Print

Ang Prologo sa Ebanghelyo ni Juan

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Sa simula ay ang salita...

Sa mga sariwang dekada, isang mahalagang bilang ng mga teologo ang nagpakita na ang Juan 1:1 ay nagsasalita lamang tungkol sa isang Katauhan, nagngangalang Ama, at “ang Salita” ay hindi isa pang tao, hindi si Kristo Yahushua; ngunit sa katunayan, ang salita ni Yahuwah ay itinapat ang paglikha sa Genesis gaya sa Awit 33:6: “Sa pamamagitan ng salita ni Yahuwah ay nayari ang mga langit.” Ang pagtutulad sa pagitan ng Genesis 1 at Juan 1 ay halata na. Sinalita ni Yahuwah ang paglikha sa pag-iral sa pamamagitan ng Kanyang salita. Ang bagong paglikha ay pinasimulan kay Yahushua, ang Anak ni Yahuwah.

Ang terminong Hebreo para sa “salita,” davar, ang terminong Aramaikong memra at ang Griyegong logos ay nangangahulugan nang higit pa sa salitang “salita.” Sinasabi ng mga ito ang paghahayag sa sarili ni Yahuwah. Ang maraming leksiko ay ipinapakita ang logos na nangangahulugang: pagbigkas, utos, pasya, plano, pagpapahayag ng kaisipan, malikhaing kaisipan, layunin, pangako, mensahe, karunungan, o katuwiran. Ang “salita” ay isang hindi sapat na pagsasalin ng logos dahil ang logos ay sumasaklaw sa “kaisipan,” “diskurso,” at “kilos.” Kaya ang mga pariralang “malikhaing kaisipan ni Yahuwah na inihayag sa kilos,” “ipinahayag o ipinasyang layunin o plano ni Yahuwah,” “mapakay na kautusan ni Yahuwah” o mga kaparehong parirala ay higit na sapat na sumasalamin sa kahulugan ng logos. Kaya para kay Juan, sa tipikal na anyo ng Hudyo, ay sinasabi ang Dakilang Layunin ni Yahuwah — ang Kanyang hangarin at ang Kanyang kaisipan, Kanyang programa para sa buhay na walang hanggan.

Yaong buhat sa pasimula, na aming narinig, nakita ng aming mga mata, aming napagmasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay — at ang buhay na ito ay nahayag, aming nakita, aming pinatototohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa amin ay ipinahayag. Ipinahahayag namin sa inyo yaong aming nakita at narinig upang kayo rin naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin; at tunay na ang ating pakikisama ay sa Ama at sa kanyang Anak na si Kristo Yahushua. (1 Juan 1:1-3)

Isang malaking tulong sa ating pagkakaunawa ay matatagpuan sa simula ng unang sulat ni Juan na nagbibigay ng isang bahagyang komentaryo sa prologo ng kanyang Ebanghelyo. Mula sa 1 Juan 1:1-3 ay natutunan natin na “ang salita” ay ang inutos na layunin ni Yahuwah o ang pangako sa mga tao na buhay na walang hanggan o ang “buhay ng paparating na panahon.” Kaya ang pangkalahatang pangako, ipinahayag na layunin o planadong hayagang kilos ay “buhat sa pasimula, na aming narinig, nakita ng aming mga mata, aming napagmasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay — at ang buhay na ito ay nahayag,” ay “malinaw” kaya ang mga alagad ay maaaring makita at mahawakan ito, iyon ay noong “ang inutos na layunin na magdadala ng buhay sa paparating na panahon, ay nagkatawang-tao.” Ito’y may pagkakatulad sa mga pagpapahayag ng mga kilos ni Yahuwah, na una nang nagdala ng orihinal na paglikha.

Si Juan sa kanyang unang sulat ay sinasabing: “ang Buhay ng Panahon na Paparating ay mula kay Yahuwah” (1 Juan 1:2). Sa pagpapaliwanag na iyon, sinabi niya sa atin na iyon ay ang pangako ng buhay, na mula na kay Yahuwah sa simula pa lamang, at wala pa sa Anak ni Yahuwah. Ang Anak ay nagsimula lamang umiral noong siya ay isinilang ni Maria.

Ang prologo ay nagpapakita ng walang pag-uusap sa pagitan ni Yahuwah at “ang salita.” Matapos isilang si Yahushua, nagtala ng maraming komunikasyon si Juan sa pagitan nila Yahuwah at Yahushua. Ito’y dagdag na nagpapakita na “ang salita,” bagama’t personal, at mula kay Yahuwah, ay hindi isang hiwalay na Katauhan mula kay Yahuwah hanggang isilang si Yahushua.

Ang aming pagkakaunawa ng prologo ay tinulungan pa noong siniyasat namin ang mga panloob na detalye nito. Ito’y nagbigay sa amin ng mga pahiwatig kung paano maunawaan ang iba’t ibang bahagi nito. Halimbawa ay ang sanggunian ni Juan sa “Sila ay ipinanganak mula kay Yahuwah” (1:12, 13) ay nagpapakita na ito’y ipinahayag na layunin ni Yahuwah na gumawa ng Bagong Paglikha, gaya ng sinasabi ng nalalabi ng Bagong Tipan. At sa berso 18 ay nagpapakita na “Walang taong nakakita [nakakilala] kailanman kay Yahuwah” at dahil dyan ang “plano ng kaligtasan ni Yahuwah” ay isinugo sa anyo ng isang tao (berso 14) para “ihayag,” ipakita o ideklara Siya (berso 18). Ayon sa berso 17 na ang ganoong pagpapakita ay bahagya lamang nakamit ng Kautusan, ngunit ang kagandahang-loob at patotoo at ang ganap na kaalaman ni Yahuwah ay natanto sa pamamagitan ni Kristo Yahushua.

Kawili-wili, ang prologo ay nagpapakita ng kapansin-pansing pagkakatulad sa Kawikaan 8:22-30 kung saan ang Karunungan ay binigyan ng katauhan, ngunit hindi kumatawan, iyon ay hindi naging isang totoong tao. Mayroon pang isang tiyak na pagkakapareho sa pagitan ng Juan 1:1 at ang simula ng sulat sa mga taga-Hebreo.

Ipinakita ng New American Bible ang panulaan at ang prosang ayos, na bumubuo sa prologo ni Juan. Isang bahagyang pagkakaibang anyo ng pagkatula ng prologo ay itinakda ng Katolikong teologo na si Raymond Brown bilang unang stropa — berso 1 at 2, ikalawang stropa — berso 3-5, ikatlong stropa — berso 10-12b, ikaapat na stropa — berso 14, 16.

Dahil ang patulang salik na ito ay hindi nakilala sa maagang panahon, ang prologo ay literal na kinuha. Ito’y nagresulta sa pagsasakatawan ng salita sa mga berso 1-5 (iyon ay, ginagawa ang salita na isang Katauhan na hiwalay mula kay Yahuwah). Ito’y humantong sa maling pagkakaunawa ng layunin ni Juan. Kapag ang pampanitikan ay patula sa anyo nito, ito’y mas karaniwang naglalaman ng metaporikong wika, sa kasong ito ay ang matalinhagang wika ng pagsasatao.

Si Roger Haight, isang Heswitang iskolar, ay ipinaliwanag: “Ang pagsasakatawan ay nangangahulugan na paggawa ng isang ideya o isang konsepto tungo sa isang tunay na bagay…ang mga simbulong Karunungan, Salita, at Espiritu, na natagpuan sa mga kasulatang Hudyo at tumutukoy kay Yahuwah, ay hindi mga pagsasakatawan kundi mga pagsasatao…Isang pangunahing pag-unlad ang naganap noong ang isang pagsasatao ay nagbago sa pagsasakatawan.”1

Ang pangunahing pag-unlad na iyon ay humatong sa isang pagbabaluktot ng layunin ni Juan at lumikha ng Ikalawang Katauhan sa Ulo ng Diyos. Ang monoteismo ay pinahina. Si Yahuwah ay ginawa sa dalawang Katauhan at iyon ay isang malaking kapahamakan.

Ang pagsasatao sa prologo ni Juan ay naaangkop dahil ang mga pinagkukunan ni Juan ay Hebreo o Aramaikong literatura kung saan ang pagsasatao ay malayang ginamit. Halimbawa, ang terminong davar na isinalin bilang “salita” ay madalas isinasatao sa mga Kasulatang Hebreo (“Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.” Awit 147:15). Ang “salita” ay itinuring gaya ng isang tao, subalit ito’y hindi literal na isang tao.

Kaya ang isang isinasataong logos ay hindi na isang bagong ideya kay Juan o sa kanyang mga mambabasa. Ang katunayan na ang logos ay gramatika na panlalaking kasarian sa Griyego ay hindi nangangahulugan na ito’y sekswal na panlalaki kapag isinalin sa Ingles. Kaya halimbawa, sa Pranses, ang isang mesa ay pambabae ngunit hindi “babaeng siya” sa Ingles! Ang salita ay isang “nito/ito.” “Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan nito” (ang salita, berso 3).

“Upang basahin ang Juan 1:1 gaya ng ‘Nang pasimula siya ang Anak’ ay maliwanag na mali.” -Dr. Colin Brown

Ang salitang Griyego na logos ay lumitaw sa LXX (ang bersyong Griyego ng Lumang Tipan) nang humigit-kumulang 1500 beses. Ito’y hindi naglalarawan ng isang tao. Ito rin ay lumitaw nang higit 300 beses sa mga Kristyanong Kasulatan at isinulat sa malaking titik (minali) bilang isang tao sa Juan 1. Ang malaking titik ay isang editoryal na karagdagan ng mga tagapagsalin. (Ang “Salita” ay lehitimong pinalaki ang unang titik sa Pahayag 19:13, kung saan sa pagbabalik ni Yahushua, sa pamamagitan nito na Isang Tao, ay ang Salita.) Gayunman, nagkomento si Dr. Colin Brown ng Fuller Seminary: “Upang basahin ang Juan 1:1 gaya ng ‘Nang pasimula siya ang Anak’ ay maliwanag na mali.”

Ang propesor ng teolohiya sa Heidelberg na si H.H. Wendt ay sinabi: “Hindi dapat tayo makipagtalo mula sa ibig sabihin ni Philo ng ‘salita’ bilang isang…umiral bago isilang na personalidad.” Sa ibang salita ay hindi dapat natin sundin ang Hudyong pilosopo na si Philo at isipin ang salita bilang isang naiibang personalidad.

Ang propesor ng Kabanalan na si James Dunn ay sinabing, “Sa mga maagang yugto ng tula [Juan 1] tayo’y patuloy na nakikitungo sa Karunungan…hindi bilang isang personal na nilalang, kundi isang matalinong bigkas ni Yahuwah na isinatao.”

At muli si Roger Haight ay sinabi: “Isang bagay lang ang tiyak, ang Prologo ni Juan ay hindi kumakatawan ng direktang paglalarawan ng kaalaman ng isang banal na entidad o nilalang na tinawag na Salita, na bumaba at naging isang tao. Upang basahin ang isang metapora bilang literal na salita ay maling interpretasyon.”

Ang ating pagkakaunawa ay ibinahagi ng ilan sa mga maagang ama ng simbahan. Ang komentaryo ni Origen kay Juan ay nagsasabi: “ang logos — tanging sa diwa ng pagbigkas ng Ama na dumating sa pagpapahayag sa isang Anak noong si Yahushua ay isinilang.” Si Tertullian (155-230) ay isinalin ang logos bilang “salita” at ipinahayag: “Ito ay simpleng paggamit ng aming bayan na sabihin [ng Juan 1] na ang salita ng rebelasyon ay nasa kay Yahuwah.” Ang pananaw na ito ay nabuhay sa Espanya at katimugang Gaul hanggang sa mga ikapitong siglo.

Tungkol sa mga pagsasalin bago ang 1611 KJV, pitong pangunahing pagsasalin ang gumamit ng isang maliit na titik na “s” (“w” sa Ingles) para sa salita at maraming pagsasalin mula noong 1611 na sumasalamin sa katunayan na walang ikalawang Katauhan na sinasabi tungkol sa Juan 1:1 (iyon ay ang Concordant, Diaglott, ang 1985 na pagsasalin ng Hudyong mananalaysay na si Hugh J. Schonfield at ang 1993 na pagsasalin ni Robert W. Funk).

Ang mga modernong halimbawa ay ang mga sumusunod:

“Sa simula si Yahuwah ay inihayag ang sarili Niya. Ang personal na pagpapahayag na iyon, ang salitang iyon, ay nasa kay Yahuwah at mismong si Yahuwah” (J.B. Philips).

“Sa simula pa lamang ay ang layunin, ang layunin sa kaisipan ni Yahuwah, ang layunin na sariling nilalang ni Yahuwah…ang layuning ito ay kinuha ang anyo ng tao kay Yahushua” (G.B. Caird, New Testament Theology).

“Sa simula pa lamang ay mayroon nang banal na salita at karunungan. Ang banal na salita at karunungan ay nasa kay Yahuwah. Narito na kasama si Yahuwah mula sa simula. Ang lahat ng bagay ay dumating na sa pamamaraan nito” (Robert Funk).

Mula sa ibabaw tila ang isang naaangkop na pagsasalin ng berso 1a ay maaaring: “Sa simula ay ang inutos na layunin at ang layunin ay nasa kay Yahuwah.”

Marapat na tandaan ang katunayan na ang tula ay isinaayos sa anong tinawag na “paralelismong hagdanan” na anyo, kung saan ang huling salita ng isang parirala ay naging unang salita ng susunod na sa huli’y lumitaw sa kasukdulan.

Sa ibaba ay ang dagdag na mga komento sa pagsasalin sa berso 1.

Berso 1b: “at ang inutos na layunin ay ang katangian ni Yahuwah”

Gramatika, ito’y maaaring isalin na “ang salita ay si Yahuwah” o “ang salita ay gaya ni Yahuwah” (ng mismong kalikasan at katangian ni Yahuwah o “banal”). “Ang kakulangan ng isang tiyak na artikulo ay nagpapahiwatig ng pagpapalagay ng totoo sa halip na pagkakakilanlan” (talaan ng NAB). Ibig sabihin nito na ang salita ay may kalidad ni Yahuwah. Ito’y hindi magkamukha kay Yahuwah.

Ang artikulo ni Philip Harner na pinamagatang “Qualitative Anarthrous Predicate Nouns” ay ipinahayag na “ang mga panaguring pangngalan na walang artikulo bago ang pandiwa [kung saan ang ikalawang kaganapan ng theos sa Juan 1:1 ay isang halimbawa] ay maaaring manungkulan sa simula upang ipahayag ang kalikasan o katangian ng simuno…Ang pwersa ng kalidad ng panaguri ay lubos na kilala kaya ang pangngalan ay hindi maaaring ituring bilang tiyak.” Ang Manual Grammar of the Greek New Testament nila Dana at Manty ay ginagawa rin ang kaparehong punto, gaya rin ng UBS Handbook Series na nagsasabi: “Sapagkat ‘si Yahuwah’ ay walang artikulo bago nito, ‘si Yahuwah’ ay malinaw na panaguri at ‘ang Salita’ ay ang simuno. Ibig sabihin nito na ‘si Yahuwah’ rito ay ang katumbas ng isang pang-uri, at ito’y binigyang-katuwiran ang pagsasalin ng ‘Salita na kapareho ni Yahuwah.’” Ang mga sumusunod na pagsasalin ay sumasalamin sa gramatikang puntong ito:

“Ang Salita ay nasa kay Yahuwah at ibinahagi ang Kanyang kalikasan” (The Translator’s Translation).

“At kung ano si Yahuwah, iyon din ang Salita” (Revised English Bible).

“Ang kalikasan ng Salita ay kapareho ng kalikasan ni Yahuwah” (Barclay).

“Ang Salita ay banal” (Moffatt, pati ang Smith at Goodspeed).

Walang pangangatuwiran para sa pagsulat sa unang titik nang malaki sa “salita” sa pariralang “ang Salita ay si Yahuwah” gaya ng “salita” na nangahulugan na ikalawang tao. Ang isa-sa-isa na pagkakakilanlan kay Yahuwah ay mali dahil sinisira nito ang unitaryong monoteismo (si Yahuwah ay isang Katauhan) ng Kasulatan. “Ngunit para sa atin ay may iisang Yahuwah, ang Ama” (1 Corinto 8:6. Pati ang Juan 17:1, 3 at 1 Timoteo 2:5).

Dagdag pa, ang pagsasalin na “isang diyos” (ang pagsasalin ng Saksi ni Jehovah) ay gramatika na mali at bigo na ilabas ang aspeto ng kalidad ng parirala. “Ang ganitong pagsasalin ay isang kasindak-sindak na maling pagsasalin” (Bruce Metzger). Mali rin ito sa teolohiya dahil sinasabi ng Deuteronomio 32:39: “At walang diyos sa akin.” Kung si Juan ay nais na sabihing “banal,” maaari niyang gamitin ang salitang Griyego na theios. Subalit ang salitang “banal” ay ipinahayag ang kahulugan, bagama’t mahina.

Ang Layunin ni Juan

Isinulat ni Juan ang kanyang prologo upang ipakita na si Yahuwah ay may layunin mula sa simula. Pagkatapos, ipinakita ni Juan ang isinusulong na kilusan ng layuning ito hanggang sa sukdulan kapag ang layunin ay nagkatawang-tao (Juan 1:14). Ang layunin ay naging tao na si Yahushua.

Isinulat ni Juan ang kanyang prologo upang ipakita na si Yahuwah ay may layunin mula sa simula. Pagkatapos, ipinakita ni Juan ang isinusulong na kilusan ng layuning ito hanggang sa sukdulan kapag ang layunin ay nagkatawang-tao (Juan 1:14). Ang layunin ay naging tao na si Yahushua.

“Ang prologo ay tunay na mayroong dinamikang kilusan at tinutukoy nito ang sarili nitong punto ng tampulan. Ito’y nagsisimula nang pangkalahatan at nagtatapos sa isang kongkretong paraan” (Kuschel).

Ang isinusulong na kilusan na ito’y tila itinulak tungo sa berso 14, na punto ng sukdulan ng prologo. Kaya “ang salita” ay inilarawan sa simula na may bahagyang pagsasatao na dumating sa tungkulin.

Ang pagsasatao ay pinalakas sa mga berso 10-12 habang ang tula ay tumatakbo sa paglitaw ng aktwal na katauhan ni Yahushua sa berso 14. Ito’y tuluy-tuloy rin na pinakitid ang tampulan nito mula sa pangkalahatan: “Sa simula” (berso 1, 2, 3a) ay pinakitid sa “ang sangkatauhan…na hindi siya nakikilala” (berso 3b-5, 10), lalo pinakitid “sa kanyang bayan na hindi siya tinanggap” (berso 11), muling pinakitid sa “mga tinanggap siya” (berso 12, 13). Sa huli, ang tampulan ay kumipot sa “ang salita ay nagkatawang-tao” (berso 14a). Ang mga berso 14b, 16 at 17 ay ipinapakita ang nakatataas na panghuling yugto ng plano ni Yahuwah na binigkas upang umiral sa natatanging bugtong na Anak. Ang yugtong ito ay nakatataas sa naunang yugto sa pamamagitan ni Moises (ang Torah). Ang berso 18 ay ipinapakita na tanging sa pamamagitan lamang ng Anak, si Yahuwah ay ganap na ipapakita. Sa karanasang ito, maaari nating ipakita ang ating pagkakaunawa ng prologo sa Ebanghelyo ni Juan.

Ang Panlahatang Salita Ay Isinatao ang mga Berso 1 at 2: Unang Stropa ng Tula

“Sa simula ay ang inutos na layunin, at ang layunin ay nasa kay Yahuwah, at ang layunin ay ang katangian ni Yahuwah. Ito ay ang simula na kay Yahuwah.”

Ang “sa simula” ay tinutukoy nang hindi direkta ang paglikha sa Genesis, kundi sa isang panahon bago ang paglikha noong binuo ni Yahuwah ang isang layunin upang likhain ang mga tao bilang mga potensyal na kandidato para sa pagiging imortal. Ang “sa simula” rin ay nakatagong kahulugan ng kaligtasan sa Bagong Paglikha (berso 13).

Ang pariralang “nasa kay Yahuwah” ay nangangahulugan na ito’y (ang salita ay) nagmula sa Kanya gaya ng nabanggit sa Job 27:11: “Aking tuturuan kayo ng [kaalaman] tungkol sa kamay ng Diyos; ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim.”

Berso 3-5: Ikalawang Stropa

“Ang lahat ng mga bagay [ang sanlibutan] ay ginawa sa pamamagitan nito; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala ito. Nasa kaniya ang buhay [ng paparating na panahon, buhay na walang hanggan] at ang buhay ay siyang ilaw [patotoo ng layunin ni Yahuwah] ng mga tao. At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman [panlilinlang mula kay Satanas na nagsimula sa Eden]; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman. [Genesis 3:15 at patuloy].”

Bago ang 1611 KJV2 at sa ilang modernong tagapagsalin, ang dia autou sa berso 3, 4 ay isinalin na “sa pamamagitan nito,” hindi “sa pamamagitan niya.” Ang paggamit ng panghalip na “nito” para sa “salita” ay angkop dahil ang tula ay isinusulong nang may lumalakas na pagsasatao. Sa huli, ang salita ay naging tao na si Yahushua. Sa una at ikalawang stropa, “ang pangkalahatang salita” ay isang malapit na kasingkahulugan ng “ang ilaw” na kinukuha rin ang walang kasariang panghalip na “nito”.

kanyang salita

Tandaan: Nagkomento si Raymond Brown, “Ang salitang Griyego na zoe (buhay) ay hindi nangangahulugan na likas na buhay sa mga sulat ni Juan” at “Ang prologo ay nagsasabi ng buhay na walang hanggan.” Iyon ay “buhay sa panahon na paparating,” “buhay sa panghinaharap na Kaharian na maaaring matikman sa pamamagitan ng espiritu.”

Ang Unang Prosang Bahagi

Maaaring ang mga berso 6-9, 12c, 13 at 15, 17 at 18 ay ang orihinal na prosa kung saan isa nang binalangkas na tula ang ipinasok.

Berso 6: “Isinugo ni Yahuwah ang isang tao na ang pangalan ay Juan”

Berso 8: “Hindi si Juan ang mismong Ilaw, kundi naparito siya upang magpatotoo kung sino ang Ilaw”

Berso 9: “Ang tunay na ilaw [pagpapahayag ng sarili ni Yahuwah sa pamamagitan ni Yahushua] na nagbibigay-liwanag sa lahat ng tao ay dumating na sa mundo” (isang karaniwang parirala sa mga Hudyo ayon sa Word Biblical Commentary).

Ang Pagsasatao ng Salita ay Naging Mas Malakas na Ikatlong Stropa

Berso 10: “Naparito siya [ang salita, ang layunin ni Yahuwah ay isinatao] sa mundo [ng sangkatauhan, kosmos]. At kahit na nilikha ang mundo sa pamamagitan niya, hindi siya kinilala ng mundo.”

Berso 11: “Pumunta siya [isinataong layunin ni Yahuwah, ngunit ang nagkatawang-tao na ‘layunin’ ay kasalukuyang dumarating sa pananaw] sa sarili [sa pamamagitan ng Kautusan] niyang mga kababayan [Israel], pero tinanggihan siya ng karamihan.”

Ang tula ay kumilos sa isa pang yugto patungo sa sukdulang ito sa pamamagitan ng lalong pagpapalakas ng pagsasatao nang may rebelasyon na ang layunin ni Yahuwah sa anyo ng Torah ay unang tinanggihan ng Israel. Gayunman, dahil ang kanyang pagpapakilala ng “tunay na ilaw” sa berso 9, ito’y maaari na intensyon ni Juan na ipakita na si Yahushua, na nagkatawang-tao na layunin ni Yahuwah, ay dumating sa Israel at hindi tinanggap. Dahil dito’y inihahanda na tayo ni Juan para sa sukdulang pagpapahayag sa berso 14.

Berso 12 a, b: “Ngunit ang lahat [mga taong naliwanagan] ng tumanggap [sa pagpapanatili ng Torah na kanilang tagapagturo patungo sa Mesias] at sumampalataya sa kanya [isinataong layunin ni Yahuwah] ay binigyan niya ng karapatang [kaya tatanggapin nila ang Mesias] maging anak ni Yahuwah.”

Ang Ikalawang Prosang Bahagi

Berso 12c: “sa mga sumampalataya sa kanyang ngalan” (ibig sabihi’y nananalig sa kanya, ang nagkatawang-tao na “layunin”)

Berso 13: “Naging anak sila ni Yahuwah hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang o dahil sa kagustuhan ng tao kundi dahil sa kalooban ni Yahuwah” (“pagkasilang mula sa itaas,” NAB).

“Tangi lamang sa berso 14 na maaari nating sabihin ang personal na Logos. Bago ang berso 14, tayo’y nasa kaparehong lugar bilang usapin ng Karunungan at Logos bago ang Kristyanismo…nakikitungo sa mga pagsasatao sa halip na mga tao, isinataong kilos ni Yahuwah sa halip na isang indibidwal na banal na nilalang.”3

Sumang-ayon si Kuschel: “Tanging mula sa berso 10 maaaring sabihin ng isa ang Logos ensarkos [iyon ay ang tao na si Yahushua].” Ngunit sa berso 14 unang ginawang mas malinaw sa terminong ‘Kristyano’ na ‘ang salita ay nagkatawang-tao’ at kaya tinutukoy ang Logos asarkos sa isang tiyak na tao.”

Ang Sukdulang Pahayag tungkol sa Nagkatawang-Taong Salita: Ikaapat at Huling Stropa

Berso 14: “Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay [bilang bagong anyo ng presensya ni Yahuwah sa Kanyang bayan] na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan niya [ang layunin ni Yahuwah na nagkatawang-tao] bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi niya.”

Berso 16: “Sa kasaganaan ng kanyang biyaya [ipinakita ito ng berso 17 na totoo sa pamamagitan ni Yahushua at humahantong sa Bagong Tipan] ay tumanggap tayong lahat ng sunud-sunod na pagpapala. [ang Torah na kumupas matapos ang katuparan nito]” (o sa NIV ay “isang pagpapala pagkatapos ng nauna” o sa NJB ay “isang kaloob na pinapalitan ang nauna”).

Ang Panghuling Prosang Bahagi

Berso 17, 18: “Ibinigay sa atin ni Yahuwah ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang biyaya at katotohanan ay napasaatin sa pamamagitan ni Kristo Yahushua. Wala pang nakakita kay Yahuwah kahit kailan, ngunit ipinakilala Siya sa atin ng Kanyang Bugtong na Anak, at kapiling ng Ama.”

Pagbubuod

Malamang ang pinaka nakatutulong na mga punto ay ang pagkakaunawa na ang terminong “salita” ay hindi sapat upang ipahayag ang kahulugan ng logos at ang mas malaking bahagi ng prologo ay patula, na nagpapahiwatig ng isang malakas na pagkakatulad ng metaporang kahulugan para sa “salita,” gaya sa katulad na sipi, Kawikaan 8 (“karunungan”). Dagdag pa, sinabi ni Kuschel, “Ang prologo ay tunay na mayroong dinamikang kilusan at tinutukoy nito ang sarili nitong punto ng tampulan. Ito’y nagsisimula nang pangkalahatan at nagtatapos sa isang kongkretong paraan.” Ito’y tunay na ginawang mahirap na lumaktaw pabalik sa anumang maagang yugto ng prologo. Ang ganitong sumusulong na kilusan sa tula ay malakas na nagpapahiwatig na si Yahushua ay anong naging salita na tangi lamang sa berso 14 at, sa ating pananaw, hindi mas maaga sa berso 11 — ginagawa itong imposible para rito na magkaroon ng isang umiral bago isilang na Katauhan sa Juan 1:1. Ang ikalawang Katauhan, na sa katunayan ay si Yahuwah ay sasalungat sa lahat ng nalalabi ng Kasulatan at babaligtarin si Yahushua sa sinabi niya sa Juan 17:3: “Ikaw, Ama, ay makilala nila na iisang Yahuwah na tunay.”

Ang natatanging propesor ng Bagong Tipan na si T.W. Manson ay ginawa ang ating punto sa napakagandang paraan: “Ako’y lubos na nagdududa kung naisip ni Juan ang Logos bilang isang personalidad. Ang tanging personalidad sa eksena ay si Yahushua, ang anak ni Jose mula sa Nazaret. Ang personalidad na iyon ay kumakatawan sa Logos nang ganap kaya si Yahushua ay nagiging isang ganap na rebelasyon ni Yahuwah. Ngunit sa anong diwa natin ginagamit ang salitang ‘kumakatawan’?...Para kay Juan, ang bawat salita ni Yahushua ay isang salita ni Panginoong Yahuwah.”4

pag-aaral ng bibliya


1 Jesus: Symbol of God, p. 257.

2 Hindi kasama ang pagsasalin ni Wycliffe, na mula sa Latin at hindi sa Griyego.

3 James Dunn, Christology in the Making, p. 243.

4 On Paul and John, p. 156.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Ray Faircloth (Focus on the Kingdom, August, 2006).

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC