Print

Ang Mga Espiritung Nasa Bilangguan

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Ang Mga Espiritung Nasa Bilangguan

Sapagka’t si Kristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Diyos; siyang pinatay sa laman, nguni’t binuhay sa espiritu; Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan, Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Diyos, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito’y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig. (1 Pedro 3:18-20, ADB)

Ang sumusunod ay isang sipi mula sa The Theogony of Hesiod:1

“(II. 713-735) At sa gitna ng pangunahin, sina Cottus, Briareos at Gyes, ang gutom para sa digmaan ay nagpataas ng mabangis na labanan: tatlong daang bato, sa isa’t isa, inilunsad nila mula sa kanilang malalakas na mga kamay at tinabunan ang mga Titans ng kanilang mga misil, at inilibing sila sa ilalim ng malawak na lupa, at iginapos sila sa masasakit na mga kadena noong nilupig sila sa kanilang lakas para sa lahat ng kanilang diwa, malayong-malayo sa kailaliman ng lupa sa Tartaros. Para sa isang tansong palihan na bumagsak mula sa langit sa loob ng siyam na gabi’t araw ay maaabot ang lupa sa ikasampu. Ang bilog na Tartaros ay binakuran ng isang harang ng tanso, at ang gabi’y lumaganap sa isang tatluhang guhit nito gaya ng isang bilugan sa leeg, habang sa ibabaw ay lumalago ang mga ugat ng lupa at katubigang walang bunga. Dahil doon, ang mga tagapayo ni Zeus na nagpapatakbo ng kaulapan kung saan ang mga higanteng diyos ay nakatago sa ilalim ng makulimlim na karimlan, sa isang maumidong lugar kung saan makikita ang dulo ng dakilang daigdig. At sila’y hindi maaaring makalabas; sapagkat si Poseidon ay pinagtibay ang mga tarangkahan ng tanso nito, at isang pader ang tumatakbo sa paligid nito sa bawat gilid. Narito sila Gyes at Cottus at ang may dakilang diwa na si Obriareus namumuhay, ang mga mapagkakatiwalaang bantay ni Zeus na nangangalaga ng Tartaros.”

gustave-dor-dante-alighieri-inferno-plate-65-canto-xxxi-the-titans_2

Ang sipi sa ibabaw, mula noong 800 B.C., ay itinataguyod ang pagkakaunawa na ang mga espiritung nasa bilangguan at ang mga anghel na nagkasala at pinanatili sa Tartaros, ng 1 at 2 Pedro, ay ang mga pinagkukunan ng mitolohiya—naitala sa panahon ng Nephilim sa mga araw ni Noe (Genesis 6). Ang mga mananampalataya ay kailangang maunawaan ito. Ang ilan ay nananatili sa pagpupunyagi na ipaliwanag ang sumusunod:

“Sapagka’t kung si Yahuwah ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila'y ibinulid sa Tartaros, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom” (2 Pedro 2:4).

“At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw” (Judas 6). Ang mga anghel ay nagpakasawa sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman (tingnan ang berso 7).

Ang mga siping ito ay tunay ngang nabanggit sa talaan ng aktibidad ng Panginoong Yahushua matapos siyang ginawang buhay, iyon ay muling pagkabuhay, ni Yahuwah. Ang NIV ay mas mababa sa kalinawan tungkol sa panahong si Yahushua ay nagturo sa mga espiritu na nakakulong. Inilarawan ni Pedro ito bilang isang bagay na nagawa matapos ang kanyang muling pagkabuhay. Ang “ginawang buhay” ay nangangahulugang muling pagkabuhay. Ang isang mambabasang walang panuto ay maaaring isipin na si Yahushua ay ginawa ang pagtuturo habang siya’y patay pa!

“Sapagkat si Kristo ngaʼy pinatay kahit wala siyang nagawang masama. At minsan lang siya namatay para mapatawad ang mga kasalanan natin. Siya na walang kasalanan ay pinatay alang-alang sa atin na mga makasalanan, para madala niya tayo kay Yahuwah. Pinatay siya sa laman pero binuhay siya sa espiritu. At sa kalagayan niyang espiritwal, nangaral siya kahit sa mga espiritu ng mga taong nakabilanggo, na hindi sumunod kay Yahuwah noong panahon ni Noe. Sa panahong iyon, matiyagang hinintay ni Yahuwah ang pagsampalataya nila sa kanya habang ginagawa ang barko. Ngunit walong tao lang ang sumampalataya at pumasok sa barko at nakaligtas sa tubig (1 Pedro 3:18-20, ASND).

Ang “espiritu ng mga taong nakabilanggo” ay mga “hindi sumunod kay Yahuwah noong panahon ni Noe.” Subalit si Kristo ay hindi nagturo sa kanila sa panahon ng kanilang pagsuway.

Isang salita tungkol sa paggamit ng salitang “espiritu” para sa mag-aaral: Ang “espiritu” ay isinalin mula sa kaparehong salita kung saan maaari nating isalin bilang “hininga” o “hangin” (pneuma) at hindi dinadala ang likas na kahulugan na “walang katawan.”

Ang mga “espiritu” ay hindi mga tao. Sila’y nasa kategorya ng mga nilikhang anghel. Kaya ang mga anghel (makalangit na tagapagbalita) ay tinawag sa maraming pagsasalin na mga “espiritung naglilingkod” (pneuma) sa Hebreo 1:14: “Hindi ba ang lahat ng anghel ay mga espiritung naglilingkod at sinugo upang tumulong sa mga magmamana ng kaligtasan?”

Kapag ang atensyon ay binayaran sa katunayan na ang mga anghel ay tinawag na mga “espiritu” ng mga napukaw na manunulat, at ang ilan sa mga espiritung ito (mga anghel) na nagkasala sa panahon ni Noe, at iginapos sa mga piitan ng mapanglaw na kadiliman, habang naghihintay sa dakilang araw ng hatol, madali na maunawaan ang sumusunod: Sa wakas, si Yahushua, matapos muling nabuhay sa buhay na walang hanggan, tumungo at ipinahayag ang kanyang maluwalhating tagumpay sa kasalanan at kamatayan sa mga masasamang nilalang na iginapos para sa paghuhukom sa hinaharap.

Maaari nating maunawaan ang ganoong karami sa sinaunang mitolohiya na nagmula sa aktwal na pangyayari ng dakilang paghihimagsik at ang nagresultang pagkakakulong ng ilan sa mga lubos na makapangyarihang nilalang. Ang patotoong ito ay dapat magbabala sa mga matutuwid na tao na manatiling tapat sa patotoo. Dapat tayong sumulong sa pamumuhay sa maka-Yahuwah na pamumuhay at ipahayag ang mga mahahalagang patotoo na ito. Ang mitolohiya ay minsan isang binurdang talaan ng tunay na kasaysayan. Sa kasong ito, angkop nitong inilarawan ang isang dating paghihimagsik, at ang kalagayan sa Tartaros, naaayon sa mga masasamang anghel sa 2 Pedro 2:4 at Judas 6. Subalit dapat nating ipagtanggol laban sa katiwalian ng Griyegong mitolohiya, at isang nagreresultang paglabo ng mga tunay na pagkakakilanlan ng mga sangkot na nilalang, at ang estadong may maraming diyos na nagpasama sa teolohiya.


1 Isinalin ni Hugh G. Evelyn-White (1914) http://www.sacred-texts.com/cla/hesiod/theogony.htm


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Terry Robinson.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC