Print

Ang Lihim ng Pagtatagumpay: Tinataglay ang Pananalig ni Yahushua

Naglalaman ang Pahayag 14 ng isang kawili-wiling paglalarawan ng huling henerasyon: “Walang lumabas na kasinungalingan sa kanilang bibig; walang anumang maipaparatang laban sa kanila.” “Sila na tumutupad sa mga utos ni Yahuwah at patuloy na sumasampalataya kay Yahushua.” (Tingnan ang Pahayag 14:5 at 12.) Ang huling henerasyon ay natatangi dahil, sa lahat ng mga henerasyon na nabuhay, sila’y inilarawan na “walang anumang maipaparatang” at ito’y dahil tumutupad sila sa utos ni Yahuwah at patuloy na sumasampalataya kay Yahushua.

Ang “patuloy” ay nangangahulugang higit pa sa pagtataglay. Ito rin ay nangangahulugang binabantayan at inaalagaan. Ang huling henerasyon ay walang anumang maipaparatang sa harap ni Yah dahil sila’y patuloy, nagbabantay, at nangangalaga ng pananalig ni Yahushua. Ito, ang pananalig ni Yahushua, ay anong nagpapagana sa kanila na panatilihin ang banal na kautusan at walang maipaparatang sa kanila.

Maraming pagkalito sa katumpakan kung ano ang “pananalig ni Yahushua.” Ang ilan ay nagtaka kung ito ay pananalig kay Yahushua. Ang patotoo ay, mayroong dalawa: ang pananalig KAY Yahushua at ang pananalig NI Yahushua. Ang dalawang ito’y kinakailangan para sa kaligtasan.

Ang pagsasama-sama ng pagkalito para sa marami ay isang maling pagkakaunawa kung ano, nang tumpakan, ang mismong pananalig! Maraming tao ay ipinalagay na, maliban kung mayroon silang ilang paglipad ng mabubuting damdamin, sila’y nagkukulang ng pananalig. Tumangis sila sa pagkukulang na ito, sinasariwa ang mga sandaling nararamdamang puno sila ng pananalig at sila’y sinusubukang pagsamahin ang mga mabubuting damdamin, humahantong lamang na maramdaman ang tulad ng mga pagkabigo kapag ang kanilang damdamin ay hindi nagbabago. Ito ay isang nakapanlulumong pagkakamali. Ang pananalig ay hindi damdamin! Ang pananalig ay isa lamang kasunduan ng kaisipan na anumang sabihin ng sinuman ay totoo. Iyon lamang.

Ang talatinigan ay binigyang-kahulugan ang pananalig bilang:

Paniniwala; ang pagsang-ayon ng kaisipan sa katotohanan na ano ang ipinahayag ng sinuman, nananahan sa kanyang awtoridad at katapatan, nang walang ibang ebidensya; ang kahatulan ng anumang ipinahayag o pinatotohanan ay ang totoo . . . Ang pagsang-ayon ng kaisipan sa katotohanan ng isang panukalang isinulong ng sinuman...1

pananaligIto ang dalisay na pananalig ni Yahushua. Ito ang anong kanyang sinanay sa Kanyang Ama habang narito sa lupa. Habang nalalaman na si Yahushua na siya ang Anak ni Yahuwah, hindi siya isinilang nang may pakinabang ng naipong kaalaman. Sa halip, kailangan niyang paunlarin ang isang lumalagong relasyon sa kanyang Ama sa pamamagitan ng pang-araw-araw na komunyon at pakikisama – gaya ng dapat nating gawin. Kung ang Anak ay isinilang na mayroong ganoong buong kaalaman, mayroon siyang kalamangan sa atin; dahil dyan, hindi siya magiging tunay na halimbawa sa ating lahat. Si Yahushua, gayunman, ay tunay ngang halimbawa; purihin ang Kanyang pangalan! Maaari siyang matukso at natukso nga siya. Ito’y lubusang totoo, subalit ito’y bahagi ng plano ni Yahuwah na iligtas ang mga makasalanan. “Sapagkat nararapat na si Yahuwah na lumikha sa lahat at siyang patutunguhan ng lahat ng mga bagay ay nagdadala ng maraming anak tungo sa kaluwalhatian, at gawing sakdal ang tagapagtatag ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng mga pagdurusa.” (Hebreo 2:10, FSV2)

Bilang tagapagtatag ng ating kaligtasan, ginawang sakdal ni Yahushua ang pananalig kay Yahuwah. Nakita ito sa kanyang buhay sa lupa. Naitala ng Kasulatan sa detalye ang mga panahon ng pinakamalaking pagsubok ng pananalig: ang ilang ng tukso at ang pagpako sa krus. Sa parehong panahon ng pinakadakilang sagupaan, nagtagumpay si Yahushua sa pagsasanay ng pananalig sa kanyang Ama. Upang ilagay sa ibang salita, pinili ni Yahushua na pabayaan ang kanyang damdamin at sumampalataya sa mga pangako ng kanyang Ama.

Walang kapangyarihang sinanay ang Tagapagligtas na ito’y hindi ang ating pribilehiyo para sanayin rin ang kaparehong paraang ginawa niya: sa pamamagitan ng pananalig kay Yahuwah. Ang katunayan na nagtagumpay si Yahushua sa pananalig sa kanyang Ama ay ipinakita sa sinabi niya sa mga panahon ng pinakadakilang tuksong ito: sinipi niya ang Kasulatan. Maging sa pagkakabitin sa krus, ang Kanyang sigaw ng matinding paghihirap, “El ko, El ko, bakit mo ako pinabayaan?” ay isang direktang sipi mula sa Awit 22:1. Ipinapakita nito, na habang nagdurusa sa labis na matinding paghihirap at mapuspos sa mga tukso ni Satanas na pagdudahan ang kabutihan ng kanyang Ama, ang kaisipan ni Yahushua ay kumakapit sa mga pangako ni Yah.

Ang Awit 22 ay propesiya ng pagpapako sa krus! Ang mga berso 14 at 16 ay ang pisikal na paglalarawan ng mga nangyari sa katawan na nakabitin sa krus. Ang berso 18 ay nahulaan nang tiyak kung ano ang ginawa ng mga sundalong Romano sa kasuotan ni Yahushua: “Hinapak nila ang aking mga kasuotan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuotan.” Ang pangungutya ng kaparian na naitala sa Mateo 27:41-43 ay isang salita para sa salita na katuparan ng Mga Awit 22:7 at 8: “Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi, ‘Magpakatiwala ka kay Yahuwah; iligtas Niya siya: iligtas Niya siya yamang kinaluluguran Niya siya!’”

Sa pamamagitan ng pagbalot sa kanyang kaisipan ng Banal na Kasulatan, sinanay ni Yahushua ang pananalig kay Yahuwah: pinili niyang ipagsawalang-bahala ang kanyang damdamin ng pagpapabaya at sa halip, ay piniling sumampalataya sa pag-ibig ng kanyang Ama, na dati nang ipinakita. Ang kaparehong awit na ganap na nahulaan ang pagsubok ni Yahushua sa krus, ay naglaman din ng mga salitang pumupukaw sa pananalig: “Nguni’t ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel. Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: sila’y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila. Sila’y nagsidaing sa iyo at nangaligtas: sila’y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.” (Awit 22:3-5, ADB)

“Si Satanas sa kanyang mga marahas na panunukso, ay nagpumilit sa puso [ni Yahushua]. Ang Tagapagligtas ay hindi maaaring makita sa pamamagitan ng mga lagusan ng puntod. Ang pag-asa’y wala sa kanya, ang Kanyang emanasyon mula sa libingan na isang manlulupig, o sabihin sa kanya ang pagtanggap ng Ama sa alay. Natakot siya na ang kasalanan ay lubos na nakakagalit [kay Yahuwah] na ang Kanilang paghihiwalay ay magiging walang hanggan. Bumagsak kay Kristo ang dalamhati kung saan ang makasalanan ay mararamdaman kapag ang awa ay hindi na magsumamo para sa makasalanang lahi. Ito ay diwa ng kasalanan, dinadala ang poot ng Ama sa kanya bilang panghalili sa tao, na ang kopa na kanyang ininom ay labis na mapait, at sumira sa puso ng Anak [ni Yahuwah]. . . . Hindi inaasahan, ang lagim ay napawi mula sa krus at sa malinaw, tunog na parang trumpeta, na tila umalingawngaw sa buong paglikha, ang sigaw ni [Yahushua], ‘Natapos na.’ ‘Aking Ama, sa Iyong mga kamay, ipagkakatiwala ko ang aking espiritu.’ Isang liwanag ang pumaligid sa krus, at ang mukha ng Tagapagligtas ay nagliwanag sa kaluwalhatian tulad ng araw. Tumungo ang ulo niya sa kanyang dibdib, at namatay.

“Sa gitna ng kakila-kilabot na kadiliman, tila tinalikdan [ni Yahuwah], pinatuyo ni [Yahushua] ang mga huling latak sa kopa ng aba ng tao. Sa kakila-kilabot na sandaling iyon, sumapalataya siya sa ebidensya ng pagtanggap ng kanyang Ama noong unang ibinigay sa kanya. Ipinakilala sa kanya ang katangian ng kanyang Ama; nauunawaan niya ang Kanyang katarungan, ang Kanyang awa, at ang Kanyang dakilang pag-ibig. Sa pananalig siya’y nananahan sa Kanya na naging kanyang kagalakan upang tumalima. At sa pagsuko, siya’y nakatuon [kay Yahuwah], ang diwa ng kawalan ng tulong ng kanyang Ama ay naglaho. Sa pananalig, si [Yahushua] ay nagtagumpay.3

Gumawa ng landas ng kaligtasan si Yahushua para sa ating lahat, sa pamamagitan ng pananalig sa kanya, para matanggap ang kanyang mga tagumpay sa ating ngalan sa pananalig. Ito ang pananalig ng 144,000 na nagpapahintulot sa kanila na manatili kay Yahuwah nang walang anumang maipaparatang. Natutunan nila ang lihim ng kaligtasan: upang piliing sumampalataya sa mga pangako ni Yah, hindi alintana ang kanilang mga damdamin, at magtiwala sa Kanya, bagama’t bumagsak ang kalangitan.

Ang pagdududa sa salita ni Yah ay ang pinakamalaking hadlang upang magtagumpay sa laban kontra sa kasalanan at sarili. Buhat nang naniwala si Eba sa salita ng ahas (“Tunay na hindi kayo mamamatay!” Genesis 3:4) sa halip na salita ni Yahuwah, (“Sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.” Genesis 2:17) ang bawat anak at inapo ni Adan ay pinadudahan ang salita ni Yah.

Dito na papasok ang pananalig kay Yahushua. At gaya ng lahat ng bagay, ito ay isang kaloob. Ipinagkaloob ni Yahuwah sa bawat tao ang tiyak na sukat ng pananampalataya. “Ituring ninyo ang inyong sarili ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ni Yahuwah sa bawat isa sa inyo.” (Tingnan ang Roma 12:3.) Ang sukat ng pananalig ay sapat kaya, kapag ang isang tao ay nanalangin at nakiusap na ibigay ang pananalig ni Yahushua, ang pananalig na naging sakdal sa pamamagitan ng Kanyang pagdurusa, mayroon siyang sapat na pananalig kay Yahushua na sumampalataya na natatanggap niya ang pananalig ni Yahushua kapag nakiusap siya para rito. “Gumawa si [Yahuwah] ng bawat panustos kaya ang taong makasalanan ay maaaring magtagumpay sa pamamagitan ng pananalig sa ipinangakong Tagapagligtas.”4

Madalas sa mga tao na nagsasanay ng pananalig sa simula ng kanilang paglalakbay bilang Kristyano, ngunit pagkatapos ay nagiging litung-lito at nag-iisip na may dapat silang gawing bahagi ng paggawa ng pagtatagumpay para sa kanilang sarili. Lahat ng ganoong pagsisikap ay magwawakas sa pagkabigo. Sinasanay nila ang pananalig na maniwala na pinatawad na ni Yahuwah ang kanilang mga nakaraang pagkakasala, ngunit pagkatapos sila’y nabibigo kapag hindi na sila nagpapatuloy na sanayin ang pananalig kay Yahushua upang ipagkaloob sa kanila ang kanyang pananalig na mapagtagumpayan ang mga kasalukuyang tukso.

Ang matagumpay na pamumuhay bilang Kristyano, ang pagsunod na nagpapahintulot sa’yo na manatili kay Yahuwah nang walang anumang maipaparatang, ay makikita lamang kay Yahushua na nabubuhay sa iyo. Ito’y “ang hiwaga na iningatang lihim sa napakahabang panahon at sa mga salinlahi, ngunit ngayo’y malinaw na inihayag sa kanyang mga banal. Ninais ni Yahuwah na ipaunawa sa kanila ang napakaluwalhating kayamanan ng hiwagang ito sa gitna ng mga bansa, na ito’y si Kristo Yahushua na nasa inyo, ang pag-asa tungo sa kaluwalhatian.” (Tingnan ang Colosas 1:26 at 27.)

Ibig sabihin nito’y pinipili mong sumampalataya na nagtagumpay si Yahushua sa bawat lugar na ikaw ay natukso. Pinipili mong sumampalataya na ipinagkaloob niya sa’yo ang tagumpay na nakamit niya sa iyong ngalan. Pinipili mong sumampalataya dahil ang Kanyang salita ay tama, at hindi mo na kailangan ng iba pang “patunay” upang paniwalaan ito. Ang Kanyang salita ay sapat dahil kung ano Siya: dalisay na Pag-ibig, ganap na Kaalaman, kumpletong Katarungan at lubos na Kapangyarihan.

Habang ang pananalig ay isang kaloob, mayroong bagay para sa iyo na dapat mong gawin: dapat mong piliing sumampalataya. Piliing sumampalataya sa isang pang-araw-araw na batayan. Pag-aralan ang katangian ng Pag-ibig ni Yahuwah (1 Juan 4:8). Magtiwala na nais Niya ang mapagmahal na kabutihan at katarungan (Jeremias 9:23 at 24). Ang pananalig na iningatan ay mabilis na lalago. Gawing kaugalian ang sumampalataya, hindi alintana ang iyong damdamin. Kung mayroon kang pagpapala ng mabuting damdamin, hindi ka nagsasanay ng pananalig. Sinanay ang pananalig kapag hindi mo nararamdaman ang mainit na hindi maliwanag, ngunit pinili mong sumampalataya ano pa man, sa kabila ng iyong damdamin. “Ang pananampalataya ay pagiging tiyak sa mga bagay na inaasahan at paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita.” (Hebreo 11:1, FSV)

Gawin itong isang kaugalian upang magpahayag ng pasasalamat sa lahat ng bagay. “Magalak kayong lagi. Lagi kayong manalangin. Ipagpasalamat ninyo kay Yahuwah ang lahat ng pangyayari, sapagkat ito ang kalooban ni Yahuwah para sa inyo kay Kristo Yahushua.” (Tingnan ang 1 Tesalonica 5:16-18.) Ito ay isang positibong kautusan. Kapag ginawa mo ito, ika’y masaganang pagpapalain. Kapag lumitaw ang mga pagsubok, sapagkat darating ang mga ito sa buhay, piliin mong sumampalataya. Hanapin ang isang bagay sa bawat kalagayan para pasalamatan ang iyong Makalangit na Ama.

Ang pagpapahayag ng pasasalamat kay Yahuwah para sa Kanyang maraming pagpapala ay susi sa pagpapaunlad ng pananalig. Ang pagkilala sa mga kaloob ni Yahuwah ay kumukuha ng pasasalamat mula sa puso. Ang pagpapasalamat ay gumigising ng pag-ibig na, dahil dito, ay nagpapaunlad ng pananalig na anumang ipinangako Niya, tutuparin Niya. Pag-aralan ang katangian ni Yahuwah. Siyasatin ang Kanyang mapagmahal na kabutihan sa Kanyang pakikitungo sa iba. Siya ay ligtas na pagkatiwalaan!

Ngayon, tanggapin sa pananalig na ang Langit ay nagkaloob ng lahat ng bagay na kinakailangan para sa iyong walang hanggang kaligtasan: kapatawaran para sa mga nakaraang pagkakasala at tagumpay para sa mga kasalukuyang tukso. “Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabautismuhan kay Kristo Yahushua ay nabautismuhan tungo sa kanyang kamatayan? Kung gayon, sa pamamagitan ng bautismo ay namatay na tayo at inilibing na kasama niya upang kung paanong si Kristo Yahushua ay muling binuhay sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo naman ay lumakad sa panibagong buhay.” (Tingnan ang Roma 6:3, 4.)

Tanggapin ang kaloob ni Yahuwah at mamuhay ng isang bagong buhay sa pamamagitan ng pagtanggap ng kaloob ng Langit: ang pananalig ni Yahushua.

bukas na kamay


1 Noah Webster, American Dictionary of the English Language, 1828.

2 Lahat ng mga sanggunian ng Kasulatan ay kinuha mula sa Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version at Ang Dating Biblia 1905.

3 E. G. White, Desire of Ages, pp. 753 and 756, binigyang-diin.

4 E. G. White, Manuscripts, Vol. 6, p. 147.

5 Inalis namin mula sa orihinal na sipian ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ng ibinigay na orihinal na mga pangalan. – Pangkat ng WLC