Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Noong unang siglo sa Roma, ang isang senturyon ay isang militar na opisyal na namumuno ng isang senturya, ang pinakamaliit na yunit ng mga kawal sa loob ng isang lehiyon. Ang bawat senturyon ay niranggo at itinalaga sa iba’t ibang antas ng kapangyarihan at responsibilidad, ang unang antas na senturyon ng unang antas ng pangkat ay tinawag na primus pilus o unang sibat. Ang sentuyon ay sinabi na nasa kalagitnaan ng pangmilitar na herarkiya ng Roma, na may mga tao na niranggo sa kapangyarihan sa parehong itaas at ibaba niya.
Nang marinig ito ni Yahushua, namangha siya at sinabi niya sa mga sumunod sa kanya, “Totoong sinasabi ko sa inyo, kaninuman sa Israel ay hindi ko nakita ang ganito kalaking pananampalataya.
|
Makikita natin ang herarkiyang ito na tinukoy sa isang palitan ng komunikasyon sa pagitan ni Yahushua at isang hindi pinangalanang senturyon mula sa Capernaum na ang lingkod ay may sakit:
Mateo 8:5-10 Nang pumasok si Yahushua sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang senturyon. Nakiusap ito sa kanya, 6 na nagsasabi, “Panginoon, ang aking lingkod ay nakaratay sa bahay, paralisado at hirap na hirap sa kanyang karamdaman.” 7 Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Pupunta ako roon at pagagalingin ko siya.” 8 Ngunit sumagot ang senturyon, “Panginoon, hindi po ako karapat-dapat na papuntahin kayo sa ilalim ng aking bubungan. Sapat na pong bumigkas kayo ng salita at gagaling na ang aking lingkod. 9 Ako man ay isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng iba, at may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isa, ‘Humayo ka,’ at humahayo nga siya. Sinasabi ko naman sa iba, ‘Lumapit ka,’ at lumalapit nga siya. Sa aking utusan, ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa nga niya.” 10 Nang marinig ito ni Yahushua, namangha siya at sinabi niya sa mga sumunod sa kanya, “Totoong sinasabi ko sa inyo, kaninuman sa Israel ay hindi ko nakita ang ganito kalaking pananampalataya.
Sinasabi ng teksto na, namangha sa pananampalataya ng senturyon, pinagaling ni Yahushua ang kanyang lingkod sa mismong sandali na iyon.
Isang aspeto na madalas nakakaligtaan sa pamilyar na salaysay na ito ay ang pagkakatulad na iginuguhit ng Romanong opisyal sa pagitan niya at ni Yahushua:
Mateo 8:9 “Ako man ay isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng iba, at may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isa, ‘Humayo ka,’ at humahayo nga siya. Sinasabi ko naman sa iba, ‘Lumapit ka,’ at lumalapit nga siya. Sa aking utusan, ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa nga niya.”
Ang komandante, na nasa ilalim ng kapangyarihan ng primus pilus at sa huli’y ang Caesar, kinilala na si Yahushua ay sakop rin sa isang mas dakilang kapangyarihan. Ayon kay Yahushua, ang mas dakilang kapangyarihan na ito ay si Yahuwah ang Ama:
Juan 14:28 Narinig ninyo na sinabi ko sa inyo, ‘Aalis ako, at darating ako sa inyo.’ Kung minamahal ninyo ako, magagalak kayo na pupunta ako sa Ama, sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin.
Itinaas ni Yahuwah si Yahushua sa Kanyang kanang kamay, itinalaga ang Mesias bilang isa na mamumuno sa Kanyang ngalan.
|
Nagsasalita rin si Pablo ng pangingibabaw ni Yahuwah kay Kristo sa kanyang sulat sa iglesya sa Corinto, na isinusulat niya, “Ang ulo ni Kristo ay si Yahuwah” at “si Kristo ay kay Yahuwah.”1 Titingin pa tayo nang mas malapit sa pinakapaturol na pahayag ng pagpapailalim ni Kristo nang panandalian. Samantala, mahalaga na bigyang-diin na, gaya ng senturyon na hindi nagtalaga sa sarili niya sa isang posisyon ng kapangyarihan, hindi rin si Yahushua na isang lider na itinalaga ang sarili. Mismo, itinaas ni Yahuwah si Yahushua sa Kanyang kanang kamay, itinalaga ang Mesias bilang isa na mamumuno sa Kanyang ngalan.2
Mikas 5:2 “Ngunit ikaw, Bethlehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libo-libo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa Akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.”
Dagdag pa, binigyang-diin ni Yahushua na siya ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Yahuwah noong higit pa sa isa’y inamin na siya’y hindi naparito sa sarili niyang pagkukusa kundi ang Ama ay nagsugo sa kanya.3
Ang salitang kapangyarihan sa Mateo 8:9 sa Griyego ay exousia. Ayon sa HELP Word Studies, ito’y nangangahulugan na: kapangyarihan, ipinagkaloob na awtoridad; itinalagang kapangyarihan (“awtorisasyon”) na tumatakbo sa isang itinalagang hurisdiksyon.4 Sa ibang salita, gaya ng awtoridad ng senturyon na ipinagkaloob sa kanya, ang awtoridad rin ni Yahushua ay nagmula kay Yahuwah ang Ama. Nagpapahayag si Charles Spurgeon nang mabuti sa puntong ito sa isang sermon na binibigyang-diin ang pagkakapareho sa pagitan nina Yahushua at senturyon:
[Ang senturyon] ay isang komandante kung saan ang kanyang posisyon at kapangyarihan ay nagmula sa dakilang Emperador sa Roma! Siya ay “isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan.” …ang senturyon na ito ay ibig sabihin [kay Yahushua], “Nakikilala ko sa Iyo, din, isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan,” sapagkat itong pinagpalang Kristo natin ay dumating sa sanlibutan na kinomisyon ng Diyos. …[Si Yahushua] ay narito bilang Isa na pinili, pinahiran, kwalipikado at isinugo ng Ama upang isagawa ang isang banal na komisyon! Ang opisyal na ito ay maaaring makita tungkol sa katauhan ni Kristo na nagtatakda sa Kanya na kinomisyon ng Diyos. Sa ilang kahulugan…dumating siya sa napakaligtas at tunay na konklusyon na ito kaya . . . si Kristo [Yahushua] ay gumaganap sa ilalim ng kapangyarihan ng dakilang Diyos na lumikha ng langit at lupa! At siya’y tumingin sa Kanya, dahil dito, sa ilalim ng aspetong iyon—bilang nararapat na awtorisado at kinomisyon para sa Kanyang gawa.5
Hindi nag-iisa si Spurgeon sa kanyang pagkakaunawa. Ang may-akda at tagapagturo, si Harry Whittaker, ay nagsusulat:
Anong sinasabi [ng senturyon] ay: “Sapagkat ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan.” Ang salitang “rin” ay tutok na iginigiit ang isang pagkakapareho sa estado sa pagitan niya at . . . [Yahushua]. Ano ito? Sa bunga, ipinahayag niya: “Ang aking mga tauhan ay sumusunod sa bawat utos ko dahil nasa ilalim ako ng kapangyarihan ni Caesar. Ginagawa nila ang aking kautusan dahil sa likod ko ay ang kataas-taasang kapangyarihan ng Emperador. Ngunit nakikilala ko sa iyo . . . [Yahushua], ay nasa ilalim ng direksyon ng Isang mas dakila kay Tiberius. Nasa likod mo ay ang awtoridad ng Makapangyarihang Diyos.”6
Walang duda, natanggap ni Yahushua ang kanyang kapangyarihan mula sa isang tunay na Diyos, iyon ay, ang Ama.
|
Walang duda, natanggap ni Yahushua ang kanyang kapangyarihan mula sa isang tunay na Diyos, iyon ay, ang Ama.7
Mateo 9:6 at 8 “Subalit upang malaman ninyong dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan,” sinabi niya sa paralitiko, “Bumangon ka, damputin mo ang iyong higaan at umuwi ka na.” …8 Nang makita ito ng napakaraming tao, natakot sila at nagbigay-luwalhati kay Yahuwah na nagkaloob ng gayong kapangyarihan sa mga tao.
Mateo 11:27 [Sinabi ni Yahushua] “Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama...
Mateo 28:18 [Sinabi ni Yahushua] Naibigay na sa akin ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa.
Juan 3:35 “Iniibig ng Ama ang Anak, at ibinigay ang lahat ng bagay sa kanyang kamay.
