Print

Ang Salita Ni Yahuwah Ay Buhay At Maaasahan

Aming ibinalik sa website ng WLC, sa Banal na Kasulatan ay sinipi ang mga Pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito’y orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. I-click rito upang idownload ang Restored Names Version (RNV) ng Banal na Kasulatan. Ang RNV ay isang hindi-WLC na pinagkukunan. –Pangkat ng WLC

Ang Salita Ni Yahuwah Ay Buhay At Maaasahan

Ang Bibliya ba ay sakdal? Ang mga mensahe ng Bibliya ay sakdal. Ang mga pagsasalin ng Bibliya ay hindi sakdal ngunit hindi nito ginagawa ang Bibliya na nasa kamalian.

Ang Bibliya ay naglalaman ng maraming malinaw na mga pagkakamali at hindi pagkakapare-pareho. Gayunman, ang Bibliya ay ipinapakita lamang na ang Tagapagligtas ay kailangan ng bawat puso ng tao. Paano ang isang hindi nakapupukaw na aklat ay naglalaman ng lahat ng mga tuntunin nang sakdal na halaw sa mga pagnanais at pagnanasa ng isang bumagsak na sanlibutan?

Ang mga sumusunod ay pitong dahilan kung bakit ang Bibliya ay totoo at ang tanging pinagkukunan ng katotohanan:

Inspirasyon Ng Banal Na Kasulatan

1. Sa anong pangalan o titulo tinutukoy nila Yahushua at mga banal ni Yahuwah ang mga sagradong kasulatan ng Lumang Tipan, ang Bibliya ng kanilang panahon?

“Sinabi sa kanila ni Yahushua, Kailan man baga’y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok.” Mateo 21:42. “Sapagkat ito ang nilalaman ng kasulatan, Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga: At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.” 1 Pedro 2:6. “Ngunit aking sasaysayin sa iyo ang nakasulat sa kasulatan ng katotohanan.” Daniel 10:21. “Sumagot si Yahushua sa kaniya na sinasabi: Nasusulat: Hindi lamang sa tinapay mabubuhay ang tao kundi sa bawat Salita ni Yahuwah.” Lucas 4:4. “Datapuwa’t siya’y sumagot, at sinabi sa kanila, Ang aking ina at ang aking mga kapatid ay itong nangakikinig ng salita ni Yahuwah, at ginagawa.” Lucas 8:21. “At nangyari, nang gabing yaon, na ang salita ng Elohim ay dumating kay Nathan na sinasabi” 1 Paralipomeno 17:3. “Bawat salita ng Eloah ay subok: siya’y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya.” Kawikaan 30:5.

Kasagutan: Silang lahat ay tinutukoy ang mga sagradong kasulatan bilang “Kasulatan,” ang “salita ni Yahuwah,” o ang “salita ng Elohim o Eloah.”

2. Paano ipinagkaloob ang mga Kasulatan?

“Ang lahat ng mga kasulatan ay ihininga ni Yahuwah.” 2 Timoteo 3:16.

Kasagutan: Sa pamamagitan ng Banal na pagdikta o patnubay.

Ang Banal na Kasulatan ay dumarating sa atin sa apat na hakbang mula mismo kay Yahuwah. “Ang pahayag ni Kristo Yahushua na ibinigay sa kanya ni Yahuwah upang ipakita sa kanyang mga lingkod kung ano ang malapit nang maganap. Ipinaalam ito ni Kristo Yahushua sa pamamagitan ng pagsugo ng kanyang anghel sa lingkod niyang si Juan, na nagpatotoo sa salita ni Yahuwah … Pinagpala ang bumabasa ng mga salita ng propesiyang ito sa mga tao, at ang mga nakikinig.” Pahayag 1:1-3.

3. Sa anong pagkaahente ang mga banal ni Yahuwah ay nagsasalita para sa Kanya?

“Sapagkat hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Yahuwah, na nangaudyokan ng Banal na Espiritu.” 2 Pedro 1:21.

“Ang Espiritu ni Yahuwah ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila.” 2 Samuel 23:2.

“Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Kristo na sumasa kanila. . .” 1 Pedro 1:11.

Kasagutan: Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu – Ang Espiritu nina Yahuwah at Yahushua, ang Kanyang bugtong na Anak. “Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ni Yahuwah. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Kristo, siya’y hindi sa kaniya.” Roma 8:9. “At sapagkat kayo’y mga anak, ay sinugo ni Yahuwah ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.” Galacia 4:6.

4. Sino, dahil dito, ang nagsasalita sa pamamagitan ng mga taong ito?

“Si Yahuwah, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanlibutan.” Hebreo 1:1-2.

Kasagutan: Ang Espiritu ni Yahuwah.

Ang Bibliya Ay Nagbibigay Ng Tunay Na Kaalaman

5. Para sa anong dahilan ang mga Kasulatan ay isinulat?

“Sapagkat ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.” Roma 15:4. “Ang mga bagay na ito nga’y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon.” 1 Corinto 10:11. “Mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ni Yahuwah ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.” 2 Timoteo 3:16-17.

Kasagutan:

A. Para sa ating pagkatuto

B. Para sa ating paunawa

C. Para sa pagtuturo

D. Para sa pagsansala

E. Para sa pagsaway

F. Para sa katuruan sa katuwiran

G. Para maging sakdal

H. Turuang lubos sa lahat ng mabuting gawa

6. Ano ang dinisenyo ni Yahuwah para ang Kanyang Salita ay sumasaatin sa mundong ito ng kadiliman, kasalanan, at kamatayan?

“Ang salita mo’y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.” Awit 119:105. “Sapagkat ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay.” Kawikaan 6:23.

Kasagutan: Ang Kanyang salita ay ang ilawan sa ating mga paa at liwanag sa ating landas.

7. Ano ang tatlong pangunahing pagkakahati na tinutukoy ni Yahushua sa mga sulat ng Lumang Tipan?

“At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako’y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.” Lucas 24:44.

Kasagutan:

A. Ang Kautusan ni Moises

B. Ang Mga Propeta

C. Ang Mga Awit

“Ang kautusan ni Moises (Torah)” ay isang karaniwang Hudyong termino para sa unang limang aklat ng Lumang Tipan. Sa “mga propeta” ay isinasama sina Isaias, Jeremias, Ezekiel, at ang labing-dalawang minor na propeta; kasama rin ang Josue, Mga Hukom, 1 at 2 Samuel, at 1 at 2 Mga Hari. Ang “mga awit” ay isinama ang lahat ng nalalabing aklat.

Sinabi rin ni Yahushua:

“Ang kautusan at ang mga propeta ay nanatili hanggang kay Juan: mula noo’y ang ebanghelyo ng kaharian ni Yahuwah ay ipinangangaral, at ang bawat tao ay pumapasok doon na nagpipilit.” Lucas 16:16

Ang mga sulat ng mga apostol ay kinilala rin bilang bahagi ng Banal na Kasulatan.

Sinasabi ng 2 Pedro 3:15-16: “Gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid, na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya, ay sinulatan kayo; Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo’y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.”

Narito si Pedro na itinuturing ang mga sulat ni Apostol Pablo bilang bahagi ng Banal na Kasulatan, at walang duda na naramdaman niya rin ang mga sulat ng ibang apostol.

8. Sa anong patotoo ibinatay ni Yahushua ang kanyang pagiging Mesias?

“At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.” Lucas 24:27

Kasagutan: Mga propesiya ng Lumang Tipan.

Karamihan ng kagandahan at lalim ng banal na patotoo ay naglaho para sa mga nagbabasa lamang ng Bagong Tipan. Partikular na tinukoy ni Yahushua ang mga propesiya ng Lumang Tipan bilang patunay ng kanyang pagiging Mesias. Kapag si Yahushua ay nagsalita ng Banal na Kasulatan, ibig niyang sabihin ang Lumang Tipan, sapagkat ang Bagong Tipan ay hindi pa nasusulat. Ang mga sanggunian ng Bagong Tipan sa mga salita, “Banal na Kasulatan,” ay tinutukoy ang Lumang Tipan.

Isaalang-alang ang mga sumusunod na kasulatan para sa marami pang pag-aaral tungkol kay Yahushua: Genesis 3:15; 22:18; 26:4; 49:10; Mga Bilang 21:9; Deuteronomio 18:15; Awit 16:9-10; 22:1-31; 132:11; Isaias 7:14; 9:6; 40:10-11; 50:6; 53:1-12; Jeremias 23:5; 33:14-15; Ezekiel 34:23; 37:25; Daniel 9:24; Mikas 7:20; Malakias 3:1; 4:2; Lucas 24:45; Juan 1:45.

Mayroong mahigit 250 direktang pagsipi mula sa Lumang Tipan sa Bagong Tipan. Masusumpungan ng isa na may ganap na pagkakatugma sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan. Ang mga ito’y isang yunit, magkakasamang naninindigan o bumabagsak. Ang Luma ay ang pundasyon para sa Bago.

9. Ano ang tinawag kay Yahuwah sa Banal na Kasulatan?

“Siya ang… Isang Eloah na tapat.” Deuteronomio 32:4. “Sinabi sa kaniya ni Yahushua, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 “Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ni Yahuwah na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan.” Tito 1:2 “Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya’y di maaaring si Yahuwah ay magbulaan.” Hebreo 6:18.

Kasagutan: Eloah na tapat.

Ang Salita ni Yahuwah Upang Maging Bahagi Natin

10. Ano, dahil dito, ang dapat na katangian ng Kanyang salita?

“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan.” Juan 17:17.

Kasagutan: Ang Kanyang salita ay katotohanan.

11. Sa anong saklaw pinadakila ni Yahuwah ang Kanyang salita?

“Sapagkat iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.” Awit 138:2.

Kasagutan: Pinadakila sa Kanyang pangalan.

Ang pangalan ng tao ay tumitindig sa kanyang katangian. Ganito rin kay Yahuwah. Kapag si Yahuwah ay pinadakila ang Kanyang salita sa Kanyang pangalan, ang Kanyang katangian ay nagiging pundasyon ng Kanyang salita at nangangako na ang Kanyang salita ay matutupad. (Hebreo 6:13, 14).

12. Anong patotoo ang mayroon tayo na ipinahayag ni Yahushua ang Kanyang pananalig at paniniwala sa Kasulatan?

“Datapuwa’t siya’y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao… Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin ang Yahuwah mong Eloah… sapagkat nasusulat, Kay Yahuwah mong Eloah sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.” Mateo 4:4, 7, 10.

Kasagutan: Nasa kanyang kaugalian na sumipi ng Kasulatan bilang panghuling awtoridad sa lahat ng kalagayan na nasusumpungan niya ang kanyang sarili.

Ang Tiyak Na Salita Ng Propesiya

13. Ano ang isinama ni Yahuwah sa Banal na Kasulatan upang tumulong sa atin na bumuo ng tiwala sa banal na pagpukaw nito?

“Narito, ang mga dating bagay ay nangyayari na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko: bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo.” Isaias 42:9. “Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagkat ako’y El, at walang iba liban sa akin; ako’y Elohim, at walang gaya ko; Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan.” Isaias 46:9 “Mula ngayon ay sinasalita ko sa inyo bago mangyari, upang, pagka nangyari, kayo'y magsisampalataya na ako nga.” Juan 13:19 “At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito’y mangyari, ay magsisampalataya kayo.” Juan 14:29.

Kasagutan: Mga propesiya ng Bibliya. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa ng natupad na mga propesiya ng Bibliya:

A. TIRO, isang yumayabong na daungan sa dagat ng sinaunang Poeniko. Ang malaki, mayaman na siyudad na ito ay masama sa paningin ni Yahuwah at gumawa Siya ng isang prediksyon ng kapahamakan ng siyudad. Sa Ezekiel 26:7-14, nahulaan ni Yahuwah ang anim na bagay na magaganap sa Tiro:

1. Dadalhin Niya si Nabucodonosor, ang hari ng Babilonya laban sa Tiro.

2. Marami sa mga taga-Tiro ang mamamatay.

3. Ang mga guho ng siyudad ay itatapon sa dagat.

4. Ang lugar ng siyudad ay masisimot ng mga durog na bato, gaya ng tuktok ng isang bato.

5. Ang mga mangingisda ay gagamitin ang lugar na ito upang magkalat ng mga lambat.

6. Ito’y tuluyang hindi na muling itatayo.

Ang lumang siyudad ay nalinis ng mga durog na bato gaya ng tuktok ng isang bato at si Alexander ay minartsa ang kanyang hukbo patungo sa isla at sinakop ang bagong Tiro. Ngayon, karaniwan na makita ang mga mangingisda na ikinalat ang kanilang mga lambat kung saan ang lumang siyudad ay minsang nakatayo. Tatlong tangka upang muling itayo ang siyudad ay nabigong lahat. Ipinapahayag ng Ezekiel 26:14, “At gagawin kitang hubad na bato: ikaw ay magiging dakong ladlaran ng mga lambat; ikaw ay hindi na matatayo; sapagkat akong si Yahuwah ang nagsalita, sabi ng Panginoong Yahuwah.” Ang kapansin-pansin na prediksyon ay natupad sa bawat detalye.

B. EGIPTO. Syempre ang Egipto ay tinamasa ang isang maringal na nakalipas. Ngunit ano sa kasalukuyan? Ang salita ni Yahuwah ay nagtatala ng isang prediksyon.

Noong unang panahon, ang Egipto ay tanyag sa kanyang suplay ng Papyrus, o papel sa buong mundo. Ang tambo ng Papyrus ay lumago nang masagana sa tabi ng Ilog Nilo, at iba pang daanan ng tubig. Gayunman, nahulaan ni Yahuwah na ang tambo ng papel sa tabi ng ilog ay maglalaho, hindi na lilitaw sa lupain ng Egipto. At maging ang saglit na detalyeng ito ay natupad. “Ang mga parang sa pangpang ng Nilo, sa baybayin ng Nilo, at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo, mangatutuyo, mangatatangay, at mangawawala.” Isaias 19:7.

C. BABILONYA. Ang pinakadakilang siyudad ng sinaunang mundo, ay madalas sinalita bilang gintong siyudad ng isang gintong panahon. Nahulaan ni Jeremias tungkol sa Babilonya:

“At hindi ka nila kukunan ng bato na panulok, o ng bato man na mga patibayan; kundi ikaw ay magiging sira magpakailan man, sabi ni Yahuwah.” Jeremias 51:26. “At ang Babilonya ay magiging mga bunton, tahanang dako sa mga chakal, katigilan, at kasutsutan, na mawawalan ng mananahan.” Jeremias 51:37.

Ngunit ang propesiya ay nananatiling mas maliwanag sa Isaias 13:20, 21: “Hindi matatahanan kailan man, ni di tatahanan sa buong panahon: ni di magtatayo roon ang taga Arabia ng tolda; ni di pahihigain doon ng mga pastor ang kanilang kawan. Kundi mga maiilap na hayop sa ilang ang magsisihiga roon; at ang kanilang mga bahay ay mangapupuno ng mga hayop na nagsisiungal; at mga avestruz ay magsisitahan doon, at ang mga lalaking kambing ay magluluksuhan roon.” Isaias 13:20, 21. Ang mga dakilang palasyo at mga nakabiting hardin ng Babilonya ay isa na lamang alaala, ngunit ang taga Arabia ay patuloy na mananahan sa kanyang mga tolda.

14. Ang mga rebelasyon ng agham at mga karanasan ng buhay ay nasa pagkakatugma sa patotoo ng Kasulatan?

Kasagutan: Oo. Narito ang ilang katunayan ng likas na mundo na kinumpirma ng agham:

A. “Sapagkat tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, upang bigyan ng timbang ang hangin” Job 28:24, 25.

Si Galileo, (1564-1642) ay ang una na pinagtibay na ang hangin ay may bigat.

B. “Sino ang tumakal ng tubig sa palad ng kaniyang kamay, at sumukat sa langit ng dangkal, at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang takal, at tumimbang ng mga bundok sa mga panimbang, at ng mga burol sa timbangan?” Isaias 40:12.

Sa mga kamakailang taon lamang natanto kung gaano mahalaga ang mga proporsyon at balanse ng masa ng lupa at karagatan sa ibabaw ng daigdig.

C. “Sila’y [ang langit at lupa] mangapapahamak; datapuwa’t ikaw ay nananatili: At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan.” Hebreo 1:11.

Hindi hanggang sa ika-20 siglo na ang progresibong pagtanda at pagkakawatak-watak ng materya sa radyaktibidad ay natuklasan. Bumabagsak ang kalikasan. “Ang pababang paglalakbay ay madali, habang ang pataas ay alinman sa napakahirap o imposible.” – Sir lames H. Jeans, The Universe Around Us, pahina 306.

D. “Sapagkat tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan.” Levitico 17:14.

Ang sirkulasyon at punsyon ng dugo ay natuklasan ni William Harvey noong 1615.

“Ang propesiya at himala ay kinukumpirma ang salita; ang agham at rebelayon ay kapwa-saksi sa kaparehong [Panginoong Yahuwah]; ang astronomya ay ipinapahiwatig ang Kanyang pagka walang hanggan, kalawakan, impinidad, ang likas na pilosopiya ay nagsasabi ng Kanyang karunungan sa lahat, kapangyarihan sa lahat, sumasalahat ng dako; ang pisyolohiya ay nagpapahiwatig ng Kanyang karunungan at kabutihan sa mga pagsisimula ng buhay, ng kamalayan, ng kaalaman at ng budhi, ay mga himala na hindi maaaring bilangin nang walang Makapangyarihan, at marapat na gawin ang ateismo at panteista na imposible. Habang ang puso ng tao at ang kasaysayan ng tao ay nagkakaisa upang masaksihan ang isang pangangailangan at isang pananabik na hindi bumalot maliban kay [Yahushua]” – Arthur T. Pierson, Many Infallible Proofs, pahina 19.

15. May mga tuntunin ng kalusugan sa Bibliya ba na maaaring sundin ngayon?

Kasagutan: Oo. “Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa.” Awit 67:2. “Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.” 3 Juan 2.

A. Kalayaan mula sa pagkakasakit at karamdaman sa PAGSUNOD NANG BUONG PUSO: Exodo 15:26.

B. Hindi kakain ng taba at dugo: Levitico 3:17; 7:23, 26; 17:10-14.

C. Pagkakaiba ng malinis at ng marumi: Levitico 11:2-11.

D. Isang babala laban sa sobrang katamisan: Kawikaan 25:16, 27.

E. KATAKAWAN o sobrang pagkain ay nakakasama: Kawikaan 23:2; Mangangaral 10:17.

F. KALINISAN – Paghuhugas ng katawan at mga damit upang makontrol ang mga mikrobyo: Levitico 15:2-11.

G. PAGGAWA – Kahalagahan ng trabaho: Exodo 20:9; 1 Timoteo 5:8.

H. PAMAMAHINGA – Ang ating mga katawan ay nangangailangan ng tamang pamamahinga: Marcos 6:31.

I. MORALIDAD – Ang moral na pamumuhay ay pinipigilan ang mga sekswal na karamdaman gaya ng epidemya ng AIDS, pagpapalaglag, atbp.: 1 Corinto 3:17; 6:19; 10:8; Kawikaan 5:1-12.

J. Ang bangkay ng tao ay dapat na ilibing: Deuteronomio 23:12, 13.

K. KUWARENTENAS upang makontrol ang nakakahawang sakit: Levitico 13:46; Mga Bilang 5:1-4.

L. Isterilisasyon: Mga Bilang 31:22, 23.

M. Masayang puso – Nakikinabang ang kalusugan sa isang positibong saloobin: Kawikaan 17:22; 1 Timoteo 6:6.

N. Upang ibigin at tulungan ang ibang tao – Ang poot at kapaitan ay sumisira sa kalusugan: Mateo 25:34-40; Exodo 23:4, 5, 9, 25.

O. Ang poot at kapaitan ay sumisira sa kalusugan: Levitico 19:17, 18; Kawikaan 15:17.

Lumilikhang Kapangyarihan Ng Salita

16. Sa pamamagitan ng anong pagkaahente si Yahuwah ay nilikha ang kalangitan?

“Sa pamamagitan ng salita ni Yahuwah ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng Kaniyang bibig…. Sapagkat Siya’y nagsalita, at nangyari; Siya’y nagutos, at tumayong matatag.” Awit 33:6-9.

Kasagutan: Sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

17. Anong pagbabago ang ginawa sa isa na kay Yahushua?

“Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Kristo Yahushua, siya’y bagong nilalang [literal, “isang bagong likha”]: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.” 2 Corinto 5:17.

Kasagutan: Siya ay isang bagong nilalang at lahat ng mga bagay ay nagiging bago.

18. Paano ang kalangitan ay naging saksi sa rebelasyon ng Bibliya kay Yahuwah at Kanyang kapangyarihan?

“Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ni Yahuwah; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng Kaniyang kamay.” Awit 19:1.

Kasagutan: Ang lahat ay pumupunto nang may napakadakilang pwersa sa isang tiyak na kaganapan, o serye ng mga kaganapan, ng paglikha sa isang panahon o mga panahon, hindi walang hanggang malayo. Ang sanlibutan ay hindi maaaring nagmula sa pagkakataong paglabas ng mga kasalukuyan nitong sangkap, at hindi rin maaaring palaging pareho sa ngayon.

19. Anong saksi ang gumagawa ng lahat ng nilikhang bagay na ibinibigay sa kanilang Manlilikha at sa patotoo ng talaan ng Bibliya?

“Sapagkat ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Diyos; upang sila’y walang madahilan.” Roma 1:20.

Kasagutan: Lahat ng mga tuklas ng tao ay tila ginawa lamang para sa layunin ng pagtitiyak ng marami at higit pang malakas na mga patotoo na nasa Banal na Kasulatan.

“Napilitan ang agham na tanggapin ang ideya ng lumilikhang kapangyarihan.” – Lord Kelvin, sinipi ni Bernard Heywood, This Is Our Faith, pahina 36.

“Sa ating pag-aaral ng mga likas na bagay, tayo’y lumalapit sa kaisipan ng Manlilikha, binabasa ang Kanyang mga kabatiran, ipinapaliwanag ang isang sistema na Kanya at hindi sa atin.” – 1,ouls J. R. Agassiz, Methods of Study in Natural History, 19th ed., pahina 14.

Pinalinis At Pinanatili Ng Kanyang Salita

20. Para sa isang sanlibutan na nakahiwalay kay Yahuwah dahil sa pagsuway sa Kanyang salita, anong katiyakan ang dinadala ng Bibliya?

“Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo: sapagkat siyang kapangyarihan ni Yahuwah sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya; una’y sa Hudyo, at gayon din sa Griyego.” Roma 1:16

Kasagutan: Kagandahang-Loob at Kapangyarihan upang tumalima kay Yahuwah.

“Ang Bibliya ay natatagpuan kung saan tayo, at, kung pahintulutan, ay dinadala tayo kung saan tayo dapt pumunta…. Anong ipinapangako ng Bibliya ay hindi kapani-paniwala ngunit hindi katha.” – Raymond Irving Lindquist, “The Word of God,” Theology Today, vol. 3, No. 2, p. 158.

“Ang maraming tao ay tumutungo sa Bibliya, hindi para sa kaalaman, kundi para sa kapangyarihan; tumutungo sila upang papanumbalikin ang kanilang diwa ng espiritwal na realidad, at angkinin muli ang pananaw na kahanga-hanga. Ang aklat na ito ay lumalagpas sa pagiging isang klasiko at para sa mga tao ay nagiging isang salita ni Yahuwah, dahil sinasalita nito ang mga sukdulang patotoo na nagbibigay sa buhay ng kahulugan nito. Ang mga patotoo na ito kung saan ang ating pananalig ay nananahan, na nagdadala ng kaginhawaan sa ating mga puso, at pinapanatiling nagliliyab ang mga apoy ng pag-asa.”

21. Ang pagbabago ay ginawang posible sa pamamagitan ng salita?

“Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ni Yahuwah na nabubuhay at namamalagi.” 1 Pedro 1:23.

Kasagutan: Upang ipanganak muli.

22. Paano ang salita ay pinagpapala ang binagong buhay?

A. Ito’y nagbibigay ng pagkakaunawa. “Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.” Awit 119:130.

B. Ito’y nag-iingat mula sa kasalanan. “Ang salita mo’y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.” Awit 119:11.

C. Ito’y gumagabay sa landas ng buhay. “Ang salita mo’y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.” Awit 119:105.

D. Ito’y nagpapatibay. “At ngayo'y ipinagtatagubilin ko kayo kay Yahuwah, at sa salita ng kaniyang biyaya, na makapagpapatibay, at makapagbibigay sa inyo ng mana sa kasamahan ng lahat na mga pinapaging banal.” Mga Gawa 20:32.

E. Ito’y nagbibigay ng pag-asa. “Sapagkat ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.” Roma 15:4.

Ang Salita Ni Yahuwah (Isang Pananggalang)

23. Sapagkat mapanganib na ibatay ang ating mga paniniwala sa isang berso ng Kasulatan, ano ang dapat nating gawin?

“Kanino siya magtuturo ng kaalaman? at kanino niya ipatatalastas ang balita? silang nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso? Sapagkat utos at utos: utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito’y kaunti, doo’y kaunti.” Isaias 28:9-10.

“Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.” 1 Corinto 2:13.

Kasagutan: Dapat nating ikumpara ang Kasulatan sa Kasulatan bago bumuo ng ating paniniwala.

24. Gaano mahalaga na manalangin para sa patnubay ng Banal na Espiritu ng Ama bago tayo mag-aral ng Bibliya?

“Datapuwa’t ang Mangaaliw, sa makatuwid baga’y ang Banal na Espiritu, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo’y aking sinabi.” Juan 14:26.

“Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.” Juan 16:13. [1 Corinto 2:10, 14; Roma 8:14]

Kasagutan: “Ang opisina ng Banal na Espiritu ay natatanging tiniyak sa mga salita ni [Yahushua]: At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol.” Juan 16:8. Ito ay ang Banal na Espiritu na naghahatol ng kasalanan. Kung ang makasalanan ay tumutugon sa mabilis na impluwensya ng Espiritu, ihahatid siya sa pagsisisi at mapupukaw sa kahalagahan ng pagtalima sa mga banal na pangangailangan.

Para sa nagsising makasalanan, ang pagkagutom at pagkauhaw para sa pagkamatuwid, ang Banal na Espiritu ay ipinapakita ang Kordero ni Yahuwah na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. “Sapagkat kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo’y ipahahayag,” sinabi ni [Yahushua]. “Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.” Juan 16:14; 14:26.” Acts of the Apostles, pahina 52.

25. Ligtas ba na tanggapin ang pananalig ng isa sa anong bumubuo sa katotohanan?

“Ganito ang sabi ni Yahuwah: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay kay Yahuwah.” Jeremias 17:5 (Basahin rin, Mga Gawa 17:11; Isaias 30:1).

Kasagutan: Hindi. Dapat tayong mag-aral upang tayo’y maging karapat-dapat.

Ikaw ba’y nagpapasalamat kay Yahuwah na ika’y maaaring sumampalataya nang buo sa Kanyang salita para sa iyong buhay?