Print

Ang Jerusalem Sa Bibliya At Sa Buong Kasaysayan

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Ang Jerusalem Sa Bibliya At Sa Buong Kasaysayan

Melquisedec, Abraham At Jerusalem

Mababasa natin sa aklat ng Genesis na si Abraham ay nilapitan ng isang misteryosong saserdote ng Kataas-taasang Yahuwah na ang pangalan ay nangangahulugang “ang matuwid na hari.” Mismo, ito’y nakakaintriga, ngunit ito kung saan siya nagmula ang lubos na kawili-wili sa atin. Siya ay mula sa Salem, na tinutukoy ng karamihan sa mga iskolar bilang isang sinaunang siyudad na Canaanite. Ang Hari ng Salem ay dumating kasama ang tinapay, at alak, mga pagpapala para kay Abraham.

At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y saserdote ng Kataas-taasang Yahuwah. (Genesis 14:18, Awit 110:4-7)

Isinulat ni Randall Price,

Noong si Abraham sa huli ay nakasama ang isang kumakatawan sa siyudad na natagpuan niya na si Yahuwah ay naririto na, sapagkat ang kumakatawan ay ang Haring Canaanite, si Melquisedec, na isang saserdote ng Kataas-taasang Yahuwah (Genesis 14:18). Isipin ang propetikong kaugnayan rito para sa panghinaharap na papel ng Jerusalem sa Mesias, sapagkat sa Hebreo, ang pangalan ay nangangahulugang hari ng pagkamatuwid at ang makasaysayang Hari ng Jerusalem na ito ay dumating upang ipakita ang isang kaloob sa ama ng lahat ng Israel.1

Nagdagdag si Price,

Nakakuha tayo ng isa pang pahiwatig tungkol sa Jerusalem mula sa Genesis 22 kung saan si Yahuwah ay tinawagan si Abraham na paslangin ang kanyang anak na si Isaac, ngunit ang Panginoon ay pinigilan ang kamay ni Abraham at namuhay si Isaac. Isang tupa ang nahuli at ginamit bilang isang pamalit na sakripisyo. Lahat ng ito ay naganap sa Bundok Moria, ang kaparehong hanay ng mga bundok kung saan ang Jerusalem at ang Templo ay itatayo. Kaya sa isang diwa, ang kabanatang ito at ang karanasan ni Abraham ay muling inilarawan ang isang panghinaharap na siyudad at ang Templo kung saan ang parehong pagsasakripisyo ng hayop ay ginawa at tuluyan ang sakripisyo ni Yahushua Mesias ay ginawa para sa parehong Hudyo at Hentil.2

Abraham at Isaac

Ang Propeta Moises At Jerusalem

Isa pang mahalagang susi sa pagkakaunawa sa plano ni Yahuwah para sa Jerusalem ay matatagpuan sa Exodo 15:17 kung saan isinulat ni Moises,

“Sila’y iyong papapasukin, at sila’y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana, Sa dako, Oh Panginoon, na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan, Sa santuario, Oh Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay.”

Malinaw na sinasabi niya ang Jerusalem at ang Templo, na itatatag sa isang araw ni Haring David at mas tiyakan, ang Templo, ng kanyang anak na si Solomon.

Isang karagdagang sipi ang sumasalamin sa kaparehong propetikong layon ay matatagpuan sa 2 Paralipomeno 6:6 kung saan mababasa natin,

“Kundi aking pinili ang Jerusalem upang ang Aking pangalan ay dumoon; Aking pinili si David upang mamahala sa Aking bayang Israel.”

Sa siping ito, isang pagkakaugnay ang itinatag sa pagitan ng Jerusalem at ang mga inapo ni David na mamumuno para kay Yahuwah mula sa banal na siyudad. Ito’y magiging totoo sa hinaharap kapag ang dakilang Anak ni David, si Yahushua ang Mesianikong Hari ay mamumuno sa isang walang hanggang Davidikong kaharian at ang kanyang trono ay itatatag sa Jerusalem. Ang kwentong ito ay naaayon sa buong Bibliya dahil ang Jerusalem ay nahulaan na magiging bansa at espiritwal na kabisera ng Israel at higit sa lahat ang buong sanlibutan.

Ang Jerusalem mula sa simula ay isang siyudad ng tadhana, natatangi para sa isang sentrong papel sa plano ni Yahuwah sa loob ng maraming panahon.

Haring David, Jerusalem At Ang Templo

Ang Jerusalem ay isang siyudad na hindi tulad ng iba, hindi dahil sa palasyo ng Hari, kundi dahil ito ang lugar ng tahanan ni Yahuwah—ang Templo. Ang Templo ay ang puso ng Jerusalem at nagtuturing sa Jerusalem na isang sagradong siyudad. Ang koneksyon sa pagitan ng pulitikal at pambansang pamamahala ay mahalaga ngunit anong tunay na nagtataas sa Jerusalem ay ang kaugnayan sa pagitan ng siyudad na ito at ni Yahuwah, na tumawag sa bayang Hudyo na maging isang liwanag ng mga bansa.

Ang Templo ng Jerusalem, hindi ang palasyo, ay kung saan ang tunay na kapangyarihan ay nananahan.

Dahil dito ang trono ay nangangailangan na sumailalim sa Templo upang maging matagumpay. Kung kailan man ang tuntuning ito ay nawasak ang bansa ay nagdusa at sa huli ang Jerusalem ay naramdaman ang pinakamasakit na dulot ng pagsuway ng Israel at karaniwan ang punto ng tampulan ng paghuhukom.

Ito ang nasa puso ng dayalogo ni David sa Panginoon noong siya ay inalok na magtayo ng isang tahanan, ngunit sinabi ni Yahuwah na hindi Niya nais na si David ang magtayo nito kundi ang kanyang anak na si Solomon upang tuparin ang pangarap. Sa halip, itatayo ni Yahuwah mula kay David ang isang dinastiya ng mga lider mula sa kanyang mga inapo (2 Samuel 7:16). Nalalaman rin natin na ang dakilang anak ni David, si Kristo Yahushua, ay mamumuno sa Davidikong trono kapag siya ay bumalik at tinutupad ang propesiya ng Isaias 9:6-7. Sa araw na iyon, ang tatlong pinahirang mga opisina sa Israel; propeta, saserdote, at hari, ay ipapahayag ng Isang pinahiran, ang Anak ni Yahuwah, si Yahushua.

Ang sentrong piraso at kaluluwa ng banal na siyudad hanggang sa panahong ito ay ang Templo na nagsisilbing paalala sa Israel ng kanilang pangangailangan para sa pagbabayad-sisi at ng sentralidad ng presensya ni Yahuwah sa kanilang paligid.

Hinatid Ni David Ang Kaban Pabalik Sa Jerusalem

Nalaman ni David na ang kapangyarihan ng bayan ay nananahan sa presensya at kapangyarihan ni Yahuwah, na naisalokal sa kaban. Hanggang sa maibalik ni David ang kaban sa Jerusalem, ang kapitolyong siyudad ay hindi pa sagrado. Kaya ginawa ni David na isa sa mga una niyang tungkulin bilang hari ay ibalik ang kaban sa Jerusalem. Sa huli, nais niya na magtayo ng isang mas permanenteng tahanan at Templo para sa presensya ni Yahuwah.

“At pinisan uli ni David ang lahat na piling lalake sa Israel, na tatlong pung libo. At bumangon si David at yumaon na kasama ng buong bayan na nasa kaniya, mula sa Baale Juda, upang iahon mula roon ang kaban ni Yahuwah, na tinatawag sa Pangalan, sa makatuwid baga’y sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, na tumatahan sa gitna ng mga querubin.” (2 Samuel 6:1-2)

Baale-Judah ay ang isa pang pangalan para sa Israel na siyudad kung saan ang kaban ay hawak.3

Nagkomento ang ekspositor ng Bibliya na si Chuck Swindoll,

“Ngayo’y unawain, mula sa panahon ni David, ang sentrong lugar ng pagsamba ay hindi ang mananampalataya kundi ang tolda. At sa ilalim ng mahina, mapagpabayang pamumuno ni Saul, ang diin sa tolda ay inanod nang palayo. Sa panahong ito, isang partikular na piraso ng banal na kasangkapan ang nahiwalay mula sa tolda. Kung maaari mong paniwalaan ito, ang kaaway ay inilipat ang kaban ng tipan.”4

Nagpapatuloy si Swindoll sa kanyang pahayag ng biblikal na kasaysayan,

“Buhat nang ito’y kumatawan sa presensya ni Yahuwah, ito ang pinakabanal na lugar sa lupa. Ngayon, noong nanungkulan si David sa trono, natanto niya na walang kaban ng tipan . . . walang sentrong lugar ng pagsamba. Ang espiritwal na paglalakad ng bayan ng Israel, dahil dito, ay nagiging pangkaraniwan. Ang kanilang puso ay anumang bagay kundi mainit sa likod ni Yahuwah. Sapagkat ang kanilang lider, si David ay nalaman na kailangan niyang ibalik ang piraso ng sagradong kasangkapan sa nararapat nitong lugar. Kailangan niya itong itakda dahil si Yahuwah ang nagdisenyo nito.”5

“Naghanda si David para sa pagtatayo ng Templo, na pagkatapos ay itatayo ng kanyang anak na si Solomon. Bumili siya ng lupain na pagtatayuan ng Templo (2 Samuel 24:18-25), lumikha ng mga plano at nagtakda ng mga pondo sa pamamagitan ng mga natatanggap na pag-aalay (1 Paralipomeno 28:11-18, 29:1-9). Malinaw na naunawaan ni David ang dugtong sa pagitan ng saserdote at hari, sa pagitan ng pambansa at espiritwal na buhay ng bayan…kung wala ang isa, hindi ka maaaring magkaroon ng iba na matatag! (1 Paralipomeno 29:10-20)”

tanawin sa himpapawid ng lumang siyudad at simboryo

Nahati Ang Jerusalem At Israel

Makikita natin ang paglalahad sa ibabaw ganon din sa buong biblikal na kasaysayan ang bayan ay nahati matapos ang paghahari ni Solomon. Si Roboam ang naging lider ng Katimugang kaharian at si Jeroboam ng Hilaga. Ang Jerusalem ay nanatiling kabisera at sentro ng kwento sa Timog, Juda; at Samaria, ang huwad na kabisera ng Hilagang Kaharian. Ang dibisyon ay naganap noong 935 BC at nagwakas sa dalawang yugto: sa pagkawasak ng Hilagang Kaharian noong 722 BC at ng Timog noong 586 BC.

Ang mga Hilagang tribo ay sinakop ng mga Asirya noong 722 BC at ang bayan ng Hudyo mula sa sampung tribo na namumuhay sa lugar ay nagkalat, kasama ang mga Levita na namumuhay sa Hilagang Kaharian rin. Ang mga Babilonya ay winasak ang Templo at ang siyudad noong 586 BC. (Tingnan ang Jeremias 52:1-30).

Ang Pagbagsak ng Jerusalem at Pagkawasak ng mga Templo

Ang Muling Pagtatayo Ng Jerusalem Sa Ilalim Nina Ezra At Nehemias

Ang bayan ng Hudyo ay nanatili sa pagkakatapon sa loob ng 70 taon kapag ayon sa propesiya ni Jeremias sa Jeremias 25:11-12, ang pamumunong Babilonyan ay papalitan ng Medo-Persian. Ang mga Hudyong mananalaysay ay sinasabi sa atin na ang pamumunong Persian ay tumindig kumpara sa mga pamumunong Asirya at Babilonya dahil ang mga Persiano ay hinikayat ang pagkakaroon ng kasarinlan at pambansang pamumuno ng mga bansang sinakop nila.

Ang mga Asiryan at mga Babilonyan ay ginamit ang malawakang pagkakatapon upang lipulin ang mga tanyag na kilusan para sa pambansang kasarinlan at mapanatili ang kapayapaan sa loob ng kanilang malawak na imperyo. Si Haring Ciro ng Persia, na sumakop ng Babilonya at nagtatag ng isang mas malaking imperyo, ay binaligtad ang polisiyang ito at pinahintulutan ang lokal na pangrelihiyong kasarinlan. Ang Jerusalem ay naging kabisera ng Yehud (ipinangalan para sa tribo ng Juda; karamihan sa mga Hudyo ay inapon ng tribo ng Juda) isang munting Persianong probinsya na 40 kilometro sa 50 kilometro. Ang aklat ni Ezra ay nagbubukas sa panawagan ni Ciro sa mga Hudyo na bumalik sa kanilang lupain at muling itayo ang kanilang templo (noong 538 BC).6

Ang pagbabalik upang muling itayo ang Templo at ang siyudad ng Jerusalem ay inilarawan sa Aklat ni Ezra.

Nang unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang diwa ni Ciro na hari sa Persia, na siya’y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi:

“Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, ‘Ibinigay sa akin ni Yahuwah, ng Diyos ng langit, ang lahat na kaharian sa lupa; at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan, sumakaniya nawa ang kaniyang Yahuwah, at umahon siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at itayo ang bahay ni Yahuwah, ng Diyos ng Israel, (siya’y Diyos,) na nasa Jerusalem. At sinomang naiwan sa alinmang dako na kaniyang pinakikipamayanan, tulungan siya ng mga lalake sa kaniyang kinaroroonan ng pilak, at ng ginto, at ng mga pag-aari, at ng mga hayop, bukod sa kusang handog sa bahay ni Yahuwah na nasa Jerusalem.’” (Ezra 1:1-4)

Isang nalalabi ng bayan ng Hudyo ang bumalik mula sa 70 taong pagkakatapon sa pangunguna nila Sesbassar at Zorobabel

Ang muling pagtatayo ay kumplikado at naantala dahil sa lokal na oposisyon, at ang pagtatayo ng ikalawang templo na ito ay natapos sa loob ng limang taon, nagsimula noong 521 BC at natapos noong 516 BC.

Ang siyudad ng Jerusalem ay muling itinayo ngunit hindi naabot ang antas ng karingalan na nauna nitong taglay hanggang sa pamumuno ni Herod. Ngunit, maging ang kaluwalhatian ng pinalawak na Ikalawang Templo at dagdag pang muling pagtatayo ng siyudad ng Jerusalem ay hindi gaanong umayon sa ipinangakong muling pagtatayo ng siyudad at bayan ng Israel – tinataliwas ang pagkawasak ng parehong hilaga at timugang kaharian na nailarawan ni Jeremias. Sa Jeremias 29:10-14.

Tila ang propeta ay mayroong mas maluwalhating hinaharap para sa Jerusalem at sa bansang Israel na lalagpas pa sa muling pagpapanumbalik sa ilalim nina Ezra at Nehemias at lagpas din kay Herod.

Ang Pagkawasak Ng Jerusalem Sa Bagong Tipan

Ang ikalawang pagpapakalat sa bayan ng mga Hudyo ay dumating noong 70 AD, noong ang mga Romano ay sinira ang Templo nang bato sa bato at winasak ang siyudad, kinukuha ang bayan tungo sa isa pang dalawang libong taon ng pagkakatapon. (Mateo 23:37-39, Lucas 21:21-24). Nawasak ang Masada noong 73 AD at nalalaman natin ang parada ng tagumpay para kay Titus ay naganap noong 83 AD at inilarawan sa maluwag na larawang nakaukit sa kilalang Arko ni Titus na naglalarawan ng mga Romanong sundalo na nagdadala ng mga piraso ng kasangkapan ng Templo tungo sa Roma. Ang Jerusalem ay maaari lamang na siyudad na nilayon ni Yahuwah kapag Siya ay binigyang-pugay sa paligid ng bayan ng Hudyo na namumuhay sa sagradong siyudad.

Ang Pagkawasak Ng Jerusalem Noong 132 AD

May isa pang pagkawasak ng siyudad noong 132 AD matapos ang pag-aalsang Bar Kochba, na panghuling pako sa ataul ng estadong Hudyo na umiral sa loob ng 1,000 taon. Sa puntong ito ang mga Romano ay ginawang siyudad ng Hentil ang Jerusalem at binigyang ito ng isang bagong pangalan, Aelia Capitolina.

Ang Aelia ay nagmula sa pamilyang pangalan ng emperador (Aelius, mula sa gens Aelia), at ang Capitolina ay tinutukoy ang kulto ng Capitoline Triad (Jupiter, Juno at Minerva).

Ang kasalukuyang pader ng Lumang Siyudad ay itinayo ng mga Ottoman noong ika-16 na siglo, ngunit batayang sinundan nila ang kurso ng Romanong pader.

mga liwanag ng siyudad ng jerusalem

Yahushua At Jerusalem

Kamakailan, naghangad ang UNESCO na paghiwalayin ang mga Hudyo mula sa Jerusalem at Templo. Sa paggawa nito, tinanggihan nila ang pagkapukaw ng parehong Luma at Bagong Tipan. Ito ay nakakasakit sa parehong relihiyosong Hudyo at Kristyano dahil ang parehong pangkat na naniwala sa Bibliya na totoo at naunawaan na si Yahushua ay mayroong saganang kasaysayan sa sagradong siyudad.

Nagpatakbo ng isang petisyon ang Chosen People Ministries upang makakuha ng suporta sa mga Ebanghelikong Kristyano na manindigan laban sa pasyang ito ng UNESCO,

Bilang mga nababahalang Amerikano, kami’y nalulungkot sa kamakailang resolusyon ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) sa pagtanggi sa lahat ng mga biblikal at makasaysayang dugtong sa pagitan ng mga Hudyo at Jerusalem, pinagtibay noong Oktubre 13, 2016. Ang resolusyong “Occupied Palestine” ay pinapahina ang sagradong bigkis sa pagitan ng mga Hudyo at Kristyano sa mga banal na lugar sa Jerusalem at sa buong Israel.

Ang mandato ng UNESCO ay ipinapahayag na ang kanilang layunin ay para itaguyod ang pagkakaunawa “sa mga bansa at interkultural na pagkakaunawa sa pagprotekta ng pamana at pagtataguyod ng kultural na pagkakaiba.” Subalit, paano ito magiging totoo kung ang UNESCO ay nawalan ng kapitagan sa pananaw ng Bibliya na niyakap ng parehong Hudyo at Kristyano sa buong mundo? Ang mga aksyon na ito ay magdadagdag lamang ng mga tensyon sa pagitan ng mga Hudyo, mga Kristyano, at mga Muslim.

Dagdag pa, ang resolusyon:

Huwad na inaangkin na ang Israel ay isang sumasakop na bansa, nagpapahiwatig na ang Silangang Jerusalem, kung hindi lahat ng Jerusalem, ay nabibilang sa mga Palestinians.

Huwad na inaangkin na ang mga Israelita ay winawasak ang sagradong lugar ng Palestinian sa pamamagitan ng arkeolohikal na pagsasaliksik, na matiyagang hindi totoo.

Huwad na inaangkin na ang Templo at ang mga lugar na nakapaligid sa Kanlurang Pader at lumang siyudad ng Jerusalem ay tanging mga Palestinian na lugar lamang. Sa pagtanggi ng terminong Hebreo para sa lugar – Har HaBayit – at ang katumbas nito sa Ingles, ang Temple Mount at ginagamit lamang ang Muslim o Arabikong pangalan nito – Al-Aqsa Mosque at Haram Al-Sharif – ang resolusyon ay nagpapakita ng isang nakahilig at may kinikilingang representasyon ng kasaysayan.

Huwad na inaangkin na walang Hudyong koneksyon sa Hebron, na inaangkin ng Bibliya na lugar ng libingan ni Rebeca, ang asawa ni Isaac, at ang Bethlehem, ang lugar ng kapanganakan ni Ruth, David, at Yahushua.

Ang General Director ng UNESCO, si Irina Boskova, ay tinanggihan ang resolusyon at isinulat,

Wala saanman na higit pa sa Jerusalem na ang Hudyo, Kristyano at Muslim na mga pamana at tradisyon ay nagbabahagi ng puwang at paghahabi sa punto na sila’y nagtataguyod sa isa’t isa. Ang mga kultural at espiritwal na tradisyon na ito ay itinayo sa mga teksto at mga sanggunian, nalalaman ng lahat, na isang tunay na bahagi ng mga pagkakakilanlan at kasaysayan ng mga tao. Sa Torah, ang Jerusalem ang kabisera ni Haring David, kung saan si Solomon ay nagtayo ng Templo at inilagay ang Kaban ng Tipan. Sa Bibliya, ang Jerusalem ay ang siyudad ng pasyon at muling pagkabuhay ni Kristo Yahushua. Sa Koran, ang Jerusalem ay ang ikatlong pinakabanal na lugar sa Islam, kung saan si Muhammad ay dumating matapos ang kanyang pang-gabing paglalakbay mula sa Al Haram Mosq (Mecca) hanggang Al Aqsa. Para sa mga nababahala tungkol sa bayang Hudyo, ang pananampalataya sa Bibliya at pagpaparangal sa Hudeo-Kristyanong tradisyon ay naging mahalaga sa ating bansa, nananawagan tayo sa UNESCO na bawiin ang resolusyon at kilalanin ang makasaysayan at sagradong relasyon sa pagitan ng mga Hudyo at lahat ng Jerusalem, kabilang ang Templo, kinikilala na ang mga lugar na ito ay banal sa lahat ng tatlong pananampalataya.

Mga Pagbisita Ni Yahushua Sa Jerusalem

Ang Bagong Tipan, gaya ng Luma, ay ginagawa ang Jerusalem na sentro ng mga Ebanghelyo o Mabuting Balita at mga talaan ng relasyon ni Yahushua sa siyudad ng Jerusalem mula sa kanyang pagkabata.

Tiyak na hindi natin maaaring suriin sa anumang lalim ang lahat ng nagawa, sinabi, at maging naramdaman ng Tagapaglitas tungkol sa Jerusalem. Maaari lamang nating ipakita ang ilan sa mga natatanging pagkakataon upang magbigay sa atin ng isang damdamin para sa relasyon sa pagitan ni Yahushua at Jerusalem, na syempre, pinapawalang-bisa ang mga huwad na pahayag ng UNESCO at lahat ng magpapatibay sa salungat sa katuwiran na pahayag na ito.

Tumungo si Yahushua sa Jerusalem kasama ang kanyang pamilya sa araw ng Paskua at siya’y nanatili upang makipag-usap sa mga rabi o guro.

“Makalipas ang tatlong araw, natagpuan nila ito na nakaupo sa templo, sa kalagitnaan ng mga guro—nakikinig at nagtatanong sa kanila. Ang lahat ng nakapakinig sa kanya ay manghang-mangha sa kanyang katalinuhan at mga sagot.” (Lucas 2:46-47)

“Subalit pagkaalis ng kanyang mga kapatid patungo sa pista, pumunta din siya nang palihim at walang pinagsabihan sinuman. Nang kalagitnaan na ng pista ay nagpunta si Yahushua sa templo at nagturo.” (Juan 7:10, 14)

Tumangis Siya Sa Siyudad

Lucas 19:41-44

Nang papalapit na siya sa Jerusalem at natatanaw na niya ang lungsod, ito’y kanyang tinangisan. Sinabi niya, “Kung alam mo lang sana sa araw na ito kung ano ang magdudulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit ngayon, itinago ang mga ito sa iyong mga mata. Sapagkat darating sa iyo ang mga araw na magtatayo ng moog ang iyong mga kaaway at palilibutan ka nila at lulusubin ka nila sa bawat panig. Ibabagsak ka nila sa lupa, ikaw at ang iyong mga anak na nasa iyo. Wala silang ititirang bato na nasa ibabaw ng ibang bato; sapagkat hindi mo kinilala ang panahon ng pagdalaw sa iyo ni Yahuwah.”

Naglakad si Yahushua patungo sa Jerusalem at patungo sa kanyang kamatayan sa anong inilarawan bilang kanyang nagtatagumpay na pagpasok. Ang kanyang ruta ay dadalhin siya mula sa Betania hanggang sa Templo, pababa sa isang mahabang dalisdis na katabi ng Bundok ng Olibo. Noong nakita ni Yahushua ang banal na siyudad, sinasabi sa atin ni Lucas na siya’y tumangis. Si Yahushua ang pinakadakila sa mga propeta at nalalaman ang agarang hinaharap ng Jerusalem, na inilalarawan niya sa dakilang detalye sa kabanata 21 ng Lucas. Ang agarang hinaharap ng Jerusalem at ng Templo ay mawawasak sa loob ng isang henerasyon. Ang susing parirala sa siping ito ay noong sinasabi niya na ang mga tao ng Jerusalem, naghihintay para sa kanya na pangunahan sila sa isang pulitikal na tagumpay, na walang darating; sa katunayan, ang mga Hudyo ay hindi nakilala ang panahon ng kanilang pagbisita. (Lucas 19:44)

siyudad ng jerusalem israel

Ang Lugar Ng Ilan Sa Kanyang Pinakadakilang Pahayag

Pista ng mga Tolda

Sa huli at natatanging araw ng pista, tumayo si Yahushua at sumigaw. Sinabi niya, “Lumapit sa akin ang sinumang nauuhaw at uminom. Ang sumasampalataya sa akin, tulad ng sinabi ng kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang ilog ng tubig ng buhay.’ ” Sinabi niya ito tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Hindi pa naibibigay ang Espiritu, sapagkat hindi pa naluluwalhati si Yahushua. (Juan 7:37-39)

Paskua

Dumampot siya ng tinapay, at matapos magpasalamat ay pinagputul-putol ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na ibinibigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Matapos kumain, ganoon din ang ginawa niya sa kopa, sinabi niya, “Ang kopang ito ang bagong tipan sa aking dugo na nabubuhos para sa inyo.” (Lucas 22:19-20)

Mga Panalangin

Ang Itaas na Silid

Nanalangin si Yahushua sa Juan 17 para sa kabutihan ng kanyang mga alagad, sa parehong kasalukuyan at hinaharap.

“Nakikiusap ako hindi lamang para sa mga taong ito, kundi para rin sa mga sumasampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita, upang silang lahat ay maging isa, tulad mo, Ama, na nasa akin at ako’y nasa iyo, na sila rin ay mapasaatin, upang ang sanlibutan ay maniwala na ako’y isinugo mo.” (Juan 17:20-21)

Ang Hardin ng Getsemani

Pagkatapos ay pumunta si Yahushua na kasama ang mga alagad sa isang pook na tinatawag na Getsemani, at sinabi niya sa kanila, “Maupo kayo rito. Pupunta muna ako sa banda roon at mananalangin.” (Mateo 26:36-46)

Kanyang Pagpako sa Krus at Muling Pagkabuhay

“Mula noon ay nagsimula si Yahushua na tahasang sabihin sa kanyang mga alagad na kailangang pumunta siya sa Jerusalem, at magdusa ng maraming bagay sa kamay ng matatandang pinuno, at sa mga pinunong pari at sa mga tagapagturo ng Kautusan. Doon, siya’y papatayin at sa ikatlong araw ay muling bubuhayin.” (Mateo 16:21)

Kanyang Nahulaang Pagbabalik, Paghahari, at Pamamahala

“At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan.” (Zacarias 14:4)

“Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.” (Isaias 9:7)

Ang Sentro Ng Katubusan Ng Sanlibutan

“Sa araw na yaon ay mabubuksan ang isang bukal sa sangbahayan ni David at sa mga mananahan sa Jerusalem, sa kasalanan, at sa karumihan.” (Zacarias 13:1)

Ang dakilang araw ng kapatawaran ng mga Hudyo ay magaganap kapag ang nalalabi ng Israel ay tumungo kay Yahushua, ayon sa Zacarias 12:10 at Roma 11:25, na magaganap sa Jerusalem.

Jerusalem, Ang Kapanganakan Ng Ekklesia At Ang Dakilang Komisyon

Ang Ekklesia, ang Katawan ng Mesias, ay isinilang sa Jerusalem at ang mensahe ng Ebanghelyo ay ang panimulang punto rin para sa proklamasyon ng Mabuting Balita ng kanyang mga alagad rin. Ito ay hindi pangyayari sapagkat ang Jerusalem ay ang bukal ng Katubusan.

Ang kwento ng katubusan ay nagsimula sa Jerusalem sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Yahushua at nagwawakas sa pamumuno ni Yahushua sa Kanyang kaharian mula sa Jerusalem.

Pagwawakas

Ang Jerusalem ay isang siyudad ng mga Hudyo, ayon sa Bibliya. Ito’y mayroong dakilang nakaraan, mapaghamong kasalukuyan at maluwalhating hinaharap. Paano posibleng hindi maunawaan ng mga ebanghelista na ang Jerusalem ay isang literal na siyudad, ang biblikal at makasaysayang kabisera ng Israel? Napakarami sa mga dakilang Patnyarka ng Bibliya ay sumasang-ayon lahat sa napakahalagang angkin na ito. Ang Jerusalem noon at palagi ay ang kabisera ng Israel at ang panghinaharap na tahanan ni Yahushua sa kanyang pagbabalik. Nauunawaan natin na sa panghinaharap na Jerusalem, ang mga bansa ay uutusan na lumapit at sambahin ang Hari sa panahon ng Pista ng mga Tolda (Zacarias 14:16-19). Nauunawaan rin natin na ang unang ekklesia ay isinilang sa dakilang siyudad na ito, na ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ay nagsimula rito (Mga Gawa 1:8), na ang kaligtasan ay ng mga Hudyo (Juan 4:24), at isang araw, na inilararawan ni Isaias, ang kaharian ay magkakaroon ng lokus nito sa mismong siyudad ng Jerusalem.

Bilang mga tagasunod ni Yahushua at mga tao na sumasampalataya sa Bibliya, dapat nating basahin ang teksto nang literal at pahintulutan ang mga salita ng Kasulatan upang punuin ang ating mga kaluluwa, ipabatid sa ating mga kaisipan, at pamahalaan ang ating mga kilos. Sukdulan ba ang kalinawan na ang Jerusalem ay dapat na kabisera ng modernong estado ng Israel? Ang patotoo ay, ang Bibliya ay hindi tahasang kinilala ang pagkakaiba sa pagitan ng Israel, na binuo noong 1948, at ang panghinaharap na Mesianikong kabisera. Nalalaman natin kung ano ang magiging hitsura ng panghuling bansa ng Israel kapag ang mga pangako ni Yahuwah ay literal na natupad sa muling pagdating ng Mesias.

Marahil dapat tayong magsimula rito – sa anong nalalaman natin. Kung may nagtanong sa akin, “ang Jerusalem ba ay ang kabisera ng Israel, o ito ba ay magiging kabisera ng Israel, ayon sa Bibliya?” ang aking kasagutan ay isang matunog na oo. Ngunit buhat nang wala tayong mga embahada sa Bibliya, ako’y lalampas muna rito! Ngunit, kung tradisyonal, ang mga embahada ay inilagay sa kabiserang siyudad ng isang bansa ay sasabihin ko na tiyak na oo. Nasa atin na nag-aaral ng Bibliya na magpasya batay sa biblikal na patotoo at hindi pahihintulutan ang mga pulitika na magmaneho ng ating pagkakaunawa ng sanlibutan.

Panahon na para sa parehong mga Hudyo at mga Kristyano na maunawaan ang napukaw, hindi nagkakamaling teksto bilang literal hangga’t posible at para tumingin sa nagpapatuloy na papel ng bansang Israel sa pamamagitan ng isang biblikal na lente. Ito’y magbibigay ng isang nakatutulong na landas sa pag-uunawa kung anong ating pinaniniwalaan tungkol sa siyudad ng Jerusalem at ng bansang Israel.

Ang Panghinaharap Na Jerusalem

Mayroong dalawang panghinaharap na Jerusalem na nailarawan sa Bibliya. Ang una ay ang Jerusalem, kung saan si Kristo Yahushua ay magtatatag ng kanyang trono. Ito ay inilarawan ng propeta na si Isaias sa Isaias 9:7,

“Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.”

Ang pagbabalik ni Yahushua sa Jerusalem at ang paa na tumitindig sa Bundok ng Olibo sa kanyang pagbabalik; ang kanyang mga kaaway ay hinatulan, naligtas at pinanumbalik ang Israel, at siya ay nakaupo bilang Mesianikong Hari sa kanyang nararapat na Davidikong trono (Zacarias 14:2-3, 2 Samuel 7:14, Awit 89:3-4)

Ang ikalawang panghinaharap na Jerusalem ay ang isa na inilarawan ni Apostol Juan. Ayon sa apostol, ang siyudad na ito ay darating mula sa langit at magiging tahanan ng mga tinubos na sangkatauhan magpakailanman.

Isinulat ni Juan,

“Habang nasa Espiritu, dinala niya ako sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita niya sa akin ang banal na lungsod ng Jerusalem na bumababa mula sa langit, galing kay Yahuwah.” (Pahayag 21:10)

Ang napakagandang makalangit na Jerusalem na ito ay ang tadhana ng siyudad na pinili ni Yahuwah para sa Kanyang mga layunin. Ang isang Jerusalem ay hindi pinapalitan ang iba, kundi ang bawat bersyon ay tinutupad ang mga layunin ni Yahuwah para sa partikular na panahon. Ang kasalukuyang Jerusalem ay tutuparin ang layunin nito, gaya ng paparating na Jerusalem, at pagkatapos ay sa huli, ang sukdulang Jerusalem ay lilitaw mula sa langit sa lahat ng kaluwalhatian nito at magiging tahanan para sa mga hinirang ni Yahuwah magpakailanman.

Nawa’y ang kasalukuyang Jerusalem ay magpapaalala sa atin sa bawat araw ng anong darating.

Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: “sila’y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.” (Awit 122:6)

kanlurang pader sa gabi


1 Price and Harvest House Publishers, Jerusalem in Prophecy, 81.

2 Ibid.

3 Baale-Jehudah ay isa pang pangalan ng siyudad ng Kirjath-jearim (Josue 15:60; 18:14), na tinawag na Baalah sa Josue 15:9 at 1 Paralipomeno 13:6, ayon sa pangalang Canaanite nito, sa halip na ang pangalan na Kirjath-jearim (siyudad ng kakahuyan) ang inampon ng mga Israelita, bagama’t nang walang ganap na pagpapalit ng dating pangalan.

F.Keil and C.F. Deltizsch “2 Chronicles 6:2” Commentary on the Old Testament Volume 3,(Place: Hendrikson Publishers, 1996)

4 Swindoll, David, 145.

5 Ibid., 145–46.

6 Yisrael Shalem, “ Jerusalem: Life throughout the Ages in a Holy City” Bar-Ilan University, Ingeborg Rennert Center for Jerusalem Studies accessed August 18, 2017 https://www.biu.ac.il/JS/rennert/history_4.html.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong pinagkunan mula sa https://www.chosenpeople.com/jerusalem-in-the-bible/.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC