Print

Ang Ebanghelyo ng Kaharian ni Yahuwah

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Ayon sa aking taos-pusong “dispensasyonal” na karanasan (sa loob ng mga dekada), ang “kaharian/paghahari” na bokabularyo ng apat na mabuting balita ay lipas nang doktrina na ganap lamang para sa sinaunang Israelita. Nananatili, ito’y walang kinalaman sa mga Kristyano. Ganito ako nagkamali rito!

pagbabagong loob sa landas patungong damascus ni caravaggio“At sinabi ng Panginoon [kay Saulo ng Tarsus], ‘Ako’y si Yahushua na iyong pinaguusig. Datapuwa’t magbangon ka, at ikaw ay tumindig sa iyong mga paa: sapagkat dahil dito’y napakita ako sa iyo, upang ihalal kitang ministro at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin, at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo; Na ililigtas kita sa bayan, at sa mga Hentil, na sa kanila’y sinusugo kita, Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila’y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang kay Yahuwah, upang sila’y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin’” (Mga Gawa 26:15b-18, ADB)

Kabilang sa ibang realidad (“at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo”) na mismong si Yahushua ay nakipag-usap kay Saulo (o Pablo) ay marapat na isang lehitimong Ebanghelyo ng Kaharian ni Yahuwah. Sapagkat isinulat ni Pablo, “Tungkol sa Ebanghelyo na aking ipinangaral, na ito’y hindi ayon sa tao. Sapagkat hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Kristo Yahushua” (Galacia 1:11b-12).

Ang mga modernong teologo ay mahilig paghiwalayin ang “Ebanghelyo ng kagandahang-loob ni Yahuwah” mula sa “Ebanghelyo ng Kaharian.” Nananatili, matatag si Pablo sa pagkakaisa ng mga pariralang iyon bilang kapwa sumasalamin sa isang tunay na Ebanghelyo sa Mga Gawa 20:24-25! Ang lehitimong Ebanghelyo ay isa, at malakas na sumpa ang binigkas sa mga magbabaluktot o magliligaw ng “ebanghelyo ni Kristo” (Galacia 1:6-9).

Walang maka-Kasulatang duda ano pa man na si Pablo ay masugid na nagturo ng kaparehong Ebanghelyo ng Kaharian ni Yahuwah (Mga Gawa 14:22; 19:8; 20:24-25; 28:23, 31), na ang kanyang Panginoong Yahushua, ang Mesias, ay naging tagapagbalita sa pagpapahayag (Hebreo 2:3; Marcos 1:1, 14-15). Malayo mula sa pagiging isang maalikabok na relikya mula sa naunang “dispensasyon,” ang Ebanghelyo ng Kaharian ni Yahuwah ay pambihira ang kahalagahan at nauugnay (isang bagay na madaliang mapanghikayat: Mga Gawa 19:8) sa loob ng 30 taon o bumabalot ang buong aklat ng Mga Gawa. Ito’y nananatiling mahalagang batayan para sa matapat na pangangaral!

Dagdag pa, ito ang mismong Ebanghelyo na dapat ituro hanggang sa kawakasan ng kasalukuyang panahon na ito: “Ipangangaral ang ebanghelyong ito ng kaharian sa buong sanlibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas” (Mateo 24:14). Ang “wakas” ay nangangahulugan syempre na “kawakasan ng panahon” katulad sa konteksto (berso 3, 6). Kung kahina-hinala, ang mga depektibong teologo ay tumagos sa lahat ng mga sulok ng daigdig, panahon na para palitan sila ng Ebanghelyo!

Bagama’t naging tanyag na ngayon na matalas na makilala ang mga tradisyonal na interpretasyon ng teolohiya ni Pablo mula sa mga pagtuturo ni Yahushua, si Pablo mismo ay hindi pinaghambing ang kanyang pagkakaunawa ng Ebanghelyo sa mahusay, mabubuting salita ng ating Panginoong Kristo Yahushua: “Kung ang sinoma’y nagtuturo ng ibang aral, at hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Kristo Yahushua, at sa aral na ayon sa kabanalan; Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman” (1 Timoteo 6:3-4a).

Ang salitang “pinahiran” o “Mesias” (sa Hebreo ay Mashiach; sa Griyego ay Christos) ay ginamit sa Lumang Tipan para sa itinalagang kaparian at para rin sa mga pinahirang hari (gaya nina Saul at David). Tatlong beses lamang itong ginamit nang propetiko sa isang natatanging “Mesias” o isang “Pinahiran” na darating!

Matapos makipagbuno si Ana sa mga panalangin ng pagdadalamhati (at tuluyang nagdadalang-tao) at nagsimulang palakihin si Samuel, ang kanyang panganay na anak, na inilaan niya sa paglilingkod ni YAHUWAH, ibinuhos niya ang isang taos-pusong panalangin ng pasasalamat sa 1 Samuel 2:1-10. Isang dinamika, propetikong larawan ang lumilitaw sa pagwawakas ng kanyang makapangyarihang panalangin!

“Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok [ikumpara sa Daniel 12:2], Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan, Upang sila’y palukluking kasama ng mga prinsipe, At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian: Sapagkat ang mga haligi ng lupa ay sa PANGINOON, At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila. Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal; Ngunit ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman; Sapagkat sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig. Yaong makipagkaalit sa PANGINOON ay malalansag; Laban sa kanila’y kukulog siya mula sa langit: Ang PANGINOON [YAHUWAH] ang huhukom sa mga wakas ng lupa; At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari, At palalakihin ang kapangyarihan ng kaniyang pinahiran ng langis” (1 Samuel 2:8-10).

Kaya sa panahon ng paghahatol sa hinaharap kapag ang mga kaaway ni YAHUWAH “ay malalansag,” “At palalakihin ang kapangyarihan ng kaniyang pinahiran ng langis.”

nalansag

Ang matingkad na larawang ito, kabilang ang paglalansag sa mga kaaway ni Yahuwah, ay huling pinaunlad nang mas malalim sa unang Mesianikong Awit, Awit 2, na nagpipinta ng isang napakagandang larawan kung sino ang Mesias:

“Bakit ang mga bansa ay nangagugulo, at ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay? Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban kay Yahuwah at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi: ‘Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.’ Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan. Kung magkagayo’y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob: ‘Gayon ma’y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion.’ Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ni Yahuwah sa akin, ‘Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari. Sila’y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok.’ Ngayon nga’y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa. Kayo’y mangaglingkod kay Yahuwah na may takot, at mangagalak na may panginginig. Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagkat ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya” (Awit 2:1-12).

Ang isa ay maaaring agarang mapansin sa Awit 2 na ang pinahiran ni Yahuwah ay ang Kanyang itinalagang hari sa Sion, kaagapay sa hari ni Yahuwah na itinaas Niya sa 1 Samuel 2:10. Dagdag pa, nililinaw ng Awit 2 na ang hari o pinahiran na ito ay ang Anak ni Yahuwah — “ipinanganak” ni Yahuwah “ngayon.”

Ang ikatlo (at panghuling) sipi na ang nahulaang pinahiran o ang Mesias (na tinatawag rin na “prinsipe” rito) ay tiyakang itinalaga ay Daniel 9:24-27. Ang propesiya rito ay isinasama ang tiyempo ng 70 “mga pito” (490 taon), kasama ang mga nakalipas na kaganapan na sangkot ang unang 69 ng mga “sanlinggo” o “mga pito” (483 taon). Matapos ang pitong “sanlinggo” at dagdag na animnapu’t dalawang “sanlinggo,” ang Mesias ay “mahihiwalay” — ang panimulang punto ng pagpapanumbalik at muling pagtatayo ng Jerusalem (matapos ang pagkawasak nito sa kamay ng mga sinaunang Babilonyan). Sa tumpak na makasaysayang datos, ang isa ay maaaring matukoy ang Mesias na “mahihiwalay” sa unang siglo AD.

Syempre, maraming ibang Lumang Tipan na propetikong sipi ang tumutugma sa kaparehong Mesianikong larawan na ito (gaya sa Isaias 11) nang wala ang tiyakang bokabularyo ng “pinahiran” o “Mesias” (o Christos [Kristo] sa Griyegong Septuagint).

Isang maiksing tala sa diin ng bokabularyo ang maaaring isaayos. Ang salitang “Kristo” mismo ay nagiging lubos na karaniwan sa pang-araw-araw na pananalita, kaya upang isipin na isalin ito bilang Kristo, Mesias, o ang Pinahiran ay ganap na nararapat! Buhat nang propetikong tinutukoy nito ang isang paparating na pinahiran na hari, ang isa ay maaaring isalin ang termino bilang “Hari.” Isa pa, ang terminong “ipinanganak” o “isinilang” ay ginamit sa Awit 2:7 ay dapat na maingat na maunawaan. Ito’y nangangahulugan na ibinunga o nilikha nang biyolohikal. Ang isa ay dapat na hindi magpatalo sa walang saysay na pabalbal na si Yahushua ay “isinilang, hindi nilikha”! Upang isilang ay para likhain! Ito’y ihahatid sa pag-iral! Sa kaso ni Yahushua na “ipinanganak,” ito ay sa pamamagitan ng mahimalang pamamagitan ni Yahuwah, hindi ang likas na sekswal na aktibidad.

Noong si Yahushua mismo ay madalas sinalita ang “Kaharian ni Yahuwah” (o “Kaharian ng Langit” sa ilang pagkakataon, sa aklat ni Mateo lamang), ano ang tinutukoy niya? Itinakda niya na ito ay ang Kaharian na paparating, kung kailan ang kalooban ni Yahuwah ay sakdal na matutupad sa lupa (kung paano sa langit na kasalukuyang tinutupad, Mateo 6:10). Ipinunto niya ang isang panahon noong ang maaamo (o mababa) ay mamanahin ang lupa (Mateo 5:5, isang sipi mula sa Awit 37:9, 11, 22, 29, 34). Nagsalita din siya nang direkta sa kanyang handang pumatay na mga nag-aakusa tungkol sa “Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit” (Mateo 26:64, sinisipi ang Awit 110:1 at Daniel 7:13, 18, 22, 27). Ang makapangyarihan, panghinaharap na diin sa paparating na Kaharian ni Yahuwah at ang maluwalhating pagbabalik ng “Anak ng Tao” ay matapang na tumatagos sa tampulan ng Kaharian ni Yahushua sa mga talaan ng mga Ebanghelyo (Mateo 25:31; Lucas 18:8, atbp.). Pinakamalamang na mismong parirala ni Yahushua na “Kaharian ni Yahuwah” ay isang direktang parunggit sa Daniel 2:44 (ikumpara sa Obadias 21; Mikas 4:7-8):

“At sa mga kaarawan ng mga haring yaon [ang mga paa ng istatwa] ay maglalagay ang Diyos sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao’y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputol-putulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao’y lalagi magpakailan man. Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Diyos sa hari [Nabucodonosor] kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao’y tapat” (Daniel 2:44-45).

daniel 2

Para tapusin ang ating mabilis na pangkalahatang-ideya ng “ang Ebanghelyo ng Kaharian ni Yahuwah,” ating sisiyasatin ang mga propetikong salita ni anghel Gabriel sa unang kabanata ni Lucas. Nang walang tunay na pagpapalabis, ang isa ay maaaring sabihin na nangaral si Gabriel kay Maria ng Ebanghelyo ng Kaharian ni Yahuwah!

“At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang Yahushua. Siya’y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan: at sa kaniya’y ibibigay ni Panginoong Yahuwah ang luklukan ni David na kaniyang Ama: At siya’y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian...Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ni Yahuwah” (Lucas 1:31-33, 35).

Ang “araw na ito” na ipinanganak (isinilang) ang Anak ni Yahuwah (sa Awit 2:7) ay tumpakan na itinalaga bilang araw ng mahimalang pamamagitan ni Yahuwah kay Maria!

Mga Kapighatian at Kaluwalhatian (mula sa isang Pananaw ng Kaharian) “Sapagkat napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin” (Roma 8:18). “Ngunit taglay namin ang kayamanang ito [ang liwanag ng kaalaman ng kaluwalhatian at Kaharian ni Yahuwah] sa mga sisidlang-lupa, upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula kay Yahuwah, at huwag mula sa aming sarili; Sa magkabikabila ay nangagigipit kami, gayon ma’y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma’y hindi nangawawalan ng pagasa; Pinaguusig, gayon ma’y hindi pinababayaan; inilulugmok, gayon ma’y hindi nangasisira; Laging saan ma’y tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Yahushua, upang ang buhay ni Yahushua ay mahayag naman sa aming katawan. Sapagkat kaming nangabubuhay ay laging ibinibigay sa kamatayan dahil kay Yahushua, upang ang buhay naman ni Yahushua ay mahayag sa aming lamang may kamatayan…Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama’t ang aming pagkataong labas ay pahina, ngunit ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw. Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan; Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagkat ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa’t ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan” (2 Corinto 4:7-11, 16-18). Maliwanag, sa antas na yayakapin natin ang pag-asa ng kaluwalhatian ng Kaharian na ipinakita sa ating lahat sa panahong darating (ang walang hanggan), tayo’y naghahanda na maging ganap ngayon sa ating saloobin sa kasalukuyang kapighatian: “Sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ni Yahuwah” (Mga Gawa 14:22).

babaeng-umiiyak

“Upang makilala ko siya, at ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan, na ako’y natutulad sa kaniyang pagkamatay” (Filipos 3:10; tingnan ang Lucas 14:14; Daniel 12:2).

Ang ating pagkakakilanlan kay Kristo Yahushua ay sangkot ang kapighatian kasama niya nang pansamantala sa kasalukuyan habang matiyagang naghihintay para sa kanyang maluwalhati, walang hanggang pag-asa ng panahon na paparating!

Ang buong isyu na ito ng hindi matuwid na kapighatian ay nagtatapos sa pagkapit sa mga maagang pangangaral ni Yahushua sa Sermon sa Bundok. Ito’y maaari na minsan ay nakakatukso na gumanti sa mga personal na atake sa isang talim ng depensibong dangal. Patuloy, kung tayo’y mga may takot kay Yahuwah sa mga pangangaral ni Yahushua at halimbawa, tayo’y naghihirap nang may dignidad at kapatawaran (nang walang mapait, mga sarkastikong komento, atbp.) habang inilalagay ang ating mga paningin nang patas sa kanyang maluwalhating pagbabalik at ang panghinaharap na muling pagkabuhay sa panahon na paparating!

“Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagkat sila’y tatawaging mga anak ni Yahuwah. Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagkat kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sari-saring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin. Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagkat gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo” (Mateo 5:9-12).

utang na loob


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Kenneth LaPrade.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC