Print

Ano ang Dapat kong Gawin Upang Maligtas?

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

ano ang dapat kong gawin upang maligtas?

“Humingi ng ilaw ang bantay, patakbong pumasok at nanginginig na nagpatirapa sa harapan nina Pablo at Silas. Sila ay inilabas niya at sinabi, ‘Mga ginoo, ano po ang dapat kong gawin upang ako'y maligtas?’ Sumagot naman sila, ‘Sumampalataya ka sa Panginoong Kristo Yahushua, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.’” (Mga Gawa 16:29-31).

Ang nakakakilig na piraso ng apostolikong kasaysayan ay naglalaman ng pinakamahalagang katanungan na maaaring balangkasin ng labi ng tao. Ito'y hindi, Ano ang dapat kong gawin para makamit ang kalusugan, o ang kayamanan, o ang kasikatan, o ilang matataas na posisyon ng kapangyarihan ng tao at kadakilaan; ngunit walang hanggan na higit pa sa lahat ng ito: “Ano ang Dapat kong Gawin Upang Maligtas?” At sa bahagi sa kahalagahan ng katanungan ay ang pagkasimple ng kasagutan: “Sumampalataya ka sa Panginoong Kristo Yahushua.” Ang paniniwala at pananampalataya ay magkapareho…

Ang sabi ng Ama, “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Pakinggan ninyo siya!” (Lucas 9:35). At sinabi naman ni Moises, “Mula sa inyo, ang Yahuwah ninyong Elohim ay pipili para sa inyo ng isang propetang katulad ko. Sundin ninyo ang lahat ng kanyang sasabihin sa inyo. Ang sinumang hindi sumunod sa propetang iyon ay ihihiwalay sa bayan ng Elohim at lilipulin.” (Mga Gawa 3:22-23)

Tinawag ko ito na isang simpleng kasagutan, dahil, ang Bibliya ay nasa harapan natin, madali na matuklasan kung ano ang ibig sabihin ng pananampalataya sa Panginoong Kristo Yahushua. Ang paksa ay inilagay sa harapan natin sa pinakamalinaw na liwanag. Halimbawa, nalalaman natin na ang ipinadalang mensahe ay ginagawa siya na nagdadala nito na isang mensahero, at para tunay na maniwala sa mensahero ay para maniwala sa mensahe na dinadala niya. Ngayon, kasama ang iba pa niyang katangian, nahanap natin iyon sa isang mensahero na hayagang naiugnay kay Kristo, at iyon ang isinugo niya bilang maydala ng isang mensahe mula kay Yahuwah para sa tao. Kaya siya’y tinawag na “mensahero ng tipan” (Malakias 3:1); “ang Apostol at Kataas-taasang Pari ng ating pananampalataya.” (Hebreo 3:1) Ang salitang “apostol” rito ay ginamit kay Panginoong Yahushua, dinadala ang kaparehong ideya, sapagkat ito’y nangangahulugang “mensahero, sugo.” At sa talinghaga ng ubasan ang Tagapagligtas ay nagsasalita tungkol sa kanyang sarili sa kaparehong paraan: “ang huli sa lahat ay isinugo sa kanila ang kanyang anak.” Muli, sinabi niya, “Ako’y isinugo upang magturo ng paghahari ni Yahuwah”… Ang sabi ng Ama, “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Pakinggan ninyo siya!” (Lucas 9:35). At sinabi naman ni Moises, “Mula sa inyo, ang Yahuwah ninyong Elohim ay pipili para sa inyo ng isang propetang katulad ko. Sundin ninyo ang lahat ng kanyang sasabihin sa inyo. Ang sinumang hindi sumunod sa propetang iyon ay ihihiwalay sa bayan ng Elohim at lilipulin.” (Mga Gawa 3:22-23)

Upang gawin ang paksa na mas malinaw, nahanap namin ang Panginoong Yahushua na inilagay sa harapan natin ay isa ring saksi na nagdadala ng patotoo. Kaya siya ay tinawag na “ang tapat at tunay na saksi” (Pahayag 3:14). At ipinahayag niya ang kanyang sarili, “Ako ay naparito sa sanlibutan: Upang magpa­totoo ako sa katotohanan” (Juan 18:37). Ngayon ang mensahe o doktrina na itinuro niya ay ang “kanyang patotoo,” at ang Kasulatan ay tiniyak sa atin na “Siya na tumanggap ng kaniyang patotoo ay nagpatunay na si Yahuwah ay totoo. Siya na sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ang hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay. Subalit ang galit ni Yahuwah ay nananatili sa kaniya” (Juan 3:33, 36).

Upang “sumampalataya sa Panginoong Kristo Yahushua,” sa isang tunay at maka-Kasulatang diwa, ay para maniwala at sumunod sa mensahe o patotoo na ipinahayag sa mga tao. .

Tayo’y pinakitaan, sa iba’t ibang paglalarawan at napakalaking patunay, na upang “sumampalataya sa Panginoong Kristo Yahushua,” sa isang tunay at maka-Kasulatang diwa, ay para maniwala at sumunod sa mensahe o patotoo na ipinahayag sa mga tao.

Ano naman ang mensahe o patotoo na napakahalaga sa kaligtasan? Ang ating walang hanggang kapalaran ay nakabatay sa isang makatotohanang kasagutan sa katanungang ito; at ang Panginoon ay pupurihin kaya wala nang maiiwan sa kadiliman sa isang paksa na napakalawak ang kahalagahan. Si Pedro ay may dakilang katumpakan na nagpunto ng landas kung saan maaari nating makita kung ano ang mensahe. Sinabi niya na “ang salitang ipinadala ni Yahuwah sa mga anak ni Israel na naghahayag ng ebanghelyo ng kapayapaan sa pamamagitan ni Kristo Yahushua. Ang pangyayaring ito ay naganap sa buong Judea, simula sa Galilea, pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan” (Mga Gawa 10:36-37). Sa “dakilang pagkasimple ng pananalita” gaya nito, paano naging posible sa atin na makaligtaan ang salita o mensahe na hinahanap natin? Tayo ay sinabihan:

Una, Sinong nagpadala — “ang salitang ipinadala ni Yahuwah”;

Ikalawa, para kanino ipapadala — “sa mga anak ni Israel”;

Ikatlo, sinong isinugong magdala — “sa pamamagitan ni Kristo Yahushua”;

Ikaapat, sa anong rehiyong ipinalaganap — “sa buong Judea”;

Ikalima, saan nagmula — “simula sa Galilea”;

Ikaanim, sa anong panahon nagsimula — “pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan.”

Ang ganitong mga simpleng direksyon ay dadalhin tayo nang direkta sa Marcos 1:14, na nagsasabing: “Pagkatapos maipabilango ni Herodes si Juan, pumunta sa Galilea si Yahushua at nangaral ng ebanghelyo ng paghahari ni Yahuwah.”

“Kinakailangang ipangaral ko rin sa ibang mga lungsod ang ebanghelyo, patungkol sa paghahari ni Yahuwah. Ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.” (Lucas 4:43)

Tumpak ito na naaayon sa wika ni Pedro! Matapos patahimikin ang boses ni Juan, ang pinagpalang Tagapagligtas ay “nagsimula sa Galilea” at ipinapahayag ang “ebanghelyo ng paghahari ni Yahuwah.” Isa pang bahagi ng Kasulutan ay sinabi sa atin na “nilibot ni Yahushua ang buong Galilea na nagtuturo sa mga sinagoga. Ipinangangaral niya ang ebanghelyo ng paghahari ni Yahuwah.” (Mateo 4:23) Hindi niya ikinulong ang kanyang paglilingkod sa rehiyong iyon, kundi ipinahayag ang kaparehong dakilang mensahe “sa buong Galilea,” gaya ng natutunan natin mula sa Lucas 8:1: “si Yahushua ay naglakbay sa bawat lungsod at sa bawat nayon. Siya ay nangangaral at naghahayag ng ebanghelyo patungkol sa paghahari ni Yahuwah.” Noong ang bayan ng Capernaum ay hinimok siya na manatili nang matagal kasama nila, tumanggi siya, sinabing: “Kinakailangang ipangaral ko rin sa ibang mga lungsod ang ebanghelyo, patungkol sa paghahari ni Yahuwah. Ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.” At maging sa taimtim na agwat sa pagitan ng kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat, ang kanyang tema ay nananatiling “mga bagay patungkol sa paghahari ni Yahuwah.” (Mga Gawa 1:3)

Kaya malinaw at sagana kong pinatunayan na ang “Ebanghelyo ng Paghahari ni Yahuwah” ay ang dakilang mensahe o patotoo, na hinatid ni Kristo para sa mga tao. Sinusundan nito, dahil dito, na ang “Ebanghelyo ng Paghahari ni Yahuwah” ay anumang dapat nating paniwalaan bago pa natin maaaring sabihin na “pananampalataya sa Panginoong Kristo Yahushua.” Inutusan niya tayo na maniwala sa Ebanghelyo na iyon. “Pumunta sa Galilea si Yahushua at nangaral ng ebanghelyo ng paghahari ni Yahuwah. Sinasabi niya: Magsisi kayo at sampalatayanan ninyo ang ebanghelyo” (Marcos 1:14-15). Syempre, hindi niya inutos ang mga tao na paniwalaan ang “isa pang ebanghelyo” sa halip na isa na itinuturo niya. Ang wika, dahil dito, ay pinatutunayan na inutos niya ang mga tao na paniwalaan ang magkaparehong ebanghelyo na itinuturo niya — “ang ebanghelyo ng paghahari ni Yahuwah.” Naisip ba ng sinuman na hindi mahalagang panatilihin ang kanyang mga kautusan? “Bakit ninyo ako tinatawag na: ‘Panginoon, Panginoon,’ at hindi ninyo ginagawa ang aking sinasabi?” (Lucas 6:46). “Kayo ay aking mga kaibigan kapag ginawa ninyo ang anumang inuutos ko sa inyo.” (Juan 14:15). “Gawin ninyo ang anumang sasabihin niya sa inyo.” (Juan 2:5). “Kung iniibig ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga utos.” (Juan 14:15). Ang pagpapanatili ng kanyang mga kautusan ay isang pagsubok ng pag-ibig sa kanya, at tiyak na walang maliligtas na hindi iniibig Siya, sapagkat ang kagimbal-gimbal na kaparusahan ay ipinahayag: “Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoong Kristo Yahushua, sumpain siya, Maranatha!” iyon ay sumpain sa pagdating ng Panginoon (1 Corinto 16:22).

Dahil ang Anak ni Yahuwah ay ipinakita sa atin ang halimbawa at ginawa ang Paghahari ni Yahuwah na dakila at patuloy na tema ng kanyang diskurso, nalalaman natin na ito ang pinakamatalino, pinakamarangal at pinakamahusay na tema na maaaring sumakop sa mga kaisipan at wika ng mga tao.

Dahil ang Anak ni Yahuwah ay ipinakita sa atin ang halimbawa at ginawa ang Paghahari ni Yahuwah na dakila at patuloy na tema ng kanyang diskurso, nalalaman natin na ito ang pinakamatalino, pinakamarangal at pinakamahusay na tema na maaaring sumakop sa mga kaisipan at wika ng mga tao. Subalit nalalaman din nang mabuti na ang dami ng mga modernong guro, sa parehong mataas at mababang posisyon, nang may bulag at nakamamatay na pagpupumilit, tumatanggi na paniwalaan o ituro ang pinagpalang Ebanghelyo ng Paghahari. Sa lahat ng mundo, ayoko sa lugar ng mga gurong iyon sa araw ng paghuhukom.

Isang prominenteng kasapi ng isang tanyag na denominasyon ay minsang sinabi sa akin na sa pagdalo niya sa simbahan sa loob ng 25 taon, wala siyang naalala o narinig na pahayag na — ang Ebanghelyo ng Paghahari — walang ginamit ukol rito, at walang narinig na sermon tungkol rito. Isang tagapagturo ng isa pang malaki at tanyag na sekta ang sinabi sa akin na naalala ang pahayag na, “ang Ebanghelyo ng Paghahari” at siya’y naniwala na ito’y naganap “saanman sa mga Sulat.” Isa pang tagapagturo na sinabing nag-aral siya ng Hebreo at Griyego, nakapagtapos sa teolohiya, at nagtuturo na sa loob ng anim na taon; sa tanong ko kung ang pahayag na “ang Ebanghelyo ng Paghahari” ay naganap sa Luma o Bagong Tipan, sinabi niya na naniwala siya na ito’y naganap sa Lumang Tipan, “malamang sa mga Awit,” at hindi pa niya naituro ang sermon sa paksang ito. Ngunit, ayon sa Cruden’s Concordance, ang pahayag na iyon ay hindi matatagpuan sa mga Sulat, sa mga Awit, o maging saanman sa buong Lumang Tipan. Hindi ba ang mga insidenteng ito ay patunay na ang dakilang pagtalikod ay nagaganap sa buong mundo, at ang mga tao ay “lumisan mula sa pananampalataya” at bumagsak tungo sa mapaminsalang pagsasanay ng pagtuturo ng “isa pang ebanghelyo” sa halip na itinuro ni Panginoong Yahushua?

At hindi lamang ang Panginoon mismo ang nagturo ng Paghahari ni Yahuwah, habang ang kanyang sariling personal na paglilingkod ay patuloy pa rin, “Sama-samang tinawag ni Yahushua ang labindalawa niyang alagad. Sinugo niya sila upang ipangaral ang paghahari ni Yahuwah. Sila ay umalis at dumaan sa mga nayon. Sila ay naghahayag ng ebanghelyo” (Lucas 9:2, 6). Natuklasan namin dito na sa prasiyolohiya ng Kasulatan, ang pagtuturo ng Paghahari o Kaharian ay kapareho ng pagtuturo ng Ebanghelyo. Dahil dito, sinusundan ito ng kabaligtaran, iyong mga hindi nagtuturo ng Paghahari ay hindi nagtuturo ng Ebanghelyo. Napakahalaga ng pagtuturo ng Paghahari kaya kung kailan may tiyak na tao na nakiusap na umalis muna para ilibing ang kanyang ama, ang sinabi ng Panginoon, “Hayaan ninyong ang mga patay ay maglibing sa kanilang sariling mga patay. Humayo ka at ipangaral ang paghahari ni Yahuwah” (Lucas 9:60).

Dapat nating pagtibayin na “ang Ebanghelyo ng Paghahari” ay itinuro saanman ang mga apostol ay tumungo, sapagkat ang mga salita ng Panginoon — “ang Ebanghelyo ng Paghahari ni Yahuwah ay ipapangaral sa lahat ng sanlibutan” — pinakasimpleng kailangan para ituro ito. Mayroon tayong madalas na parunggit sa pangangaral ng Paghahari ni Yahuwah ng mga apostol. Kaya nahanap natin si Felipe sa Samaria “na nangangaral ng ebanghelyo patungkol sa paghahari ni Yahuwah at patungkol sa pangalan ni Kristo Yahushua” (Mga Gawa 8:12). Si Pablo rin sa Efeso, at sa iba pang lugar, nagtuturo “patungkol sa mga bagay na nauukol sa paghahari ni Yahuwah” (Mga Gawa 19:8; 20:25). Sa Roma kung saan namuhay siya ng buong dalawang taon, “ipinaliwanag niya sa kanila ang bagay na sinasaksihan ang paghahari ni Yahuwah, itinuturo niya ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Kristo Yahushua” (Mga Gawa 28:23, 31).

Sapagkat ang Bibliya ay nagtuturo ng isang pananampalataya at isang pag-asa, kinikilala rin nito ang isang ebanghelyo, at ipinapahayag ang sumpa sa tao o anghel na mangangahas na “mangaral ng ebanghelyo na salungat” (Efeso 4:5; Galacia 1:8-9).

Sapagkat ang Bibliya ay nagtuturo ng isang pananampalataya at isang pag-asa, kinikilala rin nito ang isang ebanghelyo, at ipinapahayag ang sumpa sa tao o anghel na mangangahas na “mangaral ng ebanghelyo na salungat” (Efeso 4:5; Galacia 1:8-9). At ngayon, matapos ang mga naunang patotoo, pagdududahan mo pa ba ang isang Ebanghelyo? Tiyak na wala nang iba pa sa “Ebanghelyo ng Paghahari ni Yahuwah” na sinabi ng Tagapagligtas na dapat ay “ipangaral sa buong sanlibutan”; na dinala mula sa isang lugar patungo sa isa pa, sapagkat sinabi ni Pablo sa mga taga-Colosas na ito’y dumating sa kanila “tulad ng pagdating nito sa buong sanlibutan.” (Colosas 1:6, 23). At dahil mayroong isang Ebanghelyo, sinusundan nito na “ang Ebanghelyo ng Paghahari ni Yahuwah” na sinasabi ng Bibliya, “Ang sinumang hindi sumampalataya ay hahatulan” (Marcos 16:15-16). Pagmasdan ang kagimbal-gimbal na kabayaran ng pagtuturo o paniniwala sa “anumang ibang ebanghelyo” maliban sa “Ebanghelyo ng Paghahari ni Yahuwah.”

Syempre, upang ipangaral ang Ebanghelyo ng Paghahari ay hindi lamang na uulit-ulitin ang parirala sa pakikinig ng mga tao; sapagkat anumang impormasyon ang maaari nilang makamit sa ganoong pamamaraan? Ang salitang isinalin na “ebanghelyo” (Evangelion) ay nangangahulugan na “isang mabuti, masayang ulat, magandang balita.” Upang ipangaral ang Ebanghelyo ng Paghahari dahil dito ay para ituro ang mga bagay na bumubuo sa mabuting mensahe, o “ang magandang balita ng Kaharian.” Ito ay inilarawan sa kaso ni Felipe na nasa Samaria “na nangangaral ng ebanghelyo patungkol sa paghahari ni Yahuwah at patungkol sa pangalan ni Kristo Yahushua” (Mga Gawa 8:12). At nalalaman natin na ang pagtuturo ni Felipe ay tumugma kay Pablo sa Corinto, at sa lahat ng mga apostol saanman sila; sapagkat may isang Ebanghelyo na ipinangaral nilang lahat. Dahil si Moises ay hindi nagbigay ng dalawa o higit pang salungat na mga kodigo ng kautusan para sa Mosaikong pamamalakad; ganon din si Kristo na hindi rin nagbigay ng dalawa o higit pang salungat na ebanghelyo para sa kasalukuyang dispensasyon. Subalit noon ay may ilan na binaluktot ang Kautusan ni Moises ng kanilang mga tradisyon, kaya ngayon ay may ilan na binaluktot ang Ebanghelyo ng Paghahari ni Yahuwah gamit ang kanilang tradisyon.

Mula noon, gayunman, kinakailangan ng mga Samaritano na maniwala “sa mga bagay na nauukol sa Paghahari ni Yahuwah, at sa pangalan ni Kristo Yahushua,” kailangan rin natin na maniwala sa kaparehong bagay; sapagkat tungkulin natin na “panatilihing maging huwaran ng mapagkaka­tiwalaang salita na iyong narinig”; upang “ipagtagubilin sa inyo na inyong ipaglaban ang pananampalatayang ipinagkatiwala minsan at magpakailanman sa mga banal”; para “ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon” (2 Timoteo 1:13; Judas 3; at Jeremias 6:16).

Napatunayan natin ngayon na ang tanging paraan upang ipangaral o paniwalaan ang Ebanghelyo ng Paghahari ni Yahuwah ay para ipangaral o paniwalaan ang mga dakilang patotoo na bumubuo sa Ebanghelyo.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo na isinulat ni Wiley Jones, 1879, mula sa The Gospel of the Kingdom sa Ten Discourses.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC