Print

Isang Rebelde Mula Sa Langit Ang Bumisita Sa Lupa: Pagkawasak Ang Dulot

Aming ibinalik sa website ng WLC, sa Banal na Kasulatan ay sinipi ang mga Pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito’y orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. I-click rito upang idownload ang Restored Names Version (RNV) ng Banal na Kasulatan. Ang RNV ay isang hindi-WLC na pinagkukunan. –Pangkat ng WLC

Isang Rebelde Mula Sa Langit Ang Bumisita Sa Lupa: Pagkawasak Ang Dulot

Mula sa malayong nakalipas, bago ang paglikha sa lupa, mayroon sa langit na isa na nagngangalang “Lucifer” ng kanyang mga kasama bilang “anak ng umaga.”

Mas banyaga pa sa piksyon ay ang talaan ng Bibliya kung paano ang itinaas na anghel na ito ay nagtatag ng isang rebelyon laban kay Yahuwah, pinangunahan ng isang hukbo ng mga anghel para sundin siya, at tuluyang pinatalsik mula sa langit. Si Lucifer, ay nagbago tungo sa pagiging “ang diyablo.”

Lucifer, Ang Diyablo

lucifer1. Tunay nga bang umiiral ang diyablo?

“Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diyablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya.” 1 Pedro 5:8.

Sagot: Oo, sinasabi ng Bibliya na siya ang ating kaaway. Lahat ng naghahangad na sundin si Yahushua ay ihahatid sa sagupaan sa walang humpay na kaaway na ito.

2. Si Satanas ba ay palaging isang diyablo?

Sagot: Hindi, siya ay dating isa sa mga pinakamatataas na anghel ni Yahuwah sa langit. Nilikha siya ni Yahuwah na maging “pinahirang kerubin” upang tumayo sa luklukan ni Yahuwah at takpan ito ng kanyang mga nakaladlad na pakpak. Siya ay napakaganda, puspos ng karunungan, at isang mahusay na mang-aawit. Siya ay sakdal sa lahat ng kanyang mga paraan. Tingnan ang Ezekiel 28:12-15; 26:13.

Hindi Nilikha Bilang Isang Diyablo

3. Anong nagbago sa napakagandang Lucifer tungo sa isang diyablo?

Sagot: Si Lucifer ay naging palalo dahil sa kanyang kagandahan (Ezekiel 28:15-17) at nainggit kay Yahuwah; tiyak siya sa pagkuha ng Kanyang posisyon bilang Hari ng sanlibutan –

Ano’t nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! 13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako’y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ni Yahuwah; at ako’y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: 14 Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataastaasan. (Isaias 14:12-14).

4. At bakit nagkasala si Lucifer?

Sagot: Ang kasalanan ni Lucifer ay hindi maipaliwanag. Para pagpapaumanhin sa kasalanan ay para sa dispensasyon nito. Si Lucifer ay may lahat ng bagay na maaaring ibigay ni Yahuwah maliban sa pagiging Diyos ni Yahuwah. Maraming anghel ang sumama sa paghihimagsik laban kay Yahuwah at sila, kasama si Satanas, ay inihagis sa lupa (Pahayag 12:9). At kaya ang kasalanan ay ginagawa tayong lahat na mga itinakwil, maliban kung itatapat natin at itatakwil ito at mapagpakumbabang kilalanin ang dakilang kapangyarihan ni Yahuwah.

5. Matapos ang paghihimagsik ni Lucifer, anong nangyari sa kanya?

bumagsak-si-lucifer-mula-sa-langit

“At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.” Pahayag 12:9.

“At nagsipagbalik ang pitongpu na may kagalakan, na nangagsasabi, Panginoon, pati ang mga demonio ay nagsisisuko sa amin sa iyong pangalan. At sinabi niya sa kanila, Nakita ko si Satanas, na nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit.” Lucas 10:17-18. [Tingnan ang tala sa baba.]

“Ano’t nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!” Isaias 14:12

Sagot: Nakuha ni Lucifer ang suporta ng ikatlo ng mga anghel (Pahayag 12:3, 4) at nagdulot ng isang paghihimagsik sa langit. Walang pagpipilian si Yahuwah kundi palayasin si Lucifer at kanyang mga anghel. Ito ay ang pinakadakilang labanan, hanggang sa ngayon, na nalabanan. Ang layunin ni Lucifer ay agawin ang luklukan ni Yahuwah, kahit na ito’y maaaring humantong sa pagpatay (Juan 8:44). Matapos ang pagpapatalsik sa kanya mula sa langit, tinawag si Lucifer na Satanas (kaaway) at diyablo (maninirang-puri), at ang kanyang mga anghel ay tinawag na mga demonyo. Sa Lucas 10:17-18, nakita ni Yahushua si Satanas na ‘nahuhulog’ dahil ang mga alagad ay nagpapalayas ng mga demonyo, dagdag pang nilalansag ang kanyang kapangyarihan at awtoridad. Iyon ay kung kailan si Satanas ay “ginapos” (Pahayag 20:2-3).

Ang Manunukso Ay Bumisita Sa Eden

6. Matapos ang kanyang pagbagsak, anong lugar ang binisita ni Satanas?

“Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Elohim.” Ezekiel 28:13.

Sagot: Lumitaw siya sa Eden, kung saan si Yahuwah ay inilagay sina Adan at Eba.

7. Sa anong anyo lumapit si Satanas kay Eba sa Eden?

Sagot: Ginamit niya ang ahas bilang isang tagapamagitan at nagsalita kay Eba sa pamamagitan nito. Tingnan ang Genesis 3:1.

8. Sa pagbibigay ng kalayaan sa tao upang kumain mula sa hardin ng Eden, anong iisang pasubali ang ginawa ni Yahuwah?

“At iniutos ni Yahuwah Elohim sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagkat sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.” Genesis 2:16-17.

Sagot: Ito ay ang pagsusulit ng katapatan ng tao sa kanyang Manlilikha. Dahil sa pag-ibig ay ibinigay ni Yahuwah kay Adan at Eba ang pagpapasya, kung susunod sila sa Kanya o hindi. Kung hindi Niya ibinigay sa kanila ang pagpapasya na ito, sila’y mapipilitan na sundin Siya, kaya ang kanilang pagtalima ay katulad ng mga alipin o mga robot at hindi isang pagtalima ng pagpapasya dahil iniibig nila si Yahuwah. Kamatayan ang magiging resulta sa kaso ng pagsuway. Tingnan ang Genesis 3:1-3.

Pagdududa Sa Salita Ni Yahuwah

9. Paano hinamon ni Satanas ang Salita ni Yahuwah?

“At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay: Sapagkat talastas ng Elohim na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Elohim, na nakakakilala ng mabuti at masama.” Genesis 3:4-5.

Sagot: Sa paghahagis ng pagdududa sa salita ni Yahuwah. Ang mga kasinungalingan ni Satanas ay: (1) hindi kayo mamamatay, at (2) sa pagkain niyaon ay madidilat ang inyong mga mata. Si Satanas, na nag-imbento ng pagsisinungaling (Juan 8:44), ay pinaghalo ang totoo sa mga pandaraya upang linlangin si Eba. Ang kaunting kamalian na hinaluan ng maraming patotoo ay palagi ang epektibong paraan ng panlilinlang ni Satanas. Totoo na “makikilala ang kasamaan” matapos magkasala. Sa pag-ibig, ipinagkait ni Yahuwah mula sa kanila ang kaalaman ng dalamhati, kalungkutan, paghihirap, sakit, at kamatayan. Si Satanas, gaya ng ginagawa niya ngayon, ay ginawa ang kaalaman ng kasamaan na lumilitaw na kaakit-akit. Nagsalita si Satanas ng mga daya upang ilarawan nang mali ang katangian ni Yahuwah dahil alam niya na walang sinuman ang tatalikod mula sa gaanoong mapagmahal na Manlilikha maliban kung mali ang pagkakaunawa niya sa Kanyang katangian.

10. Matapos lumambot sa tinig ng manunukso at sinuway si Yahuwah, paano ang nararamdaman nina Adan at Eba?

“At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila’y mga hubad; at sila’y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi. At narinig nila ang tinig ni Yahuwah Elohim na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ni Yahuwah Elohim sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan. At tinawag ng Yahuwah Elohim ang lalake at sa kaniya’y sinabi, Saan ka naroon? At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako’y natakot, sapagkat ako’y hubad; at ako’y nagtago.” Genesis 3:7-10.

Sagot: Sila’y napuspos ng isang diwa ng kahihiyan at sindak.

11. Bilang isang resulta ng kasalanan ng tao, anong sumpa ang binigkas ni Yahuwah sa kanya at sa lupa?

“At kay Adam ay sinabi, Sapagkat iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay; Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang; Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagkat diyan ka kinuha: sapagkat ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” Genesis 3:17-19.

Sagot: Isinumpa ni Yahuwah ang lupa dahil sa kanya.

Kahihinatnan Ng Kasalanan

12. Ano ang pinagdusahan ng buong pamilya ng mga tao dahil sa resulta ng kasalanan ni Adan?

“Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagkat ang lahat ay nangagkasala.” Roma 5:12.

Sagot: Hindi maarok na paghihirap, pagdurusa, pighati, pagkawasak, kamatayan, atbp……

TALA: Imortalidad, ipinangako sa tao sa kondisyon ng pagtalima, ay nawala sa pagsalangsang. Hindi maaaring magpadala si Adan sa kanyang salinlahi na hindi niya tinataglay; at maaari na walang pag-asa para sa bumagsak na sangkatauhan kung hindi si Yahuwah, sa pagsakripisyo sa Kanyang Anak, ay naghatid ng imortalidad para sa kanila upang maabot. Habang “ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagkat ang lahat ay nangagkasala,” si Yahushua ang “nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng ebanghelyo.” Roma 5:12; 2 Timoteo 1:10. At tanging sa pamamagitan ni Yahushua ang walang pagkasira o imortalidad ay makakamit. “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay.” Juan 3:36.

tinatawag-ni-satanas-ang-kanyang-lehiyon-ni-thomas-lawrence-179713. Saan ngayon ang punong-tanggapan ni Satanas at anong posisyon ang kanyang hinahawakan?

“At sinabi ni Yahuwah kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo’y sumagot si Satanas kay Yahuwah, at nagsabi, Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.” Job 1:7. Tingnan ang Job 2:2.

Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagkat ang diyablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.” Pahayag 12:12.

“Sapagkat ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon.” 2 Pedro 2:19.

Sagot: Salungat sa tanyag na opinyon, ang punong-tanggapan ni Satanas ay ang lupa. Ibinigay ni Yahuwah kay Adan at Eba ang kapangyarihan sa lupa (Genesis 1:26). Noong sila’y nagkasala, naiwala nila ito kay Satanas (Roma 6:16), na naging pinuno, o prinsipe sa sanlibutang ito (Juan 12:31). Masakit na napopoot si Satanas sa mga tao, na nilikha batay sa larawan ni Yahuwah.

14. Anu-anong pamamaraan ang ginagamit ni Satanas na nagdudulot sa mga tao na mapahamak?

Mayroong pitong pangunahing paraan ng pagpapakita kung saan ang kaaway ay gumagawa:

A. Sa pamamagitan ng panlilinlang. Sa Hardin ng Eden ay kinuha niya ang anyo ng isang ahas at dinaya si Eba (Genesis 3:1).

“At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang.” 1 Timoteo 2:14.

Ang pandaraya ay ang pangunahing pamamaraan ng diyablo, ang una, ang huli, at palagi. Dadayain niya ang bawat tao na hindi umiibig kay Yahuwah at sa katotohanan higit sa lahat (2 Tesalonica 2:1-12). Para malinlang ay nangangahulugan na naiisip mo na ikaw ay tama kapag ikaw ay mali. Hindi natin dapat sisihin ang diyablo para sa ating sariling ginagawa, gayunman. Maaari nating dayain ang ating sarili (1 Corinto 3:18; 1 Juan 1:8).

B. Sa pamamagitan ng mga tao na nagbabalatkayo na mga lingkod ni Yahuwah.

“Sapagkat si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.” 2 Corinto 11:14. Gumagawa siya sa pamamagitan ng mga makasalanang tao, ilan sa mga ito ay nagkukunwaring mga lingkod ni Yahuwah.

“Sapagkat ang mga gayong tao ay mga bulaang apostol, mga magdarayang manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Kristo Yahushua. At hindi katakataka: sapagkat si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan. Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran.” 2 Corinto 11:13-15.

C. Sa pamamagitan ng mga organisasyon. “Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.” Efeso 6:12.

D. Sa pamamagitan ng mga himala. “Sapagkat sila’y mga espiritu ng mga demonyo, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ni Yahuwah, na Makapangyarihan sa lahat.” Pahayag 16:14 (2 Tesalonica 2:8-9).

TALA: Nais ni Satanas na makontrol si Pedro (Lucas 22:31-33). Nabitag niya si Judas (Lucas 22:33). Nakapasok siya sa puso ni Ananias at humantong sa kanya na magsinungaling sa Banal na Espiritu (Mga Gawa 5:1-5).

nagkrus-ang-mga-daliri

Nagbabala si Yahushua, “Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman” (Mateo 24:4). Ang mga ito’y mismong mga araw na tayo’y mag-iingat, upang hindi ang anumang tao o himala ay humantong sa atin na hindi maniwala o sumuway kay Yahuwah (Mateo 24:24; 2 Timoteo 3:13).

Nagbabala si Pablo ng pataliwakas ng lahat ng mga simbahan at denominasyon, tuluyan na pamumunuan ng “taong makasalanan.” Ang taong ito ay mag-aangkin na siya ay isa pang diyos. Ayaw ni Satanas sa mga kautusan ni Yahuwah, at ninais niya na itaas ang sarili niyang trono nang higit kay Yahuwah. Sa lupa ay nilinlang niya ang bilyun-bilyon ng isang sistema ng relihiyon sa pagtataas sa tao bilang isang diyos, humahantong sa kanya na pakialaman ang Sampung Utos, at sinusubukan na baguhin ang mga ito; kaya hinahangad niya na patunayan ang kanyang angkin sa pagiging diyos. Hindi dapat tayo magpapatuloy na malinlang ni Satanas, ng tao, ng mga organisasyon, o ng ating sarili.

E. Sa pamamagitan ng mga akusasyon. “Ngayo’y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Eloah, at ang kapamahalaan ng kaniyang Kristo Yahushua: sapagkat inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila’y nagsusumbong sa harapan ng ating Eloah araw at gabi.” Pahayag 12:10.

Inakusahan ni Satanas si Yahuwah kay Eba (Genesis 3:4-5). Inakusahan niya si Job kay Yahuwah (Job 1:8-11; 2:4-5). Siya’y nag-akusa, o nilabanan, si Josue ang punong saserdote (Zacarias 3:1-2). At siya’y mag-aakusa, maghahatol, at magbabagabag sa iyo nang maraming pagtuligsa ng kasamaan.

Darating siya sa iyo at sasabihin sa iyo na ikaw ay hindi karapat-dapat na maligtas, na ikaw ay nabigo nang maraming beses, o ikaw ay isang dakilang makasalanan. Hahawakan niya ang iyong mga nakaraang kasalanan upang magpahina ng iyong loob.

F. Sa pamamagitan ng mga paghihirap. “Sa gayo’y umalis si Satanas mula sa harapan ni Yahuwah, at pinasibulan si Job ng mga masamang bukol na mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa kaniyang puyo.” Job 2:7

Naggapos siya ng isang babae sa loob ng labing-walong taon. “At ang babaing itong anak ni Abraham, na tinalian ni Satanas, narito, sa loob ng labing-walong taon.” Lucas 13:16. Binigyan niya ng tinik ang laman ni Pablo (2 Corinto 12:7-10). Nagpapahirap si Satanas sa maraming tao, ang parehong hinirang at makasalanan.

G. Sa pamamagitan ng pag-uusig. Kapag ang diyablo ay hindi madala ang mga tao na maniwala sa panlilinlang, maghahangad siya na pwersahin sila sa persekusyon. Siya ay isang masakim at masamang panginoon, at nagpapagalaw ng kasamaan laban sa bayan ni Yahuwah. Nag-uusig siya ng mga totoo at matatapat na sumasamba sa kanilang mga tahanan. Basahin ang Pahayag 12. Nakikidigma siya sa mga nagpapanatili ng kautusan (Pahayag 12:17).

“Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una.” Juan 8:44.

“Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una.” Hangad niyang wasakin ang pag-ibig ng tao para, at pagtalima sa, kanyang Manlilikha; at ginawa niya, sa pagdaan ng mga panahon, ay nag-udyok ng huwad na relihiyon upang usigin ang mga hinirang ni Yahuwah maging sa kanilang kamatayan. Namatay si Yahushua kaya “malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diyablo” (Hebreo 2:14).

Tandaan, si Yahuwah ang lumikha kay Lucifer, hindi si Satanas. Ang pagbabago mula sa matuwid na Lucifer tungo sa baluktot na Satanas ay ginawa mismo ni Satanas. Maaaring lumikha si Yahuwah ng mga nilalang sa alinman sa dalawang paraan nang may kapangyarihan ng pagpapasya o wala nito. Nilikha Niya ang mga ito nang may kapangyarihan ng pagpapasya. Ito lamang ang intelihente, kasiya-siyang paraan. Ang Kanyang mga nilalang ay naglilingkod sa Kanya dahil sila’y iniibig Siya at piniling tumalima.

Hangga’t nagbigay si Yahuwah ng kapangyarihang magpasya, ang kasamaan ay maaaring piliin, na salungat sa paraan ni Yahuwah. Sa lahat ng mga nilikha ni Yahuwah, si Lucifer ang may pinakamunting dahilan sa kasalanan dahil siya ang pinakamataas. Ngunit sinadya niyang piliin ang paninibugho.

Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya’t piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi; na iyong ibigin si Yahuwah mong Elohim, na sundin ang kaniyang tinig, at lumakip sa kaniya: sapagkat siya ang iyong buhay, at ang kalaunan ng iyong mga araw. ------ Deuteronomio 30:18-19 [ADB]

Ikaw ba, katulad ni Josue, ay pipiliin na maglingkod sa iyong Manlilikha, si Yahuwah?

At kung inaakala ninyong masama na maglingkod kay Yahuwah, ay piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga [huwad na] diyos ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog [Eufrates], o ang diyos ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: ngunit sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami kay Yahuwah. Josue 24:15

josue-sa-dagat-na-pula