Print

Ang Mabuting Balita Tungkol Sa Lumang Tipan!

Ang labing-limang taong gulang na si Charlie ay inibig si Yahuwah ngunit binalot ng pananagutan sa kanyang mga kasalanan. Kinamamayaan, sa muling pagtanaw sa nakaraan, inalala niya, “Hiniling ko na lang sana na hindi ako isinilang.”

Ang punto ng pag-ikot ay dumating noong natanto niya na bagama’t siya ay isang dakilang makasalanan, mayroon siyang mas dakilang Tagapagligtas. Nilaan ni Charlie ang kanyang buhay sa pamamahagi ng mensahe ng pag-ibig at kapatawaran ni Yahuwah. Libu-libo ang nagtitipon para marinig siya. Karaniwan siyang nagsesermon sa madla na umaabot ang bilang sa 10,000 o higit pa. Ang mga tao ay gutom para marinig ang mensahe ni Charlie.

“Kapag ang isang tao ay sumasampalataya kay Kristo,” sinabi ni Charlie sa kanila, “siya sa sandali, sa paningin [ni Yah], parang siya’y hindi nagkasala sa buong buhay niya.”

Maging sa ngayon, 130 taon matapos ang kamatayan ni Charles Spurgeon, ang mga tao ay patuloy pa ring kinakain ang kanyang pangaral at mga debosyon. Ang patotoo ay: bawat Kristyano’y nagpupunyagi sa pagkakasala. Nais natin na maging kagaya ni Yahushua, ngunit patuloy pa rin tayong nagkakasala. Ang pananagutan ay napakalaki at madaling maramdaman ang gaya ng hindi na tayo maaaaring makiusap para sa kapatawaran hanggang patunayan ang ating taos-pusong pagsisisi sa paglaban ng tukso nang maraming beses.

Itong buong pagpapaulit-ulit ng pagkakasala’t pagsisisi—para lamang magkasala muli—ay may isang napakasimpleng pagpapaliwanag: tayo’y nasa ilalim pa rin ng Lumang Tipan. Oo, tayo ay nasa ilalim ng administrasyon ng kagandahang-loob at pinatawad tayo ni Yahuwah. Ngunit ang hindi maitatangging katotohanan ay patuloy pa rin tayong nagkakasala! Dahil dito, ang kautusan ay kailangan pa rin upang ipakita ang kasalanan sa atin.

Ang Lumang Tipan ay isang kaloob! Ipinaliwanag ni Pablo, “Ano ngayon ang ibig nating sabihin? Kasalanan ba ang Kautusan? Huwag nawang mangyari! Gayunma'y hindi ko sana nakilala ang kasalanan kung hindi dahil sa Kautusan. Hindi ko sana nakilala ang kasakiman kung hindi sinabi ng Kautusan, ‘Huwag kang maging sakim.’” (Roma 7:7, FSV) Ang kautusan ni Yah ay isang salamin, ipinapakita kung saan tayo bigo na sumalamin sa banal na larawan. Iyon ang layunin nito! At kailangan natin ito. Ninanais nating panatilihin ang kautusan; ninanais natin maging kagaya ni Yah, ngunit tayo’y nagkakasalang muli at ulit. Iyon ang nangyayari kapag ikaw ay nasa ilalim ng Lumang Tipan.

Noong ang tipan ni Yah ay ipinakita sa mga Anak ni Israel, sila, gaya ng mga Kristyano ngayon, ay nais na sumunod. “Kaya bumaba si Moises mula sa bundok at ipinatawag niya ang mga tagapamahala ng Israel at sinabi sa kanila ang sinabi ni Yahuwah. At sabay-sabay na sumagot ang mga tao, ‘Susundin namin ang lahat ng sinabi ni Yahuwah.’” (Exodo 19:7-8, ASND) Sila’y matapat ngunit sa loob lamang ng ilang linggo, sinamba nila ang gintong baka. Gaya ng modernong mananampalataya, hindi nila nauunawaan ang pagnanais at ang paghahangad na iyon ay hindi sapat kung mayroon kang bumagsak na kalikasan.

Ang pangako ni Yahuwah, gayunman, ay lulutasin Niya ang problemang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng Bagong Tipan sa atin. Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan. Gumagawa si Yahuwah para sa atin na hindi natin magawa para sa ating sarili. Hindi sa pagbabago ng Kanyang kautusan, kundi sa pagbabago ng Kanyang bayan.

“Narito, ang mga araw ay dumarating,” sabi ni Yahuwah, “na ako’y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda: Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako’y asawa nila,” sabi ni Yahuwah.

“Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon,” sabi ni Yahuwah, “Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako’y magiging kanilang Diyos, at sila'y magiging aking bayan; At hindi na magtuturo bawa’t isa sa kanila sa kaniyang kapwa, at bawa’t tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, “Iyong kilalanin si Yahuwah; sapagka’t makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila,” sabi ni Yahuwah: “Sapagka’t aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.” (Jeremias 31:31-34, ADB)

hawak ang puso

Kapag ang mananampalataya ay inangkin ang pangakong ito, isang kataimtiman ng Banal na Espiritu ang ibibigay. Isipin ito bilang isang paunang bayad ng Banal na Espiritu. Ang paunang bayad na ito ay isang pangako na pasulong na nakatutok sa Bagong Tipan na itatatag kapag bumalik si Yahushua upang itakda ang Kaharian ni Yahuwah sa lupa. Sa panahong iyon, aalisin ni Yahuwah nang tuluyan ang ating bumagsak na kalikasan at isusulat ang Kanyang kautusan sa ating mga puso! Hindi na muling tayong susuko sa pamimilit sa kasalanan.

Ang “paunang bayad” ng naninirahang espiritu, inangkin sa pananalig, ay gumagawa ng mahalagang trabaho. Binabago nito ang mananampalataya mula sa napopoot sa kautusan tungo sa umiibig sa kautusan, mula sa umiibig sa kasalanan, hanggang sa napopoot sa kasalanan. Ito ay isang mahalagang paunang kailangan. Hindi pinipilit ni Yahuwah ang kalooban ng tao. Hindi niya isusulat ang Kanyang kautusan sa sinuman na napopoot sa banal na kautusan, na isa mismong sipi ng banal na katangian.

Ipinaliwanag ni Pablo ang transaksyong ito nang mabuti: “At ang nagpapatatag sa amin at sa inyo kay Kristo ay ang Diyos. Hinirang niya kami, tinatakan at ibinigay ang Espiritu sa aming mga puso bilang katibayan.” (2 Corinto 1:22-23, FSV) Dahil sa ating bumagsak na kalikasan, patuloy tayong nadadapa at bumabagsak sa kasalanan; patuloy pa rin nating kailangan ang kautusan upang ipakita kung saan tayo bigo na sumalamin nang sakdal sa banal na katangian. Si Santiago mismo ay inamin, “Sapagkat tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan.” (Santiago 3:2, FSV)

Gayunman, kasama ang kaloob ng Banal na Espiritu sa ilalim ng Lumang Tipan, ang kasalanan ay nagiging kapoot-poot habang tayo’y naghahangad para sa kalinisan ni Yahuwah. Anumang kasalanan na ginawa ay dahil sa ating bumagsak na kalikasan, hindi sa kusang pagnanais na magrebelde laban sa kautusan ni Yah. Walang tunay na nagbalik-loob ang magpapatuloy sa nalalamang kasalanan.

Ang Bagong Tipan ay ang solusyon sa problema ng palagiang kasalanan. Ang ating bumagsak na kalikasan ay papalitan at ang kautusan ni Yah ay isusulat sa ating mga puso. Sa panahong iyon, ang mga mananampalataya ay tuluyang babalutan ng espiritu ni Yah, Pagkatapos lamang nito, ang mga mananampalataya ay tatalima sa banal na kautusan, sakdal na sumasalamin sa banal na larawan.

Sapagka’t aking kukunin kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain. At ako’y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diyus-diyosan, lilinisin ko kayo. Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa. At kayo’y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang; at kayo’y magiging aking bayan, at ako’y magiging inyong Diyos. (Ezekiel 36:24-28, ADB)

Ang Lumang Tipan, habang nililikha sa mga mananampalataya ang isang pagkamuhi sa kasalanan at pag-ibig sa banal na kautusan, ay hindi sapat para panatilihin ang sinuman mula sa pagkakasala dahil ang lahat ay may bumagsak na kalikasan. Ang pangako ng Bagong Tipan ay ang lahat, sa pananalig, ay ihanay sa Israel, hinahayaan ang Banal na Espiritu na isama sila sa lahi ng kanilang ninuno, magiging kasalo ng banal na kalikasan kapag si Yahushua ay bumalik at magtatatag ng Kaharian ni Yahuwah sa lupa. Si Yahuwah mismo ang magsusulat ng Kanyang kautusan sa kanilang mga puso. Ito ang pangako ng Bagong Tipan.

babaeng mapagpasalamat