Print

Ikaw Ba'y Nahugasan Ng Dugo Ng Kordero?

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

ikaw-bay-nahugasan-ng-dugo-ng-kordero

Ang pamagat ng artikulong ito ay ang pangalan ng isang lumang himno na karamihan sa inyo ay pamilyar rito. Ito’y isang kayamanan sa maraming ibang himno gaya ng “Mayroong Kapangyarihan sa Dugo” at “Mayroong Bukal na Pinuno ng Dugo.” Ang pagkahilig na may kamalayan ako sa ilan sa mga kasalukuyang kongregasyon ay ipinakita sa “pangkat ng pagsamba” na ang layunin ay para “pangunahan” ang mga nagsisimba sa pagsamba sa pamamagitan ng paulit-ulit na awit ng koro. Bagama’t ang mga paksa ng pagsisisi at pagpupuno ng Banal na Espiritu ni Yahuwah ay maaaring matagpuan sa mga liriko ng mga korong ito, isang bagay na napakalungkot ang nananatili sa akin: ang paksa ng bautismo sa tubig ay kapansin-pansin na hindi umiiral sa mga ito. Bakit kaya ganito?

Ang walang barnis na patotoo ay ang mga mananampalataya sa mga nakalipas na panahon ay taglay ang mas biblikal na pagkakaunawa ng kahalagahan at, nakikipaglaban ako, ang ganap na pangangailangan ng bautismo sa tubig kaysa gawin ang napakalaking mayorya ng mga gumaganap na mananampalataya ngayon! Ang bautismo ay isang paksa na sukdulan ang kahalagahan sa sinuman na umaasa, kagaya ko, upang bumangon at para makasama si Yahushua sa kanyang mapagwaging pagbabalik. Dahil ang Mesias at ang mga Apostol ay ibinigay ang bautismo bilang isang kautusan, ito ay isang hindi maipagbibiling pangangailangan para sa sinuman na naghahanda para sa dakilang kaganapang iyon!

Sa kasamaang-palad, maraming tao na nagbabasa ng kanilang mga Bibliya, dumadalo sa simbahan, inaangkin na sinusundan ang Mesias, at iba pa ay hindi alintana ang katunayan na sila’y nagdurusa mula sa isang maselang kakulangan ng mabuting biblikal na pagtuturo sa dakila ang kahalagahan na paksa ng bautismo!

Habang ibinabahagi ko sa mga kaibigan ang pangangailangan natin na ilubog sa ngalan ni Yahushua para sa kapatawaran sa mga kasalanan (Lucas 24:46-47; Mga Gawa 2:38), ang “tao ng tahanan” (na nakikinig sa malapit) ay tinutulan ang aking angkin ng matatag na pahayag na “kung ang isang tao ay tunay na nauunawaan ang mga Kasulatan ng Bagong Tipan sa bautismo, malalaman nila na ang tanging bautismo na kailangan natin ngayon ay bautismo sa Salita!” Ang aking punong-abala pagkatapos nito’y nagsimulang paalalahanan ako: “Ang magnanakaw na ipinako sa krus kasama ni Yahushua ay hindi binautismo; at siya ay naligtas!”

Talikuran ninyo ang inyong kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Kristo Yahushua upang patawarin kayo, at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Banal na Espiritu.” – Mga 2:38 (binigyang-diin.)

Kabilang sa maraming kasulatan ng Bagong Tipan na nagpasta ng mga pangangailangan para sa kaligtasan, nahanap ko ang pinakasimpleng “pormula” para sa pagsisimula ng lakad na maaaring humantong sa kaligtasan sa Mga Gawa 2:38. Nasa siping ito kung saan mababasa natin kung paano ang nalalabing 11 Apostol ay nanindigan sa pagkakasundo kay Pedro noong ginawa niya ang proklamasyon: “Talikuran ninyo ang inyong kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Kristo Yahushua upang patawarin kayo, at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Banal na Espiritu.” Sa kabila ng lubos na simpleng kalinawan ng pahayag na ito, ang literal na kautusan ng bautismo na ito ay binalewala ng marami — “ipinaliwanag sa malayo” ng marami na naniniwala na natagpuan na nila ang higit na “espiritwal” na pagkakaunawa para sa bersong ito. Ito ay lubos na mapanganib sapagkat ang anumang pagpapaliwanag na ibibigay ng isang tao bilang isang paraan na iwasan ang isang malinaw na kautusan ay tahasang pagsuway, hindi “kaliwanagan” (Marcos 7:13).

Ibabalik ko ang atensyon ngayon sa magnanakaw, naunang nabanggit, na gumawa ng dalawang napakahalagang pahayag. Tumutugon sa walang pakundangan, pansariling interes na komento na direkta kay Yahushua ng hindi nagsisising magnanakaw, ang isa pang magnanakaw ay sinabi, “Tama lang tayong maparusahan sapagka’t dapat nating pagbayaran ang ating ginawa; ngunit ang taong ito ay walang ginawang masama” (Lucas 23:41). Sa sumunod na berso, sinundan niya ang kanyang pagsaway sa pahayag na ito kay Yahushua, “Panginoon, alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong Kaharian.” Sa dalawang siping ito, nahanap natin ang ebidensya ng nagsisising puso ng magnanakaw at ang kanyang pananalig kay Yahushua bilang ipinangakong Mesias. Ang mga pahayag na ito, nang magkasama, ay sapat na para kay Yahushua na matiyak ang magnanakaw ay talagang mayroong isang lugar para sa kanya sa Kaharian ni Yahuwah kapag si Yahushua ay bumalik upang itatag ito sa kabuuan at kapangyarihan sa buong lupa (Lucas 23:43).

Mga sampung taon ang lumipas, ako’y hindi umayon sa isang Sabadistang pastor (SDA) na (gaya ng aking kaibigan) iginiit na ang bautismo (bagama’t ibinigay bilang isang kautusan ni Yahushua at ng mga Apostol), ay “isa lamang kagustuhan na ritwal para sa bawat mananampalataya” bilang “isang panlabas na pagpapahayag sa buong mundo ng panloob na pananampalataya at kaligtasan ng sinuman.” Sa pagtatapos ng kanyang komento sa akin, ang SDA na pastor ay iginiit pa na ang bautismo “ay isang paksa na lubos na naunawaan nang mali kung ito ay kinuha bilang isang tahasang pangangailangan para sa kaligtasan.” Upang pangatuwiranan ang kanyang angkin, sinipi niya (nahulaan mo!) “ang magnanakaw sa krus.” Hindi ako maaaring maghunusdili mula sa aking angkin na ang bautismo ay isang kailangang-kailangang elemento ng kaligtasan, kaya ang maginoo ay nakiusap na ipakita ko ang impormasyon na nagtataguyod ng aking posisyon sa pag-aaral ng Bibliya sa susunod na linggo. Tinanggap ko ang imbitasyon.

tatlong krus

Habang ako’y naglalaan ng panahon ng paghahanda sa mga Kasulatan, ako’y hinigop, muli, ng isang katanungan mula sa akin na, sa loob ng maraming taon, ay nanatiling walang kasagutan tungkol sa bautismo: “Paano ang mga kasalanan ng isa ay pinatawad kapag sila’y binautismo sa ngalan ni Yahushua? Kung tutuusin, sila lamang ay ilulublob sa tubig!” Walang paltos na ang tanong na ito ay naghatid ng kaparehong tugon: Ang kapatawaran at paglilinis ng mga kasalanan na natatanggap kapag binautismo ang isa ay dumarating sa tugon na pagsunod ng isa sa kautusan na bautismuhan. Ibinigay ni Pedro sa atin ang kasagutan. “Walo lamang noon ang nakaligtas sa pamamagitan ng tubig. Ang tubig na iyon ang inilalarawan ng bautismong nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi ito paglilinis ng dungis ng katawan kundi bilang paghiling kay Yahuwah ng isang malinis na budhi, sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo. Siya’y umakyat sa langit at ngayo’y nasa kanan ni Yahuwah” (1 Pedro 3:20-23).

Muli’t muli, inutos ni Yahuwah na ang mga dugo ng mga alay ay inilapat sa pundasyon at mga sungay ng altar, sa kanang tainga, kanang hinlalaki at malaking kanang daliri sa paa ng kaparian at iba pa sa mga Kasulatan ng Lumang Tipan, sa mga poste ng pinto at mga lintel ng mga tahanan ng Kanyang bayan sa gabi ng Paskua, atbp. Sa alinman sa mga pagkakataong ito, kung ang kautusan ni Yahuwah para sa dugo upang inilapat ay hindi isinagawa, ang mga kahihinatnan ay tiyak na magiging kalunos-lunos! Ito’y naging totoo, bakit hindi ang dugo na dinanak para sa kapatawaran sa mga kasalanan ay inilapat sa atin? Sa isang maalab na panalangin, nakiusap ako kay Yahuwah na ipakita sa akin kung paano ang tubig ng bautismo ay nagdadala ng paglilinis mula sa kasalanan na lubos na kinakailangan nating lahat. Dapat bang piliin ni Yahuwah na magbuhos ng liwanag sa bagay na ito para sa akin na ito ay hindi lamang magbigay ng posisyon na ang bautismo ay “isa lamang ritwal” nang hindi maipagtatanggol, ito’y — higit pa na mahalaga — nagpapakita ng isang dakilang kapangyarihan na naglilinis na makukuha sa pamamagitan ng dugo ni Yahushua. Natanto ko ang kasagutan sa pagtuklas ng isa pang katanungan na iminungkahi sa akin mula sa loob: “Noong tinusok nila ang Aking Anak, ano ang umagos mula sa Kanyang tagiliran?”

Dugo at tubig! Sa katahimikan noong ang dugo at tubig ay umagos mula sa tagiliran ni Yahushua, ito ang iisang sandali na pinakahihintay ni Yahuwah mula pa noong simula ng Kanyang dakilang walang hanggang plano! Dahil dito, para hindi maunawaan ang kahalagahan ng dugo at tubig at anong nakamit nila para sa atin ay para mabigo na mawatasan ang isang pinaka kritikal na aspeto ng plano ng kaligtasan ni Yahuwah, at ginagawa ang lahat ng buhay, pagtuturo, kamatayan at pagdurusa ng Kanyang Anak sa walang kapanarakan!

Kapag ang isang nagsisising tao ay sumunod sa kautusan na bautismuhan (Marcos 16:16; Mga Gawa 2:38 et al), ang dugo ni Yahushua ay nagdadala ng kapatawaran sa mga kasalanan habang ang tubig ng bautismo ay nililinis ang lahat ng mga kasalanan sa iisang gawa ng pagsunod! Ang dugo ay pinagtibay ang Bagong Tipan (Hebreo 9:22; 10:29; Marcos 14:24). Sa pamamagitan ng Mesias, ang madilim na liwanag (ang Lumang Tipan) ay dumating na sa katapusan, pinalitan ng Bagong Tipan na pinagtibay sa pamamagitan ng dugo ng tipan niya na ang Tunay na Liwanag (Juan 1:9). Kay Yahushua, tunay nating makikita “ang pinakamabuting paraan” na binanggit ni Pablo sa 1 Corinto 12:31. (Ipinakita rin ni Pablo ang pagkakaiba ng sulat ng luma sa diwa ng bago sa Roma 2:29; 7:6.)

Ang mga Kasulatan na nalalaman ko ay nagsimulang dumating sa buhay nang may bagong kahulugan sa aking sariwa at bukas na pagkakaunawa: “pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo” (Yahuwah, Exodo 12:13); “kung hindi kita huhugasan, wala kang bahagi sa akin” (Juan 13:8), at naunawaan ko ang isang bagay na isinulat ng Apostol Pablo nang mas mabuti kaysa noong unang naisip ko. Noong ako’y inilublob sa tubig ng bautismo, noong ang kanyang mahalagang dugo ay inilapat sa akin, ito ang kaganapan at paraan kung saan ang aking buhay “kay Kristo ay itinatago ni Yahuwah” (Colosas 3:3). Nakikita mo, mula sa panahon kung kailan ang nagsisising tao ay inilublob sa ngalan ni Yahushua, kailan man na tumitingin si Yahuwah sa isa na iyon, nakikita Niya ang dugo ng Kanyang Anak na bumabalot sa kanila, sapagkat ang paglulubog ay kapareho sa kung paano ang isang tao ay titingnan matapos ilubog sa isang tangke ng pulang pintura. Kapag nakita ni Yahuwah ang dugo ni Yahushua na bumabalot sa isang tao, Siya ay pinaaalahanan na ang kabayaran ng kasalanan ay binayaran na. Kaya dahil dito, Siya ay (gaya ng sinabi Niya sa Exodo 12:13) magagawang “lampasan” tayo, ilalayo tayo sa kamatayan; ang hindi mapipigilang kahihinatnan ng kasalanan. Narito ang buhay ng isang tao “kay Kristo ay itinatago ng Diyos.” Nakakaaliw na malaman ito.

Ang liriko ng isa pang lumang himno ay dumating sa aking isipan. Ang pamagat nito’y nagtatanong: “Ano ang maaaring maglinis ng aking mga kasalanan?” Anong susunod ay isang agos ng papuri: “Walang iba kundi ang dugo ni Yahushua! O mahalaga ang daloy, ginagawa akong maputi gaya ng nyebe!” Hindi na ako, kailanman na magagawang awitin ang anumang lumang himno ng “bautismo”, itinapon at pinalipas sa napakarami, sa kaparehong paraan! Ang mga ito’y mahahalagang paalala ng dugo na patuloy na bumabalot sa akin, nililinis ako at pinapanatili ang aking buhay na nakatago kasama ang Mesias sa mga mata ng aking Diyos. Ang kasagutan ni Yahuwah sa sabik na katanungan ng aking puso ay nagbigay sa akin ng mga “bagong mata” sa napakahalagang papel na ginagampanan ng dugo at tubig ng bautismo ni Yahushua sa Kanyang dakilang plano ng kaligtasan. Ang mga taon ng maling pagtuturo sa paksang ito ay lumikha ng isang tumpok ng mga tao na mapanganib na mangmang (ibig kong sabihin sa pinakamabuting paraan), sa kanilang pangangailangan na bautismuhan “sa ngalan ni Yahushua para sa kapatawaran sa mga kasalanan” (Mga Gawa 2:38; 4:12; 10:48, 19:5; Lucas 24:47).

magsisiā€™t magpabautismo


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Shelly Hostetler.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC