Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang pagkamatuwid ay nagdadala ng isang katuwiran na 100%, ngunit ito’y hindi humawa. Ano ang ibig kong sabihin ng “humawa”? Ito’y hindi ibinuhos sa atin. Ito’y hindi nasa loob natin. Ang pagkmatuwid ay nagdadala ng 100% katuwiran, at ito’y inilagay sa ating talaan.
Natutuwa ako na hindi Niya inilagay sa aking bulsa dahil maaari kong maiwala ito, o may isang tao na maaaring nakawin ito. Kung inilagay Niya ito sa akin, maaari kong dalhin ito sa maling lugar. Gayunman, ang pagkamatuwid na dinadala sa atin ng dugo ni Kristo ay ipinahayag na matuwid, na matatagpuan kay Kristo, sa langit. Siya ang aking pagkamatuwid. Si Kristo ang ating pagkamatuwid, at ito’y 100% sakdal. Ikaw ay binilang na sakdal kapag ikaw ay nagiging isang Kristyano, para sa lahat ng iyong panahon, habang ika’y nananalig sa dugo. Habang ika’y nagtitiwala sa dugo ni Kristo, ikaw ay binilang na 100% sakdal, bagama’t ika’y hindi sakdal. Iyon ay ang pagkamatuwid. Ito’y 100% ngunit hindi humawa.
Ang pagbabanal ay nagdadala ng isang pagkamatuwid na “humawa,” “inilagay.” Ang Banal na Espiritu ay pumapasok at nagbabago ng ating mga asal, kaisipan, iniibig, at muhi. Ito’y panloob, ngunit hindi pa ganap. Nauunawaan mo? Ang pagkamatuwid ay isang ganap na katuwiran, subalit ito’y hindi nasa loob ko. Ang pagbabanal ay isang pagkamatuwid na nananahan sa loob ko – ang presensya ng Banal na Espiritu at ang mga pagbabago na dinadala Niya – ngunit hindi pa ito ganap. Ang pagbabanal ay isang proseso na kasing-haba ng buhay. Sa bawat pasulong na hakbang, mayroon pang higit na tatahakin. Dahil dito, hindi ka dapat umasa lamang sa iyong pagbabanal. Hindi ka magkakaroon ng hinanakit at sasabihin, “Tingnan ninyo, muli kong nagawa! May sinabi ako na hindi ko dapat sinabi,” o “Hindi ako naging dapat na ganoon.” Hindi mo dapat pahintulutan ang iyong sarili na maramdamang panghinaan ng loob.
Ang higit na panghinaan ka ng loob, mas madali kang magkasala muli. Mas mabilis na bumangon ka mula sa iyong mga pagkakasala at sinasabi, “Panginoon, patawarin mo ako. Patawarin mo ako sa ngalan ng dugo ni Kristo, at tulungan mo ako sa aking landas. Maraming salamat, Panginoon” – mas malapit na gagawin mo ito, mas mababa na malamang ika’y magkakasala muli. Walang nagtatagumpay gaya ng tagumpay, at walang nagbubunga ng kabiguan gaya ng kabiguan.
Kapag sinasabi natin na ang katuwiran ng pagbabanal ay nasa loob natin, subalit hindi sa 100%, ipinapahayag natin ito na ikaw ay nagtitiwala lamang sa katuwiran ng pagkamatuwid. Iyon ang kung saan ang iyong pag-asa ay nananahan. Kapag tinitingnan mo sa loob, maaari mong isipin, “Ako’y isang kahangalan! Paano ang Panginoon ay nagtiis sa akin?” Ngunit kapag ikaw ay tumungo sa pagkamatuwid ni Kristo, ipinapahayag mo, “Ito nga! Dahil sa Kanya!” Natatandaan kung anong sinabi ni Pablo tungkol kay Onesimo kay Filemon? “Makakaasa ka bilang isang kasama, kaya tanggapin mo siya na parang siya ay ako.” Iyon ang ginagawa ni Yahuwah; itinuturing Niya tayo na parang tayo ang Kristo.
Ang katuwiran ng pagluwalhati, kapag pinagkakalooban Niya tayo ng mga bagong katawan at bagong kaisipan, ay sukdulan at panloob. Mawawala na sa iyo ang dating makasalanan na kalikasan at tatanggalan ang iyong sarili ng kaliluhan sa looban mo. Mula sa puntong iyon, ika’y sakdal na sa kalikasan at hindi na mababagabag ng mga tukso ng kasalanan.
Bilang pagbubuod, ang katuwiran ng pagkamatuwid ay 100%, ngunit hindi nasa loob ko. Ito’y umiiral kay Yahushua, at hindi ito mawawala sa akin habang ako’y nagtitiwala sa Kanya. Ang katuwiran ng pagbabanal ay nananahan sa akin. Ang Banal na Espiritu ay ang nagdadala nito sa akin at binabago ako; gayunman, hindi ito 100%, kaya ako’y hindi umaasa rito. Hindi ito ang pagkamatuwid ng pananalig na nauukol lamang sa pagkamatuwid.
Ang pagbabanal ay nangangailangan ng higit pa sa pananalig; ito’y nangangailangan ng mahalagang aktibidad, pagsisikap, at kooperasyon. Nagsasagawa tayo sa anong ginagawa ng Banal na Espiritu sa atin. Ang Banal na Espiritu ay hindi nagsasagawa ng kalooban o ang paggawa. Siya’y gumagawa sa atin upang maloob at gumawa, ngunit Siya ay hindi ginagawa ang kalooban o ang paggawa. Tanging ang katuwiran ng pagluwalhati ay 100% at nasa loob natin.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Dr. Desmond Ford.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC