Ang pagtuon kay Yahushua at kanyang hindi maitatangging pagmamalasakit ay itinatago ang isang madalas nakakaligtaang patunay ng Kasulatan: ang tunay na pagkakakilanlan ng ating Tagapagligtas.
Ang Tagapagligtas ng mga makasalanan ay walang iba kundi si Yahuwah mismo.
Kayo’y Aking mga saksi, sabi ni Yahuwah,
At Aking lingkod na Aking pinili:
Upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa Akin,
At inyong matalastas na Ako nga;
Walang Diyos na inanyuan na una sa Akin,
O magkakaroon man pagkatapos Ko.
Ako, sa makatuwid baga’y ako, si Yahuwah;
At liban sa Akin ay walang tagapagligtas.” (Tingnan ang Isaias 43:10-11.)
Ang Nagbibigay ng Buhay ay ang isa na nagbigay ng plano ng katubusan. Tiyakan, si Yahushua ay karapat-dapat sa ating pag-ibig at pasasalamat, ngunit si Satanas ay itinago ang katunayan na si Yahuwah mismo ay ang ating sukdulang Tagapagligtas. Sa halip na ang pag-ibig ay inilalapit ang mga kaluluwa kay Yahuwah sa pagkilala sa Kanyang kaloob, binabalutan ni Satanas ang mga tao ng pagkatakot sa Ama at inililipat ang lahat ng adorasyon at pagsamba kay Yahushua—ang pagkilala na palaging direktang ibinabalik ni Yahushua sa Ama.
May isang lalaking lumapit kay Yahushua at nagtanong, “Guro, ano po bang mabuting bagay ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” At sinabi niya sa kanya, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lamang ang mabuti. Subalit kung nais mong pumasok sa buhay, sundin mo ang mga utos.” (Tingnan ang Mateo 19:16-17.)
Ang gawa ng isang tagapagligtas ay para magligtas! Sa buong Kasulatan, nagtaas si Yahuwah ng maraming tagapagligtas. Sa katunayan, isang paulit-ulit na tema sa buong sagradong kasaysayan ay sa bawat pagtalikod ng Israel, nasakop ng mga kaaway, muli ay sumasamba kay Yah, at si Yahuwah ay nagbibigay ng mga tagapagligtas para palayain sila.
Gayon ma'y naging manunuway sila
At nanghimagsik laban sa iyo,
At tinalikdan ang Iyong kautusan,
At pinatay ang iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila
Na sila'y magsipanumbalik sa Iyo,
At sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi.
Kaya't iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban,
Na siyang nangagpapanglaw sa kanila:
At sa panahon ng kanilang kabagabagan,
Nang sila'y magsidaing sa Iyo,
Iyong dininig mula sa langit;
At ayon sa iyong saganang mga kaawaan
Ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas,
Na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban. (Nehemias 9:26-27, ADB)
Ang mga sinaunang Israelita ay may mabuting kamalayan na si Yahuwah ang kanilang sukdulang Tagapagligtas, ang isa na nagbibigay ng mga magpapalaya sa Israel. “Ako, sa makatuwid baga’y ako, si Yahuwah; At liban sa Akin ay walang tagapagligtas.” (Tingnan ang Isaias 43:10-11.)
Si Yahushua, gaya ni Josue bago niya, ay isang tagapagligtas, itinayo ni Yah, para pangunahan ang bayan ni Yah tungo sa Ipinangakong Lupain. Isang anghel ang nagsabi kay Jose: “Magsisilang siya ng isang lalaki at ang ipapangalan mo sa kanya ay Yahushua, sapagkat ililigtas niya ang kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.” (Mateo 1:21, FSV) Ang pangalang “Yahushua” ay nangangahulugang “Ang kaligtasan ni Yahuwah.” Iyon ay kung ano si Yahushua; siya ay, literal na, kaligtasan ni Yahuwah.
Ngunit ang misyon ni Yahushua ay higit pang komprehensibo kaysa sa simpleng pagpapalaya ng Israel mula sa mga Romanong mapang-api. Ipinadala si Yahushua para iligtas ang isang mundo ng mga makasalanan!
Noong isinilang si Juan Bautista, ang kanyang ama, si Zacarias, ay nagalak:
Si Yahuwah ng Israel dapat na papurihan,
Sapagkat Kanyang dinalaw at tinubos ang Kanyang bayan,
Itinaas Niya ang isang sungay ng kaligtasan para sa atin
Mula sa sambahayan ni David na Kanyang alipin,
Gaya nang sinabi Niya sa pamamagitan ng Kanyang mga banal na propeta mula noon pa man,
Na tayo'y ililigtas Niya mula sa ating mga kaaway at sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin
Upang ang habag sa ating mga ninuno ay ipakita
At ang Kanyang banal na tipan ay maalala,
Ang pangakong ibinigay niya sa ating amang si Abraham,
Na ipagkaloob sa atin, na tayong mga iniligtas sa kamay ng ating mga kaaway,
Ay maglingkod sa kanya nang walang takot,
Sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya sa lahat ng ating mga araw. (Tingnan ang Lucas 1:68-75.)
Ang pinakadakilang kaaway na mayroon ang sinuman ay hindi isang galit na kapwa, isang abusadong magulang (o asawa), o makapangyarihang bansang umuungol ng digmaan. Ito ay si Satanas, ang kaaway ng ating mga kaluluwa. Ipinagkaloob ni Yahuwah si Yahushua upang iligtas tayo mula sa kasalanan. “Itinuring niyang nagkasala siya na hindi nakaranas ng kasalanan, upang sa pamamagitan niya, tayo'y ituring na matuwid sa harapan ni Yah.” (Tingnan ang 2 Corinto 5:21.)
Ang pagkamatuwid na ito ay makukuha ng lahat na tatanggapin lamang ito sa pananalig. Pagkatapos, ang mga merito ng dugo ni Yahushua ay babalutin ang mga kasalanan ng mananampalataya, habang ang mga merito ng kanyang walang pagkakasalang buhay ay idinagdag sa ating talaan!
Karamihan sa mga Israelita ng panahon ni Kristo ay inasahan ang Mesias ay ililigtas ang Israel mula sa kanyang mga pulitikal na kaaway. Kakaunting bilang lamang ang nakakuha ng ganap na kahalagahan ng kanyang misyon. Isa sa kakaunting ito, gayunman, ay si Simeon.
May isang tao noon sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang lalaking ito ay matuwid at masipag sa kabanalan at naghihintay sa pagpapalaya sa Israel. Sumasakanya ang Banal na Espiritu. Ipinahayag ng Banal na Espiritu sa kanya na makikita muna niya ang Kristo Yahushua bago siya mamatay. Sa patnubay ng Espiritu ay pumasok si Simeon sa templo. At nakita niya na dala-dala si Yahushua ng kanyang mga magulang upang gawin ang nakaugalian ayon sa Kautusan. Kinarga ni Simeon ang sanggol at nagpuri kay Yahuwah. Sinabi niya:
Ngayon, Panginoon ko, ayon sa Inyong ipinangako, mapayapa mo nang kunin ang Iyong alipin. Sapagkat namalas na ng aking mga mata ang Iyong pagliligtas, na Inyong inihanda, sa harap ng lahat ng bansa: Isang ilaw ng pagpapahayag sa mga Hentil at para sa kaluwalhatian ng bansa mong Israel.” (Tingnan ang Lucas 2:25-32.)
Matapos mabuhay sa isang walang pagkakasalang buhay, namatay si Yahushua sa ating lugar. Pagkatapos ay muling binuhay ni Yahuwah sa ikatlong araw at itinaas siya sa pagkilala at pasasalamat para sa kanyang dakilang sakripisyo. “Itinaas siya ni Yahuwah sa kanyang kanang kamay bilang Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ng pagkakataong magsisi ang Israel, at mapatawad ang mga kasalanan.” (Tingnan ang Mga Gawa 5:31.) Ganon ka iniibig ni Yahuwah!
Gaya ng pagpapadala ni Yahuwah ng mga tagapagligtas sa nakalipas upang palayain ang Kanyang bayan mula sa mga kaaway sa lupa, itinaas Niya rin si Yahushua upang palayain ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan. “Sapagkat ganoon inibig ni Yah ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob niya ang kanyang kaisa-isang anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat isinugo ni Yah ang anak sa sanlibutan, hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang sa pamamagitan niya ay maligtas ang sanlibutan.” (Tingnan ang Juan 3:16-17.)
Ang alok ng kaligtasan ay patuloy pa ring makukuha. Ito ay libre sa lahat ng tutungo kay Yahuwah na ating Tagapagligtas at tatanggapin ang Kanyang dakilang kaloob sa pananalig, dahil ang “Kaligtasa’y kay Yahuwah.” (Tingnan ang Jonas 2:9.)