Print

Pagbawi sa Tunay na Ebanghelyo ng Paparating na Kaharian ni Yahuwah

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

matandang mag-asawa

Bakit nilikha ni Yahuwah ang sangkatauhan? Para sa anong layunin Niya tayo nilikha? Inaasahan mo ang lahat ay nagninilay-nilay, tumatalakay at nagtatalo sa pinakabatayan sa lahat ng isyu na ito. Subalit hindi nila ginagawa! Ang publiko at maging ang kaisipan ng simbahan ay nasa ibang bagay. Ang ganito ay panlilinlang, na ginawa ni Satanas sa kalipunan ng tao.

At kung tunay nga na may layunin si Yahuwah, ano ang Kanyang plano para sa pagpapadala nito? Mayroon bang posibleng anumang mas batayang impormasyon para sa iyo na makakamtan kaysa ng kaalaman ng iyong kapalaran? Lahat ng ibang kaalaman at pagsisikap ay tiyak na barak sa paghahambing. Gamitin ito, marahil, bilang isang pagbubukas para sa talakayan sa mga malapit sa iyo, o ibang tao na halos araw-araw mong nakakasama.

Hindi na kagulat-gulat na matutunan na ang isang prominenteng biblikal na tao, isa na sinasabi ni Yahuwah na isang tao batay sa Kanyang sariling puso, inilagay ang pinakamataas na prayoridad sa katanungan ng kanyang pag-iral. Si Haring David, isa sa pinakamakapangyarihang tao sa kasaysayan, ay pinakumbaba ng katunayan ng kanya (at ating) sukdulang tadhana. Tumitingin sa mabituing gabi mga 3,000 taon ang nakalipas, ang haring ito ng Israel ay ipinahayag ang kanyang sindak at paghanga sa Manlilikha ng malawak na sanlibutan na may plano para sa atin:

“Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? Sapagka’t iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Diyos, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa” (Awit 8:3-6).

Humigit lamang na 1,000 taon matapos nito, ang manunulat ng aklat ng Hebreo ng Bagong Tipan ay inulit ang nakapagpapatibay at positibong pahayag ni David, ngunit nagpapaalala sa atin ng isang pansamantalang sagabal: “Ipinasakop mo ang lahat ng bagay sa kanyang mga paanan. Nang masakop niya ang bawat bagay, wala siyang iniwan na hindi niya nasasakop. Ngunit ngayon ay hindi pa natin nakikitang nasasakop niya ang lahat ng mga bagay” (Hebreo 2:8).

Ang manunulat ay nagpatuloy upang ipakita na, hanggang ngayon, isang tao lamang, si Yahushua ang Mesias, ay nakamit ang kaluwalhatian na ang lahat ng sangkatauhan ay nilikha para magkaroon ng nakamit niya. Itong natatangi at makadiyos na tao, si Yahushua, na ipinapatay ng mga lider ng relihiyon ng kanyang panahon, 2,000 taon ang nakalipas, ay ang isa na nagsabi na siya sa isang araw ay babalik sa lupang ito at ibabahagi ang kaluwalhatiang iyon sa iba: “Pagdating ng Anak ng Tao taglay ang kanyang kaluwalhatian, kasama ang lahat ng kanyang mga anghel, siya’y luluklok sa kanyang maluwalhating trono. Sa kanyang harapan ay titipunin ang lahat ng mga bansa at sila’y kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at sa mga kambing. Ilalagay niya ang mga tupa sa kanyang kanan, ngunit ang mga kambing naman ay sa kaliwa. Pagkatapos ay sasabihin ng Hari sa mga nasa kanyang kanan, ‘Halikayo! mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang itatag ang daigdig’” (Mateo 25:31-34).

Mismo, sa pundasyon ng mundo, naghanda si Yahuwah ng isang kaharian para sa kalalakihan at kababaihan, kagaya ng sinabi ni Yahushua. Sa simula ng kasaysayan ng tao, nahanap natin si Yahuwah na ating Ama na nagbibigay ng pag-asa sa atin sa mga salitang ito: “Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa’t hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa” (Genesis 1:28).

Subalit, kagaya ng sinabi ng manunulat ng Hebreo, ang paglikha ay hindi pa nasasakop ng tao tulad ng inilaan. Tayo’y bigo na pamunuan ng paglikha ni Yahuwah sa isang paraan na magdadala nito tungo sa makadiyos na pagpapasakop na magiging isang pagpapala para sa lahat ng mga bansa. Sa katunayan, ang paglikha ay ang namuno sa atin (nang may mga tinik at mga dawag) at nagtagumpay sa atin (ang ating kapalaran ay babalik tayo sa alabok kung saan tayo nagmula). Paano naman sa isang araw si Yahushua ay magdulot sa atin na mamanahin ang Kaharian na inihanda na para sa atin, at simulang pamunuan ito nang tama, gagamitin tayo para tumulong (Daniel 7:27)? Oo, iyon ang hindi kapani-paniwalang PLANO ng kung paano ang kahanga-hangang LAYUNIN ni Yahuwah ay matutupad! Ang katunayan na tayo sa ilalim ng kagandahang-loob ni Yahuwah ay magmamana ng Kahariang ito sa lupa na hinanda na sa atin mula sa simula ay ang dakilang balantok na kwento ng buong Bibliya. Gaya ng matalinong ipinunto ng manunulat na si John Bright: “Ang Bibliya [Luma at Bagong Tipan] ay isang aklat. Kung bibigyan ang aklat na iyon ng pamagat, maaari nating tawagin ito nang may katuwiran na ‘Ang Aklat ng Paparating na Kaharian ni Yahuwah.’”1

nasindak na babae at lalaki

Kung tayo ay tatalon sa katapusan ng kwento na matatagpuan sa mga pahina ng kahanga-hangang aklat na tinatawag nating Bibliya, mahahanap natin ang nakasisiglang kumpirmasyon para sa matagumpay na katuparan sa hinaharap ng plano ni Yahuwah na pagiging imortal para sa mga tao: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon at ng Kanyang Kristo [Yahushua], at maghahari siya magpakailanman” (Pahayag 11:15). At nagsasalita ng mga pandaigdig na mananampalataya mula sa lahat ng panahon, “At ginawa mo silang isang kaharian at mga paring naglilingkod sa aming Diyos, at sila’y maghahari sa daigdig” (Pahayag 5:10).

Ang sipi sa ibabaw ay, sa katunayan, kumpirmasyon ng anong ipinakita ni Yahuwah kay Daniel, mahigit 2,500 taon ang lumipas tungkol sa anong magaganap sa katapusan ng kasalukuyang panahon na ito, noong ipinangako Niya: “At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao’y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputol-putulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao’y lalagi magpakailan man” (Daniel 2:44). At ang Kahariang iyon ay ilalagay dito sa lupa kung saan ang mga hinirang ni Kristo ay mamumuno kasama niya nang may pag-ibig: “At ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataas-taasan: ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang lahat na kapangyarihan ay maglilingkod at tatalima sa kaniya” (Daniel 7:27).

Ang pamana at tadhanang ito ay darating sa atin sa pagbabalik ni Kristo sa kapangyarihan at kaluwalhatian, sa panahon na muli niyang bubuhayin ang mga namatay sa pananalig mula sa kanilang mga libingan. Ito’y magaganap kasunod ng panghuling panahon ng dakilang kahirapan. Sa panahong iyon, ang mga mananampalatayang ito ay magigising mula sa kanilang pagkakahimbing at tatanggapin ang walang hanggang buhay (literal na “buhay para sa panahong paparating”) sa Kaharian ni Yahuwah. Magpakasaya at maging matatag sa biblikal na pangitain ng kung paano ito magaganap:

1 Tesalonica 4:16-17: “Kasabay ng malakas na utos at ng tinig ng arkanghel at ng tunog ng trumpeta ni Yahuwah, babalik ang Panginoon [Yahushua] mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Kristo. Pagkatapos nito, tayo na nanatiling buháy ay titipunin sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid.”

Kaya, ang pamana na tatanggapin natin, ang Kaharian ni Yahuwah na ito kung saan tayo’y magiging bahagi sa isang araw sa hinaharap, ay ang patuloy na isinusulong ng Bibliya mula sa simula hanggang sa katapusan. Ito mismo ang mensahe ng mabuting balita ng paparating na Kaharian kaya si Yahushua ay unang dumating, 2,000 taon ang nakalipas upang magpahayag (Lucas 4:43; Marcos 1:14, at marami pang ibang berso). Ang paniniwala sa mensahe ng mabuting balita na ito at ang mga bagay tungkol kay Yahushua bilang Hari, nanghihikayat sa mga tao na bautismuhan sa kanyang pangalan, at dahil dito’y maliligtas sila (Mga Gawa 8:12; Mga Gawa 2:38). Ang paniniwala sa paparating na pamanang ito sa lupa sa ilalim ni Kristo Yahushua (Mesias, Hari) ay paunang kailangan sa malusog na pamumuhay maging sa ngayon, at walang hanggang kaligtasan sa panahon na paparating (Mateo 13:11-15; Lucas 8:10-12).

Sa kasamaang-palad, ito ay hindi naging mensahe na karaniwang itinuturo at ipinapahayag bilang mabuting balita sa lumipas na 2,000 taon kasunod ng kamatayan ni Kristo at kanyang mga apostol. At syempre, ang isa ay hindi maaaring maniwala sa isang bagay na hindi pa naririnig. Hindi lamang umiiral ang nakakabinging katahimikan tungkol sa mabuting balita ng Kaharian na ito, kundi isang naiibang ebanghelyo ang ipinalit dito, kaya naging mas problemado na bawiin ang patotoo ng sukdulang tadhana ng tao. Iyon ay pinalitan ang patotoo ng mabuting balita na unang hindi pinag-aralan, at pinawalang-sala kaya bumagsak nang malalim sa mga tradisyon. Hangga’t nananatili, ang mga tradisyong ito ay magiging hadlang sa pagkakaunawa at paniniwala sa mga bagay na hahantong sa kaligtasan at nagawa ng anong nilikha sa atin ni Yahuwah na maging.

Sa halip na maliwanag na biblikal na pagtuturo ng muling pagkabuhay ng mga patay sa katapusan ng panahon na ito, ang tradisyon ay itinuro na ang tadhana ng tao ay para mamuhay saanman bilang isang espiritung walang katawan (sinasabi ng ilan na isang “kaluluwa”) matapos ang kamatayan. Ang mabuting balita/Ebanghelyo ng ating gantimpala sa isang literal na Kaharian ni Yahuwah sa lupa ay pinalitan ng isang “makalangit na kaharian,” isang bagay na ganap na hindi pa naririnig ng mga Hebreong biblikal na manunulat. Sa kanyang aklat na The Theology of Martin Luther, sinabi sa atin ni Paul Althaus na ang repormador ng ika-16 na siglo ay walang pagkakasundo sa huwad na ideya ng kaluluwang walang katawan na tumutungo sa langit kapag namatay:

“Karaniwang nauunawaan ni Luther ang kondisyon sa pagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay bilang isang malalim at walang panaginip na pagtulog nang walang pagkamalay at pakiramdam. Kapag ang patay ay nagising sa Huling Araw, sila ay — gaya ng isang tao na gumigising sa umaga — hindi nalalaman kung nasaan at hindi nalalaman kung gaano sila katagal sa pamamahinga…Dahil dito, walang sinasabi si Luther tungkol sa mga kaluluwa na wala ang kanilang mga katawan, nagsasaya sa tunay na buhay at pagpapala bago ang muling pagkabuhay. Sila’y natutulog sa ‘kapayapaan ni Kristo.’ Sa huli, ang teolohiya ng Simbahang Lutheran ay hindi sinundan si Luther sa puntong ito…Ang mga ika-17 siglong Lutherans ay lumayo mula sa ideya ni Luther na ang kaluluwa ay natutulog sa kamatayan…tanging ang katawan lamang ang natutulog, ang kaluluwa ay nananatiling gising” (pp. 414, 417). Ang pagbabalik sa paganismo ay halata na!

ang kamatayan ay pagtulog para sa kaluluwa

Si Althaus mismo ay sumasang-ayon sa pagsusuri ni Luther: “Ang pag-asa ng maagang simbahan ay nakasentro sa muling pagkabuhay sa Huling Araw. Ang muling pagkabuhay na ito ay nangyayari sa tao at hindi lamang sa katawan…Ang mga orihinal na biblikal na konsepto ay pinalitan ng mga ideya mula sa Helenistikong Nostikong dualismo. Ang ideya ng muling pagkabuhay ng Bagong Tipan na nakakaapekto sa buong tao ay nagbigay ng daan sa pagiging imortal ng kaluluwa. Ang pagkakaiba sa pagitan nito at ng pag-asa ng Bagong Tipan ay lubos na dakila” (pp. 413-414).

Upang makamit ang matagumpay na pagbabalik sa tunay na mensahe ng kaharian ng Hebreong Kasulatan (iyong tungkulin!), ang huwad na Griyegong pilosopikong konsepto ng walang katawang buhay na ito ay dapat munang tanggalin sa isipan ng lahat ng magiging tagasunod ni Yahuwah at Kristo. Mayroong mas maraming detalye sa kwento kung paano ang pangako ni Yahuwah na papanumbalikin ang Kanyang kaharian sa lupang ito ay ginawa at gagawin, ngunit ang kwento ay dapat na ipahayag sa loob ng balangkas ng isang tamang pagkakaunawa ng ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kamatayan, partikular sa kung anong mangyayari kapag tayo’y namatay. Dapat nating tanggalin ang pagkalito na nagreresulta kapag walang malay nating pinaghahalo ang dalawang ganap na magkaibang ideya (muling pagkabuhay sa katapusan ng panahon vs. walang katawang pag-iral matapos ang kamatayan). Hindi ito mahirap gawin, kung pahihintulutan natin ang Banal na Kasulatan na magiging panghuling salita sa paksang ito. Matatagpuan natin na ang Bago at Lumang Tipan ay sakdal na nagkakaisa sa kanilang mga pagtuturo.

Sa Lumang Tipan, nakakapaliwanag na matutunan na wala tayong kaisipan o pagkamalay sa kamatayan:

Mangangaral 9:5: “Sapagka’t nalalaman ng mga buhay, na sila’y mangamamatay: nguni’t hindi nalalaman ng patay ang anumang bagay.”

Mangangaral 9:10: “Sapagka’t walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol (libingan), na iyong pinaparunan.”

Awit 146:4: “Ang hininga niya ay pumapanaw, siya’y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.”

Dagdag pa, habang patay ay hindi natin maaalala si Yahuwah at hindi natin Siya mabibigyan ng papuri. Ito ay isang kakaibang kalagayan kung tayo sa katunayan ay buhay bilang walang katawang kaluluwa sa langit (o sa impyerno sa bagay na iyon):

Awit 6:4-5: “Bumalik ka, Oh Yahuwah, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob. Sapagka’t sa kamatayan ay walang alaala sa iyo.

Awit 115:17: “Ang patay ay hindi pumupuri kay Yahuwah, ni sinomang nabababa sa katahimikan.”

Sa Bagong Tipan, ang ideya na ang mga patay ay patay hanggang sa katapusan ng panahon sa muling pagkabuhay nila, ay nagbibigay ng lubos na kumpirmasyon ng ano ang dapat na Kristyanong paniniwala sa paksang ito:

Juan 5:28-29: “Huwag kayong magtaka, sapagkat darating ang oras na ang lahat ng nasa libingan ay makaririnig sa kanyang tinig, at ang mga gumawa ng mabubuting bagay ay babangon tungo sa buhay, at ang mga gumawa ng masasamang bagay ay babangon tungo sa paghatol.”

Kapag bumalik si Yahuwah, iyon ang panahon na ang mga patay ay babalik sa buhay, at hindi hanggang sa panahon na ito. Ito ay magiging isang kamangha-manghang pangyayari:

1 Corinto 15:22-23: “Sapagkat kung paanong dahil kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin dahil kay Kristo ang lahat ay bubuhayin. Ngunit ang bawat isa’y ayon sa kanyang takdang panahon. Si Kristo ang unang bunga; at pagkatapos ay ang mga kabilang kay Kristo sa panahon ng kanyang pagdating.

1 Tesalonica 4:16-17: “Kasabay ng malakas na utos at ng tinig ng arkanghel at ng tunog ng trumpeta ni Yahuwah, babalik ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Kristo. Pagkatapos nito, tayo na nanatiling buháy ay titipunin sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid.”

ang kamatayan ay pagtulog para sa kaluluwa

Lumilitaw na mula sa mga makasaysayang talaan na hindi nagtagal matapos ang kamatayan ni Yahushua at kanyang mga apostol na ang biblikal na pagtuturo ng muling pagkabuhay ay sinimulang palitan ng huwad, paganong Nostikong pagpapalagay na ang patay ay agad tutungo sa langit o sa impyerno bilang mga nilalang tulad ng espiritung walang katawan. Si Justin Martyr, isa sa mga maagang “ama ng simbahan,” ay nagprotesta noong 150 AD na ito ay nagaganap na: “Sapagkat kung ikaw ay bumagsak sa ilang tinatawag na Kristyano, ngunit hindi tinatanggap ang patotoo ng muling pagkabuhay at nakikipagsapalaran na lapastanganin ang Diyos ni Abraham, Isaac at Jacob; mga nagsasabi na walang muling pagkabuhay ng mga patay kundi ang kanilang mga kaluluwa kapag sila’y namatay ay tutungo sa langit: Huwag iisipin na sila’y mga Kristyano” (Dialogue with Trypho, ch. 80). Ang alarma ay tuluyang hindi pinakinggan.

Ang Pahayag 20:4-5 ay ibinuod nang mabuti ang maliwanag na hinaharap sa mga kasalukuyang natutulog sa kamatayan, at ang mabuting balita kung kailan ang tadhana ng sangkatauhan ay magsisimula nang matanto sa isang kaganapan na hindi pa nasasaksihan. Sinasabi ang tungkol sa mga hinirang, ang mga matatapat na mananampalataya ng mabuting balita at ni Kristo Yahushua, binabasa natin, “Nabuhay sila at nagharing kasama ni Kristo sa loob ng sanlibong taon. Ang ibang mga patay ay hindi nabuhay hanggang sa matapos ang sanlibong taon. Ito ang unang muling pagkabuhay.”

Ngayon ay may sapat na tayong impormasyon at karanasan kaya maaari na tayong tumungo sa nalalabi ng kwento: ano nagawa na ni Yahuwah at ano pa ang gagawin Niya upang tuparin ang Kanyang dakilang layunin para sa sangkatauhan. Maaari mo bang ituro ang plano ni Yahuwah sa iba — ang ating bahagi sa Dakilang Komisyon?

Masayahing Asyanong Babae


1 The Kingdom of God, Abingdon, 1981, p. 197.


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Robin Todd.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC