Print

Ang Sabbath | Bahagi 3 – Ang Selyo ni Yahuwah

Ang Kasulatan ay puno ng mga babala tungkol sa katapusan ng sanlibutan. Ang mga tekstong ito ay nagbigay ng mismong maliwanag na imahe ng salot, patayan at lansakang pagkawasak na magaganap bago ang Muling Pagdating ni Yahushua. Ang Kasulatan ay naglalaman din ng mga mahahalagang pangako sa mga pangangalagaan sa panahon ng matinding kahirapan – “kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.” (Daniel 12:1, ADB)

Nagbigay ang Pahayag ng mga detalye ng parehong pagkawasak at pagkakalaya na magaganap sa katapusan ng sanlibutan.

“At nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Elohim na buháy. Sumigaw siya sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat, ‘Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy hangga't hindi pa namin nalalagyan ng tatak sa noo ang mga lingkod ng ating Elohim.’ ” (Pahayag 7:2, 3)

pagtatatak sa waksIyong mga natatakan ng selyo ni Yahuwah sa kanilang mga noo ay protektado sa panahon ng paparating na pagkawasak. Ang “mga tuntunin ng pakikipag-ugnayan” sa digmaan sa pagitan nina Yahuwah at Satanas ay sinisigurado ang proteksyon ng mga natatakan ng banal na selyo at ang pagkawasak ng mga wala nito.

Ang mga selyo o tatak ay isang mahalagang bahagi ng lehislasyon. Bawat monarka o pamahalaan ay mayroong isa na kumakatawan sa kapangyarihan at awtoridad ng tagabigay ng batas. Bawat selyo ay mayroong tatlong elemento, kung wala ang isa nito, ang tatak ay kulang. Naglalaman ang selyo ng:

Kung wala ang tatlong elementong ito, ang tatak ay walang bisa. Ito’y hindi ganap na kakatawan sa monarka na ang awtoridad ay sumisimbulo. Dakilang pag-iingat ang kinukuha upang protektahan ang opisyal na selyo ng estado. Kung wala ito, wala, maging ang lagda, ay magiging opisyal. Ngunit kung kasama ang selyo, ang isang simpleng piraso ng papel ay nagiging isang legal na umiiral na dokumento, ang mga pangangailangan kung saan pinagtibay at pinatupad ang kapangyarihan ng estado.

Ang selyo ng Hari ng mga hari, gaya ng tatak ng mga makalupang lider, ay binibigay din ang Kanyang pangalan, titulo at awtoridad. Ang banal na Kautusan na namamahala sa lahat ng mga nilikha, sa langit man o sa lupa, ay ang Sampung Utos. Ang unang apat na kautusan ay bumabalot sa relasyon ng sangkatauhan sa kanilang Manlilikha. Ang huling huling anim na kautusan ay nakapaloob sa pakikitungo ng tao sa kapwa. Gaya ng lahat ng legal na umiiral na lehislasyon, ang Kautusan ni Yahuwah ay naglalaman ng Kanyang selyo. Sa katunayan, ito ay bahagi ng Sampung Utos! Sa lahat ng sampu, ang ikaapat na utos lamang ang naglalaman ng tatlong kinakailangang mga elemento na nasa tatak. Nakapaloob rito ang pangalan ni Yahuwah, ang Kanyang titulo, at isang paglalarawan ng kapangyarihan kung saan Siya namamahala.

Alalahanin mo ang araw ng Sabbath upang ipangilin. Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni't ang ikapitong araw ay Sabbath kay Yahuwah mong Elohim: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan: Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ni Yahuwah ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ni Yahuwah ang araw ng Sabbath, at pinakabanal. (Tingnan ang Exodo 20:8-11.)

Ang Ikapitong Araw ng Sabbath: Ang Selyo ni YahuwahAng ikaapat na utos mismo ay ang maharlikang selyo ni Yahuwah, ang Hari ng mga hari. Naglalaman ito ng:

  1. Kanyang Pangalan: Yahuwah
  2. Kanyang Titulo: Elohim
  3. Kanyang Kapangyarihan: Langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon

Lahat ng nagnanais na manahin ang selyo ni Yahuwah sa kanila, at mapasailalim sa banal na proteksyon, ay sasambahin Siya sa ikapitong araw ng Sabbath, kalkulado ng Kanyang kalendaryong luni-solar. Nalalaman ni Satanas ang proteksyong ibinigay sa lahat ng tatanggap ng selyo ni Yahuwah sa pagsamba sa Kanya sa Kanyang Sabbath. Sa kadahilanang ito kaya sinubukan niya nang may pagsisikap na wasakin ang lahat ng kaalaman ng sinaunang lunar Sabbath at manguna sa mga tao na sumamba sa naiibang araw.

Gaya ng selyo ni YAH, ang Sabbath ay mayroong tatlong tungkulin:

  1. Ito’y nangangalaga;
  2. Ito’y nagpapalakas;
  3. Ito ay isang tanda ng katapatan;

Iyong mga tinatakan ng selyo ni Yahuwah ay matatanggap ang banal na proteksyon:

“Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataas-taasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.

“Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka: ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti.

“Sapagka't ikaw, O Yahuwah, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataas-taasan na iyong tahanan; Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda.” (Awit 91:1, 4, 9-10)

Iyong mga nakatanggap ng selyo ni Yahuwah ay palalakasin. Sapagkat ang mainit na waks ay natanggap ang tatak ng metal na hulmahan, ito’y tumitigas. Ang pinatigas na selyong waks ay isang ganap na sumasalamin sa metal na selyo na humulma rito. Ang mga sumunod kay Yahuwah at sumamba sa Kanya sa Kanyang banal na Sabbath, ay handang isakripisyo ang lahat ng bagay, tatanggapin ang banal na selyo sa kanilang mga kaisipan. Ang tao ay matatanggap ang tatak ng banal na katangian at isang bagong nilalang ang mabubuo. Ang kaisipan ay pinalakas sapagkat ito’y kaisa na ng banal na kaisipan. Ang mga bagong naiisip, bagong kaugalian at mga ninanais ay hahantong na sa buhay na may pagkakatugma sa banal na Kautusan.

Ang Elohim ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo Yahushua, at Siya rin ang humirang sa amin. Nilagyan Niya kami ng Kanyang tatak at pinagkalooban ng Kanyang Espiritu bilang patunay na tutuparin Niya ang Kanyang mga ipinangako. (Tingnan ang 2 Corinto 1:21-22.)

Sa pagtatak na ito kaya ang mga masunuring anak ni YAH ay palalakasin at pangangalagaan mula sa pagkawasak sa katapusan ng sanlibutan.

“Ang pagtatatak ay isang panunumpa mula [kay Yahuwah] ng sakdal na pag-iingat ng Kanyang mga pinili. Ang pagtatatak ay nagpapahiwatig na ikaw ay pinili [ni Yahuwah.] Inilaan ka Niya. Sapagkat tinatakan [ni Yahuwah], tayo ay mga tinubos na pag-aari [ni Yahushua], at hindi na tayo maaagaw pa mula sa Kanyang mga kamay.” (Ellen G. White, Christ Triumphant, p. 102.)

lalaking tumitingin sa kalangitan na may Biblikal na kalendaryong luni-solar sa likuranAng Sabbath ay isa ring tanda ng katapatan. Ito ang palatandaan ng pagkakaiba sa pagitan ng mga sumasamba kay Yahuwah at sa mga hindi. Ang tanda ng kaharian ni Satanas ay laging paghihimagsik at pagsuway. Kaya, ang katapatan at pagtalima sa banal na Kautusan ay ang tanda na naghihiwalay sa mga matapat na saklaw ng Langit. Ang banal na Kautusan ay umiiral pa rin ngayon gaya ng simula nang itatag ito noong Paglikha at inulit mula sa Sinai. Nilinaw ni Yahushua ang pagkakamali ng pag-iisip na ang kautusan ay “napako na sa krus” noong ipinaliwanag Niya na ang patunay ng pag-ibig para sa ating Manlilikha ay matatagpuan sa pagtalima sa Kanyang kautusan.

“Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos.” (Juan 14:15)

Ang pagtalima sa banal na Kautusan, kabilang ang ikaapat na utos, ay ang “panunumpa sa katapatan” na ibibigay ng bayan ni Yahuwah sa kanilang Manlilikha. Ang pagsamba sa ikapitong araw ng Sabbath, kalkulado ng nilikhang sistema ng pagpapanatili ng oras ng Manlilikha, itinatangi ang mga matapat mula sa lahat sa lupa.

Si Yahuwah mismo ay ibinigay ang ikapitong araw ng Sabbath na maging tanda sa pagitan Niya at Kanyang bayan.

“Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga Sabbath; sapagka’t isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na Ako si Yahuwah na nagpapabanal sa inyo.” (Exodo 31:13)

Si Satanas, sa pamamagitan ng napakaraming kasinungalingan at mga erehya, ay sinubukang linlangin at dayain ang mga tao sa paglabag sa ikaapat na utos. Hindi lamang na itinuturo niya na ito ay hindi na umiiral, kundi binago niya ang kalendaryo kung saan nagbibilang sa ikapitong araw ng sanlinggo! Nagbabala ang Kasulatan na si Satanas ay “magbabadya ng mga salita laban sa Kataas-taasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataas-taasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan.” (Daniel 7:25, ADB)

Binago ni Satanas ang kalendaryo sa pamamagitan ng pagsasantabi ng kalendaryong luni-solar at paglalagay ng isang kalendaryong solar ng patuloy na umiikot sa sanlinggo sa pandaigdigang paggamit. Binago ni Satanas ang kautusan sa pagtuturo na ang banal na kautusan ay “napako na sa krus.” Ginawa ito para sa isang layunin: upang masiguro na ang karamihan ay naiwang walang proteksyon sa panahon ng mga huling araw kapag ang huling pitong salot ay ibinuhos na sa lupa.

Ito ay upang ibigay sa bayan ang pagkakataon para sa kaligtasan at proteksyon kaya ang panawagan ay itinaas:

“Matakot kayo sa Elohim at luwalhatiin ninyo siya! Sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghatol. Sambahin ninyo ang Elohim na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!” (Pahayag 14:7)

Lahat ng makikinig sa babala at tanggapin ang maawaing imbitasyon ay pangangalagaan sa panahon ng mga madilim na araw kapag ang poot ni Yahuwah ay ibinuhos sa mga hindi nakapagsising mga makasalanan. Ito ay matagal nang paghihintay ng puso ng Ama. Ito ang dahilan kaya ibinuhos ni Yahuwah ang masaganang pinagkukunan ng Langit upang ipadala ang mensahe ng tunay na Sabbath sa bawat kaluluwa sa lupa. Nais ni Yahuwah na maligtas ang lahat. Nais Niya na protektahan ang Kanyang mga anak sa lupa. Lahat ng sasamba sa tunay na ikapitong araw ng Sabbath, kaya nagpaparangal sa Manlilikha sa kanilang pagtalima, ay matatanggap ang banal na proteksyon at sa huli’y uuwi na sa Langit kasama Niya na itinataas ng mga puso nila.

“Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko. Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya. Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.” (Awit 91:14-16)

iba’t-ibang pangkat ng mga tao na hawak ang bandila ng ‘Maligayang Sabbath’