Print

Ang 7 Trumpeta ng Pahayag

Ang pangunahing tampulan ng World’s Last Chance sa mga Trumpeta ay hindi ang eksaktong tyempo ng kanilang pagdating; sa halip, aming hiling na bigyang-diin ang pagtunog ng mga Trumpeta ay sa hinaharap, at magaganap bago ang pagtatapos ng probasyon. Ito ay salungat sa popular na pagtuturo na ang mga Trump eta ay natupad na, hindi lamang mali, kundi lubos na mapanganib, sapagkat iniiwan nito ang bayan ni Yahuwah na ganap na hindi handa sa mga mapaminsalang pangyayari na malapit nang maganap.

Ang mga sumusunod ay di-piksyong talaan ng mga kaganapan na nahulaan na mangyayari anumang araw. Ang talaan ay eksklusibong kinuha mula sa Aklat ng Pahayag. Habang papalapit na ang katuparan ng mga pangyayaring hinulaan, ito ay kalooban ng ating Ama na ang Kanyang mga anak ay ganap na maunawaan ang Aklat ng Pahayag kung saan inilalahad ang dapat malaman ukol sa mga huling kaganapan. Sa aklat na ito ay mayroong mga pinakamahalagang pangako, at mayroon ding . . . nakakikilabot na mga babala.

orasa at BibliyaAng ating mapagmahal na Ama ay nagsiwalat na malapit nang maranasan ng mundo ang hanay ng 14 na mga salot: Ang unang pito ay mga “trumpeta,” bilang huling panawagan sa sangkatauhan bago pa matapos ang probasyon, bibigyan ang bawat isa ng huling pagkakataon bago tuluyang magsara ang kanilang tadhana. Ang natitirang pito ay ang mga huling salot na tatama pagkatapos magsara ang probasyon, bago ang Muling Pagdating. Ang pinsala ng mga salot na ito ay hindi makikita bilang pambihirang kalamidad dulot ng kalikasan kundi mga dakilang babala. At ang kanilang pagbagsak ay malawakang mararamdaman.

Unang Trumpeta

Ang Unang Trumpeta ay malapit nang bumagsak sa mundo na gugulantang, magdudulot ng di inaasahang takot sa lahat ng tao. Ayon sa Pahayag 17, malapit na nating makita ang pagtama ng mga Trumpeta sa mundo, sa mabilis na pagkakasunod. Matapos ang pamumuno ni Benedict XVI, ang ikapitong hari, anumang oras ay tatama na ang mga Trumpeta sa mundo.

Ano ang nakasulat sa Bibliya na magaganap sa pagtama ng Unang Trumpeta sa mundo?

“Hinipan ng unang anghel ang kanyang trumpeta at umulan ng batong yelo at apoy na may halong dugo. Nasunog ang ikatlong bahagi ng lupa, ang ikatlong bahagi ng mga punongkahoy at lahat ng sariwang damo.” (Pahayag 8:7, MBB)

Magdudulot ang Unang Trumpeta ng pandaigdigang pagkawasak ng ikatlong bahagi ng mga punungkahoy at lahat ng sariwang damo. Para maunawaan ang pinsalang saklaw ng trumpetang ito, dapat nating malaman ang kasalukuyang krisis sa pagkaing hinaharap ng mundo:

Kahit na walang kaalaman ng nahulaang epekto ng sakuna ng Unang Trumpeta, maraming eksperto sa pagkain ang naniniwala na ang mundo ay malapit na mula sa nakagigimbal na pandaigdigang taggutom. Tinataya ng ilan na humigit-kumulang 1 bilyong tao sa iba’t-ibang panig ng mundo ang matutulog nang gutom bawat gabi.

taniman ng mais na nagpapakita ng matinding tagtuyotDaan-daang milyong sa buong mundo na bahagyang makaya na pakainin ang sarili ay tutuloy na hanapin ito nang mas mahirap na makabili ng kanilang pang-araw-araw na tinapay. Lahat sa buong mundo, ang mataas na presyo ng mga paninda ay nagtulak sa mga tao sa mga lansangan. Mataas na halaga ng pangunahing pagkain ang nababanggit bilang katalista para sa malawakang gulo sa Tunisia, na naging isang rebolusyon. Kumalat ang mga protesta sa Algeria, Morocco, Yemen at kapansin-pansin sa Egypt (pinakamalaking nag-aangkat ng trigo sa buong mundo) na humantong sa pagpapatalsik sa rehimeng Mubarak.

Ang araw ng pagtama ng Unang Trumpeta sa Daigdig, isang estado ng hindi mailarawang sindak ang mamamayani sa lahat ng bansa sa mundo at matatanto ng mga tao na ang mga pananim ng mundo at ikatlo ng lahat ng puno (kabilang na ang mga namumungang puno) ay ganap na mawawasak. Hindi kami maglalakas-loob na ipakita ang mga eksena ng kaguluhan na babalot sa mga siyudad ng mundo. Gayunman, ang mga sumusunod na pangyayari ay tiyak na magaganap matapos tumama ang Unang Trumpeta sa mundo.

Ang nahulaang salita ng ating Tagapagligtas ay literal na matutupad:

“Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. Ang mga tao'y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan . . .” (Lucas 21:25, 26, MBB)

Sa unang bahagi ng 2011, ang U.K. Telegraph ay nag-ulat na iba’t-ibang bansa mula sa Asya, Gitnang Silangan, at Hilagang Aprika, ay namimili ng bigas, trigo at iba pang butil sa daan-daang libong tonelada. Sa ibang mga kalagayan, tiyak silang bumibili hanggang sa isang taon. Mula saan sa mga bansang ito bibili ng mga butil na kailangan nila upang pakainin ang kanilang mamamayan kapag ang Unang Trumpeta ay tumama sa mundo? Anu-anong bansa ang nagnanais na iluwas ang kanilang limitado at itinabing tipon ng mga butil? Ilan pang mga rehime ang mababagsakan kapag ang kanilang mga lider ay umamin na sila’y walang kakayahang siguruhin maging ang pinakapangunahing pagkain para sa kanilang mamamayan matapos ang Unang Trumpeta?

Ang Unang Trumpeta ay susundan ng ikalawa, ikatlo at ikaapat. Ang ikalima hanggang ikapitong Trumpeta ay inilarawan bilang mga lagim. Ibig sabihin ang mga ito’y mas nakakatakot at mas mapaminsala kaysa sa anumang naranasan sa unang apat na mga Trumpeta.

“Pagkatapos ay nakita ko ang isang agilang lumilipad sa kalawakan, at narinig ko itong sumisigaw, “Kalagim-lagim! Kalagim-lagim! Talagang kalagim-lagim ang sasapitin ng lahat ng nasa lupa pagtunog ng mga trumpetang hihipan ng tatlo pang anghel!” (Pahayag 8:13, MBB)

“Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig [ni Yahuwah], huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong kayo'y maghimagsik [kay Yahuwah].” (Hebreo 3:15, MBB)

Ngayon ang iyong pagkakataon na tumigil sa pagtalikod kay Yahuwah at tanggapin ang Kanyang huling panawagan ng awa, kung saan ika’y tinubos Niya sa walang hanggang gugol, ang mahalagang dugo ng Kanyang bugtong na Anak. Ngayon ang iyong pagkakataon na maging matalino sa tungkulin ng iyong walang hanggang kaligtasan. Bakit mo aayawan ang walang hanggang korona at buhay, para sa makamundong bagay na magiging isang abo?

“Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ang maibibigay ng isang tao kapalit ng kanyang buhay?” (Mateo 16:26, MBB)

Ngayon ang iyong pagkakataon na sandatahan ang iyong sarili ng Kanyang mga pangako ng proteksyon na manatili sa nalalapit na pagdating ng mga Trumpeta, na magdudulot ng pagkawasak sa buong mundo. Tutungo ka ba sa apat na Trumpeta at tatlong Lagim nang walang proteksyon at kalinga Niya? Ang pangako ay para sa sinumang itinuring si Yahuwah na kanilang bato ng kanlungan.

“Sapagkat si [Yahuwah] ang iyong ginawang tagapagsanggalang, at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan. Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa Kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.” (Mga Awit 91:9-11, MBB)


Ikalawang Trumpeta

Bago pa tumama ang Unang Trumpeta sa lupa, ang mundo’y una nang ‘nasa dulo’ ukol sa seguridad sa pagkain. Ngayon, 1 bilyong tao ang naghihirap mula sa pagkagutom. Hindi mahirap na isipin ang talamak na pandaigdigang kakulangan sa pagkain na haharapin natin matapos tumama ang Unang Trumpeta.

Sa pagtama naman ng Ikalawang Trumpeta sa Daigdig, ang pandaigdigang kakulangan sa pagkain ay mas magiging malala:

“Hinipan ng ikalawang anghel ang kanyang trumpeta at bumagsak sa dagat ang isang parang malaking bundok na nasusunog. Naging dugo ang ikatlong bahagi ng dagat, namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na naroon at nawasak ang ikatlong bahagi ng mga sasakyang-dagat.” (Pahayag 8:8-9, MBB)

Inilarawan ang Ikalawang Trumpeta na isang nasusunog na bundok (o malaking bulalakaw) na babagsak sa dagat na magdudulot ng hindi mailarawang pagkawasak sa ekolohiya.

Ang mga resulta ay:

Ang kamatayan ng ikatlong bahagi ng lahat ng nilalang sa dagat ay dulot ng mataas na likas na nakalalason at nagliliyab na tumpok o ang gupitang salpok sa ilalim ng dagat. Magdudulot ang Ikalawang Trumpeta ng ina ng lahat ng tsunami na wawasak sa ikatlong bahagi ng lahat ng sasakyang pandagat, mga nasa 18,000 komersyanteng barko ay maglalaho sa kailaliman ng karagatan sa loob lamang ng isang araw. Ito lamang ay magpapalala sa pandaigdigang taggutom, at magpapabilis ng pagkalat ng mga sakit.

Sinasabi ng mga dalubhasa sa agham na maraming mga bulalakaw ang bumagsak na sa mundo sa ating kasaysayan at patuloy na mangyayari sa ibang panahon. Ngayon, kinatatakutan ng mga dalub-agham ang malaking batong napapaligiran ng libu-libong patay na isda ang bumalot sa dalampasigantakaw-apoy na gas na babagsak sa Daigdig. Habang papasok ito sa atmospera, mag-aapoy ang gas para gawin itong isang napakalaking bola ng apoy. Bumuo ang NASA ng mga planong i-nuke ang banta ng mga bulalakaw sa walang tauhan na “nuclear interceptor” na lunawan bago pa bumagsak sa mundo. Gayunman, walang pakikialam ng tao ang magtatagumpay na pigilin ang nag-aalab na bulalakaw ng Ikalawang Trumpeta.

Noong Enero 7, 2002, mayroong astronomikal na tawag ng panganib mula sa isang asteroid na 300 metro ang haba [984.25 na talampakan], halaglag na masyadong malapit sa mundo. Ang asteroid, pinangalanang YB5, ay may sapat na laki na burahin sa mapa ang isang bansa kasinglaki ng Pransya. Upang makuha ang lawak ng pinsala na humantong mula sa mga pagbagsak ng mga asteroid ng iba’t-ibang laki, ang mga dalub-agham sa pagpupulong noong 1981 patungkol sa malawakang pagkalipol ay nagbigay ng mga sumusunod na pangyayari:

Kung ang ganung asteroid ay tatama sa Golpo ng Mexico, ang mga alon ay magdudulot ng pagbaha sa siyudad ng Kansas! Ang mga alon ay pipinsala sa pandaigdigang pambarko at maraming siyudad sa dalampasigan. (Source: Gerrit L. Verschuur, “The End of Civilization?” Astronomy 19, no. 9 (September 1991): 50-54.)

Ano ang layunin ng mga Trumpetang ito?

Ang ating mapagmahal na Ama sa Kalangitan, Yahuwah, ay dinisenyo na ang mga Trumpeta ay magsisilbing Kanyang huling tangkang kunin ang atensyon ng bawat taong nabubuhay sa lupa bago pa Niya isara ang probasyon ng sangkatauhan magpakailanman. Bago ang ating Tagapagligtas, Yahushua, muling bumalik, ang “Mabuting Balita ng kaharian ay ipapangaral sa buong sanlibutan.” (Mateo 24:14) Nakalulungkot, gayunman, karamihan ngayon ay masyadong abala para kunin na oras na makinig sa huling panawagan ng awa ni Yahuwah.

May mga sakunang nangyayari sa lahat ng sulok ng mundo na nagsisilbing malinaw na senyales ng papalapit na pagsasara ng probasyon, subalit karamihan ay pinapalabas ang mga ito bilang mga pambihira ng kalikasan. Ang kaisipan ng tao, babad sa kamunduhan at mga tradisyon ng tao, umiiwas sa kanila ngayon para marinig at tanggapin ang mabuting balita. Ngunit malapit na, gagambalain ni Yahuwah ang pamumuhay ng sangkatauhan sa lupa at hahamunin ang paraan ng kanilang kaisipan sa paraan ng mga Trumpeta.

Kaharap ang katunayan ng kamatayang puwesto sa mga Trumpetang ito, bawat nabubuhay ay dapat gumawa ng desisyon na sino ang dapat sundin: Yahuwah o Satanas. Pagkatapos lamang ang huling tao ay ginawa ang kanilang huling desisyon ay probasyon ay magsasara na magpakailaman, at ang kapalaran ng bawat nabubuhay ay selyado na. Ang Tagapagligtas ay darating sa ikalawang pagkakataon upang muling buhayin ang mga matuwid na namatay at kasama ang mga matuwid na nabubuhay pa, ay dadalhin sa Langit.


Ikatlong Trumpeta

“Hinipan ng ikatlong anghel ang kanyang trumpeta at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituing nagliliyab na parang sulo, at bumagsak sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal. Ang bituin ay tinatawag na Kapaitan. Pumait ang ikatlong bahagi ng tubig, at maraming tao ang namatay pagkainom nito.” (Pahayag 8:10, 11, MBB)

Sa pagtunog ng Ikatlong Trumpeta, mayroon na namang napakalaking bulalakaw ang babagsak mula sa kalangitan gaya ng sulo. Babagsak ito sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal ng tubig, magdudulot sa ikatlong bahagi ng sariwang tubig ng daigdig na maging mapait. Marami ang mamamatay mula sa pag-inom ng napakapait at nakalalasong tubig na ito.

Ang “dakilang bituin”, o ang nagliliyab na bulalakaw, ay tinawag na “Kapaitan.” Ang pangalan ay kumakatawan sa nakalalasong makahoy na halaman, na may malakas na masamyong amoy at sukdulang pait ng lasa. Sa Bibliya, ang halamang ito ay sumisimbulo ng dakilang kalamidad at kalungkutan.

Ang salot ng Ikatlong Trumpeta ay nahulaan ni Propeta Jeremias sa sumusunod na taimtim na babala:

“Sumagot si [Yahuwah], ‘Nangyari ito sapagkat tinalikuran ng aking bayan ang kautusang ibinigay ko sa kanila at hindi sila sumunod sa akin. Sa halip, nagmatigas sila at sumamba sa diyus-diyosang si Baal, gaya ng itinuro ng kanilang mga magulang. Kaya, akong si [Yahuwah], ang Makapangyarihan sa lahat, ang [Eloah] ng Israel, ganito ang gagawin ko. Mapapait na halaman ang ipapakain ko sa kanila at tubig na may lason ang ipapainom ko sa kanila.’ “ (Jeremias 9:13-15, MBB)

Kaya, nakita natin na sa panahon ng ikalawa at ikatlong Trumpeta, ang tubig-tabang at tubig-alat ay lubos na nakontaminado. Sa dalawang salot na ito, ikatlong bahagi ng lahat ng tubig ng mundo ang hindi na magagamit; ang tubig-alat ay naging dugo sa Ikalawang Trumpeta at ang tubig-tabang ay naging mapait sa Ikatlong Trumpeta. At saka ang dalawang Trumpetang ito ay malamang lumikha ng napakalaking polusyon sa hangin. Alam natin na ang mga bulalakaw ay lubos na nakalalason. May mga ulat ng nakalalasong kemikal at radyasyong ibinuga mula sa mga maliit na bulalakaw na tumama sa mundo sa mga nakalipas.

Noong Setyembre 18, 2007, naglathala ang Living in Peru ng isang artikulo kasama ang sumusunod na ulo ng balita: “Mga Opisyal ng Pulis ay Naospital Matapos Mangolekta ng Muwestra ng Meteorite sa Peru.” Ayon sa Government News Agency ng Peru, hindi bababa sa pitong pulis ang naapektuhan matapos nilang makolekta ang mga muwestra mula sa pinagbagsakan ng pinaniniwalaang bulalakaw. (http://archive.peruthisweek.com/news-4724-environmentnature-police-officers-hospitalized-after-collecting-meteorite-samples-peru)

sapa sa bundokWala nang katanungan na ang pagbagsak ng dakilang bulalakaw ng Ikatlong Trumpeta ay hahantong sa pagkasira ng pinagkukunan ng sariwang tubig: mga ilog, bukal, at lawa. Ngayon, bago pa ang mapaminsalang mga epekto ng Ikatlong Trumpeta, mayroon nang pandaigdigang krisis sa sariwang tubig. Narito ang ilan sa mga katunayan:

Ang mga ilog at lawa sa lahat ng panig ng mundo ay kontaminado na ngayon mula sa:

Kapag ang Ikatlong Trumpeta ay tumama sa mundo matapos ang unang dalawang Trumpeta, ang kasalukuyang krisis sa sariwang tubig-inumin ay labis na palalalain at kinumpirma ng Bibliya na marami ang mamamatay dulot ng salot na ito.

Naniniwala kami na ang mga Trumpeta ay malapit nang bumagsak, simula nang ang paghahari ni Benedict XVI, ang ikapitong hari, ay tumungo sa katapusan. Ang nakasisindak na pagbibitiw ni Benedict XVI ay ganap na katuparan ng anong nahulaan ni Yahushua kay Juan ukol sa paghahari ng ikapitong hari. Ito ay “sandali lamang” (Pahayag 17:10).

sina Pope Benedict XVI (ikapitong hari) at Pope Francis I (ikawalong hari)

Hindi nabibigo ang Salita ni Yahuwah; naghari lamang si Benedict XVI sa loob ng 8 taon. Tayo ay nabubuhay na sa pamumuno ng ikawalong “hari” (Francis I), ang huling papa ayon sa Pahayag 17.

Hindi nabibigo ang Salita ni Yahuwah; naghari lamang si Benedict XVI sa loob ng 8 taon. Tayo ay nabubuhay na sa pamumuno ng ikawalong “hari” (Francis I), ang huling papa ayon sa Pahayag 17. Ayon sa Pahayag 17:8, ang ikawalong hari ay lilitaw mula sa “banging napakalalim.” Ibig sabihin nito’y kokontrolin siya ni Satanas sa antas na hindi nakita sa naunang 7 hari; sapagkat siya ang huling papa.

Sa Bibliya, ang trumpeta ay sumisimbulo sa babala. Sa Aklat ng Pahayag, ang mga Trumpeta ay kumakatawan sa nakagigimbal na babala mula kay Yahuwah, ipinahayag na ang probasyon para sa lahat ng sangkatauhan ay malapit nang magsara. Sa pamamagitan ng mga Trumpeta, gagawin ni Yahuwah na kunin ang atensyon ng sangkatauhan at ilipat ang ating kaisipan sa nalalapit na katapusan at ang kahalagahan ng pagtanggap ng Kanyang huling panawagan ng awa.

Ngayon … tatanggapin mo ba ang Kanyang mapagmahal na panawagan ng awa? Ang gagawin mo lamang ay kilalanin mo ang iyong kasalukuyang makasalanang kondisyon, at matanto ang iyong pangangailangan kay Yahushua. Tanggapin Siya bilang Panginoon ng iyong buhay at Tagapagligtas ng mundo! Ang desisyon ay nasa iyo. Nanatili si Yahuwah na palawakin ang Kanyang alok ng pag-ibig at awa sa’yo ngayon mismo!

“Hipan ang trumpeta sa buong lupain! Isigaw nang malinaw at malakas: ‘Mga taga-Juda at taga-Jerusalem, magsipasok kayo sa inyong mga kublihang lunsod. Ituro ang daang patungo sa Zion! Magtago na kayo at huwag magpaliban! Mula sa hilaga'y magpapadala si [Yahuwah] ng lagim at pagkawasak.’ “ (Jeremias 4:5, 6, MBB)

“Kasalanan na nila kung mamatay sila sapagkat hindi nila pinansin ang babala; maliligtas sana sila kung sila'y nakinig.” (Ezekiel 33:5, MBB)


Ikaapat na Trumpeta

Kahit pa matapos ang mga naninirahan sa mundo ay nasaksihan ang mapaminsalang pagsipa ng unang tatlong Trumpeta, marami pa rin ang tumatangging kilalanin ang mga kalamidad na ito ay mga banal na babala. Napakainteresadong itala na habang ang karamihan sa mga relihiyosong tao ngayon ay naniniwala sa nag-iisang Elohim at kinikilala na Siya ang may kontrol sa lahat ng nangyayari sa mundo, kaunti lamang ang gumuguhit na tuwid na linya mula sa paniniwalang ginagamit ni Yahuwah ang kalikasan upang magpataw ng mga hatol at magpadala ng mga mensahe ng babala sa ating lahat.

resulta ng pagtama ng tsunami sa Hapon (Marso, 2011)

Resulta ng pagtama ng tsunami sa Hapon (Marso, 2011)
Pinagmulan: http://www.politico.com/news/stories/0311/51409.html

Anumang oras, isang koneksyon ang ginawa sa pagitan ng mapaminsalang pangyayari at ang banal na hatol o babala, maraming tao ay nakikita ito na nakagagalit. Ang gobernador ng Tokyo, Shintaro Ishihara, ay humingi ng paumahin sa pagtawag sa nangyaring magnitude-9 na lindol na “banal na kaparusahan” para sa mga egoismong Hapon. Sa lamay ng kamakailang lindol at tsunami sa Hapon, ang Public Religion Research Institute ay nagsagawa ng survey; nakita na kaunti ang naniniwala na pinaparusahan ni Yahuwah ang mga bansa para sa kanilang kasalanan o ang mga lindol, bagyo, pagbaha, at iba pang sakuna ng kalikasan ay nilalayon na maging mga signos at mensahe ng babala mula sa ating mapagmahal na Ama sa Kalangitan. Karamihan sa mga tao ngayon nais na makita ang mga sakuna bilang pangyayari likha ng kalikasan sa halip na babalang higit sa karaniwan. Kaya, kanilang isinaalang-alang ang kalubhaan ng mga sakuna bilang ebidensya ang pandaigdigang pagbabago ng kilma, at hindi bilang patunay ng nahulaan sa Bibliya na mga pangyayaring pangkatapusan.

Naniniwala kami na kapag ang Ikaapat na Trumpeta ay tumama sa mundo, ang pagtingin na karamihan sa mga sakuna ay karaniwan, sa halip na higit sa karaniwan, ay magbabago magpakailanaman. Makikita ng sangkatauhan ang mga mapaminsalang ito kung ano talaga sila: mga banal na pamamagitan nilalayon bilang mga babala at hatol mula sa ating mapagmahal na Ama sa Kalangitan. Sapagkat masasaksihan ito nang malinaw sa Ikaapat na Trumpeta, at kaya, ang mga naunang tatlong Trumpeta ay mismong mga taimtim na mga babala ang hatol ng dakilang kahalagahan.

Ating basahin kung anong mangyayari sa pagtama ng Ikaapat na Trumpeta sa mundo:

“Hinipan ng ikaapat na anghel ang kanyang trumpeta at napinsala ang ikatlong bahagi ng araw, ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng mga bituin, kaya't nawala ang ikatlong bahagi ng kanilang liwanag. Nagdilim ang ikatlong bahagi ng maghapon, at walang tumanglaw sa ikatlong bahagi ng magdamag.” (Pahayag 8:12, MBB)

Sa pagtunog ng Ikaapat na Trumpeta, magpapadala si Yahuwah ng hatol sa kalangitan at sa mga mismong liwanag sa kalangitan; tatamaan Niya ang tatlong pangunahing pinanggalingan ng liwanag sa ikatlong bahagi. Ito ay magiging mas nakakatakot at kagimbal-gimbal na pangayayari; ang araw ay ganap na didilim sa ikatlong parte ng araw, at ang buwan at mga bituin ay didilim sa ikatlong parte ng gabi. Sa puntong ito, wala nang may kakayahang angkinin na ang mga mapaminsalang pangyayaring ito ay simpleng mga kahihinatnan ng pandaigdigang pagbabago ng klima. Lahat ay matatakot at walang imik.

Ang sumusunod na nahulaang mga salita ay literal na matutupad sa pagtama ng Ikaapat na Trumpeta:

 “Sa araw na iyon, manghihina ang lahat ng kamay. Manlulupaypay ang lahat ng tao, ang lahat ng tao'y masisindak, at manginginig sa takot, makadarama sila ng paghihirap, tulad ng isang babaing manganganak. Matatakot sila sa isa't isa; mamumula ang kanilang mukha dahil sa kahihiyan.” (Isaias 13:7, 8, MBB)

negosyanteng malalim ang iniisipNakagigimbal din gaya ng unang apat na Trumpeta, mas nakahihigit ang huling tatlong Trumpeta. Tinatawag silang mga “Lagim” sapgkat ang kanilang pinsala ay sobrang tindi at hindi mailarawan.

Ang ating mapagmahal na Ama ay naghahanap na bigyan tayong lahat ng isang huling pagkakataon bago magsara ang probasyon. Karamihan ay makamundo sa kanilang iniisip at mga plano. Sila’y masayang namumuhay at mamatay sa mundong ito, at mayroong ipinagkatiwalang walang-hanggang katunayan sa isang malayong pagkauna. Ito ay nangyayari habang si Yahuwah ay malapit nang tapusin ang probasyon ng sangkatauhan; kaya, ang mga Trumepta ay Kanyang huling pagkakataon na gisingin ang sangkatauhan mula sa kanilang espiritwal na kahinaan at kawalang-malay.

Isusuko mo ba ang iyong puso kay Yahuwah ngayon at magsisi sa mga pagkakasala? Gagawin mo ba Siya bilang Panginoon mo sa puso’t isipan? Ang ating mapagmahal na Ama ay ginagawa ang lahat upang makatulong sa atin ang pribilehiyo ng walang-hanggang buhay. Gayunman, kailangan nating tanggapin ang Kanyang alok at maghanda sa darating na buhay. Ang paghahanda sa puso’t isipan ay dahan-dahan. Ang lalong madaling makapagsimula Siya sa proseso ng paglilinis ng ating mga puso at pamumuhay sa pagkakasala at kamunduhan, mas marami at mas tiyak na mapagtatagumpayan natin ang lahat ng hadlang sa ating paglalakbay tungo sa kalangitan.

“Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y unang sumampalataya sa Panginoon. Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti. Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. Gawin ninyo ang Panginoong [Yahushua] bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.” (Roma 13:11-14, MBB)


Ikalimang Trumpeta (Unang Lagim)

Ang Makademonyong Paglusob ng mga Banyaga mula sa Ibang Planeta...

“Pagkatapos nito'y nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan [ni Yahuwah] at binigyan ng trumpeta ang bawat isa sa kanila. . . . Kinuha ng anghel ang sunugan ng insenso, pinuno ito ng apoy mula sa dambana, at inihagis sa lupa. Biglang kumulog, dumagundong, kumidlat at lumindol. At humanda ang pitong anghel na may pitong trumpeta upang hipan ang mga ito.” (Pahayag 8:2, 5, 6, MBB)

Ang sunugan ng insenso na inihagis ng anghel sa lupa ay sagot sa “panalangin ng mga hinirang” “ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita [ni Yahuwah] at dahil sa pagpapatotoo nila rito” na nagtanong, “O Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat! Gaano pa katagal bago ninyo hatulan at parusahan ang mga tao sa daigdig na pumatay sa amin?” (Pahayag 8:4; 6:9, 10, MBB) Ito ay ang unang hakbang, indikasyon na simula na ng paghihiganti ni Yahuwah sa ngalan ng Kanyang mga matapat na anak. Sa gawang ito, ang mga huling pangyayari ay magsisimula na hahantong sa pagsasara ng probasyon kapag si Yahushua, ang ating Panginoon, ay ihahagis ang Kanyang kumakalingang insensaryo sa huling panahon at ang tinig ni Yahuwah ay malakas na maririnig na nagsasabing, “Naganap na.” (Pahayag 16:17, MBB)

Ang unang apat na Trumpeta ay mga tumataas na panawagan. Gayunman, ang natitirang huling tatlong Trumpeta ay lalagpasan ang kalubhaan ng unang apat na Trumpeta; kaya sila tinatawag na mga “Lagim.”

“Pagkatapos ay nakita ko ang isang agilang lumilipad sa kalawakan, at narinig ko itong sumisigaw, “Kalagim-lagim! Kalagim-lagim! Talagang kalagim-lagim ang sasapitin ng lahat ng nasa lupa pagtunog ng mga trumpetang hihipan ng tatlo pang anghel!” (Pahayag 8:13, MBB)

Una na tayong binigyan ng babala, na sa mga huling araw, gagawa si Satanas ng “lahat ng uri ng mapanlinlang na mga himala at kababalaghan. . . [at mga] pandaraya sa mga mapapahamak. . .” (2 Tesalonica 2:9, 10, MBB) Sa liwanag nito, ating siyasatin ang paglalarawan ng Ikalimang Trumpeta – ang Unang Lagim:

“Hinipan ng ikalimang anghel ang kanyang trumpeta at nakita kong nahulog sa lupa ang isang bituin; ibinigay rito ang susi sa bukana ng napakalalim na hukay. Binuksan ng bituin ang napakalalim na hukay . . .” (Pahayag 9:1, 2, MBB)

bilangguan ng mga masasamang anghel (napakalalim na hukay) 

Magsisimula ang Ikalimang Trumpeta sa sunud-sunod na kaayusan kapag ang unang apat na Trumpeta ay natapos na. Inaasahan namin na magaganap ito sa paghahari ni Pope Francis I, ikawalong “hari” ng Pahayag 17. Binigyang kahulugan ng Kasulatan “napakalalim na hukay” bilang bilangguan ng mga masasamang anghel:

“Nagmakaawa kay [Yahushua] ang mga demonyo na huwag silang itapon sa kalalimang walang hanggan.” (Lucas 8:31, MBB)

Ang mga salitang “kalalimang walang hanggan” sa Lucas 8:31 at “napakalalim na hukay” sa Pahayag 9:1 at 17:8 ay magkaparehong galing sa salitang Griyego na “abussos.” Kapag ibinigay kay Satanas “ang susi sa bukana ng napakalalim na hukay,” maaari siyang makapagpalabas ng kanyang mga masasamang anghel na pinahintulutan ni Yahuwah. Tandaan, na noong bumagsak si Satanas, ikatlo ng lahat ng anghel sa kalangitan ay bumagsak kasama niya dahil naniniwala sila sa kanyang mga kasinungalingan (Pahayag 12:4).

“Binuksan ng bituin ang napakalalim na hukay at may lumabas na makapal na usok, tulad ng usok ng malaking hurno, kaya't nagdilim ang araw at ang himpapawid. Mula sa usok ay may naglabasang mga balang na kumalat sa lupa. . .” (Pahayag 9:2, 3, MBB)

Indikasyon ito na ang paglusob ng mga demonyo ay napakatindi kaya ang araw at himpapawid ay magdidilim… “tulad ng usok ng malaking hurno.” Sa pagbabasa sa paglalarawan ng “mga balang,” dapat nating tandaan, gaya ng mga mabubuting anghel, ang mga demonyo (masasamang anghel) ay may kakayahang gayahin ang pisikal na kaanyuan ninanais nilang makuha ayon sa kanilang mga layunin:

“Hindi ito kataka-taka sapagkat si Satanas man ay nagkukunwaring anghel ng liwanag. Kaya, hindi kataka-taka na ang kanyang mga lingkod ay magkunwaring lingkod ng katuwiran. Ang kanilang kahihinatnan ay ayon lamang sa kanilang mga gawa.” (2 Corinto 11:14, 15, MBB)

“Ang anyo ng mga balang ay tulad sa mga kabayong handa na sa pakikipagdigma. Sa kanilang ulo ay may parang koronang ginto, at parang mukha ng tao ang kanilang mukha. Parang buhok ng babae ang kanilang buhok at parang ngipin ng leon ang kanilang mga ngipin. Natatakpan ng parang mga baluting bakal ang kanilang dibdib at ang pagaspas ng kanilang pakpak ay parang dagundong ng maraming karwaheng hila ng mga kabayong lulusob sa labanan.” (Pahayag 9:7, 9, MBB)

alien ng HollywoodAng kaayusan ng mga demonyong ito mula sa napakalalim na hukay ay magkahawig sa:

Gagawa sila ng dakilang ingay sa kanilang paglipad.

Ang paglalarawan ng mga balang na ito ay kapansin-pansin ang pagkakapareho sa mga larawan ng isang alien (banyaga) na ang mapagtiwalang publiko ay naging lunod sa pang-araw-araw. Kaya si Satanas, sa pamamagitan ng Hollywood ay ikinukondisyon ang karamihan na mas mahusay kaysa sa pangunahing medya ng pamamahayag. Aming pinagtibay na ang ina ng LAHAT ng panlilinlang ni Satanas ay magsisimula sa mga demonyo ng napakalalim na hukay na kukunin ang anyo ng mga alien na lulusob sa lupa sa layuning saktan ang sangkatauhan.

Sa loob ng libu-libong taon ngayon, naghahanda si Satanas para sa mapanlinlang na paglusob na ito upang ikondisyon ang mga naninirahan sa mundo na tanggapin ang maling paniniwala na may ibang ekstraterestriyal na masamang nilalang sa sanlibutan. Sa kadahilanang ito, magtatagumpay si Satanas sa malawak na sukat sa pagliglig sa mga paniniwalang pangrelihiyon ng sinumang matutuhan ang maling katuruang ito. Halos ang buong mundo ay maniniwala na tayo’y inaatake ng mga banyaga mula sa kalawakan sa halip na inaatake tayo ng mga mismong masasamang anghel ni Satanas.

 “. . . Binigyan sila ng kapangyarihang tulad ng sa mga alakdan. . . . Hindi pinahintulutan ang mga balang na patayin ang mga taong ito, kundi pahirapan lamang sa loob ng limang buwan. Parang kagat ng alakdan ang kirot na dulot ng mga balang na ito.” (Pahayag 9:3, 5, MBB)

Ang mga makademonyong banyagang ito ay aatakihin ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga buntot, at ang mga sintomas ay pareho sa mula sa buntot ng nakalalasong kamandag ng alakdan. Kabilang sa mga sintomas ng kagat ng alakdan ay: nag-aalab na sakit, pakiramdam ng pagkainis, mabilis na paghinga, pamamanhid, hirap makapagsalita at bumuo ng pangungusap, pulikat sa kalamnan, pagbaltak, at kahinaan.

“Sa loob ng panahong iyon, hahanapin ng mga tao ang kamatayan ngunit hindi ito matatagpuan. Nanaisin nila ang kamatayan ngunit lalayuan sila nito. . . Sila [mga balang] ay may mga buntot na may tulis gaya ng sa alakdan. Nasa buntot nila ang kapangyarihang manakit ng mga tao sa loob ng limang buwan.” (Pahayag 9:6, 10)

alien ng Hollywood

Si Satanas, sa pamamagitan ng Hollywood ay ikinukondisyon ang
karamihan na yakapin ang panlilinlang.

Ang paghihirap na ito ay magtatagal ng limang buwan (150 araw). Marami ang maghahanap na wakasan ang kanilang mga buhay sa halip na magtiis sa paghihirap na ito, ngunit walang kakayahang gawin ito. Subalit mayroong proteksyon sa mga ginawa si Yahuwah na kanilang kanlungan.

“Ipinagbilin sa kanila [mga balang] na huwag sirain ang mga damo, punongkahoy o anumang halaman. Ang mga tao lamang na walang tatak [ni Yahuwah] sa noo ang maaari nilang saktan.” (Pahayag 9:4, MBB)

Pipigilan ni Yahuwah ang mga makademonyong banyaga na saktan ang lahat na mayroong tatak ng Kanyang proteksyon. Ang tatak na ito ay ibinigay sa mga nabubuhay nang ganap sa pag-alinsunod sa Kanyang kalooban. Ang mga makademonyong banyaga ay hindi sisirain ang mga halaman o punungkahoy.

“Ang pinuno nila'y ang anghel na bantay sa napakalalim na hukay. Ang kanyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abadon, at sa wikang Griego'y Apolion.” (Pahayag 9:11, MBB)

TANDAAN: Sa ngayon hindi pa si Pope Francis, ngunit malapit nang maging “halimaw” ng Pahayag 17:8, 11

Bumagsak si Satanas mula sa Langit na tinawag na Abadon / Apolion. Sa panahon ng Unang Lagim, makikipag-usap si Pope Francis na magkaroon ng kapayapaan sa katapusan ng 150 araw / 5 buwan [ang nahulaan limang buwan [Pahayag 9:3, 5]]. Bibigyan siya ng dakilang popularidad / pagtanggap ng karamihan sa mundo na walang kamalayan ng propesiyang ito at ang popularidad o pagtanggap na ito ay magbibigay kay Satanas ng mahalagang pagkakataon na ganap na kontrolin si POPE FRANCIS, magiging huling SUWAIL/ANTIKRISTO/HALIMAW, at lilitaw sa napakalalim na hukay………….

“Ang halimaw na nakita mo ay buháy noong una ngunit patay na ngayon; muli itong lilitaw buhat sa napakalalim na hukay at tuluyang mapapahamak. Ang mga taong nabubuhay sa lupa, na ang pangalan ay hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay mula pa nang likhain ang sanlibutan, ay manggigilalas kapag nakita nila ang halimaw, sapagkat pinatay na siya ngunit muling lilitaw. . . . At ang halimaw na buháy noong una ngunit ngayo'y wala na ay isa sa pitong hari at siyang magiging ikawalo. Siya ay patungo sa kapahamakan.” (Pahayag 17:8, 11, MBB)

Ibinigay ng Pahayag 17 na ang sandaling paghahari ng ikapitong hari ay dumating na sa katapusan, susundan ng paghahari ng ikawalo. Siya ang magiging huling hari/halimaw na maghahari. Nakita natin sa ating mga mata, ang biglaang pahayag ng pagbibitiw ni Benedict XVI, ang katapusan ng pamumuno ng ikapitong hari. Si Pope Francis ang Ikawalong Hari ng Pahayag; siya ang huling papa at magdudulot ng mas matinding kapahamakan.

Ang ikawalong hari ay ganap na makokontrol ni Satanas, at ilalagay sa posisyon na tanging tao na may kakayahang makipag-usap na tapusin ang paglusob sa mundo. Dahil dito, tatanggapin niya ang posisyon bilang “tagapagligtas ng mundo,” magbibigay sa kanya ng kapangyarihan sa lahat ng mga lider ng mundo na ipatupad ang pandaigdigang Kautusan ng Araw ng Linggo, upang iangat ang huwad na Sabbath batay sa huwad na kalendaryo.

Hindi malabisan ng kalkula ang kasindak-sindak na paghihirap sa unang apat na Trumpeta at ang nakapangingilabot na sakit na mararanasan sa Ikalimang Trumpeta (Unang Lagim). Subalit, “Nakaraan na ang unang lagim; dalawa pang lagim ang darating.” (Pahayag 9:12, MBB)

hawak ng ina ang kanyang anakNgayon, mayroon tayong pagkakataon na tanggapin ang mga pangako ng tatak ng proteksyon ni Yahuwah kapag pinili natin Siya na maghari sa ating mga puso. Sa Kanyang tunay na tagasunod, kinumpirma ni Yahuwah sa panahon at muli ang sumusunod na mga pangako:

“Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay Akin. Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok. Sapagkat Ako si [Yahuwah] na iyong [Eloah], ang Banal na [Eloah] ng Israel na iyong Tagapagligtas. . . Sapagkat mahalaga ka sa Akin; mahal kita, kaya't pararangalan kita. Huwag kang matakot, sapagkat Ako'y kasama mo! Titipunin Ko kayo mula sa dulong silangan hanggang sa kanluran, at ibabalik Ko kayo sa inyong dating tahanan.” (Isaias 43:1-5, MBB)

Pipiliin mo bang matatakan ni Yahuwah? Tatanggapin mo ba ang Kanyang huling panawagan ng awa habang posible pa?

“Kapag ngayon ang tinig [ni Yahuwah] ay narinig ninyo, huwag patigasin ang inyong mga puso . . .” (Hebreo 3:7, 8, MBB)


Ikaanim na Trumpeta (Ikalawang Lagim)

Ang 60-Minutong Pagpatay ng Ikatlo ng Sangkatauhan...

Balikan ang Ikaalimang Trumpeta bago tumungo sa Ikaanim na Trumpeta:

Sa panahon ng Ikalimang Trumpeta, ang mundo’y nilusob ng mga demonyo sa anyo ng mga banyaga sa ibang planeta. Sa pagtatapos ng limang buwan, ikokondisyon ang mundo sa paniniwala na ang katapusan ng paglusob ay magagawa lamang ng Papa Francis Idirektang pakikihalo ng ikawalong “hari,” Papa Francis I. “Makikipagnegosasyon” si Francis sa mga banyaga sa pagsisikap na “tapusin” ang kanilang paglusob. Sila’y “sasang-ayon” na umalis sa ibinigay na araw (eksaktong limang buwan matapos ang kanilang paglusob, na hinulaan sa Pahayag 9:5). Matapos tapusin ng mga banyaga ang kanilang paglusob, lahat ng mga lider ay pupurihin si Francis bilang tagapagligtas ng mundo at galak na “ipapailalim nila sa halimaw ang kanilang kapangyarihan at karapatan.” (Pahayag 17:13, MBB)

Ang ikawalong hari, Pope Francis, ay agad at walang anumang pagtuligsa na simulan ang “kasuklam-suklam na kalapastanganan” (Daniel 12:11), isang kautusang ipapatupad sa buong mundo ukol sa pagpapabanal sa araw ng Linggo, ang pagsisimula rin ng panahon ng tatlo’t kalahating taon na nahulaan sa Pahayag 11:3.

“Isusugo ko ang dalawa kong saksi na nakadamit ng sako, at sa loob ng isang libo, dalawandaan at animnapung araw [tatlo’t kalahating taon] ay ipahahayag nila ang mensaheng mula sa [Elohim].” (Pahayag 11:3, MBB)

Magsisimula ang tatlo’t kalahating taon kapag ang araw ng Linggo ay ipinatupad bilang batas matapos ang Ikalimang Trumpeta, at magwawakas kasama ang pagsasara ng probasyon ng sangkatauhan sandaling panahon matapos ang pagtunog ng Ikaanim na Trumpeta. Ito ay magiging panahon ng pinakamatinding kahirapan sa bayan ni Yahuwah at ng mundo.

“. . . Magkakaroon ng matinding kahirapang hindi pa nangyayari kailanman.” (Daniel 12:1, MBB)

Ang mga matapat kay Yahuwah, sapanahong iyon, ay “nahulaan” (babala ng mga Trumpeta at mga salot na darating at umaapela ng pagsisisi) na “nakadamit ng sako.” (Ang damit na sako ay kumakatawan sa sukdulang kahirapan at persekusyong haharapin ng mga matapat kay Yahuwah sa panahong iyon.) Sapagkat kanilang nahulaan ang mga Trumpeta, sila ang mapagbubuntunan ng galit at sisisihin sa mga kahirapang dulot ng mga Trumpeta.

Ang kaparusahan sa hindi pagtanggap sa kautusan ng araw ng Linggo ay patuloy na tataas, magiging mas mahirap sa mga tagasunod ni Yahuwah na panatilihin ang tunay na ikapitong araw ng Sabbath ng Kanyang kalendaryong luni-solar. Dahil dyan, marami ang magiging martir sa pagtanggol sa tunay na Sabbath ni Yahuwah. Mayroong pagdaan ng ilang taon sa pagitan ng pagtatapos ng Ikalimang Trumpeta at simula ng Ikaanim na Trumpeta para sa sumusunod na kadahilanan: Ang panahon ng tatlo’t kalahating taon ay magsisimula matapos ang Ikalimang Trumpeta kapag ang ikawalong hari, Pope Francis ay nagtagumpay sa pagpapatupad sa pagpapabanal sa Araw ng Linggo, at kasamang magwawakas ng probasyon bago ang Ikapitong Trumpeta.

Magaganap ang Ikaanim na Trumpeta sa loob ng isang oras; Pagkatapos ay “darating na agad” ang Ikapitong Trumpeta (Pahayag 11:14). Ibig sabihin nito’y mayroong pagdaan ng halos tatlo’t kalahating taon sa pagitan ng pagtatapos ng Ikalimang Trumpeta at simula ng Ikaanim na Trumpeta. Sa pagtama ng Ikaanim na Trumpeta, ipapahayag ni Pope Francis na ang pagpapatupad sa pandaigdigang Kautusan ng Araw ng Linggo ay hindi pa nakakakuha ng pagsang-ayon ng langit dahil sa mga tinatawag nilang lunatikong palawit na nanindigan sa Lunar Sabbath, at tumutuligsa sa Araw ng Linggo sa Kalendaryong Gregorian.

Ngayon, tumungo na tayo sa Ikaanim na Trumpeta (Ikalawang Lagim):

“Hinipan ng ikaanim na anghel ang kanyang trumpeta at nakarinig ako ng tinig mula sa mga sulok ng gintong dambana na nasa harapan ng Diyos. Iniutos nito sa ikaanim na anghel na may trumpeta, ‘Kalagan mo ang apat na anghel na nakagapos sa tabi ng malaking Ilog Eufrates.’ “ (Pahayag 9:13, 14, MBB)

masamang anghelSinu-sino ang mga anghel na nakagapos sa dakilang Ilog Eufrates? Hindi sila mga anghel ng langit sapagkat ang mga anghel ng langit ay hindi “nakagapos.” Nalaman natin mula sa pag-aaral ng Kanyang Salita na marami sa mga masasamang anghel ang nakagapos sa hindi nakikitang “napakalalim na hukay.” Kaya ating pinalagay mula sa Bibliya na ang dakilang Ilog Eufrates ay ang bilangguan kung saan ang namumunong mga masasamang anghel ay nakagapos sa loob ng napakalalim na hukay.

“At pinalaya ang apat na anghel upang patayin nila ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan; talagang inihanda sila para sa oras, araw, buwan at taóng ito. Narinig ko na ang bilang ng hukbong nakakabayo ay dalawandaang milyon [200,000,000].” (Pahayag 9:15, 16, MBB)

Ang nahulaang oras ng Ikaanim na Trumpeta ay napaka-tukoy na: Sa isang tiyak na oras, sa tiyak na araw, ng buwan sa isang taon, ikatlo ng kabuuang populasyon ng mundo ang papatayin ng dalawan-daang milyon demonyo na pamumunuan ng apat na anghel. Ang diyablo ay gagamitin ang napakalaking hukbo ng dalawan-daang milyong demonyo upang lumikha ng pandaigdigang pagdanak ng dugo sa tagal lamang ng isang oras.

Sa loob ng isang oras lamang, ang bilang ng mga namatay ay mahigit dalawang bilyong tao. Kaya ang pagtatapos ng tatlo’t kalahating taon ay hudyat ng pagwawakas ng probasyon, karaniwan na pinalagay na hindi papayagan ni Yahuwah ang pagpatay ng ikatlo ng lahat ng nabubuhay maliban na lamang sa mas nalalapit na pagtatapos ng probasyon. Ito ay kung bakit naniniwala kami na ang pagsasaoras ng pandaigdigang pagpatay ay magaganap malapit sa pagwawakas ng panahon ng tatlo’t kalahating taon.

“Sa aking pangitain ay nakita ko ang mga kabayo, at ang mga dibdib ng mga sakay nito ay may mapulang baluti na gaya ng apoy, asul na gaya ng safiro, at dilaw na parang asupre. Ang mga ulo ng mga kabayo ay parang ulo ng leon, at ang kanilang bibig ay bumubuga ng apoy, usok at asupre. Ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan ay pinatay ng tatlong salot na ito: ang apoy, usok at asupre na nagmula sa bibig ng mga kabayo. Sapagkat ang kapangyarihan ng mga kabayo'y nasa kanilang mga bibig at mga buntot. Ang kanilang mga buntot ay parang ahas na may ulo, na siyang ginagamit nila sa pananakit ng tao.” (Pahayag 9:17-19, MBB)

Ang anyo ng pangangatawan ng makademonyong hukbo ay ibang-iba sa Ikalimang Trumpeta. Lilitaw ang mga demonyong ito na nakasakay sa kabayo, ang mga ulo’y katulad sa leon, buntot gaya sa ahas, at bumubuga ng apoy, usok at asupre. Sa apoy, usok, at asupre na mga ito ang ikatlo ng sangkatauhan ay malilipol.

“Ang natira sa sangkatauhan na hindi namatay sa mga salot na ito ay hindi nagsisi. Hindi sila tumalikod ni tumigil man sa pagsamba sa mga demonyo at sa mga diyus-diyosang ginawa ng kanilang kamay, mga larawang ginto, pilak, tanso, bato at kahoy, na di nakakakita, nakakarinig o nakakalakad man. Ni hindi rin nila pinagsisihan ang kanilang mga pagpatay, pangkukulam, pakikiapid at pagnanakaw.” (Pahayag 9:20, 21, MBB)

Nakakalungkot man, ang natitirang dalawa sa tatlong bahagi ng sangakatauhan ay patuloy na maghihimagsik laban kay Yahuwah, hahamakin ang Kanyang huling panawagan ng awa. Matapos pagtiisan ang anim na Trumpeta, ano pang mas malakas na panawagan ang maaaring ibigay ng ating mapagmahal at maawaing Ama bago magsara ang probasyon?  Sa ating sagasang paghihimagsik, tatatakan ang tadhana natin at tiyak na mapapahamak sa pagtama ng Ikapitong Trumpeta (Ikatlong Lagim), na magpapahirap nang walang awa.

batang nagbabasa ng Bibliya

 “Natapos na ang ikalawang lagim, at ang ikatlong lagim ay malapit na.” (Pahayag 11:14, MBB)

Sa mga matapat sa panahong iyon, ang mga pangako ng Awit 46 ay matutupad sa kanilang mga buhay:

“Ang [Elohim] ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay; kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah) May ilog ng galak sa bayan ng [Elohim], sa banal na templo'y ligaya ang dulot. Ang tahanang-lunsod ay di masisira; ito ang tahanan ng [Elohim] na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga. Nangingilabot din bansa't kaharian, sa tinig ng [Elohim] lupa'y napaparam. Nasa atin ang [Elohim] na Makapangyarihan, ang [Elohim] ni Jacob na ating kanlungan. (Selah) Anuman ang kanyang ginawa sa lupa, sapat nang pagmasdan at ika'y hahanga! Maging pagbabaka ay napatitigil, sibat at palaso'y madaling sirain; baluting sanggalang ay kayang tupukin! Sinasabi niya, ‘Ihinto ang labanan, ako ang [Elohim], dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.’ Nasa atin ang [Elohim] na Makapangyarihan; ang [Elohim] ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)” (Mga Awit 46:1-11, MBB)


Ikapitong Trumpeta (Ikatlong Lagim)

Ang Huling Pitong Salot...

Sa panahon ng unang anim na Trumpeta, nagbigay si Yahuwah sa lahat ng nabubuhay ng huling pagkakataon na tanggapin ang kaligtasan bago ang probasyon ay magsara magpakailanman. Ang unang anim na Trumpeta (di tulad sa huling pitong salot) ay halo pang awa; nalaman natin na ikatlong bahagi lamang ng mga tudlaan ang napinsala.

“Ang natira sa sangkatauhan na hindi namatay sa mga salot na ito ay hindi nagsisi. . .” (Pahayag 9:20, 21, MBB)

mga kabataang nagsasayawan – buhay sa siyudadSa pagsisikap na gisingin ang mundo, ano pa ang maaaring gawin ng Langit, ibigay, o ihandog ang hindi pa nagagawa sa walang hanggang pagsasakripisyo ng bugtong na Anak ni Yahuwah, Yahushua?

“Panginoong [Yahuwah] na Makapangyarihan sa lahat, talagang matuwid at tama ang mga hatol mo!” (Pahayag 16:7, MBB)

Sa patuloy na paghihimagsik at pagtanggi na makinig sa mga babala ng unang anim na Trumpeta, ang sangkatauhan sa katunayan ay hahamunin si Yahuwah na isara ang probasyon.

“Magpatuloy sa pagpapakasama ang masasama, magpatuloy sa pagpapakarumi ang marurumi, ngunit ang [matuwid] ay magpatuloy sa gayong pamumuhay at ang banal sa pagiging banal.” (Pahayag 22:11, MBB)

Ang mga walang pagsisisi ay nakahandang tikman ang hindi mabantong huling pitong salot – ang ikatlo at huling Lagim.

“Natapos na ang ikalawang lagim, at ang ikatlong lagim ay malapit na.” (Pahayag 11:14, MBB)

“Pagkatapos ay hinipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta at sa langit ay may malalakas na tinig na nagsabi, “Ang paghahari sa sanlibutan ay paghahari na ngayon ng ating Panginoon at ng Kanyang [Pinahiran]. Maghahari Siya magpakailanman!” (Pahayag 11:15, MBB)

Sa pagtunog ng Ikapitong Trumpeta, ang kaharian ng sanlibutan ay magiging kaharian ni Yahushua, indikasyon na ang dakilang pagtutuos nina Satanas at Yahuwah ay nagwakas na at si Yahushua ay ngayo’y darating upang pumalit. Gayunman, sa paghahambing ng mga Trumpeta, nakikita natin na sa bawat susunod na Trumpeta ay mas malala sa nauna, itinuturing na ang Ikapitong Trumpeta ang pinakagrabe sa kalakihan. Sapagkat ang Ikapitong Trumpeta ay pinakamalala sa laki at bago ang Muling Pagdating; at ang Huling Pitong Salot ay mga pinakamalala at darating bago ang Muling Pagdating, ating pinagtibay na ang Ikapitong Trumpeta ay ang mismo Huling Pitong Salot.

Ang mga sumusunod ay anumang natutunan natin tungkol sa huling pitong salot mula sa Bibliya:

Ang sanlibutan ay magpapatotoo sa katarungan ni Yahuwah sa pagbuhos ng huling pitong salot.

“Panginoong [Yahuwah] na Makapangyarihan sa lahat, talagang matuwid at tama ang mga hatol mo!” (Pahayag 16:7, MBB)

Ang sanlibutang hindi pa bumabagsak ay masasaksihan na habang ang huling pitong salot ay ibinubuhos sa mga masasama, ang kanilang mga puso ay magiging sukdulan sa katigasan.

“Napaso nga sila, ngunit sa halip na magsisi at talikuran ang kanilang mga kasalanan at magpuri [kay Yahuwah], nilapastangan pa nila ang pangalan [ni Yahuwah] na may kapangyarihang magpadala ng ganoong mga salot.” (Pahayag 16:9, MBB)

Marami sa mga matuwid na nabubuhay (144,000) ay nasa mga selda o nagtatago sa mga mapanglaw na pahingahan, lahat ay nagsusumamo ng banal na proteksyon sa pagharap sa pangkalahatang pagpatay na kautusan laban sa kanila. Ang masama ay nakumbinsi ng Halimaw at mga huwad na pastol na ang pagtanggi ng mga matuwid na dakilain ang huwad na araw ng pagsamba ng Roma ay dulot ng mga Trumpeta at mga salot. Pipilitin ng Roma at kanyang mga kaalyado na ang tanging paraan para makuha ang pagpanig ng Langit ay sa pagpuksa ng 144,000 sa isang pamatay na salakay.

Ang pagsubok na tiniis ng 144,000 sa panahon ng matinding paghihirap at pagkabalisa ay nailarawan bilang “panahon ng paghihirap para kay Jacob.” (Jeremias 30:5-7) Walang paglalarawan ang maaaring sapat na ipakita ang laki ng anumang tinitiis ng 144,000 nang walang pamamagitan ni Yahushua sa Makalangit na Kanlungan. Ito ay kaparehong kalikasan ngunit hindi ng laki nang naranasan ni Yahushua sa krus nung ang mukha ng Kanyang Ama ay nagkubli mula sa Kanya.

Ang matuwid ay hindi pahihintulutang mamili o magtinda bago pa nung ibuhos ang huling pitong salot.

nakadipang kamay na tumatanggi sa salapi 

“At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon.” (Pahayag 13:17, MBB)

Ang kanilang pagtanggi na dakilain ang huwad na araw ng pagsamba ng Roma, at ang kanilang pagtangging ilagay sa kahihiyan ang kalendaryo ni Yahuwah at ang Kanyang mga banal na araw ay makukuha nila ang poot ng buong mundo, ipapatupad sa kanilang ang kautusang “walang maaaring magtinda o bumili.” Ito ang kabayaran sa mga matuwid sa hindi pagtanggap sa “tanda ng halimaw.” Gayunman, maghihiganti si Yahuwah sa aksyong ito laban sa Kanyang bayan, at dadalhin ang lahat ng pandaigdigang kalakal sa pagkahinto sa panahon ng huling pitong salot:

“Dahil sa kanya'y tatangis din at magdadalamhati ang mga mangangalakal sa daigdig, sapagkat wala nang bibili ng kanilang paninda.” (Pahayag 18:11, MBB)

Sa panahon ng 30 araw ng mga salot, ang mga makasalanan ay unti-unting magigising sa magaspang na katunayan na ang mga matuwid ay iniingatan ng higit sa karaniwan. Biglang mamitak sa kanila na sila’y naloko at nalinlang ng Roma at kanyang mga kaalyado, na nangako sa kanila ng panunumbalik ng kasaganaan at pagpabor ng banal kapag ang mundo’y pupuksain ang sinumang tumangging dakilain ang huwad na kalendaryo at huwad na araw ng pagsamba ng Roma. Ang pag-asa ng makamundong natamo at materyal na kasaganahan kung saan isinakripisyo nila ang lahat na masiguro ay ngayo’y nakita sa tunay nitong liwanag at halaga.

Ang kawalan ng pag-asa at dalamhati na babalot sa masama sa panahong iyon ay malinaw na inilarawan:

“Nasa labas ng bayan ang digmaan, nasa loob naman ang salot at taggutom. Ang nasa bukid ay namamatay sa digmaan. Ang nasa loob ng bayan ay nauubos sa salot at taggutom. Kung may makatakas man sa bundok, sila'y matatagpuan sa mga bundok, na parang mga kalapating lumisan sa mga libis; sila'y nangangatog sa takot dahil sa kanilang kasamaan. Lahat ng kamay ay nanghihina at bawat tuhod ay nangangatog. Bawat isa'y nakabalot ng sako, pinaghaharian ng matinding takot. Ang kanilang mga ulo'y naahitan, nakatungo dahil sa laki ng kahihiyan. Ipinagtatapon na sa lupa ang kanilang pilak. Ang mga ginto'y wala nang halaga. Ang pilak at ginto nila'y walang maitulong sa kanila sa araw ng poot ni [Yahuwah]. Hindi mapawi ng mga ito ang kanilang gutom, hindi nila ito makain. Ibinagsak sila ng sariling kasamaan.” (Ezekiel 7:15-19, MBB)

Ang tatlo’t kalahating araw na palugit, na ibinigay ng mga masasama sa 144,000 na sumuko at tumalikod sa tunay na ikapitong araw na Sabbath ni Yahuwah, ay magaganap sa katapusan ng panahon ng 30 araw ng pagbuhos sa pitong huling salot. Sa ika-30 araw, ang unang anim na salot na naibuhos na sa mundo, at ang mga masasama ay handa nang ipatupad ang kautusan ng pagpuksa sa 144,000. Sa natatanging sandali na ang mga masasama ay sabik na patayin ang 144,000, ang tinig ni Yahuwah, tulad ng tinig ng maraming alon, ay bababa tulad ng kulog sa mga masasama na nagsasabing:

“Naganap na!” (Pahayag 16:17, MBB)

nawasak na siyudadAng tinig ni Yahuwah ay hindi lamang magpapaalog ng langit at lupa, lilikha rin ito ng dakilang lindol ng ikapitong salot, sapagkat “. . . Ito ang pinakamalakas na lindol mula pa nang likhain ang tao dito sa lupa.” (Pahayag 16:18, MBB) Ang lindol na ito ay dudurog sa LAHAT ng estrukturang gawa ng tao sa lahat ng mga siyudad ng mundo.

Matapos ang huling salot – isang dakilang lindol na nilikha ng tinig ni Yahuwah na nagligtas sa hinirang na 144,000 mula sa kamay ng mga masasama – isang panahon ng 45 araw ay magsisimula at magwawakas sa Muling Pagdating ni Yahushua. Sa huling panahon ng kasaysayan ng daigdig ang mga hinirang ay luluwalhatiin kapag pinilit sa mga masasama na . . .

“Palalapitin ko sa iyo at paluluhurin ang mga kampon ni Satanas . . . Malalaman nilang minamahal kita.” (Pahayag 3:9, MBB)

Ang mga lider ng mundo (kumakatawan sa 10 hari) na nalinlang na “ipapailalim ang kanilang kapangyarihan at karapatan” (Pahayag 17:13) sa halimaw, ay ngayo’y ididirekta ang kanilang poot at kapangyarihan sa . . .

“. . . halimaw [na] mapopoot sa reyna ng kahalayan. Aagawin nila ang lahat ng ari-arian nito at iiwan siyang hubad. Kakainin nila ang kanyang laman at susunugin siya. Inilagay [ni Yahuwah] sa kanilang puso na isagawa ang kanyang layunin nang sila'y magkaisa at ipailalim nila sa halimaw ang kanilang kapangyarihang maghari hanggang sa maganap ang mga salita [ni Yahuwah]. (Pahayag 17:16, 17, MBB)

Naniniwala kami na anumang sandali ang Unang Trumpeta ay tatama na at susundan ng apat pang Trumpeta sa mabilis na pagkakasunod – sapagkat nabubuhay na tayo sa ilalim ng huling papa, ikawalong “hari” ng Pahayag 17.

Ang natatanging layunin ng mga Trumpeta ay pagkalooban ang sangkatauhan ng huling panawagan bago pa bawiin ni Yahuwah ang Kanyang Espiritu nang ganap sa lupa at tatakan ang kapalaran ng bawat nabubuhay. Ang mundo’y nasa gilid na masaksihan ang hindi pa nangyayaring sakuna, sa pamamagitan ng mga ito’y kukunin ni Yahuwah ang atensyon ng sangkatauhan.

“Sapagkat dumating na ang kakila-kilabot na araw ng pagbubuhos ng [Kanyang] poot, at sino ang makakatagal sa harap nito?” (Pahayag 6:17, MBB)

Ngayon, habang ang ating Panginoon ay gumagawa pa ng pagbabayad para sa atin, pagkakataon natin na linisin ang ating damit at gawing kulay puti sa dugo ng Kordero na mag-aalis ng pagkakasala sa pamamagitan ng pananampalataya sa nagbabayad na dugo ni Yahushua. Ang natatanging Tagapagligtas ay iniimbitahan kang sumama sa Kanya, upang maging iisa ang iyong kahinaan sa Kanyang lakas, ang iyong kamangmangan sa Kanyang karunungan, ang iyong pagiging hindi karapat-dapat sa Kanyang mga mabubuting katangian. Dakila ang magiging paglaya ng lahat ng nagtiis at naghintay sa Kanyang pagdating at ang mga pangalan na nakasulat sa Aklat ng Buhay.

 “Itatago niya ako kapag may kaguluhan, sa loob ng Kanyang Templo ako'y iingatan; sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.” (Mga Awit 27:5, MBB)

“Lubusan nang pupuksain ng Panginoong [Yahuwah] ang kamatayan, at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata. Aalisin Niya sa kahihiyan ang Kanyang bayan. Sasabihin ng lahat sa araw na iyon: ‘Siya ang hinihintay nating [Eloah] na sa ati'y magliligtas, siya si [Yahuwah] na ating inaasahan. Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo'y Kanyang iniligtas.’ ” (Isaias 25:8, 9, MBB)

“Makinig kayo! Darating na ako! Pinagpala ang sumusunod sa mga salita ng propesiya na nasa aklat na ito! . . . Pinagpala ang naglilinis ng kanilang kasuotan sapagkat bibigyan sila ng karapatang pumasok sa lungsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay.” (Pahayag 22:7, 14, MBB)

dadalhin sila ni Yahuwah sa kabundukan