Print

Ang Shema: Ang Kredo ni Yahushua

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

ang-shema-ang-kredo-ni-yahushua

Ilang linggo ang lumipas, nagturo ako ng “Ang Shema.” Sa paghahanda sa pagtuturong ito, sinaliksik ko ang iba’t ibang tradisyon ng mga Hudyo na nakapalibot sa sentrong kredo ng Israel. Ngunit bago tayo magpatuloy, nalalaman mo ba kung ano “ang Shema”? Ang salitang “Shema” ay ang kinakailangang anyo ng isang salitang Hebreo na nangangahulugan na “pakinggan” o “dinggin,” at ito ang unang salita sa Deuteronomio 6:4. Narito ang bahagi mula sa Bibliya:

“Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Diyos ay isang Panginoon: At iyong iibigin ang Panginoon mong Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas. At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon. At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo. At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan” (Deuteronomio 6:4-9).

Dinggin mo, Oh Israel:
si Yahuwah nating Elohim
ay isang Yahuwah!

Ang unang punto ay “ang PANGINOON nating Diyos.” Ang mga salita na “ang PANGINOON” ay kung paano ang karamihan sa mga pagsasalin ay nagpapahiwatig ng pangalan ng Diyos — YAHUWAH — sa halip na “ang Panginoon,” na isang titulo, hindi ang personal na pangalan ni Yahuwah. Dahil sa pagkamapagdamdam sa bayan ng Hudyo na naniniwala na ang pangalan ay hindi dapat bigkasin (bagama’t hindi ko nasumpungan ang kanilang mga argumento na kapani-paniwala) ang mga tagapagsalin ng halos lahat ng mga Ingles na Bibliya ay isinalin ang pangalan ng Diyos — Yahuwah — bilang “ang PANGINOON” nang lahat ay nasa malaking titik. Kaya ito ang unang hakbang: si YAHUWAH ay ating Diyos, hindi Apis, Hathor, Ra, Nut, Set, Issis, Baal, Asherah, Dagon, Chemosh, maging si Yahushua, kundi si Yahuwah. Si Yahuwah ay ang tanging Diyos para sa Israel — walang ibang Diyos para sa ating lahat maliban kay Yahuwah. Si Pablo, ang Rabi, ay pinagtitibay ito noong sinasabi niya:

“Kaya’t tungkol sa pagkain ng mga inialay sa mga diyus-diyosan, alam natin na walang totoong diyos na inilalarawan ng mga diyus-diyosan sa sanlibutan, at walang Diyos maliban sa isa. Sapagkat kahit may tinatawag na mga diyos, sa langit man o sa lupa, gaya ng pagkakaroon ng maraming ‘mga diyos’ at maraming ‘mga panginoon,’ ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama, na siyang pinagmulan ng lahat ng mga bagay, at para sa kanya tayo’y nabubuhay, at may iisang Panginoon, si Kristo Yahushua, na sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya, tayo’y nabubuhay” (1 Corinto 8:4-6).

Sa ibang salita, maaari na may ibang “tinatawag na mga diyos” ngunit para sa atin ay mayroon lamang na isang Diyos — ang Ama. Dagdag pa, mayroong isang panginoon — Yahushua ang Mesias. Kaya dahil dito, si Pablo ay nagdadagdag kaagapay ang Shema ng isang pahayag tungkol kay Yahushua, ngunit hindi sa isang paraan na ito’y nilalabag ang simpleng pagpapahayag ng pagiging isa ni Yahuwah bilang ating Diyos. Ang panginoong Yahushua ay may isang hiwalay na opisina — panginoon. Malinaw na mayroon tayong isang Diyos at isang panginoon. Ang ating isang Diyos ay ang Ama at ang ating panginoon ay si Yahushua ang Mesias.

nananalangin-si-Kristo

Bumalik sa Shema. Ang ikalawang punto ay katumbas na simple: “Ang PANGINOON ay isa!” Si Yahuwah ay isa. Si Yahuwah ay hindi mahahati. Siya ay isang iisang katauhan na hindi maaaring paghiwa-hiwalayin. Noong si Yahushua ay sinipi ang Shema, sinabi niya, “Makinig ka, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos ay iisang Panginoon” (Marcos 12:29). Maraming teologo ay sinubukan sa loob ng maraming taon upang gawin ang salitang “isa” na mangahulugan na “tatlo” nang hindi matagumpay. Sa kabutihang-palad, ang salitang “isa” ay hindi ano pa man na isang malabong salita, sapagkat ito ay ang pangunahing bilang — ang salita na sisimulan ng sinuman kapag nagbibilang. Si Yahuwah ay isa, hindi dalawa, hindi rin tatlo. Ang simple at hindi mapapabulaanan na punto ay itinangi ng maraming sampung libong isahang panghalip at pandiwa na ginamit kay Yahuwah. Si Yahuwah ay isang “Siya,” hindi isang “Sila.” Kapag Siya’y nagsasalita, hindi Niya sinasabi na “kami” kundi “Ako.” Ang puntong ito ay matatag at malinaw sa Deuteronomio at Isaias:

1 =/= 3

“Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang PANGINOON ay siyang Diyos; wala nang iba liban sa kaniya…Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na ang PANGINOON ay siyang Diyos sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa” (Deuteronomio 4:35, 39).

“Ganito ang sabi ng PANGINOON, ng iyong Manunubos, at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, ‘Ako ang PANGINOON na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa’” (Isaias 44:24).

“Ako ang PANGINOON, at walang iba; liban sa akin ay walang Diyos. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala. Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang PANGINOON, at walang iba. Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha ko ang kadiliman; ako’y gumagawa ng kapayapaan, at lumilikha ako ng kasamaan; ako ang PANGINOON, na gumagawa ng lahat na bagay na ito...Sapagkat ganito ang sabi ng PANGINOON na lumikha ng langit, (na siyang Yahuwah na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan): ‘Ako ang Panginoon; at wala nang iba’” (Isaias 45:5-7, 18).

“Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagkat ako si Yahuwah, at walang iba liban sa akin; ako si Yahuwah, at walang gaya ko” (Isaias 46:9).

Ang Banal na Kasulatan ay hindi nagkakamali na malinaw sa puntong ito (at marami pang berso na maaaring sipiin upang ipakita ang kaso). Si Yahuwah lamang ang Diyos. Siya ay isang “Ako,” hindi isang “Kami” at Siya ay lubos na partikular upang makuha ang puntong ito sa Kanyang buong bayan. Nais Niya na malaman nila na “Ako si Yahuwah at wala nang iba.” Ngunit ang Shema ay hindi nagwawakas sa Deuteronomio 6:4; ito’y nagpapatuloy sa berso 5 na nagsasabi: “At iyong iibigin ang PANGINOON mong Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas” (Deuteronomio 6:5).

Katulad sa Deuteronomio 6:4 na nagsasabi sa atin kung sino ang ating Yahuwah at ilan Siya, nagsasabi ang berso 5 sa atin ng tamang gawa para sa Kanya. Iibigin natin Siya sa lahat ng bagay. Hindi lamang ng ating mga puso at lakas kundi ang mismo nating mga buhay! Iniibig natin si Yahuwah, ang ating Diyos, nang ating mga damdamin, mga gawa, at buong pagkatao. Itong ikalawang bahagi ng Shema ay imposible kung wala ang unang bahagi. Sapagkat kung may tatlo na Diyos, pagkatapos ay hindi natin kailanman iibigin ang sinuman sa kanila nang buong-buo. Sa pinakamahusay, maaari nating ibigin ang bawat isa nang pantay-pantay (ikatlong hati sa bawat isa). Gayunman, ang kalamangan ng mahigpit na monoteismo ay maaari nating ayusin ang iisang tampulan ng puso kay Yahuwah at ibigin Siya nang may iisang kaisipan — sa lahat ng bawat hibla ng ating pagkatao.

Sa pagsasaliksik ng Shema at kung paano ang bayang Hebreo ay kumapit sa simple, sentrong kredo na ito, dumating ako sa isang hindi kapani-paniwalang kwento tungkol sa isang ikalawang siglong martir na Hudyo. Ang kanyang pangalan ay Rabi Akiva, at maaari siyang pamilyar sa iyo dahil pinuri niya si Simon Bar Kokhba bilang Mesias sa ikalawang pag-aalsa ng mga Hudyo, na nagwakas sa kapahamakan noong 135 AD.

rabi-akivaBueno, kahit papaano, matapos ang bigong rebolusyon ng mga Hudyo laban sa Roma, ang polisiya ay itinakda na ang Torah (ang Kautusan) ay hindi na maaaring ituro sa pagdurusa ng kamatayan. Si Rabi Akiva ay inibig si Yahuwah nang lubusan kaya itinuro niya ang Torah sa kabila ng kautusan ng Roma na nagbabawal rito. Noong natagpuan ng mga Romano, sinentensya siya sa isang napakasakit na kamatayan. Kinuha nila ang isang malaking bakal na suklay at sinimot ang kanyang 90-taong gulang na laman. Noong si Rufus [ang Romanong komandante] ay hinatulan ang benerable na si Akiva sa kamay ng berdugo, ito ang tamang oras ng araw upang bigkasin ang Shema. Puno ng debosyon, sinalita ni Akiva ang kanyang panalangin nang mahinahon, bagama’t nagdurusa ng matinding sakit; at noong si Rufus ay tinanong siya kung siya ay isang salamangkero buhat nang wala siyang naramdamang sakit, tugon ni Akiva, “Hindi ako salamangkero; kundi ako’y nagagalak sa pagkakataon na ipinagkaloob sa akin na ibigin ang aking Diyos ‘nang buong buhay ko,’ nakikita ko na hanggang ngayon ay nagagawa kong ibigin Siya lamang nang ‘lahat ng aking makakaya’ at ‘lahat ng aking lakas,’” at sa isang salita na ‘Isa!’ ay nalagutan siya ng hininga.” Nais ni Akiva na ibigin si Yahuwah nang buong-buo, kabilang ang pag-ibig kay Yahuwah upang ibuhos ang kanyang nabubuhay na kaluluwa sa kamatayan.

Ang Jewish Encyclopedia ng 1906: “Ito [ang Shema] ay ang panghuling salita ng naghihingalo sa kanyang pagtitibay ng pananalig. Ito ay nasa labi ng mga nagdurusa ay pinahirapan sa ngalan ng Kautusan. Si Rabi Akiva ay nagtiis habang ang kanyang laman ay sinimot ng bakal na suklay at namatay sa pagbibigkas ng ‘Shema.’ Sinalita niya ang panghuling salita ng pangungusap, ‘Echad’ (isa), sa kanyang huling hininga. Sa panahon ng bawat pag-uusig at malawakang pagpaslang, mula sa panahon ng Ingkisisyon hanggang sa mga pagpatay sa Kishinef, ‘Shema’ Yisrael’ ang naging mga huling salita sa labi ng mga naghihingalo.”

Mismo, ang Shema ay ang napakahalagang pagtatapat ng pananalig na si Yahuwah ay ating Diyos, na Siya ay isa, at tayo’y iibigin Siya sa lahat ng bagay, maging sa pagharap sa matinding paghihirap at kamatayan.

Subalit, hindi pa yan ang lahat! Ang pagkakaunawa ng mga Hudyo sa Shema ay isinasama hindi lamang ang Deuteronomio 6:4-5, kundi rin ang mga berso 6-9: “At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon. At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo. At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan” (Deuteronomio 6:6-9).

Ang Shema ay para mapunta sa puso ng bawat Israelita; ito ay ituturo sa kanilang mga anak. Ang mga batang Hudyo ay tinuturuan ng Shema hanggang sa matutunan nila ito. Dagdag pa, ang Shema ay sinabi na hindi bababa sa dalawang beses araw-araw, sa umaga at sa gabi. Ang Shema ay inilagay sa tefillin, mga kahon na yari sa itim na goma na suot sa ulo at kamay sa panahon na nananalangin. Sa paraang ito, ang mga kautusan ay tiyakan bilang isang tanda. Panghuli, ang Shema ay isinulat sa isang balumbon at inilagay sa mezuzah na nakakabit sa poste ng pintuan.

Sapat na itong sabihin na ang Shema ay ang sentrong kredo ng Hudaismo. Ngunit, pagkatapos, ano naman ang para sa atin? Dapat bang ampunin ng mga Kristyano ang kredo ng Israel bilang ating kredo? Mayroon akong dalawang tugon sa katanungang ito: isa mula kay Yahushua at isa mula kay Pablo.

Sa Marcos 12:28-34, natagpuan natin ang isang iskriba na nagtatanong kay Yahushua ng isang mahalagang katanungan, “Ano ang pangunahing utos sa lahat?” Tumugon si Yahushua sa pagsipi ng Shema, “Makinig ka, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos ay iisang Panginoon. Ibigin mo si Yahuwah mong Diyos nang iyong buong puso, nang iyong buong kaluluwa, nang iyong buong pag-iisip, at nang iyong buong lakas.” Nagdagdag si Yahushua sa Shema ng isang ikalawang utos (mula sa Levitico 19:18) noong sinabi niya, “Ang pangalawa ay ito, Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” Ang Shema ay ang sentrong kredo para kay Yahushua! Ito’y hindi na lubos na nakakagulat ano pa man dahil si Yahushua ay isang Hudyo na namuhay sa mga kautusan na nakapaloob sa Banal na Kasulatan ng Hebreo. Kung ang Shema ay ang kredo ng Hudaismo, aampunin ito ni Yahushua bilang kanyang personal na kredo. Kaya dahil dito, kung ang Shema ay ang sentrong kredo ni Yahushua at si Yahushua ang ating panginoon at halimbawa, hindi ba natin aampunin ito bilang ating kredo? Hindi ba tayo sasamba sa kaparehong Diyos na sinamba ni Yahushua? Maaari nating ampunin ang ibang patotoo bukod sa kredo ni Yahushua at ng Israel, ngunit hindi natin maaaring salungatin ang patotoo na nakapaloob sa Shema.

Maaari nating hindi sabihin na ang Diyos ay tatlo buhat nang ang Shema ay tinitiyak na ang ating Diyos ay isang indibidwal —Yahuwah— ngunit maaari nating idagdag kasama ang Shema, gaya ng ginawa ni Pablo sa 1 Corinto 8:6, na si Yahushua ay ang ating panginoong Mesias.

Sa ibang salita, maaari nating hindi sabihin na ang Diyos ay tatlo buhat nang ang Shema ay tinitiyak na ang ating Diyos ay isang indibidwal —Yahuwah— ngunit maaari nating idagdag kasama ang Shema, gaya ng ginawa ni Pablo sa 1 Corinto 8:6, na si Yahushua ay ang ating panginoong Mesias.

Ang ikalawang tugon sa katanungan kung dapat o hindi nating ampunin ang Shema bilang ating batayang kredo tungkol kay Yahuwah na maaaring angkop na ibinuod sa mga salitang ito: “Si Yahuwah ba’y Diyos lamang ng mga Hudyo? Hindi ba’t Diyos din siya ng mga Hentil? Oo, siya’y Diyos din ng mga Hentil, sapagkat iisa lamang si Yahuwah. Siya ang magtuturing na matuwid sa mga tuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ituturing din niya na matuwid ang mga hindi tuli sa pamamagitan din ng pananampalataya” (Roma 3:29-30).

Kung ang Diyos ng Shema—ang Diyos ng mga Hudyo—ay ating Diyos, pagkatapos ay magagawa natin nang mabuti upang paniwalaan ang paraan na taglay ng mga Hudyo at ni Yahushua, tungkol sa Kanyang pagkakakilanlan, pagiging isa, at ating pag-ibig sa Kanya. Kung tayo ang bayan ni Yahuwah, pagkatapos ay sinasamba natin ang kaparehong Diyos ng mga Hudyo, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Jacob. Mismo, Siya rin ang Diyos ni Yahushua, na Siya lamang ang sinamba. Nawa’y maging katulad tayo ng ating panginoong Yahushua.

batang lalaking tumatawa


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Sean Finnegan.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC