Print

Tirintas (Tzitzit) Ngayon

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

tirintas tzitzit ngayon

Sinabi ng ating Panginoong Yahushua:

Mateo 5:17 (FSV) “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-saysay ang Kautusan o ang sinulat ng mga propeta. Naparito ako hindi upang ipawalang-saysay kundi isakatuparan ang mga ito. 18 “Sapagkat tinitiyak ko sa inyo, lumipas man ang langit at ang lupa, ni isang munting titik o isang kudlit ng Kautusan ay hindi lilipas hanggang sa maisakatuparan ang lahat ng mga bagay. 19 “Kaya’t sinumang sumuway kahit sa pinakamaliit sa mga utos na ito at turuan ang mga tao ng pagsuway ay ituturing na pinakamaliit sa kaharian ng langit. Ngunit sinumang tumutupad at nagtuturo sa mga tao na sundin ang mga ito ay ituturing na dakila sa kaharian ng langit.”

Nalalaman na ang langit at lupa ay hindi pa lumilipas at dahil dito’y marami pang kailangang matupad, dumating ako sa paghatol na dapat tayong tumalima sa kautusang ito sa salita ni Yahuwah:

Mga Bilang 15:37 (ADB) At sinalita ni Yahuwah kay Moises, na sinasabi, 38 “Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila na sila’y gumawa ng mga tirintas sa mga laylayan ng kanilang mga damit sa buong panahon ng kanilang mga lahi, at kanilang patungan ang tirintas ng bawa’t laylayan ng isang panaling bughaw: 39 “At sa inyo’y magiging isang tirintas, upang inyong mamasdan, at inyong maalaala ang lahat ng mga utos ni Yahuwah, at inyong tuparin; at upang huwag kayong sumunod sa inyong sariling puso at sa inyong sariling mga mata, na siya ninyong ipinangaapid: 40 “Upang inyong maalaala at gawin ang lahat ng aking mga utos, at maging banal kayo sa inyong Elohim.”

Ayon sa salita ni Yahuwah, ang layunin para sa tirintas (Hebreo #6734 “Tsitsit” o maramihang “Tsit tsiyot”) ay para sa atin upang tumanaw rito at maalala ang lahat ng mga kautusan ni Yahuwah at gawin ito. Ito ang pangunahing layunin ng mga tirintas.

Ano ang isang tirintas?

Ayon sa Brown-Driver-Briggs Hebrew Lexicon, ito ay:

06734 tsiytsith {tsee-tseeth’} mula sa 06731; TWOT – 1912; n f AV – palawit 3, trangka 1; 4 1) palawit, burlas, trangka

Narito ang isang larawan ng isang tirintas sa isang bughaw na panali.

tirintas

Sa tirintas na ito, mayroong apat na bahagi ng mga kulubong.

Mula sa kanan hanggang sa kaliwa (gayong nababasa ng Hebreo), mayroong sampung kulubong sa unang bahagi na tumutugma sa letrang Hebreo na Yod. Ang ikalawang bahagi ay mayroong limang kulubong na Heh. Ang ikatlong bahagi, anim na kulubong, ay Waw. At ang ikaapat na bahagi ay Heh, muli, ay mayroong limang kulubong.

Ibinibigay sa atin nito ang Tetragrammaton, ang pangalan ni Yahuwah. Hindi ko nalalaman na mahalaga na magkaroon nang tumpakan gaya nito, ngunit gusto ko ito.

Mayroong isang alternatibong pamamaraan ng pagtatali nito upang ipahiwatig ang “613 batas” sa kautusan. Gayunman, ang listahan ng 613 ay pinagsama-sama ni Rambam, isang Hudyong iskolar na namuhay noong ika-12 siglo CE. Si Rambam ang may-akda ng Mishneh Torah, isang kilala at madalas gamiting komentaryo sa Talmud. Matapos siyasatin ang listahan ng 613 batas, mayroon akong mga alalahanin na hindi ito isang tumpak na bilang at naimpluwensyahan ng Talmud.

Sa isa pang Kasulatan na nagsasabi sa atin na magsuot ng mga tirintas, nagpapahiwatig ito na apat na tirintas ang dapat isuot:

Deuteronomio 22:12 (ADB) “Gagawa ka sa iyo ng mga tirintas sa apat na laylayan ng iyong balabal, na ipinangbabalabal mo sa iyo.”

Kadalasan akong nagsusuot ng mga tirintas sa isang tunika na ginawa ng aking asawa o sa isang damit na kapareho sa isang mahabang kamiseta, maliban sa mababang bahagi na may biyak, nagbibigay sa akin ng apat na laylayan. Ang iba ay nakatali ito sa kanilang silo ng sinturon o nakatsapa sa ilalim ng kanilang mga sinturon. Ang iba pa ay itinahi ito sa kanilang mga sinturon.

Sa pagkakaroon ng apat na laylayan na kasuotan ay malamang pinakamahusay, ngunit wala akong duda na nasiyahan si Yahuwah sa isang tapat na pagsisikap upang panatilihin ang Kanyang mga kautusan.

Kailangan pa rin ba natin ng mga paalala?

Marami ang magsasabi na hindi na natin kailangan na magsuot ng mga tirintas buhat nang ang Banal na Espiritu ay nagpapaalala sa atin ng Kanyang mga kautusan. Ang kanilang katuwiran ay nagmumula sa Kasulatang ito:

Juan 14:26 – Subalit ang Kaagapay, ang Banal na Espiritu na isusugo ng Ama sa pangalan ko ay magtuturo sa inyo ng lahat, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng sinabi ko sa inyo.

Habang totoo na ang Banal na Espirtu ay maaaring magpaalala sa atin ng mga kautusan ni Yahuwah at ang Bagong Tipan ay ipinapaliwanag na ang mga kautusan ni Yahuwah ay nakasulat sa ating puso, totoo rin na isa sa mga kautusan ni Yahuwah ay para magsuot ng mga tirintas!

Ang patotoo ay maging ang mga apostol ay nagsulat sa mga kapatid upang ipaalala sa kanila ang iba’t ibang kautusan at tuntunin na matatagpuan sa salita.

Inutos ni Pablo kay Tito na paalalahanan ang iba:

Tito 3:1-2 – Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at maykapangyarihan, maging masunurin, at laging maging handa sa paggawa ng mabuti. 2 Turuan mo rin silang huwag manira ng kapwa, huwag makipag-away, maging mahinahon, at maging magalang sa lahat.

Inutos niya rin kay Timoteo na paalalahanan din ang iba pa:

2 Timoteo 2:13-14 – Kung tayo ma’y hindi nanatiling tapat, Siya’y nananatiling tapat; sapagkat hindi Niya magagawang ikaila ang Kanyang sarili. 14 Ipaalala mo sa kanila ang mga ito, at sa harap ni Yahuwah ay pagbilinan mo sila na umiwas sa pagtatalo tungkol sa kahulugan ng mga salita. Wala itong ibinubungang mabuti at sa halip ay nagpapahamak lamang sa mga nakikinig.

At si Kephas/Pedro ay itinuturing na kapabayaan kung hindi siya nagpaalala sa bayan ni Yahuwah:

2 Pedro 1:10-15 – Kaya nga, mga kapatid, lalo ninyong pagsikapan na patatagin ang pagkatawag at pagkapili sa inyo. Kung gawin ninyo ang mga ito, hindi kayo madarapa. 11 Sa ganitong paraan, buong luwalhati kayong papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Kristo Yahushua. 12 Kaya nga lagi ko kayong pinaaalalahanan tungkol sa mga ito, kahit alam na ninyo ang tungkol dito at matatag na kayo sa mga katotohanang tinanggap ninyo. 13 Katunaya’y iniisip kong lagi kayong paalalahanan hangga’t nabubuhay ako. 14 At alam kong hindi na magtatagal at paaalisin na ako sa katawang ito, gaya ng sinabi sa akin ng ating Panginoong Kristo Yahushua. 15 Kaya’t ginagawa ko ang lahat upang matiyak ko na kahit nasa kabilang buhay na ako ay maalala pa ninyo ang mga bagay na ito.

Sino sa atin ang nais bulyawan ang mga apostol dahil sa pagpapaalala sa ibang tao? Sa katunayan, ang Kasulatan ay puno ng mga tuntunin na malayon na nagdadala ng mga bagay ni Yahuwah sa atin pag-alala. Maging si Yahushua ay sinabi:

Lucas 22:19 – Dumampot siya ng tinapay, at matapos magpasalamat ay pinagputul-putol ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na ibinibigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”

Paano natin nagawang makalimutan si Yahushua kung mayroon tayong Banal na Espiritu? Subalit, inasahan natin na makibahagi sa Kanya bilang isang gawa ng pag-alala. Sinuman ba sa atin ay sasabihin na hindi na natin kailangang gawin kung anong sinabi Niya dahil mayroon na tayong Banal na Espiritu na magpapaalala sa atin tungkol sa Kanya?

Malinaw sa atin na gagawin ang gawang ito upang maalala si Yahushua ang Mesias, ang “nagkatawang-tao ang salita.” Ipalagay na siya ang “nagkatawang-tao ang salita,” at inasahan natin na panatilihin ang tuntuning ito upang maalala si Yahushua. Tatanggihan ba natin ang anumang ibang kautusan na ibinigay upang maalala ang salita ni Yahuwah?

Bukod dito, mas mahalaga ba tayo kaysa sa lahat ng mga hinirang sa “Lumang Tipan”? Subalit nalalaman natin sila’y inutusan na magsuot ng mga tirintas.

Ang presensya ng Espiritu ni Yahuwah sa iyong buhay ay hindi dapat magdulot sa iyo na pabayaan ang anuman sa mga salita ni Yahuwah, kabilang ang kautusan na magsuot ng mga tirintas. Sa halip, ang Espiritu ay nangunguna sa atin na maglakad sa kanyang mga tuntunin at gawin ang mga ito:

Ezekiel 36:27 – At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.

Kaya ang presensya ng Espiritu ni Yahuwah sa ating buhay ay hindi pinababayaan ang mga kautusan upang magsuot ng mga tirintas.

Dagdag pa, kung sinasabi ni Yahuwah na suotin ang mga ito, bakit kailangan pa nating maghanap ng dahilan kung bakit hindi kailangang gawin ito? Marahil si Yahuwah rin ay may ibang mga dahilan.

Hindi ipinaliwanag ni Yahuwah kung bakit hindi Niya nais si Eba na makibahagi sa bunga; inutos Niya lamang sina Adan at Eba na huwag kakainin ito. Inudyukan ng ahas, nangatuwiran sa sarili si Eba kung bakit sinabi ni Yahuwah na huwag kakainin ito at nagpasyang tumungo at suwayin si Yahuwah.

Dapat tayong mag-ingat sa anumang paglingap na dumarating sa ating kaisipan na banayad na nagpapahiwatig, “Sinabi ba ng Elohim?” Malinaw na sinabi ng Elohim. Kailangan lang nating sumunod sa Kanya.

Nagsuot ng mga tirintas si Yahushua

Kung mayroong anumang katanungan na tatalima sa kautusang ito o hindi, kailangan lamang nating tumanaw sa sakdal na halimbawa: si Yahushua ng Mesias. Nalalaman natin na siya ay mayroong kabuuan ng Espiritu ni Yahuwah at kung sinuman ang maaaring umangkin na wala nang kailangang paalala, siya iyon. Kaya nagsuot ba siya ng mga tirintas? Maaari mong balikan ang panahon kung kailan ang isang babae na nagdurugo ay pinagaling sa paghipo sa “lupi” ng kasuotan ni Yahushua:

babae na hinihila ang lupi/tirintas/tzitzit ni Yahushua

Lucas 8:43-44 – Isang babae roon ang labindalawang taon nang dinudugo. Nagugol na niya ang lahat ng kanyang kabuhayan sa manggagamot. Hindi na siya kayang pagalingin ninuman. 44 Lumapit siya sa likuran ni Yahushua at hinipo ang laylayan ng damit nito. Agad tumigil ang kanyang pagdurugo.

Mateo 9:20 – Samantala, may isang babaing labindalawang taon nang pinahihirapan ng pagdurugo, lumapit siya sa likuran ni Yahushua at hinipo ang laylayan ng damit nito.

Ang kaparehong salitang Griyego ay ginamit upang isalin ang “laylayan” o “lupi” sa mga Kasulatan sa ibabaw. Ito ay salita na #2899 sa Strong Concordance:

2899. kraspedon kras’-ped-on ng hindi tiyak na pinagmulan; isang palugid, iyon ay (tiyakan), isang palawit o tirintas: – laylayan, lupi.

Ang Barkley-Newman Greek Dictionary naman ay:

kraspedon, oun n: palawit, lupi, laylayan; tirintas

Binigyang-kahulugan ng Friberg Greek Lexicon:

kraspedon ou to (1) bilang panlabas na hangganan ng isang bagay; ng isang lupi ng kasuotan, laylayan, sulok; (2) sa paggamit ng mga Hudyo, ang tirintas o palawit sa apat na laylayan ng panlabas na kasuotan, isinuot bilang isang paggunita sa pagtalima sa mga kautusan (cf. NU 15.38ff; DT 22.12).

Ang DuTillet, na isang 450 taong gulang na manuskritong Hebreo ng aklat ng Mateo, ay naglalaman ng “Tzitzi” (tirintas) sa siping ito at sa iba pang berso na ating sisiyasatin.

Ang babae na nagdurugo ay pinagaling sa paghipo sa “tirintas” ng kanyang kasuotan. Hindi lamang nagsuot ng tirintas si Yahushua, kundi ginamit ni Yahuwah ito upang magpagaling! Ito’y nagpapahiwatig na ang pagsusuot ng mga tirintas ay mayroong espiritwal na kahalagahan bilang karagdagan sa pagpapaalala sa atin na panatilihin ang Kanyang mga kautusan.

Maaari tayong magtiwala palagi na nalalaman ni Yahuwah kung ano ang Kanyang ginagawa, at hindi na natin kailangang magduda sa karunungan ng anumang bagay na inuutos Niya.

Narito ang isa pang Kasulatan na nagpapakita rin na nagsusuot si Yahushua ng tirintas:

Mateo 14:34-36 – Pagdating nila sa kabilang pampang, dumaong sila sa Genesaret. 35 Nang makilala siya ng mga tao sa lugar na iyon, ipinamalita nila ito sa buong lupain at dinala sa kanya ang lahat ng mga maysakit. 36 Nakiusap sila sa kanya na mahawakan nila kahit ang laylayan (tirintas, #2899) ng kanyang damit. At lahat ng nakahawak nito ay gumaling.

At muli:

Marcos 6:56 – Saanmang nayon, bukid o bayan makarating si Yahushua, dinadala ng mga tao ang kanilang maysakit sa mga pamilihan, at pinapakiusapan siya na ipahawak man lamang sa kanila ang laylayan (tirintas, #2899) ng kanyang damit. At ang lahat ng makahawak nito ay gumaling.

Kaya maaari natin na muling makita na si Yahuwah ay ginamit ang mga tirintas na suot ni Yahushua nang makapangyarihan. Ang mga tao ay nagmamakaawa na mahawakan ang tirintas o laylayan ng kanyang kasuotan kaya sila’y makatatanggap ng paggaling.

Maaari tayong makatiyak na si Yahushua ay mayroong kabuuan ng Espiritu ni Yahuwah. Si Yahushua ay isang halimbawa ng ano ang dapat gawin ng isang taong puno ng Espiritu sa kautusan na magsuot ng mga tirintas: Panatilihin ito!

1 Juan 2:5-6 – Ngunit ang sinumang tumutupad sa salita ng Elohim, magiging ganap ang kanyang pag-ibig kay Yahuwah. Sa pamamagitan nito ay matitiyak natin na tayo ay nasa kanya. 6 Ang sinumang nagsasabing nananatili siya kay Yahuwah ay dapat mamuhay kung paano namuhay si Yahushua.

tzitzit (tirintas)Dapat tayong maglakad kung paanong naglakad si Yahushua, at kung naglakad tayo kung paanong naglakad siya, ipinapakita nito na tayo’y nasa kanya. Kung si Yahushua ay nagsuot ng mga tirintas at nilakaran ang nilakaran niya, tiyak na maaari ding gamitin ni Yahuwah ang ating mga tirintas sa isang makapangyarihang paraan.

Isipin kung ang lahat ng bayan ni Yahuwah ay pananatilihin ang kautusan na magsuot ng mga tirintas. Magagawa nating makilala ang isa’t isa nang agaran. Ang komunidad sa ating paligid ay malalaman na tayo’y magkapatid at tayo’y naglilingkod kay Yahuwah.

Maaari akong magsalita mula sa aking sariling karanasan na ang mga hindi sumasampalatayang Hudyo ay magtatanong kung bakit nagsusuot kami nito dahil marami rin ang nagsusuot ng mga tirintas nang wala ang bughaw na panali sa loob ng kanilang pantalon. Ito’y nagbubukas ng pintuan upang ibahagi sa kanila ang patotoo na si Yahushua ay hindi pinawalang-bisa ang Torah at hindi niya tatanggapin ang paglalarawan ng pangunahing Kristyanismo sa kanya.

Ang ibang tao ay magtatanong kung bakit ako nagsusuot ng mga tirintas, at ito ay nagiging isang pagkakataon upang ibahagi ang patotoo ni Yahushua, ang katunayan na siya’y isinuot ang mga ito, at iyon ay isang paalala sa atin ng mga kautusan ni Yahuwah. Karamihan sa mga tao na mayroong Kristyanong karanasan ay namangha na ito ay nasa Kasulatan!

Maging ang mga pangunahing Kristyano ay naramdaman ang isang pangangailangan para sa ilang uri ng paalala kapag suot nila ang “WWJD (Anong ibig gawin ni ‘Yahushua’?)” na kagamitan.

Maaari nating suotin ang isang bagay na hindi lamang nagpapaalala sa atin ng anumang ginawa ni Yahushua (Pinanatili niya ang bawat isa sa mga kautusan ni Yahuwah), kundi tularan ang isa sa mga bagay na ginawa niya: ang pagsusuot ng mga tirintas!

Dapat bang magsuot ng mga tirintas ang isang babae?

Wala akong nakikitang ebidensya na ang kautusan ay tiyakan sa kasarian. Ang kautusan sa Mga Bilang 15:38 ay para sa “B’nay Yisrael” (karaniwang isinalin bilang “mga anak ng Israel o mga anak na lalaki ng Israel”), na eksaktong parirala na naging unlapi sa marami pang kautusan katulad ng:

Mga kautusan laban sa maruruming karne:

Levitico 11:2-47 “Inyong salitain sa mga anak ni Israel, na inyong sabihin, ‘Ito ang mga bagay na may buhay na inyong makakain sa lahat ng mga hayop na nasa lupa.’”

Ang mga kautusan laban sa sekswal na relasyon:

Levitico 18:2-26 “Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ako si Yahuwah ninyong Elohim.”

Tiyak na ang isang babae ay hindi pinahintulutan sa maruruming karne o sumalang sa sekswal na relasyon.

Kaya wala akong nakikitang Kasulatan na nagpapahiwatig na ang isang babae ay hindi kailangang magsuot ng mga tirintas. Tila sa akin na kung maaari ang mga lalaki ay gumamit ng isang paalala upang panatilihin ang mga kautusan ni Yahuwah, ang mga babae ay naaangkop rin dito.

Huwag maging mapagmataas o nahihiya

Ngayo’y isaalang-alang natin ang Kasulatang ito:

Mateo 23:5 – “Ang lahat ng kanilang ginagawa ay upang ipakita lamang sa mga tao. Pinapalapad nila ang kanilang mga pilakteria, at pinahahaba ang laylayan (tirintas, #2899) ng kanilang mga damit.”

Sa panahon ni Yahushua, ang kalidad ng iyong tirintas ay nagpahiwatig ng isang panlipunang antas. Ngunit tiyak na hindi na ito ang kaso ngayon. Maaari ka pa ngang tumanggap ng pangungutya sa pagsusuot ng mga ito. Subalit hindi dapat tayo mahiya sa paggawa ng mga bagay na nagawa ni Yahushua. Sinabi ni Yahushua:

Lucas 9:26 – “Sapagkat kung ako ay ikahihiya ng sinuman gayundin ang aking mga salita, ikahihiya rin siya ng Anak ng Tao pagdating niya sa kanyang kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel.”

Dahil dito, huwag mahihiya ng paggawa ng mga bagay na ginawa niya. Sa halip, hayaan na ito ay maging isang tanda na pinili mong mamuhay si Yahushua sa iyo, sapagkat ninanais niya na gumawa ng kanyang matuwid na gawa sa bawat isa sa ating lahat.

Pangwakas

Sa panahong ito, ang mga tao ay walang kakulangan ng mga palusot kung bakit kailangan nating hindi sumunod sa Kanyang mga kautusan. Kailangan nating gumawa ng isang paninindigan at ipahayag ang dakilang panawagan ng pamumuhay sa bawat salita na nagmumula sa bibig ni Yahuwah.

Tandaan ang mga salita ni Yahuwah sa aklat ng Malakias, “Sapagkat ako, si Yahuwah, ay hindi nababago.”


Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Tom Martincic.

Binagong larawan ng babaeng hinihila ang lupi ng kasuotan ni Yahushua: https ://1.bp.blogspot.com/-hFDQwTLrMZM/Um56qnq-kyI/AAAAAAAAJDE/VXgU-K0TJbI/s1600/wings_healing.jpg

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC