Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang mga demonyo ay isang realidad. Ang Kasulatan ay puspos ng mga sanggunian sa mga espiritu na sinabing naghimagsik laban kay Yahuwah at ngayo’y nasa ilalim na ng awtoridad ni Satanas.1 Bagama’t hindi tayo binigyan ng isang pormal na paglalarawan, sinabi sa atin na ang mga demonyo, tinatawag rin bilang marumi o masamang espiritu, ay maaaring magdulot ng pagkakasakit2 at karahasan,3 nagsasagawa ng mga huwad na tanda at kababalaghan,4 nagpapalaganap ng mapanlinlang na doktrina,5 at sinasapian at nang-aapi sa mga tao.6 Dagdag pa, natutunan natin mula sa Kasulatan na ang mga demonyo ay may kamalayan o may nalalaman tungkol sa mga tiyak na tao. Halimbawa, noong ang pitong anak ng isang Hudyo na nagngangalang Eskeva ay tinangka na magpalayas ng isang masamang espiritu, ito’y tumugon sa pagsasabi:
Mga Gawa 19:15-16 …“Kilala ko si Yahushua, at kilala ko si Pablo; ngunit sino kayo?” 16 At sinunggaban sila ng taong sinasapian ng masamang espiritu. Lahat sila ay dinaig niya, anupa’t hubad at sugatan silang tumakas sa bahay na iyon.
Ang salitang kilala sa Griyego ay ginôskô, at ito’y nangangahulugan na dumating sa kaalaman, pagkilala, mahiwatigan, at maunawaan.7 Sa katunayan, ang ESV, NKJV, NIV, at ibang pangunahing pagsasalin ay isinasalin ang berso 15 bilang, “Kilala ko si Yahushua…” Ito’y humahantong sa katanungan, anong eksaktong nalalaman nila? Sino ang pinaniniwalaan ng mga demonyo na si Yahushua?
Sinabi sa atin na kung kailan may nakatagpong mga demonyo si Yahushua, sila’y tutukuyin siya bilang Anak ni Yahuwah.
|
Sino ang pinaniniwalaan ng mga demonyo na si Yahushua? Sa pangkalahatan, sinabi sa atin na kung kailan may nakatagpong mga demonyo si Yahushua, sila’y tutukuyin siya bilang Anak ni Diyos [na si Yahuwah]:
Marcos 3:7-8, 11-12 Umalis si Yahushua at ang kanyang mga alagad at nagtungo sa lawa. Sumunod sa kanila ang napakaraming tao mula sa Galilea. 8 Nang mabalitaan ang lahat ng ginagawa niya, nagdatingan ang napakaraming tao mula sa Hudea, Jerusalem, Idumea, sa kabilang ibayo ng Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon…11 At tuwing makikita siya ng maruruming espiritu, nagpapatirapa ang mga ito sa kanyang harapan at sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” 12 Ngunit mahigpit silang pinagbawalan ni Yahushua na sabihin kung sino siya.
Ilan ay ipinapaliwanag ang Anak ng Diyos na katumbas ng Diyos Anak. Gayunman, ang huling titulo ay hindi kailanman ginamit sa Kasulatan. Salungat rito, ang Anak ng Diyos, kapag ginamit kay Yahushua, ay naunawaan na isang titulo na kasing-kahulugan ng Kristo o Mesias, iyon ay, ang ipinangakong hari ng Israel:
Mateo 16:16 Sumagot si Simon Pedro, “Ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buháy.”
Mateo 26:63 Subalit hindi nagsalita si Yahushua. Sinabi ng Kataas-taasang Pari sa kanya, “Manumpa ka sa harapan ng Diyos na buháy, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Kristo, ang Anak ng Diyos.”
Juan 1:49 Sinagot siya ni Nathanael at sinabi, “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang hari ng Israel!”
Habang ang ilan ay ginamit ang titulong Anak ng Diyos upang mangahulugan sa pagkadiyos ni Yahushua, wala sa Hudaismo o Paganismo ng panahon ni Yahushua ang nakaunawa ng titulo sa paraang ito.
|
Ipinapaliwanag ni Propesor Douglas McCready na iyong mga nasa unang siglo ay hindi nauunawaan ang titulong Anak ng Diyos upang mangahulugan na si Yahushua ay Diyos:
“Habang ang ilan ay ginamit ang titulong Anak ng Diyos upang mangahulugan sa pagkadiyos ni [Yahushua], wala sa Hudaismo o Paganismo ng panahon ni [Yahushua] ang nakaunawa ng titulo sa paraang ito. Ganon din ang maagang simbahan.”8
Ipinapaliwanag rin ng Harper Collins Bible Dictionary ang kahulugan ng Anak ng Diyos sa maagang Kristyanismo:
Ang paggamit ng salitang “itinalaga” [tungkol sa Anak ng Diyos] sa Roma 1:4 ay nagpapahiwatig na sa yugtong ito ng kasaysayan ng Kristyanong kaisipan, ang titulong Anak ng Diyos ay nangahulugan ng isang opisina o pamamahala sa kasaysayan ng kaligtasan sa halip na isang metapisikal na kwalidad gaya sa huling dogmatiko. Ang paggamit nito ay alinsunod sa kaisipan ng mga Hudyo sa Lumang Tipan.9
Dahil dito, ang mga maruruming espiritu ay naunawaan si Yahushua na ang ipinangakong Mesias. Ngunit ano naman ang tungkol sa kalikasan ni Yahushua? Bilang bahagi ng espiritwal na pamunuan, ang mga bumagsak na anghel na ito10 na naghimagsik laban kay Yahuwah ay malalaman kung sino ba ay ang ikalawang kasapi ng isang inakalang Trinidad o hindi. Natukoy ba nila si Yahushua na si Yahuwah? Ang pinakamahusay na paraan upang sagutin ang katanungang ito ay siyasatin ang kanila mismong mga salita.
Noong si Yahushua ay dumating sa lupain ng mga Geraseno,11 nakatagpo niya ang isang tao na may maruming espiritu na namumuhay sa mga libingan. Ang madulang sagupaan ay naitala sa mga sinoptikong ebanghelyo. Paano ang demonyo, na ang pangalan ay “Lehiyon… sapagkat marami kami,” ay nagsalita kay Yahushua:
Marcos 5:6-9 Malayo pa ay natanaw na niya si Yahushua. Patakbo siyang lumapit at lumuhod sa harap niya. 7 Sumigaw siya nang malakas, “Yahushua, Anak ng Kataas-taasang Diyos, ano’ng kailangan mo sa akin! Alang-alang sa Diyos, huwag mo akong pahirapan!” 8 Sinabi niya ito sapagkat iniutos sa kanya ni Yahushua, “Ikaw na maruming espiritu, lumabas ka sa taong ito!”12
Ipinahayag ng demonyo na si Yahushua ay ang Anak ng Kataas-taasang Diyos. Sa kahulugan, maaari lamang na may isang Kataas-taasang Diyos. Kaya dahil dito, ang Anak ng Kataas-taasang Diyos ay hindi maaaring Kataas-taasang Diyos. Dagdag pa, ang masamang espiritu ay nagmakaawa kay Yahushua alang-alang kay Yahuwah, kaya tinutukoy si Yahuwah bilang isa pa maliban kay Yahushua.
Ang sumusunod na halimbawa ay katulad ng nauna na tiyakan. Noong si Yahushua ay naglakbay patungo sa Capernaum, nagturo siya sa lokal na sinagoga, kung saan ang isang taong sinapian ng demonyo ay kabilang sa mga nagtitipon. Makinig sa anong sinasabi tungkol kay Yahushua:
Nagsasalita ang mga Demonyo: “Ah! Yahushua na taga-Nazaret, ano’ng pakialam mo sa amin? Naparito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka—ang Banal ng Diyos.” (Lucas 4:34)
|
Lucas 4:31-34 Bumaba siya patungong Capernaum na isang bayan ng Galilea. Doon ay nagturo siya sa kanila sa araw ng Sabbath. 32 Namangha sila sa kanyang pagtuturo sapagkat may kapangyarihan ang kanyang mga sinasabi. 33 May isang lalaki sa sinagoga na sinasaniban ng espiritu ng karumal-dumal na demonyo. Sumigaw ito nang malakas, 34 “Ah! Yahushua na taga-Nazaret, ano’ng pakialam mo sa amin? Naparito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka—ang Banal ng Diyos.”13
Ang demonyo sa halip ay ipinahayag nang may diin na kilala niya si Yahushua. Malakas niyang sinigaw na ang taga-Nazaret ay ang Banal ng Diyos. Hindi ang Isang Diyos na banal, kundi ang banal ng Diyos. Ang salitang banal sa Griyego ay hagios, at ito’y nangangahulugang sagrado o banal.14 Binigyang-kahulugan ng Thayer’s Greek Lexicon ang hagios sa siping ito na “ibinukod” para kay Yahuwah “upang maging, parang ganon, na eksklusibong Kanya.”15 Sa ibang salita, si Yahushua ay hindi si Yahuwah, kundi ang isa na itinalaga ni Yahuwah para sa Kanyang mga plano at mga layunin. Tunay nga, si Yahushua ay ang ipinangakong Mesias. Ang demonyo, na isang bahagi sa espiritwal na pamunuan, ay nalalaman na ito ang kaso.
Maaga, nababasa natin sa ebanghelyo ni Marcos na nagbabala si Yahushua sa mga demonyo na huwag ilalabas ang kanyang pagkakakilanlan:
Marcos 3:11-12 At tuwing makikita siya ng maruruming espiritu, nagpapatirapa ang mga ito sa kanyang harapan at sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” 12 Ngunit mahigpit silang pinagbawalan ni Yahushua na sabihin kung sino siya.
Sa kabalalay na talaan16 ni Lucas, mababasa natin:
Lucas 4:40-41 Nang palubog na ang araw, dinala sa kanya ng lahat ang kani-kanilang may mga sari-saring karamdaman. At pagkapatong ng kanyang mga kamay sa bawat isa ay pinagaling sila. 41 Sa marami ay lumayas din ang mga demonyo na pasigaw na nagsasabing, “Ikaw ang Anak ng Diyos.” Ngunit sinaway niya ang mga ito at pinagbawalang magsalita sapagkat kilala nila na siya ang Kristo.
Ang mga demonikong espiritu ay nalalaman si Yahushua na ang Anak ni Yahuwah, iyon ay, ang Kristo. Ang pagtanggi ni Yahushua na pahintulutan silang magsalita ay nagbibigay-diin na sila’y maaari siyang tukuyin nang tama. Ang mga maruruming espiritu ay hindi kailanman tinukoy si Yahushua bilang Diyos, isang ikalawang kasapi ng isang tatluhang Diyos pa kaya, isang doktrina na magtatagal ng dagdag na 350 taon upang ganap na umunlad.
Gayunman, ang ilan ay maggigiit na ang katunayan na si Yahushua ay may awtoridad sa mga demonyo ay nagpapatunay na siya si Yahuwah. Sa anong paraan, si Yahushua, siya mismo ay ipinahayag na ang kanyang abilidad na palayasin ang mga masasamang espiritu ay dahil sa Espiritu ni Yahuwah:
Si Yahushua, siya mismo ay ipinahayag na ang kanyang abilidad na palayasin ang mga masasamang espiritu ay dahil sa Espiritu ni Yahuwah.
|
Mateo 12:22-28 Pagkatapos ay dinala kay Yahushua ang isang lalaking bulag at pipi na sinasaniban ng demonyo. Pinagaling niya ang lalaki kaya’t nakapagsalita at nakakita iyon. 23 Namangha ang lahat ng naroroon at nagtanong, “Ito na nga kaya ang Anak ni David?” 24 Subalit nang ito’y marinig ng mga Pariseo, sinabi nila, “Nakapagpapalayas lamang ng mga demonyo ang taong ito sa pamamagitan ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” 25 Palibhasa’y alam niya ang mga iniisip nila, kanyang [Yahushua] sinabi sa kanila, “Bawat kahariang lumalaban sa kanyang sarili ay babagsak; at walang bayan o sambahayang nagkakahati-hati ang magtatagal. 26 Kung pinapalayas ni Satanas si Satanas, hindi ba’t nilalabanan niya ang kanyang sarili? Kung gayo'y paano tatayo ang kanyang kaharian? 27 At kung nakapagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, kanino namang kapangyarihan napapalayas sila ng inyong mga tagasunod? Kaya’t sila na mismo ang hahatol sa inyo. 28 Ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ay nagpapalayas ako ng mga demonyo, kung gayon, dumating na sa inyo ang kaharian ng Diyos.
Ang madla ay nagtaka kung ang kapangyarihan ni Yahushua sa demonyo ay naghudyat na siya ang pinakahihintay na Anak ni David, iyon ay, ang Mesias. Tiyakan na hindi nila ipinaliwanag ang kapangyarihan ni Yahushua upang mangahulugan na siya ay Diyos. Inilalarawan ni Lucas ang kapangyarihang gumagawa ng himala na ito sa kanyang kabalalay na talaan:
Lucas 11:20 “Ngunit kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ni Yahuwah, dumating na nga sa inyo ang paghahari ni Yahuwah.
Ang kapangyarihan ni Yahushua sa mga demonikong espiritu ay nagresulta mula sa pagbubuhos at awtoridad na ibinigay sa kanya ni Yahuwah.17
Mga Gawa 10:38 “Kung paanong si Yahushua na taga-Nazaret ay binuhusan ni Yahuwah ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan; kung paanong naglibot siya na gumagawa ng mabuti at nagpapagaling ng lahat ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya si Yahuwah.
Si Yahushua ay may awtoridad sa mga demonyo, hindi dahil siya si Yahuwah, kundi dahil si Yahuwah ay kasama niya. Ano pa, si Yahushua, dahil dito, ay itinalaga ang awtoridad na ito upang magpalayas ng mga demonyo sa kanyang mga alagad.18
Nagtatala ang Kasulatan na ang mga demonyo ay naniwala na si Yahushua na ang tao mula sa Nazaret, ang ipinangakong Mesias ng Kataas-taasang Diyos. Sila’y hindi kailanman siya tinukoy bilang isang diyos. Salungat rito, naunawaan nila, gaya ng mga Hudyo, na si Yahuwah ay iisa:
Santiago 2:19 Sumasampalataya kang iisa si Yahuwah? Mabuti! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya at nanginginig pa.
1 Lucas 11:18; Mateo 25:41; Efeso 6:11-12; Pahayag 12:9.
2 Lucas 8:2; 13:11; Mga Gawa 5:16.
3 Lucas 8:27; Marcos 9:22; Mga Gawa 19:15-16.
4 Pahayag 16:14.
5 1 Timoteo 4:1.
6 Mateo 4:24; 8:16; 28; 33; 9:32; 12:22; 15:22; Marcos 1:32; 5:15-18; Lucas 8:36; Mga Gawa 8:7; 10:38.
7 Strong’s Greek and Hebrew Dictionary, #1097.
8 Douglas McCready, He Came Down from Heaven: The Preexistence of Christ and the Christian Faith, (Illinois: InterVarsity Press, 2005), p.56.
9 Harper Collins Bible Dictionary, Paul J. Achtemeier, Editor, 1996 ed., p 1052.
10 Ang terminong mga bumagsak na anghel ay hindi ginamit sa Kasulatan, sa halip, ito’y nagmumula sa mga sipi gaya sa Lucas 10:18 at Pahayag 12:4 at 9, kung saan si Satanas ay pinalayas dahil sa kanyang paghihimagsik, kasama ang ikatlo ng “mga bituin” (mga anghel) na pumanig sa kanya.
11 Ang kaganapan rito ay nasa malapit sa siyudad ng Gergeseno, kaya sa lupain ng mga Geraseno. Ang tao ay tinukoy rin bilang demonyo ng Gadareno na ipinangalan matapos ang pinakamalaking siyudad sa pook, ang Gadara. https://www.biblegateway.com/resources/dictionaries/dict_meaning.php?source=3&wid=S8128
12 Ang talaan ni Lucas ay tinutukoy si Yahushua bilang “Anak ng Kataas-taasang Diyos” habang si Mateo ay tinatawag siya na “Anak ng Diyos.” (Lucas 8:28; Mateo 8:28-29.)
13 Tingnan rin ang Marcos 1:21-25.
14 NASB Greek-Hebrew Dictionary, #40.
15 Thayer’s Greek Lexicon, https://biblehub.com/greek/40.htm
16 Ang Lucas 4:40-41 ay naugnay sa Lucas 6:17-19 at Mark 3:7-12 sa Gospel Parallels (Thomas Nelson, 1967), p. 18-19, 53.
17 Mateo 11:27; 28:18; Juan 13:3-4.
18 Marcos 3:14-15; 9:38; 16:17; Lucas 10:1 at 17-20; Mga Gawa 16:16-18; 19:11-12.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/who-do-demons-believe-Jesus-is/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC