Print

Yahushua: Ating Kataas-taasang Pari

Ang sukdulang karunungan at walang hanggang pag-ibig ni Yahuwah ay nagbalangkas ng isang plano kung saan ang makasalanan, bumagsak na tao ay maaaring bumalik sa banal na pabor. Ang planong ito ay yumakap nang mas higit pa sa legal na pagtubos ng sangkatauhan mula sa kontrol ni Satanas. Ito'y nanawagan para sa pagpapanumbalik ng banal na katangian sa loob ng kaluluwa ng tao. Sa pag-asang ito, ang ganap na pagpapanumbalik sa banal na larawan, ay tinukoy ni Pablo. At ito ang gawa ni Yahushua kung saan Siya’y gumagawa.

Para ituro ang mga kasalimuutan ng plano ng kaligtasan, inutos ni Yahuwah kay Moises na magtayo ng isang tolda kung saan ang mga paglilingkod at ang mismong pagtayo nito ay magtuturo sa sangkatauhan ng mga patotoo ng kaligtasan. “Ipagpagawa mo ako ng santuwaryo na titirhan kong kasama nila.” (Exodo 25:8, MBB) Ang diin ng mga banal na paglilingkod na ito ay ang taunang seremonya na siniyasat sa Araw ng Pagbabayad-sisi (Pagtubos).

Ito ay ang pinakataimtim na araw ng buong taon. Ito ay isang araw ng takot at katal . . . gayon din bilang napakadakilang espiritwal na pagpapala. Ito’y pinangunahan ng malalim at taos-pusong paghahanap ng kaluluwa at panalangin ng pagsisisi para sa kasalanan. Ito ay sa Araw ng Pagbabayad-sisi kaya iyong mga kasalanan na pinatawad ay tinanggal na – pareho sa mga aklat ng talaan sa Langit gayon din sa katangian ng indibidwal.

Ang dakilang kaloob na ito, tinanggap sa pananampalataya, ay pinahintulutan ang mga tao na magsimula sa isang malinis na talaan sa bawat taon. Iyong mga inilipat ang kanilang mga kasalanan sa santuwaryo maaga nang panahon, sa pamamagitan ng pag-amin at pagsisisi, ay maaaring maangkin sa pananampalataya ang bagong puso. Ito ang gawa, ang espesyal na gawa ng paglilinis, ginawa sa Araw ng Pagbabayad-sisi at ito’y makukuha ngayon ng lahat, gaya ng sinaunang Israel, ay makikisama sa gawa ng paghahanap ng kaluluwa at pagsisisi.

Sa panahon ng pang-araw-araw na paglilingkod ng tolda, ang mga kasalanan ng nagsisi ay legal na inilipat sa santuwaryo sa pamamagitan ng dugo ng mga hayop: kordero, kambing at baka. Ang dugo ay dinala sa Pinakabanal na Lugar at ang nagsisising makasalanan ay itinuring na pinatawad na, bagama’t ang talaan ng kanyang kasalanan ay nananatii. Sa Araw ng Pagbabayad-sisi, ang Kataas-taasang Pari ay tutungo sa Pinakabanal na Lugar ng tolda. Siya’y tutungo lamang nang isang beses sa isang taon ngunit sa paglilingkod na ito na nagpakita ng pag-aalis ng kasalanan ay makukuha.

Pagkatapos . . . ang mga pari ay patuloy na pumapasok sa unang silid upang gampanan ang kanilang banal na tungkulin.

Ngunit ang Kataas-taasang Pari lamang ang pumapasok sa ikalawang silid, at ito'y minsan lamang sa isang taon. Hindi niya kinaliligtaang magdala ng dugo bilang handog para sa kanyang kasalanan at sa mga kasalanang di-sinasadyang nagawa ng taong-bayan. Sa pamamagitan nito, itinuturo ng Banal na Espiritu na ang daan patungo sa Dakong Kabanal-banalan ay hindi pa naihahayag, habang nakatayo pa ang unang tabernakulo. (Hebreo 9:6-8, FSV)

Ang makalupang tolda ay ibinigay upang ituro ang mga legal na transaksyong ginagawa sa Makalangit na santuwaryo para iligtas ang mga makasalanan. Ang mga paglilingkod ng makalupang tolda ay ginawa sa dugo ng mga kordero. Ang mga paglilingkod ng Makalangit ay ginawa sa dugo mismo ni Yahushua, ang “Kordero ni Yahuwah na siyang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.” (Tingnan ang Juan 1:29.) Ang makalupang santuwaryo ay simboliko ng ano ang ibig gawin sa Makalangit matapos ang kamatayan ni Yahushua.

Sumasagisag ito [ang makalupang santuwaryo] sa kasalukuyang panahon, na nagpapakita na ang mga kaloob at ang mga alay na ihinahandog ay hindi makapaglilinis sa budhi ng sumasamba. Ang mga ito ay tungkol lamang sa mga pagkain at mga inumin at iba't ibang uri ng seremonya ng paglilinis, mga alituntunin tungkol sa katawan na ipinatutupad hanggang dumating ang panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay. (Hebreo 9:9, 10, FSV)

Ang dugo ng mga hayop, sa katunayan, ay hindi naglilinis ng sinuman mula sa kasalanan. Walang kapangyarihan ang mga ito. Ang mga ito’y simbulo na pasulong na pinupunto ang sukdulang sakripisyo para sa kasalanan: si Yahushua.

Ang Kautusan ay nagtataglay ng anino lamang ng mabubuting bagay na darating at hindi ng totoong anyo ng mga iyon. Kaya, kailanman ay hindi kaya ng kautusan na gawing ganap ang mga lumalapit sa pamamagitan ng mga alay na laging ihinahandog taun-taon. Kung hindi gayon, sana ay tinigil na ang paghahandog ng mga iyon, kung ang mga sumasamba na nalinis nang minsan ay wala nang kamalayan sa kanilang kasalanan. Ngunit ang mga handog na iyon ay taun-taong nagsisilbing paalala ng mga kasalanan. Sapagkat hindi kayang pawiin ng dugo ng mga toro at ng mga kambing ang mga kasalanan. (Hebreo 10:1-4, FSV)

Tanging ang dugo ni Yahushua ay ang maaaring maglinis mula sa kasalanan. Iyong mga dumating sa makalupang santuwaryo na sinanay ang pananampalataya kaya kung kailan ang Tagapagligtas ay darating, pagkatapos ang panghuling kapatawaran, paglilinis at pagpapanumbalik ay maaaring maganap.

Ngunit nang dumating si Kristo bilang Kataas-taasang Pari ng mabubuting bagay na dumating na, pumasok siya sa mas dakila at mas sakdal na tabernakulo na hindi gawa ng mga kamay ng tao, samakatuwid ay hindi bahagi ng sangnilikhang ito. Minsan lamang siya pumasok sa Dakong Kabanal-banalan, at ang bisa nito'y magpakailanman. Sa kanyang pagpasok, hindi dugo ng mga kambing at ng mga toro ang kanyang ihinandog, kundi ang kanyang sariling dugo, at dahil dito ay nakamit natin ang walang hangang katubusan.

Sapagkat kung nakapaglilinis ng pagkatao ang dugo ng mga kambing at ng mga toro, kasama ang abo ng dumalagang baka, kung ang mga ito ay iwiniwisik sa mga taong itinuturing na marumi upang sila’y gawing malinis, higit ang nagagawa ng dugo ni Kristo [Yahushua]! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay walang dungis na ihinandog niya ang kanyang sarili [kay Yahuwah], upang linisin ang ating mga budhi mula sa mga gawang patay upang tayo'y maglingkod sa [El] na buhay.

At dahil dito, si Kristo ang Tagapamagitan ng isang bagong tipan. Dahil sa kanyang kamatayan na tumutubos sa mga tao mula sa mga paglabag na nagawa nila noong sila'y nasa ilalim pa ng unang tipan, ang mga tinawag ay tatanggap ng ipinangakong pamanang walang hanggan. (Hebreo 9:11-15, FSV)

Kung ang dugo ng mga hayop ay tinanggap para maglinis ng mga kasalanan ng bayan sa pananalig, gaano pa mas katanggap-tanggap ang dugo ng Anak ni Yah para magpatawad at maglinis ng bayan?

“Itinatakda ng Kautusan na halos lahat ng bagay ay dapat linisin sa pamamagitan ng dugo, at kung walang pagdanak ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan.” (Hebreo 9:22) Sapagkat ang dugo ni Yahushua ay dinanak, wala nang kaparusahan sa mga tao, sa pamamagitan ng pananampalataya, pinagsisihan ang kanilang mga kasalanan at tinanggap ang Kanyang kapatawaran at paglilinis.

Ngayon nga ay wala nang kahatulan sa kanila na kay Kristo Yahushua. Sila ang mga lumalakad na hindi ayon sa makalamang kalikasan kundi ayon sa Espiritu. (Tingnan ang Roma 8:1.)

Matapos si Yahushua, ang Kordero ni Yah, ay namatay para sa mga kasalanan ng sanlibutan, Siya ay bumalik sa Makalangit na Santuwaryo. Dito sa Makalangit na Santuwaryo na ito Siya papasok para gumawa ng pagtubos para sa iyo at para sa lahat ng mga makasalanan na maghahangad sa Kanya. Anumang nagawa para sa mga mananampalataya sa pananalig sa paparating na Tagapagligtas, ngayon ay maaaring matupad sa katunayan.

Kaya't kailangan na ang mga larawan ng mga bagay na panlangit ay linisin sa pamamagitan ng ganitong mga alay. Ngunit ang mga bagay sa kalangitan ay dapat linisin sa pamamagitan ng mga handog na mas mabuti kaysa mga ito. Sapagkat si Kristo Yahushua ay mismong sa langit pumasok at hindi sa santuwaryong gawa ng mga kamay ng tao, na larawan lamang ng mga tunay na bagay. Ngayo'y nasa harap siya ng [El] upang dumulog para sa atin. Naroon Siya hindi upang ihandog ng maraming ulit ang Kanyang sarili, hindi tulad ng Kataas-taasang Pari ng mga Hudyo na pumapasok sa Dakong Kabanal-banalan taun-taon at may dalang dugo na hindi naman sa Kanya. Sapagkat kung ihahandog niya ang kanyang sarili taun-taon, kailangan siyang paulit-ulit na maghirap mula pa nang lalangin ang sanlibutan. Subalit ngayon, minsanan siyang nagpakita sa pagtatapos ng panahon upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang sarili. (Hebreo 9:23-26, FSV)

Ang kamatayan ni Yahushua sa krus ay isang beses lamang na kamatayan. Hindi na muling kailangan na Siya ay mamatay pang muli, ang sakdal na Kordero, ay minsang inalay para sa pagsalangsang ng marami. Ngayo’y kapatawaran, ganap at malaya, ang ibibigay sa lahat ng lalapit sa Kanya, sa pananampalataya, pagtanggap sa kaloob, binili sa napakataas na halaga, subalit libre at mabait na inaalok. “Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at makatarungan na magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa atin mula sa lahat ng kasamaan.” (1 Juan 1:9, FSV)

Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom. Gayundin naman, minsanang ihinandog si Kristo [Yahushua] upang pasanin ang kasalanan ng marami. Magpapakita siya sa ikalawang pagkakataon, hindi na upang pasanin ang kasalanan, kundi upang iligtas ang mga sabik na naghihintay sa kanya. (Hebreo 9:27-28, FSV)

Ipinapakita ng Kasulatan si Yahushua habang nakatayo sa presensya ni Yahuwah, magpa-hanggang ngayon ay inaalay ang Kanyang dugo bilang katubusan para sa iyong mga kasalanan. Siya ay naghihintay, nang may pusong sabik, para linisin at ibalik ang lahat ng darating sa Kanya sa pananampalataya. Ang makalupang santuwaryo ay pasulong na ipinunto kung ano ang KASALUKUYANG makukuha at ang tanging hinihintay ay ang iyong pagtanggap nito sa pananampalataya.

Araw-araw na ginagampanan ng pari ang paglilingkod, paulit-ulit na nag-aalay ng ganoon ding mga handog na hindi naman kailanman nakapapawi ng mga kasalanan. Ngunit minsan lamang naghandog si Kristo ng iisang alay na panghabang-panahon para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Pagkatapos nito'y umupo Siya sa kanan ng [El]. Mula nang panahon na iyon ay naghihintay Siya hanggang ang Kanyang mga kaaway ay maipailalim sa Kanyang mga paa. Sapagkat sa pamamagitan ng isang alay [Kanyang kamatayan] ay Kanyang ginawang sakdal magpakailanman ang mga ginagawang banal.

Ang Banal na Espiritu ay nagpapatotoo rin sa atin tungkol dito. Una ay sinabi Niya, “Ito ang pakikipagtipan na gagawin ko sa kanila, pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi [ni Yahuwah]; ilalagay ko ang aking mga tuntunin sa kanilang mga puso, itatanim ko ang mga iyon sa kanilang pag-iisip,” pagkatapos ay sinabi rin Niya, “Ang kanilang mga kasalanan at mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.” Dahil mayroon nang kapatawaran sa mga kasalanan, hindi na kailangang mag-alay pa para sa mga ito. (Hebrews 10:11-18, FSV)

Kapag si Yahushua ay dumating mula sa mga ulap ng Langit, ang paghuhukom ay tapos na. Napagpasyahan na kung sino ang ipinahayag na pinatawad at kung sino ang mananatiling makasalanan magpakailanman. Isa sa mga huling pahayag ni Yahushua na naitala sa Kasulatan ay ginawa itong malinaw: ““Tingnan mo, ako'y malapit nang dumating; dala ko ang aking gantimpala, upang gantimpalaan ang bawat isa ayon sa kanyang ginawa.” (Pahayag 22:12, FSV)

Para sa Tagapagligtas na ihatid ang Kanyang gantimpala kasama Siya, ito’y sinusundan na tinukoy na ang tatanggap ng gantimpala: iyong mga magkakaroon ng walang hanggang buhay, at iyong mga lalamunin sa lawa ng apoy kasama ang diyablo at kanyang mga anghel.

Ngayon, habang ang awa ay patuloy pang nananatili, panahon nang gumawa ng iyong panawagan at tiyak na paghalal. Hanapin ang iyong puso, aminin ang iyong mga kamalian at magsisi. Makiusap kay Yahuwah sa panalangin: “Siyasatin mo ako, Oh [El], at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip: At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.” (Awit 139:23, 24, ADB)

Ang huling henerasyon ay binubuo ng mga tinawagang lumabas sa Babilonya. Sila’y tinawagang lumabas sa mga bumagsak na simbahan; sila’y tinawagang lumabas sa tradisyon, kamalian, kasalanan at pagtalikod. At, habang sila’y tumugon sa panawagan na lisanin ang Babilonya at bumalik sa pagtalima sa kanilang Manlilikha, isang kahanga-hangang pagbabago ang gagawin: sila’y bibiyayaan ng paglilinis, ganap at kumpleto. Sila’y binigyan ng bagong puso at bagong diwa. Sila’y binalik sa larawan ng banal.

“Sapagka't aking kukunin kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain.

“At ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo.

“Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman.

“At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa . . . at kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong [Elohim]. At lilinisin ko kayo sa lahat ninyong karumihan.” (Ezekiel 36:24-29, FSV)

Ito ang kung ano ang iyong Tagapagligtas ay naghihintay na gawin para sa iyo. Nais Niya na ibigay sa iyo ang isang malinis na puso, at isang tamang diwa. Nais Niya na ibalik sa iyo ang banal na larawan ni Yahuwah.

Tanggapin ang mapagmahal na imbitasyon ngayon. Magsisi. Maging malinis. At ikaw ay tatanggapin ng mga Minamahal.