Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang pagkamatuwid ay palaging nauuna kapag ipinapakita ang ebanghelyo, sapagkat ipinahiwatig sa aklat ng Roma. Gayunman, ipinagkakaloob ni Yahuwah ang Kanyang mga kaloob sa dalawang kamay. Hindi Niya binigyang-katuwiran ang sinuman na hindi Niya pinabanal. Katulad nito, wala Siyang pinapabanal na hindi Niya binigyang-katuwiran. Dapat nating panatilihin ang mga konseptong ito na nagkaisa subalit natatangi. Bakit sila natatangi? Dahil ang iyong pagkamatuwid ay sakdal, habang ang iyong pagpapabanal ay hindi sakdal.
Hindi mo kailanman makakamit ang balanse kung sinusubukan mong balansehin ang isang walis habang nakatuon sa iyong daliri; kailangang mawala ang iyong tuon mula sa iyong daliri. Kapag ang isang barko ay nasa isang bagyo, hindi nito inihahagis ang angkla nito sa tangan. Katulad nito, kung ikaw at ako ay sinisiyasat ang ating sarili at nagiging abala sa ating sariling andar, hindi tayo nito mapapabuti. Mahalaga na panatilihin ang pagpapabanal at pagkamatuwid nang magkasama, bagama’t natatangi, dahil ang pagkamatuwid ay sakdal ikaw man ay isang bagong-loob na lasenggo o naging pastor ng isang simbahan sa loob ng 70 taon.
Ang iyong pagkamatuwid ay hindi naiiba nang kaunti. Ikaw ay 100% sa paningin ni Yahuwah. Ang pagkamatuwid ay sakdal – ipinaratang, binibilang, at inilagay sa iyong talaan. Ito ay isang kaloob, at ito’y sakdal.
Ang aking pagpapabanal ay hindi kailanman naging sakdal sa buhay na ito. Ang pagpapabanal ay nagtatakda ng simula ng isang panghabangbuhay na pagbabago. Ito’y katulad ng paggapang nang paatras sa mga bote na basag ang leeg sa isang sentimetro sa isang panahon. Iyon ang katulad ng landas tungo sa pagpapabanal. Ito’y isinasama ang pagpapako sa laman at pagbuhat sa krus. Kapag si Kristo ay tumatawag sa isang tao, tinatawag niya ang tao na pumarito at mamatay—araw-araw sa pagkamakasarili at pagkamakasakim.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Dr. Desmond Ford.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC