Print

Ang Sabbath | Bahagi 2 – Walang Hanggan at Magpakailanman

Ang ikapitong araw ng Sabbath, bilang bahagi ng banal na kautusan, ay nagbubuklod sa lahat ng mga tao sa lahat ng panahon. Sa lahat ng mga kautusan, walang ibang kautusan ang sinira nang madalas at nang may ganoong katapangan gaya ng ikaapat na utos.

Ang mga Kristyano na hindi papangarapin ang pagsamba sa mga diyus-diyosan, pagmumura, pagsisinungaling, pagnanakaw, pagpatay o paggawa ng pangangalunya, ay hindi nag-aatubiling sinisira ang kautusan sa Sabbath. Nilinlang ni Satanas ang karamihan sa paniniwala na ang Sabbath ay “para lamang sa mga Hudyo” at marahil ay “napako sa krus.” Ang pagsasantabi ng ikapitong araw ng Sabbath, ang karamihan sa mundo ng Kristyanismo ay sumasamba sa araw ng Linggo upang “parangalan ang araw kung saan si Hesus ay muling nabuhay.” Ang ganitong pangangatuwiran ay sumasalungat sa Kasulatan na itinuturo na ang Elohim “ay Siya pa rin kahapon, ngayon at magpakailanman.” (Hebreo 13:8) Ang banal na Tagabigay ng Kautusan ay ipinahayag: “Ako, si Yahuwah, ay hindi nagbabago.” (Tingnan ang Malakias 3:6.) Dagdag pa, itinuturo ng Kasulatan na gaano man kaingat ang tao sa pagpapanatili ng kautusan, kung lumabag siya sa kahit isa lang, siya ay nagkasala sa paglabag sa buong kautusan!

“Sinumang tumutupad sa buong Kautusan, subalit lumalabag sa isang bahagi nito, ay nagkakasala sa buong Kautusan. Sapagkat ang Elohim na nagsabi, “Huwag kang mangalunya,” ay siya ring nagsabing, “Huwag kang papatay.” Kung hindi ka man nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, lumalabag ka rin sa Kautusan.” (Santiago 2:10, 11)

Ang tao na nagpapanatili ng buong kautusan ngunit nilalabag ang Sabbath, ay patuloy pa ring lumalabag sa kautusan!

Ang Sabbath ay itinatag sa Paglikha, hindi sa Exodo. Ito ay isang pag-alala ng Paglikha dahil ang pagkakatatag nito sa lupa ay magkadugtong sa pagkumpleto ng sanlingguhang Paglikha.

Inaasahan ni Yahuwah na ang lahat ay pananatilihin ang Kanyang kautusan, hindi lamang ang mga Hudyo. Ang Sabbath ay bahagi ng walang hanggang kautusan, mahigit 2,000 taon bago pa nagkaroon ng bansang Israelita! Ang Sabbath ay itinatag sa Paglikha, hindi sa Exodo. Ito ay isang pag-alala ng Paglikha dahil ang pagkakatatag nito sa lupa ay magkadugtong sa pagkumpleto ng sanlingguhang Paglikha.

“Nilikha nga ng Elohim ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay na naroroon. Tinapos Niyang likhain ang lahat ng ito sa loob ng anim na araw, at Siya'y nagpahinga sa ikapitong araw. Pinagpala Niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito Siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.” (Genesis 2:1-3)

Sapagkat itinatag sa Paglikha, ang Sabbath ay hindi maaaring “mapako sa krus” at hindi rin maaaring ito ay eksklusibong “pag-aari” ng mga Hudyo. Matapos ang pagbaha, ang mundo’y muling lumubog sa paghihimagsik at idolatrya. Kaunti na lamang ang nananatiling totoo sa mga tuntunin ng Langit. Pinili ni Yahuwah si Abram na maging ninuno ng lahi kung saan ang Mesias ay isisilang.

“Sinabi ni Yahuwah kay Abram, . . . Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami. . . . sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.” (Genesis 12:1-3)

Ang bansa ng mga Israelita, bilang mga inapo ni Abraham, ay pinarangalan nang higit sa lahat ng ibang mga bansa sa lupa na naghimagsik laban sa Langit. Sila’y pinagkatiwalaan sa banal na kautusan bilang tagabantay nito. Sa panahon ng mahabang panahon ng pagkabilanggo sa Ehipto, ang mga Israelita ay lubos na nawala ang Sabbath. Itinuro ni Moises sa mga Israelita na ang pagpapanatili ng banal na kautusan ay paunang kailangan para sa kanilang kalayaan. Sa kadahilanang ito kaya inakusahan ng Faraon sina Moises at Aaron ng pag-iimpluwensya ng kanyang mga alipin na tumigil sa paggawa.

“At sinabi sa kanila ng hari sa Ehipto, Bakit kinakalagan ninyo, Moises at Aaron, ang bayan sa kanilang mga gawain? pumaroon kayo sa mga atang sa inyo. At sinabi ni Faraon, Narito, ang mga tao sa lupain ay marami na ngayon, at inyong pinapagpapahinga sila sa mga atang sa kanila.” (Exodo 5:4, 5, ADB)

Ang salitang “pinapagpapahinga” (Shavath, #7673) ay mayroong malapit na mga etimolohiyang ugat sa “Sabbath” (Shabbath, #7676). Ang Sabbath ay hindi ipinakita bilang isang bagong kinakailangan sa Exodo. Ito ay muling itinatag bilang palagiang umiiral na kinakailangan sa banal na kautusan.

“At si Yahuwah ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, ‘Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako si Yahuwah na nagpapabanal sa inyo. Inyong ipangingilin ang sabbath nga; sapagka't yao'y pangilin sa inyo: . . . Anim na araw na gagawin ang gawain; datapuwa’t ang ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, pangilin kay Yahuwah: . . . Kaya't ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng Sabbath, na tutuparin ang Sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan. Ito'y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka't sa anim na araw ay ginawa ni Yahuwah ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan.’ ” (Exodo 31:12-17)

Inilagay ni Yahuwah ang kanilang bansa sa isang mahalagang heograpikong lokasyon kaya maaari nilang turuan ang lahat ng mga nakapaligid na bansa ng mga palagiang kinakailangan sa banal na kautusan. Sa kasamaang palad, sila’y naninibughong ipinagkait ang mismong kautusan na dapat nilang ituro sa iba. Ang ideya, na ang kautusan ni Yahuwah ay eksklusibong pag-aari ng mga Hudyo, nagmula sa mga Israelita. Sa kasalukuyan, nagmalaki ang mga Hudyo sa pagiging “mga anak ni Abraham” at “mga tagapagmana ng pangako.” Inalis ni Pablo ang ganitong pagdadahilan. Matapat niyang ipinahayag:

Datapuwa't hindi sa ang salita ni Yahuwah ay nauwi sa wala. Sapagka't hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel ni sapagka't sila'y binhi ni Abraham, ay mga anak na silang lahat, . . . ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ni Yahuwah: kundi ang mga anak sa pangako'y siyang ibibilang na isang binhi. Sapagka't walang pagkakaiba ang Hudyo at ang Griyego: sapagka't si Yahuwah din ay siyang Elohim ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya'y nagsisitawag: Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ni Yahuwah ay mangaliligtas. (Tingnan ang Roma 9:6-8, 10:12, 13)

Iyon mga may dugong Israelita na hindi nagpapanatili ng kautusan ay mapapahamak kasama ng lahat nang tinanggihan ang banal na kautusan. Lahat ng magpapanatili ng kautusan ay ituturing na mga anak ni Abraham at mamanahin ang pangako ng buhay na walang hanggan.

Sapagkat kayong lahat ay anak ni Yahuwah dahil sa inyong pananampalataya kay Kristo Yahushua. Wala nang pagkakaiba ang Hudyo at Griyego, ang alipin at malaya, ang lalaki at babae; kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Yahushua. At kung kayo'y nakipag-isa kay Yahushua, kayo'y kabilang na sa lahi ni Abraham at mga tagapagmana ayon sa pangako ni Yahuwah. (Tingnan ang Galacia 3:26, 28-29.)

Ang ikapitong araw ng Sabbath, gaya ng lahat ng banal na kautusan, ay palagiang umiiral sa sangkatauhan. Ito ay magiging araw ng pagsamba sa lahat ng walang hanggan.

“ ‘At mangyayari, na mula sa Bagong Buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang Sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko,’ sabi ni Yahuwah.” (Isaias 66:23)

Ang pagtukoy sa Bagong Buwan ay nagpapahiwatig kung anong kalendaryo ang gagamitin upang bilangin ang ikapitong araw ng Sabbath: ang kalendaryong luni-solar na itinatag sa Paglikha. Ang huling henerasyon ay pararangalan si Yahuwah sa pagsamba sa Kanya sa Kanyang Sabbath habang ang natitira sa mundo ay pipiliin at magpapatupad ng isa pang araw ng pagsamba. Inilabas ng Pahayag na ang huling sagupaan na darating sa katapusan ng sanlibutan ay magdadawit ng huwad na sistema ng pagsamba kasama ang maling araw ng pagsamba, pinagtibay ng kapangyarihan ng estado.

“Sinamba nila ang dragon dahil ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw at [isa pang halimaw,] sinabi nila, ‘Sino ang katulad ng halimaw, at sino ang may kakayahang lumaban sa kanya?’ Ginagamit nito [isa pang halimaw] ang lahat ng kapangyarihan ng halimaw na nauna sa kanya, at pinasasamba niya ang lupa at ang mga nakatira dito sa unang halimaw, . . . nililinlang niya ang mga nakatira sa lupa, sinasabihan silang gumawa ng isang larawan ng halimaw na nasugatan ng tabak subalit nabuhay. Pinayagan itong magbigay ng hininga sa larawan ng halimaw upang ang larawan ay makapagsalita at maipapatay ang mga ayaw sumamba sa larawan nito.” (Pahayag 13:4, 12, 14-15)

Sa kabila ng mga panganib, ang huling henrasyon ay mananatiling matatag para sa kautusan ni Yahuwah, sasambahin Siya sa tunay na Sabbath.

“At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang Tagapaghusay ng Sira, Ang Tagapagsauli ng mga Landas na Matatahanan. Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal. . . .” (Isaias 58:12, 13)

Iyong mga magbabalik sa pagsamba sa Manlilikha sa Kanyang banal na Sabbath, muling ibabalik ang paggamit ng Kanyang kalendaryong luni-solar kapag ang mga natitira sa lupa ay ipinahayag na ang Sabbath ay nagwakas na, ay lubos na pararangalan sa Langit. Ipinahayag ng Kasulatan:

Ito ay panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sila na tumutupad sa mga utos ni Yahuwah at patuloy na sumasampalataya kay Yahushua. (Tingnan ang Pahayag 14:12.)

Ang Sabbath ay pananatilihin ng lahat ng matapat na bayan ni Yahuwah, sa buong walang hanggan. Ito ay mananatili magpakailanman na tanda ng kanilang katapatan sa kanilang Manlilikha at Tagapagligtas. Piliin mo sa araw na ito kung sino ang iyong paglilingkuran at sambahin Siya na lumikha ng Langit at lupa, ang dagat at lahat ng naroroon.