Print

Yahushua Ang Naging Bukal Ng Buhay Na Walang Hanggan

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Isang Pagsisiyasat Ng Juan 11:25 – Ako Ang Muling Pagkabuhay At Ang Buhay

Si Lazaro ay nasa libingan na sa loob ng apat na araw noong si Yahushua patungo sa Betania at nagsalita sa kanyang kapatid na babae, si Marta:

Ibinangon ni Yahushua si Lazaro mula sa kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahuwah.

Juan 11:21-27 Sinabi ni Marta kay Yahushua, “Panginoon, kung narito ka lang, hindi po sana namatay ang aking kapatid. 22 Ngunit ngayon, alam kong anumang hilingin mo kay Yahuwah ay ibibigay niya sa iyo.23 Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Mabubuhay muli ang iyong kapatid.” 24 Sumagot si Marta, “Alam kong mabubuhay siyang muli sa Pagkabuhay, sa huling araw.” 25 Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang mga sumasampalataya sa akin ay mabubuhay kahit na siya ay mamatay, 26 at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba rito?” 27 Sinabi niya kay Yahushua, “Opo, Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah, na siyang dumarating sa sanlibutan.”

Iyong mga pamilyar sa kwento ay nalalaman na sandali matapos ang pag-uusap na ito, ibinangon ni Yahushua si Lazaro mula sa kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahuwah.1 Gayunman, maraming Kristyano ang naniniwala na noong sinabi ni Yahushua kay Marta, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay,” inangkin niya na siya si Yahuwah. Sapagkat sino maliban kay Yahuwah ang maaaring bumuhay sa patay? Pinanindigan pa nila na ang pahayag na ito ay isa sa pitong “ako” na pahayag na naitala sa ebanghelyo ni Juan na nagpapatotoo na si Yahushua ay ang “Ako nga” ng Exodo.2 Ngunit si Yahushua ba ay nagpapahayag na isang diyos? Ating alamin ang anong sinasabi ng Kasulatan tungkol kay Yahushua at walang hanggang buhay.

Ang Buhay Na Walang Hanggan Ay Nagmumula Sa Ama.

Kapag sinisiyasat natin ang Kasulatan, matatagpuan natin na si Yahuwah ang Ama ay ang pinagmumulan ng buhay. Halimbawa, ang Ama ay nagbigay ng buhay sa sangkatauhan:

Malakias 2:10a “Hindi ba iisa lamang ang ating ama? Hindi ba iisang Diyos ang lumalang sa atin?”3

Isaias 64:8 “Ngunit ngayon, O Yahuwah, Ikaw ay aming Ama; kami ang luwad, at Ikaw ang aming magpapalayok; at kaming lahat ay gawa ng Iyong kamay.”

Kapag sinisiyasat natin ang Kasulatan, matatagpuan natin na si Yahuwah ang Ama ay ang pinagmumulan ng buhay.

Binibigyan din ni Pablo si Yahuwah ng kredito bilang Isa na nagbibigay ng buhay sa lahat ng bagay:

Mga Gawa 17:24-25 “Ang Diyos [Yahuwah] na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto ang Panginoon ng langit at ng lupa. Siya’y hindi naninirahan sa mga templong ginawa ng tao. 25 Hindi rin Siya pinaglilingkuran ng mga kamay ng tao na para bang mayroon Siyang kailangan, gayong Siya ang nagbibigay ng buhay, hininga at ng lahat ng bagay sa sangkatauhan.

Tumungo si Pablo sa pagsasabi na si Yahuwah ang Isa na hahatol sa sanlibutan “sa pamamagitan ng lalaking kanyang hinirang” at ibinangon mula sa kamatayan.4 Kaya dahil dito, mula sa konteksto at pahayag ni Pablo sa Galacia 1:1 na si Yahuwah ang Ama ay nagbangon kay Yahushua mula sa kamatayan, nalalaman natin na ang apostol ay tinukoy si Yahuwah ang Ama bilang Tagabigay ng Buhay sa siping ito.5 Tunay nga, sinabi ni Yahushua na nabubuhay siya dahil kay Yahuwah ang Ama:

Juan 6:57 “Kung paanong sinugo ako ng buhay na Ama at nabubuhay ako dahil sa Ama

Hindi lamang ang buhay sa kasalukuyang panahon na ito ang nagmumula sa Ama, kundi ang buhay sa walang hanggang panahon ay nagmumula rin sa Kanya:

Juan 3:16 “Sapagkat ganoon inibig ni Yahuwah ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Pinahiran ng Ama si Yahushua bilang Mesias (kasing-kahulugan na nalalaman bilang Anak ni Yahuwah, Anak ng Tao, at Kristo), kaya itinatalaga siya bilang hari na mamumuno sa walang hanggang kaharian sa ngalan ni Yahuwah.6 Bilang isang bahagi ng kanyang tungkulin sa kaharian, maglilingkod siya bilang itinalagang hukom at pagkakalooban ng walang hanggang buhay na ibinigay ng Ama sa kanya ang lahat:7

Juan 5:25-27 “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, darating ang oras, at ngayon na nga, kung saan maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ni Yahuwah, at ang mga makaririnig ay mabubuhay. 26 Sapagkat kung paanong ang Ama ay may buhay sa kanyang sarili, ipinagkaloob din Niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili, 27 at ibinigay sa kanya ang kapangyarihang humatol, sapagkat siya ang Anak ng Tao.

Kung si Yahushua ay si Yahuwah, aasahan natin na ang kapangyarihan na magbigay ng buhay ay magiging likas na kanya. Gayunman, muling sinasabi ng Kasulatan sa atin na ang awtoridad na ito ay ipinagkaloob sa kanya ni Yahuwah ang Ama:

Juan 17:1-3 Matapos sabihin ni Yahushua ang mga ito, tumingala siya sa langit at sinabi, “Ama, dumating na ang oras, luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang luwalhatiin ka ng Anak, 2 kung paanong binigyan mo siya ng kapangyarihan sa lahat ng tao, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kanya. 3 At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Yahuwah at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.

Sa kaisipan ni Yahushua, walang Trinidad. Mayroon lamang iisang Diyos, at iyon ay ang Ama. Ayon kay Yahushua, ito lamang ang isa at tanging Diyos na nagbigay sa kanya ng kapangyarihan na magkaloob ng buhay na walang hanggan.

Tunay nga, si Yahushua ay isang mapagkakatiwalaang saksi. Sa kaisipan niya, walang Trinidad. Mayroon lamang iisang Diyos, at iyon ay ang Ama. Ayon kay Yahushua, ito lamang ang isa at tanging Diyos na nagbigay sa kanya ng kapangyarihan na magkaloob ng buhay na walang hanggan.

Isinusulat rin ni Pablo na ang walang hanggang buhay ay nagmumula kay Yahuwah sa pamamagitan o kay Yahushua na ang Kristo:

Roma 6:23 Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang walang-bayad na kaloob ni Yahuwah ay buhay na walang hanggan kay Kristo Yahushua na ating Panginoon.

1 Timoteo 6:13 Inuutos ko sa iyo, sa harap ni Yahuwah na nagbibigay ng buhay sa lahat ng bagay, at ni Kristo Yahushua na nagbigay ng mabuting patotoo sa harap ni Poncio Pilato.

Dagdag pa, gumagawa si Pablo ng isang kritikal na paghahambing sa pagitan ni Adan, ang unang tao na nilikha ni Yahuwah, at ni Yahushua, na itinatalaga niya bilang huling Adan:

1 Corinto 15:45 Gaya ng nasusulat, “Ang unang taong si Adan ay naging buháy na nilalang.” Ang huling Adan ay naging espiritung nagbibigay-buhay.

Upang maging isang bagay ay nangangahulugan na, sa isang panahon, hindi ikaw ang anong naging ikaw sa huli. Halimbawa, nagsusulat si Pablo na si Adan ay hindi nabubuhay, ngunit hininga ni Yahuwah sa kanya ang hininga ng buhay, at si Adan ay naging isang nabubuhay na kaluluwa. Sa kaparehong paraan, si Yahushua ay hindi isang espiritung nagbibigay ng buhay, ngunit matapos siyang bumangon mula sa kamatayan, siya ay naging isa na nagbubukas ng daloy ng ilog ng tubig ng buhay:

Juan 7:37-39 Sa huli at natatanging araw ng pista, tumayo si Yahushua at sumigaw. Sinabi niya, “Lumapit sa akin ang sinumang nauuhaw at uminom. 38 Ang sumasampalataya sa akin, tulad ng sinabi ng kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang ilog ng tubig ng buhay.’39 Sinabi niya ito tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Hindi pa naibibigay ang Espiritu, sapagkat hindi pa naluluwalhati si Yahushua.

Ang may-akda ng Hebreo ay umaalingawngaw sa mga kaparehong kaisipan na ito. Si Yahushua ay naging bukal ng walang hanggang kaligtasan matapos siyang ginawang ganap:

Hebreo 5:9-10 Nang siya ay naging ganap, siya [si Yahushua] ang pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng mga sumusunod sa kanya; 10 yamang siya’y itinalaga ni Yahuwah bilang Kataas-taasang Pari ayon sa pagkapari ni Melquizedek.

Si Yahushua Ay Naging Bukal Ng Walang Hanggang Kaligtasan.

Si Yahushua ay hindi ang pinagmulan ng imortalidad. Subalit matapos siyang ibangon ni Yahuwah mula sa kamatayan at ibinigay sa kanya ang kapangyarihan, siya ay naging kung paano ang walang hanggang buhay ay ipinagkaloob. Kung si Yahushua ay si Yahuwah, walang saysay na sabihin na siya ay naging pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan dahil si Yahuwah ay likas na tagabigay ng buhay at imortalidad. Ngunit ganap na may saysay na sabihin na si Yahushua, ang taong Mesias ay itinaas sa kanang kamay ni Yahuwah dahil sa kanyang pagtalima hanggang kamatayan,8 ay pinagkalooban ng kapangyarihan upang maging bukal ng buhay na walang hanggan. Kung tutuusin, sinabi ni Yahushua na kalooban ni Yahuwah ang Ama na ang imortalidad ay darating sa pamamagitan ng Anak:

Si Yahushua ay hindi ang pinagmulan ng imortalidad. Subalit matapos siyang ibangon ni Yahuwah mula sa kamatayan at ibinigay sa kanya ang kapangyarihan, siya ay naging kung paano ang walang hanggang buhay ay ipinagkaloob.

Juan 6:40 “Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawat tumitingin sa Anak at sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw.”

Kung si Yahushua ay si Yahuwah, aasahan natin siya na sabihin na ang kaligtasan ng sangkatauhan ay ang kanyang ideya o kanyang kalooban o kapwa-binuo ang plano kasama ang ibang kasapi ng Trinidad. Gayunman, si Yahuwah ang Ama ay ang Isa na binigyan ng kredito sa kahanga-hangang plano ng pagtutubos,9 at hindi si Yahushua, hindi ang Espiritu Santo, o ang Trinidad.

Ang katunay na ang buhay na walang hanggan ay hindi ang kalooban ni Yahushua, hindi rin niya plano ay sinalungguhitan ng katunayan na si Yahushua ay hindi dumating maging sa kanyang pagkukusa subalit siya isinugo ni Yahuwah:

Juan 7:28 Kaya sumigaw si Yahushua habang nagtuturo sa templo, “Kilala ba talaga ninyo ako at alam ninyo kung saan ako galing? Hindi ako naparito para sa sarili ko lamang. Ang nagsugo sa akin ay tapat, at siya ang hindi ninyo nakikilala.

Juan 8:42 Sinabi ni Yahushua sa kanila, “Kung si Yahuwah ang inyong Ama, mamahalin sana ninyo ako dahil ako ay galing kay Yahuwah at naparito. Hindi ako naparito dahil sa aking sariling kagustuhan, dahil isinugo Niya ako.

Muli, walang saysay kung si Yahushua ay si Yahuwah buhat noon, bilang Yahuwah, kukunin Niya ang pagkukusa na iligtas ang sangkatauhan. Ngunit kung si Yahushua ay ang taong ahente ni Yahuwah, ito’y gumagawa ng ganap na Biblikal na saysay. Katulad nito, nalalaman natin na bagama’t si Yahushua ay nagturo tungkol sa walang hanggang buhay sa paparating na kaharian, ang mensahe ay hindi sa sarili niya, sa halip, ito’y nagmula kay Yahuwah ang Ama:

Juan 12:50 “At alam kong ang Kanyang utos ay buhay na walang hanggan. Kaya, ang sinasabi ko ay sinabi sa akin ng Ama.”

Ang Pangako Ay Para Sa Lahat Ng Sumasampalataya Na Si Yahushua Ay Ang Kristo.

Ang kapansin-pansin na pangako ng buhay na walang hanggan na ginawa ni Yahushua kay Marta ay umaabot sa lahat ng nananalig sa kanya:

Ang kapansin-pansin na pangako ng buhay na walang hanggan na ginawa ni Yahushua kay Marta ay umaabot sa lahat ng nananalig sa kanya.

Juan 11:25-26 Sinabi ni Yahushua sa kanya [Marta], “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang mga sumasampalataya sa akin ay mabubuhay kahit na siya ay mamatay, 26 at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba rito?”

Subalit ano ang dapat paniwalaan ng isa tungkol kay Yahushua para matanggap ang walang hanggang buhay? Dapat bang maniwala tayo na siya ang nagkatawang-tao na Diyos upang matanggap ang imortalidad? Hindi ayon sa Kasulatan. Noong tinanong ni Yahushua si Marta kung naniniwala siya sa kanya, ipinapahayag niya na naniniwala siya na si Yahushua ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah, hindi siya si Yahuwah:

Juan 11:27 Sinabi niya kay Yahushua, “Opo, Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah, na siyang dumarating sa sanlibutan.”

Bilang karagdagan, kinilala ni Pedro na ang mensahe ni Yahushua ay isa ng walang hanggang buhay ngunit malinaw na tinukoy siya na hindi si Yahuwah kundi ang Banal ni Yahuwah:

Juan 6:68-69 Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salita ng buhay na walang hanggan, 69 at sumasampalataya kami, at nakatitiyak kami na kayo nga ang Banal ni Yahuwah.”

Ang pahayag ni Pedro ay ganap na nagkakasundo sa pahayag na natanggap niya nang maaga mula kay Yahuwah ang Ama.10 Noong tinanong ni Yahushua sa kanyang mga alagad, “Subalit ano ang sinasabi ninyo kung sino ako?” Ipinahayag ni Pedro na siya ang Kristo, o itinatala ni Lucas, “Ikaw ang Kristo ng Yahuwah,” hindi si Yahuwah ang Kristo.11 Dagdag pa, ang apostol na si Juan ay malinaw na ipinapahayag ang layunin kung saan isinulat niya ang kanyang mabuting balita ay para maaari nating makilala na mayroong buhay para sa mga naniniwala na si Yahushua ay ang Kristo. Hindi, gaya ng angkin ng ilan, na maaari nating makilala na siya si Yahuwah:

Kapag tayo’y naniniwala na si Yahushua ay ang Kristo na tanging isinugo ng tunay na Diyos upang tubusin ang sangkatauhan, tayo, sa bisa, ay nananalig sa patotoo ni Yahuwah mismo.

Juan 20:31 Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Yahushua ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah, at sa inyong pagsampalataya, kayo ay magkaroon ng buhay sa pamamagitan ng kanyang pangalan.12

Kapag tayo’y naniniwala na si Yahushua ay ang Kristo na tanging isinugo ng tunay na Diyos upang tubusin ang sangkatauhan, tayo, sa bisa, ay nananalig sa patotoo ni Yahuwah mismo. At ang paniniwalang ito kay Yahuwah at sa isa na isinugo Niya ay anong nagdudulot sa walang hanggang buhay:

Juan 5:24 “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig sa salita ko at sumasampalataya sa kanya na nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan; hindi na siya daranas ng paghatol, sapagkat nailipat na siya mula sa kamatayan patungo sa buhay.”

Pinakatiyakan, si Yahuwah ang Ama ay ang pinagmulan ng buhay na walang hanggan, at Siya ay tinukoy na dapat tayong tumungo sa pamamagitan ng Kanyang Anak upang makamit ito:

1 Juan 6:11-12 At ito ang patotoo: binigyan tayo ni Yahuwah ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa Kanyang Anak. 12 Ang sinumang kinaroroonan ng Anak ay may buhay; ang sinumang hindi kinaroroonan ng Anak ni Yahuwah ay walang buhay.

Si Yahushua ay ang muling pagkabuhay at ang buhay dahil si Yahuwah ang Ama ay itinalaga siya sa papel na iyon.


1 Juan 11:22, 41-44; Mga Gawa 2:22; 10:38

2 Exodo 3:13-14

3 Genesis 2:7

4 Mga Gawa 17:31; Galacia 1:1

5 Patuloy na tinutukoy ni Pablo si Yahuwah bilang ang Ama: Roma 1:17, 15:6; 1 Corinto 1:3: 8:6; 2 Corinto 1:2-3; Galacia 1:1, 3-4; Efeso 1:2-3, 17, 4:6, 5:20, 6:23, atbp.

6 Lucas 1:31-33; 22:29; Efeso 1:19-23; 1 Corinto 15:24-28; Mikas 5:2

7 Juan 17:2

8 Filipos 2:8-11; Efeso 1:19-23

9 Mga Gawa 2:22-24; 4:24-28

10 Mateo 16:13-17

11 Lucas 9:20

12 Tingnan rin ang 1 Juan 5:13


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/Jesus-became-the-source-of-eternal-life/

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC