Print

Ang Mga Tipan Ng Pag-Ibig


Banal na Kasunduan upang Iligtas ang Iyong Kaluluwa


Ang mga tuntunin ng Bagong Tipan ay pareho sa mga tuntunin ng Lumang Tipan:
sumunod at mamuhay; sumuway at mamatay.


Sa simpleng gawa ng pagbili ng bahay, sina Mary at James Hurd ay binago ang kasaysayan ng Amerika magpakailanman. Matapos mabili ng mga Hurd ang bahay noong Mayo 9, 1944, ang kanilang kapitbahay, sina Lena at Frederic Hodge, ay nagsampa ng kaso laban sa kanila sa tangka na manatili sila mula sa pagmamay-ari o paninirahan rito, mangatuwiran na bawasan ang halaga ng tahanan ng mga Hodge sa pagkakaroon ng itim na pamilya na namumuhay sa kapitbahayan. Noong itinayo ang bahay, taong 1905, mayroong kasunduan o tipan na umiiral na “pagbabawal sa pagbebenta ng bahay para sa sinuman na may lahing Negro.”1 Ang labanan sa kaso ay tumungo sa Korte Suprema ng Estados Unidos.

16 Bryant St., NW, Washington, DC

Ang bahay na nagpabago sa batas ng Estados Unidos:
16 Bryant St., NW, Washington, DC.

Sa isang mapanuyang pagbaluktot, dalawa sa punong hukom ang humamon dahil sila din ay naninirahan sa kapitbahayan na may itinatag na tipan na pagbabawal sa pagbebenta ng kanilang mga tahanan sa mga tao ng isang tiyak na lahi o relihiyon. Halos apat na taon hanggang sa nakalipas na araw, matapos ang palakontrang labanan, ang Korte Suprema ay nagkaisa pabor sa mga Hurd, humantong para sa pagbuwag sa ibang kasunduan na nagbabawal sa pagbebenta ng ari-arian hindi lamang sa mga itim, pati rin sa ibang nasyonalidad at maging sa ilang relihiyon.

Ang ganitong labanang legal ay naging karaniwan sa Estados Unidos kung saan ang Homeowner’s Associations ay naghahangad na makontrol ang lahat mula sa panlabas na pamamaraan sa pagpinta, paglalarawan at marami pa. Ang legal na tipan ay “Isang kasunduan, kontrata, o sulat ng pangako sa pagitan ng dalawang indibidwal na madalas bumubuo ng isang panunumpa na gagawin o pipigilin mula sa paggawa nito.”2

Ang Kasulatan ay nagpapakita rin ng isang legal na tipan. Ito ang pinakamahalagang legal na kontrata na isinagawa. Ito ang kasunduan sa pagitan ng Kataas-taasan at bawat indibidwal na namuhay para sa kaligtasan ng kaluluwa. Isang dakilang pagkalito ang umiiral sa kung ano ang tiyak na kasunduan, at anu-ano ang mga kondisyon na kailangan upang makinabang mula sa kasunduan. Tinutukoy ng Kasulatan ang parehong “lumang tipan” at ang “bagong tipan.” Ang mismong terminolohiya ay tila nagpapahiwatig ng pagkakaiba sa pagitan ng una, “lumang” tipan at isa pa, “bagong” tipan.

Ang maling pagkakaunawa tungkol rito ay nagdulot ng hukbo ng pagkakamali. Ang pangunahing kamalian na lumitaw ay ang paniniwala na sa ilalim ng mga tuntunin ng “bagong tipan,” ang “kautusan ay napako na sa krus” at hindi na umiiral pa. Maraming matapat na Kristyano ang nagpaliwanag na sa kamatayan ni Yahushua, ang lahat ay “malaya” na mula sa banal na kautusan kaya wala nang kailangan pang magpanatili ng mga ito. Ang ganitong paniniwala ay sumasalungat sa Kasulatan.

Ang batas ni Yahuwah ay isang sipi ng Kanyang katangian ng pag-ibig. Isinulat ni Juan: “Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala kay Yahuwah, sapagkat si Yahuwah ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Ang Manlilikha ay nagpahayag sa Kanyang Salita: “Ako si Yahuwah. Hindi pa kayo lubusang nalilipol sapagkat hindi ako nagbabago sa aking pangako.” (Malakias 3:6) Ito ay ang katangian ng pag-ibig ng Ama na naghahangad sa Kanyang mga anak na nagkasala. Kung ang sangkatauhan ay hindi na kailangan pang panatilihin ang banal na kautusan, wala nang dahilan pa para sa Kanya na sabihin ito na ang Kanyang hindi nagbabagong katangian ng pag-ibig ay mag-iingat sa mga makasalanan mula sa “lubusang pagkalipol.”

Kailangan ang mga batas

“Ngunit ikaw, O Yahuwah, ay malapit sa piling ko, ang pangakong binitiwan mo sa akin ay totoo. Iyang mga tuntunin mo'y matagal nang aking talos, ang utos na ginawa mo'y walang hanggang mga utos.”
--Awit 119:151-152
.

Walang makalupang kaharian ang maaaring umiral nang walang mga batas; at ganon din sa banal na kaharian. Kapag ang batas ay pinawalang-sala, ang buong kaharian ay babagsak sa anarkiya. Sapagkat ang pagsuway sa banal na kautusan ay nagdala ng saligutgot ng kasalanan sa lupa. Ang banal na kautusan ay sakdal at mananatili sa lahat ng walang hanggan bilang tanging paraan sa kasiyahan at kabanalan. Ang mga tuntunin para manahin ang mga pangako ng Bagong Tipan ay pareho sa mga tuntunin para sa pamana sa ilalim ng Lumang Tipan: sumunod at mamuhay; sumuway at mamatay.

Ang salitang isinalin na “tipan” ay nagmula sa salitang Hebreo na beriyth (#1285). Ito’y nangangahulugang:

(sa paraan ng paghiwa) . . . (sapagkat ginawa sa pagpapatibay sa pagitan ng mga piraso ng laman): -- kasunduan, kapisanan, samahan, . . . Ang unang paglitaw ng salita ay nasa Genesis 6:18 . . . Ang karamihan ng paglitaw ng beriyth ay ang “mga tipan” [ni Yahuwah] sa mga tao . . . Ang “tipan” [ni Yahuwah] ay isang relasyon ng pag-ibig at katapatan sa pagitan [Niya] at Kanyang hinirang na bayan . . . (Exodo 19:5-6)3

Ang kasunduan sa pagitan ni Abram (at kanyang lahi) at Yahuwah at Kanyang Anak (Yahushua) ay pinagtibay noong hinati ni Abram ang mga handog at siya at si Yahuwah ay pinagtibay sa pagitan nila. Ito ay isang sinaunang legal na pagpapatibay na sinabi, sa diwa, “Ikaw at ang lahat ng susunod mong salinlahi ay dapat maging tapat sa ating kasunduan.” Ang ritwal ng pagtutuli ay ibinigay sa panahong iyon bilang tanda ng kanilang kasunduan.

Ang lumang tipan ay nagmamasid sa kamatayan ni Yahushua sa krus. Nangako ito ng kapatawaran at pagdadalisay para sa lahat ng tumanggap sa pananampalataya ang sakripisyong ginawa sa kanilang ngalan sa ipinangakong Mesias. Ang pagsasakripisyo ng dugo na itinuro sa uri ay natupad na sa dakilang katapat na uri: ang Kordero ni Yah na nag-aalis ng mga kasalanan sa mundo. Kaya ang lahat ng namuhay at namatay bago ang pagdating ng Tagapagligtas ay maaari pa ring magbigay-matuwid sa Kanyang dugong dinanak sa kanilang ngalan.

Ang isang bagong legal na tipan ay maaaring mas maraming tuntunin kaysa sa naunang legal na tipan. Hindi naman nito isinasantabi ang lahat sa naunang tipan o kasunduan. Ito ang kaso sa bagong tipan sa Kasulatan. Ang bagong tipan ay bumabalik-tanaw sa kamatayan ni Yahushua sa krus. Gaya ng lumang tipan, nangako ito ng kapatawaran at pagdadalisay para sa lahat ng tumanggap sa pananampalataya ang sakripisyong ginawa sa ngalan nila. Kung ang tao ay namuhay bago o matapos ang kamatayan ng Mesias, ang mga tuntunin ng tipan ay nananatiling pareho. Ang mga kondisyon ay ganon pa rin: ang sinuman ay dapat tanggapin sa pananalig ang sakripisyong ginawa sa kanyang ngalan. “Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ni Yahuwah kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ni Yahuwah at hindi mula sa inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.” (Efeso 2:8-9) Ang kamatayan ni Yahushua ay sapat para sa lahat, sa ilalim ng alinman sa dalawang tipan.

Isang Karaniwang Pagkakamali

Sa Ilalim ng Kautusan? O Sa Ilalim ng Kagandahang-Loob?

Sa Ilalim ng Kautusan? O Sa Ilalim ng Kagandahang-loob?

Isang pagkakamali ang nagaganap kapag ipinalagay ng tao na ang kamatayan ng Mesias ay “ipinako ang lumang tipan sa krus.” Sila’y tumungo sa pagsabi na, “Tayo’y nasa ilalim na ng kagandahang-loob. Ang kautusan ay hindi na pananatilihin.” Ipinapakita ng Kasulatan ang paniniwalang ito na mapaminsalang kasinungalingan: “Sapagkat ako si Yahuwah; Ako’y hindi nagbabago.” (Tingnan ang Malakias 3:6) “Kung sino si Yahushua noon ay Siya rin ngayon at magpakailanman.” (Hebreo 13:8)

Ang kamatayan ni Yahushua ay tinupad ang mga banal na tuntunin ng lumang tipan. Ang Manlilikha ay ipinagkaloob ang Kanyang bugtong na Anak upang mamatay sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Hindi nito, gayunman, tinupad ang mga pantaong tuntunin ng lumang tipan. Ang mga tuntuning iyon ay nananatiling umiiral para sa bawat bagong henerasyong lilitaw. Ang mga tuntunin ay simple: sumunod at mamuhay sa pananalig sa kamatayan ng Tagapagligtas o sumuway at mamatay. Ang pagpapasyang sumunod o sumuway ay nananatiling pantaong bahagi ng tipan. Kung susunod ka, pinapanatili mo ang kasunduan. Kung sumuway ka, binabasag mo ang kasunduan.

Ang unang tipan ay “nabigo” hindi dahil sa anumang pagkukulang sa banal na bahagi ng kasunduan. Sa halip, ang bayan ay nabigo sa ganap na pagpapanatili ng kautusan ni Yah, na bahagi ng kanilang kasunduan. Noong pinalaya ni Yahuwah ang lipi ni Israel mula sa pagkakabihag sa Ehipto, hangad Niya na ulitin ang Abrahamikong tipan sa kanila. Sa isa sa pinakahayagang mga sipi sa Kasulatan tungkol sa banal/pantaong tipan, naitala ng Kasulatan:

Si Moises naman ay umakyat sa bundok upang makipag-usap kay Yahuwah. . .

‘Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga Ehipto. Nakita rin ninyo kung paanong dinala ko kayo rito tulad ng isang agilang nagdala sa kanyang mga inakay.

Kung susundin ninyo ako at magiging tapat sa ating kasunduan, kayo ang magiging bayang hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo'y aking itatangi.

Kayo'y gagawin kong isang kaharian ng mga pari at isang bansang banal.’ Iyan ang sabihin mo sa mga Israelita.”

Kaya tinipon ni Moises ang mga pinuno ng Israel at sinabi ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yahuwah.

Sila nama'y sabay-sabay na sumagot, “Susundin namin ang lahat ng iniutos ni Yahuwah.” Si Moises ay nagbalik kay Yahuwah at sinabi ang tugon ng mga tao. (Exodo 19:3-8)

Susundin namin ang lahat ng iniutos ni Yahuwah.” Habang ang intensyon na panatilihin ang banal na kautusan ay mabuti at kinakailangan, ito’y hindi sapat. Walang sinuman ang maaaring panatilihin ang banal na kautusan sa kanyang sariling lakas. Lahat ng magtatangkang gawin ito ay mabibigo lang, gaya ng lipi ni Israel. Sa loob ng anim na sanlinggo, sila’y naghimagsik sa paggawa ng guyang ginto, nagpapahayag ng mapanglait na mga salita: “Israel, narito ang diyos mong naglabas sa iyo sa Egipto!” (Exodo 32:4) Ang gawang ito ay malinaw na paglabag sa kanilang kasunduan sapagkat sinabi ni Yahuwah kay Moises: “Balikan mo ngayon din ang mga Israelitang inilabas mo sa Ehipto, sapagkat itinakwil na nila ako. Tinalikdan nila agad ang mga utos ko. Gumawa sila ng guyang ginto. Iyon ang sinasamba nila ngayon at hinahandugan. Ang sabi nila'y iyon ang diyos na naglabas sa kanila sa Ehipto.” (Exodo 32:7-8)

Noong sinuway ng Israel ang kanilang kasunduan kay Yahuwah, Siya ay marahil pinalaya ang Kanyang bahagi sa tipan. “Kilala ko ang mga taong iyan at alam kong matitigas ang kanilang ulo. Hayaan mong lipulin ko sila at ikaw at ang iyong lahi'y gagawin kong isang malaking bansa.” (Exodo 32:9-10) Pinatawad ni Yahuwah ang mga Israelita, ngunit hindi nila kinaya, sa kanilang sariling lakas, na panatilihin ang mga tuntunin ng kasunduan.

Ang “bagong” tipan ay patuloy na nangangailangan ng pagsuko at pagtalima gaya ng pantaong tuntunin ng legal na kasunduan sa pagitan ng Manlilikha at nilikha. “Pinapawalang-saysay ba namin ang Kautusan dahil sa pananampalatayang ito? Hinding-hindi! Sa halip, pinapagtibay pa nga namin ito.” (Roma 3:31) Kaya ang paghahandog ng dugo ay hindi na sinasanay simula noong ang uri (simbulo) ay tinupad ng katapat na uri (ang tunay) sa Kalbaryo. Gayunman, ang mga kapistahan ay patuloy pa ring ipagdiriwang. Ang mga ito, gaya ng ikapitong araw ng Sabbath, ay “mga banal na pagtitipon” kay Yahuwah.

Ang Bagong Tipan at Ang Mga Kapistahan

Ang pagtalima sa mga sagradong kapistahan na ito, sa ilalim ng bagong tipan, ay naiiba sa ilalim ng lumang tipan. Sapagkat ang pagsasakripisyo ay nagawa na, wala nang dugo ang kailangang dumanak, alinman sa sakripisyo o pagtutuli. Sa halip, sa ilalim ng bagong tipan, ang mga banal na anibersaryong ito ay susundin gamit ang mga simbulo na itinatag ni Yahushua sa huling hapunan: ang tinapay at ang alak.

Habang sila'y kumakain, dumampot si Yahushua ng tinapay, at matapos magpasalamat kay Yahuwah ay pinaghati-hati niya iyon, ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Kunin ninyo ito at kainin. Ito ang aking katawan.”

Pagkatapos, dumampot siya ng kopa, nagpasalamat kay Yahuwah at ibinigay iyon sa kanila.

Sinabi niya, “Kayong lahat ay uminom nito sapagkat ito ang aking dugo na katibayan ng tipan ng Elohim. Ito ang aking dugong ibinubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami. (Mateo 26:26-28; tingnan rin ang Lucas 22:15-20 at Marcos 14:22-24.)

Mga Kapistahan ni Yahuwah: Palagiang Umiiral

Mga Kapistahan ni Yahuwah: Palagiang Umiiral

Ang salita rito na isinalin na “tipan,” ay nagmula sa salitang Griyego na diatheke. Ito’y nangangahulugang kontrata o kasunduan.4 Ito ang kaparehong salita na isinalin sa Hebreo bilang “tipan.” “Nilapitan ninyo si Yahushua, ang Tagapamagitan ng Bagong Tipan, at ang dugong iwinisik na may pangako ng mas mabubuting bagay kaysa sa isinisigaw ng dugo ni Abel.” (Hebreo 12:24)

Ang apostol na si Pablo ay malinaw na nakita sa Huling Hapunan ang pagkakatatag ng isang bagong tipan sa ilalim ng kaparehong mga tuntunin ng pagtalima sa lumang tipan.

Sapagkat ito ang turo na tinanggap ko mula sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing siya'y ipagkanulo, ang Panginoong Yahushua ay dumampot ng tinapay,

Nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.

Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.”

Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling pagparito.

Kaya, ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.

Kaya't dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago siya kumain ng tinapay at uminom sa kopa.

Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng katawan ni Yahushua ay kumakain at umiinom ng kahatulan laban sa kanyang sarili. (1 Corinto 11:23-29)

Ito ay isang napakahalagang sipi ng Kasulatan. Kung ang kautusan ay tunay na hindi na umiiral, hindi magiging posible na makibahagi sa mga simbulong ito “nang hindi kinikilala” ang magdudulot ng “kahatulan” sa kanyang sarili. Dagdag pa, tinutukoy ng Hebreo ang tipan (natatangi) bilang “walang hanggan”: “Ang Eloah ng kapayapaan ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Yahushua, na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan.” (Hebreo 13:20)

Pagkamit ng Katuwiran ni Yahuwah

Pagkamit ng Katuwiran ni Yahuwah

Ang kamatayan ni Yahushua ay tinupad ang mga banal na tuntunin ng kasunduan. Ang mga nananalig ay nabubuhay sa ilalim ng “bagong tipan,” ngunit iyon ay patuloy pa ring bahagi ng “walang hanggang tipan” dahil ang mga tuntunin ay hindi nagbabago. Ang kaligtasan ay nananatiling libreng alok sa lahat ng tatanggap nito. Ang banal na parte ay natupad na. Ang pantaong bahagi, pagtalima sa banal na kautusan, ay patuloy na tutuparin sa mga buhay ng bawat indibidwal.

Bilang isang Pariseo, si Pablo ay mayroong karagdagang kaalaman ng kautusan at, higit pa sa ibang manunulat, sumulat tungkol sa dalawang tipan. Bumalik-tanaw sa kasaysayan ng lipi ni Israel, ipinaliwanag niya ang pangangailangan sa pagpapanatili ng banal na kautusan sa pananampalataya bilang pantaong bahagi ng parehong luma at bagong tipan.

Sapagkat tulad nila'y napakinggan din natin ang Magandang Balita, ngunit hindi nila pinakinabangan ang balitang kanilang narinig dahil hindi nila ito tinanggap nang may pananampalataya.

Tayong mga sumampalataya ay tumatanggap ng kapahingahang ipinangako. Ito'y ayon sa kanyang sinabi, “Sa galit ko'y aking isinumpa, ‘Hindi sila makakapasok sa lupain ng kapahingahang aking ipinangako.’ ”

Sinabi niya ito kahit tapos na niya ang kanyang mga gagawin mula nang likhain ang sanlibutan. Sapagkat sinasabi sa isang bahagi . . . nagpahinga ang Elohim sa Kanyang paglikha. Ang mga unang nakarinig ng Magandang Balita ay hindi nakapasok sa lupain ng kapahingahan dahil hindi sila sumampalataya. Ngunit may mga inaanyayahan pa ring pumasok sa lupaing iyon ng kapahingahan.

Kung paanong nagpahinga si Yahuwah sa ikapitong araw, mayroon ding kapahingahang nakalaan sa mga taong sumasampalataya kay Yahuwah, sapagkat ang sinumang makapasok sa lupain ng kapahingahang ipinangako ni Yahuwah ay magpapahinga rin sa kanyang pagpapagal, tulad ni Yahuwah na nagpahinga sa Kanyang paglikha. Kaya't sikapin nating makamtan ang kapahingahang iyon at huwag mabigong tulad ng mga hindi sumasampalataya. (Hebreo 4:2-6, 9-11)

Ang pagkakataon na pumasok sa matipang relasyon sa Manlilikha ay nananatiling posible. Isantabi ang iyong pantaong pagsisikap. Tanggapin sa pananalig ang mga merito ng Tagapagligtas. Imbitahan Siya sa iyong puso ngayon. Sumunod at mamuhay. Posible ito kapag Siya ay namuhay sa iyo sa pananampalataya.

“Kaya hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Kristo Yahushua na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ni Yah na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang sarili para sa akin.” (Galacia 2:20)


1 http://househistoryman.blogspot.com/2008/06/hurd-v-hodge-dc-racial-covenants-50th.html

2 http://legal-dictionary.thefreedictionary.com/covenant

3The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words, p. 383.

4Diatheke, #1242, Ibid., p. 1036.