Print

Ang Selyo ni Yahuwah


Selyo ni Yahuwah = Banal na Proteksyon

Ang Selyo ni Yahuwah ay mas higit na sumasaklaw pa kaysa sa dating naunawaan. Ito ay nagbigay ng espiritwal na proteksyon sa lahat ng namumuhay nang alinsunod sa banal na kautusan. Kasama ang pagsamba sa ikapitong araw ng Sabbath, mga Bagong Buwan, at mga taunang Kapistahan.


Ano pa ang ibibigay mo sa tao na mayroon nang lahat?

Mataimtim. Ano pa ang ibibigay mo sa tao na wala nang kailangan pa?

Hindi mo magagawang ibigay maging ang iyong pinakamahusay sa pagsubok ng pagpinta o iskultura kay Michaelangelo. Hindi mo magagawa ang isang plato ng chocolate chip cookies kay Julia Child o magtahi ng isang damit para kay Christian Dior.

Kapag ang mga salita ay hindi pa sapat, isang pusong puno ng pag-ibig ang mananabik na ipakita ang pag-ibig na nadama ng ilang aksyon. Kaya ano pa ang ibibigay mo sa isang tao na mayroon nang lahat?

Ang problema ay mas malaki kapag nais mong bigyan ang Makalangit na Ama ng isang regalo o kaloob. Anuman ang maaari mong ibigay sa Manlilikha na wala pa sa Kanya, ay hindi na naisip o hindi maaaring gawin para sa Kanya sa pagsabi lang ng mga salita?

Kapag ang mga salita ay hindi pa sapat, kapag walang sapat na kaloob, kapag ang isang pusong umaapaw sa pag-ibig ang mananabik para sa ilang paraan upang ipakita ang pag-ibig na iyon, isang bagay na lamang ang matitira. Laging handa sa pagsunod.

Kapag ang lahat ng mga tradisyong gawa ng tao ay naisantabi, wala nang maraming bagay pa ang hinihiling ng Manlilikha sa Kanyang mga nilikha. “Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahuwah: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Eloah.” (Mikas 6:8) Ang tanging bagay kung saan ang dakilang puso ng walang hanggang pag-ibig ay nananabik ay ang kusang-loob na pagsunod mula sa pusong puno ng pag-ibig.

Iyon lang. Handa sa pagsunod mula sa pusong puno ng pag-ibig.

Ang Kaloob ng Pagsunod

Nakakalungkot, napakaraming tao ang sa halip magbibigay ng isang bagay, anumang bagay, o iba. Sila ay maaaring kumapit sa mga tradisyong gawa ng tao at mga kinakailangan. Madalas mahirap na tuparin ang mga obligasyon ng mga pariseikong patakaran na nagpapakain ng pagmamataas ng tao at itinuturing ang sarili na mas angat sa iba. Sila’y kagaya ng bugnot na si Naaman nung si Propetang Eliseo ay sinabi sa kanya na linisin ang ketong na dapat lang niyang hugasan sa Ilog Jordan.

Nang marinig ito, galit na umalis si Naaman. Sinabi niya, “Akala ko pa nama'y sasalubungin niya ako, tatayo sa harap ko, tatawagan ang Eloah niyang si Yahuwah, at ikukumpas ang kanyang mga kamay sa tapat ng aking ketong at ako'y pagagalingin.

At bakit hindi na lang sa mga ilog ng Damasco tulad ng Abana at ng Farfar na mas malinis kaysa alinmang ilog sa Israel? Hindi ba puwedeng doon na lang ako maligo para gumaling? (2 Hari 5:11-12)

Nung ipinakita sa marami ang simpleng kinakailangan para sa pagsamba sa Manlilikha, sila’y mabilis na naguguluhan, dumadaing ng kahirapan at abala. Ang mga salita ng mga lingkod ni Naaman, nagmamakaawa sa kanya na muling magsaalang-alang, ay naaangkop sa mga tao ngayon gaya nila: Ngunit lumapit sa kanya ang kanyang mga lingkod at sinabi, “Ginoo, kung mas mahirap pa riyan ang ipinagagawa sa inyo ng propeta, di ba't gagawin ninyo iyon? Gaano pa iyang pinaghuhugas lang kayo para luminis?” (2 Hari 5:13)

Ang pagsamba sa Manlilikha ay mas mahalaga pa kaysa sa natanto ng karamihan sa mga tao. Naitala ng Kasulatan ang isang nakakaintrigang pangyayari na magaganap sa nalalapit na hinaharap:

Pagkatapos nito, may nakita akong apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng daigdig. Pinipigil nila ang apat na hangin upang huwag umihip sa lupa, sa dagat o sa alinmang punongkahoy.

At nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ni Yahuwah na buhay. Sumigaw siya sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat,

“Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy hangga't hindi pa namin nalalagyan ng tatak sa noo ang mga lingkod ng ating Yahuwah.”

At narinig ko ang bilang ng mga tinatakan, isandaan at apatnapu't apat na libo (144,000) buhat sa labindalawang (12) lipi ng Israel. (Pahayag 7:1-4)

Ang selyo ni Yahuwah ay ang pinakamahalagang espiritwal na kaloob na makukuha ng bawat kaluluwang nabubuhay sa lupa. Tanging ang selyo ni Yahuwah lamang ang maaaring magbigay ng buhay na walang hanggan at espiritwal na proteksyong kinakailangan upang harapin ang mga paparating na araw kapag ang poot ni Yah ay ibinuhos nang walang awa sa mundong walang pagsisisi.

Ang paghahatol [ni Yahuwah] ay darating sa mga naghahangad na sumalungat at lipulin ang bayan. Ang Kanyang pagtitimpi sa kasamaang lumalakas sa mga tao sa pagsuway, subalit ang kanilang kaparusahan ay gayunman tiyak at kakila-kilabot dahil ito ay matagal nang naantala. ... Sa ating maawaing [Yahuwah], ang paggawa ng kaparusahan ay isang kakaibang kilos. ... “Si [Yahuwah] ay hindi madaling magalit subalit dakila ang kanyang kapangyarihan; at tiyak na mananagot ang sinumang sa kanya'y kumalaban.” [Nahum 1:3] Sa mga bagay na kagimbal-gimbal sa pagkamakatuwiran ay patutunayan Niya ang kapangyarihan ng Kanyang inaaping kautusan. Ang kalubhaan ng pagpaparusang naghihintay sa mga nagkasala ay hahatulan sa pamamagitan ng pag-aatubili [ni Yahuwah] na isagawa ang katarungan. Ang bansang matagal niyang tiniis, at kung saan hindi niya inusig hanggang sa mapuno ang sukat ng katampalasanan sa talaan [ni Yahuwah], sa huli’y paiinumin ng kopa ng poot nang walang halong awa.1

Ang tanda ng halimaw ay pinagbulay-bulay, itinuro at pinagtalunan sa maraming henerasyon. Ngunit ang isang bagay na mangangalaga sa iyo mula sa tanda ng halimaw ay tinakpan at naunawaan ng kaunti. Gayong ipinakita sa ibang mga artikulo sa WLC, ang selyo ni Yahuwah ay matatanggap kapag ang nakapagsising nananalig ay sumamba sa Manlilikha sa Kanyang banal na ikapitong araw ng Sabbath, kalkulado ng Kanyang luni-solar na kalendaryo. Ang masikap na pag-aaral ng Kasulatan, gayunman, ay tumatak sa kaisipan ng pangkat ng WLC na ang selyo ni Yahuwah ay sumasaklaw nang higit pa sa sanlingguhang Sabbath (lunar Sabbath). Kasama rito ang lahat ng mga banal na araw ni Yahuwah sapagkat ito ay ibinigay lamang sa pusong masunurin.

Mayroong tatlong kategorya ng mga banal na araw kung kailan ang lahat ay inaanyayahang sumamba sa kanilang Manlilikha:

  1. Mga Sanlingguhang Sabbath
  2. Mga Buwanang Bagong Buwan
  3. Mga Taunang Kapistahan

Mga Sanlingguhang Sabbath

Nag-uutos ang Kasulatan ng pagsamba sa ikapitong araw ng bawat sanlinggo:

Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Sabbath. Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahuwah na iyong Eloah; ito ay Araw ng Sabbath. Sa araw na ito'y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo. (Exodo 20:8-10)

Mayroong apat na sanlingguhang Sabbath sa bawat lunasyon (buwan sa kalendaryong luni-solar).

Ang Kalendaryo ng Manlilikha

Mga Buwanang Bagong Buwan

Ang mga Bagong Buwan ay mga banal na araw na nagsisimula sa bawat bagong buwan at ang punto kung saan ang sanlingguhang pag-ikot ay magsisimulang muli para sa bagong buwan. Ang katumpakan ng itinalagang paraan ng pagpapanatili ng oras, ang buwan, ay kung bakit ito ay tinatawag na tapat na saksi. “Matatatag magpakailanman na parang buwan, at tapat na saksi sa langit.” (Awit 89:37) Mayroong 12 o 13 lunasyon sa bawat taong solar, bawat isa’y magsisimula sa pagsambang araw ng Bagong Buwan.

Mga Taunang Kapistahan

Ang mga taunang kapistahan ni Yahuwah ay nakabalangkas sa Levitico 23 kung saan ang pagtalima sa mga ito ay paulit-ulit na inutos bilang walang hanggang tipan. Ang mga kapistahang ito ay:

  1. Paskua
  2. Pista ng Tinapay na Walang Lebadura (Pampaalasa)
  3. Bigkis na Ani
  4. Pentecostes
  5. Pista ng mga Trumpeta
  6. Araw ng Pagsisisi
  7. Pista ng mga Tolda

Ang mga tao ay hindi nais na sundin ang mga simpleng pangangailangang ito. Nakita nila itong nakakaabala, nakakahiya pa nga na aminin sa mga kaibigan o katrabaho na may nagpapanatili ng mga kapistahan ng Hudyo! Walang may nais na maging kakaiba at sambahin ang Manlilikha ng Lahat ng isang kakaibang kalendaryo na magiging kakaiba sa sinuman. Lubos na kakaiba.

Ang mundo’y mahihinog na sa pagkawasak nito. Maaaring pagtiisan [ni Yahuwah] ang mga makasalanan ngunit kaunting panahon na lamang. Iinumin nila ang latak ng kopa ng Kanyang poot nang walang halong awa. Iyong mga magiging tagapagmana [ni Yah] at magiging katambal ni [Yahushua] sa imortal na pamana, ay magiging kakaiba. Oo, tunay na kakaiba kaya naglagay [si Yahuwah] ng isang tanda sa kanila bilang Kanya, ganap na Kanya. Akala ninyo na [si Yahuwah] ay tatanggapin ang parangal at pagkilala ng bayan ng humalo sa mundo na sila’y naiiba lamang sa pangalan? ...Sa madaling panahon makikilala kung sino ang nasa panig [ni Yahuwah], mga hindi nahihiya kay [Yahushua]. Iyong mga walang moral na katapangan na kunin ang kanilang posisyon nang matapat sa harap ng mga hindi nananalig, at nilisan ang mga kaugalian ng mundo, at ginaya ng mapagmalasakit na buhay ng [Tagapagligtas], ay nahihiya sa Kanya, at hindi iniibig ang Kanyang halimbawa.2

Kaya, ano pa ang ibibigay mo sa Nabubuhay na, literal na mayroon ang lahat? Ang kusang pagsunod mula sa pusong puno ng pag-ibig. Ang mga matalinong magulang ay tinuturuan ang kanilang mga anak na ipahayag ang pasasalamat dahil ang pasasalamat para sa mga kaloob na ibinigay ay gumigising ng pag-ibig at tiwala. Nalalaman ni Yahuwah na ang Kanyang mga nilikha ay nangangailangan ng landas na magpapakita ng kanilang pag-ibig sa Kanya. Mapagmahal na ipinakaloob Niya ang paraan kung saan maaaring magawa: maglaan para sa Kanyang mga banal na araw para sa pagsamba.

babaeng sumasamba

Tinutukso ni Satanas ang marami na ipalagay ang mga araw ng pagsamba bilang tatak na umaako sa kanilang tiket sa Langit. Wala nang hihigit pa mula sa katotohanan! “Si Yahuwah ay Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.” (Juan 4:24) Ang pagsamba na itinuturing bilang isang obligasyon ay hindi tunay na pagsamba.

Ang pinakamataas na anyo ng pagsamba ay
ang kusang pagsunod.

Ang leksiko ay binigyang kahulugan ang pagsamba bilang isang gawa: “Upang idambana: upang magbigay ng banal na parangal; para galangin nang may kataas-taasang respeto at benerasyon ... Upang parangalan nang may marangyang pag-ibig at pagsunod....”3

Ang tunay na pagsamba ay maaari lamang magmula sa puso ng pag-ibig. Kaya ang kusang pagsunod, ay ang pinakamataas na anyo ng pagsamba. Hindi ito, hindi kailanman, isang gawang dinisenyo para kumuha ng pagpabor. Kung ito nga, sa halip na sa kahulugan, ito ay hindi pagsamba.

Ang Naligtas Ay Natanggap ang Selyo ni Yahuwah

Sa Kanyang sermon sa bundok, ipinaliwanag ng Tagapagligtas ang pagkakaiba ng mga mapapahamak at ang mga, sa huli, ay maliligtas:

Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.

Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’

Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan. (Mateo 7:21-23)

Ang mga mapapahamak ay hindi lamang ang mga nasa bukas na rebelyon. Maraming nag-aangkin na maging mga Kristyano, na nagtatrabaho sa kanilang relihiyon, na “sumasamba” bilang isang paraan na magreresulta (umaako ng kanilang pagpasok sa Langit) ay, sa huli, mapapahamak. Iyong mga tinanggap ang selyo ni Yahuwah ay ang mga pumasok sa isang malapit, matalik na pagkakaibigan sa Tagapagligtas at sa Kanyang Ama. Nagawa nila ang kalooban ng Manlilikha dahil iniibig nila Siya. Upang makilala si Yah ay para ibigin Siya. Kung kilala mo Siya, iibigin mo Siya at kung iniibig mo Siya, nais mo na sundin Siya sa lahat ng bagay, kabilang na ang kung kailan sasamba.

Naunawaan ni Juan ang Minamahal ito:

Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Eloah kung sinusunod natin ang kanyang mga utos.

Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan.

Ngunit ang tumutupad sa salita ng Eloah ay umiibig nang wagas sa Eloah.[a] Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya.

Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Eloah ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Kristo Yahushua. (1 Juan 2:3-6)

Mga Araw ng Pagsamba: Mga Pagkakataon para sa Pasasalamat

Ang malapit at mapagmahal na relasyon ay hindi posible kapag ang pasasalamat at pag-ibig ay pinagkait o kapag ang mga pagsisikap ay hindi pinakita para gawing masaya ang ibang tao. Si Yahuwah, bilang Manlilikha ng Lahat, ay naunawaan ito. Hindi Niya kailangan ang iyong pagsamba. Hindi Niya rin kailangan maging ang iyong pasasalamat. Ngunit kailangan mong ibigay ang mga iyon.

batang nagbibigay ng rosas sa kanyang inaIto ay para matugunan ang pangangailangan na ito sa puso ng tao kaya ang Manlilikha, mula pa sa paglikha ng sanlibutan, inilaan ang ikapitong araw at mga Bagong Buwan4 bilang mga araw ng pamamahinga: “Tinapos niyang likhain ang lahat ng ito sa loob ng anim na araw, at siya'y nagpahinga sa ikapitong araw. Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.” (Genesis 2:2 at 3.)

Sa pagpasok ng kasalanan, isang dakilang agwat ang nakapirmi sa pagitan ng mga bumagsak na makasalanan at ang banal na Ama. Ito ay para magtulay ang agwat na ito, upang dalhin ang bumagsak tungo sa malapit na pakikipag-isa sa Kanya, kaya itinatag ng Ama ang mga taunang kapistahan. Layunin Niya na, gayong ang mga tao ay nagtipun-tipon sa mga itinalagang oras sa buong taon ay maaalala nila nang may pasasalamat at pag-ibig ang Kanyang mga pagpapala at proteksyon.

Ang mabuting magulang ay aayusin ang alinmang kalagayan upang bigyan ang kanilang anak ng pagkakataon ng isusukli nila sa magulang. Hindi naman kailangan ni tatay ng isa pang kurbata. Hindi din kailangan ni nanay ng isa pang tusukan o isang tagibang mamon. Subalit dahil ang bata ay nangangailangan na maranasan ang kasiyahan ng pagbibigayan, ang mga matatalinong magulang ay bibigyan ng pagkakataon ang kanilang mga anak na gawin ito. Sa pagsabi ng anak na “maraming salamat” sa lahat ng bagay na ibinigay sa kanila, ito man ay simpleng baso ng tubig, o pagkain o isang regalo, ang bata ay nagpapayabong ng pag-ibig at pagkilala kaya ang magulang ay nagbibigay ng pagmamahal. Ang bata, bilang tagatanggap, ay nagsasanay ng pasasalamat at ito, susundan ng pagsulong ng pagmamahal. Ito ang tunay na kahalagahan ng pagsamba at ang layunin para sa matapat na paglaan sa sanlingguhan, buwanan at taunang oras para sa pagsamba: pasasalamat na mag-aanak ng pag-ibig.

Ang Makalangit na Ama ay nangangailangan ng pagtalima sa mga banal na araw bilang isang proseso ng pagbuo ng pagtanaw ng utang na loob sa ating mga puso para sa lahat ng nagawa Niya sa atin. Ito ay lubos na malinaw sa isang agraryong lipunan. Lumalago ang mga pananim “Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa mabubuti gayon din sa masasama, at nagpapaulan siya sa mga matuwid at sa mga di-matuwid.” (Mateo 5:45) Ngayon, kapag ang karamihan ay binili ang kanilang mga pagkain mula sa mga grocery stores o palengke, mas mahalaga pa na maglaan ng oras na matanto kung saan o kanino galing ang ating mga bendisyon, at kilalanin ang kabutihan at pagkamapagkaloob ng tagapagtustos.

Kapag ang pasasalamat ay nagising sa puso ng nananalig, ang pag-ibig ay namulat at ang tiwala ay lumalalim. Ito ay kung paano ang indibidwal ay papasok sa malapit at matalik na pagkakaibigan sa Tagapagligtas, kaya sa huli, sila’y tatanggapin Niya dahil kilala Siya. Ang salitang “kilala” sa Kasulatan ay mahalaga. Ito’y naghatid ng mas malalim na kaalaman kaysa sa isang panlabas na pagkabatid. “Sinipingan ni Adan ang kanyang asawa at ito'y nagdalang-tao.” (Genesis 4:1) Iyong mga tumawag na, Panginoon! Panginoon! ay mayroong panlabas na pagkabatid. Ngunit tangi lamang ang mga matalik sa Kanya ay tunay na kilala Niya, dahil Siya ay kilala nila.

Posible bang maligtas nang hindi sumasamba sa mga banal na araw ni Yah? Syempre. Sinigurado ng Banal na Kasulatan na hindi parurusahan ang mga pagkakasala ng kamangmangan. “Pinalampas ni Yahuwah ang mga panahon ng kamangmangan. Subalit ngayo'y ipinag-uutos niya sa lahat ng tao sa lahat ng dako na magsisi.” (Mga Gawa 17:30) Ang mga pagkakasala ng kamangmangan ay hindi hinawak laban sa sinuman na matapat na nais gawin ang tama. Gayunman, wala sa mga nakakakilala sa mga kinakailangan ni Yahuwah ang maaari, nang buong laya, magpatuloy sa pagpapabaya sa mga ito. Ito ay maaaring maging pamumuhay sa bukas na paghihimagsik.

Ang mga matalik na kaibigan ni Yahuwah, iyong mga umibig at sumamba sa Kanya, ay magtitipun-tipon sa mga itinalagang oras, ng Kanyang itinalagang kalendaryo, sa lahat ng walang hanggan. “Tuwing Araw ng Pamamahinga at Pista ng Bagong Buwan, lahat ng bansa ay sasamba sa akin, ang sabi ni Yahuwah.” (Isaias 66:23) Ngayon ang iyong pagkakataon na malaman ang Nag-iisa na nagmamahal sa iyo nang walang katulad. Sambahin Siya sa Kanyang mga banal na araw, kalkulado ng Kanyang orihinal na kalendaryo. Ang mga gantimpala para sa pamamahagi ng isang malapit na pagkakaibigan sa iyong Manlilikha ay walang katapusan sapagkat walang hanggan.


1 Ellen G. White, The Great Controversy, p. 627.

2 Ellen G. White, Spiritual Gifts, Vol. 4b, p. 77.

3 Noah Webster, American Dictionary of the English Language, 1828 ed.

4 Ang katunayan na ang mga Bagong Buwan na itinatag sa Paglikha ay pinatunayan ng mga katotohanan na ang kalendaryong luni-solar mismo ay ang itinalagang paraan ng pagpapanatili ng oras ni Yahuwah mula sa Paglikha ng sanlibutan. Ipinahayag ng Genesis 1:14-15: “Sinabi ng Elohim, Magkaroon ng mga tanglaw sa langit upang mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan. Mula sa langit, ang mga ito'y magbibigay ng liwanag sa daigdig. At gayon nga ang nangyari.” Ang salitang isinalin na “batayan” ay nagmula sa ôwth, #226. Ibig sabihin nito ay isang pansenyas, monumento o tanda. Ang salitang isinalin na “kapistahan” ay nagmula sa mô’êd, #4150. Tinutukoy nito ang mga pagsambang pagtitipon ng bayan ni Yah at ito’y ginamit sa buong Levitico 23 na tumukoy sa mga taunang kapistahan.