Print

Ang Sabbath | Bahagi 1 – Pagpapakita ng Katangian ni Yahuwah

Ang Kautusan ni Yahuwah ay isang ganap na sipi ng Kanyang katangian, Kanyang panloob na kaisipan at damdamin. Ang Kautusan ni Yahuwah ay palaging umiiral at hindi nagbabago. Ito'y mananatili magpakailanman.

Nalalaman ni Satanas na ang banal na Kautusan ay ang panuntunan ng Langit at lupa. Nalalaman niya rin na walang lumalabag ng Kautusan ang makakapasok sa Langit. Kaya nilinlang ni Satanas ang mga tao sa pag-iisip na hindi na nila kailangang tumalima sa Kautusan. Itinuturo ni Satanas na ang Kautusan ay “hindi na umiiral pa.” Inaangkin niya na ito’y “napako na sa krus.” Hindi lamang ito isang kasinungalingan, kundi ito’y sumasalungat sa Kasulatan!

Ako, si Yahuwah, ay hindi nababago. (Tingnan ang Malakias 3:6.)

Sinasabi ng Kasulatan ang tungkol sa banal na kautusan:

“Kaya ang Kautusan ay banal at ang tuntunin ay banal, matuwid, at mabuti.” (Roma 7:12, FSV)

Ang Kautusan ay hindi maaaring magbago o “magwakas” dahil ito ay banal. Ito ay matuwid! Ito ay mabuti – gaya mismo ni Yahuwah.

pulot at pulot-pukyutanAng kautusan ni Yahuwah ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ni Yahuwah ay tunay, na nagpapapantas sa hangal.

Ang mga tuntunin ni Yahuwah ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: ang utos ni Yahuwah ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata.

Ang takot kay Yahuwah ay malinis, na nananatili magpakailan man: ang mga kahatulan ni Yahuwah ay katotohanan, at lubos na matuwid.

Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto: lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan.

Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod: sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala. (Tingnan ang Awit 19:7-11.)

Ang Kautusan ay banal at sakdal. Upang baguhin ito o isantabi ay babagsak ito sa pagiging masama at hindi ganap. Kung ang Kautusan ay maaaring magbago o isantabi, ibig sabihin ay may isang bagay na mali o hindi matuwid tungkol sa Kautusan. Sa implikasyon, ito’y nangangahulugang may mali o hindi matuwid sa Tagabigay ng Utos. Maraming matapat na mga Kristyano na sumasamba sa araw ng Linggo, naniniwala na ang Kautusan ay “napako na sa krus” noong ipinako sa krus si Yahushua. Sa katunayan, ang krus ay ang pinakamalaking patunay na ang Kautusan ay walang hanggan at hindi maaaring “magwakas”!

Ipinahayag ng Kasulatan:

Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ni Yahuwah. (Tingnan ang Roma 3:23.)

Hindi iniiwan ni Yahuwah ang sinuman sa pagdududa sa anumang bumubuo sa kasalanan:

“Ang kasalanan ay paglabag sa kautusan.” (1 Juan 3:4)

Ang kaparusahang ibinigay para sa paglabag sa Kautusan ay malinaw na ipinahayag ng Bibliya:

Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang walang-bayad na kaloob ni Yahuwah ay buhay na walang hanggan kay Kristo Yahushua na ating Panginoon. (Tingnan ang Roma 6:23.)

Ito ay para iligtas ang sanlibutan mula sa makatarungang kaparusahan kaya isinakripisyo ni Yahuwah ang Kanyang Anak na mamatay sa krus.

Sapagkat ganoon inibig ni Yahuwah ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Tingnan ang Juan 3:16.)

Narito ang patunay na ang banal na Kautusan ay hindi maaaring magbago, isantabi o “ipako sa krus.” Kung posible na baguhin ang kautusan, hindi na kailangang mamatay ni Yahushua! Ang Ama ay babaguhin lamang ang kautusan kaya ang kaparusahan sa paglabag sa kautusan ay hindi kamatayan. Upang angkinin na ang kautusan ay “natapos na sa krus” ay para balewalain ang dakilang kabayaran ng kaligtasan. Ito ay dahil ang banal, makatarungan at matuwid na kautusan ay HINDI maaaring magbago, kaya kusang-loob na ibinigay ni Yahuwah ang Kanyang sariling Anak upang iligtas ang mga makasalanan mula sa makatarungang kaparusahan na nararapat sa kanila. Si Yahushua ang ating kapalit. Siya, ang Anak ng Tagabigay ng Utos, ay namatay para sa mga lumabag sa kautusan, kaya maaari tayong maligtas!

kamay, pako, at ang Sampung Utos

Kung posible na baguhin ang kautusan, hindi na kailangang mamatay ni Yahushua! Ito ay dahil ang kautusan ay HINDI maaaring magbago, kaya kusang-loob na ibinigay ni Yahuwah ang Kanyang sariling Anak upang iligtas ang mga makasalanan mula sa makatarungang kaparusahan na nararapat sa kanila.

Ang Bibliya ay puno ng payo at pagtuturo sa pagkamatuwid. Ang pagiging “matuwid” ay “gumagawa ng tama.” Sa ibang salita, iyong mga tinukoy sa Bibliya bilang “matuwid” ay mga nagpapanatili ng Kautusan ni Yah! Ang masaganang mga pangako ng Kasulatan ay para sa mga tumalima sa banal na Kautusan: ang matuwid.

“Pinagpapala mo, O Yahuwah, ang mga taong matuwid, at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig.” (Awit 5:12)

“Ang mga matuwid ay gantimpalaan.” (Awit 58:11)

“Mga mata ni Yahuwah, sa matuwid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon. Sa mga masasama, siya'y tumatalikod, at sa alaala, sila'y mawawala. Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib.” (Tingnan ang Awit 34:15-17.)

Malinaw na ipinahayag ni Yahushua na walang mapanghimagsik na lumalabag sa Kautusan ang pahihintulutang makapunta sa Langit. Tanging ang mga matuwid, na nagpapanatili ng Kautusan sa “tamang gawa,” ay magmamana ng buhay na walang hanggan.

“Isusugo ng Anak ng Tao ang kanyang mga anghel, at titipunin nila sa labas ng kanyang kaharian ang lahat ng mga sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng mga gumagawa ng kasamaan [lumabag sa kautusan]; at ihahagis nila ang mga ito sa nagliliyab na pugon. Doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.

“Pagkatapos nito, ang mga matuwid [mga nagpapanatili ng kautusan] ay magliliwanag katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama.” (Mateo 13:41-43)

Lahat ng makalupang pamahalaan ay mayroong mga kautusan o batas. Ang makalangit na pamahalaan ay hindi naiiba. Ang pagsasantabi sa banal na Kautusan, inaangkin na ito’y “napako na sa krus” at sa paanuman ay “hindi na umiiral,” ay walang iba kundi sinasabi na katanggap-tanggap na tumalikod at labagin ang Kautusan. Pinapantay ng Kasulatan ang paglabag sa Kautusan sa kasamaan at napakalinaw na walang bagay na “masama” ang makakapasok sa Langit. Sa pag-aalis ng tabing na nagkukubli ng hinaharap mula sa mga mata ng tao, sinasabi ng Bibliya na “Hindi na kailangan pa ng lungsod ang araw o buwan upang tumanglaw doon, sapagkat ang kaluwalhatian ni Yahuwah ang liwanag nito, at ang Kordero ang ilaw nito. . . . Subalit hindi makapapasok doon ang anumang maruming bagay, ang sinumang may gawaing karumal-dumal o sinungaling, kundi yaon lamang may mga pangalang nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero [sapagkat makakapasok ang mga nagpapanatili ng Kanyang kautusan].” (Pahayag 21:23, 27) Hayaang maunawaan nang ganap, narito; hindi natin pinapanatili ang Kautusan upang maging Makalangit na mamamayan. Sa halip, pinapanatili natin ang Kautusan dahil tayo ang Makalangit na mamamayang muling isinilang kay Yahushua.

Sampung Utos

Ang pagsasantabi sa banal na Kautusan, inaangkin na ito’y “napako na sa krus” at sa paanuman ay “hindi na umiiral,” ay walang iba kundi sinasabi na katanggap-tanggap na tumalikod at labagin ang Kautusan.

Ang layunin ng napakamahal na Plano ng Kaligtasan ay para ipagkasundo ang mga lumabag sa Kautusan at dalhin sila pabalik sa pagiging tagabantay ng Kautusan.

“At sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Ama na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa ay ipagkasundo sa kanya. Nakamtan ang kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak na inialay sa krus.” (Colosas 1:20)

Ang Langit ay hindi pararamihin ng mga imortal na lumabag sa Kautusan. Sa kabayaran ng pagtubos ng banal na Kapalit, ang mga lumabag ay mapagkakalooban ng malinis, dalisay na mga kaisipan. Sila’y magiging Tagabantay ng Kautusan.

“Ito ang pakikipagtipan na gagawin ko sa kanila, pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ni Yahuwah; ilalagay ko ang aking mga tuntunin sa kanilang mga puso, itatanim ko ang mga iyon sa kanilang pag-iisip,” pagkatapos ay sinabi rin Niya, “Ang kanilang mga kasalanan at mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.” (Hebreo 10:16, 17)

Ito ang panghuling layunin ng Ama at Anak: upang magkaroon sila ng Kanilang banal na Kautusan, ang sipi ng Kanilang mga banal na katangian, na muling maging mga katangian ng Kanilang mga anak. Kapag ang pagbabagong ito ay nakamit, ang panalangin ay matutupad kung saan ipinanalangin ni Yahushua, niyayakap ang lahat ng Kanyang mga tagasunod sa katapusan ng panahon:

“Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Ama, maging isa nawa silang lahat. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayundin naman, maging isa nawa sila sa atin upang ang sanlibutan ay maniwala na ikaw ang nagsugo sa akin. Ibinigay ko na sa kanila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin upang sila'y ganap na maging isa, tulad mo at ako na iisa: ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa.” (Juan 17:20-23)

Sa Kasulatan, ang “kaluwalhatian” ay isa pang salita para sa “katangian.” Ang katangian ay ang kaisipan at damdamin. Noong nakiusap si Moises kay Yahuwah, “Ipakita po ninyo sa akin ang Inyong kaluwalhatian,” ang mapagpalang tugon ay:

“Makikita mong lahat ang aking kaluwalhatian at bibigkasin ko sa iyo ang aking pangalan: Yahuwah.” (Tingnan ang Exodo 33:18, 19)

Si Yahuwah ay nagdaan sa harapan ni Moises at sinabi niya, “Akong si Yahuwah ay mahabagin at mapagmahal. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako'y nananatiling tapat. Tinutupad ko ang aking pangako maging sa libu-libo, at patuloy kong ipinapatawad ang kanilang kasamaan, pagsuway at pagkakasala.” (Tingnan ang Exodo 34:6, 7.)

Kapag ang “kaluwalhatian” ng Tagapagligtas (o katangian, Kanyang kaisipan at damdamin) ay ibinigay sa mga nakapagsising lumabag sa Kautusan, sila’y magiging mga Tagabantay ng Kautusan. Pagkatapos, sila’y magiging KAISA ni Yahushua, gaya Niya na KAISA ng Ama. Si Yahuwah kay Yahushua; si Yahushua sa mga matuwid; ang matuwid sa Kanila. Ito ang kapalaran ng lahat ng susunod sa banal na Kautusan, tatanggihan ang mga kasinungalingan ni Satanas na ito ay “napako na sa krus.” Ang mga lumalabag sa Kautusan ay hindi kailanman magmamana ng walang hanggang kaharian, ngunit ang mga matuwid, mga tagabantay ng Kautusan at gumagawa ng tama ay mamumuhay magpakailanman, magsasaya sa presensya ng Ama at Anak, na KAISA nila, sapagkat banal, dalisay at matuwid ang Kautusan.

“Tinatangay ng hangin ang taong masama, ngunit ang matuwid ay gusaling di magiba. Ang matuwid ay mananatili sa kanyang dako, ngunit ang masama, kung saan-saan matutungo.” (Kawikaan 10:25, 30)

“Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na lahat; sila'y mangagmamana ng lupain magpakailan man.” (Isaias 60:21)

batang babae na nakangiti habang nagbabasa ng Bibliya sa labas