Print

Ang Patotoo Ng Isahang Panghalip

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

ang-patotoo-ng-isahang-panghalip

Sinuman na may hindi bababa sa isang elementaryang edukasyon ay nalalaman na ang isang panghalip ay binigyang-kahulugan bilang “isang salita na humahalili sa kinalalagyan ng isang pangngalan.”1 Ang mga panghalip, isahan man o maramihan, ay hindi mga kumplikadong bagay. Tunay nga, ang mga dalubhasa sa pagpapaunlad ng bata ay sinasabi sa atin na sa edad ng “36 na buwan, ang mga bata ay pinagkadalubhasaan na ang karamihan sa mga panghalip.”2

Ang Bibliya ay malinaw at paulit-ulit na ipinapahayag na si Yahuwah ay isa.

Sa Kasulatan, anong panghalip ang ginamit upang tumukoy kay Yahuwah at sinasabi sa atin ang tungkol kung sino Siya? Itinataguyod ba nila ang doktrina ng Trinidad, na nagpapahayag, sa bahagi na may isang Diyos na umiiral sa tatlong katauhan: Ama, Anak, at Espiritu Santo? O ang mga panghalip ay nagsasalaysay ng isang naiibang kwento? Ating siyasatin ang Kasulatan upang malaman ito.

Ang Bibliya ay malinaw at paulit-ulit na ipinapahayag na si Yahuwah ay isa.

Deuteronomio 6:4 “Dinggin mo, Oh Israel: si Yahuwah nating Diyos ay isang Yahuwah!

Juan 5:44 [Nagsasalita si Yahushua] “Paano kayo maniniwala kung kayu-kayo ang pumupuri sa inyong sarili, at hindi ninyo hinahangad ang papuri mula sa iisang Diyos?

Pinapangalanan ng Kasulatan ang isang Diyos na ito na ang Ama3. Pansinin sa panalangin ni Yahushua sa Juan 17, kung saan kinikilala niya na ang Ama ay ang tanging tunay na Diyos.

Juan 17:1 at 3 Matapos sabihin ni Yahushua ang mga ito, tumingala siya sa langit at sinabi, “Ama... 3 “ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos, at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.

Ang Diyos na isa ay dagdag na pinatunayan ng libu-libong isahang panghalip na panao na ginamit bilang sanggunian sa Kanya. Halimbawa, sa sumusunod na berso, gumagamit si Yahuwah ng isahang panghalip na “Ako” at “Ko” ay tumutukoy sa sarili Niya.

Isaias 45:5-6 Ako si Yahuwah, at walang iba; liban sa Akin ay walang Diyos. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo Ako nakilala. 6 Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa Akin: Ako si Yahuwah, at walang iba.

Anim na beses sa siping ito, tinutukoy ni Yahuwah ang sarili Niya bilang isang isahang katauhan.

Hindi mabilang na mga berso ang tumutukoy kay Yahuwah gamit ang ibang isahang panghalip.

Dagdag pa, hindi mabilang na mga berso ang tumutukoy kay Yahuwah gamit ang ibang isahang panghalip, halimbawa:

Deuteronomio 4:35 “Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na si Yahuwah ay Siyang Diyos; wala nang iba liban sa Kanya.

Magkakasundo tayong lahat na gramatiko, “Siya” ay tinutukoy ang isang katauhan.

Isa pang halimbawa ng paggamit ng isahang panghalip tungkol kay Yahuwah ay matatagpuan sa sumusunod na sipi:

Awit 86:10 Sapagkat Ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagila-gilalas na mga bagay: Ikaw na mag-isa ang Diyos.

Sa orihinal na Hebreo, ang salitang “Ikaw” sa sipi sa ibabaw ay isang isahang panghalip na panao, hindi ang maramihan o palansak na panghalip na “ikaw.” Tulad nito, ang isahang “ikaw” ay kumakatawan sa isa lamang katauhan.4

Paulit-ulit, ang Kasulatan ay gumagamit ng mga isahang panghalip upang tumukoy kay Yahuwah. Ito’y medyo nakagugulantang, ibinigay na ang doktrina ng Trinidad ay ipinapahayag na ang Diyos ay isang maramihan ng mga katauhan. Kung ang isang Diyos ng Bibliya ay tatlo ang katauhan, aasahan natin na masumpungan na si Yahuwah ay inilarawan sa isang paraan na sumasalamin sa maramihang katauhan na dimensyon. Sa halip na mga isahang panghalip, matatagpuan natin ang hindi mabilang mga pagkakataon kung saan ang tatlong katauhan na Diyos ay sinalita sa mga tuntunin ng mga maramihang panghalip gaya ng “tayo,” “atin,” “natin,” “sila,” o “kanila.” Sa halip, matatagpuan natin ang patuloy na patotoo na si Yahuwah ay isang katauhan, pinatunayan ng patuloy at madiin na paggamit ng mga isahang panghalip.

Maraming Trinitaryan ang nakaliligtaan ang libu-libong pagkakataon sa Kasulatan kung saan si Yahuwah ay inilarawan sa tuntunin ng isahang panghalip na panao (personal na panghalip) upang tumutok sa isa sa apat lamang na sipi kung saan ang maramihang personal na panghalip ay ginamit na nauugnay kay Yahuwah.5 Ang Genesis 1:26 ay isa sa mga sipi:

Genesis 1:26 At sinabi ng Elohim, “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawat umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.”

Ang mga Trinitaryan na iskolar ay inaamin na ang mga panghalip na “natin” at “atin” sa Genesis 1 ay hindi tumutukoy sa isang tatluhang Diyos, kundi sa halip ay kay Yahuwah at Kanyang anghelikong hukuman.

Gayunman, ang mga Trinitaryan na iskolar ay inaamin na ang mga panghalip na “natin” at “atin” sa Genesis 1 ay hindi tumutukoy sa isang tatluhang Diyos, kundi sa halip ay kay Yahuwah at Kanyang anghelikong hukuman. Halimbawa, si Gordon J. Wenham, sa kanyang Word Biblical Commentary on Genesis ay nagsusulat, “Mula kay Philo at nagpapatuloy, ang mga komentaristang Hudyo ay karaniwang pinanghawakan na ang maramihan [sa Genesis, ‘Lalangin Natin ang tao….’] ay ginamit dahil ang Diyos ay nagpapahayag sa Kanyang makalangit na hukuman, iyon ay, ang mga anghel (ikumpara sa Isaias 6:8).” Ipinapakita ni Wenham na ang pananaw na ito ay nagbago noong ikalawang siglo sa pagdating ng tiyak na mga ama ng simbahan noong isinusulat niya, “Mula sa Sulat ni Bernabe at Justin Martyr, na nakita ang maramihan bilang isang sanggunian kay Kristo, tradisyonal na nakita ng mga Kristyano ang bersong ito bilang nagbabadya sa Trinidad.” Gayunman, malakas na tinatapos ni Wenham na “Ngayo’y pangkalahatang inamin na ito ay hindi ang anong ibig sabihin ng maramihan sa orihinal na may-akda.”7 Sa ibang salita, may isang panahon noong ang mga ama ng simbahan ng ikalawang siglo ay nalihis mula sa orihinal na Biblikal na interpretasyon ng “lalangin natin” na mga sipi. Nang makatuwiran, itinatala ni Wenham ang kasalukuyang iskolarsip ay itinama ang maling kurso:

Dapat natin tanungin ang katanungan, bakit, kung ang Diyos ay binuo ng tatlong katauhan, ang Kasulatan ba ay hindi kailanman tinukoy ang Diyos gamit ang mga maramihang panghalip? Medyo simple dahil ang doktrina ay hindi matatagpuan sa Bibliya, isang patotoo kung saan maging ang mga Trinitaryan na iskolar ay magpapatotoo. Halimbawa, ipinapahayag ng The Encyclopedia of Religion, “Ang mga teologo ngayon ay nasa pagkakasundo na ang Hebreong Bibliya ay hindi naglalaman ng isang doktrina ng Trinidad.”8 Dagdag pa, sumasang-ayon ang The Encyclopedia of Ethics and Religion noong ipinapahayag nito, “Walang indikasyon sa Lumang Tipan ng pagkakaiba sa Pagkadiyos; ito ay isang anakronismo na matagpuan ang alinman sa doktrina ng Pagkakatawang-tao o ng Trinidad sa mga pahina nito.”9

Hindi lamang ang doktrina ay hindi matatagpuan sa Lumang Tipan, ito rin ay wala mula sa Bagong Tipan. Si Anthony T. Hanson, propesor, teologo, at malikhaing may-akda, ay nagsusular, “Walang responsableng iskolar ng Bagong Tipan ang mag-aangkin na ang doktrina ng Trinidad ay itinuro ni Yahushua, o itinuro ng mga pinakamaagang Kristyano, o may kamalayang pinanghawakan ng anumang manunulat ng Bagong Tipan.”10

Ipinapakita ng mga makasaysayang talaan na ang doktrina ng Trinidad ay umunlad sa loob ng halos apat na siglo.

Marahil ang propesor at teologo na si Charles Ryre, ay ibinubuod nang pinakamahusay sa kanyang respetadong gawa na Basic Theology noong isinusulat niya:

“Maraming doktrina ang tinanggap ng mga ebangheliko na malinaw na itinuro sa Kasulatan kung saan walang patunay na teksto. Ang doktrina ng Trinidad ay ibinibigay ang pinakamahusay na halimbawa nito. Matuwid na sabihin na ang Bibliya ay hindi malinaw na itinuruto ang doktrina ng Trinidad… Sa katunayan, wala kahit isang patunay na teksto, kung sa patunay na teksto ay ibig sabihin natin ang isang berso o sipi na ‘malinaw’ na nagpapahayag na may isang Diyos na umiiral sa tatlong katauhan.”11

Paano, pagkatapos, ang isang Diyos ng Bibliya ay nagiging isang tatlong katauhang Diyos? Ipinapakita ng mga makasaysayang talaan na ang doktrina ng Trinidad ay umunlad sa loob ng halos apat na siglo. Muli, ito ay isang patotoo na ang mga Trinitaryan na iskolar ay magpapatotoo. Ipinapahayag ni Propesor Hanson na ang doktrina ay, “sa katunayan, mabagal na nagsagawa sa kurso ng unang ilang siglo sa isang tangka na magbigay ng isang mauunawaang doktrina ng Diyos.”12

Dagdag pa, ang The New Encyclopedia Britannica, sa artikulo nito sa Trinidad, ay ipinapaliwanag:

babae-na-itinataas-ang-kanyang-kamay“Wala ang mismong salitang Trinidad pati rin ang tahasang doktrina ay lumilitaw sa Bagong Tipan… Ang doktrina ay umunlad nang dahan-dahan sa loob ng maraming siglo at sa kabila ng maraming kontrobersya… Hindi ito hanggang ikaapat na siglo na ang pagkakaiba ng tatlo at ang kanilang pagkakaisa ay sama-samang hinatid sa isang orthodox na doktrina ng isang esensya at tatlong katauhan.”13

Ang wika, upang maunawaan, ay dapat gumagamit ng mga salita na may isang napagkasunduang kahulugan. Kapag ang isahang panghalip na panao ay ginamit sa halip na isang pangngalan, nalalaman nating lahat na ito’y tumutukoy sa isahang katauhan. “Siya” ay tumutukoy sa isahang lalaki at hindi “sila.” Naipahayag kanina, ayon sa mga dalubhasa sa pagpapaunlad ng bata, maging ang isang tatlong taong gulang ay nauunawaan ang batayang tuntunin na ito.

Kapag ang Kasulatan, na pinukaw ni Yahuwah,14 ay tumutukoy kay Yahuwah gamit ang isahang panghalip na panao, dapat nating tanggapin nang matuwid na ang “Siya” ay nangangahulugang si Yahuwah ay isang isahang katauhan, lalo na kapag ito’y pinagtibay sa buong Kasulatan na si Yahuwah ay Isang Yahuwah. Ang doktrina ng Trinidad ay maaaring angkinin na si Yahuwah ay tatlo ang katauhan sa isang esensya, ngunit ang mga panghalip ay nagsasabi ng isang naiibang kwento. Isang patotoo na mabuting pansinin at unawain.


1 https://www.grammarbook.com/grammar/pronoun.asp

2 www.theroadmap.ualberta.ca/understandings

3 Habang napakaraming Kasulatan na tumutukoy kay Yahuwah bilang Ama upang sumangguni sa lahat ng ito, narito ang ilan: Malakias 2:10; Juan 6:27; 8:54; 20:17; Roma 1:17; 1 Corinto 1:3; 8:6; 2 Corinto 1:2; Galacia 1:3; Efeso 1:2, 2 Tesalonica 1:2, atbp.

4 Kumpara sa Deuteronomio 4:1 kung saan ang maramihang anyo ng “ikaw” ay ginamit sa isang sanggunian sa pagkamarami, pinangalanan ang bayan ng Israel.

5 Genesis 1:26, 3:22; 11:7 at Isaias 6:8

6 Genesis 3:22; 11:7 at Isaias 6:8

7 Gordon Wenham, Word Biblical Commentary on Genesis, (Word Books, 1987), p. 27

8 The Encyclopedia of Religion, ed. Mircea Eliade (Macmillan Publishing, 1987), Vol. 15., p. 54.

9 The Encyclopedia of Ethics and Religion. I-edit ni James Hastings. (Edinburgh: T. & T. Clark, Vol. 6, 1919), p. 254

10 Anthony Tyrrell Hanson, The Image of the Invisible God. (London: SCM Press, 1982), p.87

11 Charles C. Ryrie, Basic Theology: A Popular Systematic Guide to Understanding Biblical Truth. (Moody Publishers: Chicago, IL, 1999), p. 89

12 Anthony Tyrrell Hanson, The Image of the Invisible God. (London: SCM Press, 1982), p.87.

13 The New Encyclopedia Britannica (1985 edition, Micropaedia, Vol. 11, p. 928).

14 2 Timoteo 3:16; 2 Pedro 1:20, 3:16


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/the-testimony-of-singular-pronouns/

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC