Print

Dinggin mo, Oh Israel! Ang Unang Tuntunin ng Mabuting Teolohiya

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Dinggin Mo Oh Israel!

Isang iskriba ang nagtanong kay Yahushua kung alin ang pangunahing kautusan sa lahat. Ang tugon ng Mesias, “Ang pangunahing utos ay ito: ‘Dinggin mo, Oh Israel! Si Yahuwah na ating Diyos ay iisang Yahuwah. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang iyong buong puso, nang iyong buong kaluluwa, nang iyong buong pag-iisip, at nang iyong buong lakas.’ Ang pangalawa ay ito, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili’ (Marcos 12:29-31). Lubos na mahalagang tandaan na ang Mesias ay binuksan ang kanyang kasagutan sa batayan ng lahat ng mga kautusan — ang Shema: “Dinggin mo, Oh Israel! Si Yahuwah na ating Diyos ay iisang Yahuwah.” Ang Shema ay gaya ng isang tarangkahan tungo sa pagtuturo ni Kristo. Kaya para hangarin ang tamang pagkakaunawa ng Shema ay mahalaga para sa ating lahat na nais na maging tunay na tagasunod ni Yahushua at sambahin si Yahuwah ng Israel sa espiritu at katotohanan. Kailangan nating malaman ang Isang Diyos ng Israel. Ito’y nagsisimula sa pagkilala at pagkakaunawa na Siya mismo ay hindi tatlo, nang mahiwaga, kundi isa. Malapit na o sa huli ang bawat tao’y kailangang makilala na si Yahuwah ay isa, ang Ama ni Yahushua, ang “tanging tunay na Diyos” (Juan 17:3).

Tandaan na sinabi ni Yahushua na si Yahuwah ang “ating Diyos.” Ito’y dagdag na nagbibigay ng kahulugan kung sino ang tunay na Diyos. Nagsasalita si Yahushua bilang Hudyong tagapagtatag ng Kristyanong pananampalataya. Ang Diyos ng Israel ay Diyos rin ni Yahushua. Si Yahushua ay hindi lamang sinipi ang mga nilalaman ng Torah; siya ay namuhay sa pamamagitan ng mga ito. Inibig ni Yahushua ang kanyang Diyos nang buong puso, buong pag-iisip, buong lakas at buong kaluluwa; at inibig ni Yahushua ang kanyang kapwa gaya ng kanyang sarili. Nagbigay siya ng halimbawa na susundin natin. Kung tunay na iniibig natin si Yahushua, magnanais tayo na sundin ang kanyang halimbawa sa pagbabahagi ng kanyang kredo. Naisin natin ang pag-ibig para kay Yahuwah gaya ng ginawa ni Yahushua, at ibigin din ang ating kapwa gaya muli ng ginawa ni Yahushua. Ngunit nangangahulugan na dapat nating malaman ang tanging tunay na Diyos. Ang Mesias mismo ay ipinahayag ito sa walang hindi tiyak na mga termino: “At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos at si Jesu-Cristo na iyong isinugo” (Juan 17:3).

Sa bersong ito ay nakikipag-usap si Yahushua sa kanyang Ama at tinatawag Siya na tanging tunay na Diyos. Tinukoy ni Yahushua ang sarili na isa na isinugo ng tunay na Diyos. Ang “tangi” ay nangangahulugan syempre na walang iba kundi ang Ama na isang tunay na Diyos. Sukdulan na walang sinuman — walang ibang katauhan. Ang mga salitang iyon ni Yahushua ay nagbigay sa atin ng isang mahalaga at malinaw na kahulugan at hindi na maaaring maiba. Ang Isang Diyos ng Israel ay ang Ama at wala nang iba. Sinabi ito ni Yahushua. Ang Isang Diyos ng Israel ay Diyos rin ni Yahushua:

“Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos” (Juan 20:17).

“Ang Diyos ng ating Panginoong Kristo Yahushua, ang Ama ng kaluwalhatian” (Efeso 1:17).

“Kilala namin ang aming sinasamba” (Juan 4:22). Kasama ang ibang Hudyo, sumamba si Yahushua sa kanyang Diyos.

“Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).

At kahit na matapos kunin si Yahushua patungo sa langit, ang Ama niya pa rin ay si Yahushua:

“Ang nagtatagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos…isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit ng aking Diyos, at ang bago kong pangalan” (Pahayag 3:12).

mga gintong haligi

Sa mga nakalipas na siglo, maraming Kristyano ang naniwala na si Yahushua ay ang tunay na Diyos kasama ang Ama. At sila’y nakumbinsi na may mga sipi sa Bibliya na nagpapatunay nito. Subalit kung ang mga mananampalataya ay kinuha at tinanggap kung ano ang sinasabi ni Yahushua — ang kanyang napakasimpleng pahayag — pagkatapos ay matatanto nila na ang lahat ng mga inakalang “patotoo” na iyon ay hindi talaga mga patotoo. Maniniwala ba tayo sa sinasabi ni Yahushua? O tatanggihan ang kanyang hindi nagkakamaling mga salita at papalitan ng Kristyanong tradisyon?

Dinggin mo, Oh Israel! Si Yahuwah na ating Diyos ay iisang Yahuwah, ang Ama at wala nang iba pa. Wala ibang katauhan. Ang tanging tunay na Diyos ni Yahushua. “Ang nag-iisang tunay na Diyos.” “Ang nag-iisang tunay na Diyos.” Kaya ba ng wika na gawin ito nang mas malinaw?

Yayakapin ba natin ang Isang Diyos ng Israel at ni Yahushua, ang Ama, ang walang hanggang Makapangyarihang Manlilikha ng lahat ng bagay, na ang pangalan ay Yahuwah? O aangkin tayo ng ibang diyos maliban sa Kanya?

Malamang natatakot ka na kapag hindi ka naniniwala na si Yahushua ay Diyos, hindi ka maliligtas? Huwag matakot, dahil hindi iyan ang sinasabi ng Bibliya. Pansinin ang dahilan kung bakit mula sa apostol na si Juan, na isinulat, “Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Yahushua ang Kristo, ang Anak ng Diyos, at sa inyong pagsampalataya, kayo ay magkaroon ng buhay sa pamamagitan ng kanyang pangalan” (Juan 20:31).

Ang ideya na si Yahushua ay dapat ang Diyos mismo ay isang paulit-ulit na bansag nang walang anumang biblikal na batayan ano pa man. Pinili ni Yahuwah ang Tagapagligtas sa Kanyang mga termino, hindi sa atin.

Ang Mesias, ang taong Anak ni Yahuwah. Iyon ang kahulugan ni Yahushua na kailangan natin para sa ating kaligtasan. Si Yahuwah mismo ay ipinakita ang pagkakakilanlan ni Yahushua sa apostol na si Pedro: “Sumagot si Simon Pedro, “Ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang nagpahayag nito sa iyo ay hindi laman at dugo kundi ang aking Amang nasa langit” (Mateo 16:16-17).

Si Yahushua ang Mesias, ang Anak ni Yahuwah ay ang sakripisyong Kordero na itinalaga at ipinagkaloob ni Yahuwah. Ang kanyang sakripisyo ay ganap na sapat na, kaya inutos ito ni Yahuwah. Tiyak na hindi mo na kailangan ng anumang kathang-isip na “Diyos Kordero,” isang produkto ng spekulasyong Hentil, ilang siglo matapos ang tunay na Kordero ni Yahuwah ay inalay. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi maaaring mamatay si Yahuwah, at kung wala ang isang mortal na Tagapagligtas ay walang kabayaran para sa kasalanan.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Jan Salovsky.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC