Print

Kaligtasan: Natanggap, hindi Nakamit!

Lahat ng mga Kristyano ay sumasang-ayon na ang kaligtasan ay isang kaloob ng kagandahang-loob. Subalit, sa kabila ng katiyakang ito, ang malawak na bahagi ng mga Kristyano, halos hindi nalalaman, ay nadulas tungo sa isang mentalidad na kaligtasan sa gawa na sumasalungat sa kanilang ipinahayag na mga paniniwala.

Tuklasin kung ano ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kahanga-hangang kaloob ng kaligtasan at ikaw ay bahagi nito.


si HudsonSi Hudson Taylor, isang misyonaryo noong ika-19 na siglo sa Tsina, ay minsang isinulat:

Sa bawat nagpapakapagod, may mabigat na pasanin na makasalanan, sinabi [ni Yahushua], “Lumapit at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.” Ngunit may napakaraming napapagod, may mabibigat na pasanin na mga mananampalataya rin. Ang kaparehong imbitasyon na ito ay hangarin din sa kanila. Tandaang mabuti ang mga salita ni [Yahushua], kapag ikaw ay may mabigat na pasanin sa iyong paglilingkod, at huwag magkakamali rito. Hindi ito, “Sige. Trabaho lang,” gayong naiisip mo. Kabaligtaran nito, “Sandali, bumalik ka, lumapit sa akin at magpahinga.” Hindi, hindi kailanman nagpadala si Kristo ng isang mabigat na pasanin sa sinuman na nagtatrabaho; hindi, hindi kailanman nagpadala ng isang nagugutom, isang pagod, isang maysakit o nagdadalamhati, tungo sa anumang paggawa. Sa ganoon, sinasabi lamang ng Bibliya, “Lumapit, lapit, lapit.”

Ang mga Kristyano ay binigyan ng katiyakan at isa pang katiyakan na ang kaligtasan ay isang libreng kaloob. Subalit, ang saloobin ay patuloy na gumagapang na ang mananampalataya ay dapat may bahagi na gagampanan para mapanatili ang nagliligtas na estado ng kagandahang-loob. Ang kaligtasan ay maaari na isang libreng kaloob, ang mananampalataya ay sasang-ayon, subalit ito ay kanyang trabaho na tandaan na gumawa ng isang pang-araw-araw na pagsuko, para kumain nang tama, para huwag maging makasarili, para makamit ang tagumpay laban sa mga nalalamang kasalanan, at iba pa, atbp. At kapag hindi niya ginawa, ipinalagay na ang kaloob ng kaligtasan ay inaalis.

Ang pang-araw-araw na pagsuko, tagumpay laban sa mga nalalamang kasalanan, at isang maka-Eloah na buhay ay mga bunga ng kaligtasan.

Ang pangangatuwirang ito ay tinanggihan ng dakilang Protestanteng repormista, si Martin Luther, na nagtanong: “Hindi ba kahanga-hangang balita na maniwala na ang kaligtasan ay nananahan sa labas ng ating sarili?”

Ang pang-araw-araw na pagsuko, tagumpay laban sa mga nalalamang kasalanan, at isang maka-Eloah na buhay ay mga bunga ng kaligtasan. Ang mga ito ay hindi, at hindi kailanman, mga matutuwid na gawa na kinakailangan upang mapanatili ang kaloob ng kaligtasan.

Ang kaligtasan ay palaging natanggap; hindi nakamit.

Hindi sa mga Gawa ng Pagkamatuwid

Tayo rin noong una ay mga hangal, mga suwail, naliligaw, at naging alipin ng sari-saring pagnanasa at layaw. Namuhay tayo sa kasamaan at inggit. Kinapootan tayo ng iba at sila nama'y kinapootan natin.

Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ni Yah na ating Tagapagligtas, iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag. Iniligtas niya tayo sa pamamagitan ng paglilinis ng muling kapanganakan at pagbabagong buhay na dulot ng Banal na Espiritu, na masaganang ibinuhos ni Yah sa atin sa pamamagitan ni Kristo Yahushua na ating Tagapagligtas. Nangyari ito upang tayo'y maging tagapagmana ayon sa pag-asa sa walang hanggang buhay, yamang tayo'y itinuring na matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob. (Tito 3:3-7, FSV)

Si Pablo ay matatag: ang kaligtasan ay hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng pagkamatuwid na nagawa ng sinuman. Sa halip, ito lamang ay dahil sa kabutihan at pag-ibig ng Ama. Dagdag pa, ang mga mananampalataya ay hindi responsable para sa paglilinis sa kanilang sarili. Sa halip, ang aktibong ahente sa muling pagbabago at “paghuhugas ng pagbabagong-buhay” ay isang kaloob rin: ang Espiritu ni Yah mismo, ay ibubuhos sa lahat ng naniniwala sa mga merito ng dugo ni Yahushua.

Ang kaligtasan, palagi, ay isang kaloob.

Palagi at Kailanman sa Pananampalataya

Subalit ngayon ay nahayag na ang pagiging matuwid mula kay Yah, at ito ay walang kinalaman sa Kautusan. Pinatunayan ito mismo ng Kautusan at ng Mga Propeta. Ang pagiging matuwid mula kay Yahuwah ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Yahushua.

Ito ay para sa lahat ng mga sumasampalataya yamang sa lahat ay walang pagkakaiba. Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ni Yah. Subalit dahil sa kagandahang-loob ni Yah, sila ngayon ay itinuturing na matuwid sa pamamagitan ng pagpapalaya na ginawa ni Kristo Yahushua. Siya ang inialay ni Yah bilang handog na makapapayapa sa kanyang galit dahil sa kasalanan ng sanlibutan, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa bisa ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sasampalataya sa kanya. Ginawa niya ito upang ipakita ang kanyang katarungan. Dahil sa kanyang banal na pagtitiis, pinalampas niya ang mga kasalanang ginawa noon ng tao. Ginawa niya ito upang patunayan sa kasalukuyang panahon ang kanyang katarungan, na siya'y matuwid at siya ang nagtuturing na matuwid sa may pananampalataya kay Yahushua.

May lugar ba ngayon ang pagmamalaki? Wala! Sa anong batayan? Sa pagsunod ba sa Kautusan? Hindi, kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya. Sapagkat pinanghahawakan natin na ang tao ay itinuturing na matuwid dahil sa pananampalataya at walang kinalaman dito ang mga gawang batay sa Kautusan. (Roma 3:21-28, FSV)

Ang matuwid ay isang dakilang salita na nangangahulugan lamang na ipinahayag sa katuwiran. Kapag ang tao ay ginawang matuwid, kinukuha ni Yahuwah ang mga merito ng walang kasalanang buhay at kamatayan ni Yahushua at itinatala ang mga ito sa mananampalataya. Binihisan sa pagkamatuwid ni Kristo, siya ay nakatayo sa harapan ni Yah na parang hindi kailanman nagkasala.

Ito ay isang kaloob, ngunit isang kaloob na patuloy sa pagbibigay. Ito ay hindi isang transaksyon sa iisang panahon lamang. Hindi ka ginawang matuwid sa pagsisimula ng iyong lakad bilang Kristyano, tangi lamang na kailangan na panatilihin ang iyong pagkamatuwid sa sarili mo sa mapagtimping pamumuhay nang walang pagkakasala, sapagkat ang tagumpay ay isa ring kaloob.

kaloob

Ito ay Gawa ni Yah

Ngunit si Yah, na mayaman sa awa, dahil sa kanyang dakilang pag-ibig sa atin, kahit noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating mga pagsuway, ay binuhay niyang kasama ni Kristo. Dahil sa biyaya tayo'y iniligtas. At dahil kay Kristo Yahushua, tayo'y muling binuhay na kasama niya, at iniluklok na kasama niya sa kalangitan, upang sa mga panahong darating ay kanyang maipakita ang walang kapantay na kayamanan ng kanyang biyaya sa pamamagitan ng kanyang kabutihan sa atin na matatagpuan kay Kristo Yahushua. Dahil sa biyaya kayo'y iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; ito'y kaloob ni Yah, hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang walang sinumang makapagmalaki. Sapagkat tayo ang kanyang gawa, na nilikha kay Kristo Yahushua para sa mabubuting gawa, na inihanda ni Yah noong una pa man upang ating ipamuhay. (Efeso 2:4-10, FSV)

Ang kaligtasan-sa-pananampalataya ay nagiging kaligtasan-sa-gawa sa sandaling lumipat ang iyong tampulan mula sa mga merito ni Kristo patungo sa iyong mga sariling aksyon. Maaaring mayroong isang mapaglalang na diwa ng kasiyahan na pumapasok kapag ikaw ay ayaw nang kumain ng tsokolate na lubos na ninanais mo dahil ang tsokolate ay naglalaman ng kapeina, at ang kapeina ay masama sa iyo. Mayroong hindi masyadong mapaglalang na diwa ng pananaig kapag nakikita mo ang ibang Kristyano na ginagawa ang palihim na nais mong gawin, kundi dahil “ang tunay na Kristyano ay gagawa/kakain/iinom/manonood,” sinasanay mo ang pagpipigil sa sarili at umiiwas.

Ang isang diwa ng espiritwal na pagtataas sa sarili ay palaging mayroong sintomas ng kaligtasan-sa-gawa. Kabaligtaran nito, ipinahayag ni Pablo na si Yah ay “ginawa tayong buhay kasama ni Kristo.” Ang ating parte ay para magtiwala sa bisa ng kaloob na ibinigay: “Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig na si Yahushua ay Panginoon, at sasampalataya ka nang buong puso na binuhay siyang muli ni Yah mula sa kamatayan ay maliligtas ka.” (Roma 10:9, FSV)

Ang Manlilikha ay ating Muling Manlilikha

Kaya't ang sinumang nakipag-isa na kay Kristo ay isa nang bagong nilikha. Ang mga lumang bagay ay lumipas. Masdan ninyo, ang lahat ay naging bago. Lahat ng ito ay mula kay Yah, at sa pamamagitan ni Kristo Yahushua ay pinagkasundo tayo ni Yah sa kanyang sarili, at siyang nagbigay sa amin ng paglilingkod tungo sa pakikipagkasundo. Samakatuwid, si Yah ay na kay Kristo, na ipinagkakasundo ang sanlibutan sa kanyang sarili at hindi ibinibilang sa mga tao ang kanilang mga pagkakasala. Ipinagkatiwala niya sa amin ang mensahe ng pakikipagkasundo. (2 Corinto 5:17-19, FSV)

Ang layunin ng plano ng kaligtasan ay sumasaklaw nang higit pa sa isang nais na iligtas ang mga makasalanan mula sa walang hanggang kamatayan. Ang sukdulang intensyon ay para dalhin silang muli tungo sa matalik na komunyon sa kanilang Manlilikha. Ito ay isang gawa na maaari lamang magawa ng mismong Manlilikha. Siya ay muli tayong lilikhain sa Kanyang larawan, ibinabalik sa puso ng tao ang pagkadalisay na naglaho sa pagbagsak ni Adan.

Kapag naging dalisay na, ang mananampalataya ay nagiging “kaisa” ng Ama. Ngayon, sa halip na magpakahirap sa pagtitimpi sa sarili, ang mananampalataya ay dadalhin na lamang ang kanyang pinakamalalim na mga ninanais kapag ginagawa ang kalooban ni Yahuwah.

Ito ay isang kaloob na hindi matutumbasan ang halaga! Kapag naging dalisay na, ang mananampalataya ay nagiging “kaisa” ng Ama. Ngayon, sa halip na magpakahirap sa pagtitimpi sa sarili, ang mananampalataya ay dadalhin na lamang ang kanyang pinakamalalim na mga ninanais kapag ginagawa ang kalooban ni Yahuwah. Ito ay kung bakit ang pagsunod ay hindi ka maaaring iligtas kung ito ay isang bagay na nililikha lamang sa iyong sarili. Tanging ang pagsunod na umaagos mula sa mga dalisay na layunin ay katanggap-tanggap kay Yahuwah, ang antas ng kalinisang iyon ay makukuha lamang bilang isang kaloob.

Ang Pasya ay Nasa Iyo

Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal, “Halika.” Magsabi ang bawat nakikinig, “Halika.” Lumapit ang nauuhaw. Ang sinumang may nais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad. (Pahayag 22:17, FSV)

Si Augustine ng Hippo, isang sinaunang teologong Kristyano, ay minsang sinabi: “Siya na lumikha sa atin nang wala ang ating tulong ay hindi magliligtas sa atin nang wala ang ating pagpayag.” Ang kaligtasan, sa una, at huli, at palagi, isang kaloob. Subalit nasa iyo kung pipiliin mo o hindi na tanggapin ito. Para pakahulugan si Augustine sa ibang pangungusap: Siya na lumikha sa atin nang wala ang ating tulong at, sa ating pagpayag, muling lilikha sa atin nang wala rin ang ating tulong.

Ang kaligtasan ay nasa iyo, ngayon sa mismong puntong ito. Wala kang bagay na magagawa na maaari mong makamit sa isang kaloob na walang katumbas ang halaga, walang gawa ng pagsunod ang dapat mong gawin para mapanatili ito. Ang kaligtasan mismo ay nagbibigay ng lahat ng bagay na kailangan mo para muling bumalik sa banal na larawan, at kabilang ang pagsunod na umaagos mula sa mga dalisay na layunin.

Hindi mo maaaring makamit ang kaligtasan. Gayunman, maaari mo naman itong tanggapin. “Kaya’t may nakalaan pang isang Sabbath na kapahingahan para sa bayan ni Yah; sapagkat ang pumasok sa kapahingahang ibinigay ni Yah ay nagpahinga rin sa kanyang mga gawa, gaya ni Yahuwah na nagpahinga rin sa Kanyang paglikha.” (Hebreo 4:9-10, FSV)

Gawin na ang pasyang iyon ngayon din! Tanggapin ang kaloob ng kaligtasan ni Yah at ikaw rin, ay maaaring pumasok sa Kanyang kapahingahan.

“Sapagkat ang sinumang anak na ni Yahuwah ay nagtatagumpay sa sanlibutan.
At ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya.”
(Tingnan ang 1 Juan 5:4.)

 

pananampalataya