Print

ANG SUSI NI DAVID

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

ang-susi-ni-david

Nagsasalita kay apostol Juan, sinabi ni Yahushua na Siya ay “may hawak ng susi ni David” (Pahayag 3:7). Maliban sa Isaias 22:22, ito lamang ang tanging lugar sa Bibliya na nagbabanggit ng “susi ni David,” at dahil dito’y maraming haka-haka tungkol sa ano ang susi na ito.

Ilan sa mga mambabasa ay maaaring isaalang-alang ang artikulong ito na mapagsapalaran, ngunit naiisip ko na nalalaman ko kung ano ang susi ni David. Hayaan akong magpaliwanag.

Nagsilbi si David bilang hari sa Hebron sa tribo ng Juda sa loob ng pitong taon. Pagkatapos ang lahat ng mga tribo ay nagtipun-tipon upang gawin siyang hari sa buong lupain. Ang kanyang koronasyon bilang hari sa lahat ng Israel ay naitala sa 2 Samuel 5:1-5.

Sa kanyang koronasyon, ang siyudad ng Jerusalem ay tuluyang dumating sa ilalim ng kanyang hurisdiksyon. Ang kanyang unang gawa bilang hari, dahil dito, ay naitala sa mga berso na agarang sumunod (2 Samuel 5:6-8). Inatake ni David ang tanggulan ng Sion. Bakit? Sapagkat ipinakita ni Yahuwah sa kanya, marahil sa pamamagitan ni Samuel, na siya ang magiging hari ng Israel balang araw, at ang muog ng Sion ay magiging kanyang kabisera, ang kanyang “White House.” Ang Sion ay itinalaga ni Yahuwah na magiging luklukan ng pamamahala ng kaharian ni David.

pintuan ng sionNoong itinaas ni Joab ang baras ng katubigan (1 Paralipomeno 11:1-9), pumunta siya sa pintuan ng muog upang buksan ito mula sa looban. Noong nabuksan na ang pintuan, ang buong hukbong Israelita ay magagawang pasukin ang muog at talunin ang tanggulan ng Sion.

Ang hamon kay Joab ay para hanapin ang susi at buksan ang pintuan ng Sion. Pabalik mula sa mga araw na iyon, ang isang muog ay mayroong bakal na pintuan, at ang tarangkahan ay pinatibay ng mga kabilya. Ang mga kabilya ay pinatigil mula sa paggalaw gamit ang isang trangka, at isang kandado ang pumipigil sa trangka na matanggal ng isang hindi awtorisadong tao. Sinuman na may susi ay maaaring mabuksan at tanggalin ang trangka, pagalawin ang mga kabilya sa humiwalay na posisyon, at buksan ang pintuan nang malapad.

Ang susi ni David ay ang susi sa pintuan ng muog ng Sion. Noong si Joab ay itinaas ang baras ng katubigan, nahanap ang susi, nasiwalat ang pintuan, at pagkatapos ay binuksan ang pintuan ng Sion mula sa looban, napagana niya si David at ang hukbo na mapasok at sakupin ng muog ng Sion. Nakuha ni David ang susi sa kamay at tinawag ang Sion, “ang siyudad ni David.” Ang muog na iyon ay naging kanyang White House.

Ang susi sa Sion ay kumatawan sa susi sa kapangyarihang mamahala sa Davidikong kaharian. Nakuha ni David ang susi noong ang Sion ay nakubkob at nasakop.

Sa kaparehong paraan na itinaas ni Joab ang baras ng katubigan at nabuksan ang muog mula sa looban, namatay si Yahushua, inilibing, bumaba sa Sheol, at pagkatapos ay itinaas ang baras ng Sheol at binuksan ang pintuan ng Sheol mula sa looban. Ito ay sa kanyang muling pagkabuhay na nakuha niya “ang mga susi ng kamatayan at ng Hades” (Pahayag 1:18). Sa kanyang pagsubok, inalok ni Satanas na ibibigay niya ang susi kay Yahushua kung sasamba siya; sa halip, pinili ni Yahushua na kunin ang mga susi mula kay Satanas.

Si Yahushua ay ang Hari na magmamana ng trono ng kanyang ninuno, si David, at siya ang may karapatan na mamahala at mamuno sa lahat ng mga kaganapan sa walang hanggang kaharian.

Ngayon, si Yahushua ay hawak na ang susi ni David—iyon ay, ang susi sa kapangyarihang mamahala sa Davidikong kaharian. Siya ang Hari na magmamana ng trono ng kanyang ninuno, si David, at siya ang may karapatan na mamahala at mamuno sa lahat ng mga kaganapan sa walang hanggang kaharian na ito. Ang awtoridad na iyon ay kumatawan sa susi ni David na nakamit niya sa kanyang muling pagkabuhay.

Nakuha ni David ang susi sa muog ng Sion; nakuha ni Yahushua ang susi sa muog ng Hades at ng Kamatayan.

Ang Tao na may mga ­­susi ay sinabi sa atin, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit” (Mateo 16:19). Kailanman si Yahushua ay ibinibigay sa iyo ang isang susi ng kaharian, ibig sabihin nito ay ipinagkakaloob sa iyo ang awtoridad na buksan ang isang tiyak na elemento sa loob ng kaharian ni Yahushua. Sa susi na iyon ay dumarating ang kapangyarihan upang dalhin ang Kanyang paghahari sa lugar na iyon sa kaharian.

Ikaw ba’y humaharap sa isang muog, at hindi nalalaman kung paano buksan ang pintuan nito? Makiusap kay Yahushua na ibigay sa iyo ang susi ng kaharian sa muog na iyon.

At palaging tatandaan: Ang isang munting susi ay maaaring buksan ang isang dakilang pintuan.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Bob Sorge.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC