Print

Ang Nabubuhay na Bibliya

Ano ang inaangkin ng Bibliya tungkol sa sarili nito?

bukas na Bibliya na hawak sa kalangitan

(1) “Ang lahat ng mga kasulatan ay ihininga ni Yahuwah at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at pagsasanay sa katuwiran, upang ang lingkod ni Yahuwah ay maging karapat-dapat at lubusang maihanda sa lahat ng mabubuting gawa.” (2 Timoteo 3:16-17)

(2) “. . . walang propesiya ng Kasulatan na nahayag dahil sa pansariling pagpapakahulugan ng sinuman. Sapagkat walang propesiyang dumating kailanman na nagbuhat sa kalooban ng tao; sa halip, nagsalita ang mga tao ng mga bagay na galing kay Yahuwah nang sila'y magpahayag sa ilalim ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.” (2 Pedro 1:20-21)

(3) “Sapagkat ang salita ni Yahuwah ay buháy, mabisa, at higit na matalas kaysa alin mang tabak na may dalawang talim. Tumatagos ito hanggang sa pagitan ng kaluluwa at ng espiritu, hanggang sa mga kasukasuan at utak sa buto; at may kakayahang kumilala ng mga pag-iisip at mga hangarin ng puso.” (Hebreo 4:12)

(4) “. . . ang kasulatan ay hindi mapapawalang bisa.” (Juan 10:35)

Ano ang ebidensya na ibinigay ng Bibliya upang itaguyod ang mga kahanga-hangang angkin na ito?


Agham

Narito ang ilang halimbawa ng mga angking pang-agham ng Bibliya na nauna pa sa modernong agham. Marami pa ang maaaring isipi.

Panloob na Kabuuan

Ang 66 na mga aklat ng Bibliya ay isinulat:

Hindi kapani-paniwala, ang lahat ng 66 na mga aklat ng Bibliya ay napanatili ang isang kahanga-hangang pagkakatugma sa isa’t-isa! Ang panloob na kabuuan ng Bibliya ay isang kapansin-pansing patunay sa banal na pinagmulan nito.

Propesiya

“Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning Ako lamang ang Elohim, at maliban sa Akin ay wala nang iba. Sa simula pa'y itinakda Ko na, at Aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi Kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak Ko, at gagawin Ko ang lahat ng gusto Kong gawin.” (Isaias 46:9-10)

= Bibliya na may Hebreong tekstoSi Yahuwah, upang maipakita ang pagiging tunay ng Bibliya bilang Kanyang makapukaw na salita, ay nagbigay sa atin ng daan-daang (literal) banal na hula. Halos 30% ng Bibliya ay propesiya. Ibig sabihin ay isa sa bawat tatlong berso sa Bibliya ay propetiko! Upang itala, mga nasa 85% ng mga hula ng Bibliya ay eksaktong lumipas gayong nahulaan! Bakit pa aasahan ang mga hula sa hinaharap na magiging anumang iba?

Narito ang ilan sa mga propesiya na, sa bawat detalye, ay natupad na:

Ang aklat ni Daniel, lamang, ay eksaktong nahulaan ang mahigit 2,500 taon ng anumang tinatawag ngayon na kasaysayan!

 

Tinupad ni Yahushua ang mahigit 350 mesyanikong propesiya sa bawat detalye, kabilang ang eksaktong panahon, lugar, at kaganapan ng Kanyang kapanganakan, Kanyang paglilingkod, pagtanggi sa Kanya, pagtaksil sa Kanya, at Kanyang pansamantalang kamatayan.

Ngayon, tingnan natin ang tungkol kay Yahushua ng Nazareth...

Tinupad ni Yahushua ang mahigit 350 mesyanikong propesiya sa bawat detalye, kabilang ang eksaktong panahon, lugar, at kaganapan ng Kanyang kapanganakan, Kanyang paglilingkod, pagtanggi sa Kanya, pagtaksil sa Kanya, at Kanyang pansamantalang kamatayan. 61 sa mga propesiyang ito ay itinuturing ng mga iskolar na “mga pangunahing propesiya,” na nangangahulugan na ang katiyakan ng mga nahulaang pangyayari ay nagpapahintulot sa mga mananalaysay na tunay na siyasatin ang katumpakan ng mga katuparang pinanindigan ng mga propesiya. Bawat propesiya, nang walang pagbubukod, ay hindi mapapabulaanang tinupad ni Yahushua.

Narito ang ilan sa mga propesiya na, sa bawat detalye, ay tinupad ni Yahushua:

Mga Pako sa Krus, Koronang Puno ng Tinik, at Hebreong Bibliya

Ilang daang taon bago ang ipinakilala ng Roma ang pagpapako sa krus bilang anyo ng pagbibitay, naitala ng Kasulatan na si Yahushua ay tutusukin ang Kanyang mga kamay at paa. (Tingnan ang Awit 22:16-17 at Zacarias 12:10)

*Inimungkahing Basahin: Awit 22 at Isaias 53. Kahanga-hanga! Tandaan na kapag binabasa ang mga sipi ito, ang Awit 22 ay isinulat sa humigit-kumulang 1000 BC; ang aklat ni Isaias ay isinulat noong 700 BC.

Ayon sa mga matematiko...

Ang mga logro ng isang tao na tumutupad ng 8 sa mga propesiyang ito ay...1 sa 1017
1 sa 10:17 = 1 sa 100,000,000,000,000,000

Ang mga logro ng isang tao na tumutupad ng 16 sa mga propesiyang ito ay...1 sa 1045
1 sa 10:45 = 1 sa 1,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000

Ang mga logro ng isang tao na tumutupad ng 48 sa mga propesiyang ito ay...1 sa 10157
1 sa 10:157 = 1 sa 10,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000

“At ngayon, sinabi ko na ito sa inyo, bago pa ito mangyari,
upang kapag nangyari na ito, ay maniwala kayo.”

(Juan 14:29)

Anong panlabas na ebidensya ang mayroon upang itaguyod ang mga angkin ng Bibliya?


Pang-eksperimentong Kabuuan

Ang natatanging nilalaman ng Bibliya ay, sa loob ng 2,000 taon, pinagyaman ang mga buhay ng milyun-milyong tao: lalaki at babae, bata at matanda, mayaman at mahirap, malaya o alipin, mula sa lahat ng karanasan, at mula sa bawat etnikong pangkat sa mundo. Ang pagkagumon ay nasakop. Ang mga nagdadalamhati ay pinagaling. Ang takot, pagkalito, pagkabalisa, depresyon, galit, pagkakasala, sakit, at lahat ng bagay ng kasamaan ay napagtagumpayan ng nabubuhay na liwanag ng katotohanan ng Bibliya.

Pagpapanatili

Pergamino ni Isaias (Pergamino ng Dagat na Patay)Ang mga sinaunang Kasulatan ng Bibliya ay kapansin-pansing pinanatili at eksaktong isinalin sa loob ng libu-libong taon sa kabila ng hindi mabilang na tangka na ikubli ang mga nilalaman nito at napakaraming pagsisikap sa buong naitalang kasaysayan na wasakin ang lahat ng ito. Sa kasalukuyan, halos 25,000 mga sinaunang manuskrito ng Bibliya ang patuloy na umiiral. Walang ibang aklat noong unang panahon sa pag-iral na maaaring itaguyod maging ang 1,000 bahagyang manuskrito! 

Ang pagtuklas sa mga “Pergamino ng Dagat na Patay” noong 1947 ay nagpatotoo sa kahanga-hangang pagpapanatili ng Lumang Tipan, gayon din sa kahanga-hangang katiyakan ng modernong pagsasalin nito.

Mga Patotoo ng Buhay

Hindi mabilang na milyun-milyong tao ang kusang-loob na ibinuwis ang kanilang mga buhay sa panahon ng Romanong kapapahang “Ingkisisyon.” Sila’y sinunog sa istaka, pinalo, binato, pinugutan, binigti, nilapa ng mga mababangis na hayop, at walang humpay na pinahirapan gamit ang mga pinaka hindi maarok at pinakamalupit na paraan na hindi pa nasasaksihan ng sangkatauhan. Ang panahong ito ay madalas tukuyin bilang “Panahon ng Kadiliman” dahil ang Liwanag ng Bibliya ay sadyang itinago at ikinubli ng estado ng Romanong simbahan. Naging “erehya” na basahin ang Bibliya o maging ang pag-aari ng Bibliya. Ito ay para sa Pag-ibig sa Katotohanan na nakapaloob sa pagitan ng mga balot ng Bibliya na ang hindi mabilang na kalalakihan at kababaihan ay kusang-loob na itinaya ang kanilang mga buhay.

Nalalaman nila ang KATOTOHANAN...na ang Bibliya ay hindi isang aklat ng pagtuligsa at imahinasyon; ito ay isang Aklat ng Pag-asa, Pangako, Kaliwanagan, at Kalayaan, ang Nabubuhay na mga salita ng isang Mapagmahal na Manlilikha, ang rebelasyon ng walang pasubaling Pag-ibig at Awa na nananahan sa natatanging haligi ng Katotohanan – si Yahushua, Anak ng Nabubuhay na Eloah!

dalaga sa dakilang pagdadalamhati kabaligtaran ng isa pang dalaga na masayahin

 


Ang Bibliya – Mabilisang mga Katunayan:

“Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay,
sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.”
(Awit 119:105)