa mga patotoo tungkol sa pagkakakilanlan ni Yahuwah ang dapat nating paniwalaan? Ang patotoo ng mga Biblikal na ama (O) ang mga Ama ng Simbahan mula sa panahon matapos ang Biblikal?
|
Nakalulungkot, ang mga Ama ng Simbahan, mula noong ikalawang siglo, ay ipinaliwanag ang Kasulatan sa pamamagitan ng prisma ng Griyegong pilosopiya, sa gayon ay binabago ang pagkakakilanlan ng Diyos ng mga Hudyo. Ang ebolusyon ng kanilang mga paniniwala ay nakatala sa mga kredo na sila rin ang nagsulat. Sa halip ng pagsamba sa isang Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob, pinalawak nila ang kahulugan nang lagpas sa Banal na Kasulatan upang isama ang dalawa pang katauhan, si Yahushua at ang Banal na Espiritu. Bagama’t ang Diyos ng ating mga ama ay sinabi na si Yahushua ay Kanyang lingkod, ang mga Ama ng Simbahan na napukaw sa Platoniko ay iginiit na si Yahushua ay si Yahuwah ang lingkod. Sa halip na pagiging isang tao na itinaas ng Diyos ng ating mga ama, si Yahushua ay mismong diyos, kapantay sa anumang paraan, isang bagay na hindi kailanman sinasabi ng Banal na Kasulatan.4 Tunay nga, ito’y sumasalungat sa sariling patotoo ni Yahushua na ang Ama ay ang tanging tunay na Diyos, habang siya ay ang Kristo.
Juan 17:1-3 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Yahushua; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: 2 Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya. 3 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Kristo Yahushua.
Alin sa mga patotoo tungkol sa pagkakakilanlan ni Yahuwah ang dapat nating paniwalaan? Ang patotoo ng mga Biblikal na ama na ipinakita ni Yahuwah ang sarili sa kamaharlikaan at pagkamangha, subalit sa kalinawan at kapayakan? O ang mga Ama ng Simbahan mula sa panahon matapos ang Biblikal na nagpinta ng isang naiibang larawan maliban sa isa na si Yahuwah mismo ang nagpinta?
1 Ang Diyos ng iyong “ama” rito, ngunit ang Diyos ng iyong “Ama” rin sa Exodo 3:13-16 at saanman.
3 Mga Gawa 3:14; 7:52; 1 Juan 2:1.
4 Tingnan ang Juan 5:18 at Juan 10:30.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/the-God-of-our-fathers/
Pinalitan namin ang mga Tagalog na titulo at pangalan ng Ama at ng Anak ng mga ginamit ng mga apostol. Sa ibinigay na mga maka-Kasulatan na sipi, ibinalik namin ang kanilang mga orihinal na pangalan sapagkat ginamit ng mga napukaw na manunulat. Gayunman, kinikilala namin ang makasaysayang pag-unlad kung saan ang pangalang Yahushua ay dumating para ibigay bilang “Hesus.” Dagdag pa, kinikilala namin na ang Tagalog na terminong “Diyos” ay karaniwang ginamit bilang katumbas sa Hebreo na Eloah o Elohim. –Pangkat ng WLC