Kung paano noong kapanahunan ni Noe, gayundin naman sa pagdating ng Anak ng Tao. Sapagkat kung paano noong mga araw na iyon bago dumating ang baha, ang mga tao'y kumakain at umiinom, nag-aasawa at pinag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong. At wala silang kaalam-alam hanggang sa dumating ang baha, at tinangay silang lahat. Gayundin naman sa pagdating ng Anak ng Tao. (Mateo 24:37-39, FSV1)
Bago ang pagbaha, ang mundo ay sangkot sa paghangad sa kaluguran: pagkain, pag-inom, pagtatalik – lahat ay hindi alintana ang mga banal na katunayan. Ito ay totoo rin sa mundo ngayon. Karamihan ay nakatuon sa pagkain, kasarian, mga pelikula, mga laruan – anumang bagay at lahat ng bagay na naiisip nila na magdadala sa kanila ng “kasiyahan” habang bulag sa katunayan na ang mundo ay malapit nang magwakas.
Ang ekklesia na dumarating mula sa ganoong mga pang-mundong kondisyon ay, gaya ng buong mundo, bulag sa mga banal na katunayan. Nabigo ito na maging liwanag ng mundo at, ang “pangrelihiyong” reputasyon sa kabila nito, ay naging kaisa ng mundo. Nalalaman ni Yahuwah na ang ekklesia ng huling henerasyon ay magiging bulag sa tunay nitong kondisyon. Sa awa, nagpadala Siya ng isang pinakamahalagang babala na dapat pakinggan ng lahat.
At sa anghel ng iglesya sa Laodicea, isulat mo: Ang sinasabi ng Amen, ang Tapat at Totoong Saksi, ang pinagmulan ng mga nilikha [ni Yah]: “Alam ko ang mga gawa mo; hindi ka malamig ni mainit. Nais ko sanang ikaw ay malamig o kaya'y mainit. Kaya dahil ikaw ay maligamgam, hindi malamig ni mainit man, iluluwa kita. (Pahayag 3:14-16)
Nakakalungkot (at mapanuya) ang babalang ito, tinatawag na mensaheng Laodicean, ay paulit-ulit na tinanggihan ng tao na pinipilit na ito ay hindi naaangkop sa kanila. Ang banal na babala ay tumungo sa pagpapaliwanag kung bakit nakita ni Yahuwah ang kanilang kalagayan na nakaduduwal: “Sapagkat sinasabi mo, ‘Mayaman ako, masagana, at wala nang kailangan pa.’ Hindi mo alam na ikaw ay aba, kawawa, dukha, bulag, at hubad.” (Pahayag 3:17)
Kapag pinaghalo ninuman ang mainit na tubig sa malamig na tubig, ang resulta ay hindi alinman sa malamig o mainit kundi isang nakaduduwal na maligamgam. Ang ekklesia ng huling henerasyon ay mayroong napakainit na mga gawa. Pumupunta sila sa “simbahan” at dumadalo pa sa mga panalanging pagpupulong sa kalagitnaan ng sanlinggo. Itinataguyod nila ang iba’t-ibang mga paglilingkod ng kanilang mga salapi. Taglay nila ang mga ebanghelikong pantas-aral at mga klinika. Sila ay napakamasigasig sa paggawa ng mga mabubuting gawain . . . ngunit ang kanilang mga puso ay malamig. Ang mga “mainit” na gawa na isinasagawa nila ay hindi pagpapakita ng pag-ibig para sa Ama at Anak kundi sumama sa isang anyo ng kaligtasan sa mga gawa.
Ang mapagmataas na puso ay nagsusumikap na makamit ang kaligtasan: subalit ang parehong titulo sa Langit at ang ating pagka-angkop para rito ay makikita sa pagkamatuwid [ni Yahushua]. Ang Panginoon ay walang maaaring gawin sa pagbawi ng tao hanggang, naniwala sa kanyang sariling kahinaan, at tinanggalan ng lahat ng pansariling kasapatan, siya mismo ay nagpapasakop sa kontrol [ni Yah]. Pagkatapos ay maaari niyang matanggap ang kaloob na hinihintay [ni Yah] na ipagkaloob.2
At kung ano ang tunay na nakalulungkot, ay ang mismong mga tao na may mainit na mga gawa, na sa mga gawang iyon, tinatangka na gawin ang kanilang landas sa Langit, tunay na hindi nalalaman kung ano ang ginagawa nila. Sila ay bulag at tunay na hindi nalalaman na sa paningin ng Langit sila ay “aba, kawawa, dukha, bulag, at hubad” at wala nang kailangan pa. Ang kanilang relihiyon, gaya ng mga Pariseo ng nakalipas, ay isang panlabas na relihiyon na hindi kumakalabit sa kanilang mga malamig, pinatigas ng kasalanan na puso. Ang kumbinasyon ng mga mainit na gawa sa mga malamig na puso ay lumilikha ng isang “maligamgam” na estado kung saan, maliban kung pinagsisihan, ay tuluyang tatanggihan ni Yahuwah.
Sa awa, ang Makalangit na Ama ay nag-aalok ng solusyon at gamot: “Kaya't, pinapayuhan kita na bumili sa akin ng gintong dinalisay sa apoy para yumaman ka, at ng puting kasuotan na maidadamit sa iyo upang hindi malantad ang nakahihiya mong kahubaran, at bumili ka rin ng gamot na pampahid sa iyong mga mata upang makakita ka.” (Pahayag 3:18)
Pagkatapos ay dumarating ang mapagmahal na muling katiyakan: “Sinasaway ko at dinidisiplina ang mga minamahal ko. Kaya magsikap ka at magsisi. Narito ako! Ako'y nakatayo sa may pintuan at kumakatok; sinumang makinig sa aking tinig at magbukas ng pintuan, papasok ako sa kanya at kakaing kasalo niya, at siya'y kasalo ko.” (Pahayag 3:19, 20)
Namatay si Yahushua para iligtas ang mga makasalanan – maging ang mga makasalanang Laodiceans ng huling henerasyon. Sapagkat ang pagkabulag ay isa sa mga natatanging katangian ng huling henerasyon, iyong mga nakinig sa babala ay dapat tanggapin sa pananalig na ang nakalulungkot na kondisyong inilarawan sa kanila bawat isa. Ito ay pagtanggap sa pananalig dahil ang mga Laodiceans ay bulag sa kanilang tunay na kondisyon. Lahat nang tatanggap na ang mensahe sa Laodicea ay naaangkop sa kanila bawat isa ay maliligtas.
Tumungo ang Aklat ng Pahayag sa paglalarawan ng isang lubos na espesyal na pangkat ng mga tao. Sapagkat sila ay nagmula sa huling henerasyon, sila ay mga Laodiceans. Tinanggap nila sa pananalig na ang mensahe sa Laodicea ay naaangkop sa kanila at nagsisi. Tinatawag sila ng Kasulatan na 144,000.
Nakita ko ang isa pang anghel na umaakyat mula sa silangan, dala-dala ang tatak ng [Elohim] na buháy, at sumigaw nang malakas sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihang salantain ang lupa at ang dagat. Sinabi niya sa kanila, “Huwag ninyong salantain ang lupa o ang dagat, o ang mga puno, hanggang matatakan na namin sa kanilang noo ang mga alipin ng ating [Elohim]. At narinig ko ang bilang ng mga tinatakan—isandaan at apatnapu't apat na libo ang tinatakan, mula sa bawat lipi ng mga anak ni Israel. (Pahayag 7:2-4)
Ang 144,000 ay nakinig sa payo ng Tunay na Saksi. Sa pagsisisi, hinangad nila ang Tagapagligtas para gumawa sa kanila ng hindi nila kayang gawin para sa kanilang mga sarili.
Ang ginto na ibinigay Niya [Yahushua] ay walang halo, higit na mas mahalaga kaysa sa ginto ng Ophir; sapagkat ito ay pananampalataya at pag-ibig. Ang puting kasuotan na iniimbitahan Niya sa kaluluwa na suotin ay Kanyang sariling damit ng pagkamatuwid; at ang langis para sa pampahid ay ang gamot ng Kanyang kagandahang-loob, na magbibigay ng espiritwal na paningin sa kaluluwa sa pagkabulag at kadiliman, na magtatangi sa kanya sa pagitan ng paggawa ng Espiritu [ni Yah] at ng espiritu ng kaaway. “Buksan ang iyong mga pintuan,” sinasabi ng dakilang Mangangalakal, ang may-ari ng mga espiritwal na kayamanan, “at iharap ang iyong negosyo sa Akin. Ako ito, ang iyong Tagapagligtas, na nagpapayo sa iyo na bumili sa Akin.”3
Ang 144,000 ay binago tungo sa larawan ng kanilang Manlilikha noong tinanggap nila ang ginto, ang puting kasuotan at gamot na pampahid sa mata na ibinigay sa kanila. Ang puting kasuotan, na ang pagkamatuwid ng Tagapagligtas, ay nagbabalot sa kanila at sila ay tinanggap ng Minamahal. Ang pampahid sa mata ay nagpapagaling sa kanilang pagkabulag sa kasalanan, nagpapagana sa kanila na maramdaman at maunawaan ang lahat ng mga banal na pangangailangan. Ang ginto ng pananampalataya at pag-ibig, nangunguna sa ganap na pananampalataya sa salita ni Yahuwah at ganap na pagtalima sa banal na kautusan, ay inuudyukan ng pag-ibig.
Sa kadahilanang ito kaya ang 144,000 ay nakatanggap ng mga espesyal na parangal sa Langit.
Pagkatapos ay tumingin ako, at naroon ang Korderong nakatayo sa bundok ng Zion! Kasama niya ang isandaan apatnapu't apat na libo na ang pangalan Niya at ng Kanyang Ama ay nakasulat sa kanilang mga noo. Isang tinig ang narinig ko mula sa Langit na parang ingay ng maraming tubig at parang dagundong ng malakas na kulog. Ang tinig na narinig ko ay parang tugtugan ng mga manunugtog ng mga alpa. Umaawit sila ng isang bagong awitin sa harapan ng apat na buháy na nilalang at ng mga matatanda. Hindi kayang matutuhan ng sinuman ang awiting iyon maliban sa isandaan at apatnapu't apat na libong tinubos mula sa lupa. (Pahayag 14:1-3)
Sa ganap na pagsuko sa Tagapagligtas, ang 144,000 ay binago. Sapagkat dati sila ay mapagmataas sa kanilang espiritwal na pagkilala, ang kanilang mga gawa, at kanilang pansariling “pagkamatuwid,” sila ngayon ay ganap nang umaasa sa mga merito ng Tagapagligtas. Kasama si Pablo, ang kanilang patunay ay: “Namatay na akong kasama ni Kristo Yahushua sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Kristo Yahushua na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayo'y sa pamamagitan na ng pananampalataya sa Anak ni Yah na nagmahal sa akin at naghandog ng Kanyang buhay para sa akin.” (Tingnan ang Galacia 2:20.)
Ang paglalarawang ibinigay sa Kasulatan ng huling nalalabi na ito ay hindi katulad ng anumang ibang pangkat dati:
Hindi dinungisan ng mga ito ang kanilang mga sarili sa mga babae. Sila ay mga birhen. Sila yaong mga sumusunod sa Kordero saan man siya pumaroon. Sila yaong mga tinubos ng Kordero bilang mga unang bunga para [kay Yah] at para sa Kordero. Walang pandaraya sa kanilang mga bibig sapagkat wala silang anumang dungis sa harapan ng trono ng [Elohim]. (Pahayag 14:4, 5, ASND)
Sa Bibliya, ginamit ang “babae” bilang simbulo ng ekklesia. Kaya, ang “patutot” ay sumisimbulo sa maruming ekklesia o simbahan habang ang “birhen” ay ang simbulo ng dalisay na ekklesia. Ang katunayan na ang kanilang mga bibig ay walang pandaraya ay karagdagang patunay na ang kanilang kalinisan ay umabot sa mismong puso. Ang maligamgam na Laodicean, na mayroong “mainit” na gawa ngunit may “malamig” na puso ay isang bagay ng nakaraan.
Ipinaliwanag ni Yahushua na ang isang bibig na nagsasalita ng pandaraya ay nagpapakita ng nakatagong puso na puno ng pandaraya:
Sinabi pa Niya, “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa tao. Sapagkat mula sa loob, mula sa puso ng tao, lumalabas ang masasamang pag-iisip, mga pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagpaslang, mga pangangalunya, mga pag-iimbot, mga kabuktutan, pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paglapastangan, kapalaluan, at kahangalan. Ang lahat ng kasamaang ito ay sa loob nagmumula at siyang nagpaparumi sa tao.” (Marcos 7:20-23)
Ang isang matapat na tao ay maaari pa ring magkamali nang matapat, mayroong lalang sa kanilang mga bibig, nagtuturo sa iba sa salita at halimbawa, na gumawa ng mali o sumamba sa maling araw. Iyong mga walang daya sa kanilang mga bibig ay lubusang nalinis. Sa kaloob na gamot na pampahid sa mata, sila ay pinagana na maramdaman ang lahat ng mga kautusang kinakailangan. Sa pananampalataya kay Yahushua, pinalakas ng kanilang pag-ibig sa Kanya, ibinalik nila ang kautusan sa nararapat nitong kinalalagyan sa mga kaisipan at mga puso ng mga tao. Sa salita at sa gawa, ipinahayag nila na “ang Kautusan ay banal at ang tuntunin ay banal, matuwid, at mabuti.” (Roma 7:12)
Matagal nang nananawagan ang Tinig mula sa Langit: “Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa.” (Jeremias 6:16, ADB) Ang 144,000 ay nagawa ito. Sa pagbalik ng paningin ng banal na pampahid sa mata, pinag-aralan nila ang Kautusan ni Yahuwah at natuklasan sa kanilang pagkagulat na maraming lugar ng kautusan kung saan ang mundo ng Kristyano ay ipinahayag na hindi na kailangan at isinantabi.
Ang pangunahing lugar ng pagkabulag na laganap sa lahat ng Kristyanismo, niyayakap ng bawat denominasyon, ay kung kailan dapat sumamba. Kapag malinaw na nakilala ng 144,000 ang banal na kautusan, sila’y nagiging mga guro. Sila’y iniibig nang lubos dahil sila’y pinatawad nang lubos, at isinuko nila ang kanilang mga lakas para dalhin sa liwanag ang mga nananatiling nakaupo sa kadiliman. Itinataas nila ang batayan ng katotohanan nang mas mataas pa at patuloy pang tumataas.
Ang paglilingkod na ito ng 144,000 ay malinaw na nahulaan sa Kasulatan:
At silang magiging iyo
ay magtatayo ng mga dating sirang dako;
ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi;
at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira,
Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan
Kung iyong iurong ang iyong paa sa Sabbath,
sa paggawa ng iyong kalayawan sa Aking banal na kaarawan;
at iyong tawagin ang Sabbath na kaluguran,
at ang banal [na araw ni Yahuwah] na marangal;
at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad,
ni hahanap ng iyong sariling kalayawan,
ni magsasalita ng iyong mga sariling salita:
Kung magkagayo'y malulugod ka nga [kay Yahuwah];
at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa;
at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama.
(Isaias 58:12-14, ADB)
Ang banal na gawang ito ay nahulaan ni Yahushua mismo sandali bago ang Kanyang kamatayan sa panahon ng Kanyang pagbabagong-anyo. (Tingnan ang Mateo 17:1-13.) Ang mga alagad ay nalito ukol rito. Naniwala sila na si Yahushua ang Mesias, ngunit nakita nila na si Elias ang nagsasalita sa Kanya! Sila’y nagtanong sa Kanya: “Bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na kailangan munang dumating si Elias?” (Mateo 17:10)
Ang sagot ni Yahushua ay isang dalawahang tugon. Una Niyang nakita ang 144,000, sinasabi sa panghinaharap, tinitiyak sa mga alagad: “Darating muna si Elias upang ipanumbalik ang lahat ng bagay.” (Berso 11) Ang 144,000 ay gagawin ang paglilingkod ni Elias. Sa pagpapatuloy ng banal na kautusan at nananawagan sa lahat na magsisi at bumalik sa pagsamba sa Elohim ng Langit sa Kanyang mga banal na araw, sila ay katumbas ni Elias.
Pagkatapos, lumipat sa nakaraan, pinagpatuloy ni Yahushua: “ ‘Subalit sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias, ngunit siya'y hindi nila kinilala, sa halip ay kanilang ginawa sa kanya ang anumang kanilang maibigan.’ . . . At naunawaan ng mga alagad na tungkol kay Juan na Tagapagbautismo ang sinasabi Niya sa kanila.” (Mateo 17:12-13)
Gaya ng 144,000, si Juan Bautista ay isang kauri ni Elias, ginagawa ang paglilingkod ni Elias sa pagtawag sa mga tao na magsisi at sumunod sa banal na Kautusan.
![]() |
Ginamit sa pahintulot ni Darrel Tank, darreltank.com. |
Ang propesiya kung saan tinutukoy ng mga alagad noong tinanong tungkol sa pagdating ni Elias bago ang paglitaw ng Mesias, ay makikita sa Malakias 4. Ito ay ang mismong pinakahuling propesiya sa Lumang Tipan, makikita sa pinakahuling mga berso ng huling kabanata, ng huling aklat:
Alalahanin ninyo ang Kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga'y ang mga palatuntunan at mga kahatulan. Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na kaarawan [ni Yahuwah]. At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako'y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa. (Malakias 4:4-6, ADB)
Ang pagkakalagay ng propesiyang ito, ang mismong mga huling salita sa Lumang Tipan, ay tila ipinahiwatig na ang paalalang ito ay napakahalaga. Ang pagtuturo na “Alalahanin ninyo ang Kautusan ni Moises” ay nagpapahiwatig na may isang bagay na nakalimutan. Ang propesiya ng Isaias 58, nasipi kanina, ay iniugnay sa gawa ng pagpapanumbalik ng 144,000 sa Sabbath. Ngunit ito ay higit pa sa sanlingguhang ikapitong araw ng Sabbath.
Ang “Kautusan ni Moises” ay isinama ang palatuntunan gayon din ang pagsamba sa Manlilikha sa lahat ng Kanyang mga banal na araw.
“At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon. Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang Aking mga Sabbath, upang maging tanda sa Akin at sa kanila, upang kanilang makilala na Ako [si Yahuwah] na nagpapaging banal sa kanila.
“Nguni't ang sangbahayan ni Israel ay nanghimagsik laban sa akin . . . sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa Aking mga palatuntunan, at kanilang itinakuwil ang Aking mga kahatulan, na kung gawin ng tao, ay mabubuhay sa mga yaon; at ang Aking mga Sabbath ay kanilang nilapastangang mainam.
“At sinabi ko sa kanilang mga anak . . . , ‘Huwag kayong magsilakad ng ayon sa mga palatuntunan ng inyong mga magulang, o ingatan man ang kanilang mga kahatulan, o magpakahawa man sa kanilang mga dios-diosan: Ako [si Yahuwah ninyong Elohim]: magsilakad kayo ng ayon sa Aking mga palatuntunan, at ingatan ninyo ang Aking mga kahatulan, at inyong isagawa; At inyong ipangilin ang Aking mga Sabbath; at mga magiging tanda sa Akin at sa inyo, upang inyong maalaman na Ako [si Yahuwah ninyong Elohim].’ ” (Ezekiel 20:11-13, 18-20, ADB)
Ang tanda sa pagitan ni Yahuwah at Kanyang bayan ay hindi lamang ang ikapitong araw ng Sabbath. Kabilang sa tanda ay ang pagpapanatili ng lahat ng Kanyang mga kapistahan, na bahagi ng palatuntunan. Ang mga kapistahang ito ay nakalista sa Levitico 23 at ang mismong unang kapistahan ay ang ikapitong araw ng Sabbath.
Ang salitang isinalin bilang “Sabbath” sa Ingles ay nagmula sa isa sa dalawang salitang Hebreo: shabbâth (#7676) at shabbâthôwn (#7677).
Shabbâth (#7676) Shabbath, bilang isang pangngalan, ay nangangahulugan na “ang sabbath.” . . . Ang “sabbath” ay ang tanda ng pakikipagtipan ng pagkapanginoon ng [Elohim] sa paglikha. Sa pagtalima sa “sabbath,” nangumpisal ang Israel na sila ang tinubos na bayan ng [Elohim], sakop sa Kanyang pagkapanginoon na sumunod sa lahat ng Kanyang kautusan.
shabbâthôwn (#7677) isang sabbatismo o espesyal na okasyon: - pamamahinga, sabbath.4
Parehong ginamit ang dalawang salita nang halinhinan sa Levitico 23.
Ang mundo ng Kristyano ay ipinahayag na ang Kautusan ni Yahuwah na wala nang bisa noong ito ay isinantabi ang ikaapat na utos na nagsasabi na sumamba sa ikapitong araw ng sanlinggo. Maging ang mga ikapitong araw na Sabbataryan ay sinira ang banal na kautusan sa pagpupumilit na ang mga taunang kapistahan, ang mga taunang “sabbaths,” ay sa paanuman “natapos na” sa krus.
Ang 144,000 ay hindi mga tagasira ng kautusan. Sila ay mga tagapanatili ng kautusan. Sa pakikinig sa payo ng Tunay na Saksi at binili sa Kanya ang ginto ng pananampalataya at pag-ibig, ang puting kasuotan ng Kanyang pagkamatuwid, at ang banal na pampahid sa mata, nakikita nila ang pamalagian ng lahat ng banal na kautusan. Inalala nila “ang Kautusan ni Moises, lingkod [ni Yahuwah], kasama ang mga palatuntunan at mga kahatulan.” Sinasamba nila ang Manlilikha sa ikapitong araw ng Sabbath at ibukod bilang mga banal na araw ang mga taunang kapistahan.
Ang ikapitong araw ng Sabbath at ang mga taunang kapistahan ay mga “kapistahan ni Yahuwah” lahat. Ang mga ito ay nabibilang sa Kanya. Ang 144,000 ay ipinakita ang lalim ng paglilinis na nagaganap sa kanilang mga puso sa sakdal na pagpapanatili ng banal na kautusan. Sila ay mga birhen, walang pandaraya sa kanilang mga bibig. Itinataas nila ang banal na kautusan at, gayong ginawa nina Juan Bautista at Elias bago sila, hinahangad na palapitin ang iba sa pagsisisi at pagtalima sa banal, banal na kautusan.
Si Yahushua, ang “Ikalawang Adan,” ay sakdal na pinanatili ang banal na kautusan sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang Ama. Ang 144,000, bilang isang matalinhagang “Babaing Ikakasal kay Kristo” ay, sa isang kahulugan, ang “Ikalawang Eba.” Sa ganap na pagsuko sa kalooban ni Yahuwah, at pananampalataya sa kanilang Tagapagligtas, ganap rin nilang pinanatili ang banal na kautusan. Ito ay hindi nagagawa sa kanilang pansariling kalakasan, kundi sa pamamagitan ng pananalig kay Yahushua.
Ang pantaong “pananampalataya” ay hindi sapat. Lahat ng magtatagumpay, ay ginagawa sa pamamagitan ng pananalig kay Yahushua, sapagkat ang pananalig Niya lamang ay subok na at nalinis sa mga apoy ng sakit. Ang pananalig ni Yahushua ay ang gintong pinalinis sa apoy.
At pagkatapos ay isang malakas na tinig sa Langit ang aking narinig: Dumating na ang pagliligtas, ang kapangyarihan, ang kaharian ng ating [Elohim], at ang pamumuno ng Kanyang Kristo, sapagkat naitapon na ang nang-uusig sa ating mga kapatid, siya na nagpaparatang sa kanila sa harap ng ating [Elohim] araw at gabi. Nagtagumpay sila laban sa kanya sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng salita ng kanilang patotoo. (Pahayag 12:10, 11)
“Ito ay panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sila na tumutupad sa mga utos ng [Elohim] at patuloy na sumasampalataya kay [Yahushua].” (Pahayag 14:12) Ang 144,000 ay nagiging sakdal na mga tagapanatili ng Kautusan kapag pinahintulutan nila si Yahushua na mamuhay sa kanila.
Ang 144,000, bilang mga tagapaghusay ng mga sira na ginawa sa banal na kautusan, ay sakdal na pinanatili ang kautusan sa pananalig kay Yahushua. Inalala nila ang Kautusan ni Moises at sumamba sa Manlilikha sa Kanyang mga sanlingguhang Sabbath gayon din sa Kanyang mga taunang kapistahan. Sa pagsunod sa payo ng Tunay na Saksi para sa mga Laodiceans, ang kanilang mga puso ay nagbagong-anyo tungo sa banal na larawan at sila’y naaangkop na mga katambal para kay Yahushua, mga tagapagmana ng Kaharian ng Langit.
Ngayon, habang ang imbitasyon ng awa ay patuloy pang nakabukas, piliing sumuko nang ganap sa kalooban ni Yahuwah. Piliin ngayon na maging kasapi ng 144,000. Sumama sa mga kapatid sa lahat ng panig ng mundo sa pagtaas sa kautusan ni Yah at parangalan ang Manlilikha sa pagsamba sa Kanya sa lahat ng Kanyang mga banal na araw.
Nauugnay na Artikulo at Video:
1 Lahat ng mga sanggunian ng Kasulatan ay kinuha mula sa Filipino Standard Version ng Bibliya maliban kung ipinahayag.
2 Ellen G. White, Desire of Ages, p. 300.
3 E. G. White, “Look to God for Wisdom,” Review & Herald, August 7, 1894.
4 The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words, p. 834.