Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
“Tulad nila’y mga alon sa dagat, itinataas nilang gaya ng bula ang kanilang nakahihiyang mga gawa; tulad nila’y MGA TALANG LIGAW na nakalaan na sa malalim na kadiliman magpakailanman” (Judas 1:13)
Ang terminong “ligaw” ay nagmumula sa Griyegong pangngalan na πλανήτης (planétés, Strong’s 4107) at lumilitaw lamang nang isang beses sa Bibliya, tiyakan sa Judas 1:13, na sumasangguni sa mga talang ligaw. Ayon sa Biblehub, ang salitang ito ay nagmumula sa pandiwa na πλανάω (planáo, Strong’s 4105), nangangahulugan na maligaw sa landas, malinlang, mawala sa landas, o malihis. Ang pandiwa na ito ay lumilitaw nang 39 na beses sa KJV. Ito’y maaaring magpakilala ng isang talang ligaw (iyon ay isang planeta) at matalinhaga na kumakatawan sa isang huwad na guro na nananamantala sa mga walang layon na indibidwal, kaya sila ay inililigaw sa landas. Ang pandiwa ay naglalarawan din ng mga gumagalang Israelita sa disyerto sa panahon ng Exodo.
Mateo 24:4 Sumagot si Yahushua at sinabi sa kanila, “Mag-ingat kayo! Huwag kayong palilinlang (planáo, Strong’s 4105) kaninuman. 5 Sapagkat maraming darating na gagamit ng aking pangalan, na magsasabing sila ang Kristo, at marami silang maililigaw (planáo, Strong’s 4105). — 11 Maglilitawan ang maraming huwad na propeta at lilinlangin nila ang marami.
2 Timoteo 3:13 Samantalang ang masasama at mandaraya ay lalong magpapakasama; sila’y manlilinlang (planáo, Strong’s 4105) at malilinlang (planáo, Strong’s 4105). 14 Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga bagay na natutuhan mo at matibay mong pinaniwalaan, yamang kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo.
Santiago 5:19 Mga kapatid ko, kung sinuman sa inyo ay naligaw (planáo, Strong’s 4105) mula sa katotohanan, at may umakay sa kanya pabalik sa tamang landas, 20 dapat niyang malaman na sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan tungo sa tamang landas ay nagliligtas ng isang kaluluwa mula sa kamatayan at maghahatid sa kapatawaran ng maraming kasalanan.
2 Pedro 2:13 Pagbabayaran nila ang ginawa nilang kasamaan sa iba. Hindi na sila nahihiyang magpakasawa sa kamunduhan araw-araw. Nakikisalo sila sa inyong mga handaan, ngunit puro kasiraan at kahihiyan ang kanilang ginagawa. Ikinatutuwa pa nila ang kanilang panlilinlang. 14 Ang mga mata nila’y punung-puno ng pangangalunya at walang kabusugan sa pagkakasala. Inaakit pa nila na magkasala ang mga mahihina. Sanay na sanay ang kanilang puso sa kasakiman. Mga anak na isinumpa! 15 Iniwan nila ang daang matuwid at sila’y naligaw (planáo, Strong’s 4105). Sinundan nila ang daan ng anak ni Beora na si Balaam na umibig sa bayad ng masama.
Ito ay kung saan ang salitang “planeta” ay nagmumula, na maaari din nating makilala sa maraming ibang wika (na may minor na pagkakaiba sa pagbaybay).
Marami ang nagtanong kung bakit ang Bibliya ay nagbabanggit lamang ng Daigdig (Lupa), ang araw, at ang buwan ngunit hindi ang mga planeta. Hindi ba ang mga ito, rin, ay makatanggap ng isang banggit? Kung ang mga planeta ay tunay na itinuring na “mga tala,” sila’y isinama. Ang Bibliya ay tinutukoy ang mga planeta (na ngayon ay kinikilala natin na ganoon) bilang mga talang ligaw sa Judas 1:13, itinatangi ang mga ito mula sa ibang tala sa kalangitan. Karamihan sa mga tala ay hindi naliligaw ano pa man; ang mga ito’y nananatili sa kanilang mga itinalagang posisyon – marami ang nabibilang sa mga tiyak na konstelasyon na nakikita mula sa Daigdig – subalit may mga tiyak na bituin na pinag-uri na ligaw. Ang mga planeta, o mga talang ligaw, pito sa kabuuan, gaya ng ating sanlinggo: Merkuryo, Benus, Marte, Hupiter, Saturno, Urano, at Neptuno. Lahat ng mga ito ay iniugnay sa iba’t ibang diyos ng unang panahon.
Ang Daigdig ay inilarawan na nilikha bago ang liwanag sa unang araw at isang lugar na nilayon ni Yahuwah na tirahan (Isaias 45:18), nagpapahiwatig na hindi Siya naghintay ng bilyun-bilyong taon upang makamit ang layuning ito. Kabaligtaran, ang mga bituin (ang parehong nakapirmi at naliligaw) ay nilikha sa ikaapat na araw, at ang mga ito’y ganap na natatangi mula sa ating natatanging Daigdig.
Ang layunin ng Daigdig ay para tirahan ng mga tao, mga hayop, at mga halaman. Ang araw at ang buwan, parehong inilarawan bilang mga liwanag, ay layon na paghiwalayin ang araw mula sa gabi, nagsisilbi bilang mga tanda para sa mga tiyak na mga kapanahunan, mga araw, at mga taon, at nagbibigay ng liwanag sa Daigdig. Ang mga bituin rin ay tila nag-aambag sa paghahandog ng liwanag at tanda para sa mga naninirahan sa Daigdig. Nababasa natin ang tungkol sa mga bituin sa parirala, “nilikha rin Niya ang mga bituin,” na sumusunod sa paglalarawan ng layunin ng araw at buwan. Ang may-akda ay nagdadagdag, “At mga inilagay ng Elohim sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa, At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman,” na epektibong isinasabuod ang tungkulin ng mga makalangit na liwanag na ito.
Ayon sa Aklat ni Enoc at ng Bibliya, ang araw ay tinawag na Siya (lalaki), at ang buwan bilang Siya (babae).
Isaias 13:10 Sapagkat ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.
Ezekiel 32:7 At pagka ikaw ay aking nautas, aking tatakpan ang langit, at padidilimin ko ang mga bituin niyaon; aking tatakpan ng alapaap ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag.
Mga Hukom 5:31 Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon: Ngunit yaong mga umiibig sa kaniya ay maging parang araw pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan. At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon.
Amos 5:8 Inyong hanapin ang lumikha ng mga Pleyades at ng Orion, at ang lilim ng kamatayan ay pinapaging umaga, pinapagdilim ang araw sa pamamagitan ng gabi; yaong tumatawag sa tubig sa dagat, at nagbubugso ng mga yaon sa ibabaw ng lupa (Panginoon ang siya niyang pangalan).
Ang nasa ibabaw ay maaaring magpahiwatig ng isang bukas na kumpol ng mga tala na tinawag na Pleiades (Pleyades ang pitong tanglaw) sa konstelasyon ng Taurus. Ito ang pinakamalinaw na kumpol sa mata sa kalangitan. Ang Orion, gaya ng Taurus, ay isang konstelasyon ng mga bituin. Ito rin ay maaaring tumukoy sa pitong gumagalang tala.
Genesis 1:3 At sinabi ng Elohim, Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. 4 At nakita ng Elohim ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Elohim ang liwanag sa kadiliman. 5 At tinawag ng Elohim ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw. 6 At sinabi ng Elohim, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. 7 At ginawa ng Elohim ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon. 8 At tinawag ng Elohim ang kalawakan na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw. —14 At sinabi ng Elohim, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon: 15 At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon. 16 At nilikha ng Elohim ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin. 17 At mga inilagay ng Elohim sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa, 18 At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita ng Elohim na mabuti. 19 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaapat na araw.
Ang Bibliya ay nagbabanggit ng mga anghel na hindi pinanatili ang kanilang unang tungkulin ngunit nilisan ang kanilang tirahan. Ikinumpara rin ni Judas ang hindi likas na paraan ng pamumuhay ng mga taga Sodoma at Gomorra sa sekswal na kabuktutan (homosekswalidad):
Judas 1:6 Alalahanin din ninyo ang mga anghel na hindi nag-ingat sa kanilang makapangyarihang katungkulan at sa halip ay iniwan nila ang kanilang tahanan. Kaya’t ginapos sila ng di-mapapatid na tanikala at ikinulong sa malalim na kadiliman. Mananatili sila doon hanggang hatulan sila sa dakilang Araw ni Yahuwah. 7 Ganoon din ang sinapit ng Sodoma at Gomorra at ng mga karatig-lungsod. Nalulong din sila sa imoralidad at nahumaling sa kakaibang uri ng pakikipagtalik. Sila’y naging halimbawa nang sila’y parusahan sa apoy na walang hanggan.
Judas 1:14 Tungkol din sa mga taong ito ang ipinahayag ni Enoc, ang ikapitong salinlahi mula kay Adan. Sabi niya, “Tingnan ninyo! Dumarating ang Panginoon kasama ang kanyang libu-libong mga anghel,
Tinutukoy ni Judas si Enoc bilang “ang ikapitong salinlahi mula kay Adan,” nagpapahiwatig na nasaksihan niya ang kasaysayan sa Genesis bilang literal (si Enoc ay tunay nga na ikapitong salinlahi mula kay Adan). Walang dahilan na pagdudahan ni Judas na ang paglalarawan ng mga anak ni Yahuwah (mga anghel) ay literal din.
Genesis 6:1 At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae, 2 Na nakita ng mga anak ng Elohim, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila’y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili. 3 At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagkat siya ma’y laman: gayon ma’y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw. 4 Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Elohim sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog. 5 At nakita ni Yahuwah na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati. 6 At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso.
Isa pa, ang aklat ni Enoc at ang aklat ni Jasher ay kinukumpirma ang kwentong ito at nagbibigay ng marami pang detalye.
Ang araw (o ang mga bituin) ay hindi kailangan na magliwanag sa Daigdig para sa unang tatlong araw (ang araw ay nilikha sa Ikaapat na Araw). Nalalaman natin mula sa Aklat ng Pahayag na ang kordero ni Yahuwah (si Yahushua) ay magiging isa na magbibigay sa ating ng liwanag sa bagong Jerusalem, kung saan ang araw ay hindi kinakailangan:
Si Satanas, isang napakagandang tala, ay bumagsak mula sa kalangitan dahil sa kanyang paghihimagsik. Ngayon, siya’y gumagala, sinusubukan na linlangin ang mga tao.
1 Pedro 5:8 Maging handa kayong lagi at magbantay. Ang diyablo na kaaway ninyo ay parang leong UMAALIGID at umaatungal at naghahanap ng kanyang lalamunin.
Job 1:6 Isang araw nga nang ang mga anak ng Elohim ay magsiparoon na magsiharap kay Yahuwah, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila. 7 At sinabi ni Yahuwah kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo’y sumagot si Satanas kay Yahuwah, at nagsabi, Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.
Ang prinsipe ng Tiro at ang prinsipe ng hangin (si Satanas) ay nagtatanghal ng kaparehong padron ng pamumuhay, gayong inilarawan sa ibaba. Si Satanas ay tunay nga na isang maliwanag na tala:
Ezekiel 28:2 Anak ng tao, sabihin mo sa prinsipe sa Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Yahuwah: Sapagkat ang iyong puso ay nagmataas, at iyong sinabi, Ako’y diyos, ako’y nauupo sa upuan ng Elohim, sa gitna ng mga dagat; gayon man ikaw ay tao, at hindi El, bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Elohim:— 12 Anak ng tao, panaghuyan mo ang hari sa Tiro, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, iyong tinatatakan ang kabuoan, na puno ng karunungan, at sakdal sa kagandahan. 13 Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Elohim; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda. 14 Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa’t ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Elohim; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga. 15 Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo. 16 Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kaya’t inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Elohim; at ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga batong mahalaga. 17 Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: aking inihagis ka sa lupa; aking inilagay ka sa harap ng mga hari, upang kanilang masdan ka. 18 Sa pamamagitan ng karamihan ng iyong mga kasamaan, sa kalikuan ng iyong pangangalakal, iyong nilapastangan ang iyong mga santuario: kaya’t ako’y naglabas ng apoy sa gitna mo; sinupok ka, at pinapaging abo ka sa ibabaw ng lupa sa paningin ng lahat na nanganonood sa iyo.
Ang mga Kristyano na nagtataguyod sa patag na daigdig ay naniniwala na ang mga bituin ay mas maliit at mas malapit sa daigdig, nakalagay sa loob (hindi sa ibabaw) ng arko ng langit (kalawakan).
Bakit ang mga bituin ay nagniningning? Ito’y parang inilagay sila sa isang patong ng katubigan. “At ginawa ng Elohim ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan:— At sinabi ng Elohim, Magkaroon ng mga tanglaw SA kalawakan ng langit.”
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Annika Björk. Ang artikulo ay pinaikli mula sa sumusunod na pinagkukunan: https://bjorkbloggen.com/2017/12/09/planets-in-the-creation-account-wandering-stars-fallen-angels-jude-13/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC