Print

Kaligtasan | Ang Kahalagahan ng Pagtalima

BibliyaKapag sinabi natin ang kaligtasan, marami sa atin ay unang naiisip ang sulat ni Pablo sa mga taga-Roma, sapagkat ito ang pinakaganap na pagpapaliwanag ng pagkamatuwid kay Kristo. Kung mayroong lugar sa Bibliya na mahahanapan ng tungkol sa pagtalima na may kinalaman sa kaligtasan, ito ang dapat nating hanapin. Ngunit sa katunayan, hindi iyon ang aking natuklasan. May nakita akong salitang pagtalima sa Ang Dating Biblia, at nahanap na ang salitang pagtalima ay nabanggit sa aklat ng mga taga-Roma nang mas madalas kaysa sa anumang ibang aklat sa Bibliya: limang beses sa kabuuan. Pinaunlad ni Pablo ang kahanga-hangang temang ito sa simpleng paraan, kaya maaaring tandaan, gaya ng limang daliri sa kamay.

Ang tema ng pagtalima ay tiniklop ang sulat sa mga taga-Roma sa isang mapagmahal na yakap mula sa mismong pinakaunang salita hanggang sa mismong pinakahuli. “Si Pablo na alipin ni Yahushua, na tinawag na maging apostol, ibinukod sa ebanghelyo ni Yahuwah, na kanyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kanyang mga propeta sa mga banal na kasulatan, tungkol sa kanyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman, na ipinahayag na Anak ni Yahuwah na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga’y si Yahushua na Panginoon natin, na sa pamamagitan niya’y tinanggap namin ang biyaya at pagkaapostol, sa pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kanyang pangalan; Sa mga ito kayo naman, ay tinawag kay Yahushua.” (Roma 1:1-6)

Nagsimula si Pablo sa pagtalima sa pananampalataya. Ito ang mismong unang hakbang, at ito ay ang kung saan marami ang nagkakamali, mismong mula sa simula. Pinaghiwalay nila ang pagtalima at pananampalataya, sapagkat ang dalawang ito ay mapaghihiwalay, o maging kapwa eksklusibo. Ang Ebanghelyo ayon kay Pablo ay mawawalan nito. Hindi niya itinuro ang pagtalima sa isang bahagi at pananampalataya sa iba. Itinuturo niya ang pagtalima sa pananampalataya. Ang mundo ay may simbahan at pananampalataya, at mas maraming sasabihin tungkol sa paniniwala kay Yahushua. Ngunit ito ay isang walang halagang paniniwala, sapagkat ito ay pananampalataya lamang. Ang pananampalataya na nalalaman ni Pablo ay ang pagtalima sa pananampalataya.

kamay ng TagapagligtasAno ang pagtalima sa pananampalataya na sinasabi ni Pablo? Hindi niya ito direktang binigyan ng kahulugan, ngunit nagbigay siya sa atin ng isang malakas na palatandaan. Ang pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa para sa ngalan ni Kristo ay ang kanyang gawa at kusang-loob na lumitaw bilang isang apostol para ibigay ang panawagan ni Kristo. Ang hinlalaki, ang unang punto ng kaligtasan, ay hindi isang bagay na gagawin o paniniwalaan. Ito ay isang bagay na ginawa para sa atin at sa ating lahat. Ito ay ang panawagan na natanggap natin mula kay Kristo. Ang pagtalima sa pananampalataya ay kumakatawan nang una sa lahat sa panawagan ni Kristo.

Mula sa mismong simula ng paglilingkod ni Kristo na inilarawan sa mga Ebanghelyo (Magandang Balita), nahanap natin na si Kristo ay ginagawa ito na unang hakbang ng kaligtasan. Tumawag siya ng isang alagad at isa pa. Ang pagtalima sa pananampalataya ay hindi ang ating pagtalima sa mga kautusan o paghahanap o subuking hanapin ang kaligtasan. Ito ay pakikinig sa panawagan ni Kristo.

Pagkamatuwid sa Pagtalima

kaligtasan – ang sampung utos sa pinakabanal na lugar“Sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.” (Roma 5:19)

Ang mga pastor gayon din ang mga kongregasyon ay dumako na maging tampulan ng ano ang dapat gawin ng mga tao. Dahil natanto nila na ang pagpapanatili ng kautusan ay hindi nakakaligtas, sila madalas ay bigo na kilalanin na ang pagkamatuwid ay galing sa pagtalima. Lahat ng ilalagay kay Yahuwah ay ilalagay nang tama sa pagtalima at wala nang iba. Sila’y inilagay sa pagtalima ni Kristo, na sakdal at ganap. Ito ang ikalawang hakbang sa plano ng kaligtasan, sa limang hakbang ng pagpapakita ng pagtalima ni Pablo.

Inilagay ni Ellen White nang malinaw ito. “Ang sandali na ang makasalanan ay naniniwala kay Kristo, siya ay nananatili sa paningin [ni Yahuwah] na hindi na hahatulan; sapagkat ang pagkamatuwid ni Kristo ay nasa kanya: ang sakdal na pagsunod ni Kristo ay ipinaratang sa kanya.” Fundamentals of Christian Education, pahina 429.

Habang mayroong bawat katuwiran na tanggihan ang konsepto ng ganap na kasamaan o orihinal na kasalanan, ipinahayag ni Pablo ang isang makatuwirang balanse nito. Ang kasalanan at kamatayan na pumasok sa mundo sa gawa ng isang tao. Gaano man natin na panatilihin ang kautusan sa kasalukuyan, patuloy pa rin tayong haharap sa katunayan ng kamatayan kahit wala tayong sariling sala. Dahil dito, tama at makatuwiran lamang na ang lunas ay darating sa kaparehong paraan gaya ng naging problema: sa gawa ng isang tao sa ngalan ng lahat. Mayroong makatuwirang pundasyon para sa pagtalima na kinakailangan sa ating kaligtasan mula sa kasalanan at kamatayan na hindi sa ating sarili, kundi sa iba.

Pagtalima sa Pagiging Matuwid

“Sapagkat ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagkat wala kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya. Ano nga? Mangagkakasala baga tayo, dahil sa tayo’y wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari. Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinakaalipin upang tumalima ay kayo’y mga alipin niyaong inyong tumatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid? Datapuwa’t salamat kay Yahuwah, na, bagama’t kayo’y naging mga alipin ng kasalanan, kayo’y naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo; At yamang pinalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.” (Roma 6:14-18)

mga kamay na nakapisilAng pangitain ng pagkamatay, muling pagkabuhay, pagtaas, pamamagitan, at pagsisisi ni Kristo ay binabago ang katangian ng tao. Ginigising ng pag-ibig ang pagnanais na maging matapat na alipin ng pagtalima, na minsan ay tanging tulong o sundo mula sa pagkakasala.

Malinaw na inilarawan ni Ellen White ang karanasang ito. “Ang ebanghelyo ng Bagong Tipan ay hindi ang batayan ng Lumang Tipan na pinababa upang matugunan ang makasalanan at iligtas siya sa kanyang mga kasalanan. Hinihimok [ni Yahuwah] ang lahat ng Kanyang mga nilikha ng pagtalima, ganap na pagsunod sa lahat ng Kanyang mga kautusan. Nais Niya ngayon na mas ganap na pagkamakatuwid bilang tanging titulo sa langit. Si Kristo ang ating pag-asa at kanlungan. Ang Kanyang pagkamatuwid ay ipinaratang lamang sa mga masunurin. Tanggapin natin ito sa pamamagitan ng pananamapalataya, kaya ang Ama ay mahahanap sa atin ang kawalan ng pagkakasala. Ngunit iyong mga yumapak sa banal na kautusan ay mawawalan ng karapatan na makamit ang pagkamatuwid na iyon. Matatanaw natin ang kalawakan ng plano ng kaligtasan bilang masunuring anak sa lahat ng kinakailangan [ni Yahuwah], naniniwala na mayroon tayong kapayapaan mula . . . [kay Yahuwah] sa pamamagitan [ni Yahushua], ang ating pagbabayad-sala na handog!” (Review and Herald, Sept. 21, 1886.)

Wala nang mapanghihinaan ng loob sa mataas na antas ng batayan. Ang sukat ng sakripisyo ay ang garantiya ng kapangyarihan ni Yahuwah na magligtas nang lubusan. Ang nakapagsisi ay matatanggap ang pagpapala ng pagkamatuwid ni Kristo na namumunga sa pagtalima sa mga kautusan. Si Satanas ang nagsasabi na ang mga kautusan ay hindi na pananatilihin. Itinala ni Ellen White na “ang lahat ng sumisira ng kautusan [ni Yahuwah] ay umaalalay sa angkin ni Satanas na ang kautusan ay hindi makatarungan, at hindi maaaring sundin. Kaya sila ang ikalawang kumikilos sa pagtataguyod ng mga panlilinlang ng dakilang kaaway, at nagbibigay ng kahihiyan [kay Yahuwah].” Ilan pang mangangaral ang nagtuturo ng mismong angkin na ito linggu-linggo!

Naging mas karaniwan sa mga taon na marinig mula sa mga pulpito, na ang “pag-ibig ni Kristo ay namilit sa atin. Tayo ay sumusunod sa mga kautusan para sa pag-ibig ni Yahuwah at Kanyang Kristo, na nagbigay sa atin ng dakilang kaligtasan.” Ngayon ang mensahe ay tila madalas na ganito dahil ano pa man iniibig at iniligtas tayo ni Yahuwah, maaari natin Siya na huwag sundin gaya ng ninanais.

Ngunit ang konsepto ng pagkamatuwid ni Pablo ay naiiba. Ang tunay na pagkamatuwid ay namumunga sa pagsunod o pagtalima sa mga kautusan.

Pagkakaisa sa Pagtalima

“Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila. Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Kristo Yahushua, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay. Sapagka't ang inyong pagtalima ay naging bantog sa lahat ng mga tao. Kaya't nagagalak ako tungkol sa inyo: datapuwa't ibig ko na kayo'y maging marunong sa kabutihan, at musmos sa kasamaan. At si Satanas ay dudurugin ni Yahuwah ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Yahushua ay sumainyo. Amen.” (Roma 16:17-20)

Ang ikaapat na hakbang sa pag-aaral ni Pablo ng pagtalima ay pagkakaisa sa doktrina. Ito ay maaaring ikagulat, ngunit ay katunayan ay lubos na makatuwiran. Hindi ito tunay na magkakaiba sa pananaw, makatuwirang ideya, o pag-uugali na lumilikha ng pagkakahiwalay, maging pagkakahiwalay sa mga doktrina. Iyong mga nilikha sa simpleng hindi pagsunod, ang nais na maghimagsik laban sa malinaw na salita ni Yahuwah. Ang diwa ng pagtalima sa katunayan ay nagdadala ng madoktrinang pagkakaisa.

Sa kabila ng lahat ng mga argumento na ibinibigay ng mga tao sa hindi pagtalima sa Sabbath ng kautusan, dumarating ang lahat sa kung umiiral man o hindi ang diwa ng pagtalima. Lahat ng mga sanggunian sa lilim, ang mga kautusan ay napako na sa krus, ang pag-angkin ng kalayaan kay Kristo, na si Yahushua ang ating Sabbath, ay umudyok sa simpleng nais na hindi panatilihin ang Sabbath. Kapag ang mga gumawa ng angkin ay lumapit sa katanungan na may pagnanais na sumunod, babasahin nila ang mga teksto nang may naiibang intensyon. Babasahin nila nang may pag-asa na makita ang pagkamatuwid para sa pagtalima sa Sabbath sa halip na isang dispensa na hindi sumunod. At kaya ito ay nasa bawat katanungan ng madoktrinang paghihiwalay. Ilan sa mga ito ay hindi mahalagang bagay na itinataas sa atensyon lamang upang ilihis ang kaisipan mula sa ating tungkulin kay Yahuwah at sa ating kapwa.

Ganap Na Kapisanan: Pagtalima Sa Pananampalataya

“At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Yahushua, ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan. Datapuwa't nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ni Yahuwah na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima (pagtalima) sa pananampalataya: Sa iisang Eloah na marunong, sa pamamagitan ni Yahushua, na sumasa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.” (Roma 16:25-27)

Tinatapos ni Pablo ang aklat ng mga taga-Roma, gayong binuksan niya, nang may halos magkakahawig na mga salita. Bumalik siya sa tema ng pagtalima sa pananamapalataya. Ngunit sa panahong ito, ang pagtalima sa pananampalataya ay hindi ang panawagan ni Kristo. Sa halip na simula, ang panawagan, nakita natin ang katapusan, ang layunin. Ang pagtalima sa pananampalataya ay ngayon, sa ikalimang hakbang, ang “kapangyarihan na sa inyo’y makapagpapatibay.” Sa huli, gaya ng simula, ito ay hindi tagumpay ng tao, kundi isang bagay na ginawa ni Yahuwah. Ito ay ang kapangyarihan ni Yahuwah na magpapatibay sa atin. Mula simula hanggang katapusan, ang pagtalima sa pananampalataya ay ang gawa ni Yahuwah sa buhay ng mga tao.

Ang pagtalima na lumilitaw sa indibidwal na buhay ng mananampalataya, sa mga nagawa ayon sa kautusan, ay napaliligiran, ibinakod at protektado ng simula at wakas na mga hakbang, mga gawa ng banal na kagandahang-loob. Ang mga kamay ng banal na pag-ibig ay pinaliligiran ang tao ng gawa ng pagtalima. Hindi man nakikita, si Kristo ay nananatili sa likod ng bata sa kanyang mga liham, inilalagay ang mga kamay sa paligid niya, at gumagabay. Ang resulta ay isang tugon sa Dekalogo, na ang matamis na liham-pag-ibig ay puno ng mga pangako mula kay Yahuwah. Ang resulta ay isang buhay na liham-pag-ibig kay Yahuwah.

Ang panawagan ni Kristo ay humahantong sa pagsunod ni Kristo na ibinigay sa mananampalataya sa pamamagitan ng kagandahang-loob. Ang katunayan ng kaloob na iyon ay nagdulot sa mananampalataya na pagtalima sa kautusan ni Yahuwah sa kapangyarihan ng kagandahang-loob. Ang ganitong pagtalima ay magdudulot ng madoktrinang pagkakaisa at kawalan ng paghihiwalay sa mga nananalig. Ang konklusyon nito ay ang kapangyarihan ni Yahuwah ay magpapatibay sa atin sa Ebanghelyo. At ito ang kahalagahan ng pagtalima sa kaligtasan mula sa simula hanggang sa wakas.