Print

Ang Sabbath | Bahagi 4 – Mag-Isang Pagsamba

Ipinakita ng Kasulatan ang isang lubos na espesyal na pangkat ng mga tao na pinaparangalan ang kanilang Manlilikha sa pagsamba sa Kanya sa Kanyang banal na Sabbath kapag ang lahat ng mga natitira sa mundo ay tinanggihan ito. Sila ay tinatawag na Angkan ni Zadok. Natatangi ang Angkan ni Zadok. Sila’y lubos na isinuko ang kanilang mga buhay kay Yahuwah, kaya ang kanilang mga kalooban ay pinagsama sa Kanyang kalooban. Ang kanilang mga buhay na ganap na sumasalamin sa banal na imahe. Ang Angkan ni Zadok ay nananamit, nagsasalita, kumikilos sapagkat pinamamahalaan ni Yahuwah. Sila ay sa Kanya, at Siya ay sa kanila. Habang naglilingkod sa kanilang kapwa, sa mismong espesyal na kahulugan, ang Angkan ni Zadok ay naglilingkod kay Yahuwah.

“Ang . . . angkan ni Zadok ang maaaring lumapit sa akin at maglingkod nang tuwiran, sapagkat sila ang patuloy na nangalaga sa aking templo . . . sabi ni Yahuwah. “Sila lamang ang papasok sa aking templo at lalapit sa aking hapag upang maglingkod sa akin at magsakatuparan ng aking iniuutos.

“Kung may hidwaan ang mga mamamayan, sila ang hahatol ayon sa kanilang kaalaman sa usapin. Isasagawa nila sa takdang panahon ang lahat ng aking mga tuntunin at Kautusan. Patuloy rin nilang susundin ang mga tuntunin ukol sa Araw ng Pamamahinga.” (Ezekiel 44:14-16, 24, MBB)

mag-isang paglalakadAng Angkan ni Zadok ay pinanawagan nang pinakamataas. Sa buong panahon, mayroon lamang maliit na pangkat ng mga tao, na lubusang inilaan ang buhay sa paglilingkod sa Kataas-taasan, kaya sila’y kaisa ng Walang Hanggan. Ang mga salitang sinasabi at ang mga gawang ginagawa nila ay isang rebelasyon ng kaisipan at damdamin ng Nag-Iisa na iniibig at pinaglilingkuran nila. Ang ganitong napakataas na kapalaran ay nangangailangan ng espesyal na paghahanda. Ang pagsasanay na ito ay hindi kailanman makukuha o matututunan sa mga makalupang unibersidad. Hindi, maging ang isang seminaryo ay maaaring makapagturo nang tama sa mga magiging mga Anak ni Zadok.

Bawat lalaki, babae, at bata na isinuko ang sarili sa banal ay magmumula sa ilalim ng pangangalaga ng Langit. Personal na pinamamahalaan ni Yahuwah ang mga karanasan sa buhay na bubuo sa kanilang mga katangian para sa dakilang gawa ng paglilingkod para sa Kanya. Ang buhay ng mga Anak ni Zadok ay sagana, ganap at espiritwal na kapaki-pakinabang . . . ngunit ito rin ay mag-isang paglalakad. Nagpalipas si Moises ng 40 taon sa Ilang bilang isang pastol bago siya naghanda na maging tagapagsalita ni Yahuwah. Ang 40 taon na pagsasanay sa paaralan ng Langit ay paghahanda para sa kanyang dakilang paglilingkod ng kanyang buhay. Lubos na pinarangalan ng Langit si Moises. Noong nakiusap siya na makita ang mukha ni Yahuwah, ang mapagpalang tugon ng Makapangyarihan sa kanya ay:

“At kaniyang sinabi, Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo. . . Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay. . . . Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan: At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan: At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa't ang aking mukha ay hindi makikita.” (Exodo 33:19-23)

Sinabi ni Yahuwah ang tungkol sa Angkan ng Zadok:

“At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong si Yahuwah ay pakikilala sa kaniya sa pangitain, na kakausapin ko siya sa panaginip. Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa aking buong buhay: Sa kaniya'y makikipag-usap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang anyo ni Yahuwah ay kaniyang makikita.” (Mga Bilang 12:6-8)

lalaking naglalakad mag-isa sa disyerto

Ang paghahanda ni Moises para sa panawagan sa kanya ay hindi nakuha sa maharlikang korte ng Ehipto, hindi rin sa ilalim ng pinakamahusay na guro. Ito ay natanggap nang mag-isa sa kaparangan ng disyerto, kung saan ang kanyang kaluluwa ay nakipag-usap sa Manlilikha.

Ang paghahanda ni Moises para sa panawagan sa kanya ay hindi nakuha sa maharlikang korte ng Ehipto, hindi rin sa ilalim ng pinakamahusay na guro. Ito ay natanggap nang mag-isa sa kaparangan ng disyerto, kung saan ang kanyang kaluluwa ay nakipag-usap sa Manlilikha. Ito ang paghahanda na kinakailangan sa mga magiging bahagi ng Angkan ni Zadok. Ito ay isang mapanglaw na paglalakad at malayo mula sa katanyagan ng makamundong karangalan, o ang kaduda-dudang “pakikisama” sa mga hindi nakatuon nang ganap para kay Yahuwah.

Lahat ng ilalaan ang kanilang mga sarili kay Yahuwah, ay magiging masunurin sa bawat partikular ng banal na Kautusan – kabilang ang Sabbath ng ikaapat na utos. Habang ang pagtalima ay ibinigay sa puntong ito, gayunman, bawat isa’y dapat manatili nang mag-isa. Ang ikapitong araw ng Sabbath ay maaari lamang kalkulahin gamit ang sinaunang kalendaryong luni-solar ng Paglikha. Ito ay lubos na hindi nalalaman ng mga pari, mga pastor, mga kaibigan at mga kapamilya. Lahat ng tatanggihan ang obligasyon ng pagsamba sa Manlilikha sa Kanyang Sabbath ay aakyat laban sa mga naghahangad na sumunod. Ang ganito ay guguhit ng pagkakaiba sa pagitan ng mga naglilingkod kay Yahuwah at sa mga hindi naglilingkod sa Kanya. Ang resulta ay ang makabagong Angkan ni Zadok, gaya ng kanilang mga kapatid sa nakaraang panahon, kadalasang sumasamba nang mag-isa. Sa una, ito’y maaaring maramdaman nang mali.

Kapag ang lalaki ay narinig ang mga nakakapukaw na sermon sa ilalim ng napakagandang babasaging bintana at makinig sa salimbay na musika, ang katahimikan ng baybayin ng lawa ay tila maaaring hindi masyadong “mapagpakumbaba.” Kapag ang babae ay nakilahok sa patak-patak na hapunan matapos ang paglilingkod sa simbahan, nagtuturo sa mga bata sa Sabbath School, at pumapasok sa mga pagtitipon sa panalangin, ang mag-isang pagsamba sa sariling kwarto ay tila tinabunan ng kalungkutan. Ang pagsambang gawa ng tao ay hindi talaga itinataas ang Manlilikha. Ang awit na napakagandang kinakanta sa harap ng mataong kongregasyon, ay hindi umaabot sa mga tainga ni Yahuwah kapag kinanta mula sa pusong puno ng pansariling pagmamataas. Ang simpleng himno, inaawit nang mag-isa sa kapanglawan ng sariling tahanan, ay matatanggap ang pagpapala ni Yahuwah kapag umaagos mula sa puso na tapat sa pag-ibig. Ang mga anghel, naririnig ang ganitong awitin, nagsasayang sumama ang kanilang mga tinig sa boses ng mapagpakumbabang nananalig at ang koro ay sumisigaw gaya ng malakas na repran, umaalingawngaw sa mga lukso ng Langit at nagdadala ng karangalan sa Nag-Iisang itinataas.

Huwag matutukso na maramdaman na ang iyong pagsamba, ibinigay nang nag-iisa, ay sa anuman na kaunting halaga kay Yahuwah kaysa sa pagluhod o pag-awit kasama ang daan-daan. Ito ang puso ng indibidwal na tumatanggap kay Yahuwah, at sa puso ng indibidwal Siya ay lumalapit. Nangako ang Kasulatan sa lahat ng sumasamba nang mag-isa:

“Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.” (Mateo 18:20)

Hindi nito ibinubukod ang mga walang kasama sa pagsamba. Inatasan ni Yahuwah ang espesyal na anghel na magbabantay sa Kanyang mga anak sa lupa. Tinukoy ni Yahushua ang mga personal na anghel na magbabantay noong Siya ay nagbabala:

“Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit.” (Mateo 18:10)

Ang mga anghel ay sumasama sa bawat anak ni Yahuwah, sumasamba nang mag-isa sa kakahuyan, sa mabuhanging dalampasigan, o sa tahimik na kwarto.

Ang mga anghel ay sumasama sa bawat anak ni YAH, sumasamba nang mag-isa sa kakahuyan, sa mabuhanging dalampasigan, o sa tahimik na kwarto.

“Ano ang mga anghel, kung ganoon? Sila'y mga espiritung naglilingkod sa Elohim at mga isinugo upang tumulong sa mga magkakamit ng kaligtasan.” (Hebreo 1:14)

Ang pinakamapagpakumbabang pantahanang ekklesia, marami man o isa lang ang kasama, ay maaaring isang palasyo na mayaman sa pananampalataya na nananahan rito. Sapagkat ang tunay na pagsamba ay isang pagsasagawa ng debosyon, nagmumula sa pusong umaapaw sa pag-ibig at pasasalamat, sa katunayan, mas madaling sumamba nang mag-isa kaysa sa pangkat ng walang ingat o walang malasakit na mananamba. Hindi dinidikta ng Kasulatan kung anong anyo ng pagsamba ang kukunin. Anumang bagay na lumalapit sa isipan at sa puso sa pagmamahal at katapatan sa Manlilikha ay katanggap-tanggap na gawin sa pagsamba.

“Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga.” (Marcos 2:27, MBB)

Maging handa na subukan ang mga bagong bagay. Kung ano ang posible kasama ang maraming tao, ay maaaring hindi posible kasama ang pamilya o isang indibidwal. Gayunman, hindi nito pinapababa ang salpok sa puso at hindi rin ito nagkukulang ng pagtanggap kay Yahuwah dahil ito’y nagmumula sa indibidwal o pamilya lamang, sa halip na mataong simbahan. Kapag posible, ilaan ang mga banal na oras sa karaniwan. Ito ay isa sa mga pinakadakilang paraan na ilapit ang puso nang pataas sa Langit.

Si Elias ay isa pang Anak ni Zadok na namuhay sa mag-isang pamumuhay, naghahanda para sa kanyang dakilang paglilingkod ng buhay sa paaralan ng Langit. Tinuruan ni Yahuwah ang bawat indibidwal na ang Kataas-taasan at Matayog na nananahan nang walang hanggan ay hindi matatagpuan sa hangin, lindol o apoy. Hindi sa maingay na ligalig o magulong pagsasagawa nagaganap ang komunyon ng tao sa kabanalan. Nagsalita si Yahuwah kay Elias sa “isang banayad na tinig.” (1 Hari 19:12) Ang ganitong banayad, maliit na tinig ay hindi maaaring marinig kapag ang pagsamba ay ibinaon sa ilalim ng mga anyo ng tradisyon o nakagapos ukol sa mga inaasahan ng iba. Ito ay malayo mula sa mga ingay ng modernong lipunan, malayo mula sa mga pagkagambala ng mga hindi nananampalataya, na ang puso ay maaaring marinig nang mahusay ang tinig ng Minamahal. Ang mga mahahalagang panahon ng pagsasama sa Manlilikha ng sanlibutan ay anumang paghahanda ng mga Anak ni Zadok na manatiling mga saksi sa lupa para sa Kaharian ng Langit.

lalaking nagsasaya sa tabi ng lawaSi Yahushua mismo ay tinukoy ang masaganang espiritwal na gantimpala na ibibigay sa mga mapagpakumbabang tutungo sa harap ng Makapangyarihan sa katahimikan ng mag-isang pagsamba.

“Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.” (Mateo 6:6)

Ibigay ang iyong papuri at iyong mga panalangin sa iyong Ama sa Kalangitan. Manahan sa katiyakan ang Kanyang pag-ibig sa iyo, at ang Kanyang pagtanggap sa iyong pagsamba.

Ngayon nga'y wala nang hatol na parusa sa mga nakipag-isa kay Kristo Yahushua, na lumalakad di-ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. (Tingnan ang Roma 8:1)

Sambahin ang Manlilikha sa espiritu at katotohanan sa Kanyang banal na araw ng Sabbath. Iniibig ka Niya nang may pag-ibig na hindi kailanman nang-iiwan. Ang iyong pagsamba, bagama’t simple at mag-isa, malaya sa makamundong pagtatanghal, ay katanggap-tanggap sa Kanyang mga mata.

Ang Kanyang mga salita ay nag-iimbita sa iyo:

“Ang mahal ko ay nangusap. . . Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal. Halika na, aking mahal, tayo na ro'n sa may parang, ang gabi ay palipasing magkasalo sa ubasan. At pagdating ng umaga, . . . doon ay lasapin mo ang pag-ibig kong matapat.” (Awit ni Solomon 2:10, 7:11-12)