Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang buhay ni Luther ay isa ng unos at kalma. Ang imperyo at simbahan ay tiyak para patayin siya, ngunit sa mga awa ni Yahuwah, napangasawa niya ang isang kahanga-hangang babae na lumisan sa kumbento ng mga madre. Sinubukan niyang pakasalan ang babae, subalit sinabi ng babae sa kanya, “Wala akong ibang pakakasalan kundi si Doktor Luther,” at napag-isang dibdib niya.
Dahil sa kanyang asawa, ang kanyang buhay sa tahanan ay lubos na payapa. Gayunman, ang kanyang buhay na malayo sa tahanan ay lubos na mabagyo. Pumanaw siya nang maaga.
Ang Aklat ng Roma ay katulad ng buhay ni Luther. Ito’y isang bahaghari na may parehong madilim, mapanglaw na kulay at maliwanag, malugod na kulay. Ang bahaghari, kung tutuusin, ay isang kumbinasyon ng ulan at ng araw.
Ang Aklat ng Roma ay tungkol sa bagyo ng poot ni Yahuwah laban sa kasamaan. Iniibig ng Diyos ang makasalanan, ngunit napopoot Siya sa kasalanan. At pagkatapos ang araw ay kumikinang –
“Tinatanggap ng taong ito,” ang Anak, “ang mga makasalanan.” “Pumasok siya upang maging panauhin sa bahay ng isang makasalanan.” … “Ginang, nasaan sila? Wala bang humusga sa iyo?” “Wala, Ginoo.” “Hindi rin kita huhusgahan; humayo ka, at huwag nang magkasala.” At sinabi niya sa nagsisising magnanakaw, isa na napakalayo gaya ng sinuman na makakaya, “Tinitiyak ko sa iyo, ngayon di’y makakasama kita sa Paraiso.”
Natutunan ni Luther mula sa Aklat ng Roma na si Yahuwah ay isang Diyos na nagbibigay-katuwiran sa mga masasama. Hindi natin aasahan ito sa pagbabasa… Nagulat kami at sinasabi, “Yahuwah, dapat mo lamang bigyan ng matuwid ang mga mabubuti! Anong balak mo?” Ngunit ang aklat na ito ay sinasabi sa ikaapat na kabanata, berso 5, na ang ating Diyos ay binibigyang-matuwid ang mga masasama.
Maaari ba akong magbanggit ng bagay na maaaring hindi mo naiisip? Kakaunting tagapagturo ang nagtuturo tungkol kay Ananias at Safira. Narito ang dalawang kasapi ng simbahan, na nasa mabuti at karaniwang katayuan, at bumagsak at namatay! Bakit?
Hindi dahil napanatili nila ang ilan sa mga salapi mula sa pagbebenta ng mga ari-arian, hindi ano pa man! Sinabi ni Pedro sa kanila, “Iyon ay nasa inyong mga kamay.” Sila’y bumagsak at namatay dahil sila ay nagsinungaling sa kanilang espiritwal na kondisyon sa harap ni Yahuwah. Sila’y dumating sa Kanyang presensya na parang sila ay banal at walang kasalanan, at pinabagsak sila ni Yahuwah sa kamatayan.
Nalalaman mo, ang awa at kahirapan ay patuloy na magkasama. Ito’y isang malungkot na tuntunin sa ating sanlibutan na karaniwan kapag ang paghihirap ay pinagkaitan ang ating mga kamay ng “mga bagay” kaya maaari natin matanggap ang kagandahang-loob ni Yahuwah. Ang awa at paghihirap ay patuloy na magkasama, at ito ay kung bakit ang unang tatlong kabanata ng Roma ay madilim at mapanglaw—isang serye ng mga kulog –
“Lahat ay nagkasala, lahat ay hindi nakaabot sa kaluwalhatian ni Yahuwah. Wala ang nakagawa ng mabuti; walang naghangad kay Yahuwah, sila’y naligaw ng landas. At anumang sinasabi ng kautusan, sinasabi nito sa kanila na sakop ng kautusan na ang bawat bibig ay maaaring tumahimik at ang buong sanlibutan ay mapapasakop sa paghahatol ni Yahuwah.”
Iyon ay mabagyo! Magarbo, na sabihin na kung hindi umabot sa kaluwalhatian ni Yahuwah ay mapapasailalim ng paghahatol.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Dr. Desmond Ford.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC