Print

Ang Huling Ulan ay Bumubuhos! (Natatanggap mo ba ito?)

Ang mga matatapat na Kristyano ay matagal nang hinahangad ang “Huling Ulan,” o ang ipinangakong "pagpapanumbalik" ng Banal na Espiritu na inaasahan nila na magdudulot ng kahandaan sa kanila upang ibigay ang Malakas na Panawagan bago ang Muling Pagdating. Isang nakakaligtaang berso sa Deuteronomio ay ipinapakita na ang “Huling Ulan” ay lubos na kakaiba sa anong inasahan at ito ay ibinubuhos na!

Ang Iroquois Theatre, Chicago, Illinois, noong Disyembre 1903

Ang Iroquois Theatre, Chicago, Illinois, noong Disyembre 1903.

Noong Nobyembre 23, 1903, ang Iroquois Theatre ay binuksan, ito ay laganap na ginawang marangal bilang halimbawa na nararapat sa mga teatro. Ang lokasyon, malapit sa distritong pamilihan ng Loop, lubos na ligtas. Ang Chicago Daily News ay hayagang inilabas: “Walang teatro saanman ang mas mabikas sa Iroquois. Maliban sa L’Opera sa Paris, walang ibang teatro na nakita niya ang lubos na may napakagandang diwa ng arkitektura.”1 Ang Chicago Tribune ay mas matindi pa sa papuri nito, sinabing:

Isang teatrong napakaganda sa bawat pagkahirang nito, napakaganda sa bawat bahagi nito, maringal at maginhawa, ang Chicago ay dating hindi natawagan kung ano ang mayroon ito. Ang Iroquois ay tiyak na walang kalaban sa kasakdalan sa mga karaniwang lugar ng aliwan sa kanluran, at kaduda-duda kung ang silangan ay maaaring magmataas nang higit sa isa o dalawang bahay na katumbas nito.2

Ang mga patalastas at mga kartel ay pinuri ang gusali bilang “Ganap na Hindi Masusunog.”3

Tatlumpu’t walong araw ang nakalipas, noong Disyembre 30, ang teatro ay napuno sa kapasidad. Tinatayang nasa 2,100-2,200 tao ang nagsiksikan para sa isang palabas sa hapon. Hindi bababa sa 200 parokyano—karamihan ang mga kababaihan at mga kabataan—ay mga walang kinauupuan ngunit pinayagan na tumayo sa likod at umupo sa pasilyo.

Sandali tungo sa ikalawang akto, isang maslin na kurtuna ang nasunog. Sa loob ng dalawang minuto, ang buong paliparang galerya sa ibabaw ng entablado ay nilamon na ng apoy. Si Eddie Foy, isang aktor sa palabas, ay sinubukang pigilan ang mapanganib na pagmamadalian ng mga manonood sa paghihimok, “Maupo lang kayo. Wala ito. Mawawala rin ito sa isang minuto. Pagtugtugin mo na Dillea!”4 Ang direktor ng musika, si Joseph Dillea, ay sinundan ang payo ni Foy at nagpatugtog.

Ang Iroquois Theatre matapos ang sunog (Chicago, Illinois)

Ang mga bangkay ay nakasalansan, 10 talampakan ang lalim sa loob ng nakakandadong pintuan, o hindi sapat para sa bigat ng mga tao sa loob.

Mahigit 600 katao ang namatay dahil sa sunog, karamihan sa loob ng ilang minuto.

Ang nag-iisang trahedyang ito sa isang “Ganap na Hindi Masusunog” na gusali—isang sunog na inawas na “Wala ito. Mawawala rin ito sa isang minuto”—ay nananatiling pinaka nakamamatay na sunog sa iisang gusali ganon din bilang pinaka nakamamatay na sunog sa teatro sa kasaysayan ng Esatados Unidos.

Ang mga taong nahilig sa teatro, ang mga narinig ang sunog na inawas na walang iba kundi maliit na abala lang ay walang ideya na, maging sa sila’y nakaupo at nakikinig sa palabas ng orkestra, ang apoy ay lumalapit, nalalamon ang lahat sa kanilang landas. Inasahan nila ang isang nakalulugod na katapusan sa isang kaaya-ayang pagliliwaliw. Inasahan nila na sila’y makakauwi makalipas ang ilang oras.

Ang katunayan ay ang mga pangyayari ay nagaganap, na iiwas sa daan-daan mula sa pagtatanto sa kanilang mga inaasahan.

Ang madilim na patotoo ay ang mismong kaparehong kaganapang ito ay mauulit ngayon, ngunit sa panahong ito, mas matindi ang nakataya: ang walang hanggang kaligtasan ng maraming tao.

Ang Maagang Ulan

Ang pagbubuhos ng Banal na Espiritu sa Pentecostes ay isang espiritwal na pangyayari ng kamangha-manghang kahalagahan.

Pagsapit ng Araw ng Pentecostes, nagtitipon silang lahat sa isang lugar. Biglang nagkaroon ng isang ugong mula sa langit, gaya ng isang napakalakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kanilang kinaroroonan. May nakita silang tila mga dilang apoy na nahahati at lumapag sa bawat isa sa kanila. Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nagsalita sa iba't ibang wika, ayon sa kakayahang magpahayag na ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. (Mga Gawa 2:1-4, FSV)

Ang napakadakilang kaloob ng Banal na Espiritu ay ibinuhos nang walang sukat, ibinigay sa mga mapusok, ang kapangyarihan, na magpapagana sa mga maagang mananampalataya na kunin ang mensahe ng mabuting balita sa nalalamang sanlibutan sa iisang henerasyon. Ito ang pagdating ng ipinangakong “Taga-Aliw” at ito ay ibinuhos bilang “maagang ulan.”

Ano pa ang mas mahalaga sa mga mananampalataya ngayon, ay ang pagtuklas ng isang teksto sa Lumang Tipan na nangangako ng isang pag-ulit ng kaloob na ito, sa panahon lamang na ito, sa kapangyarihan ng “huling ulan.” “Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak kay Yahuwah ninyong Eloah; sapagka't Kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, at Kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan, sa unang buwan.” (Joel 2:23, ADB)

Mahalagang pangako! Isang pagbubuhos ng Banal na Espiritu upang maglinis sa kaluluwa at buhay, upang kunin ang mga tao sa paghahanda na makita si Yahushua sa kalangitan at ibigay sa kanila ang kapangyarihan para kunin ang mensahe ng pinakahuling babala sa buong sanlibutan. Marami sa mga mananampalataya ay tumanaw sa ipinangakong pangyayaring ito nang may paghahangad. Sila’y sabik para sa paglilinis. Nais nilang makipagtulungan sa Langit sa pagkuha ng Malakas na Panawagan (pinakahuling babala) sa buong mundo, sila’y nanalangin kay Yahuwah na magpadala ng huling ulan para ihanda sila sa mga kaganapang magwawakas sa daigdig.

Sa kasamaang-palad, marami ay ginagawa ang eksaktong kamalian na ginawa ng mga tao sa Iroquois Theatre, sila’y uupo lamang sa kanilang mga kinauupuan at tahimik na makikinig ng musika, ganap na inaasahan na makakauwi matapos ang palabas. Inilalagay nila ang inasahang huling ulan sa hinaharap habang, sa mismong sandaling ito, ang mga pangyayari ay nahahayag na maaaring pumigil sa kanila mula sa pagkuha ng kanilang inaasahang paglalakbay sa Langit.

Upang maunawaan kung bakit ang pagkalitong ito ay nagaganap, mahalaga na unawain kung ano ang maaga at huling ulan sa Palestino, at ano kapag ang mga ito ginamit bilang mga simbulo.

Mga Ulang may Unos

Lumaki ako sa marahang lumiligid na mga burol ng bansang mayaman sa trigo. Lubos na tuyo at tigang. Ang taunang pag-ulan ay nasa 20 pulgada (50 sentimetro), karamihan ay mula sa mga pag-ulan ng tagsibol at taglagas pati taglamig. Ang mga magsasaka ay ginawang ganap ang sining ng pagsasaka sa tuyong lupain. Magtatanim sila ng trigo ng taglamig sa panahon ng taglagas. Ito’y uusbong at magsisimulang lumaki. Kapag dumating ang taglamig, ang batang trigo ay maghihintay, protektado mula sa matinding lamig sa ilalim ng nagkukubling manta ng nyebe. Kapag ang mga ulan ng tagsibol ay bumagsak, ang trigo ay mahihinog nang mabilis. Pagkatapos, ito ay matutuyo sa ilalim ng napakainit na araw sa tag-init bago anihin sa buwan ng Hulyo.

pagsasaka ng trigo sa tuyong lupain (Ang larawan ay ginamit sa pahintulot ng Michael Brandt Photography)

Ang pagsasaka ng trigo sa tuyong lupain ay lubos na pareho sa hindi irigadong kasanayan ng pagsasaka ng mga magsasakang Israelita sa sinaunang Palestino.

(Ang larawan ay ginamit sa pahintulot ng Michael Brandt Photography.)

Ang taunang pag-ikot na ito ay pareho, sa maraming paraan, kung paano ang butil ay lalaki sa tigang na klima ng Palestino. Ang mga magsasaka ay nagtanim sa taglagas. Sila’y nag-aani ng sebada sa tagsibol at trigo sa tag-init. Ang mga magsasakang Israelita ay nakasalalay sa dalawang panahon ng tag-ulan para lumaki ang kanilang mga pananim. Ang “maagang ulan” ay bumuhos sandali matapos ang pagtatanim sa taglagas. Uusbong ang mga binhi at magsisimulang lumago.

Ang “huling ulan” ay bumuhos sa katapusan ng pag-ikot ng paglaki, sa panahon ng tagsibol, at maghahatid sa mga binhi na mahinog. Ang huling ulan ay tiniyak ang isang masaganang ani.

Hindi na kagulat-gulat na ang Espiritu ng Pagkapukaw ay pipiliing gamitin ang maaga at huling ulan bilang mga simbulo ng espiritwal na paglaki at paggulang ng mga mananampalataya sa Pentecostes at, muli, bago ang Muling Pagdating.

Oo, pero...ano ito?

Tunay nga...ang huling ulan ay ang Banal na Espiritu. Ngunit ano, tiyakan, ang kahulugan nito? Paano nito inihahanda ang mananampalataya para sa Langit?

Ang kasagutan sa katanungang ito ay ipinapakita ang isang kapana-panabik na patotoo: ang huling ulan ay nagsimula na! Ito’y ibinubuhos na ngayon!

Ipinaliwanag ni Yahushua ang espesyal na gawa ng Banal na Espiritu, sinasabing:

Ang Huling Ulan ay Bumubuhos! (Natatanggap mo ba ito?)Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, para sa inyong kapakanan na ako’y aalis. Sapagkat kung hindi ako aalis, hindi darating sa inyo ang Kaagapay. At kung ako’y aalis, isusugo ko siya sa inyo.

Sa kanyang pagdating, ilalantad niya ang kamalian ng sanlibutan tungkol sa kasalanan at sa katarungan at sa paghatol:

Tungkol sa kasalanan, dahil hindi sila sumasampalataya sa akin;

Tungkol sa katarungan, dahil pupunta ako sa Ama at hindi na ninyo ako makikita;

Tungkol sa paghatol, dahil ang pinuno ng sanlibutang ito ay hinatulan na.

Marami pa akong sasabihin sa inyo, subalit hindi pa ninyo kayang tanggapin ngayon.

Kapag dumating siya, ang Espiritu ng katotohanan, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan; sapagkat hindi mula sa sarili ang kanyang sasabihin, kundi kung ano ang naririnig niya at ipapahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating.

Luluwalhatiin niya ako, sapagkat tatanggapin niya kung ano ang mula sa akin at ipapahayag niya ito sa inyo. (Juan 16:7-14, FSV)

Ang Banal na Espiritu ay ibinigay para magturo! Upang turuan ang mapagpakumbabang mag-aaral sa mga patotoo ng langit. Ang “huling araw,” dahil dito, ay ang sumulong na patotoo!

Ang patotoong ito ay itinatag sa dalawang mahalagang berso, nakatago sa aklat ng Deuteronomio: “Makinig kayo, mga langit, at ako'y magsasalita, At pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig. Ang aking aral ay papatak na parang ulan; Ang aking salita ay bababa na parang hamog; Gaya ng ambon sa malambot na damo, At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin.” (Deuteronomio 32:1-12, ADB)

Ang huling ulan ay aral. Ito ay bagong liwanag! Upang manindigan sa paningin ng isang banal na Yah nang walang tagapamagitan ay nangangailangan ng pagpapanumbalik ng mga patotoo na matagal nang ikinubli. Ang mga patotoo na ibinaon sa ilalim ng mga patong ng kamangmangan, pamahiin at mga tradisyong gawa ng tao ay muling ibinalik sa ilalim ng mga paliguang nagbibigay-buhay ng huling ulan.

At ito ay nagaganap na!

Dumaraming Liwanag

Iyong mga nagpapatuloy sa lumang kaugalian at ubaning pagkakamali ay nawalan ng paningin sa katunayan na ang liwanag ay patuloy sa pagdami sa landas ng lahat ng sumusunod [kay Yahushua]; ang katotohanan ay nananatili sa paglalahad sa bayan [ni Yah]. Dapat tayong magpatuloy sa pagsulong kung talagang sumusunod tayo sa ating Lider. Ito ay kung kailan tayo naglalakad sa liwanag na sumisikat sa atin, sundin ang katotohanan na bukas sa ating pagkakaunawa na tatanggapin natin ang mas malaking liwanag. Hindi tayo maaaring maipagpapatawad sa pagtanggap lamang sa liwanag na mayroon ang ating mga ninuno, isang daang taon ang lumipas. Kung ang ating mga ninunong may takot [kay Yah] ay nakita ang ating nakita, at narinig ang ating narinig, tiyak na tinanggap nila ang liwanag at lumakad rito. Kung ninanais nating gayahin ang kanilang katapatan, dapat nating tanggapin ang mga patotoo nang bukas sa atin, gayong tinanggap ng iba na inilabas sa kanila; dapat nating gawin ang katulad ng mga nagawa nila, na sila’y namuhay sa ating panahon.5

Ang tumaas na bilang ng liwanag ay isang napakadakilang kaloob. Pinalakas ni Yahuwah ang Kanyang mga anak sa pagkakaloob sa kanila ng dumaraming bilang ng kaalaman, karunungan at pang-unawa ng mga malalalim na bagay ni Yah. Ang walang hanggang pag-ibig ay ipinakita sa hindi pagpigil sa anumang patotoo, na kapag tinanggap, ay magpapalakas at ibibigay sa kaluluwa sa makalupang paglalakbay nito. Kapag ang Kanyang bayan ay nagugutom at nauuhaw para sa Kanyang sinag ng liwanag, ang Ama ay hindi sila kailanman binibigo.

“Tangi lamang ang mga namumuhay sa liwanag ang makakatanggap ng mas dakilang liwanag. Maliban na lang kung tayo ay araw-araw na sumusulong sa pagpapahalimbawa ng mga aktibong Kristyanong pagkamatuwid, hindi natin kilalanin ang mga pagpapahayag ng Banal na Espiritu sa huling ulan. Ito ay maaaring bumagsak sa mga puso ng mga nasa paligid natin, ngunit hindi natin makikilala o tanggapin ito.” (Testimonies to Ministers, p. 507.)

Ipinahayag ni Yahushua, “Pinagpala ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila'y bibigyang-kasiyahan.” (Mateo 5:6, FSV) Binibiyayaan ni Yahuwah ang mga nagsisikap sa paghahangad para sa mas dakilang liwanag. Iyong mga nagpapahalaga at sumusunod sa katotohanan, anuman ang kabayaran, ay mag-aani ng mga masasaganang espiritwal na gantimpala sa buhay na ito, at patuloy pa sa mas dakilang kabayaran sa darating na buhay. Pinapalalim ni Yahuwah ang kanilang pag-ibig para sa patotoo ng mga bagong sinag ng liwanag mula sa Kanyang trono ng kagandahang-loob.

Ang ganitong mga dakilang kaloob, gayunman, ay nagdadala rin ng mga dakilang espiritwal na tungkulin. Oo, para ibahagi sa iba kung ano ang natutunan, at magpatuloy rin sa landas ng paghahangad ng lalo pang dumaraming liwanag. Sa loob ng mahabang panahon, ang mga Kristyanong simbahan ay nakuntento sa liwanag na taglay nila. Ang Simbahang Katoliko, ang pinakamatanda sa mga organisadong denominasyon, ay nagmamalaki sa mga matatandang tradisyon nito at ibinatay ang marami sa mga doktrina nito sa walang iba kundi sa “mga pagtuturo ng mga ama ng simbahan.” Paano ito naiiba mula sa Rabinikong “kasabihan ng mga matatanda” na matunog na tinuligsa ni Yahushua?

Ang mga denominasyon na lumitaw sa Repormasyon Protestante ay niyakap ang mga mahahalagang sinag ng Makalangit na liwanag sa kaparian ng lahat ng mga mananampalataya, pagkamatuwid sa pananampalataya, bautismo sa matanda sa pamamagitan ng pagpapalubog at iba pa ngunit sila’y huminto. Ang ikalawa at ikatlong henerasyon ng mga Protestante ay nakuntento sa liwanag na nakamit ng kanilang mga magulang at mga ninuno. Sila’y hindi na nagpatuloy sa paghahangad ng mas maraming patotoo.

“Marami sa mga itinuring na mga tagapagturo ay ganap na kuntento na ihanda ang kanilang mga pusta at walang gagawing pagsulong sa sarili nila, at sila’y lubos na nababalisa kapag ang iba ay nahikayat sa paghahangad sa patotoo. Kapag ang bagong liwanag ay ipinakita, nararamdaman nila ang nararamdaman ng mga Pariseo noong unang dumating si Kristo na taglay ang bagong liwanag para sa bansang Hudyo. Nais nilang pigilan ang pagdami ng liwanag. Hindi lamang sila tumanggi na maghanap sa Kasulatan para sa kanila, ginagawa nila ang lahat ng makakaya na pigilan ang iba sa pagsasaliksik.” (Review & Herald, Hulyo 29, 1886.)

Ganon din, ang iba’t ibang denominasyon matapos ang Repormasyong Protentante na lumitaw sa ika-19 na siglo ay sumulong nang lagpas sa ano ang tinanggap ng mga repormistang Protestante bilang patotoo. Ang Seventh-day Baptists ay tinanggap ang ikapitong araw ng Sabbath at ibinahagi ito sa Seventh-day Adventists. Ang mga Mormons ay niyakap ang malusog na pamumuhay. Ang Saksi ni Jehovah ay naghangad sa tunay na pangalan ni Yahuwah at tinanggihan ang lahat ng mga paganong pagdiriwang. Karagdagan sa pagtanggap sa ikapitong araw ng Sabbath at malusog na pamumuhay, ang Seventh-day Adventist ay pinag-aralan ang malawak na patotoo ng santuwaryo at ang mga aral na itinuturo nito tungkol sa plano ng kaligtasan.

Ngunit...

Subalit bawat isa sa mga denominasyong iyon ay inulit ang mga kamalian ng nakaraan at sila rin, ay tumigil. Sila’y hindi nagpatuloy na sumulong sa liwanag.

Upang matanggap ang bago at mas malalim na liwanag, ang bawat naghahangad ng katotohanan ay dapat na lumayas sa bawat tradisyong gawa ng tao. Siya ay dapat na isantabi ang bawat inakalang pagpapalagay at kusang-loob na sumunod sa anumang ipinapakita ng Banal na Espiritu bilang patotoo.

Ilatag sa pintuan ng pagsisiyasat ang iyong mga inakalang opinyon at ang iyong mga minana at nalinang na ideya. Hindi mo kailanman maaabot ang patotoo kung hinahanap mo ang mga Kasulatan para panindigan ang iyong mga sariling ideya. Iwanan ang mga ito sa pintuan, at sa isang nagsisising puso, pumasok para marinig kung ano ang sasabihin [ni Yahuwah]...

Huwag mong dadalhin ang iyong kredo sa Bibliya at basahin ang Salita sa liwanag ng iyong mga dating opinyon. Huwag mong subukan na gawin ang lahat ng bagay na sang-ayon sa iyong kredo. Hanapin ang Salita nang maingat at manalangin sa isang kaisipang malaya mula sa masamang palagay. Kapag ikaw ay nagbabasa habang dumarating ang paghatol, at nakikita mo na ang iyong mga pinaka itinatanging opinyon ay wala sa pagkakatugma sa Salita, huwag mong subukan na gawin ang Salita na naaangkop sa mga opinyong ito. Gawin ang iyong mga opinyon na angkop sa Salita. Huwag mong pahintulutan ang anong pinaniwalaan o sinanay mo sa nakaraan na kumontrol sa iyong pagkakaunawa. Buksan ang mga mata ng iyong kaisipan upang pagmasdan ang mga kahanga-hangang bagay na lumabas sa kautusan. Hanapin kung ano ang nasusulat, at pagkatapos ay itanim ang iyong mga paa sa walang hanggang Bato.6

Tangi lamang sa paggawa nito, posible na tumayo nang higit sa mga nakatanim na pagpapalagay at sundin ang patotoo saanman ito mangunguna.

Para matugunan ang pangangailangang iniwan ng mga kabiguan ng mga simbahan na sundin ang sumusulong na liwanag, iba’t ibang malalayang paglilingkod ang itinaas upang magpalaganap ng mga patotoo ng Langit. Ang mga paglilingkod na ito ay tapat na ibinahagi ang liwanag na ibinigay sa kanila, ngunit halos walang pagbubukod, pinili nila na kumapit sa kanilang isang sinag ng liwanag, tumatanggi na sundin at pag-aralan ang marami pang patotoo. Mas masahol, gaya ng iba’t ibang denominasyon sa harapan nila, karamihan sa mga malayang paglilingkod ay tinuruan ang kanilang mga tagasunod na itapon ang anumang liwanag nang lagpas sa anumang taglay nila.

Ito ay isang dakilang trahedya. Ito rin ang isang dakilang panganib sa mga kaluluwa ng mga tinanggihan ang sumulong na liwanag. Ang mga patotoo ng Langit ay dapat na masikap na hangarin! Ang mga ito’y maingat na pag-aaralan at sabik na tatanggapin. Walang iisang hiyas, gaano man kaliit at tila mababa ang kahalagahan, ay walang ingat na isasantabi o itatapon. Ang lahat ay dapat tipunin nang sama-sama, itangi, at sundin.

Tungkulin ng bawat tunay na mananampalataya na: 1) maghanap para sa patotoo; 2) tanggapin ang ibinigay na patotoo; at, 3) mamuhay sa buhay sa pagkakaugnay sa inilabas na liwanag.


Pinabanal sa Pamamagitan ng Pagsunod

Ang “liwanag” ay patotoo. Ngunit higit pa doon, ito ay patunay ng patotoo, maghahatid ng tahanan sa katalinuhan, at mamumuhay sa isang buhay ng pagtalima. Ang isa lamang matalinong pagpayag ay hindi kailanman magliligtas ng anuman. Ang diyablo ay kinikilala ang kapangyarihan ni Yahuwah at nanginginig, subalit nagpapatuloy sa paghihimagsik, ang patotoo ay hindi magliligtas sa kanila. Para ganap na tanggapin, ang patotoo ay dapat na sundin at ito kung kailan ang puso’y nagpasyang sumunod kaya ang Espiritu ng Katotohanan ay magpapabanal sa kaluluwa.

Pinuri ni Pablo si Yahuwah para sa mismong patotoo na ito: “Ngunit dapat kaming laging magpasalamat [kay Yahuwah] dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal [ni Yahushua]. Sapagkat kabilang na kayo sa mga hinirang bilang unang bunga. Ito'y sa pamamagitan ng Espiritung nagpapabanal sa inyo, at ng pananalig ninyo sa katotohanan.” (2 Tesalonica 2:13, FSV)

Ang salitang isinalin rito na “pananalig” sa Tagalog ay lubos na balintiyak. Sa Arabiko, ito ay mas aktibong salita na naniniwala. Ito ang kilos ng paniniwala (sinasamahan ng pagsunod) na nagpapabanal. Hindi isang balintiyak na pahintulot ng kaisipan. Ang salita ay nagmula sa Hebreo na pis’tis (#4102) na nangangahulugan na paghatol, panghihikayat at pagtitiwala.

Ang kaluluwa ay pinabanal sa pamamagitan ng pagsunod. Ito ay isang sukdulang mahalaga na punto. Ang mga bagong konsepto, na ginanap, ay nagiging mga batayang tuntunin. Ang mga batayang tuntuning ito, ay nagiging bahagi ng mga saloobin at mga paniniwala ng indibidwal. Ang mga saloobin at mga paniniwala ay bumubuo sa mga kaisipan at mga damdamin. At ang mga kaisipan at mga damdamin na ito ay ang bumubuo sa katangian.

Ang katangian ay ang tanging bagay na madadala sa Langit. Walang sinuman ang maaaring makipagsapalaran sa pinakamaliit na sinag ng liwanag, dahil ang bawat isa’y naglalatag ng pundasyon para sa mas dakilang liwanag, iyon ay para humantong sa pagsunod at pagpapabanal ng kaluluwa. Maging ang unang hakbang na tinalikuran mula sa ganap na pagyakap sa patotoo ay inilalagay ang kaluluwa sa panganib.

Tumigas Sa Pamamagitan ng Pagsuway

Ang kasaysayan ng bansang Israel ay isang taimtim na babala sa mga mananampalataya ngayon. Ipinapakita nito ang mga kagimbal-gimbal na kahihinatnan ng pagsasara ng puso sa sumusulong na liwanag. Ang unang hakbang na tinahak ng mga Israelita sa pagtanggi sa Tagapagligtas ay mapanganib sapagkat itinatag nito ang isang alinsunuran ng pagtanggi sa patotoo. Sa huli, dahil sa mga ulat ng kanyang dakilang karunungan, kanyang napakabuting katangian, mga himala na isinagawa niya, ang paghatol ay hinawakan na si Yahushua ay tunay nga ang matagal na inaantay na Mesias. Subalit ang bumagsak na tao ay likas sa kung ano ito, ang pagmamataas ay hindi hahayaan ang mga lider na aminin na nakagawa ng pagkakamali. Ang mga lider pagkatapos nito ay iniimpluwensya ang nalalabi ng bansa na huwag tanggapin ang Tagapagligtas at ang taong-bayan ay magmamalaki na aminin na inilagay nila ang kanilang tiwala sa mga lider na nagkamali.

bukirin ng trigo (Ang larawan ay ginamit sa pahintulot ni James Richman)

Ang huling ulan ay ibinigay para ihanda ang mga puso para sa pag-aani. Tangi lamang ang mga tinanggap ang sumulong na liwanag na ito ay maaabot ang antas ng ganap na pagkahinog kay Yahushua.

(Ang larawan ay ginamit sa pahintulot ni James Richman.)

Ang bawat matapat na naghahangad ng katotohanan ay dapat na may kamalayan na ang kaparehong kaganapang ito ay mauulit ngayon. Ang mga kasapi ng simbahan na pinakitaan ng bagong liwanag at, mas madalas, ang kanilang unang reaksyon ay tumakbo tungo sa kanilang pastor, pari o guro, sabik na nagtatanong, “Totoo ba ito?”

Ang mga pangrelihiyong lider ay may mabuting kamalayan na ang bagong liwanag ay sumasalungat sa ilang itinatag na doktrina ng organisasyon na nagbabayad ng kanilang kita. Ito ay sa kanilang pinakamahusay na interes na tanggihan ang lahat ng bagong liwanag, at ginagawa nila. Ang may-akda nito ay personal na kilala ang isang dakot ng mga pastor ng Seventh-day Adventist na nahatulan na ang lunar Sabbath ay totoo, subalit hindi nila itinuturo ito sa kanilang mga kongregasyon. Sila’y nananatiling tahimik. Sila’y nagpapatuloy na kunin ang isang tseke ng kabayaran mula sa isang organisasyon na kumuha ng tindig laban sa dumaraming liwanag na ito. Ito ay inuulit sa bawat panahon na ang isa ay ginagawa ang isa pang tao na panghuling awtoridad sa kung ano ang totoo.

Bakit ang mga taong ito ay tinatanong ang kapwa tao at hindi si Yahuwah? Ang Ama ay mapagpalang iniimbitahan ang lahat na lumapit at makiusap sa Kanya para sa karunungan: “At kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya kay Yah at siya'y bibigyan, sapagkat si Yah ay nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat.” (Santiago 1:5, FSV)

Gaya ng mga Pariseo ng panahon ni Yahushua, ang mga pangrelihiyong lider ng kasalukuyan ay kinuha ang dakilang pagmamataas sa kanilang pag-aaral. Sila’y tumutungo sa seminaryo! Sila’y nag-aral ng Hebreo at Biblikal na Griyego. Sila’y nagbabasa ng mga iskolastikong obra na hindi pa naririnig ng karaniwang tao! Nangahas sila na ang kanilang nakatataas na kaalaman at nararamdamang galit sa posibilidad na ilan sa kanilang mga paniniwala ay maaaring nasa kamalian.

Kaya ang pagmamataas ay pumapasok at nararamdaman nila ang paghamak sa sinuman na magpapahiwatig na sila ay maaaring may mas paunang sunggab ng patotoo kaysa sa mga lider mismo. Iwawaksi nila ang ebidensyang inalok, sa mga panahong hindi totoo, sa mga panahong nakakalito, mga argumento. Ang mga lider mismo ay hindi nag-aaral nang may bukas na kaisipan dahil nga nasa kanilang personal na interes na itaguyod ang umiiral na estado ng kapakanan. Sa kanilang halimbawa, pinapangunahan nila ang masa na pagdudahan ang anumang bagong liwanag at himukin ang hinala ng sinuman na mangangahas na magtanong.

Kapag ang karagdagang ebidensya ay umaabot sa kaisipan ng mga pangrelihiyong lider at silang nakumbinsi ng patotoo, hindi pa rin nila ito aaminin sa kanilang mga tagasunod. Lahat ng ebidensya sa buong mundo ay hindi sapat para magtagumpay sa tumigas na pagmamataas. Sila’y patuloy na mananatili sa kanilang paraan, tumatanggi na umamin na sila’y mali.

Mayroong panganib kung kailan [si Yahuwah] ay magpapadala ng espesyal na liwanag sa kanyang bayan, ilalagay din nila ang kanilang sarili sa panig ng mga Pariseo. Ngunit huwag hayaan ang isa sa mga tao na may sumulong na liwanag, kunin ang posisyon na taglay na nila ang lahat ng liwanag na inilabas sa lahat ng panahon, at wala nang dagdag na liwanag pa ang sisinag sa kanilang landas mula sa salita [ni Yah.] Mas marami sa ating bayan ang maghahanap sa Kasulatan, mas marami pang ilalabas na mayayaman at mahahalagang perlas ng katotohanan. Ang mga nakaramdam ba ng diwa ng pang-aapi mula sa kanilang mga kapatid sa mga simbahan, ginagawa iyon na sila’y magpaparusa sa iba? Gagawin ba nila gaya ng mga mapagmapuring Pariseo? Matutugunan ba nila ang argumento nang may panunuya, siste, at uyam? Sasabihin ba nila ang tungkol sa maydala ng liwanag gaya ng ginawa ng Tagapagligtas ng sanlibutan sa mga Pariseo, “Sinasaniban siya ng demonyo”? Magiging handa ba sila na pagbawalan ang kanyang mensahe, “sapagkat hindi namin siya kasamang sumusunod sa inyo”? Ang tagapagbalita ba na ipinadala [ni Yahuwah] na may espesyal na liwanag ay ituturing nang may pangungutya at pagkamuhi, gaya ng pakikisama ng mga pagano kay Pablo, na nagsabi, “Pakinggan natin ang sasabihin ng tagalagaslas na ito”?7

Magalak Sa Liwanag

Kapag ikaw ay tumungo kay Yahuwah para sa iyong sarili, tuturuan ka Niya nang pang-indibidwal. Hindi na kailangan na makiusap sa mga opinyon ng mga pangrelihiyong lider. Ang mga patotoo na natutunan sa paraang ito ay nagiging mas mahalaga. Kapag si Yahuwah ang iyong guro, Siya ang magtatakda sa iyo tungo sa katotohanan kaya wala nang bagay ang maaaring magpayanig sa iyong pananalig.

Lubos na makapukaw-pananalig na tumingin sa mga karanasan na si Yahuwah ay nanguna, ang mga patotoo na itinuro Niya.

bukid ng trigo sa paglubog ng arawAng pangkat ng WLC ay pareho lang sa iyo. Kami ay mga simpleng grupo ng mga mapagpakumbabang mananampalataya, nakakalat sa iba’t ibang panig ng mundo, na umiibig kay Yahuwah at mayroong lumalagablab na pagnanais na ibahagi ang patotoo dahil hinatid sa aming kamalayan. Ito ay minsang nangangailangan ng isang pampublikong paghingi ng paumanhin sa nakaraang pagkakamali. Subalit ang katotohanan ay napakahalaga kaya ito ay palaging sulit! Hindi namin hinihiling na pahintulutan ang pagmamataas para panatilihin kami mula sa pagkilala sa mga nakaraang pagkakamali. Ang katotohanan lamang ay ang saligan.

Sa bawat pagtanggap sa sumulong na liwanag, maraming patotoo ang ibinigay gaya ng nakakapreskong paulanan ng huling ulan na magdadala ng mas marami pang patotoo. Ang mga patotoong ito ay inihahanda ang mga kaluluwa para sa pag-aani sa katapusan ng sanlibutan.

Ang paglalakbay na ito ay nagsimula noong 2000 para sa pangkat ng WLC nang kami’y nahatulan ng pangangailangan na iwanan ang lahat ng mga bumagsak at naghimagsik na organisasyon. Matapos ang paglutas na sundin si Yahushua at si Yahushua lamang, ang Ama ay nagpaulan sa atin ng Kanyang makalangit na pag-ulan nang mapagbigay at patuloy sa sumusunod na kaayusan:

Taong 2002:

Taong 2005:

Taong 2006:

Taong 2009:

Taong 2010:

Taong 2011:

Taong 2012:

Taong 2013:

Taong 2015:

Taong 2016:

Tanggapin ang Liwanag, Iwaksi ang Kamalian

Ang bagong liwanag ay hindi isang bagay na katatakutan o kasisindakan. Ito ay isang kamangha-manghang kaloob! Ang bawat sinag ng bagong liwanag ay inilalabas rin ang kamalian. Tanggapin nang may pasasalamat at sumama sa buhay sa pamamagitan ng pagsunod, inihahanda nito ang puso para sa Langit.

Manalangin para sa bagong liwanag. Magsaliksik nang masikap para rito, sapagkat ang mga ito ay mga nakatagong perlas. Walang mas mabuting patunay na si Yahuwah ay pinapangunahan ka kaysa sa Siya ay patuloy na nagtuturo sa iyo ng Kanyang doktrina.

Siyasatin ang iyong puso. Anong bagong liwanag ang natanggap mo na? Mayroon bang liwanag na naitapon mo? Sigurado ka ba na kamalian ang tinanggihan mo at hindi liwanag? Bumalik at muling pag-aralan. Ang pag-aaral nang may bukas na isipan ay nangangahulugan na itinuturing mo ang lahat ng ebidensya nang may puso na kusang-loob na susunod kung ang Banal na Espiritu ay hinahatulan ka na iyon ay totoo. Siguraduhin na tinanggap mo ang lahat ng makukuhang liwanag at makiusap para sa marami pa.

Ang huling ulan ay ibinubuhos na. Ang kayamanan ng impormasyon at patotoo na makukuha na ngayon ay hindi pa nangyayari sa loob ng mahabang siglo ng espiritwal na kadiliman na bumalot sa buong mundo. Ang bagong liwanag na ito ay sukdulan ang kahalagahan sa iyong kaluluwa dahil ang liwanag na ito ay inihahanda ka para makatagpo si Yahushua sa kapayapaan kapag siya ay dumating.

At siya ay halos paparito na!

paglubog ng araw sa isang napakagandang guhit-tagpuan ng bundok (Ang larawan ay ginamit sa pahintulot ni Jame Richman) 

Ang mga sinag ng walang hanggang bukang-liwayway ay patuloy na kumikinang sa guhit-tagpuan. Tanggapin nang may kagalakan at pasasalamat ang mga bagong doktrina na ibinubuhos ni Yahuwah at maging handa para sa Langit.

(Ang larawan ay ginamit sa pahintulot ni James Richman.)


1 Amy Leslie, sinipi sa Chicago Death Trap: The Iroquois Theatre Fire of 1903, ni Nat Brandt, p. 25.

2 W. H. Hubbard, ibid.

3 Brandt, p. 5.

4 Christopher Cerf, The Experts Speak, p. 247.

5 Ellen G. White, Historical Sketches, p. 197.

6 Ellen G. White, Manuscript Releases, No. 209, pp. 431-432.

7 The Home Missionary, Setyembre 1, 1894.