Print

Walang sala... sa pananalig

Ang pagpasok sa Bagong Jerusalem ay batay sa pagpapanatili ng kautusan ni Yah. Ito'y lumilikha ng problema, dahil ang mga bumagsak na tao ay walang kakayahan ng pagpapanatili ng mismong kautusan upang makamit ang pagpasok sa banal na siyudad. Mabuti na lang, gumawa si Yahuwah ng panustos para sa palaisipang ito.

Madalas itinuro ni Yahushua sa mga talinghaga at isa sa kanyang paboritong paksa ay kung paano makakamit ang pagpasok sa walang hanggang kaharian ni Yahuwah. Isang talinghaga sa partikular ay naglalaman ng mga malalalim na patotoo ay, madalas rin, na nakaliligtaan.

“Ano sa palagay ninyo? May isang taong may dalawang anak. Lumapit siya sa una, at sinabi, ‘Anak, pumunta ka ngayon sa ubasan at magtrabaho.’ Subalit siya'y sumagot at nagsabi, ‘Ayaw ko’; ngunit pagkatapos ay nagbago ang kanyang isip at pumunta rin. Lumapit din siya sa pangalawa, at gayundin ang sinabi. ‘Pupunta po ako’, ang sabi nito, ngunit hindi naman pumunta. Alin sa dalawa ang sumunod sa kagustuhan ng kanyang ama?”

Sinabi nila, “Ang una.”

Sinabi ni Yahushua sa kanila, “Tinitiyak ko sa inyo, ang mga maniningil ng buwis at ang masasamang babae ay nauuna pa sa inyo sa pagpasok sa kaharian ni Yahuwah. Sapagkat dumating sa inyo si Juan upang ipakita ang daan ng katuwiran, gayunma'y hindi kayo naniwala sa kanya; subalit naniwala sa kanya ang mga maniningil ng buwis at ang masasamang babae. At kahit nakita ninyo ito ay hindi pa rin kayo nagbago ng pag-iisip at naniwala sa kanya. (Tingnan ang Mateo 21:28-32.)

ama at dalawang anak

Ang pagsunod ay mahalaga! Ang pagsuway ay isang kasalanan. Sa katunayan, malinaw na ipinahayag ng Kasulatan: “Ang sinumang gumagawa ng kasalanan ay sumusuway din sa Kautusan. Sa katunayan, ang pagsuway sa kautusan ay kasalanan.” (1 Juan 3:4, FSV)

Ilang dekada matapos niyang ikuwento ang talinghaga ng dalawang anak, inulit ni Yahushua ang kahalagahan ng pagsunod sa lahat ng mga kautusan ni Yahuwah, sinabi kay Juan: “Pinagpala ang mga naghuhugas ng kanilang mga damit, upang magkaroon sila ng karapatan sa puno ng buhay at makapasok sa mga pintuan ng lungsod.” (Pahayag 22:14, FSV)

Ang pagsunod sa banal na kautusan ay nagbibigay sa sinuman ng “karapatan sa puno ng buhay,” at pahihintulutang pumasok sa banal na siyudad. Iyon ay hindi legalismo; iyon ay Kasulatan.

Syempre, iyon ay nagpapakita ng tila hindi malulutas na hadlang sa walang hanggang buhay: “Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, kahit isa. Wala ni isang nakauunawa, walang humahanap kay Yahuwah. Lahat sila ay lumihis ng daan, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan; walang gumagawa ng mabuti, wala, kahit isa.” (Tingnan ang Roma 3:10-12.) Malinaw na ipinahayag ni Pablo: “Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ni Yahuwah.” (Tingnan ang Roma 3:23.)

Kung ang pagsunod ay nagpapahintulot na pumasok sa banal na siyudad, at kung wala ang may kakayahan ng pagsunod, sino pa ang maliligtas?

Ang kasagutan, gaya ng iba pang problema, ay simple lang: “Subalit salamat kay Yahuwah! Pinagtatagumpay niya tayo sa pamamagitan ng ating Panginoong Kristo Yahushua.” (Tingnan ang 1 Corinto 15:57.)

Ipinahayag na pagkamatuwid sa pananalig

Ang kabayaran ng kasalanan, sapagkat ipinahayag ni Pablo sa Roma 6:23, ay tiyak na kamatayan. Ngunit, ang kaloob ni Yah ay walang hanggang buhay sa pamamagitan ni Kristo Yahushua, ang ating Panginoon. Sa ibang salita, ang kaligtasan ay isang kaloob. Kabilang dito ay ang pagsunod sa banal na kautusan. Ang mga makasalanan ay walang kakayahan ng pagpapanatili ng kautusan. Iyon ay isang katunayan. Dahil dito, nagbigay si Yahuwah ng isang tao, si Yahushua, na ganap na pinanatili ang banal na kautusan.

Nalalaman ng bawat Kristyano na ang dugo ni Yahushua ay binabalot ang kanyang mga pagkakasala. Ang mga merito ng dugo ng Tagapagligtas ay idinagdag sa mananampalataya at siya ay nakatayo sa harap ni Yah na parang hindi siya nagkasala. Subalit anong hindi nalalaman ng karamihan sa mga Kristyano ay ang pagsunod ni Yahushua ay idinagdag din sa mananampalataya. Ang pagsunod, gaya ng kapatawaran, ay isang kaloob ng kagandahang-loob at tinanggap sa pananalig.

ama at anak

Ipinaliwanag ni Pablo:

Subalit ngayon ay nahayag na ang pagiging matuwid mula kay Yahuwah, at ito ay walang kinalaman sa Kautusan. Pinatunayan ito mismo ng Kautusan at ng Mga Propeta.

Ang pagiging matuwid mula kay Yah ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Yahushua. Ito ay para sa lahat ng mga sumasampalataya yamang sa lahat ay walang pagkakaiba.

Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ni Yah.

Subalit dahil sa kagandahang-loob ni Yah, sila ngayon ay itinuturing na matuwid sa pamamagitan ng pagpapalaya na ginawa ni Kristo Yahushua.

Siya ang inialay ni Yah bilang handog na makapapayapa sa kanyang galit dahil sa kasalanan ng sanlibutan, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa bisa ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sasampalataya sa kanya.

Ginawa niya ito upang patunayan sa kasalukuyang panahon ang kanyang katarungan, na siya'y matuwid at siya ang nagtuturing na matuwid sa may pananampalataya kay Yahushua. (Roma 3:21-26, FSV)

Masunurin sa pananalig

Nalalaman ni Yahuwah na walang bumagsak na tao ang may kakayahan ng pagsunod. Dahil dito, ipinagkaloob Niya si Yahushua “upang ipahayag ang kanyang pagkamatuwid” sa makasalanan. Kapag ang makasalanan ay piniling tanggapin ang kaloob ng kaligtasan sa pananalig sa mga nagbabayad na merito ng dugo ni Kristo, hindi lamang ang kanyang mga kasalanan ay pinatawad, kundi ang buhay ng Tagapagligtas ng ganap na pagsunod ay idinagdag din sa talaan ng mananampalataya. Sa pamamagitan ng pananalig, ang mananampalataya ay nakatayo nang matuwid at masunurin sa harap ni Yah.

Ang pagsunod na ito ay hindi sa pamamagitan ng pansariling pagkamatuwid at pagtanggi sa sarili. Tangi lamang na ang ganap na pagsunod ay katanggap-tanggap kay Yah, at ang antas ng pagsunod ay makukuha lamang sa pamamagitan ng pananalig sa mga merito ni Yahushua.

Ipinaliwanag ni Pablo: “Dahil sa biyaya kayo'y iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; ito'y kaloob ni Yah, hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang walang sinumang makapagmalaki. Sapagkat tayo ang kanyang gawa, na nilikha kay Kristo Yahushua para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Yahuwah noong una pa man upang ating ipamuhay.” (Tingnan ang Efeso 2:8-10.)

Sa loob ng mahabang panahon, nilinlang ni Satanas ang mga Kristyano tungo sa napakahirap na pagsusumikap na panatilihin ang kautusan ni Yah. Ang mga Kristyano ay nagpupunyagi na gawin Ito at iwasan na gawin Iyon at sa huli, ang ganitong pagsunod ay hindi na katanggap-tanggap dahil, hindi lamang ito ganap, kundi ito ay pagsunod sa gawa, hindi sa pananalig.

Lahat ng makakakuha ng pagpasok sa Bagong Jerusalem ay, sa buhay na ito, maglalakad sa mga yapak ni Yahushua. Sila’y magiging masunurin sa banal na kautusan. Gayunman, ang pagsunod na ito ay ang resulta, hindi ang dahilan, ng kanilang kaligtasan. Ito ang “bunga” sa halip na “ugat” ng kaligtasan, at ang lahat ng ito ay sa pananalig.

Hindi posible na walang tigil sa pagkapit sa kasalanan at maligtas. Hindi rin posible, sa ating bumagsak na kalikasan, na panatilihin ang banal na kautusan. Ang parehong kapatawaran at pagsunod ay mga kaloob na ibinigay sa lahat ng tatanggapin ito sa pananalig. Ang kasuotan ng pagkamatuwid ni Kristo ay ibinigay para ibalot sa mananampalataya. Para maging masunurin, pagkatapos, ang mananampalataya ay dapat lamang na 1) magsisi at lumayo sa pagkakasala; at, 2) ilagay ang kanyang pananalig sa nagbabayad na sakripisyo ni Yahushua.

Ang pagsunod sa kautusan ni Yah ay kailangan. Ngunit ang mismong pagsunod na iyon—na imposible na makamit dahil sa ating bumagsak na kalikasan—ay ibinigay bilang kaloob na anak ni Yah. Ito ay ang pagsunod ni Yahushua, isinama sa iyong talaan sa pananalig, na magbibigay sa iyo ng pagpasok sa Bagong Jerusalem at daanan sa puno ng buhay.

paglalakad ng ama at anak