Juan 5:26-27 Sapagkat kung paanong ang Ama ay may buhay sa kanyang sarili, ipinagkaloob din Niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili, 27 at ibinigay sa kanya ang kapangyarihang humatol, sapagkat siya ang Anak ng Tao.
Juan 13:3-4 Alam ni Yahushua na ibinigay na sa Kanya ng Ama ang lahat ng bagay…
Juan 17:1-3 Matapos sabihin ni Yahushua ang mga ito, tumingala siya sa langit at sinabi, “Ama, dumating na ang oras, luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang luwalhatiin ka ng Anak, 2 kung paanong binigyan mo siya ng kapangyarihan sa lahat ng tao, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kanya. 3 At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos at si Kristo Yahushua na iyong isinugo.
Efeso 1:17 at 20-22 Idinadalangin ko sa Diyos ng ating Panginoong Kristo Yahushua, ang Ama ng kaluwalhatian…22…At ipinasakop ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa [ni Yahushua], at ginawa siyang ulo ng lahat para sa iglesya.
1 Pedro 1:3 at 3:22 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua!... 22 ngayo’y nasa kanan ng Diyos. Ang mga anghel, mga kapamahalaan at mga kapangyarihan ay nagpapasakop sa kanya.
Pahayag 2:27 Tulad ng kapangyarihang ibinigay sa akin ng aking Ama. MAMAMAHALA SILA SA PAMAMAGITAN NG KAMAY NA BAKAL AT DUDURUGIN NILA ANG MGA BANSA GAYA NG PAGDUROG SA PALAYOK.
Kung si Yahushua ay mismong si Yahuwah, hindi niya kailangan ng itinalagang kapangyarihang sapagkat ang lahat ng kapanyarihan ay likas na nabibilang na sa kanya. Ngunit bilang taong ahente ni Yahuwah, kailangan niya at tinanggap niya ang kapangyarihan at awtoridad mula sa Ama upang gawin ang mga gawa ni Yahuwah.
Ayon sa teologo na si R.C. Sproul, ang isang nagpailalim ay hindi isang kapantay kundi isa na nasa ilalim ng isa pang awtoridad:
Kung si Yahushua ay mismong si Yahuwah, hindi niya kailangan ng itinalagang kapangyarihang sapagkat ang lahat ng kapanyarihan ay likas na nabibilang na sa kanya.
|
Sa ating wika, malinaw na ang maging subordinate ay isa na nasa “ilalim” ng awtoridad ng tao. Ang isang subordinate ay hindi isang kauri; ang isang subordinate ay hindi sa kapantay na antas ng kapangyarihan sa kanyang super-ordinate. Ang unlaping sub- ay nangangahulugan na “ilalim” at ang super- ay nangangahulugan na “ibabaw” o “itaas.”8
Si Sproul ay umiiwas, gayunman, kapag nagsasalita siya ng pagpapailalim ni Kristo kay Yahuwah:
Kapag nagsasalita tayo tungkol sa pagpapailalim ni Kristo, dapat nating gawin nang may dakilang pag-iingat. Ang ating kultura ay ipinapantay ang pagpapailalim sa hindi pagkakapantay-pantay. Ngunit sa Trinidad, ang lahat ng mga kasapi ay magkakapantay-pantay sa kalikasan, sa karangalan, at sa kaluwalhatian. Lahat ng tatlong kasapi ay walang hanggan, umiiral sa sarili; sila’y nakikibahagi sa lahat ng mga aspeto at mga katangian ng pagkadiyos.9
Ang mga Trinitaryan ay napilitang sumang-ayon na si Yahushua ay nagpapailalim sa Ama dahil ang doktrina ay malaganap sa Kasulatan at hindi maaaring tanggihan. Gayunman, upang mapanatili ang matapos ang Biblikal na doktrina ng pagiging pantay ni Yahushua kay Yahuwah, inaangkin nila na siya ay nagpapailalim sa pagpapatako lamang habang nananatiling kapantay kay Yahuwah sa kanyang esensya. Subalit anong tiwalang pinaninindigan ni Sproul at iba pa ay hindi kailanman matatagpuan sa Kasulatan. Sa halip, paulit-ulit nating nababasa sa mga sagradong teksto na si Yahushua ay ang lingkod ni Yahuwah, hindi kapantay Niya.10 Upang makatiyak, si Yahushua ay mayroong isang Diyos.11
Ang subordinasyonismo, ang doktrina na ipinapahayag na “ang Anak ay nagpapailalim sa Diyos ang Ama sa kalikasan at pagkatao, at ang Anak ay nakukuha ang mga pagtuturo at utang ang kanyang pag-iral mula sa Diyos,”12 ay laganap sa mga maagang Ama ng Simbahan. Ang mananalaysay ng Simbahan, si Kegan Chandler, ay nagsusulat:
Isang hindi tinatangkilik na katunayan ng kasaysayan ng Simbahan na ang mga pinakakilalang ikalawa at ikatlong siglong Ama ng Simbahan ay naniwala na . . . [si Yahushua] ay umiral na bago isilang, hindi bilang isang tunay na Diyos mismo, kundi bilang isang nagpapailalim na anghelikong nilalang, unang nilikha ng Diyos.13
“Sinabi ni Yahushua sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, walang anumang magagawa ang Anak mula sa kanyang sarili kundi ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Sapagkat kung anuman ang ginagawa ng Ama, iyon din ang ginagawa ng Anak.” (Juan 5:19)
|
Ang Oxford Encyclopedia of the Early Church ay kinukumpirma ang paglaganap ng subordinasyonismo maging sa mga pinakakilalang Ama ng Simbahan:
Subordinasyonismo. Kaya tinatawag natin ang kaugalian, malakas sa teolohiya ng ikalawa at ikatlong siglo, upang ituring si Kristo, bilang Anak ng Diyos, mas mababa sa Ama. Sa likod ng kaugalian na ito ay mga pahayag ng ebanghelyo kung saan si Kristo mismo ay iginiit ang kanyang kababaan (Juan 14:28, Marcos 10:18, 13:32, atbp.) at ito’y pinaunlad lalo na ng Logos-Kristolohiya… Ang mga kaugalian ng subordinasyonista ay malinawag sa mga teologo gaya nina Justin, Tertullian, Origen at Novation; ngunit maging si Irenaeus, na ang mga espekulasyong Trinitaryan ay banyaga, nagkokomento sa Juan 14:28, ay walang kahirapan sa pagsasaalang-alang na mas mababa si Kristo sa Ama.14
Ang teologo, si Thomas C. Pfizenmaier, ay ibinubuod ang paglaganap ng subordinasyonismo sa unang apat na siglo sa paraang ito:
Habang ang mga anyo ng subordinasyonismo ay iba-iba, halos lahat ng mga nauna sa Nicene na teologo ay kumuha ng ilang anyo nito.15
At bukod pa rito, ang mananalaysay ng Simabahan, si R.P.C. Hanson, ay ipinapaliwanag na ang paniniwala na si Yahushua ay sumasailalim sa Diyos ang Ama ay tinanggap na orthodoxy tungo sa ikaapat na siglo:
Maliban kay Athanasius, halos bawat teologo, sa Silangan at Kanluran, ay tinanggap ang ilang anyo ng subordinasyonismo nang hindi lalagpas sa taong 355 AD; ang subordinasyonismo, ay maaaring totoo, hanggang sa katapusan ng kontrobersya, ay inilarawan bilang tinanggap na orthodoxy.16
Ito’y hindi hanggang 325 AD na ang Biblikal na orthodoxy ay nakatanggap ng isang takda ng kamatayan. Anong nalaman ng Romanong senturyon na totoo–na si Yahushua ay isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan–ay ikukubli ng mga doktrinal na rebisyunista sa Konseho ng Nicaea at lagpas pa.
Ang pinakalubusang artikulasyon ni Pablo ng pagpapailalim ni Yahushua kay Yahuwah ang Ama ay matatagpuan sa kanyang unang sulat sa mga taga-Corinto:
1 Corinto 15:22-28 Sapagkat kung paanong dahil kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin dahil kay Kristo ang lahat ay bubuhayin. 23 Ngunit ang bawat isa’y ayon sa kanyang takdang panahon. Si Kristo ang unang bunga; at pagkatapos ay ang mga kabilang kay Kristo sa panahon ng kanyang pagdating. 24 Pagkatapos ay darating ang wakas, kapag kanyang ibibigay na ang kaharian sa Diyos Ama, matapos niyang lipulin ang lahat ng paghahari, pamamahala at kapangyarihan. 25 Sapagkat kailangang maghari siya [Kristo] hanggang mailagay niya ang lahat ng kanyang mga kaaway sa ilalim ng kanyang mga paa. 26 Ang huling kaaway na lilipulin ay ang kamatayan. 27 Sapagkat “ipinasakop niya ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa.” Sa pagsasabi na ang lahat ng mga bagay ay ipinasakop sa kanya, maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos, na siyang nagpasakop ng lahat ng mga bagay kay Kristo. 28 At kapag ang lahat ng mga bagay ay ipinasakop na sa Anak, ang Anak ay pasasakop din sa Ama na naglagay ng lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, upang si Yahuwah ay mangibabaw sa lahat.
Matapos ang muling pagkabuhay, noong nagapi ni Kristo ang kamatayan, iaabot niya ang kaharian kay Yahuwah ang Ama dahil si Yahuwah ang nagpasakop ng lahat ng bagay sa kanya.
|
Inilalarawan ni Pablo para sa atin ang pagkakasunud-sunod ng mga kaganap na magaganap sa katapusan ng panahong ito. Matapos ang muling pagkabuhay, noong nagapi ni Kristo ang kamatayan, iaabot niya ang kaharian kay Yahuwah ang Ama dahil si Yahuwah ang nagpasakop ng lahat ng bagay sa kanya. Ngunit si Pablo, ninanais na makatiyak na ang kanyang mga mambabasa ay maunawaan, binibigyang-diin na si Yahuwah ang Ama ay hindi nagpapasakop kay Kristo. Sa halip, si Kristo Yahushua ay pasasakop kay Yahuwah upang si Yahuwah ay mangibabaw sa lahat.
Sinasabi ng Pulpit Commentary na ang pariralang mangibabaw sa lahat ay “isinasangkot ang isang ganap at sukdulang pangingibabaw.”17 Tunay nga, si Yahuwah ang Ama ay ang Makapangyarihan na naghahari nang kataas-taasan. Ginagawang malinaw ito ni Eugene Peterson sa kanyang pakahulugan:
1 Corinto 15:28 Kapag ang lahat ng bagay at ang bawat isa ay tuluyang nasa ilalim ng pamumuno ni Yahuwah, ang Anak ay bababa, papalit sa kanya sa lahat ng iba, nagpapakita na ang pamumuno ni Yahuwah ay sukdulang komprehensibo—isang sakdal na pagwawakas!18
Binibigyang-diin ni Pablo na Yahushua ay hindi Diyos [Yahuwah], kundi “itinaas ng Diyos, nagpapasakop na ahente.”19
Ang pagpapailalim ni Yahushua ay nagpapakita ng isang suliranin para sa Trinitaryan na teolohiya dahil ito’y nasa pagkakaiba-iba sa ikaapat na siglong doktrina. Upang lutasin ang kontradiksyon, ang teorya ng dalawahang kalikasan ni Kristo (hipostatik na pag-iisa) ay pinaunlad. Ginamit rito, sinasabi ng teorya, sa bunga, na si Kristo ay nagpapasakop kay Yahuwah lamang sa kanyang pantaong kalikasan. Gayunman, ito’y hindi kailanman itinuro sa Kasulatan. Anong itinuro sa Kasulatan ay si Yahushua ay isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan ni Yahuwah. Dahil sa kanyang pagtalima, itinaas si Yahushua sa kanang kamay ni Yahuwah at binigyang ng kapangyarihan sa kaharian ni Yahuwah.20 Ang punto ni Pablo ay sapagkat makapangyarihan na si Kristo, siya ay patuloy na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Yahuwah. Ipinapaliwanag ng Biblikal na iskolar, si James McGrath:
Pinanatili ang monoteismo hindi dahil . . . [si Yahushua] ay hinigop tungo sa Diyos o isinama sa banal na pagkakakilanlan kundi dahil bagama’t . . . [si Yahushua] ay naghahari sa lahat ng bagay sa ngalan ng Diyos, ang Diyos mismo ay hindi nagpasakop kay Kristo, kundi si Kristo ang nagpasakop sa Diyos.”21
Anong nalaman ng Romanong senturyon na totoo noong unang siglo, na si Yahushua ay isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan, ay patuloy na totoo ngayon, sa kabila ng mga eklesiastikong pagsisikap ng ikaapat na siglo na muling tukuyin ang kahulugan ng pagpapailalim o subordinasyon ni Yahushua.
1 1 Corinto 11:3 at 3:23.
2 Itinaas ni Yahuwah si Yahushua sa Kanyang kanang kamay: Mga Gawa 2:33; 5:31. Ang propeta na si Isaias ay nahulaan na ang Mesias ay maghahari para kay Yahuwah: Isaias 40:1; Mga Awit 2:1-2, 6-8, 10-12.
[7] Ilan ay ipinaliwanag ang siping ito upang mangahulugan na si Yahushua ay umiral na sa langit bilang Yahuwah. Gayunman, ang pariralang “na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan,” ay nagpapahiwatig na ang taong lider ay isang bahagi ng plano ni Yahuwah mula pa bago likhain ang saligan ng sanlibutan, hindi iyong literal na umiral bago isilang si Yahushua. Tingnan rin ang Mga Gawa 2:23; 1 Pedro 1:20; Pahayag 13:8.
3 Juann 7:28; 8:42. Tingnan rin ang Juan 5:30 at 8:28.
4 HELP Word Studies, https://biblehub.com/greek/1849.htm
5 Charles H. Spurgeon, A Man Under Authority, Sermon #2434, (October, 1895), accessed 3-25-20, https://www.spurgeongems.org/sermon/chs2434.pdf
6 Harry Whittaker, The Healing of the Centurion’s Servant, Studies in the Gospels, http://christadelphianbooks.org/haw/sitg/sitg71.html
7 Juan 4:21-26; 8:54; 17:1-3; 1 Corinto 1:3, 8:6; 1 Timoteo 1:2, 2:5, atbp.
8 R. C. Sproul, “The Subordination of Christ,” The Logos, March 27, 2009, nakuha noong Marso 30, 2020, https://ho-logos.blogspot.com/2009/03/subordination-of-christ-rc-sproul.html
9 Ibid.
10 Mga Gawa 3:13, 26; 4:25-27, 29-30; Mateo 12:18; Hebreo 8:1-2 ang lingkod sa siping ito ay leitourgos, Grriyego para sa lingkod-bayan, sugo, basalyo (NASB Greek-Hebrew Dictionary); Isaias 42:1-9; Zacarias 3:8.
11 Sinabi ni Yahushua na siya ay mayroong isang Diyos nang maraming beses: Juan 20:17; Mateo 27:46 (Marcos 15:34); Pahayag 1:6; 3:12. Kahit na matapos ang pagtataas sa kanya, nananatili na si Yahushua ay mayroong isang Diyos. Nagpapatotoo rin sina Pablo at Pedro sa pagkakaroon ni Yahushua ng isang Diyos: Efeso 1:3, 17; Roma 15:6; 2 Corinto 1:3; 11:31; 1 Pedro 1:3. Isa pa, ang may-akda ng Hebreo 1:8. Ang mga may-akda ng Lumang Tipan ay naunawaan na ang mesias ay may isang Diyos: Mikas 5:4; Awit 40:8; 45:6-7.
12 Kegan Chandler, The God of Jesus in Light of Christian Dogma, (McDonough, GA: Restoration Fellowship, 2016), p. 135.
13 Ibid, p. 76.
14 M. Simmonetti, “Subordinationism,” Oxford Encyclopedia of the Early Church, Vol. 2 (OUP, 1992), p. 797.
15 Thomas C. Pfizenmaier, The Trinitarian Theology of Dr. Samuel Clarke (Leiden: Brill, 1997), p. 91.
16 R.P.C. Hanson, The Search for the Christian Doctrine of God, 1988, p. xix
17 https://biblehub.com/1_corinthians/15-28.htm
18 https://www.biblegateway.com/passage/?search=1+Corinthians+15%3A28-33&version=MSG
19 Chandler, Ibid, p. 444.
20 Filipos 2:5-11; Efeso 1:17-23.
21 McGrath, The Only True God, p. 50.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/Jesus-a-man-under-authority/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC